webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · แฟนตาซี
เรตติ้งไม่พอ
721 Chs

Chapter 621

Ipinagpatuloy ni Wong Ming ang nasabing paglalakbay niya. Masukal ang mga daan ngunit posible pa ring daanan ng mga nilalang na katulad niyang nais galugarin ang Red Mountain Ranges.

Masasabi niya ring masyadong matarik ang kabundukang ito at hindi mahulugang sinulid dahil sa dami ba naman ng puno ay halos kalahati ng liwanag lamang ang pumapasok sa loob ng kabundukang ito.

Marami pa ring mga normal na mga hayop ang naririto at masasabi niyang hindi pa ito ang masasabi niyang lugar na nais niyang puntahan.

Maaaring sinwerte lamang siyang makasagupa ng Silver Fang Bear sapagkat isang pambihirang magical beast ito at maaaring nagliwaliw lamang ito kanina sa paanan ng nasabing kabundukang ito.

Mabibilis at buong pag-iingat ang ginagawang pagkilos ni Wong Ming paakyat ng nasabing kabundukang tinatahak niya. Alam niyang sa lawak ba naman ng kabundukang ito ay tila ordinaryo lamang ang nakikita niya.

Ang mapang dala niya ay masyadong simple lamang at pinaghandaan niya talaga ang pagpunta rito upang magbaka-sakaling may mapala siya sa paglalakbay niyang itong walang kasiguraduhan.

Maya-maya pa ay narating na ni Wong Ming ang itaas ng nasabing kabundukang ito at doon nga ay mabilis niyang natanaw ang kabuuang parte ng dinaanan niya kanina ngunit nagulat siya sa mga susunod niyang nakita sa kabilang parteng tatahakin niya. Kasabay kasi ng pagtanaw niya sa bandang unahan niya ay napansin niya ang kakaibang mga pormasyon ng lupa at higit na nagtataasan pa ang mga ito.

Dahil sa nagkakapalang mga ulap at tila natatabunan nito ang tatlo pang naglalakihang mga kabundukang abot ng mga mata niya.

Ganon na lamang ang reyalisasyon ni Wong Ming nang mapagtanto niyang parang takip lang pala ang kabundukang tinawid niya at ang tatlong kabundukang nasa harapan niya ay tila ang tunay na anyo ng Red Mountain Ranges.

Kitang-kita ni Wong Ming kung gaano kalalaki o kadambuhala ang mga lumilipad na mga iba't-ibang uri ng mga flying type magical beasts sa kaulapan habang ang mga naglalakihan at nagtatayugang mga puno ay higit na marami pa kumpara sa kaniyang inaasahan.

May mga iba't-ibang pormasyon ng mga anyong lupa rin siyang natatanaw at sagana ito sa mga magical beasts na kung titingnan maigi ay hindi rin normal ang laki ng mga ito kumpara sa mga nahuhuling magical beasts sa sentral na bayan ng Red City.

Tunay ngang sagana sa iba't-ibang mga resources ang Red Mountain Ranges kaya't marami din ang mga magical beasts ang patuloy na namumuhay rito.

Maingat na binaybay ni Wong Ming ang lugar patungo sa tatlong naglalakihang mga kabundukang ito ng Red Mountain Ranges. Alam niyang hindi masasayang ang pagpunta niya rito.

Ngayon pang tila tama nga ang desisyon niyang pumunta rito. Hindi man niya nakikita ang pangunahing bagay-bagay upang lumakas ang mga dambuhalang magical beasts rito ay alam niyang ang pagluto o pagkain sa mga ito ay maaari niyang pakinabangan ng malaki.

Normal lamang ito sapagkat lahat ng mga nilalang sa mundong ito ay kailangan mamuhay o makaligtas upang mabuhay.

Maya-maya pa ay nakarinig si Wong Ming nang malakas na pagsabog sa hindi kalayuan mula sa pwesto niya.

Agad na pinawalang-bisa ni Wong Ming ang restrictions niya sa kaniyang sariling katawan sa pamamagitan ng paghubad ng concealing ring sa kanang kamay niya.

Mabilis na pinalitaw niya ang Water Esk na siyang sarili niyang mount mula sa sariling kwentas nito. Isinuot rin niya ang Jade Mask na palagi niyang tinatago upang hindi sinuman ang makakaalam ng tunay niyang katauhan. Mas mainam ng mag-ingat kaysa magsisi siya sa huli.

Personal na pinagawa ng amain niya ang isang kakaibang storage space sa isang napakahusay na craftsman ng Golden Crane City. Hindi alam ni Wong Ming kung gaano ito kamahal ngunit alam niyang hindi ito basta-bastang mabibili lamang sa kaunting halaga lamang.

Wala siyang alaala kung paanong meron siya ng Water Esk. Kahit ang amain niyang naiwan sa Golden Crane City ay tikom ang bibig nito kung paano siya nagkaroon nito at tila iniiwasan ang mga katanungan niya patungkol rito.

Magkagayon pa man ay alam ni Wong Ming na hindi magiging madali ang paglalakbay niya sa apat na siyudad na ito. Kahit na sabihing siya ay nakakalamang sa mga kahenerasyon niya ngunit ang lakas na taglay niya ay maaaring kulang pa.

Hangga't maaaari ay kailangan niyang palakasin pa lalo ang sariling abilidad at lebel ng cultivation niya dahil mas nakakatakot kalabanin ang hindi niya pa matukoy na pwersa sa apat na siyudad.

Aminin man niya o hindi ngunit ang pag-exist ng Devil's Clock at ng Demon World ang nagbukas sa kaniya sa reyalidad na masyado pa siyang mahina. Kumpara sa sinaunang Mint City ay walang-wala siya sa mga miyembro nitong matataas pa ang mga lebel ng kakayahan.

Aminin man niya o hindi ay mayroong mga bagay na higit na nakakalakas na hindi niya pa natutuklasan.

Iwinala na lamang ni Wong Ming ang ganitong kaisipan. Itinatak niya lamang sa kaniyang sarili isipan na magsusumikap siya upang lumakas dahil iyon ang unang katangian na dapat niyang taglayin kung gusto niyang mabuhay ng walang takot sa mundong ito.

...

Natunton na ni Wong Ming ang pinagmulan ng

malakas na pagsabog. Ganon na lamang ang kaniyang gimbal nang mapansing hindi mga ordinaryong nilalang ang mga ito.

Isang sugatan na dambuhalang magical beast ang nakahandusay sa lupa na kung tawagin ay Blue Crest Lion. Mapapansin na napakaganda ng kulay royal blue nitong balahibo ngunit kalunos-lunos ang sinapit nito sa limang nakaitim na nilalang na nakapalibot rito.

Isang Level 4 Beast ang Blue Crest Lion at napinsala lamang ito ng limang nilalang ngunit nang tingnang maigi ito ni Wong Ming ay nagulat siya sa kaniyang napansin. Isang batang Blue Crest Lion ito at natural lamang na matalo ito lalo pa't nasa Level 1 pa lamang ang combat ability nito kung tutuusin.

Agad na ipinasok ni Wong Ming ang Water Esk niya sa loob ng kwintas nito dahil alam niyang magiging mainit ang kakaibang anyo ng mount niya sa mata ng limang nakaitim na nilalang kung sakaling dumapo ang mga mata ng mga ito rito.

Isa pa ay ayaw niyang siya pa ang maging target ng mga ito kung sakali.

Narinig pa ni Wong Ming na nag-uusap pa ang nakaitim na limang nilalang na animo'y nagkakasiyahan ang mga ito.

"Tiba-tiba na naman tayo nito. Hindi natin aakalaing napakaswerte natin ngayon!"

"Ano pa ba? Malamang ay panig ang swerte sa atin!"

"Kawawa naman ang munting kuting na ito, iniwan ng mga magulang niya hehehe!"

"Basta malaki ang bahagi ko sa makukuha nating malaking salapi ha! Hehe..."

"Tumigil kayo, kailangan nating dalhin ng buhay ang batang leon na ito kung hindi ay tayo ang malilintikan sa mga boss natin!"

Muling tumayo ang nasabing Blue Crest Lion na maraming sugat o pinsala sa katawan habang handa na rin ang limang nakaitim na nilalang na dambahan itong muli ng pinsala ang kaawa-awang nilalang.

Nakalabas pa ang mga nagtatalimang mga ngipin ng Blue Crest Lion habang makikitang handa na rin itong pinsalain ang sinumang mananakit rito gamit ang nagtatalimang mga kuko nito.

Sa halip na matakot ang limang nang nakarinig sila ng malakas na huni galing sa ere.

Nanlaki naman ang mata ng mga ito habang nakatingin sa ere at doon nila nakita ang mas nakapangingilabot na nilalang na hindi nila inaasahang makita.

May nagbabasa pa ba nito? Can you give me some ratings and honest opinion about my book. keep supporting po. Honestly gusto kong lagyan to ng Romance Genre itong Cultivation Novel kong ito. Yup, you heard it right so it will ne a balanced book. I want to prove to myself that I can write romance genre hehe... I'm not a professional writer but I will do my whole best to deliver this story in everyone's satisfaction.

jilib480creators' thoughts