webnovel

Chapter 622

Isang Adult Blue Crest Lionness ang nakita ng limang nilalang sa ere habang makikitang galit na galit ang nasabing magical beast habang nakatunghay sa kaganapang ito.

Si Wong Ming ay tahimik lamang na nanonood mula sa hindi kalayuan ng kasalukuyang nagaganap.

Doon niya mapagtantong dumating na pala ang dambuhalang bisita na siyang ina ng napinsalang batang Blue Crest Lion.

Masasabi ni Wong Ming na triple ang laki ng Adult Blue Crest Lionness na ito sa anak nitong Blue Crest Lion din. Hindi niya aakalaing may magagandang mga pakpak ang nasabing Blue Crest Lion. Siguro nga ay isa itong pambihirang ebolusyon ng nasabing lahi ng Blue Crest Lion.

Karaniwan kasi ay walang pakpak ang Blue Crest Lion at kagaya ng iba ay hindi ito lumilipad ngunit pambihira pala ang lugar na ito at nagawang makapag-evolve ng Blue Crest Lionness na ito at dahil sa abilidad nito ay masasabi niyang nasa Level 4 or Level 5 ang abilidad nitong lumaban.

Halos mataranta naman ang apat na nakaitim na nilalang sa kanilang nasaksihan.

Kasabay nito ang pagliwanag ng mga mata ng Blue Crest Lionness at nagpaulan ito ng pambihirang skill nito.

Skill: Blue Crest Thorns!

Maraming mga naglalakihang mga kulay asul na tinik ang patungo sa kinaroroonan ng limang nakaitim na nilalang na nakapalibot sa anak nitong sugatan.

"Wag kayong mataranta. Hindi ko aakalaing isang kakaibang Blue Crest Lionness ang ating makakasagupa. Tiyak akong doble o triple ang magiging salaping makukuha natin kapag naiharap natin ito sa mga boss natin hehehe! Pormasyon!" Malakas na wika ng isang nakaitim na nilalang habang nasa harapan ito apat pa nitong kasamahan.

Bago pa tamaan ng naglalakihang mga tinik ang limang nilalang ay lumitaw ang isang pabilog na pananggalang dahilan upang walang mapinsala sa mga ito.

Dahil sa mainit na tensyon at sagupaan ng limang nilalang sa mismong Blue Crest Lionness ay naging hudyat ito upang maglibot-libot si Wong Ming sa lugar na ito upang matukoy kung saan nakatira ang Blue Crest Lionness na ito dahil maaaari niyang mapakinabangan ang kung anumang klaseng bagay na may gawa rito upang makapag-evolve ito.

Palipat-lipat ng pwesto si Wong Ming at mabilis ang kaniyang paggalaw. Alam niyang ang bawat segundong lumilipas ay mahalaga. Hindi siya maaaring makampante.

Sinuyod ni Wong Ming ang bawat pasikot-sikot na lugar na ito lalo na sa mismong direksyong pinagmulan ng Adult Blue Crest Lionness.

Hindi naman siya nabigo at doon nga ay mabilis niyang natunton ang isang may kalakihang kweba. Sa laki nito ay tiyak siyang kasya ang laki ng Blue Crest Lionness rito o higit pa.

Wala naman siyang napansing kakaiba sa loob ng malaking kweba ngunit may nararamdaman siyang mumunting buhay rito ngunit parang nawawala at di niya maramdaman masyado.

Maingat ang pagpasok niya at may kabilisan ang paglalakad-takbo niya hanggang sa marating niya ang dulong bahagi ng malaking kwebang ito.

Dito ay napansin ni Wong Ming ang malalaking kulay asul na mga bato habang ang isa sa mga ito ay may butas habang mayroong kulay asul na likidong lumalabas rito. Alam niyang bagong bukas lamang ito.

Pansin ni Wong Ming na kakaiba nga ito at namangha siya nang mapansing isang kakaibang liquid essences ito na hindi niya pa alam kung saan nagmumula ito ngunit wala na siyang inaksayang panahon at kinuha na lamang ang dalawang naglalakihang mga asul na bato at nilagay sa interspatial ring niya.

Maya-maya pa ay mabilis na lumipat ang tingin niya sa tatlo pang mga naglalakihang mga bagay.

Kung hindi nagkakamali si Wong Ming ay mga itlog ito ng Blue Crest Lionness. Walang pag-aalinlangan niyang kinuha ang isang itlog ng Blue Crest Lionness. Alam niyang may buhay ang mga ito at medyo mainit pa ito.

Napakaganda ng outer shells ng mga ito at halos sampong kilo ang bigat ng bawat isa nito. Kung ordinaryong nilalang lamang si Wong Ming ay baka kunin nito lahat ng mga anak ng Blue Crest Lionness ngunit hindi naman siya sobrang ganid para gawin ito.

Naalala niyang hindi maaaring ipakita ang Water Esk na pangunahing mount niya sa publiko at iyon ang habilin palagi sa kaniya ng kaniyang sariling ama. Kung tutuusin ay wala namang espesyal sa mount niya ngunit palagi siyang sinasabihan nito na para bang may gusto itong ipahiwatig ngunit isinawalang-bahala na lamang ito ni Wong Ming.

Ngayon ay mukhang may ipapalit na siyang mount para sa Water Esk niya. Siguro naman ay magiging mabuti siyang may-ari ng batang leon na ito kung sakali mang lumaki ito ng tuluyan.

Agad na ring nilisan ni Wong Ming ang kuwebang na siyang nagsisilbing tirahan ng Blue Crest Lionness at ng mga supling nito. Kung tutuusin ay hindi aakalain ni Wong Ming na madali lamang siyang makakakuha ng mga di nita inaasahang magkakaroon siya.

Bumalik siya sa kinaroroonan niya kanina ngunit dumistansya siya upang hindi siya matunton o mapansin ng limang nilalang na nakasuot ng itim na roba maging ng sugatang Blue Crest Lion at ng Adult Blue Crest Lionness.

Ngunit hindi inaasahan ni Wong Ming na malakas talaga ang Blue Crest Lionness at nagawa nitong patumbahin at pinsalain ang limang nakaitim na kasuotang nilalang dahilan upang mas bumigat ang awra ng limang nilalang.

Hindi naman nagpatinag ang Adult Blue Crest Lionness at nagpaulan ito ng maraming naglalakihang mga tinik.

Tanging pagdepensa na lamang ang nagawa ng limang nakaitim na nilalang dahil sa agresibong atake ng Adult Blue Crest Lionness.

Ngunit ganon na lamang ang pagkamangha ni Wong Ming nang sinubukan ng limang nilalang na ito na labanan na ng tuluyan ang mabangis na Adult Blue Crest Lionness.

Kitang-kita ni Wong Ming kung paanong nagkaroon ng malaking hugis palaso na nakatutok mismo sa direksyon ng lumilipad na Adult Blue Crest Lionness dahilan upang tumaas pa lalo ang tensyon.

Walang balak na pumagitna si Wong Ming sa kaganapang ito. Hindi niya alam kung ano pang panganib ang maaaring maganap kung sakaling mangialam pa siya. Normal na lamang ito, dalawa lang naman kasi ang nangyayari, ang magapi o magpagapi. Lahat ng nangyayari ay may rason at ayaw niyang pangunahan ang sitwasyon.

BANG!

Isang malakas na pagbulusok paitaas ng malaking palaso ang nakita ni Wong Ming at kitang-kita niya kung paano ito tumungo sa direksyon ng Adult Blue Crest Lionness.

Naiwan namang nakatulala si Wong Ming. Hindi niya alam ang kahihinatnan ng pangyayaring ito.

Next chapter