webnovel

Chapter 620

Kaibahan sa normal na mga oso ay kakaiba ang Silver Fang Bear na ito sapagkat balingkinitan lamang ang pangangatawan nito ngunit ang taas nito ay halos kapantay na ito ng naglalakihang mga puno.

BANG!

Isang malakas na paggalaw ng kamay ng Silver Fang Bear sa kinaroroonan ni Wong Ming at nabungkal ang kinaroroonan nito kanina. Mabuti na lamang at mabilis ang reflexes ni Wong Ming kung kaya't malaya niyang naiwasan ang atakeng ito ng Silver Fang Bear.

Ngunit nakaramdam ng kakaiba si Wong Ming nang gumalaw siya muli ngunit biglang nagliwanag ang mga mata ng Silver Fang Bear.

Naramdaman ni Wong Ming na ang kaniyang paggalaw niya ay biglang bumagal. Isa iyon sa senyales na nagcast ng pambihirang skill ang Silver Fang Bear na ito.

Dito ay makumpirma ni Wong Ming na isang adult Silver Fang Bear ito. Napansin din niyang ang naghahabaan at matutulis na mga kuko ng Silver Fang Bear ay halos maging pilak na.

Kung gayon ay matagal na itong namumuhay rito at alam ni Wong Ming na hindi magiging madali ang lahat ng mangyayari sa paglalakbay niyang ito.

Bago pa man siya malapitan at atakehin ng dambuhalang Silver Fang Bear ay mabilis siyang nagsagawa ng martial arts skill.

Skill: Frozen Ice!

Ngunit hindi inaasahan ni Wong Ming na mas tumindi ang gravitational force sa kinaroroonan niya kung kaya nagmintis ang atake niya at napatama niya ito sa lupa dahilan upang maging yelo ang buong lugar sa tabing-ilog na kinaroroonan niya.

Hindi naman mapigilan ni Wong Ming na mapaatras upang ilayo ang distansya niya pansamantala sa Silver Fang Bear.

Napangiti na lamang si Wong Ming nang mapansin na nawalan ng bisa pala ang nasabing skill ng Silver Fang Bear.

Ngunit hindi inaasahan ni Wong Ming nang biglang nagliwanag muli ang mga mata ng Silver Fang Bear at halos mapadapa si Wong Ming nang mapansin niyang papalapit na sa kinaroroonan niya ang nasabing magical beast.

Sinubukan ni Wong Ming na tumayo dahil alam niyang hindi magiging madali ang kakaharapin niyang sitwasyon kung hindi pa siya kikilos.

Ni-restrict niya kasi ang cultivation level niya kung kaya't ang kasalukuyang lakas niya lamang ay nasa Early Xiantian Realm ngunit mukhang makakaharap niya ang katapat niya.

Isang Level 3 Beast ito kung ituring ni Wong Ming dahil sa lakas ng nasabing Silver Fang Bear at malapit na itong maging Level 4 Beast sa hinaharap kung mabubuhay pa ito.

Ilang segundo lamang ang nakalilipas ay nasa harapan na ni Wong Ming ang nasabing halimaw at handa na siyang atakehin nito gamit ang nagtutulisan nitong mga kuko.

BAM! BAM! BAM!

Sunod-sunod na pagsabog ang naganap dahilan upang magkandasabog-sabog ang mga tipak ng yelo at mabungkal ang mga lupang natamaan ng malalakas na atake ng Silver Fang Bear.

Hindi naman mapigilan ni Wong Ming na mamangha sa nasabing magical beast na ito sapagkat ang kakayahan nito ay talagang umunlad at kahit siya ay na-restrict nang nasabing halimaw.

Mabilis na umiba ang posisyon nila sa kasalukuyan at ramdam ni Wong Ming na may ibubuga talaga ang nasabing Adult Silver Fang Bear na ito.

Kitang-kita ni Wong Ming na galit na galit na ang nasabing Silver Fang Bear nang makita nitong mas lumakas ang awra nito.

Muli na namang nagliwanag ang mga mata nito senyales na ginagamit na naman nito ang natural skill nito sa pagkontrol ng gravitational force.

Ramdam naman ni Wong Ming ang pagsupress ng abilidad ng halimaw sa kaniya dahilan upang mabilis niyang inihanda ang sarili upang siya na naman ang aatake sa halimaw.

Mabilis na lumabas ang Sword Needle sa kamay niya at iwinasiwas ito sa ere. Napangiti naman si Wong Ming dahil rito sapagkat ito ang pangunahing sandatang gamit niya.

Sino ang mag-aakalang kailangan niyang tantiyahin ang nasabing lakas ng halimaw na ito upang mapaslang niya ito.

Sa muling pagliwanag ng mata ng Silver Fang Bear ay mabilis siyang lumipat ng pwesto dahilan upang hindi bumagal ang pagkilos niya.

Ngayon ay tila natuklasan na ni Wong Ming ang kakaibang kahinaan ng gravitational force ng Silver Fang Bear at ito ay ang pagkakaroon ng fix location ang atake nito. Mabuti na lamang at nakalayo siya sa pwesto niya dahil kung hindi ay hindi niya matutuklasan ang kahinaan ng halimaw. Sa palagay niya ay ilang metro din ang sakop ng gravitational force kung kaya't natitiyak niyang kailangan niyang galingan kung ayaw niyang maging hapunan ng halimaw na ito.

Muling nagliwanag ang mga mata ng Silver Fang Bear ngunit mabilis na lumipat ng pwesto si Wong Ming at paulit-ulit iyon ginawa ni Wong Ming hanggang sa makalapit na ito sa nasabing pwesto ng halimaw.

TAHHHHH!

Isang marahas at malakas na pagsaksak ni Wong Ming sa tiyan ng halimaw ang ginawa ni Wong Ming upang tiyakin kung magiging epektibo ang gagawin niyang pagpaslang rito.

GROOOWWWWLLLL!

Malakas na umatungal ang nasabing Silver Fang Bear senyales na dumaing ito ng sakit sa bandang tiyan na tinarakan ni Wong Ming ng Sword Needle niya.

Dahil dito ay tila mas bumangis ang awra ng nasabing halimaw at nagulat si Wong Ming nang mabilis siyang bumulusok pailalim.

Hindi iyon inaasahan ni Wong Ming mabuti na lamang at nasanay na siya sa kakayahang kumontrol ng gravitational force ng halimaw at hindi na bago sa kaniya ang pakiramdam ito.

Kahit na mas bumagsik ang awra ng halimaw ay hindi nagpatinag si Wong Ming at nilapitan niya ang Silver Fang Bear at winasiwas nito ang espada niya.

TAH! TAH! TAH!

Sa ginawang ito ni Wong Ming ay mabilis na naputol ang kanang braso ng halimaw.

Natuwa naman si Wong Ming sa pangyayaring ito at sinunod na naman niyang pinutol ang kaliwang kamay ng Silver Fang Bear dahilan upang magpakawala ito ng malakas na atungal.

GROOOWWWWLLLL!

Hindi nagpakita ng awa si Wong Ming sa halimaw at sa huling atake niya ay pinuntirya nito ang nasabing leeg ng halimaw.

TAH! TAH! TAH!

Kitang-kita ni Wong Ming ang pagsirit ng dugo sa leeg ng halimaw bago tuluyan humiwalay ang ulo nito sa leeg ng halimaw at gumulong sa damuhan at mga tipak ng yelong gawa ng skill ni Wong Ming.

Napangiti na lamang si Wong Ming. Ramdam ni Wong Ming na naging produktibo ang nasabing unang bahagi ng paglalakbay niya.

Agad niyang nilagay sa interspatial ring ang katawan ng halimaw. Sa paglalakbay niyang ito ay maaari siyang gutumin kung kaya't kailangan niya ng karagdagang lakas upang umunlad rin sa kaniyang sariling cultivation.

May ngiti sa mga labi si Wong Ming bagong tuluyang tahakin ang daang papasok sa mismong malawak na kabundukang ito. Tiyak siyang marami pa siyang mararanasan sa paglalakbay niyang ito.

Kindly comment below or give me some reviews to know if there's anyone reading this story of mine. I'll stop updating if no one's reading it hehe

jilib480creators' thoughts
Next chapter