webnovel

Chapter 35

Tahimik lang kaming dalawang nagpipinta. Bagaman pokus ako sa ginagawa ko, 'di ko maiwasang mapasulyap sa kanya.

I just can't believe I just told him I like him. Or let's just say, I love him. 'Di pa naman ako sigurado but I'm willing to learn; to know if this feeling will last. This is my first time to experience this. Maraming nagtangka pero I never gave a chance or bigyang pansin man lang. I was busy with feeding my own self.

I sighed and focused on my painting. Mine was entitled "sea of pineapples". 'Di pa rin kasi ako makaget over sa napuntahan ko kahapon. Sobrang lawak talaga ng plantation. Parang isang bayan na iyon o baka nga sakop na ang isang bayan sa sobrang lawak nito.

"You okay, babe?" Biglang tanong ni Ximi. My heart flinched upon hearing his endearment. My cheeks quickly flushed in red.

"Uhh, o-oo naman." I bit my lower lip. Nagtago ako sa frame ng stand. Nahihiya ako sa kanya. 'Di ako sanay na ganoon ang tawag niya sa 'kin. Parang mas gusto ko nalang na tawagin niya ako sa pangalan ko.

Tahimik na naman kami. 'Di talaga ako makapokus sa ginagawa ko. Nakakadistract kasi si Ximi. Masyadong disturbing ang presence niya. And to think he was calling me other names, nakakapanibago talaga kahit pa masarap sa tainga pakinggan. He has the accent, though. Lakas maka-dayuhan.

Makalipas ang ilang sandali ay natapos ko rin sa wakas ang pininta ko. "Sea of Pineapples" explicited the bountiful blessing of Bukidnon. With the different shade of yellow, brown, green, white and blue, tama lang to express my perceptions about it.

"Hi," someone said, making my heart flinch. Tumabi sa akin si Ximi at binaon ang baba niya sa leeg ko. My heart abruptly errupted as a tingling sensation radiated inside me. Nanghina ako sa init ng kanyang hininga. "That's nice."

"Psh," I pouted. "Alam ko namang mas magaling ka sa 'kin."

"I'm not." He objected. "You're better in your own way." Nilingon ko siya na mataman ng nakatingin sa mata ko. I saw how his eyes twinkled. "Just believe in yourself and always remember to put all your heart in. In any thing you do, bear in mind that you do it for yourself; not to impress other people. Because if you keep on considering other's opinion, I'm sure you wouldn't be satisfied. Hinding hindi ka magiging masaya."

I smiled in awe. Another shade of Ximi. Mas lalo akong humahanga sa kanya dahil sa kabila ng lahat ng naranasan niya sa buhay, he remained positive. Siguro nga ang lahat ng pinagdaanan niya ay naging leksyon na rin sa kanya. And he just wanted to share it to everyone. He wanted them to feel that they were not alone fighting their own battle.

"I love you," he suddenly said and kissed my forehead. Napangiti ako sa ginawa niya. Parang sasabog na ang puso ko.

"I love you, too, Ximi. Thank you so much." I replied with full of sincerity. Gumalaw naman ang kilay niya.

"For what, babe?" He asked, looking straight to my eyes.

"I don't know." Kibit-balikat ko. "I just really want to thank you dahil napagtiyagaan mo ang ugali ko."

He chuckled. "I enjoy studying you, babe. Pagtiyagaan is not the right term. It's getting to know you better."

Pinagsalubungan ko siya ng kilay. "What do you mean?"

Pero imbes na sagutin niya ako ay hinagkan niya muli ako sa noo. Ang lambot ng labi niya!

"I love you, babe. That's what I mean." Tinaas baba niya ang kanyang kilay. Uminit naman ang pisngi ko kaya naglihis ako ng tingin. Umani ako ng mumunting halakhak mula sa kanya.

We both decided to clean up. Nagkaroon ng paint ang mga damit namin. 'Di naman maiiwasan iyon. At pagkatapos naming maligo at magbihis ng damit ay tumambay kami saglit sa kuwarto niya.

His room was not luxurious. Simple lang siya. Nagmumukha lang itong maganda dahil maayos ang lahat ng bagay. Mayroon ding nakasabit na obra sa dingding.

"Maayos pala 'tong kwarto mo." Komento ko habang pinapasadahan ng tingin ang kabuuan ng kanyang silid. Mayroong makapal na kurtina na panakip ng sliding window niya. Kulay brown ito.

"I don't like untidy room, babe. Expect that my things are well-organized." He replied.

"I see," I whispered.

'Di nagtagal ay lumabas na kami dahil baka anong isipin ng mga tao rito. Isa pa, 'di pa rin ako nasasanay na nasa iisang lugar lang kami ni Ximi. Ayaw kong kasama ko siya na kami lang dalawa dahil baka saan kami mapupunta. Isang tukso pa naman minsan ang lalaking ito.

"Kuya! Kuya!" Rinig naming nagagalak na boses ni Abi nang nakalabas na kami ng kuwarto. Para siyang batang nakakita ng regalo.

Abi showed up in front of us with her wide smile.

"What's wrong, Abi?" Ximi asked in his baritone voice.

"Si Ate Elliana nandito na!" She clasped her hands in happiness. Upon hearing her line, kaagad akong napalingon kay Ximi. Kita ko ang pag-aalinlangan sa kanyang mukha kahit pa nakatingin lang siya sa kanyang kapatid.

Ximi turned to me and smiled. 'Di ko maiwasang makaramdam ng pait sa dibdib. Nandito na naman kasi si Elliana! Puwede namang 'wag na siyang pumunta rito, 'di ba? Baka excuses niya lang na nami-miss si Ori but the truth was, she was making her way to win Ximi again.

Damn that girl. 'Wag lang siyang magkamali.

Muling nilingon ni Ximi ang kanyang kapatid. "Go and entertain her, Abi. I'm busy, okay?"

Sumimangot si Abi sabay irap. "Tss," she walked out that made Ximi shake his head.

Nakatingin lang ako kay Ximi. Gusto ko siyang tanungin kung bakit pumupunta rito si Elliana. 'Di ba siya abala sa sarili niyang buhay? Umaasa pa rin ba siyang babalikan siya ni Ximi?

"You're jealous?" He asked and I immediately rolled my eyes. Hinapit naman niya ako sa baywang saka hinalikan saglit sa labi. "Don't be, babe. Walang rason para magselos ka sa kanya. She's only a friend."

"Paano kung hindi ganoon ang tingin niya sa'yo? It's no possible, Ximi. Sabi mo nga, kung talagang gusto mo ang isang tao, kahit ilang taon pa ang lumipas, gusto mo pa rin ito."

"Right," tumango siya. Malakas ang kompiyansa sa sarili. "Kaya nga hanggang ngayon ay gusto pa rin kita."

Tinaasan ko siya ng kilay at nakipagtitigan sa kanya. Kung 'di lang matangkad si Ximi, 'di sana ako nakatingala sa kanya.

"What do you mean?" I asked curiously. Wala na yata akong ibang tagline kung 'di ang tanong na iyon. Hindi ko kasi siya kaagad makuha.

"What I mean is what I said, babe. Don't think too much."

I made a face at him. Was I thinking too much gayong 'di ko nga siya naintindihan?

"Whatever," I rolled my eyes and loosened up from him. "I don't like that girl, Ximi. Baka kasi mahal ka pa niyan hanggang ngayon."

"So?" Agap niya, tunog arogante. "It doesn't matter to me now. Ikaw ang mahal ko at iyon ang pinakamahalaga sa akin."

"Bolero," sumimangot ako. Tumawa naman siya nang mahina. Muli niya akong hinapit sa baywang at hinagkan sa noo ko.

"I love you," he winked at me seductively. Uminit muli ang pisngi ko.

I decided to meet Elliana. Iyon din ang sabi ko kay Ximi. Gusto kong makita ang itsura niya. Nang minsang nandito siya ay 'di ko siya nakausap dahil dumiretso ako sa kuwarto ko. I was exhausted physically kaya wala akong ganang makihalubilo.

Nasa labas umano si Elliana kasama si Ori at Abi. Ang pagkakaalam ko'y nakikipaglaro sila sa apat na aso. Thinking about those dogs gave me chills to the bone. Nakakatakot talaga!

"You sure you want to meet Elliana?" Ximi suddenly asked nang palabas kami.

"Oo naman. Wala naman sigurong masama, 'di ba?" I shot back.

"'Di ka naman siguro nananakit?"

I turned to him and knotted my brows in confusion. Kita ko sa mukha niya ang pinaghalong pag-aalala at pagkabahala. 'Di ko alam kung para saan iyon.

"Bakit ko naman siya sasaktan, Ximi?" I asked curiously. Naka-droga na naman ba ang isang 'to?

"Come here, baby!" Rinig naming boses ng babae. 'Di pamilyar sa akin iyon so I assumed it was from Elliana.

He took a breath. "Nothing, babe. Nevermind." Tipid siyang ngumiti.

Pinagkibit balikat ko na lamang iyong sinabi ni Ximi. Kung iisipin ko iyon nang iisipin, baka mababaliw ako.

"Aahhh!" Tumili si Ori. Halatang nag-e-enjoy siya sa company ni Elliana.

"Here comes the monster!" Pananakot ng babae. Or should I say, ni Elliana.

Nang nakalabas na kami ay hinanap ko kaagad ang nagmamay-ari ng boses na iyon. Ganoon na lamang ang pagguho ng mundo ko when I saw Elliana. Morena at makintab ang balat, matangkad, may biloy sa kaliwang pisngi at may mapuputing ngipin.

Hindi ako puwedeng magkamali. Elliana was the girl in the painting! Kamukhang kamukha niya ito! Ang 'di ko lang inasahan ay may mahaba siyang legs. Matangkad siya!

She stopped playing with Ori the moment our eyes met. She has the most beautiful eyes I've ever seen. It was brown with a black thin ring around it. She has a honey-colored eyes.

"Play, ate!" Aya ni Ori. Hindi siya pinansin ni Elliana dahil nakatingin lang siya sa akin.

"O, Ate Luca!" Tawag sa akin ni Abi. I glanced at her then turned to Elliana again.

"Elliana!" Ximi's voice rang inside my head. As if he was trying to be friendly. "You're here again?"

"Uhh," naglihis ng tingin si Elliana. I really had this feeling she's still into Ximi. Ni hindi man lang makatingin nang diretso sa ex niya. "You're here," she faked a smile.

Ximi held my waist na tinignan kaagad ni Elliana. There was a hint of pain in her eyes. She looked hopeless.

"Meet Luca." Ximi said with a smile then turned to me. "Luca, this is Elliana."

"Nice to meet you, Elliana." I smiled and offered my hand to her. Mukha siyang nag-alinlangan sa una but eventually accepted my hand and offered a timid smile in return.

"Elliana Castor." She introduced and loosen up. Tumango naman ako. Natahimik kami ng ilang segundo nang biglang sumingit si Ori.

"Dada!" Ori spread her arms at Ximi. Binuhat naman siya kaagad ng katabi ko. "Dog!" She pouted. Napangiti ako roon. She really loved dogs while I felt the opposite.

"You smell bad already, baby." Ximi teased and Ori giggled. I smiled at the sight. Ewan ko kung bakit ang swerte talaga para sa akin 'yong babaeng mapapangasawa niya. Guwapo, talented at maalagang lalaki.

"Play!" Ori pouted and pointed out the dogs. Medyo napaatras ako roon nang akala ko ay pupunta sa amin ang mga aso.

"Okay!" Maligayang tugon ni Ximi. Binaba niya si Ori na kaagad tumakbo papunta sa mga aso.

"Let's go, baby!" Elliana giggled and played with Ori.

Napatitig ako saglit kay Elliana. Maganda siya, no doubt. Kahit morena, her skin can still slay anyone. Kahit ako na maputi, if compared to her skin, mas maganda sa kanya. Paano pa kaya kung maputi rin siya?

"Babe," a masculine voice knocked me off from my trance. Napalingon ako sa kanya na ngayo'y nakatitig na rin sa akin. Para bang binabasa niya ang nasa isip ko. "What's wrong?"

Umiling kaagad ako. Wala namang problema. Siguro naiinggit lang ako kay Elliana. Maganda kasi talaga siya at 'di imposibleng attracted si Ximi sa kanya. And to think they had a past romantic relationship, sasabog yata ang utak ko kaiisip.

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. "Stop overthinking, babe. Mas maganda ka pa rin sa kanya, alright?" Hinawi niya ang takas kong buhok. Nagbaba naman ako ng tingin kaya umani ako ng isang buntong hininga sa kanya. He held my chin and lifted it up to level our eyes.

I looked straight into his dark brown eyes. Kumikinang ito at malaki ang iris. It looked good, to be honest.

"Wala na ba kayong pag-asang magkakabalikan?" I asked, almost in a whisper. I was hurt while thinking they'll be back to each other's arm at any moment.

He chuckled at my innocence. Nakakainis talaga 'to minsan, e. Pinagtatawanan lang ako!

"Wala bang pag-asa na maging tayo, Luca?" He shot back. Napalunok nalang ako. Biglang sumeryoso ang kanyang mukha.

We both held our eyes for few seconds. Tila ayaw niya ring magpatalo sa akin. I was looking for an answer. Baka sakaling makita ko iyon sa mga mata niya.

"Dada! Dada!" Rinig naming tuwang tuwang sigaw ni Ori, dahilan para mapabitiw kami ng tingin ni Ximi sa isa't isa. Pareho kaming napalingon sa batang iyon. "Come, kuya!" She beckoned na lumapit si Ximi sa kanya.

Ximi turned to me with a faint smile. "I'll be back, Luca."

Ngumiti ako nang pilit at tumango sa kanya. Sa una ay mukhang nag-aalinlangan pa siyang umalis but eventually did as Ori screamed his name again.

I sighed heavily. I was stuck in the middle of uncertainty. 'Di ko alam kung anong sagot sa tanong niya kanina. Ano nga ba?

Nakita ko ang pagtakbo ni Elliana papunta sa akin. She seemed so friendly and approachable. Palangiti at may maamong mukha.

"Hi, Luca!" She greeted with her toothy smile. Medyo nahiya pa ako sa kanya. She was beyond my beauty.

"Uhh, hi." I greeted back. Her honey eyes danced in amusement.

"Would you mind to help me to serve foods?"

"Uhm, not really. Ngayon na ba?"

"Yeah," she nodded. "Tara na sa loob?"

Tinignan ko siya nang maigi at napagtantong ang dami naming pagkakaiba.

"Okay," mahina kong sagot. Ngumiti naman siya at hinawakan ang kamay ko. She led the way back to the house. Sumulyap pa ako sa likod to see what Ximi was doing. Nanonood pala siya sa amin. I smiled at him as assurance that I was fine but it wasn't enough to make him feel comfortable.

'Di bale nalang. I wanted to know Elliana better. Gusto kong malaman kung ano 'yong mga katangian niyang nagustuhan ni Ximi.