webnovel

Chapter 34

Sabay sabay kaming lahat kumain ng hapunan. Buo ang pamilyang Abenajo. I somehow felt jealous kasi mukhang masaya sila but I just kept it to myself.

"Okay ka naman ba rito, Luca?" Tanong ni Mrs. Thiana sa gitna ng hapunan.

"Medyo naiinip po ako, tita. Wala kasi akong magawa." Sagot ko. Sumulyap ako kay Ximi na ngayo'y nakatingin na pala sa akin.

"Ano bang hilig mong gawin?" Mr. Abenajo asked. Nakaupo siya sa kabisera.

"I usually paint and sketch kapag wala akong trabaho."

"You have the same interest with Maximilian." Komento niya. Muli akong napatingin kay Ximi at sa katabi niyang si Abi.

"But I know he's better than me. 'Di ko nga alam kung bakit 'di niya iyon pinagtutuunan ng pansin."

Walang sumagot sa kanila. When I glanced at Mrs. Abenajo, nag-iwas siya ng tingin. Ang asawa naman niya ay nanatiling nakatingin sa akin.

"Uhh, sorry po." Sabi ko. I felt embarrassed.

"Okay lang, Luca." Si Mrs. Thiana at ngumiti sa akin. "Nakay Ximi pa rin ang desisyon. Nandito lang naman kami to support him."

Mr. Abenajo cleared his throat and wiped the corner of his lips. Nakaramdam ako ng takot at hiya.

"If you want, I will provide you all the materials needed for painting." He said in his baritone voice. "Para naman 'di ka mainip dito. You can do it with Ximi."

"P-Po?" I glanced at Ximi. Sa ekspresyon ng mukha niya'y nagpapakita ng pagkagulat.

"One week ka pa naman dito, tama ba?" Mr. Willson added. Tumango naman ako nang bumaling ako sa kanya. "Maganda 'yong may pinagkakaabalahan ka."

"What about the plantation, Papa?" Tanong ni Abi, dahilan para tignan ko siya nang diretso.

"I don't know yet, sweety. Ipagpalagay nalang natin na 'wag natin ipilit."

"So, that means she won't work with Kuya Raven?" She turned to me: "Don't you like him, Ate Luca?"

"Uhh," naho-hotseat ako sa pamilyang 'to. "It's not really my interest, Abi. I just thought going here would give me reasons to run the business in behalf of Lolo Pocholo."

"What if si Kuya Ximi ang makakatrabaho mo? Tatanggapin mo ba ang alok?"

Napalunok ako ng laway. Ganito ba talaga si Abi kung magtanong?

Tinignan ko saglit si Ximi bago si Abi.

"I believe he deserves it, Abi. And why not? Ximi's passionate." Tipid akong ngumiti.

"'Yon nga lang ay ayaw nila lola at lolo kay kuya." Kibit-balikat niya at nagpatuloy sa pagkain.

Wala ng nagsalita sa amin. We were blanketed by the defeaning silence. I don't know kung mabuti ba iyon o masamang pangitain.

"Anyways," Abi broke the silence. Para bang nakaramdam siya ng tensyon. "Si Ate Elliana pala ay pupunta ulit dito bukas. She told me she misses Ori. Is that okay, Papa?" She turned to her father.

"Why not?" Mr. Abenajo smiled. "Nandito naman din si Ximi. And maybe she'll get along with Luca." He turned to me. "Right, hija?"

I swallowed hard. "Yes naman po. Mabait naman si Elliana."

But I knew deep inside gusto kong mainis. Pabor ba sila kay Elliana para kay Ximi o sadyang mababait lang sila?

"I know she will like you, hija." Pahabol ng ginang. Tango naman at pekeng ngiti ang itinugon ko.

Pagkatapos naming kumain ay nagkulong muli ako sa kwarto. I was really mad. 'Di ko alam kung sa sarili ko o kay Elliana. Alam ko namang wala akong karapatang magreklamo at pagbawalan si Ximi na makipagkita sa ex niya. Sino lang ba ako? Kaibigan lang naman ako, 'di ba?

May kumatok sa pinto ko kaya nalihis ang atensyon ko. Umirap ako at padabog na pinagbuksan kung sino man iyon.

Pagkabukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang madilim na mukha ni Ximi. Napaatras kaagad ako while he just entered inside my room. 'Di na rin ako nakapalag pa dahil nanghina ang tuhod ko nang naamoy ko ang pabango niya.

"W-What are you doing here, Ximi?" Utal kong tanong. He didn't listen but he just sat on the edge of my bed.

I locked the door. Kinakabahan talaga ako dahil nasa iisang lugar kami. Nakakapanghina at may kung anong nagwawala sa tiyan ko.

"X-Ximi,"

"Come here, Luca." He demanded lowly and tapped the space next to him. Napalunok na naman ako. Nakakakaba ang presensya ng kumag na 'to.

"A-Ano bang problema?" I asked, walking slowly towards him. Para akong batang takot na paluin ng nanay.

He was watching me while I slowly descended to the space next to him. Umabot na sa lalamunan ko ang malatambol na tibok ng puso ko.

"Are you okay?" He asked in concern. Tumango naman ako kaagad while looking straight at him. He tucked the loose strands of my hair behind my back. "How was your trip with Raven?"

Hinanap ko ang kinang sa kanyang mata but I couldn't find it. From the expression of his face, alam kong nag-aalala siya.

"Uhh... fine, I guess?"

"So what's your decision? Do you want us to fly back to Manila?" He suddenly held my hand, making me flinch a bit. Nahigit ko ang hininga ko sa ginawa niya.

"H-Huwag na muna. T-Tapusin nalang natin 'yong isang linggo bago tayo bumalik. 'Di ba nga p-pupunta pa rito si Elliana bukas?" I bit my lower lip at nagbaba ng tingin. I heard my bitter voice.

"Don't you like her?"

Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Gusto kong mainis sa kanya pero 'di ko magawa. 'Di naman niya kasalanan kung bakit gusto ni Elliana pumarito. I just... see that girl as a threat.

Paano kung sasabihin niyang gusto niya pa rin si Ximi? What if Ximi will say the same thing and they'll be back to each other's arm? 'Di naman siguro malabo iyon.

"Ex mo siya, 'di ba? Malapit ba siya sa pamilya mo kasi lagi siyang pumupunta rito?" 'Di ko napigilan ang sarili kong mainis. Nakakainis naman talaga!

His eyes lit in amusement when he suddenly smiled. Sa una ay mahinang tawa hanggang sa tumawa na siya nang malakas. Parang timang talaga kausap.

"Stop laughing, Ximi!" Inis kong sabi at hinampas ang kanyang dibdib. Mas natuwa pa siya sa ginawa ko.

"Why are you mad, Luca? May masama ba roon?" He teased. Uminit ang ulo ko dahil doon.

"What if she still likes you, Maximilian? And what if babalikan mo siya?"

"I don't see any problem, Luca."

"Ugh!" Tinulak ko siya nang malakas at lumayo ako sa kanya. 'Di pa ba niya nakuha ang gusto kong ipahiwatig? Baka mahina ang signal ng wifi?

"Hey!" Humalakhak siya. Naiinis talaga ako sa kumag na 'to. I found myself whimpering on the sofa. "Hey-"

"Hanggang diyan ka lang, Maximilian." Pagbabanta ko nang naramdaman ko ang paglapit niya sa akin.

"What's wrong, Luca?" He asked innocently. Kumuha ako ng unan saka binato sa kanya iyon.

"Ahh!" Bulalas niya at tumalon sa tabi ko kaya umalon ang inuupuan namin. "Look at me, Luca."

Nagtakip ako ng unan sa mukha ko at tumalikod ako sa kanya. Ang init ng mukha ko! Feeling ko ay pinapakuluan ito.

"Baby," he whispered. Mas lalo akong naiyak sa pangalang iyon. Bakit ang sakit at masarap at the same time? "Look at me, please."

Marahan niyang binaba ang unang nakatabon sa mukha ko. 'Di na rin ako pumalag pa. Walang saysay kung makikipag-away pa ako sa lalaking ito.

"Luca," he held my chin at inangat ito. He tried to catch my eyes pero sa iba ako tumitingin. "Look at me, Luca." He sighed heavily.

Hinawi ko ang kamay niya saka ko siya tinignan nang diretso. It's funny how I am breaking right now. I am breaking dahil nakatingin ako sa kanya.

"Nagseselos ka ba?" He asked. Sumama ang tingin ko sa kanya.

"What do you expect from me, Ximi?" I shot. "'Di pa ba halata?"

"I want you to tell me, baby. Tell me that you love me." Mapupungay ang kanyang mata, nagsusumamo.

"I don't know how." Umiling ako at nagbaba ng tingin. "Mali kasi, Ximi. I thought nililigawan mo si Patricia?"

Inangat niyang muli ang baba ko para magkatinginan kami.

"Who told you that, Luca?" Nagsalubong ang kanyang kilay.

"I-Ikaw." I bit my lower lip. "'Di ba nga gusto mo si Patricia?"

Imposibleng ganun ganun nalang 'yon! Ang bilis naman niyang magpalit ng magugustuhan! Ano 'yon? Parang pagpapalit lang ng damit? At 'di ba nga naghalikan na sila?

Fuck you, Ximi.

"Before, Luca. I like her 'cause she's nice. She made me feel those things I wanted to." He explained.

"Sino na ba ngayon?" I asked, hoping.

I wanted him to say it's me. Gusto kong marinig mula sa kanya na ako 'yong pipiliin niya over any other girls. I wanted him to love me too kahit alam kong malabo.

'Di siya umimik. Naglihis lang siya ng tingin. Narinig ko na lamang ang nabasag kong puso.

He can't tell me. He can't say it's me! Dahil ba si Elliana iyon? Or he can't just decide?

Fuck you again, Ximi.

"Luca," he said in a heavy breath. "Do you love me now?"

Ako naman ngayon ang 'di nakapagsalita. 'Di ko alam kung mahal ko na ba siya pero isa lang ang alam ko, I wanted him. Gusto ko akin lang siya. Masama ba iyon?

"O-Oo." Halos pabulong kong sabi. Nahihiya ako para sa sarili ko. It's my very first time to fess up.

A bright smile plastered beside his lips. Kahit madilim ang paligid ay kita ko pa rin ang kinang sa kanyang mata.

He held my chin and lifted it up. Napalunok ako nang mataman siyang nakatingin sa akin.

"Say it again, baby." Utos niya. Para bang 'di siya makapaniwala.

"X-Ximi," ugong ko.

"Please," he pouted. Bakit nagpapacute ang lalaking 'to?

Huminga ako nang malalim at hinawakan ang kamay niyang nakahawak sa baba ko.

"Mahal kita, Ximi." I finally said. Walang pagdadalawang isip niyang nilapat ang kanyang labi sa akin.

Nanatiling nakabukas ang mga mata ko. But when the moment he moved his lips gently ay napapikit ako. I didn't know how to kiss him back but my mind was teaching me how. Nilagay ko ang kamay ko sa kanyang ulo at siya naman ay nagbigay ng suporta sa likod ko.

We parted our lips to breathe in. Magkadikit ang mga noo namin while I was chasing my breath.

"X-Ximi," sambit ko. My heart was pounding inside its cage.

Tinignan ko siya nang diretso sa mata. He was also staring at me. I suddenly blushed. I can still feel his soft lips on mine. Saglit pa ay hinagkan niya ang noo ko nang matagal. It felt like he was longing to do it.

"I love you, Luca." He whispered against my ear. Naghatid iyon ng kakaibang kiliti sa katawan ko. Lalo na nang dinampian niya ng halik ang leeg ko.

"Ximi," mahina kong sambit. Nanghihina ako sa ginagawa niya sa akin. "Is this for real?" I faced him and saw his genuine smile.

"Yes, baby." He grinned. Muling uminit ang pisngi ko sa hiya.

Kinabukasan ay tanghali na akong nagising. Anong oras na akong nakatulog kagabi dahil makulit si Ximi.

I smiled to myself. I felt like flying in the air. Parang kailan lang ay inis na inis pa ako kay Ximi pero ngayon, may nararamdaman na ako para sa kanya. Ganito pala ang pakiramdam ng nagmamahal. Lahat ay positibo lang sa akin.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis ako ng v neck plain pink shirt and short shorts. Ngayon pala ibibigay sa akin ni Mr. Abenajo 'yong mga gamit na kailangan ko para sa pagpinta. Ang sabi rin sa akin ni Ximi ay susuportahan niya ako sa mga hilig ko.

"I will just put these here, baby." He said and placed the paints on the floor. Nasa loob kami ng lumang buhay, sa bandang likod. Presko rito at maaliwalas ang paligid. 'Di rin maingay dahil pinalabas ang apat na aso. Nakikipaglaro na ngayon kay Ori.

"Thanks," I said and smiled to him. 'Di ko alam anong dapat kong isagot.

"I love you." He teased. Uminit ang pisngi ko kaya humalakhak siya. Tumalikod nalang ako para 'di niya makita ang pamumula ng pisngi ko. Nakakahiya!

I felt a warm breath behind my back. It sent shivers down my spine. Parang may nabuhay sa kaloob-looban ko.

"You smell so good," he commented and planted a kiss on my nape. Nanghina ako sa ginawa niya lalo na nang pinulupot niya ang kanyang dalawang kamay sa baywang ko at pinaharap ako sa kanya.

There was a spark in his eyes. Ngayon ko lang nakita iyon sa loob ng halos dalawang buwan naming pagsasama. Kapansin-pansin din ang maliwanag niyang ngiti.

"You know it feels so good to love you, Luca. Mabuti nalang at 'di nagkamali si Moffet sa'yo."

"What do you mean?" Pinagsalubungan ko siya ng kilay. Nagulat nalang ako nang nagnakaw siya ng halik sabay ngisi. Ang kulit!

"Matagal ka ng crush ni Margarico. 'Di lang talaga makaporma sa'yo."

"Eh?" I wrinkled my nose. Matagal na akong crush ng crush ko? Bakit 'di ko alam?

Ikinawit niya ang buhok ko sa likod ng tainga ko while adoring my eyes. Nakakaconscious talaga ng itsura ang lalaking 'to!

"I told you no one can hurt you while I'm around, Luca. I will destroy them first if I have to."

Uminit ang pisngi ko. I was blushing for sure! Sino bang 'di kikiligin?

"Thank you, Ximi." I smiled and kissed him on the lips. Tumugon naman siya kaya nag-alab ang katawan ko. Huminto na ako bago pa umabot sa kung saan ang eksena. "Let's start?" I grinned and he frowned. Mukhang nadismaya sa ginawa ko.

"The next time you'll kiss me, pupunitin ko ang damit mo." He threatened playfully. Umirap naman ako at lumayo sa kanya.

"Manyak." Kutya ko. Dinampot ko 'yong paint brush.

"Sino kaya ang unang humalik?" He scoffed. Sinamaan ko siya ng tingin na ngayo'y nakangisi sa akin.

"It was just a quick kiss, Maximilian. You kissed me back 'cause you can't resist it."

"Oh," bumilog ang labi niya, nang-aasar talaga. "Kaya nga sa susunod na gawin mo 'yon, I'll make sure hindi lang 'yon ang gagawin ko."

"Is that a threat?" I joked and grinned at him. Napailing nalang siya nang nakangiti. Natutuwa sa inaasta ko.

"Hmm, maybe." He winked at me.

Next chapter