webnovel

Chapter 36

"Ximi loves salted caramel flavor ng ice cream." Elliana started. Naghahanda kami ng pagkain para sa amin. Naisipan niyang ice cream nalang tutal dala niya iyon. "Alam mo ba dati nakakaubos kami ng isang galon sa isang upuan lang?" She chuckled while remembering her moments with him.

"Talaga?" Mangha kong sabi. I didn't know that story. Ang alam ko lang ay mahilig talaga sa ganoong flavor si Ximi.

Elliana chuckled. "Oo nga pala, is Ximi your boyfriend?" She asked curiously, squinting at me.

"Boyfriend?" I mouthed and shook my head. "Hindi. Magkababata, puwede."

"He seems so sweet. Nililigawan ka ba niya?"

"H-Huh?" I blushed. Umiling kaagad ako. "Hindi rin. Paano mo nasabi?"

"I know Ximi well, Luca. We've been together for two years and we're friends for a decade kaya siguro naging sapat iyon para makilala ko siya nang husto. Kapag may gusto siyang tao, he usually makes his own endearments. He's protective and he knows how to consider anyone's feeling lalo na kapag sa babaeng gusto niya. He makes you feel like you're the only one pero ang totoo, 'di ka nag-iisa."

Nablanko ako sa sinabi niya. I was trying to process what she just said. Bigla naman akong kinabahan nang nakuha ko ang gusto niyang iparating.

"Hindi naman sa sinisiraan ko siya sa 'yo, Luca. Alam mo kasi, walang sineryosong babae 'yan after we had our break up. Hindi naman sa pagmamayabang but I want you to know that he, too, has a dark shade. I don't want you to fall for him so easily. Have you been in a relationship?"

Tanging iling lang ang tugon ko. Wala akong masabi. 'Di ko alam kung ano 'yong dapat kong maramdaman o maging reaksyon sa binibigay niyang pangaral. Isa pa, ang bilis niyang magsalita.

"You see? You're prone to heartbreaks, Luca. 'Di malabong madali ka lang mapaniwala lalo na't magaling 'yan si Ximi sa salita."

"Kaya ba kayo naghiwalay?" I suddenly asked. Gusto kong mainis sa kanya dahil nilalason niya ang isip ko but a part of me wanted to believe her. Sabi nga niya, kilalang kilala na niya si Ximi.

"Uhh, not really. We broke up because we had to. Mahirap i-explain, Luca."

Tumango lang ako sa sinabi niya at naglihis ng tingin. Nasaktan ako sa nalaman ko. Kung totoo mang niloloko lang ako ni Ximi, then I have to make a move. Kailangan ngayon pa lang ay pigilan ko na 'tong nararamdaman ko para sa kanya.

"Okay na siguro 'to, Luca. What do you think?" She changed the topic. Napatingin ako sa limang lagayan ng ice cream na para sa amin.

"Oo." Tipid kong sagot.

Bumalik na kami sa kung saan namin iniwan ang tatlo. My mind was still occupied. Nalilito ako. Natatakot para sa sarili. I was starting to fall for him tapos biglang ganito ang mangyayari. Dapat ko bang pakinggan si Elliana? Compared to Ximi, taliwas ang sinasabi niya sa pinapakita at pinaparamdam ng lalaki sa 'kin.

"Ice cream!" Magiliw na wika ni Elliana. Tumakbo kaagad si Ori papunta sa kanya while Ximi looked at me in the eyes. Seryoso ang kanyang mukha. Nakaramdam ako bigla ng takot.

"Ice cream!" Ori giggled. Nilapag ni Elliana ang tray sa mesa at umupo naman si Ori sa bakanteng upuan. "My favorite!"

Kumain kaagad si Ori ng ice cream while Abi was busy with her phone. Si Ximi naman ay lumapit sa akin. Napasulyap ako kay Elliana na nanonood sa amin. Her eyes were giving me a warning shot.

"Babe," he whispered against my ears. It sent shivers down my spine. Gusto kong kiligin but I was threatened by Elliana's look. Naririnig ko ang boses niyang nagsasabi na layuan ko si Ximi. "You okay?"

I glanced at him then to Elliana again. Umiling ang babae saka umalis. Sinundan ko pa siya ng tingin hanggang sa makapasok siya sa loob ng bahay.

"Luca," Ximi called as he held my hand. I jolted a bit when a weak electricity run to every vein I had.

Tinignan ko siya nang diretso. His dark brown eyes were darker. It dilated as it softened.

"What's wrong, babe? Are you okay? Sinaktan ka ba niya?"

Umiling ako at marahang binawi ang braso ko. I was afraid of the thought I'll end up breaking my own heart; that in the end, it's me who will only suffer because I gave him the permission to control my heart.

I shook my head mentally and smiled at him. Ayokong isipin na masamang tao si Ximi; na totoo ang sinabi ni Elliana. It maybe a threat or a warning, but how would I know that this is love kung hindi ako masasaktan?

Alam kong wala pa akong karanasan sa ganito but Herana has opened my eyes to this kind of world. When you love, you put your heart on fire. Fuel it with passion to keep it burning. If it will last, then it is love.

"I'm fine, Ximi. Mabait naman pala si Elliana." I said in between a smile. "And I think she knows a lot about you."

"We've been friends for a long time before we stepped up into a serious relationship."

"For two years," I continued. Bahagya siyang nagulat. Siguro dahil hindi niya inasahan na alam ko 'yon. "Sabi niya dalawang taon naging kayo and you two broke up dahil kailangan."

He remained silent while looking at me straight. I knew he was thinking but not what was it. Kung ano man iyon, siya lang ang nakakaalam.

"Medyo nadaplisan ng tungkol sa inyo ang usapan namin kaya nabanggit niyang dalawang taon naging kayo." I explained although I didn't have to. What did he expect?

Marahan siyang tumango, still his eyes on me. Naglihis nalang ako ng tingin nang nakaramdam akong awkward na masyado. I felt a gap, a space between us. Maybe it's my walls trying to protect my heart from breaking.

Nang pumatak nang ala una ng hapon ay napagdesisyunan kong magpinta. I was alone in the old house dahil nandoon sa loob ng bahay ang apat. Wala naman rito ang mga aso tutal wala si Mrs. Thiana kaya puwedeng sa loob muna ang mga iyon.

I dipped my index finger on the red paint. I was thinking I wanted to paint a red and black rose. I didn't know why but I thought red rose had something to do with romance while black was for death.

Love isn't an ordinary game to play nor a common bet to gamble. It's a dangerous game between life and death. Kaya rosas ang napili kong simbolo ng pag-ibig. Pula dahil sa nagbabagang buhay samantalang ang itim ay para sa pighati, pagdurusa o sakripisyo. 'Di naman kasi puwedeng puro masaya lang. Walang saysay iyon kung hindi hahaluan ng sakit.

But who am I kidding? Alam kong natatakot akong masaktan lalo kung si Ximi ang dahilan. Para kasing sa kanya na itong puso ko. His actions made me fall in love with him deeper. Para akong nalulunod sa ilalim ng mabangis na alon hanggang sa 'di na ako makahinga.

Napangiti ako nang natapos ko ang ginawa ko. Dalawang malaking rosas ang mayroon dito. The black one served as the shadow of red. And the background, it's a combination of red and black paint. It portrayed that behind every euphoric feeling was an overwhelming pain.

"Babe?" A familiar voice of a man knocked me off from my trance. Halos tumalon ako sa gulat. Napahawak ako sa dibdib ko kahit may pintura ang kamay ko.

"X-Ximi," I called out, almost in a whisper. Pinanood ko siyang lumapit sa akin hanggang sa umupo siya sa tabi ko.

"I just miss you, babe." He said huskily at suminghap sa leeg ko. "You okay here?"

"Uhh," napalunok ako. May kung anong tumitibok sa baba ko. Nakakapanghina. "O-Oo naman."

I bit my lower lip and stayed still. Pinakiramdaman ko ang bawat kilos na ginagawa niya.

"You're improving," he commented. Nakaramdam muli ako ng hiya. "... darker shade means a lot."

"Ayos ba?" Nilingon ko siya. I felt the familiar weak electricity when our eyes met. Lalo na nang ngumiti siya, parang gustong sumabog ng puso ko.

"Yes, babe." He chortled and kissed my cheek. Maraming beses iyon at aaminin kong umaalon ang puso ko. His soft lips were sending delicious sensations.

"X-Ximi," napasinghap ako nang bumaba ang kanyang labi sa leeg ko. I tilted my head and closed my eyes. Nalalasing ako sa ginagawa niya.

"I love you so much." He said under my skin. Nagpatuloy pa rin siya sa paghalik until he got satisfied.

"Nasaan sila?" I asked and faced him. His eyes were burning in passion.

"Umuwi na si Elliana. Si Abi at Ori naman ay pinatulog ko muna."

"Wala bang klase si Abi?"

Hindi ko kasi alam kung nag-aaral pa ba iyon. Pero tantiya ko'y nasa college pa siya. O baka nga senior high since she just turned to 18.

"Home study." Tipid niyang sagot. Binaon niya ang kanyang noo sa balikat ko kaya nagwala na naman ang puso ko.

"Ah, okay." Sagot ko nalang. "You too should rest na."

"What about you?" He looked up and I smiled at him. Ewan ko kung bakit nasasaktan ako ngayon. Siguro dahil malakas ang epekto sa akin ng sinabi ni Elliana kanina. Gustuhin ko mang kalimutan, parang naririnig ko ang boses niya sa isip ko kapag nakikita ko si Ximi.

"I will, but I'll just take a shower."

"Okay." He sighed heavily. Mukhang problemado ang isang 'to. Gusto kong makatulong pero alam kong wala ako sa lugar para manghimasok sa buhay niya.

Bumalik na kami sa loob ng bahay. Naligo ako at nagbihis ng pambahay na damit. Cotton white shirt and pyjama were fine with me. At pagkatapos ng iyon ay nagpatuyo nalang ako ng buhok.

"Have you decided if you're going to handle the business o uuwi ka nalang sa Maynila?" Ximi suddenly asked na ngayo'y nakaupo sa sofa ng kwarto ko.

"I won't handle the business unless it's with you, Ximi. 'Di ko pa kabisado si Raven. He has the potential but I know you're better than him."

"Atleast give him a try, babe." Kaswal niyang sagot. Nag-unat siya ng braso at ipinatong niya iyon sa uluhan ng sofa. Ang paa ay naka-dekwatro.

"What for, Ximi? Isa pa, hindi ko naman hilig ang ganyang bagay. I would rather handle Atifa's wedding."

"Well," pinagkrus niya ang kanyang braso habang matamang nakatingin sa akin. "About that, kailan mo sisimulan iyon?"

"Maybe kapag makauwi na tayo sa Maynila." Tipid kong sagot. 'Di na siya umimik pagkatapos noon.

One week has passed by like a wind. Ngayon ay naghahanda na kami para sa pagbalik namin sa Maynila. I already told the Del Monte na hindi ko gagalawin ang negosyo. I haven't talk to Lolo Pocholo yet but I hoped he'll understand me. Hindi naman niya kailangang magtrabaho sa pamilyang iyon kahit pa matagal na ang kanilang pinagsamahan at may parte si lolo sa plantation.

"Thank you so much po sa pagpatira niyo sa akin dito." Tumawa ako nang mahina. Nangiti naman ang mag-asawa.

"It's fine, hija." Si Mr. Willson ang sumagot. "We're lucky to meet you. Isa pa, nagkaroon ng bagong ate si Ori."

"'Yon na nga po, e. Mamimiss ko po siya." I turned to Ori na ngayo'y abala sa manika niya. "Napalapit na kasi ang loob ko sa kanya."

"I'm sure she'll miss you, too, Luca." She smiled sweetly.

"Pero salamat po talaga sa lahat... lalo na at naintindihan niyo po ako. Nirespeto niyo po ang desisyon ko."

"Wala naman kaming magagawa, Luca." Ang lalaking asawa ang sumagot kaya siya naman ang binalingan ko. "Ikaw at ikaw pa rin ang masusunod. Kung saan ka masaya, always choose it as long as you know you're not making anyone suffer. At kung magkamali ka man, bangon lang. There's always a room for a lesson."

"Salamat po," tanging nasabi ko.

After we had a small talk, tumulak na kami pabalik ng Cagayan de Oro. Nakipag-usap saglit si Ximi sa kanyang mga magulang bago kami umalis. Si Manong Ato pa rin ang naghatid sa amin papuntang airport.

"Ang bilis naman ng isang linggo." Komento ng drayber. "Parang kailan lang ay kararating niyo lang tapos ngayon ay babalik na kayo ng Maynila. Bakit 'di nalang kayo pumarito, Ximiboy?"

"May kailangan pa kasing asikasuhin, manong. Si Luca ang mag-aasikaso ng kasal ng kanyang pinsan."

"Ah, ganun ba? Ay naku. Gabayan nawa sila ng Diyos sa magiging buhay mag-asawa nila. 'Di madali ang buhay na gusto nilang pasukin."

"Pero bakit naman po?" 'Di ko napigilan ang sariling magtanong.

Bakit lagi nilang sinasabi na hindi madali ang buhay ng may asawa? Kung mahal niyo naman ang isa't isa at nagtutulungan kayo, anong mahirap doon?

"Anak, isipin mo nalang na isa kang haligi ng isang bahay. Pasan mo ang lahat. Pero kung may katuwang ka naman sa buhay, magiging magaan nalang para sa inyo ang lahat. At 'wag mong kalilimutan na kapag nakatali ka na, 'di ka na puwedeng lumingon sa iba. Mahirap na sa panahon ngayon dahil lahat ng nasa paligid mo ay isang tukso. Pero kung mahal mo talaga, roon ka lang sa kanya. Hinding hindi ka magpapadala sa tawag ng laman."

"Tawag ng laman?" I mouthed. Humalakhak naman si manong na parang natuwa sa pagiging inosente ko.

"Delikado ka pala, Luca. Madali ka lang malinlang kung wala kang alam."

Nilingon ko si Ximi na nagkibit balikat lang. Gusto kong magtanong nang magtanong pero parang na-stuck ako sa kawalan.

Bobo ba talaga ako pagdating sa ganitong bagay? Ako lang ba ang walang experience?