webnovel

8

SANDRA'S POV

Nagulat kami sa sobrang dami ng tao na nasa loob ng meeting room.

Given na na marami talaga ang member ng Royal organization pero bakit parang lahat sila ay nandito?

Lahat pa sila ay naka suit and tie.

"Anong nangyayari? Bakit nandito silang lahat?"

Takang tanong ko kay Hans

"Walang nabanggit sakin si Dad"

Sa sobrang laki ng lugar na ito maiisip mong katulad ito ng conference room ng mga may posisyon sa bansa. Sobrang lawak at pa baba ito. Kung ang pinasukan namin kanina ay pababa na, mas pababa pa itong lugar na ito at ang stage ay nasa gitnang dulo ng pader at makikita mo talaga ang speaker dahil parang bleacher ang upuan dito.

Tumingin sa'min ang mga taong nasa loob na ng meeting area. Kung sa dinaanan namin ay walang ilaw, dito naman ay maayos ang ilaw at lahat sila ay makikita mo.

"Nakarating na pala kayo mga bata"

Sabi ng speaker sa'min.

Nag si tayuan ang mga nasa loob ng conference room at yumuko sa amin.

Nag atubili rin kaming yumuko sa kanila bilang pag galang dahil syempre matatanda rin sila at mas may experience kaysa sa'min at nahihiya kaming kami ang ginagalang ng matatanda.

Kagaya ng dati ay nakatayo lang si Yara at naka tingin sa'min.

"Take a seat kids"-Speaker

Bumaba kami ng hagdan.

"I'm sorry I'm late"

Nag tindigan lahat ng balahibo ko nang marinig ko ang boses na nag salita sa harap

"Hans"

Napakapit ako kay Hans.

Pinipilit niya ring maging normal dahil nakikita ko ang kaba at takot sa itsura niya pero pilit niyang sinusupil.

"Sorry kung ngayon lang ulit ako nakadalo sa meeting na ganito, may inalagaan kasi akong bata pero tinakasan ako- wait!"

Napatigil kaming lahat sa pag lalakad namin nang sabihin iyon ni Mr. Harold na nakatingin sa'min, specifically ay kay Crenz at Liphyo.

"Bago ka lang ba dito? Ngayon lang kita nakita."

Tanong niya kay Crenz. Tiningnan siya ni Crenz ng walang kwentang tingin.

"Ang sabi mo ngayon ka lang ulit naka attend sa meeting, malamang ngayon mo lang ako nakita"

Halos manlaki ang mata ko dahil sa narinig ko mula sa kaniya.

"Crenz."

Sinaway namin siya.

"Tabil ng bibig mo sumagot ah!"

Natigilan ako sa gulat.

Nag ka goosebumps talaga ako sa sigaw na 'yon.

"Crenz please huwag ka nang sumagot"

Pag mamakaawa ko sa kaniya. Knowing Crenz sasagutin ka talaga niya once na pinag tuunan mo siya ng pansin. Ayaw niyang mapapahiya siya o kung ano mang lalabag sa sarili niyang mundo na may sarili niyang batas.

"Nag sama ka pa talaga ng bantay mo"

Sarkastikong sabi ni Mr. Harold sa kaniya. Nag patuloy lang sa pag lalakad si Crenz at naupo sa pinaka unahang bahagi ng bleacher dahil doon naman talaga ang upuan namin.

"Ganiyan ba talaga siya? Para na siyang kakainin ng buhay no'ng lalaki pero siya prenteng umupo lang- oh nag cross arm at legs pa" tanong ni Liphyo. Mahahalata mo rin ang takot sa tono niya.

Nag patuloy na rin kami sa pag lalakad papunta sa upuan namin.

Uupo na sana si Hans sa tabi ni Crenz pero pinigilan siya nito.

"Si Pula sa tabi ko"

Gulat man ay hinayaan na ni Hans na doon nga tumabi si Liphyo sa tabi ni Crenz. Daanan na pataas ang kanang bahagi ni Crenz kaya isa lang ang makakatabi niya. Sa tabi ni Liphyo ay pumwesto si Hans sunod ako, Nemi, JM, Princess at ang kambal

"Alam mo bang bawal ang outsider dito sa organization na ito?!"

"Alam ko"

Simpleng aniya.

Binigyan si Crenz ng mic para marinig siya ng lahat at tinanggap naman niya iyon.

"Uulitin ko, alam mo bang bawal ang outsider dito?"

"Uulitin ko rin, alam ko"

Napahawak nalang ako sa sentido ko dahil sa mga sagot ni Crenz.

"Hehehe"

kabadong mahinang tawa ko nang tingnan ako ni Mr. Harold nang nakakunot noo siya at parang inaalam kung bakit ganito ang tauhan ko.

"Bakit dinala mo siya dito?!"

Nakayuko lang si Liphyo na mukhang hindi talaga alam ang gagawin.

"Nahila ko na papasok ng van eh, alangan namang sipain ko siya palabas ng Van. May sasabihin daw siya eh, pinapamadali niyo kami papunta dito kaya nahila ko na siya papasok-"

"Ayan na ang excuse mo?"

"Hindi excuse 'yon, 'yon talaga ang nangyari at isa pa may pananagutan ang organization niyo sa kaniya"

Nag bulungan ang mga nasa paligid namin, kami naman ay tumingin kay Crenz.

"September 18, 3:45 pm. Muntik na kaming mawalan ng preno habang nasa byahe kami pauwi. Huminto ang tatlong Van sa pagitan ng 3:50-3:55 pm, nasa labas kami ni Zimmer dahil titingnan namin ang preno. Nag request na rin kami ng back up bago kami lumabas ng Van. 3:57pm nagkaroon na ng gulo habang nasa ilalim pa ako ng Van. 4:02 pm dumating siya gamit ang isang motor at tumulong kina Zimmer dahil masyadong marami ang nakapaligid sa kanila. Sa oras na 'to kilala na siya ng mga humahabol kay Sandra at responsibilidad niyong protektahan din siya dahil prinotektahan niya ang king's deck successor."

Napatingin tuloy ako kay Liphyo. Naalala ko no'ng mainis pa ako sa kaniya dahil nakealam pa siya, ni hindi ko nga naisip na pwede siyang balikan no'ng mga 'yon.

"Nangialam siya kaya bakit namin siya poprotektahan?"

Nakakainsultong tanong ni Mr. Harold

"Kaya ka pala tinakasan ng alaga mo dahil ganiyan ang ugali mo"

"Crenz!"

Saway namin sa kaniya.

"Hindi ako ganito sa alaga ko-"

"Dahil siguro mas matapang siya sayo"

Nakangising ani ni Crenz

Napapikit nalang ako sa kahihiyan

"Hmm.. sagutin mo kung bakit namin siya kailangang protektahan?"

"Nasagot ko na yan kanina. Kung nakikinig ka ng maayos maaalala mo kung anong sinabi ko"

Nakayuko nalang kaming lahat.

"Hindi ako nakinig ng maayos kaya ulitin mo"

"Say please"

Halos mahulog ako sa upuan ko dahil sa narinig ko. Pwede ba akong mag mura ngayon, dahil gustong gusto kong sumigaw ngayon dahil sa kahihiyan.

"Are you mocking me kid?"

"Hindi, pero kung gano'n ang nararamdaman mo mas mabuti 'yon"

Bumungisngis ang mga tao sa paligid namin.

"Sige sasabihin ko na. Prinotektahan niya si Sandra at manganganib ang buhay niya dahil sa pakekealam niya at sabi niya boyfriend ko siya"

Nanlaki ng literal ang mata ko at napasinghap sa sinabi ni Crenz.

"Raya, biro lang 'yon"

Sabi sa kaniya ni Liphyo

"Biro lang daw 'yon"-Crenz

Bwiset! Naka mic kaya siya!

"Raya naman eh"

"Basta gusto namin ng poprotekta sa kaniya mula sa organization na 'to dahil responsibilidad niyo kaming lahat. Lahat ng mapapalapit sa king's successor ay manganganib kaya huwag niyo kaming pababayaan"

"Humihingi ka ba ng pabor o inuutusan mo kami?"

"Depende kung paano mo iintindihin Mr. Harold"

Gusto ko talagang pagalitan si Crenz sa mga sinasabi niya pero naisip ko rin na hindi ko magawang ako ang sumagot sa tanong ni Mr. Harold dahil sa takot ko.

"Cassandra!"

Mabilis akong tumayo dahil sa pag tawag sa'kin.

"Bakit dumidikit ka sa taong walang modo. Maraming bodyguard diyan na marunong rumespeto at magaling lumaban-"

Binigay sakin ni Crenz ang mic.

"She's suitable for the job Sir and I want to help her from her financial problem that's why I chose her to be my bodyguard"

Pinilit kong hindi mautal sa mga sagot ko.

"Kilala mo ba ang pamilya niya?!"

Bakit naman nadamay ang pamilya niya? Nasa isip ko namang kilalanin ang magulang niya pero hindi ko pa siya nakakausap tungkol do'n.

"Not yet Sir but we're looking forward to meet her parents"

"Paano kung mapahamak 'yang pinili mo? Alam ba ng magulang niyan na nag tatrabaho siya sayo?"

Tumingin ako kay Crenz

"No Sir"

Napapahiyang yumuko ako

"Alam mo kung gaano kadelikado ang sitwasyon mo. Kung may mangyaring masama sa kanila, paano mo ipapaliwanag sa magulang nila ang nangyari sa kanila?"

Inagaw ni Crenz ang mic.

"Rome Harold Tan, 'wag mo kaming pag initan. Kung namimiss mo ko 'wag mo na silang idamay sa kabaliwan mo"

Naguguluhang tumingin ako sa kanila, gano'n din sina Nemi na parang mga nakakakita ng multo.

Mula sa seryosong mukha ni Mr. Harold ay bigla itong ngumiti.

Nag bulungan ang mga taong nakapaligid sa'min.

"Lintek talaga pambabara mo bata, wala kang kupas. Listen everyone I would like to introduce to all of you my best friend's child, Crenz Yara Vilarde. Welcome to the organization little psycho"

Matapos sabihin 'yon ni Mr. Harold ay kinindatan niya si Crenz.

Pumalakpak silang lahat habang kami ay namamangha sa mga nangyayari.

Umupo na kami ni Crenz.

"Hans? Bakit? Paano?"

Kaya pala hindi man lang kinakabahan si Crenz sa pag sagot sagot kay Mr. Harold.

"Sobrang gulo eh, hindi ko alam kung paano sasabihin pero masipag at matyaga kasi ang papa ni Crenz kaya nagiging maimpluwensiya rin siya"

Tumango ako

Masipag naman talaga ang mga mag sasaka pero hindi ko expect na ganito ka impluwensiya na maging si Mr. Harold ay kilala niya.

"Pero si Mr. Harold na 'yan"

"Sa pamilya ni Crenz umaangkat ng bigas ang organization. Hindi lang bigas, prutas, gulay at iba't ibang goods."

"Wow lagi nalang talagang may pasabog 'tong kaibigan niyo"

Lumingon kami kay Liphyo na nakikinig din sa pinag uusapan namin.

"Napaka chismoso mo"

Sabi ko sa kaniya. Ngumuso at umayos naman siya ng upo.

"Alam ba ng pamilya mo na may boyfriend ka little psycho?"

"Oo, sabi ni Mama sa'kin na 'wag raw akong mag papakita sa kanila na wala akong dalang nobyo"

What the hell?

Bumukas ang pinto mula sa itaas kaya lahat kami lumingon liban kay Crenz.

"I'M BACK!"

Napa sampal ako sa noo ko nang makita ko si Tyro. Mag hahasik nanaman kasi 'yan ng kabaliwan.

"Sino nag sabi sayong dumalo ka dito?!"-Mr. Harold

"Nakaka dismaya nga eh, wala man lang nag inform sa'kin. Kung di ko pa mabalitaan kay Daniel, di ko rin malalaman"

Nag iyak iyakan siya.

"Sa taglay mong kapilyuhan? Sinong gugustuhing makasama ka dito?"

"Syempre ikaw! Wow, masyado ka atang gumurang ngayon Mr. Tan"

Siraulo talaga

Tumayo ang lahat liban sakin, Liphyo at Crenz.

Yumuko sila bilang pagbati at gano'n din si Tyro sa kanila. Bago pa makaupo ang lahat ay pumasok na si Chelsea, Daniel at Natalie.

Kaya yumuko ulit ang lahat gano'n din sila

"Oh! Binalikan ka na ni Nina?"

Tanong ni Mr. Harold na may halong pang aasar.

"Oo naman, masyado akong gwapo para balewalain-"

"Umiyak siya sa harap ko!"

Sigaw ni Nina. Agad tinakpan ni Tyro ang bibig niya at may binulong dito.

Tumawa ang iba dahil sa sigaw ni Nina.

"Iyakin ka pa rin hanggang ngayon boy nuts"-Mr. Harold

"Ayos lang maging iyakin basta hindi tatandang binata gaya mo"

Pag aasar ni Tyro

"Mag kakaasawa sana ako kung hindi lang napunta sakin ang limang bata para alagaan dahil sobrang sakit nila sa ulo"

"Paano? Wala ka ngang girlfriend"

Ngingisi ngising nag lakad siya pababa, sumunod naman ang tatlo

"Sinong may boyfriend?"-Tyro

Tyro please huwag mo na siyang pansinin. Kahit si Tyro ay hindi uubra sa isang Crenz Yara Vilarde.

Huminto siya sa harap ni Crenz at Liphyo. Napahilot nalang ako ng sentido ko.

"Sa itsura mong yan mag kaka boyfriend ka ng ganito?"

Tinuro niya si Liphyo

"Anong gayuma ang pinainom mo sa kaniya? Or should I say paano mo binaliktad ang paningin niya?"

Hindi naman talaga madalas mag salita si Crenz, isa sa mga bagay na ikina cool niya. Tiningnan ko si Chelsea na nanghihingi ng tulong na patahimikin na si Tyro. Bestfriend kasi yang si Chelsea at Tyro kaya siya ang mas effective way. Nag kibit balikat lang ito na ang ibig sabihin ay wala na siyang magagawa pa tungkol kay Tyro.

"Tapos ka na ba mag salita? Harang ka sa view ni Mr. Harold, hindi ko makita ang kulubot ng balat niya"

Nakangiti pa si Tyro. Hilig na talaga niya ang mang asar.

"Paano ka naka dagit ng model? Ang isang Liphyo Attienza ay package deal na at hindi sa katulad mo papatol"

Pasimple lang siyang tiningnan ni Crenz habang naka cross arm and legs.

"Miss? Boyfriend mo 'to? Dapat 'di mo na binalikan. Itsura palang nito mukha nang manloloko tapos binalikan mo pa?"

Baling niya kay Nina

"Pfft!"-Hans

Mahinang natawa si Hans kaya siniko ko siya ng mahina.

"Anong tinatawa tawa mo diyan?"

Takang tanong ko sa kaniya

Sumenyas lang siyang wala 'yon.

"Enough kids. Take your seats and we'll start the meeting"

Sinulyapan pa ni Tyro ng mapang asar na tingin si Crenz bago umupo sa tabi ng kambal.

"Crenz really have something 'no?"-Nemi

"Something?"

"Sa tingin mo ba kilala rin siya nila Tyro?"-Nemi

"Tyro stayed in Switzerland in the past 3 years, impossible naman ata"

"Anong impossible? Si Mr. Harold nga kilala niya at kilala siya-"

"Iba si Mr. Harold. Broad ang hawak ni Mr. Harold kaya natural lang na marami siyang makilala unlike Tyro. Tyro is a pilot kaya medyo-"

"Tyro is famous"

Paglaban niya.

"Hindi ganoon karami ang kaibigan ni Tyro. Ibang iba ang konsepto niya, may pagkakahawig sa konsepto ni Crenz. Sabi nila pareho ay iilan lang ang kaibigan nila the rest kilala lang nila unlike us na once we bond, friends na agad"

"Malay mo nga mag kakilala sila"

"Makikita naman natin sa mata ni Crenz kung kilala niya ang isang tao-"

"Sa talino ni Vilarde, malamang kilala niya si Tyro. Nakasulat naman sa Royal info book ang mga posisyon nila at pinaaral iyon kay Crenz, diba?"

Oo nga 'no. Pero kahit pa kilala niya o hindi si Tyro at hindi naman na mag babago ang ugali nito. Si Liphyo lang ang nakapag babago kay Crenz. Hindi napapansin ni Crenz pero may mga nalalabag siyang rules niya na hindi niya nalalaman.

Sumulyap ako kay Crenz at Liphyo na nag aaway nanaman.

CRENZ'S POV

Nag simula nang mag salita si Mr. Harold.

Nag flash sa screen ang isang kwintas na tadtad ng dyamante.

"This is a diamond necklace that worth of $20,000,000"

Nagsimula nang mag bulung bulungan ang mga tao.

"Wow! Hindi ko ma imagine kung gaano na ako kayaman kung magiging akin 'yan"-Pula

"Manahimik ka"

Hindi pinansin ni Pula ang sinabi ko at manghang mangha pa rin na naka tingin sa screen.

"Yes?"

May tinuro ang speaker sa likuran namin. May nag taas pala ng kamay para mag tanong.

"Was it appropriate to talk about this matter when some outsider is in here?"

Tumingin kaming lahat kay Pula.

"Raya"

Bulong sa'kin ni Pula na parang nag hihingi ng tulong.

"Aalis nalang ako"

Tatayo na sana si Pula pero pinigilan ko siya at pinaupo ulit.

Sinenyasan ko si Mr. Harold na mag patuloy lang sa pag sasalita.

"Yara, what are you doing?"-Hans

Pananagutan ko nga pala 'tong tukmol na 'to pag may nangyaring masama sa kaniya.

"He's mine"

Seryosong sagot ko kay Hans na ikinagulat niya.

"We'll talk to him later-"

"It's against the rules!"

Sigaw noong isa sa likod kaya nagkatinginan na kaming mga nasa unahan.

"Raya aalis na lang ako, marami na ang nag rereklamo"

May bahid ng pag aalala at pagkapahiya sa mukha ni Pula. Namumula nanaman siya lalo na ang tenga niya kaya sumulyap ako sa tenga niya saka ko siya tiningnan sa mata para pakalmahin.

"Mangako kang hindi mo ipag sasabi sa iba lahat ng mga maririnig mo dito"

"Hindi naman kayo pumapatay diba?"

Huminga ako ng malalim.

"Mangako ka nalang."

Pinakatitigan ko siya sa mata pero kaagad siyang umiwas.

"Gusto ko na umalis"

Pinaling aniya.

"May alam ka na sa organization kaya hindi na namin masisigurado ang kaligtasan mo once na lumabas ka ng pinto"

Nangunot ang noo niya

"Eh wala naman pala akong choice!" Galit na aniya.

"May choice ka. Lalabas ka ngayon pero mamamatay ka o mag aagree ka sa lahat ng kondisyones nila at mabubuhay ka"-Hans

"Raya?"

Humihingi ng tulong ang tono ni Pula.

"Girlfriend niya ang isang member ng organization. Siguro naman may karapatan siyang malaman kung ano ang mga ginagawa ng nobya niya"

Biglang tayo at sabi ni Tyro sa lahat

Putcha? Bakit kailangan pang sabihing boyfriend ko 'tong tukmol na 'to?

Ay bwiset! Kasalanan ko nga pala.

"Pero hindi siya member at mahigpit na ipinag babawal ang pag pasok niya dito at pakikinig niya sa mga pag uusapan natin"

Sagot ng isang mid 30's na lalaki

Tumayo ako at kinuha ang mic.

"Wala pa siyang alam. Pwede pa kaming umalis dito-"

"Pero paano niyo gagawin ang assignment niyo kung aalis ka?"

Nakangising tanong ng isa.

"Ikaw ang gumawa tutal ikaw naman ang naka isip na paalisin ang kasama ko"

Seryosong sabi ko sa kaniya. Nag kagulo na ang meeting area. Tahimik lang sina Hans at ang mga kasamahan namin, ni hindi rin nag bigay ng kahit anong emosyon sina Daniel dahil sa kilala nila ako kapag ako na ang nag salita.

"Bastos ka nga! Paano mo nasasabi 'yang mga sinasabi mo-"

"Binuka ko ang bibig ko at nag labas ako ng boses kaya nasabi ko ang mga nasabi ko"

Seryosong sabi ko sa kaniya

"Enough!!"

Lahat kami ay natahimik nang bumukas ang pinto at pumasok si Mr. Homer kasama ang dalawang bodyguard niya.

Lahat sila ay tumayo at yumuko sa Papa ni Sandra. Nang makaupo muli sila ay nanatili pa rin akong nakatayo.

"Mr. Montilla, you're just in time. I need your help about this matter"

Kung paalisin si Pula ngayon ay ako ang mapapahiya dahil ako ang nagdala kay Pula dito at nag pumilit na dalhin siya dito kahit alam kong bawal.

"It's fine that he'll stay here"

Umugong ang malakas na bulungan sa loob ng kwarto.

"He helped my daughter before and now it's time for us to protect him-"

Sabi niya habang bumababa siya ng hagdan

"-karapatan niyang malaman kung bakit siya hinahabol ng mga humabol dati sa grupo ng anak ko. At least aware siya na nanganganib ang buhay niya"

Sinulyapan kami ni Mr. Montilla

"Isa pa, may tiwala ako sa mga desisyon ni Vilarde. Gaya ng sinabi ni Vilarde, gusto niyo bang kayo na ang gumawa ng assignment na 'to? Anyone?"

Sa pagkakataong iyon ay nakarating na sa stage si Mr. Montilla at tinaas ang kamay niya kung sino ang gustong mag presenta na pumalit sa pwesto ko.

Yumuko ang iba. Sign na iyon na walang may gusto sa kanilang gumawa no'n.

"Kung gusto niyo naman 'yong dating team nalang natin-"

Umugong ang protesta sa mukha at boses nila.

"Sino nga ulit kanina ang nag rereklamo?"

Tanong ulit ni Mr. Montilla

Nag taas ng kamay ang isang lalaki.

"Oh gusto mo ikaw na ang pumalit sa kaniya. Kapag nag tagumpay ka ay ako mismo ang mag papahirap sa buhay ng batang Attienza-"

Kumapit sa kamay ko si Pula, tumingin ako sa kaniya. Lahat ng kalinya namin ay nakatingin sa'min, specifically sa kamay namin.

"-pero kapag hindi ka nag tagumpay, ikaw ang papatayin ko."

Seryosong tono na pag papatuloy niya.

Natatakot na ang itsura ni Pula kaya wala na akong choice kundi ang pumasok sa usapan nila.

"Wala pa siyang alam kaya mas mabuti nang umalis nalang kami. Introduction palang ang nasasabi"

Diretso sa mata ni Mr. Montilla na sabi ko.

"Will you do your part-"

"May choice ba ako? Kapag ba humindi ako, hindi niyo na ba ako pipilitin?"

"Pipilitin"

Hinila ko na ang kamay ni Pula na naka kapit sa'kin. Pareho na kaming nakatayo ngayon.

Tiningnan ko si Hans maging sina Daniel at Tyro na nasa dulo at bahagya silang tinanguan.

Sila na ang bahalang makinig at mag paliwanag sa'kin ng gagawin.

"Raya? Wala bang mangyayari sa'kin kapag umalis ako ngayon?"

"Wala, pero kung mamaya ka aalis baka may mangyari nga sayo"

Nasa kalagitnaan na kami ng hagdan paakyat nang mag salita si Mr. Montilla.

"From now on Mr. Attienza will be under your care"

Nanlaki ang mata ko at napahinto sa paglalakad kaya napahinto rin si Pula.

"Bakit? Ano raw?"

Dahan dahan akong humarap sa kanila.

Sa sobrang ingay ng paligid ay hindi ko na rin marinig ang protesta ng mga kasamahan ko, maging ang naka paligid sa'min ay nag poprotesta dahil sa pasya niya.

Maisip ko palang na mahihirapan si Pula sa mga mangyayari ay tumututol na ako.

Sinasabihan nila ako noon na wala akong pakealam sa paligid ko pero ang totoo ay mas may pakealam pa ako sa kanila kaysa sa sarili ko.

Habang tinitingnan ko noon sina Hans na nahihirapan dahil sa organization na 'to ay sobra akong naaawa. Gusto kong pahintuin ang mga namumwersa sa kanila na gawin ang mga bagay na hindi nila gusto pero wala akong magawa dahil walang halaga ang sasabihin ko kumpara sa sasabihin ng organization na 'to.

Nasasaktan at naaawa ako sa kanila kahit na mas mahirap ang pinag dadaanan ko.

Konting mali ko noon, may latay na ako sa katawan ko. Dumating pa nga sa point pinahabol nila ako sa aso. Kailangan kong tumakbo ng mabilis para sa buhay ko kundi ay malalapa ako. Ganoon ka sadista ang mga umampon sa'kin.

Bumalik ako sa wisyo nang may punasan si Pula sa pisngi ko.

"Mas gusto kong walang emosyon ang mata mo o di kaya galit ka kapag kaharap mo ako, pwede rin naman 'yong sarkastikong tingin mo, wag mo lang ipakita sa'kin 'yang luha mo pati na ang tingin mong may awa."

Sa kaunting sandali ay napag aralan ko ang buong mukha niya.

Agad akong nag bawi ng tingin.

Pasimple kong pinunasan ang luha ko.

Bumalik ako sa tingin na walang pakealam.

"Halika na"

Tumalikod na ako at nag lakad paakyat. Nang maramdaman kong walang naka sunod sakin ay tumingin ulit ako sa likod. Nakita kong nakatalikod siya mula sa'kin at nakatingin sa mga tao.

"Putcha, chismoso talaga"

Bulong ko sa sarili ko. Nag lakad ulit ako pababa para kunin siya.

Hinila ko ang kwelyo ng suot niya.

"Halika na sabi!"

Inis na sabi ko sa kaniya.

Kinaladkad ko siya paakyat.

"Raya! Hoy! Matitisod ako, Raya!"

Reklamo niya habang palabas kami ng kwartong iyon.

TYRO'S POV

"Sabihin mong namamalikmata lang ako"

Sabi ko matapos hawakan ni Attienza si Yara sa kamay nang hindi man lang ito binabalian ng buto.

Kilala ko si Attienza dahil bukod sa isa siyang modelo, nababalitaan ko rin ang mga hindi ugali ni Yara na nagagawa niya kapag si Attienza na ang kasama.

Sabi ni Hans madalas makipag talo si Yara kay Attienza na hindi naman talaga ugali ni Yara.

Kung may makikipag talo sa kaniya ay lagi niya lang nilalayasan pero iba kapag sa lalaking 'yon na talagang pinag aaksayahan pa niya ng oras para makipag talo siya.

Nagulat din ako nang sabihin ni Hans na humingi ng payo si Yara kay Attienza kung sasabihin ba nila ang nangyari sa kanila no'ng hinarang sila o huwag nalang.

"Ibang Yara ata ang bumalik"

Ani ko sa sarili ko.

Nang mapag desisyunan nilang umalis ay tanging nasa kanila lang ang tingin ko.

"Nag seselos ka ba?"

Natauhan ako sa tanong ni Nina

"What?"

"Matagal mo na gusto-"

"Iniinis mo lang ang sarili mo"

Seryosong sabi ko kay Nina

"Iba ang tingin mo sa kaniya"

"Nina please, ilang beses na nating pinag usapan 'to"

"Kakaiba ang pinsan ko-"

"Gusto mo bang buntisin nalang kita?"

Bulong ko sa kaniya.

*PAK*

Bigla niya akong nasampal kaya nasapo ko ang pisngi ko.

"S-sorry"

Nag baling siya ng tingin sa iba. Mukhang natauhan na ang selosa kong fiancee.

"From now on Mr. Attienza will be under your care"

Nagulat kaming lahat sa sinabi ni Tito Homer.

Nag simula nang mag protesta ang mga tao dahil wala sa tamang proseso ang pag dedesisyon niya pero dahil siya ay under ng Kings quad malakas talaga ang kapangyarihan niya at batas ang salita niya.

Kitang kita ko kung paano niya tingnan si Attienza na may awa sa mata at takot at kitang kita ko ang pagtulo ng luha sa mata niya na kaagad pinunasan ni Attienza.

Hindi ang tipo ni Yara ang maaawa sa isang lalaki lalo na at kasing kulit ni Attienza.

Ayaw na ayaw ni Yara na may maligalig na naka paligid sa kaniya pwera nalang kung may mapapala siya sa mga taong iyon baka pag tyagaan pa niya.

"Pero anong ambag niya?"

Bulong ko sa sarili ko.

Matapos kong makitang hilain ni Yara si Attienza palabas ng silid ay lumipat ako ng pwesto at tumabi kay Hans

"Did you saw it? Yara's tear just drop unexpectedly"

Tanong ko kay Hans na nakatulala lang.

"You won't believe me unless you saw it"

Sarkastikong aniya dahil iyon ang sinabi ko sa kaniya na hindi ako maniniwala hanggat hindi nakikita ng sarili kong mata.

"Ibang Yara ang bumalik sa'tin"

Nag bubulungan lang kami dahil alam naming ayaw sabihin ni Yara na kilala namin siya. Ayaw ni Yara na isipin ng iba na ginagamit niya kami para maka pasok siya dito sa organization.

Gano'n siya ka strikto sa sarili niya. Gusto niyang sarili niyang sikap ang lahat.

Wala naman talagang naging madali sa buhay ni Yara.

"Pangalawang beses na niyang sinabi na sa kaniya si Liphyo. You know the unexpected feeling everytime she owned that person, it gives me chills in my bones. How come? I mean she's not like that"

Dama ko sa boses ni Hans ang kaguluhan ng mga nasa utak niya.

"Let's start!"

Maawtoridad na sigaw ni Mr. Harold kaya lahat kami ay nanahimik.

"It's a ship party and everyone there is a high class. Tiffany Crudie is a mistress of a senator Ramirez and Sen. Ramirez is a corrupt official"

Nag flash sa screen ang picture ng dalawa. Bata pa ang babae at isa pang artista. Nakikita ko na 'tong babaeng 'to noon eh pero di ko akalaing ganiyan siya ka deperada.

"Lovely? You know her right?"

Tanong ng speaker sa isang babae

"Yes Sir, she's my colleague in the network"

Sa organization namin may naka toka na agad na magiging propesyon namin sa pag tanda namin. Gaya ko, isa akong piloto at successor ng mga airports kaya sobrang hirap talaga akong sundan noon si Nina dito. Si Nina ay isang HRM student, well successor siya ng maraming 5 star hotel. Mabuti nalang at nagustuhan niya rin ang course niya, dati kasi gusto niyang mag psychology pero pinaliwanag sa kaniya ng ama niya na kailangang kunin niya ang course na related sa hinahawakang linya ng magulang niya.

In our org. we have a Doctor, Artist, lawyer, teacher, police, chefs, designer, engineering, pilot and many more profession. Ganito kaayos ang organization namin. Pero hindi maiiwasan ang gulo dahil may mga batang ayaw ng linya ng magulang nila at gusto ay ang ibang propesyon pero hindi pwede dahil linya na nila ang trabaho ng magulang nila. Pero dipende pa rin pala kung papayagan silang mag iba ng propesyon.

"Have you notice this necklace?"

"No Sir"

Tumango ang speaker.

"Ok, thank you. In this ship party we need to get this necklace. The taxes of our fellow Filipino is on that necklace and it must be taken back."

"Are we going to donate again the money?"

Tanong ng isa.

"The half amount of the money will be taken back to the right holder and the other half will be our fund for the charities and financial request of other Royal manager"

Tumango kami.

"What will we do?"

Tanong pa ng isa.

"Just give the things that needed by the kids from every department. Maraming kakailanganin ang mga bata para sa assignment na 'to"

Tumango ulit sila.

"And I have a announcement"

Prente lang akong nakaupo

"Queen's deck successor will be back"

Nag bulung bulungan nanaman ang mga nasa paligid.

"Wow! May balak pa pala siyang bumalik?"

Natatawang tanong ko.

"Can't you remember? Sinabi na ng daddy niya na after 3 years ay doon lang siya pwede bumalik"

Natutuwa akong mabubuo na kami ulit matapos ang tatlong taon.

"May balita ka pa sa kaniya?"

"Lately lang at sinabi niya nga sa'kin na pabalik na siya"

Hanep Ryker. Naiiling nalang ako.

"Handa ka na ba na babalik siya?"

"Oo naman"

"Kahit alam mong gusto ni Sandra si Ryker?"

Tumingin kami pareho ni Hans kay Sandra na ngayon ay nakangiti habang kausap si Nemi.

"I don't know"

Makikita mo ang lungkot sa mata niya

"Kahit nga kay Yara-"

"Shut up asshole"

Ngumuso ako saka sumandal ulit. Nakakainis na talaga sila, mukha ba talaga akong asshole? Napaka bantot naman.

Kami lang ang nakakaalam ng kay Ryker, Yara at Sandra.

Si Hans parehong nag kagusto kay Yara at Sandra pero si Sandra may gusto na kay Ryker habang si Ryker naman ay may gusto kay Yara.

Kung tutuusin saaming apat na nag kagusto kay Yara, si Ryker ang pinaka may malaking chance para magustuhan ni Yara pero bigla nalang nawala si Ryker bago ang pagkawala ni Yara kaya hindi na rin niya natuloy ang iniisip niyang ligawan si Yara.

Bago mawala si Yara ay dumating si Sandra mula sa ibang bansa at dito sa pinas nag patuloy ng pag aaral. Bago naman umalis si Ryker ay nagustuhan na siya ni Sandra pero balita namin na kaibigan lang ang turing ni Ryker kay Sandra o di kaya'y kapatid.

"It's like a straight line with four dots"

"Anong sinasabi mo diyan?"

"You, Sandra, Ryker and Yara. You know what I mean"

"Tsk.. nothing to worry about. In the end, Sandra will be mine kahit mag pa petiks pa ako ngayon"

Tinapik ko ang balikat niya

"Yan naman talaga eh, bilib talaga ako sa kakapalan ng mukha mo"

"Well, confident lang"

Napapansin ko pa ang pag lingon lingon niya kay Sandra. Alam ko naman na nababahala siya pero wala siyang magawa gaya ni Sandra na walang magawa dahil alam niyang may ibang gusto ang taong gustong gusto niya.

Mabuti nalang talaga nakapag move on ako kay Yara. Ayokong ma stuck sa isang taong wala akong pag asa. Pero kahit gano'n may special na bahagi pa rin si Yara sa puso namin na hinding hindi maaalis kahit pa magkaroon kami ng sari sarili naming pamilya. Prinsesa namin siya at hindi mag babago 'yon.

CRENZ'S POV

Matapos kong pabalikin si Pula sa school umuwi na kaagad ako.

"Ang tahimik"

Bulong ko sa sarili ko habang nakahiga sa kwarto ko at nakatunghay sa kisame.

'Gustong gusto ko na siyang makita kahit saglit lang'

Nalulungkot ako pero wala akong magawa para masupil ang nararamdaman ko. Nasasaktan ako para sa taong 'yon pero hindi sa pamilya ng taong tinutukoy ko.

*Ring*

Bumalik ako sa katinuan nang mag ring ang cellphone ko.

"Kuring, anak?"

Bigla akong napangiwi sa tinawag niya sa'kin pero wala akong balak mag reklamo dahil pakiramdam ko nanghihina ako.

"Ma?"

"Mabuti naman at sinagot mo na- Teka parang matamlay ang boses mo? May sakit ka ga?"

Bahagya akong napa ngiti sa tanong na iyon. Tanong na matutunugan mo ang senseridad at pagkabahala.

"Wala po Ma pagod lang po sa school"

"Pagod kamo? Mag alas tres palang ng hapon ah, paanong naka uwi ka kaagad?"

Napaayos ako ng upo at naging alerto sa mga sinasabi namin pareho.

"Maaga po kasi kami pinauwi ngayon Ma kaya nasa bahay na ako"

Napakagat nalang ako sa labi ko.

Minsan talaga ay kailangan mong mag sinungaling para hindi mag alala sayo ang mga taong pinahahalagahan ka.

"Hindi ka ba nag sisinungaling Kuring?"

"Ma.. ano naman ang mapapala ko kung mag sisinungaling ako?"

Pinilit kong maging mas mahinahong sa pag sasalita.

"O siya.. kailangan mo na talaga ng pahinga kaya umuwi ka na dito"

Sumandal ako sa headboard

"Mama kung pangit ba ako ituturing niyo pa rin akong anak?"

Bigla ko lang naisip

"Ano bang sinasabi mo diyan? Syempre naman, sa paningin ng lahat ng mga magulang magaganda ang mga anak nila kahit pa may kakaiba sa mga ito."

Ngumiti ako ng pilit. Mabuti na lang at wala sa harap ko si Mama kundi tadtad nanaman ako ng tanong at wala akong dapat madaanan lang na tanong.

"Mabuti nalang at maganda ako"

"Aba syempre! Maganda ang lahi mo kaya hindi na kwestyunable ang bagay na 'yan"

May bahid na pag yayabang na aniya.

"Ma, kukunin ko si Whacky pag umuwi na ako galing diyan"

"Bakit mo pa kukunin? Dito ka nalang kasi tumira"

Ilang beses na rin akong pinilit ni mama na bumalik sa'min pero ako lang ang nag pupumilit na ayaw ko. Una sa lahat ay nakakatulong ako sa gamot ni mama, pangalawa, marami akong responsibilidad na di kayang tugunan nila Mama at ang huli.. si Sandra.

"Ma ayos lang ako dito."

"Tsk ikaw talagang bata ka. Oo nga pala, maliit lang ang bahay natin kaya sabihan mo ang mayayaman mong kaibigan na mag dala ng matutulugan nila"

Napakamot nalang ako sa kilay

Gusto ni nanay na magdala ng tent ang mga baliw.

"Pati ba ako Ma?"

"Natural!"

Biglang nangasim ang mukha ko.

Huminga ako ng malalim.

"Ok Mama.. mag pahinga ka na at inumin ang mga dapat mong inumin. Huwag kang mag papalipas ng gutom-"

"Jowa ba kita?"

Natawa ako sa sinabi niya

"Mama naman nag papaka millennial ka na ah"

"Haaay nakoo.. basta mag iingat kayo lagi. Sabihan mo si Handriko na namimiss ko na ang adobo niya"

Napangiti nalang ako.

"Sige po Mama, mag papahinga na po ako"

"Makinig ka lagi sa kuya mo!"

"Opo Ma"

"Oh siya.."

Pinatay na niya ang kabilang linya

*Ring*

"Putcha"

Naiusal ko nalang. Gusto ko nang mag pahinga at matulog. Bakit napaka raming istorbo sa mundo?

"Oh?"

"Yara?! Nakauwi ka na?"-Hans

Humiga ako at tumagilid saka ipinatong lang sa tenga ko ang cellphone.

"Kanina pa"

"Eh si Attienza?"

"Di ko alam"

Walang ganang ani ko

"Pupunta ako sa school-"

"Dapat lang, nandoon pa ang mga gamit ko"

Pumikit ako

"Crenz?"

"Uhm?"

"Kayo na ba talaga ni Attienza?"

Mahina akong natawa. Napaka patola talaga nitong lalaking 'to.

"Hibang siya kung gano'n"

"Pero wala kang gusto sa kaniya?"

Naririnig kong may bumubulong sa likod niya na pinapatigil niya. Ang tatlong kulugo nanaman nag sama sama.

"Ano bang akala mo sa'kin? Kukuha na ng sarili kong kabaong? Marami pa akong di nagagawa kaya 'wag mong itanong 'yan"

Nag kakagulo pa rin sa likod niya at malakas na nag bubulungan

"A-ahh.."

"Tyro dito ka na mag hapunan mamaya"

"Sure!"-Tyro

Bigla akong napangisi.

"Gago! Bakit ka sumagot?!"-Hans

Natawa ako ng pagak.

"Niyaya ako- ay bobo"

Kapag katangahan talaga no. 1 si Tyro.

"Dito na kayo mag dinner, isama niyo na sila Chelsea. Huwag niyo kalimutan ang Jollibee"

Pinatay ko na ang tawag. Hindi nag tagal ang pag iisip ko at nakatulog na rin ako. Kailangan ko ng maraming energy para harapin ang mga kaibigan kong may sayad sa utak mamaya.

~~~

Nagising ako sa ingay na nag mumula sa baba.

Pag labas ko ng kwarto, nakita ko agad si Chiggy na mukhang kagigising lang din.

"Nakakaimbyerna ang lakas ng mga bunganga ng mga bwisita mo".

Maarteng aniya habang inaayos ang buhok niya.

"Umayos ka nga, uumbagin kita eh"

Inambahan ko siya..

"Ay! Sa ganda kong 'to babangasan mo lang ang aking pretty face?"

"Pretty face pretty face"

Sarkastikong sabi ko. Sabay na kaming bumaba.

"CHIGGY!!"-Tyro

"Kingina" naiusal ko nalang habang tinitingnan si Tyro na mukhang tangang naka buka ang dalawang braso na mukhang yayakapin si Chiggy.

"Crenz! It's been awhile. Wala ka pa ring pinag bago"-Chelsea

"Astig pa rin"

"Of course. Ilang years na rin ba since we've last met?"

"4 years"

Tipid na ngiting sagot ko.

Tumingin siya sa mga mata ko.

"Your eyes"

Parang may gusto siyang itanong pero hindi nalang niya tinuloy at saka ako nginitian.

"Sobrang namiss kita"

Bigla niya akong niyakap. Napangisi nalang ako.

"Hi Papa!"

Pakendeng kendeng pang lumapit si Chiggy kay Tyro.

"Yuck!!"-Tyro

Nag tago siya sa likod ng nobya niya.

Hinayaan ko silang mag harutan habang tutok ako sa pag hahanap ng Jollibee ko.

"Wala pa, pero nag order na kami"

Biglang sulpot ni Hans

Napaupo nalang ako sa pagka dismaya ko.

"Ito muna kainin mo"

Binigyan niya ako ng candy.

"Kilalang kilala mo talaga ako ah"

"Syempre naman"

Kapag kasi na tatakam ako at wala akong magawa para maibsan ang pag kicrave ko, kailangan ko lang ng candy para malamanan ang bibig ko at pansamantalang mawaglit sa isip ko ang mga gusto ko. Mas gusto ko ngang kumain ng candy kaysa dumaldal. Napatigil lang ako sa ganitong gawain dahil nawawala ang lalagyan ko ng candy, hula ko si Chiggy nanaman ang nag tago dahil ayaw niyang nag ki candy ako dahil di raw healthy.

"Oh"

May iniabot sakin si Hans

"Putcha anong meron?"

Masayang ani ko habang nakatingin sa hawak niyang ka gaya ng lalagyan ng candy ko.

"Wala lang. Huwag mo na iiwan para hindi matago ng katapid mo"

Napangisi ako.

Nag si upo na sila sa harap ng mesa.

"Anong sabi?"

Panimula ko

"Ship party nga tapos night event, sa linggo gaganapin"-Tyro

"Anong araw ba ngayon?"

"Thursday"

"Bakit parang late na nila sinabi?"

"Late na rin natanggap ng mga nasa palasyo"-Chelsea

Naging seryoso ang mga nasa paligid.

"Sa organization niyo nanaman ba 'yan? Hay nako ah Crenz, sinabihan na kitang umalis ka na diyan dahil mapapahamak ka lang. Diba nga muntik ka nang sagasaan dati?"-Chiggy

"Masagasaan?"-Daniel

Napaka kontrabida talaga nitong baklang 'to

"Ano lang 'yon ahmm.. isang lalaking pinatalsik sa organization kaya gumaganti"-Hans

"At si Crenzy ang target?"

"Hindi, ako"-Hans

Naiiritang marahas napakamot si Tyro sa ilalim ng tenga niya.

"Where's that punk?"

"Don't worry, na report ko na sa Police"

"One or two?"

"One"

Nakahinga ng malalim si Tyro.

"Pero kahit na-"

"Hindi ko na gustong pag usapan pa 'yan". seryosong sabi ko sa kaniya. Huminga nalang siya ng malalim

"Anong oras?"

Pag papatuloy ko sa usapan.

"7:30 till 10 pm.. meet and greet lang naman ata ang mangyayari then business transaction"

"Kasama ba ang mga bata?"

Nagkatinginan silang lahat.

"Ano?"

Tanong ko ulit

"Gusto mo ba silang isam-"

"Hindi"

Diretsong ani ko.

"Sa tingin mo ba papayag silang hindi sila kasama?"

Napatingin nalang ako sa kawalan. Ayokong kumilos na may sagabal sa lakad ko. Alam ko kasing aalalahanin ko lang sila kapag sumama pa sila at hindi ko gusto ang ganoong pakiramdam.

"Pwede silang sumali dahil hindi naman habang buhay ay tayo ang gagawa ng bawat mission diba? Let them learn from us"-Daniel

Tumingin ako kay Daniel dahil may punto siya.

"Pero delikado"-Nina

"Sino bang nag sabing sila ang papasok sa ship?"

Lalo tuloy natuon ang atensyon ko kay Daniel.

"Ok, nakuha ko na. Pero kailangan natin ang mga lalaki"

Tumingin silang lahat sa'kin.

"Bakit pa? Akala ko ba ayaw mong may alalahanin ka?"-Hans

"Ang pinaka punto ko doon ay si Sandra"

"Pero mahihirapan tayong pumasok dahil sa dami natin"

Napangisi nalang ako

"Ako bahala"

Naputol ang usapan namin nang may kumatok sa gate. Dumating na ang aking paborito at habang kinakain ko ang paborito ay alam nilang ayaw kong pagusapan ang mga bagay na magpapawala sa'kin ng gana kaya nag usap usap nalang sila ng ibang bagay. Di ko pa rin maiwasang isipin ang mga posibleng bagay kaya malalim ang iniisip ko habang kumakain kami pero ganado naman lalo na at marami kami. Ngayon nalang ulit kami nag sama sama. Bigla nalang akong napangiti habang tinitingnan silang mag asaran.