not now
LIPHYO'S POV
"Dre. Kilala mo yung mga taga ibang school na pupunta raw dito mamaya?"
Nagpatuloy lang ako sa pag si stretching.
Nag hahanda ako sa pag langoy.
Tiningnan ko lang siya saka muling bumalik sa ginagawa ko
"Oh anong meron?"
"Magaganda at pogi raw yung mga taga ibang school na dadayo sa'tin dito"
"Aanhin ko naman sila?"
Nginisian niya ako
"Kailangan mong mag pa pogi para magustuhan ka ng isa sa kanila"
Napangiti ako sa sinabi ni Jerick
"Hindi ko na kailangang mag pa pogi, simula nang isilang ako doon lang lumabas ang salitang pogi"
Iiling iling na tiningnan niya ako
"Grabe ka rin sa kayabangan 'no?"
Dalawa lang kaming nandito ni Jerick sa pool area dahil mamaya ay gaganapin ang awarding sa mga sumali sa competition nitong nakaraang linggo.
Well, champion lang naman ako sa swimming competition.
"Pansin mo dre, parang hindi tayo welcome sa school na to"
Umayos ako ng tayo at hinarap siya
"Welcome tayo dito, sa mga babae at bakla nga lang"
Natawa kami pareho sa sinabi ko dahil kung tutuusin ay sa mga babae lang naman talaga ako patok dahil ang mga lalaki dito ay puro insecurities ang laman ng katawa at kamanyakan ang best nila.
Semi private kasi kaya medyo maraming siraulong akala mo'y di tinurian ng tamang asal. Mabuti nalang talaga at mabait bait pa ako sa kanila, kundi baka bumalik ako sa dating ako na basag ulo ang alam.
"Karamihan sa lalaki dito, parang mga babae kung mainggit. Threat ka talaga sa mga lalaki dito"
"Nag salita ang hindi"
"Pero hindi naman kasi ako hinahabol nila gaya ng ginagawa nila sayo"
"Pakealam ko naman doon? Nakita mo bang may pinansin ako sa kanila?"
Tumingin siya sakin sandali saka lumampas ang tingin niya sakin at napunta sa pinto ng pool area.
"Attienza. Hanep din talaga yang kahambugan mo ah. Nanalo ka na sa swimming competition tapos makukuha mo pa yung girlfriend ko"
Tiningnan ko ang nag salita. Si Alexis na feeling sikat dito sa school na 'to
"May gusto ka ba sakin?"
Tanong ko sa kaniya na ikana ngisi niya
"Iyang ka hambugan mo sagad na sagad sa buto. Akala mo sayo lang umiikot ang mundo"
Nag patuloy ako sa pag i stretching habang naka tingin sa kaniya
"Hindi ko kasalanan kung gusto ako ng girlfriend mo at nag hahabol siya sakin-"
Nagtiim ang bagang niya sa sinabi ko
"-Mas lalong hindi ko kasalanan kung saakin pumapabor ang mundo. Subukan mo kasing matulog ng maaga para maka pag beauty rest ka naman, malay mo bukas nasa talampakan ko na yung itsura mo"
"Gago ka talaga- *SPLASH*"
"ALEX/LEX!"
Sigaw noong dalawa niyang kasama.
Tinangka niya kasi akong sapakin kaya umilag lang ako. Sa lakas ng pwersa niya ayan ang binagsakan niya.
Tiningnan ko siya habang hinihilamos niya ang mukha niya. Nag patuloy ako sa pag sistretching.
"Dre, gera na yan"
Bulong sakin ni Jerick. Nginisian ko lang siya
"TARANTADO.. LAKAS NG LOOB MONG UMILAG!"
Seryoso akong tumingin sa kaniya
"Sino nalang ang hahabulin ng girlfriend mo kung di ako umilag?-"
Naisip ko ang itsura ng girlfriend niya na ikinatawa ko ng pagak
"- Ayy.. kahit pala hindi ako umilag, ako pa rin ang hahabulin niya"
Lalong sumama ang tingin niya sa'kin.
Tinulungan siya ng mga kaibigan niyang maka akyat sa pool side.
"Attienza, tangina sinasabihan na kita. Layuan mo ang girlfriend ko"
Mariing aniya
"Bakit ako ang lalayo? Never naman akong lumapit sa kaniya. Kung gusto mo, ikadena mo sa paa yung jowa mo nang di maka lapit sakin"
Tinangka nanaman niya akong sapakin. Mabuti nalang at pinigilan siya ng mga kaibigan niya.
"Kapal ng mukha mo! Tangina ka, ilugar mo 'yang kayabangan mo!"
"Mahirap namang mag yabang ng walang ipagyayabang.. Beauty rest"
Maangas na paalala ko sa kaniya.
"Aba tarantado talaga-"
"Alex, kumalma ka nga"
Saway ng kaibigan niya
"Eh gago yan eh! Akala mo kung sinong diyos-"
"Let's race"
Yaya ko sa kaniya. Tumingin siya sakin saka marahas na kumawala sa mga kaibigan niya.
"Game! Tutal basa na rin naman ako.. kapag nanalo ako layuan mo ang girlfriend ko!"
Napangisi ako sa sinabi niya. Pinaninindigan talaga niyang ako ang lumalapit sa jowa niyang hindi naman ganoon kagandahan kung mag feeling famous.
"Kol.. pag ako ang nanalo, ikadena mo na ang girlfriend mo, naaalibadbadran ako sa presensya niya"
"TARANTADO-"
"Alex, makipag laro ka nalang"
Inis na na sabi ng kaibigan niya na pumipigil nanaman sa kaniya para sumugod.
Naiiling na pumwesto ako sa pool side at inayos ang goggles ko. Binigyan din siya ni Jerick ng goggles at nag ayos din.
"A-ah sige ako na mag bibilang. 1-3 and go lang bilang ko ah"
Tinanguan ko siya
"Ok! 1!"
Nag handa kami pareho
"2!"
Tiningnan ko muna siya at ganoon din siya sakin
"3!"
*SPLASH*
Ang gago! Nauna nang lumusong. Halatang di marunong sumunod sa instructions.
"Go!"
Agad akong sumunod sa kaniya at halos mag kasabay na kami ngayon. Nauna akong makarating sa dulo ng pool at nag flip pabalik kina Jerick. Sa isip ko ay wala akong pakealam sa pustahan na meron kami dahil mas gusto ko yung ganitong may ka kompitensya, mas lalo akong na chachallenge.
Nakarating ako sa pinanggalingan ko.
Nag hintay pa kami ng halos 10 seconds bago siya makarating.
Tinulungan ako ni Jerick na umakyat at inabot sakin yung towel.
Inis namang hinagis ni Alex ang goggles saka rin siya tinulungan makaahon ng mga kasama niya.
"Here"
Hagis ko sakaniya ng towel na binigay sakin ni Jerick, agad naman niyang nasalo.
"Layuan mo pa rin ang girlfriend ko."
Madiing aniya saka tinapon sa pool yung towel na binigay ko sa kaniya.
Childish HAHAHA...
Naiiling na ani ko sa isip ko matapos niya gawin iyon.
Pumihit na siya paalis ng pool area.
Doon ko lang nakita ang isang babaeng nakangising nakatingin sakin at may subong lollipop.
Wala pang ilang segundo ang lumipas ay umalis na ang babae.
"Sino yun?"
Tanong ko kay Jerick na naka tingin pa rin doon sa kinatayuan noong babae kanina.
"Ha? Sino? Alin?"
Mukhang nag hanap din si Jerick sa tinitingnan ko
"Kingina dre? Nakaka kita ka ba ng di ko nakikita?"
"Baliw"
Pumihit muli ako paharap sa kaniya at kumuha ng malinis towel sa isang shelf doon.
"Dre C.R lang ako ah. Punta ka na rin doon sa gym mamaya"
"Sige lang"
Umalis na si Jerick. Inayos ko naman ang mga gamit ko.
"Oh Attienza? Bakit nandito ka pa? Mag sastart na ang awarding. Mag bihis ka na"
Pumasok sila coach kasama ng iba kong teammates dito sa pool area.
"Sige coach"
Nag punas ako ng sarili ko
"Liphyo, balita namin galing ka raw sa ibang bansa bago ka nag transfer dito ah. Iba talaga ang kutis mayayaman. Habulin"
Nag tawanan ang mga kasamahan namin at napangiti naman ako.
'Mga chismoso'
"Alam mo, dapat alam mo kung saan ka lulugar sa school na 'to. Dadami kaaway mo kung di ka iiwas sa mga babae"
"Never akong lumapit sa mga babae dito, ako ang nilalapitan nila. Alam ko kung saan ako dapat, kaso sinusundan nila ako kahit saan ako mag punta"
Mayabang na ani ko sa kanila na ikina tanggal ng ngisi nila sa labi.
"Tama na yan, mag bihis ka na Attienza malapit na mag simula ang awarding"
Tumalikod na si coach.
Masamang tingin ang pinukol sakin ng mga teammates ko bago nila ako talikuran.
"Kakaiba tong mga tao dito. May mga sapi"
Iiling iling na ani ko sa sarili ko saka nag dive muli sa pool at kinuha na rin ang towel na tinapon kanina ni Alex
Inayos ko na ang mga gamit ko at nag shower na saka nag tungo sa locker area. Nilapag ko sa upuan ang basang towel ko.
Inayos ko ang mga libro ko doon at nag lagay ng ilang mga damit na extra.
"You should ask for help, Crenz"
"Kaya ko 'yon gawin, huwag mo akong ginagawang tanga."
"I'm not saying that you're stupid-"
"Pwes, gano'n ang pinapahiwatig mo."
Hindi ko intensyon na makinig sa away ng kung sino sa may daanan palabas ng locker area. Masyado lang talaga malakas ang usapan nila. Hindi naman kasi ako katulad ng mga lalaki rito.
Sinara ko ang locker ko at sinukbit ang sports bag ko sa balikat ko. Nag lakad ako palapit sa kanila.
Tiningnan nila ako pareho. Pero mas tiningnan ko ang babaeng naka itim na nakita ko sa pool area kanina. Tiningnan niya ako na parang isa ako sa mga walang kwentang nialalang na nakita niya sa mundo. Wala man lang siyang ekspresyon. Nakipag titigan ako sa kaniya na parang inaalam ko kung ano ang iniisip niya ngayon.
"Do you need something, Mister?"
Untag sakin noong lalaki, doon lang nawala ang tingin ko sa babae at tumingin sa lalaki na mahahalata ang pag ka disgusto sa presensya ko. Nginitian ko siya saka umiling.
"Nope, nothing. Kayo? May kailangan ba kayo sakin?"
Kumunot ang noo noong lalaki samantalang ang babae naman ay wala pa ring pakealam sa amin.
"Ano? Hindi ka nga namin kilala."
Nginitian ko siya na may halong sarkastiko.
"Then if you don't need me, step aside, you're blocking my way"
Doon lang natinag ang lalaki na parang napapahiyang umatras para bigyan ako ng daan samantalang ang babae naman ay hindi natinag o kumilos man lang.
"Thank you"
Bahagya pa akong tumango sa kaniya saka nag patuloy sa pag lalakad.
Hindi pa ako nakakalayo ay may narinig akong malakas na hampas mula sa pinag mulan ko kanina.
Doon ko lang naalala yung towel kong basa na nasa upuan sa locker area.
Pag pihit ko paharap muli sa locker area ay may pitong tao na doon at mukhang galing sa sampal ang tunong na narinig ko kanina.
"That is just a simple thing to do but you can't do it right?! Napahiya ako sa maraming tao dahil doon!"
Mukhang malakas nga ang pag kakasampal noong babae sa babaeng walang emosyon kanina dahil nasa side parin ang mukha noong babae.
'tsk! Dumadami na talaga ang mga babaeng eskandalosa'
Lumingon na yung babaeng nasampal doon sa nanampal sa kaniya
Medyo lumapit ako sa kanila dahil nga sa kukunin ko ang towel ko sa loob ng locker room
Akmang sasampalin ulit siya noong babae nang saluhin ko ang pala pulsuhan nito.
"Once is enough, twice is too much. Ganda mo sana kaso mukha kang amazona"
Tiningnan niya ako na parang natitigilan sa itsura ko. Wala akong magagawa, ganoon talaga ako kagwapo at ganito rin ako kayabang.
Nginisian ko siya saka lang siya nakahuma.
"Who are you?!"
Ngumiti ako sa kaniya saka nag pakilala.
"Ah, I'm Jhonzel Liphyo Attienza."
Nag tiim ang bagang niya saka ako sinamaan ng tingin
"I don't need your freaky name asshole! I'm pertaining to your position to intervene the business of others!"
Mukhang hindi na ata tumatalab ang kagwapuhan ko sa kaniya ah. Mga naka itim sila hindi ko tuloy maiwasang isiping crew sila dito sa school, pero mukhang hindi dahil fluent sila sa english.
"It's all of you who interfere my business young lady"
Mas lalong sumama ang tingin niya sakin.
"Look, I don't care if you're going to do something terible to her-"
Sabi ko sa kaniya saka tiningnan yung babaeng sinampal niya at muling bumaling sa kaniya
"But for the second time can you please step aside"
Tiningnan ko silang lahat, parang doon lang nila ako nakuha. Binitawan ko yung babae
"Thank you"
Nag madali akong pumasok sa locker area at kinuha ang basang basang towel ko. Pag labas ko ay tiningnan nila ako pero hindi ko na sila pinansin at nag patuloy sa gym dahil nag sisimula na sila.
Nag simula na ang program nang maka pasok ako at agad akong sinalubong ni coach
"Saan ka ba galing? Kanina ka pa dapat nandito"
"Sorry coach medyo sumama lang yung tyan ko kanina"
"Maupo ka na doon"
Pinaupo niya ako sa tabi ng mga teammates ko.
"Dre, tagal mo ah"
"Oh.. ikaw na bahalang mag bigay sa washing area"
Inabot ko sa kaniya ang basang towel
"Nakita mo na yung mga bisita? Grabe dre! Ang gaganda nung mga babae"
Kung kumikislap lang siguro ang mata ay baka ganoong ganoon ang itsura niya.
"Tigilan mo yang kabadingan mo"
Ngumuso siya sakin
"Ang K.J. mo"
Nag patuloy ang program at awarding na naganap lang dito sa loob ng school. Noong i aaward na ang for school achievement tinawag na nila ang special guest.
"And for the awarding of the school competition. We would like to introduce to all of you the special guest for this day program. Let's all welcome, the president of student council and a daughter of the principal in Royal International School, Ms. Cassandra Montilla!"
Nag palakpakan kaming lahat. Doon na nga nag lakad ang isang babaeng naka itim at nakangiting kumaway sa mga tao.
"Napaka ganda pre"
Sabi ng mga ka team ko
"Liphyo, swerte mo makakamayan mo siya. Kung ako yan baka hindi ko na yan pakawalan"
Nag tawanan sila
'tss.. if I know mamanyakin niyo lang yan'
Napako ang tingin ko sa babaeng nasa stage. Siya yung babaeng sumampal sa isang babae kanina.
Hanep.. anak pa pala ng Principal pero ganoon ang attitude. Ganda pa naman kaso amazona naman.
"Thank you for having me here at this blessed afternoon-"
Nag hiyawan ang mga tao.
Nakaka ngiti pa siya niyan matapos niyang manakit kanina? Grabe talaga pag mayayaman.
"Huwag na po natin patagalin ang pag bibigay parangal sa mga estudyanteng nag bigay ng karangalan sa paaralang ito!"
Nag patuloy nga ang pag aawarding nila.
"Pre, diba sabi ko sayo eh ang gaganda nila eh tapos yung mga lalaki oh, mukhang may binatbat talaga sa papogian"
Tiningnan ko ang mga kasama niya na nasa baba ng stage na parang mga gwardiyang kung maka tayo doon sa gilid. May isa pang babae ang nandoon at mukhang nakikipag talo sa katabi niya.
"Hays.. dapat talaga pina sunod ko na rin sila Austin dito"
Sabi ko sa kaniya na habang naiiling iling. Sobrang kulit kasi ni Jerick. Lima kaming mag kakaibigan pero ako talaga ang pinipili niyang dikitan.
"Di ka pa na sanay?"
"Ayokong masanay-"
"Halos araw araw mo na ako nakakasama sa loob ng ilang taon tapos di ka pa rin sanay?"
Natatawang aniya
"At least sa loob ng ilang taon na yun hindi lang ako ang sumasalo ng ingay mo"
Tumawa siya
"Ok lang yan dre-"
"Di ok sakin"
Kunot noong sabi ko sa kaniya
"Kuya?"
Parang tutang aniya sakin na parang nag papaawa. Bigla akong natawa
"Bakla ka talaga"
Iiling iling na ani ko
"The last awardee for this awarding program is one of the best student in St. Peter Highschool. Best in Mathematics, The face of the night during the Acquaintance party, Quiz bee champion, Mr. Lakandula and the champion for swimming competition- WOW! Mr. Perfect pala 'tong last awardee natin!"
Nag hiyawan ang mga tao.
"Bilib talaga ako sa kapogian mo pre. Mr. Perfect ka na ngayon sa kaniya"
Nginisian ko lang siya. Kung alam niya lang yung nangyari kanina, baka pag tawanan pa niya yang babae.
"ATTIENZA!!"
"ATTIENZA!!"
"ATTIENZA!!"
"ATTIENZA!!"
"ATTIENZA!!"
"ATTIENZA!!"
Hiyawan ng mga tao kaya mas lalo akong napa ngiti
"And he seems so famous. Specially to girls ah"
Natatawang aniya habang naka tingin sa mga tao
'ganoon talaga pag nag babagong buhay Ms. Montilla'
"Let's give a round of applause for MR. JHONZEL LIPHYO-"
Tumayo na ako at umakyat ng stage. Nag tama ang paningin namin.
Ganiyan nga.. Mr. Perfect pala ah
"A-ATTIENZA"
Gulat na kunot noo ang tingin niya sakin habang ako naman ay naka ngiting lumapit sa kaniya.
Sinabit sakin ang medals at binigay sakin ang trophy.
Mas lalong nag sigawan ang mga tao.
"C-congratulations Mr. Attienza"
Sabi niya sa mic
"Akala ko Mr. Perfect ang itatawag mo sakin"
Ngising ani ko sa kaniya.
Hindi ko ma describe ang itsura niya ngayon.
"Picture po"
Sabi nung photographer kaya sabay kaming napatingin sa kaniya saka ngumiti
"Closer po"
Lumapit siya sakin nang kaunti. Nag tilian at hiyawan ang mga tao.
"Closer pa po"
Nginisian ko muna siya bago ko siya inakbayan at nilapit sa akin. Ramdam ko ang panginginig niya.
'Hindi naman kita kakainin'
Napangisi ako sa iniisip ko
Mas lalong nag wala ang mga taong naka kita sa amin.
CRENZ'S POV
Nasa ikalawang palapag ako ng building na naka harap sa gymnasium ng school nila.
"Mr. Perfect"
Ngumisi ako habang nakatingin sa kanila ni Sandra na nag pipicture sa may stage.
Noong akbayan siya noong lalaki ay muntik nang sumugod ang mga kasamahan namin sa stage kung hindi lang sila pinigilan ni Hans, Vice President ng student council namin.
Naalala ko nanaman ang pag sampal sa akin ni Sandra kanina. Hindi ko ugaling magalit sa mga taong nananakit sa akin ng pisikal lalong lalo na kung alam ko namang ako ang may kasalanan.
~FLASHBACK~
Kasalukuyan kaming nasa unit ni Sandra para mag asikaso sa pag punta namin sa isang school dahil kailangan daw niyang mag present sa school na iyon, at kung ano iyong ipepresent niya, iyon ang hindi ko alam.
"This flash drive is for my personal photo and this one is for presentation"
Hindi ako nag abalang tumingin sa ginagawa ni Sandra dahil inaantok na naman ako
"And why are we in black?"
Maarteng tanong ni Nemi samin saka ipinakita ang suot niyang black shirt. Tumingin siya kay Sandra na nag tataka
"Don't look at me, ask Crenz"
Sabi ni Sandra sa kaniya kaya tumingin siya sakin na nag tatanong din
"Maganda naman ah"
Simpleng tugon ko
Natawa naman ang kambal.
"Knowing Crenz, isa lang naman ang alam na kulay niyan eh, itim lang-"
"Alam ko rin ang kulay ng dugo Jonmar. Gusto mong palabasin ko sayo?"
Bahagya siyang napaatras at napa lunok
"Joke lang Crenz, masyado ka namang high blood"
Natatawang aniya
"Tss.."
Natawa sila sa'min
"Let's go"
Sabay sabay kaming napatingin kay Hans.
"Ok, let's go"
Sagot ni Sandra kaya tumayo na kaming lahat at lumabas ng unit niya.
Personal bodyguard kami ni Sandra kaya dapat kung nasaan siya ay nandoon din kami. Masyadong importante si Sandra sa business nila kaya dapat bantay sarado siya dahil marami na ring threats ang nakukuha niya.
Noong nasa lobby na kami ay saka may nag salita sa kanila
"Nasan yung flashdrive?"
Tanong ni Migs, Isa sa kambal
"You didn't bring?"
"Di ko alam sa inyo, kayo ang may hawak kanina diba"
"Ako na kukuha"
Presinta ko
"Are you sure? I can do it"
Tanong ni Hans sakin
"Mamaya na kayo mag ligawan diyan, dalian niyo na at kunin niyo na yun"
Sita samin ni Sandra
"Kaya ko"
Tinalikuran ko na silang lahat at nag tungo muli sa elevator at sa unit ni Sandra. Agad kong pinindot ang pin code. Lahat kami ay alam ang passcode doon dahil kung sakaling may mangyari kay Sandra ay mabubuksan agad namin.
"Saan dito"
Tanong ko sa sarili ko dahil dalawang flashdrive ang nasa desk. Wala akong choice kundi ang kunin ang dalawang flashdrive at bumaba muli.
Nasa harap na ng building ang van kaya pumasok na agad ako.
Nang maka upo ako ay nag paalala na si Sandra
"Please, ayoko nang makulit doon sa school na iyon dahil importante itong gagawin natin. Migs, Jigs bawasan niyo yang kaligaligan niyo pag dating doon. Ayaw kong mapahiya lalo na't kilala ni Lolo ang Principal sa school na iyon"
Sa aming lahat ay ang kambal talaga ang sobrang makulit na parang sinilihan ang mga pwet at di mapakali.
"Mabait kami Sandra, bakit hindi mo kausapin yung dalawang yan"
Tukoy niya kay Nemi at JM.
"Hey, why me? Si Jonmar ang pag sabihan niyo-"
"Oh bakit din ako? Wala akong ginagawa-"
"Iyon na nga eh wala kang ginagawa kaya mas nakakabwiset ka"
Tiningnan ko sila pareho
"Ligawan mo raw kasi JM, kilos kilos na kaya naiinis sayo eh"
Seryosong sabi ko sa kanila na ginatungan naman ng kambal
"You know what Crenz, mas gusto kita pag tahimik ka lang"
Napa ngisi ako sa sinabi niya at tinawanan naman siya ng kambal.
Nang manahimik sila ay saka ako nag tanong
"San dito yung proposal?"
Tinaas ko yung dalawang flashdrive. Nanlaki ang mata nila
"What the heck Crenz"
Kunot noong sabi ni ni Nemi. Inosenteng tumingin ako sa kanila
"Yung nasa kanan kanina yung flashdrive for presentation"
Sabi ni Sandra na parang pinipigilan ang inis.
Aba malay ko kung nasan ang nasa kanan dito kanina, basta kinuha ko yan pareho.
"Sino ba naman kasing matalino ang bumili ng dalawang flashdrive na pareho ang itsura?"
Tanong ni Nemi at nag turuan ang kambal
"Damn it! Fix that Crenz"
Nauubusan ng pasensiyang sabi sakin ni Sandra.
Nakarating na kami sa school na iyon. Hinanap ko agad ang comlab nila para i open yung files. Ang kaso noong nasalpak ko na biglang nag corrupt
"Kingina, may virus"
Hindi ko tuloy malaman kung anong gagawin ko.
Mag ta time na eh.
Wala na akong nagawa kundi ang ibigay ang isang flashdrive na hindi ko na salpak. Bago kasi na corrupt ang mga files ay nakita ko ang ibang pictures ni Sandra. Ang naalala ko ang sinabi niya ay lalagyan niya ng pic ang isang flashdrive kaya ginrab ko na yung opportunity.
Binigay ko na kela Hans iyon at pinakalma ang sarili ko.
Nag ikot ikot muna ako sa school, mag pepresent pa sila kaya mas mabuti nang mag libot muna.
"Ate"
May lumapit sa aking bata
"Hey, 'sup?"
Inosente siyang tumingin sa akin habang hawak ang isang lollipop saka iniabot sa akin kaya umupo ako para maabot ko siya.
"Hindi ka ba sinabihan ng Mama mo na don't talk to strangers?"
"Sinabihan po"
Inabot niya ang kamay ko saka nilapag ang lollipop
"Pero sabi rin po ni Mommy na kapag may sobra ako, mamigay ako"
Tingnan ko ang lollipop saka tumingin sa kaniya.
"Paano pag ayaw ng pinag bigyan mo binigay mo?"
Napanguso siya. 'ang cute'
"Edi kainin niya po pag gusto na niya"
Napangiti ako sa sinabi niya. Nag lakad na siya paalis
'di man lang ako inantay mag thank you man lang'
Namiss ko tuloy bigla si Charrie.
Nag lakad din ako papalayo sa lugar habang nasa bunganga ko na ang lollipop. Umabot ako sa pool area nila. May nakita ako doong limang lalaki na mukhang nag aaway ang dalawa, rather I say, nang aaway yung isa.
"Nice, abs"
Bulong ko sa sarili ko habang naka tingin sa lalaking hindi intensyon ang mag yabang pero mahihimigan mo ang pagiging hambog.
Pinakinggan ko sila hanggang sa mag race sila
"Tsk tsk.. madaya, hindi nakikinig sa instructions"
Iiling iling na ani ko sa sarili ko.
Nag patuloy ako sa panonood sa kanila hanggang sa matapos sila at nag lakas ang mga lalaki palayo sa dalawa. Nag text si Hans na mag kita kami. Sinulyapan ko ang lalaking nanalo kanina sa race at nginisian siya saka umalis na rin doon. Nag hanapan muna kami bago kami nag kita ni Hans.
"Anong nangyari Crenz? Napahiya si Sandra kanina"
Napapikit ako ng mariin. So mali pala talaga ang naibigay ko
"May virus sa comlab nila. Akala ko yung hindi na virusan ang flashdrive for presentation since may pic na nakalagay doon si Sandra"
Nag patuloy kami sa pag lalakad
"Parehong may pic doon si Sandra"
"Hindi ko alam."
Mahinang tugon ko dahil alam kong guilty ako.
Bumilis ang lakad niya saka niya ako hinarap.
"You should have ask for a help, Crenz"
May halong paninising aniya
"Kaya kong gawin 'yon, hindi ako tanga."
Kaya ko naman eh, napaka dali naman nung pinapagawa nila kasi chicheck ko lang naman, ang kaso nga lang ay bulok ang computer nila. Ako pa tuloy ang napa sama.
"I'm not saying that you're stupid-"
Pag eexplain niya
"Pwes, gano'n ang pinaparating mo."
Sinamaan ko na siya ng tingin saka bumalik na naman ako sa walang emosyon dahil alam ko namang guilty ako.
Hanggang sa lumabas iyong lalaking nakita ko kanina at nakipag titigan sa ako at inaalala kung saan ako nakita.
Pinatabi niya kami kasi harang daw kami sa daan niya, at totoo naman dahil nasa daan kami pa pasok sa locker nila. Nilampasan niya na kami, noong maka lampas siya ay saka dumating sila Sandra at naka tanggap ako ng malakas na sampal. Halata ang inis sa mukha niya at sa bigat ng kamay niya. Kung di ko lang siya amo at kung wala akong kasalanan, baka ay pinatulan ko siya. Pero hindi, may kasalanan ako at hindi ko iyon maitatanggi.
Handa na sana ako ulit sa panibagong sampal niya nang may humawak sa pala pulsuhan niya.
Si Mr. Swimmer iyon dahil naamoy ko siya noong nilampasan niya ako kanina at naamoy ko na naman ang lalaking lalaking amoy niya.
Nag ka sagutan sila ni Sandra at talagang nakakahangang sumagot itong lalaki. Naiinis ako sa sarili ko dahil inaantok ako habang nag babangayan sila pareho kaya napakunot noo ako. Hindi ko pwedeng ilabas ang hikab ko kasi paniguradong sa'kin na naman mababaling ang atensyon ni Sandra.
Sa ikalawang pag kakataon ay naka pasok muli yung lalaki sa locker area at lumabas muli. Sa akin na naman na baling ang atensyon ni Sandra
"For the last time Crenz, clean up this mess"
Mariing aniya kaya napa yuko ako konti, hindi para irespeto siya kundi dahil pinakawalan ko ang maliit kong hikab na kanina pa nag kumakawala.
Nilampasan nila akong lahat saka nag patuloy sa gym
~END OF FLASHBACK~
Naiiling na tumingin ako sa kanila.
Nang matapos na ang program ay agad na silang nag paalam para umalis. Nag tungo na kami sa van at sobrang tahimik ng paligid, wari mo'y nakikiramdam sa mga mangyayari pa sa amin.
Ganiyan lang yan ai Sandra dahil inis pa siya, pero mabait talaga yan siya. Mahirap talaga galitin ang taong mabait. Sino ba naman ang hindi magagalit kung napahiya ka sa meeting area?
Nag iisa akong naka upo sa likuran nila kasi hindi ko talaga feel ang may katabi sa kahit saang private vehicle, pero kung public ok lang naman since no choice naman ako but as long as na kayang ako lang mag isa, mas pipiliin ko 'yon.
"Kain na muna tayo"
Basag ni Sandra sa katahimikan kaya sa kaniya natuon ang atensyon naming lahat.
Mukhang kalmado na siya kumpara kanina.
"Are you sure? It's dangerous for us to eat outside" sabat ni Hans.
"Ok, let's just order a food"
Si JM na ang nag asikaso ng kakainin namin.
We have a budget for food. Yung barya ng Royal Company ang pera namin at kapag sinabing barya let's just say na 100k every month ang pera namin for food and other expenses. Kung gugustuhin ni Sandra ang mag bakasyon sa ibang bansa ay kayang kaya naming maka punta dahil ang 100k na iyon ay for food lang, iba pa pag nanghingi siya para sa panggala niya.
Sandra can live kahit hindi na siya mag aral o mag trabaho pa. Milyon milyon ang nasa bank account niya. Kasabay ng pagiging mayaman niya ay ang sobrang daming banta sa buhay niya.
Ako, hindi ako kabilang sa organization nila. Sila sila lang ang anak ng mga member ng organization while me sinama lang ako ni Hans sa deck niya para mapabilang ako mga bodyguard ni Sandra at para mabantayan din ako ni Hans na mukhang inutos pa ng pamilya ko kung sakaling makita nila ako na naka balik na.
Nakarating kami sa school at dumiretso sa tambayan namin or head quarters namin na hindi naman mukhang quarters ng student council dahil sa daming spray at dumi ng pader.
Maaayos lang ito kung si Nemi na ang kikilos at mag liligpit, kung minsan ay ang kambal at si JM. Never akong nakapag linis dito dahil kung mag lilinis man ako ay sinasalo lahat ni Hans.
Umupo ako sa maayos kong upuan kaharap ang malinis kong mesa. Wala ni isa sa kanila ang nag tatangkang dumihan ang desk ko hindi gaya ng desk nila na puro sulat at ang pangit tingnan.
Nang makarating ang pagkain ay agad kong kinuha ang akin at nag paalam na matutulog muna.
"I'll fetch you later, ok?"
Tiningnan ko si Hans at saka tumango.
Ayoko rin muna kasing maging awkward si Sandra sakin dahil nararamdaman kong nagiging limitado ang kilos niya dahil sa nangyari kanina.
Nag tungo ako sa likod ng school. Sa likod ng school doon naka tambak ang sira sirang mga upuan at desk. Matatagpuan din dito ang isang puno na medyo mataas. Umakyat ako doon. Nag lagay si Hans dito ng isang tabla na pwede kong higaan pag inaantok ako at kulambo para hindi ako mahulugan ng kung ano pagnatutulog ako. Isang beses pa lang ka punta dito si Hans, noong ginawa niya lang itong mga ito. Alam niyang ayokong may kasama o nang gugulo pag gusto kong mapag isa.
Pinag pagan ko ang tabla saka doon kumain at nahiga.
*PHONE'S RINGING*
-Bakla-
Napangisi ako ng makita ang pangalan na naka rehistro sa cellphone ko
"Mm?"
"Hoy tiyanak! Nandito ako sa bahay mo at dito nalang mag sistay ang sistar mo"
Napangiti ako sa sinabi niya
"At sinong nag sabi sayong diyan ka tumira? Pinag stay ka lang ng dalawang araw namihasa ka naman"
Pinag ka diinan ko ang boses kong naiirita.
"Wala ka nang ma du do sistar, nabayaran ko ang bills mo dito, nag advance payment na rin sa rent at magaling akong mag cook. Chaka mo! Puro instant ang laman ng cabinet mo. Hindi pa ako handang ilibing ka tiyanak"
Mayabang at maarteng aniya.
Lalo akong napangiti.
Namiss ko siya. Ilang taon din siyang nag tago nang malaman ng parents and grandparents namin na bakla siya. At maganda yang may taga bayad ako ng bills ko at taga luto.
"Umalis ka na diyan. Ayoko ng kahit sino sa bahay ko"
Seryosong sabi ko sa kaniya
"You can't do that. From now on hindi ka na pwedeng mawala"
Napangiti ako nang mapakla sa sinabi niya
"Ikaw ang unang nawala Mil"
"Oh tapos? Gaya gaya ka? Run away din ang peg mo"
Lalo akong napangiti
"Ayusin mo ang luto mo mamaya, diyan ako mag didinner"
"No problem my sistar"
Tiningnan ko ang screen saka pinatay iyon.
Pumikit ako saka ako hinila ng antok.
Nagising ako sa isang tawag.
"Mm?"
Hindi na ako nag abalang tingnan ang caller
"Hoy gaga ka! Anong oras na! Baka gusto mo nang gumora pauwi dito. Aba! Anong oras na indai!"
Bahagya kong nailayo sa tenga ko ang cellphone sa sobrang lakas ng boses ni Chiggy Mil.
"Umkay"
Pinatay ko agad ang tawag saka umupo. Mukhang gabi na nga dahil lubog na lubog ang araw
"Kinginang Hans, di man lang ako ginising"
Bumaba na ako sa puno at saka nag tungo sa locker para kumuha ng ilang kailangan kong basahin.
Pag labas ko sa hallway ay nakita ko si Hans na naka tayo habang nag lalaro sa cellphone niya
"Bakit hindi mo ako ginising"
Sandali niya akong sinulyapan saka bumalik sa nilalaro niya.
"Why should I? Sasabihin mo lang na '5 min. more'"
Pang gagaya niya sa boses ko
"Psh.. naihatid mo na ba si Sandra?"
"Oo, hinatid na nila kambal yun"
Kinuha ko ang bag kong naka sabit sa isang balikat niya. Para siyang tangang nag lalaro na kasama pa ang katawan sa gumagalaw.
Maya maya ay natapos na siya. Tapos tumingin siya sakin
"Wag mo isisi sakin ang pag ka bano mo Handriko"
Ngumuso siya sakin
"Pag ikaw katabi ko lagi akong talo"
Reklamo niya
"Edi ikaw ang lumayo sakin. Ako pa ba ang mag aadjust?"
Inayos niya ang sarili niya saka kami nag lakad palabas ng school.
"Sa susunod Yara, please ask for help kung di mo na alam ang gagawin mo. You know that we can do something about it right?"
Nag patuloy kami sa pag lalakad
"Kulang sa oras kung gagawin ko pang ibalik yun. Di ko naman akalaing wala pala doon ang files"
Huminga siya ng malalim saka nag lakad patagilid sakin para humarap siya sakin
"Basta if you need anything, I'm always here. Kahit pa gustong gusto ko si Sandra, ayoko pa ring nasasaktan ka ng kahit sino, kahit si Sandra pa yan"
Hanep din talaga 'tong taong 'to eh noh. Naisingit pa niya yung pagkakaroon niya ng pag kagusto kay Sandra.
"I'll think about it"
Simula nang bumalik ako, hindi na nawala sa tabi ko si Hans. Halos naging buntot ko na siya. Kababata ko siya kaya marami siyang alam tungkol sakin. Pero kung sa pamilya ko ang usapan, marami silang hindi alam kung bakit may mga bagay na hindi ka aya ayang nangyayari sa pamilya ko.
"Balita ko nasa bahay mo na si kuya Mil ah"
Seryoso akong tumingin sa kaniya
"Oo, doon nalang daw siya titira"
"Pumayag ka na? Hahaha... tagal tagal ka nang niligawan ng kapatid mo para makasama ka. Paano ka niya napa payag?"
Natatawang aniya
"May choice pa ba ako? Binayaran na ang bills ko tapos nag advance payment pa sa apartment ko. Matalino ang bwiset, magaling din daw siyang mag luto. Huling huli na ang weakness ko"
Natawa siya sa sinabi ko.
"At least mapapanatag na siyang nasa paligid ka lang niya"
"Nasa'n nga pala yung motor kong pinasagasa mo sa truck?"
Bigla siyang nag iwas ng tingin
"Gusto mong kumain muna tayo? May bagong bukas na kainan diyan-"
"Sa bahay na ako kakain nasabi ko na kay Chiggy. Nasan na yung motor ko?"
Napakamot siya sa batok niya
"Kasi ano- ano kasi eh-"
Seryosong tiningnan ko siya.
"Ano?"
"Sobrang lasug lasog na- palitan ko nalang"
Walang emosyong tumingin ako sa kaniya
"Bayaran mo, same amount ng pag bili ko sa motor ko"
Ngumusong tumango siya. Nahihirapan tuloy akong mag lakad pauwi sa bahay dahil wala yung motor ko.
Pina bantayan ko lang sa kaniya tas pag balik ko lasug-lasog na ang mga parte ng motor ko. Gusto ko siyang ibalibag noong araw na iyon kung hindi lang ako nakapag timpi.
Isang sasakyan ang bigla nalang sumulpot papunta sa pwesto namin. Pareho kaming nagulat ni Hans. Noong malapit na saamin ay saka ko tinulak si Hans papunta sa isang gilid kaya napadapa siya doon sa sobrang lakas ng pag tulak ko sa kaniya.
"Yara!!"
Noong malapit na sa akin sasakyan ay napa pikit nalang ako. Parang may ala ala na namang bumalik sa isip nang sandaling iyon.
"Miss!!"
May humila sakin saka kami napunta sa lapag sa kabilang banda ng pinag tulakan ko kay Hans.
Sumubsob ang mukha ko sa sahig
'Kingina! Bakit sa palabas sa ibabaw ng lalaki natutumba kung may hihila. Kasinungalingan talaga ang nasa palabas'
Tiningnan ko ang plate number ng sasakyan na muntik na sumagasa samin.
Napahawak ako sa panga ko saka ko nakita ang dugo sa kamay ko.
"Yara! Come here"
Tinayo ako ni Hans at saka niya tinulungan din yung lalaki.
Pareho kaming tumingin doon sa lalaki
"Oh.. you two again?"
Tiningnan niya kami
"Ayos ka lang pre?"
Naka ngiting tumango yung lalaki sa kaniya
"Salamat sa ginawa mo"
Sabi ni Hans pero sa akin naka tingin iyong lalaki kaya napatingin ako sa relo. Mag aalas otso na, mag ngangangawa na naman si Chiggy sakin.
Humarap ako doon sa lalaki
"Patingin"
Simpleng ani ko saka ko siya hinawakan sa balikat saka iniikot at tiningnan kung may sugat siya.
May gasgas siya sa magkabilang siko niya.
"Gasgas lang yan, malayo sa bituka. Salamat, mauuna na kami"
Tinapik ko siya sa balikat niya ng dalawang beses.
Ngumiti siya sakin.
'wag mo ko ngitian, baka makalimutan ko ang kailangan kong unahin sa buhay ko ngayon'
Tiningnan ko lang siya saka tumango
"Tara na Hans"
Nauna na akong mag lakad
"Pre salamat ulit"
Nag paalam ulit si Hans at sumunod sakin.
"Bakit mo ginawa iyon? Ako dapat ang pumoprotekta sayo"
Protekta? Sapakin ko kaya 'to.
"Protekta? If I know ikaw ang puntirya noong mga iyon"
Sabi ko sa kaniya. Tumingin siya sakin
"Mukha nga"
"Tsk.. pahamak ka"
"Yung org ang pahamak"
"Oh ikaw pa rin iyon. Sino ba sa'tin ang nasa org. na yan? Alangan naman ako? Ayoko ng magulo sa buhay"
Sabi ko sa kaniya.
"Tsk-"
Bigla nalang may dumapo sa aking isang kalapati. Nanlaki ang mata ni Hans.
"S-si Wacko"
Turo niya sa kalapating dumapo sa balikat ko.
Agad kong kinuha ang kalapati sa balikat ko saka chineck kung si Wacko nga iyon.
"Hey Wacko how are you? It's been a long time"
Masayang bati ko sa kaniya.
Tatlong taon na rin ang lumipas nang huli kong nakita si Wacko.
"Pinapakawalan ka nila? Bakit?"
Parang batang pag kausap ko sa kaniya saka ko hinimas ang balahibo niya. Isang taon palang siya nang maiwan ko siya sa bahay at ilang taon na ang lumipas noon.
"Wow! Ang talino talaga ng alaga mo, akalain mong nakilala ka pa. Apat na taon na ang lumipas ah"
Nginitian ko si Wacko.
"Lakas din ng pandama niya tulad ng sayo Crenz"
Parang nahuhulaan ko na kung bakit nila pinakawalan si Wacko.
"Pag hindi naka balik si Wacko, malalaman na nilang nakabalik na 'ko"
Sabi ko sa kaniya. Natigilan siya sa pag titig kay Wacko at nawala ang ngiti sa mukha
"Then, pakawalan na natin siya"
Hinawakan niya si Wacko at akmang paliliparin.
"Wag!"
Kinuha ko agad si Wacko sa kaniya
"Hindi ako nag tatago para matakot na makita ng pamilya ko at isa pa tapos na akong mag pahinga ng ilang taon"
Tumingin siya sakin saka nag patuloy kami sa pag lalakad
"Paano pag nakita ka nila?"
"Edi it's nice to see you again"
"Are you not afraid that they bring you back to your home"
Nag patuloy kami sa pag lalakad habang hinihimas ko si Wacko.
"Why would I be afraid? The house that I'm staying now is my home. If they fetch me to send me at home, then I'll be more glad"
Napakamot siya ng ulo
"I mean to your parents home. Sa bahay kung saan ka lumaki"
Nginisian ko siya
"They can't do that. Alam nilang kahit anong pilit nila sakin ay hindi nila ako mapapag stay doon"
Huminga siya nang malalim
"Ok, basta if you need something press no. 1 button. Ok?"
Kahit naman sabihin niya yan hindi pa rin ako basta basta hihingi ng tulong sa kaniya. Lumaki akong kinakaya ang lahat, bagay na hindi ko ginusto pero nangyari at nasanay na lang ako.
"Ok"
Para hindi na humaba ang usapan ay umoo nalang ako. Hinatid niya ako sa kanto ng lugar namin. Sinabihan ko na siyang wag niyang gawin iyon pero mapilit siya at sinasabi niya na kasalanan niya kung bakit nag lalakad lang ako ngayon.
If I know talagang pinasadya niyang ipabangga ang motor ko kasi lagi niyang sinasabi sakin na delikado ang pag momotor at noong nakaraan ay muntik na akong bumangga sa kung saan dahil may problema na ang break ng motor ko. Ayoko pa kasing palitan dahil magagamit pa naman. Mabuti nalang at kumapit muli ang break kaya nakapag preno ako bago bumangga sa kung saan.
Kumaway ako patalikod para sabihing mauuna na ako sa kaniya. Hindi ko na siya nilingon at nag patuloy sa bahay.
Agad kong pinasok ang susi at binuksan ang gate. Pag pasok ko ay naroon si Chiggy at naka halukipkip na naniningkit ang mata sakin.
"Saan ka galing?"
Parang tangang aniya dahil mas pinasingkit niya ang mata niya
"Secret"
Nilampasan ko siya
"Teka? Si Wacko ba yan?"
Tiningnan niya ang hawak ko kaya agad kong inilayo sa kaniya. Matagal na niyang gustong gilitan si Wacko ko dahil madalas kinukuha ni Wacko ang mga gamit niya.
"Wag mong hahawakan si Wacko, kundi babalian kita ng kamay Chiggy Mil!"
Banta ko sa kaniya.
Tinaasan niya ako ng kilay
"Hindi ka man lang talaga marunong gumalang ano, Crenz Yara Vilarde?"
Nginisian ko siya
"Magulang ko nga hindi ko magawang igalang ikaw pa kaya" mariing ani ko sa kaniya.
Nilampasan ko siya ulit at pumasok sa bahay
"Wag mo nga ipakita kung gaano karami ang pera mo dito sa bahay ko Chiggy Mil. Isalansan mo na tong mga to"
Tukoy ko sa mga grocery na pinamili niya.
"Ungrateful ang ipokrita!"
Pag iinarte niya
"Hoy Alejandro, iba ang ungrateful sa pag papasalansan sayo ng mga pinamili mo"
Tinaasan niya ako ng kilay
"Ayaw mo? Maluwag ang pint-"
"Gaga! Sino bang nag sabing ayaw ko? Mag linis ka na ng katawan mo at pag hahainan na kita ng dinner"
"Tss"
Nginisian ko siya.
"Ako na mag hahanda, paki bilhan muna ako ng hawla para kay Wacko"
Inirapan niya muli ako saka nag pindot pindot sa cellphone niya. 'matic na yan, pag may inutos ako sa kaniya ay iuutos niya rin yan sa pwede niyang mautusan.
"Sabihin mo 10 min. lang ang hihintayin ko para sa cage ni Wacko"
"ARRGGHH!!"
Inis siyang nag lakad palabas. Kung hindi siya ang gagawa ay pag mamadaliin niya ang inuutusan niya.
Hindi ko pwedeng iwan dito si Wacko, baka matuluyan ni Chiggy
"CHIGGY! PATUKA PA PALA!"
Sigaw ko mula sa kinauupuan ko
"Impakta ka talaga!!"
Balik na sigaw niya kaya mas lalo akong napangiti.
Hindi ko alam kung paano ako niya ako nahanap, pero duda ko ay si Hans ang nag sabi sa kaniya. Ilang buwan na rin siyang pabalik balik dito sa bahay kaya binigyan ko na rin siya ng duplicate ng susi ng bahay para kahit papaano ay may taga linis ako sa bahay at taga laba. Hindi siya aping api saakin ano, nag papa laundry yan kaya pera lang nababawas sa kaniya.
Hindi ko rin siya madalas nakakasama dahil busy siya sa business ata niya at kung ano yun, di ko alam.
"CHIGGY! Nasan na?! Nalalagkitan na ako"
Gusto ko nang mag linis ng katawan dahil galing ako sa pawis lalo na kanina na muntik akong masagasaan.
"Oh impakta!"
Nilagay niya sa harap ko ang cage ni Wacko.
"Ayan, diyan ka na"
Pinasok ko si Wacko sa loob
"Oh nasan ang patuka?"
Naiiritang tumingin siya sakin
"Mag linis ka na.. ako na ang bahala dito"
Maarteng aniya
"Tss.. pag kay Wacko may nangyaring hindi maganda, ikaw mananagot"
"Tantanan mo na ako impakta. Kilos na chupi!"
Taboy niya sakin. Tumayo na rin ako saka nag linis ng katawan sa taas.
Hinayaan ko lang na dumaloy ang tubig sa katawan ko. Nandito nanaman ako sa pakiramdam na parang sobrang pagod na pagod ako kahit wala naman akong ginagawa.
Gusto ko na nga matulog nang mahabang oras para makapag pahinga kahit papaano pero naalala kong matagal na oras na pala akong nag papahinga sa problema ko.
Naisip ko na naman na wala akong karapatang mag pahinga hanggat di pa dumadating ang isang taong hindi rin sumusuko para lumaban.
Nang maalala ko siya ay hinayaan kong tumulo ang luha kong hindi ko alam kung kelan mauubos. Siguro hanggat hindi pa siya nakakabalik hindi ako mapapagod para lumaban din gaya ng ginagawa niya ngayon.
Matapos matauhan ay nag madali na akong bumaba. Nagugutom na rin kasi ako
"Ayy fresh ang loka kaso may bangas?"
Lumapit siya sakin at hinawakan ang baba ko saka tiningnan ang gasgas ko sa panga.
"Ano yan?"
"Obvious naman diba?"
Umupo ako sa harap ng hapag kainan at ganoon din siya
"Oh sino nakaaway mo? Himala"
"Tss.. muntik na kaming masagasaan ni Hans kanina"
"Talaga? Buti buhay ka pa?"
Bigla akong napairap sa sinabi niya
"May humila sakin-"
"O.M.G? Pogi?"
Excited na tanong niya. Bigla akong nabaduyan sa sinabi niya dahil hindi bagay sa kaniya. Napangisi ako
"Mr. Perfect nga raw sabi ni Sandra"
Sumama naman ang mukha niya
"Yan, yan ba ang mapapala mo sa pag sama sama sa King na yan?"
"Shut up Alejandro"
Tinarayan niya ako
"Alam mo nang delikado na nag lalalapit ka sa kanila diba?"
"Mas maganda ang buhay pag may kasamang thrill"
"Oo yang thrill na gusto mo, sobrang lapit na sa ilalim ng hukay. Baklang to"
Napapikit ako na parang inaantok
"May kontrata ako sa kanila at gusto ko ang ginagawa ko. Kasama naman talaga sa responsibility ko ang protektahan si Sandra"
Paliwanag ko sa kaniya
"At sa susunod wag mo na ako kukwestyonin sa mga bagay bagay. Ayoko nang may nangingialam sa sarili kong patakaran. Isa sa dahilan iyon kaya umalis ako sa puder ng magulamg mo"
Bigla siyang nag baba ng tingin.
"Oh siya kumain ka na"
Binuksan niya ang mga nakatakip sa mesa
Hotdog, itlog at bacon. Bigla akong napangiti
"Ang aking hapunan ay pang umagahan-"
Kanta ko habang naka tingin sa pagkain. Bahagya niya akong hinampas
"Ano ba Chiggy Mil"
"Nag rereklamo ka pa?"
"Ano bang nag rereklamo? Iba ang nag rereklamo sa kumakanta"
Sinamaan niya ako ng tingin
"Hindi ganoon ang kanta kaya wag mo 'kong niloloko Crenz Yara"
Pag tataray niya
"Ganoon yung naalala ko"
Inismiran niya ako at talikod siya.
"Ubusin mo yan impakta. Wag kang mag sayang ng pagkain"
Nag lakad na siya papunta sa sala
Napangiti ako
"Chiggy di mo na ba ako lulutuan ng almusal bukas?"
Tanong ko sa kaniya kasi mukhang pang dalawang kainan na 'to eh. Hapunan at umagahan
"Kumain ka na nga lang!"
Tahimik ako napa tawa.
It's so nice to have a kuya/ate in your side lalo na when you feel aloneLIPHYO'S POV
"Dre. Kilala mo yung mga taga ibang school na pupunta raw dito mamaya?"
Nagpatuloy lang ako sa pag si stretching dahil maya maya lang ay lalangoy na ako.
Tiningnan ko lang siya saka muling bumalik sa ginagawa ko
"Oh anong meron?"
"Magaganda at pogi raw yung mga taga ibang school na dadayo sa'tin dito"
"Aanhin ko naman sila?"
Nginisian niya ako
"Kailangan mong mag pa pogi para magustuhan ka ng isa sa kanila"
Napangiti ako sa sinabi ni Jerick
"Hindi ko na kailangang mag pa pogi, simula nang isilang ako doon lang lumabas ang salitang pogi"
Iiling iling na tiningnan niya ako
"Grabe ka rin sa kayabangan 'no?"
Dalawa lang kaming nandito ni Jerick sa pool area dahil mamaya ay gaganapin ang awarding sa mga sumali sa competition nitong nakaraang linggo.
Well, champion lang naman ako sa swimming competition.
"Pansin mo dre, parang hindi tayo welcome sa school na to"
Umayos ako ng tayo at hinarap siya
"Welcome tayo dito, sa mga babae at bakla nga lang"
Natawa kami pareho sa sinabi ko dahil kung tutuusin ay sa mga babae lang naman talaga ako patok dahil ang mga lalaki dito ay puro insecurities ang laman ng katawa at kamanyakan ang best nila.
Semi private kasi kaya medyo maraming siraulong akala mo'y di tinurian ng tamang asal. Mabuti nalang talaga at mabait bait pa ako sa kanila, kundi baka bumalik ako sa dating ako na basag ulo ang alam.
"Karamihan sa lalaki dito, parang mga babae kung mainggit. Threat ka talaga sa mga lalaki dito"
"Nag salita ang hindi"
"Pero hindi naman kasi ako hinahabol nila gaya ng ginagawa nila sayo"
"Pakealam ko naman doon? Nakita mo bang may pinansin ako sa kanila?"
Tumingin siya sakin sandali saka lumampas ang tingin niya sakin at napunta sa pinto ng pool area.
"Attienza. Hanep din talaga yang kahambugan mo ah. Nanalo ka na sa swimming competition tapos makukuha mo pa yung girlfriend ko"
Tiningnan ko ang nag salita. Si Alexis na feeling sikat dito sa school na 'to
"May gusto ka ba sakin?"
Tanong ko sa kaniya na ikana ngisi niya
"'yang ka hambugan mo sagad na sagad sa buto. Akala mo sayo lang umiikot ang mundo"
Nag patuloy ako sa pag i stretching habang naka tingin sa kaniya
"Hindi ko kasalanan kung gusto ako ng girlfriend mo at nag hahabol siya sakin-"
Nagtiim ang bagang niya sa sinabi ko
"-Mas lalong hindi ko kasalanan kung saakin pumapabor ang mundo. Subukan mo kasing matulog ng maaga para maka pag beauty rest ka naman, malay mo bukas nasa talampakan ko na yung itsura mo"
"Gago ka talaga- *SPLASH*"
"ALEX/LEX!"
Sigaw noong dalawa niyang kasama.
Tinangka niya kasi akong sapakin kaya umilag lang ako. Sa lakas ng pwersa niya ayan ang binagsakan niya.
Tiningnan ko siya habang hinihilamos niya ang mukha niya. Nag patuloy ako sa pag sistretching.
"Dre, gera na yan"
Bulong sakin ni Jerick. Nginisian ko lang siya
"TARANTADO.. LAKAS NG LOOB MONG UMILAG!"
Seryoso akong tumingin sa kaniya
"Sino nalang ang hahabulin ng girlfriend mo kung di ako umilag?-"
Naisip ko ang itsura ng girlfriend niya na ikinatawa ko ng pagak
"- Ayy.. kahit pala hindi ako umilag, ako pa rin ang hahabulin niya"
Lalong sumama ang tingin niya sakin.
Tinulungan siya ng mga kaibigan niyang maka akyat sa pool side.
"Attienza, tangina sinasabihan na kita. Layuan mo ang girlfriend ko"
Mariing aniya
"Bakit ako ang lalayo? Never naman akong lumapit sa kaniya. Kung gusto mo, ikadena mo sa paa yung jowa mo nang di maka lapit sakin"
Tinangka nanaman niya akong sapakin. Mabuti nalang at pinigilan siya ng mga kaibigan niya.
"Kapal ng mukha mo! Ayus ayusin mo yang kayabangan mo!"
"Mahirap namang mag yabang ng walang ipagyayabang. Beauty rest"
Maangas na paalala ko sa kaniya.
"Aba tarantado talaga-"
"Alex, kumalma ka nga"
Saway ng kaibigan niya
"Eh gago yan eh! Akala mo kung sinong diyos-"
"Let's race"
Yaya ko sa kaniya. Tumingin siya sakin saka marahas na kumawala sa mga kaibigan niya.
"Game! Tutal basa na rin naman ako.. kapag nanalo ako layuan mo ang girlfriend ko!"
Napangisi ako sa sinabi niya. Pinaninindigan talaga niyang ako ang lumalapit sa jowa niyang hindi naman ganoon kagandahan kung mag feeling famous.
"Kol.. pag ako ang nanalo, ikadena mo na ang girlfriend mo, naaalibadbadran ako sa presensya niya"
"ABA TARANTADO-"
"Alex, makipag laro ka nalang"
Inis na na sabi ng kaibigan niya na pumipigil nanaman sa kaniya para sumugod.
Naiiling na pumwesto ako sa pool side at inayos ang goggles ko. Binigyan din siya ni Jerick ng goggles at nag ayos din.
"A-ah sige ako na mag bibilang. 1-3 and go lang bilang ko ah"
Tinanguan ko siya
"Ok! 1!"
Nag handa kami pareho
"2!"
Tiningnan ko muna siya at ganoon din siya sakin
"3!"
*SPLASH*
Ang gago! Nauna nang lumusong. Halatang di marunong sumunod sa instructions
"Go!"
Agad akong sumunod sa kaniya at halos mag kasabay na kami ngayon. Nauna akong makarating sa dulo ng pool at nag flip pabalik kina Jerick. Sa isip ko ay wala akong pakealam sa pustahan na meron kami dahil mas gusto ko yung ganitong may ka kompitensya, mas lalo akong na chachallenge.
Nakarating ako sa pinanggalingan ko.
Nag hintay pa kami ng halos 10 seconds bago siya makarating.
Tinulungan ako ni Jerick na umakyat at inabot sakin yung towel.
Inis namang hinagis ni Alex ang goggles saka rin siya tinulungan makaahon ng mga kasama niya.
"Here"
Hagis ko sakaniya ng towel na binigay sakin ni Jerick, agad naman niyang nasalo.
"Layuan mo pa rin ang girlfriend ko."
Madiing aniya nanaman saka tinapon sa pool yung towel na binigay ko sa kaniya.
Childish HAHAHA
Naiiling na ani ko sa isip ko matapos niya gawin iyon.
Pumihit na siya paalis ng pool area.
Doon ko lang nakita ang isang babaeng nakangising nakatingin sakin at may subong lollipop.
Wala pang ilang segundo ang lumipas ay umalis na ang babae.
"Sino yun?"
Tanong ko kay jerick na naka tingin pa rin doon sa kinatayuan noong babae kanina.
"Ha? Sino?"
Mukhang nag hanap din si Jerick sa tinitingnan ko
"Kingina dre? Nakaka kita ka ba ng di ko nakikita?"
"Baliw"
Pumihit muli ako paharap sa kaniya at kumuha ng malinis towel sa isang shelf doon.
"Dre C.R lang ako ah. Punta ka na rin doon sa gym mamaya"
"Sige lang"
Umalis na si Jerick. Inayos ko naman ang mga gamit ko.
"Oh Attienza? Bakit nandito ka pa? Mag sastart na ang awarding. Mag bihis ka na"
Pumasok sila coach kasama ng iba kong teammates dito sa pool area.
"Sige coach"
Nag punas ako ng sarili ko
"Liphyo, balita namin galing ka raw sa ibang bansa bago ka nag transfer dito ah. Iba talaga ang kutis mayayaman. Habulin"
Nag tawanan ang mga kasamahan namin at napangiti naman ako.
'Mga chismoso'
"Alam mo, dapat alam mo kung saan ka lulugar sa school na 'to. Dadami kaaway mo kung di ka iiwas sa mga babae"
"Never akong lumapit sa mga babae dito, ako ang nilalapitan nila. Alam ko kung saan ako dapat, kaso sinusundan nila ako kahit saan ako mag punta"
Mayabang na ani ko sa kanila na ikina tanggal ng ngisi nila sa labi.
"Tama na yan, mag bihis ka na Attienza malapit na mag simula ang awarding"
Tumalikod na si coach. Masama ang tingin ang pinukol sakin ng mga teammates ko bago nila ako talikuran.
"Kakaiba tong mga tao dito. May mga sapi"
Iiling iling na ani ko sa sarili ko saka nag dive muli sa pool at kinuha na rin ang towel na tinapon kanina ni Alex
Inayos ko na ang mga gamit ko at nag shower na saka nag tungo sa locker area. Nilapag ko sa upuan ang basang towel ko.
Inayos ko ang mga libro ko doon at nag lagay ng ilang mga damit na extra.
"You should ask for a help, Crenz"
"I can do it by myself, I'm not that stupid"
"I'm not saying that you're stupid-"
"You're making me as one"
Hindi ko intensyon na makinig sa away ng kung sino sa may daanan palabas ng locker area. Masyado lang talaga malakas ang usapan nila. Hindi naman kasi ako katulad ng mga lalaki dito.
Sinara ko ang locker ko at sinukbit ang sports bag ko sa balikat ko. Nag lakad ako palapit sa kanila.
Tiningnan nila ako pareho. Pero mas tiningnan ko ang babaeng naka itim na nakita ko sa pool area kanina. Tiningnan niya ako na parang isa ako sa mga walang kwentang nakita niya sa mundo. Wala man lang siyang ekspresyon. Nakipag titigan ako sa kaniya na parang inaalam ko kung ano ang iniisip niya ngayon.
"Do you need anything Mr.?"
Untag sakin noong lalaki, doon lang nawala ang tingin ko sa babae at tumingin sa lalaki na mahahalata ang pag ka disgusto sa presensya ko. Nginitian ko siya saka umiling.
"Nope, I don't need anything. Kayo? May kailangan ba kayo sakin?"
Kumunot ang noo noong lalaki samantalang ang babae naman ay wala pa ring pakealam sa amin.
"We don't know you. How come that we need you?"
Nginitian ko siya na may halong sarkastiko.
"Then if you don't need me, can you please step aside, you're blocking my way"
Doon lang natinag ang lalaki na parang napapahiyang umatras para bigyan ako ng daan samantalang ang babae naman ay hindi natinag o kumilos man lang.
"Thank you"
Bahagya pa akong tumango sa kaniya saka nag patuloy sa pag lalakad.
Hindi pa ako nakakalayo ay may narinig akong malakas na hampas mula sa pinag mulan ko kanina.
Doon ko lang naalala yung towel kong basa na nasa upuan sa locker area.
Pag pihit ko paharap muli sa locker area ay may pitong tao na doon at mukhang galing sa sampal ang tunong na narinig ko kanina.
"That is just a simple thing to do but you can't do it right?! Napahiya ako sa maraming tao dahil doon!"
Mukhang malakas nga ang pag kakasampal noong babae sa babaeng walang emosyon kanina dahil nasa side parin ang mukha noong babae.
'tsk! Dumadami na talaga ang mga babaeng eskandalosa'
Lumingon na yung babaeng nasampal doon sa nanampal sa kaniya
Medyo lumapit ako sa kanila dahil nga sa kukunin ko ang towel ko sa loob ng locker room
Akmang sasampalin ulit siya noong babae nang saluhin ko ang pala pulsuhan nito.
"Once is enough, twice is too much. Ganda mo sana kaso mukha kang amazona"
Tiningnan niya ako na parang natitigilan sa itsura ko. Wala akong magagawa, ganoon talaga ako kagwapo at ganito rin ako kayabang.
Nginisian ko siya saka lang siya nakahuma.
"Who are you?!"
Ngumiti ako sa kaniya saka nag pakilala.
"Ah, I'm Jhonzel Liphyo Attienza."
Nag tiim ang bagang niya saka ako sinamaan ng tingin
"I don't need your freaky name asshole! I'm pertaining to your position to intervene the business of the others!"
Mukhang hindi na ata tumatalab ang kagwapuhan ko sa kaniya ah. Mga naka itim sila hindi ko tuloy maiwasang isiping crew sila dito sa school, pero mukhang hindi dahil fluent sila sa english.
"It's all of you who interfere my business young lady"
Mas lalong sumama ang tingin niya sakin.
"Look, I don't care if you're going to do something terible to her-"
Sabi ko sa kaniya saka tiningnan yung babaeng sinampal niya at muling bumaling sa kaniya
"But for the second time can you please step aside"
Tiningnan ko silang lahat, parang doon lang nila ako nakuha. Binitawan ko yung babae
"Thank you"
Nag madali akong pumasok sa locker area at kinuha ang basang basang towel ko. Pag labas ko ay tiningnan nila ako pero hindi ko na sila pinansin at nag patuloy sa gym dahil nag sisimula na sila.
Nag simula na ang program nang maka pasok ako at agad akong sinalubong ni coach
"Saan ka ba galing? Kanina ka pa dapat nandito"
"Sorry coach medyo sumama lang yung tyan ko kanina"
"Maupo ka na doon"
Pinaupo niya ako sa tabi ng mga teammates ko.
"Dre, tagal mo ah"
"Oh.. ikaw na bahalang mag bigay sa washing area"
Inabot ko sa kaniya ang basang towel
"Nakita mo na yung mga bisita? Grabe dre! Ang gaganda noong mga babae"
Kung kumikislap lang siguro ang mata ay baka ganoong ganoon ang itsura niya.
"Tigilan mo yang kabadingan mo"
Ngumuso siya sakin
"Ang K.J. mo"
Nag patuloy ang program at awarding na naganap lang dito sa loob ng school. Noong i aaward na ang for school achievement tinawag na nila ang special guest.
"And for the awarding of the school competition. We would like to introduce to all of you the special guest for this day program. Let's all welcome, the president of student council and a daughter of the principal in Royal International School, Ms. Cassandra Montilla!"
Nag palakpakan kaming lahat. Doon na nga nag lakad ang isang babaeng naka itim at nakangiting kumaway sa mga tao.
"Napaka ganda pre"
Sabi ng mga ka team ko
"Liphyo, swerte mo makakamayan mo siya. Kung ako yan baka hindi ko na yan pakawalan"
Nag tawanan sila
'tss.. if I know mamanyakin niyo lang yan'
Napako ang tingin ko sa babaeng nasa stage. Siya yung babaeng sumampal sa isang babae kanina.
Hanep.. anak pa pala ng Principal pero ganoon ang attitude. Ganda pa naman kaso amazona naman.
"Thank you for having me here at this blessed afternoon-"
Nag hiyawan ang mga tao.
Nakaka ngiti pa siya niyan matapos niyang manakit kanina? Grabe talaga pag mayayaman.
"Huwag na po natin patagalin ang pag bibigay parangal sa mga estudyanteng nag bigay ng karangalan sa paaralang ito!"
Nag patuloy nga ang pag aawarding nila.
"Pre, diba sabi ko sayo eh ang gaganda nila eh tapos yung mga lalaki oh, mukhang may binatbat talaga sa papogian"
Tiningnan ko ang mga kasama niya na nasa baba ng stage na parang mga gwardiyang kung maka tayo doon sa gilid. May isa pang babae ang nandoon at mukhang nakikipag talo sa katabi niya.
"Hays.. dapat talaga pina sunod ko na rin sila Austin dito"
Sabi ko sa kaniya na habang naiiling iling. Sobrang kulit kasi ni Jerick. Lima kaming mag kakaibigan pero ako talaga ang pinipili niyang dikitan.
"Di ka pa na sanay?"
"Ayokong masanay-"
"Halos araw araw mo na ako nakakasama sa loob ng ilang taon tapos di ka pa rin sanay?"
Natatawang aniya
"At least sa loob ng ilang taon na yun ay hindi lang ako ang sumasalo ng ingay mo"
Tumawa siya
"Ok lang yan dre-"
"Di ok sakin"
Kunot noong sabi ko sa kaniya
"Kuya?"
Parang tutang aniya sakin na parang nag papaawa. Bigla akong natawa
"Bakla ka talaga"
Iiling iling na ani ko
"The last awardee for this awarding program is one of the best student in St. Peter Highschool. Best in Mathematics, The face of the night during the Acquaintance party, Quiz bee champion, Mr. Lakandula and the champion for swimming competition- WOW! Mr. Perfect pala 'tong last awardee natin!"
Nag hiyawan ang mga tao.
"Bilib talaga ako sa kapogian mo pre. Mr. Perfect ka na ngayon sa kaniya"
Nginisian ko lang siya. Kung alam niya lang yung nangyari kanina, baka pag tawanan pa niya yang babae.
"ATTIENZA!!"
"ATTIENZA!!"
"ATTIENZA!!"
"ATTIENZA!!"
"ATTIENZA!!"
"ATTIENZA!!"
Hiyawan ng mga tao kaya mas lalo akong napa ngiti
"And he seems so famous. Specially to girls ah"
Natatawang aniya habang naka tingin sa mga tao
'ganoon talaga pag nag babagong buhay Ms. Montilla'
"Let's give a round of applause for MR. JHONZEL LIPHYO-"
Tumayo na ako at umakyat ng stage. Nag tama ang paningin namin.
Ganiyan nga.. Mr. Perfect pala ah
"A-ATTIENZA"
Gulat na kunot noo ang tingin niya sakin habang ako naman ay naka ngiting lumapit sa kaniya.
Sinabit sakin ang medals at binigay sakin ang trophy.
Mas lalong nag sigawan ang mga tao.
"C-congratulations Mr. Attienza"
Sabi niya sa mic
"Akala ko Mr. Perfect ang itatawag mo sakin"
Ngising ani ko sa kaniya.
Hindi ko ma describe ang itsura niya ngayon.
"Picture po"
Sabi nung photographer kaya sabay kaming napatingin sa kaniya saka ngumiti
"Closer po"
Lumapit siya sakin nang kaunti. Nag tilian at hiyawan ang mga tao.
"Closer pa po"
Nginisian ko muna siya bago ko siya inakbayan at nilapit sa akin. Ramdam ko ang panginginig niya.
'Hindi naman kita kakainin'
Napangisi ako sa iniisip ko
Mas lalong nag wala ang mga taong naka kita sa amin.
CRENZ'S POV
Nasa ikalawang palapag ako ng building na naka harap sa gymnasium ng school nila.
"Mr. Perfect"
Ngumisi ako habang nakatingin sa kanila ni Sandra na nag pipicture sa may stage.
Noong akbayan siya noong lalaki ay muntik nang sumugod ang mga kasamahan namin sa stage kung hindi lang sila pinigilan ni Hans, Vice President ng student council namin.
Naalala ko nanaman ang pag sampal sa akin ni Sandra kanina. Hindi ko ugaling magalit sa mga taong nananakit sa akin ng pisikal lalong lalo na kung alam ko namang ako ang may kasalanan.
~FLASHBACK~
Kasalukuyan kaming nasa unit ni Sandra para mag asikaso sa pag punta namin sa isang school dahil kailangan daw niyang mag present sa school na iyon, at kung ano iyong ipepresent niya, iyon ang hindi ko alam.
"This flash drive is for my personal photo and this one is for presentation"
Hindi ako nag abalang tumingin sa ginagawa ni Sandra dahil inaantok nanaman ako
"And why are we on black?"
Maarteng tanong ni Nemi samin saka ipinakita ang suot niyang black shirt. Tumingin siya kay Sandra na nag tataka
"Don't look at me, ask Crenz"
Sabi ni Sandra sa kaniya kaya tumingin siya sakin na nag tatanong din
"Maganda naman ah"
Simpleng tugon ko
Natawa naman ang kambal.
"Knowing Crenz, isa lang naman ang alam na kulay niyan eh, itim lang-"
"Alam ko rin ang kulay ng dugo Jonmar. Gusto mong palabasin ko sayo?"
Bahagya siyang napaatras at napa lunok
"Joke lang Crenz, masyado ka namang high blood"
Natatawang aniya
"Tss.."
Natawa sila samin
"Let's go"
Sabay sabay kaming napatingin kay Hans.
"Ok let's go"
Sagot ni Sandra kaya tumayo na kaming lahat at lumabas ng unit niya.
Personal bodyguard kami ni Sandra kaya dapat kung nasaan siya ay nandoon din kami. Masyadong importante si Sandra sa business nila kaya dapat bantay sarado siya dahil marami na ring threats ang nakukuha niya.
Noong nasa lobby na kami ay saka may nag salita sa kanila
"Nasan yung flashdrive?"
Tanong ni Migs, Isa sa kambal
"You didn't bring?"
"Di ko alam sa inyo, kayo ang may hawak kanina diba"
"Ako na kukuha"
Presinta ko
"Are you sure? I can do it"
Tanong ni Hans sakin
"Mamaya na kayo mag ligawan diyan, dalian niyo na at kunin niyo na yun"
Sita samin ni Sandra
"Kaya ko"
Tinalikuran ko na silang lahat at nag tungo muli sa elevator at sa unit ni Sandra. Agad kong pinindot ang pin code. Lahat kami ay alam ang passcode doon dahil kung sakaling may mangyari kay Sandra ay mabubuksan agad namin.
"Saan dito"
Tanong ko sa sarili ko dahil dalawang flashdrive ang nasa desk. Wala akong choice kundi ang kunin ang dalawang flashdrive at bumaba muli.
Nasa harap na ng building ang van kaya pumasok na agad ako.
Nang maka upo ako ay nag paalala na si Sandra
"Please, ayoko nang makulit doon sa school na iyon dahil importante itong gagawin natin. Migs, Jigs bawasan niyo yang kaligaligan niyo pag dating doon. Ayaw kong mapahiya lalo na't kilala ni Lolo ang Principal sa school na iyon"
Sa aming lahat ay ang kambal talaga ang sobrang makulit na parang sinilihan ang mga pwet at di mapakali.
"Mabait kami Sandra, bakit hindi mo kausapin yung dalawang yan"
Tukoy niya kay Nemi at JM.
"Hey, why me? Si Jonmar ang pag sabihan niyo-"
"Oh bakit din ako? Wala akong ginagawa-"
"Iyon na nga eh wala kang ginagawa kaya mas nakakabwiset ka"
Tiningnan ko sila pareho
"Ligawan mo raw kasi JM, kilos kilos na kaya naiinis sayo eh"
Seryosong sabi ko sa kanila na ginatungan naman ng kambal
"You know what Crenz, mas gusto kita pag tahimik ka lang"
Napa ngisi ako sa sinabi niya at tinawanan naman siya ng kambal.
Nang manahimik sila ay saka ako nag tanong
"Guys? San dito yung proposal?"
Tinaas ko yung dalawang flashdrive. Nanlaki ang mata nila
"What the heck Crenz"
Kunot noong sabi ni ni Nemi. Inosenteng tumingin ako sa kanila
"Yung nasa kanan kanina yung flashdrive for presentation"
Sabi ni Sandra na parang pinipigilan ang inis.
Aba malay ko kung nasan ang nasa kanan dito kanina, basta kinuha ko yan pareho.
"Sino ba naman kasing matalino ang bumili ng dalawang flashdrive na pareho ang itsura?"
Tanong no Nemi at nag turuan ang kambal
"Damn! Fix that Crenz"
Nauubusan ng pasensiyang sabi sakin ni Sandra.
Nakarating na kami sa school na iyon. Hinanap ko agad ang comlab nila para i open yung files. Ang kaso noong nasalpak ko na biglang nag corrupt
"Kingina, may virus"
Hindi ko tuloy malaman kung anong gagawin ko.
Mag ta time na eh.
Wala na akong nagawa kundi ang ibigay ang isang flashdrive na hindi ko na salpak. Bago kasi na corrupt ang mga files ay nakita ko ang ibang pictures ni Sandra. Ang naalala ko ang sinabi niya ay lalagyan niya ng pic ang isang flashdrive kaya ginrab ko na yung opportunity.
Binigay ko na kela Hans iyon. At pinakalma ang sarili ko.
Nag ikot ikot muna ako sa school, mag pepresent pa sila kaya mas mabuti nang mag libot muna.
"Ate"
May lumapit sa aking bata
"Hey, 'sup?"
Inosente siyang tumingin sa akin habang hawak ang isang lollipop saka iniabot sa akin kaya umupo ako para maabot ko siya.
"Hindi ka ba sinabihan ng Mama mo na don't talk to strangers?"
"Sinabihan po"
Inabot niya ang kamay ko saka nilapag ang lollipop
"Pero sabi rin po ni Mommy na kapag may sobra ako, mamigay ako"
Tingnan ko ang lollipop saka tumingin sa kaniya.
"Paano pag ayaw ng pinag bigyan mo binigay mo?"
Napanguso siya. 'ang cute'
"Edi kainin niya po pag gusto na niya"
Napangiti ako sa sinabi niya. Nag lakad na siya paalis
'di man lang ako inantay mag thank you man lang'
Nag lakad din ako papalayo sa lugar habang nasa bunganga ko na ang lollipop. Umabot ako sa pool area nila. May nakita ako doong limang lalaki na mukhang nag aaway ang dalawa, rather I say, nang aaway yung isa.
"Nice, abs"
Bulong ko sa sarili ko habang naka tingin sa lalaking hindi intensyon ang mag yabang pero mahihimigan mo ang pagiging hambog.
Pinakinggan ko sila hanggang sa mag race sila
"Tsk tsk.. madaya, hindi nakikinig sa instructions"
Iiling iling na ani ko sa sarili ko.
Nag patuloy ako sa panonood sa kanila hanggang sa matapos sila at nag lakas ang mga lalaki palayo sa dalawa. Nag text si Hans na mag kita kami. Sinulyapan ko ang lalaking nanalo kanina sa race at nginisian siya saka umalis na rin doon. Nag hanapan muna kami bago kami nag kita ni Hans.
"Anong nangyari Crenz? Napahiya si Sandra kanina"
Napapikit ako ng mariin. So mali pala talaga ang naibigay ko
"May virus sa comlab nila. Akala ko yung hindi na virusan ang flashdrive for presentation since may pic na nakalagay doon si Sandra"
Nag patuloy kami sa pag lalakad
"Parehong may pic doon si Sandra"
"I didn't know"
Mahinang tugon ko dahil alam kong guilty ako.
Bumilis ang lakad niya saka niya ako hinarap.
"You should have ask for a help, Crenz"
May halong paninising aniya
"I can do it by myself, I'm not that stupid"
Kaya ko naman eh, napaka dali naman nung pinapagawa nila kasi chicheck ko lang naman, ang kaso nga lang ay bulok ang computer nila. Ako pa tuloy ang napa sama.
"I'm not saying that you're stupid-"
Pag eexplain niya
"You're making me as one"
Sinamaan ko na siya ng tingin saka bumalik nanaman ako sa walang emosyon dahil alam ko namang guilty ako.
Hanggang sa lumabas iyong lalaking nakita ko kanina at nakipag titigan sa ako at inaalala kung saan ako nakita.
Pinatabi niya kami kasi harang daw kami sa daan niya, at totoo naman dahil nasa daan kami pa pasok sa locker nila. Nilampasan niya na kami, noong maka lampas siya ay saka dumating sila Sandra at naka tanggap ako ng malakas na sampal. Halata ang inis sa mukha niya at sa bigat ng kamay niya. Kung di ko lang siya amo at kung wala akong kasalanan, baka ay pinatulan ko siya. Pero hindi, may kasalanan ako at hindi ko iyon maitatanggi.
Handa na sana ako ulit sa panibagong sampal niya nang may humawak sa pala pulsuhan niya.
Si Mr. Swimmer iyon dahil naamoy ko siya noong nilampasan niya ako kanina at naamoy ko nanaman ang lalaking lalaking amoy niya.
Nag ka sagutan sila ni Sandra at talagang nakakahangang sumagot itong lalaki. Naiinis nanaman ako sa sarili ko dahil inaantok ako habang nag babangayan sila pareho kaya napakunot noo ako. Hindi ko pwedeng ilabas ang hikab ko kasi paniguradong saakin nanaman mababaling ang atensyon ni Sandra.
Sa ikalawang pag kakataon ay naka pasok muli yung lalaki sa locker area at lumabas muli. Sa akin nanaman na baling ang atensyon ni Sandra
"For the last time Crenz, clean up this mess"
Mariing aniya kaya napa yuko ako konti, hindi para irespeto siya kundi dahil pinakawalan ko ang maliit kong hikab na kanina pa nag kumakawala.
Nilampasan nila akong lahat saka nag patuloy sa gym
~END OF FLASHBACK~
Naiiling na tumingin ako sa kanila.
Nang matapos na ang program ay agad na silang nag paalam para umalis. Nag tungo na kami sa van at sobrang tahimik ng paligid, wari mo'y nakikiramdam sa mga mangyayari pa sa amin.
Ganiyan lang yan ai Sandra dahil inis pa siya, pero mabait talaga yan siya. Mahirap talaga galitin ang taong mabait. Sino ba naman ang hindi magagalit kung napahiya ka sa meeting area?
Nag iisa akong naka upo sa likuran nila kasi hindi ko talaga feel ang may katabi sa kahit saang private vehicle, pero kung public ok lang naman since no choice naman ako but as long as na kayang ako lang mag isa, mas pipiliin ko 'yon.
"Kain na muna tayo"
Basag ni Sandra sa katahimikan kaya sa kaniya natuon ang atensyon naming lahat.
Mukhang kalmado na siya kumpara kanina.
"Are you sure? It's dangerous for us to eat outside" sabat ni Hans.
"Ok, let's just order a food"
Si JM na ang nag asikaso ng kakainin namin.
We have a budget for food. Yung barya ng Royal Company ang pera namin at kapag sinabing barya let's just say na 100k every month ang pera namin for food and other expenses. Kung gugustuhin ni Sandra ang mag bakasyon sa ibang bansa ay kayang kaya naming maka punta dahil ang 100k na iyon ay for food lang, iba pa pag nanghingi siya para sa panggala niya.
Sandra can live kahit hindi na siya mag aral o mag trabaho pa. Milyon milyon ang nasa bank account niya. Kasabay ng pagiging mayaman niya ay ang sobrang daming banta sa buhay niya.
Ako, hindi ako kabilang sa organization nila. Sila sila lang ang anak ng mga member ng organization while me sinama lang ako ni Hans sa deck niya para mapabilang ako mga bodyguard ni Sandra at para mabantayan din ako ni Hans na mukhang inutos pa ng pamilya ko kung sakaling makita nila ako na naka balik na.
Nakarating kami sa school at dumiretso sa tambayan namin or head quarters namin na hindi naman mukhang quarters ng student council dahil sa daming spray at dumi ng pader.
Maaayos lang ito kung si Nemi na ang kikilos at mag liligpit, kung minsan ay ang kambal at si JM. Never akong nakapag linis dito dahil kung mag lilinis man ako ay sinasalo lahat ni Hans.
Umupo ako sa maayos kong upuan kaharap ang malinis kong mesa. Wala ni isa sa kanila ang nag tatangkang dumihan ang desk ko hindi gaya ng desk nila na puro sulat at ang pangit tingnan.
Nang makarating ang pagkain ay agad kong kinuha ang akin at nag paalam na matutulog muna.
"I'll fetch you later, ok?"
Tiningnan ko si Hans at saka tumango.
Ayoko rin muna kasing maging awkward si Sandra sakin dahil nararamdaman kong nagiging limitado ang kilos niya dahil sa nangyari kanina.
Nag tungo ako sa likod ng school. Sa likod ng school doon naka tambak ang sira sirang mga upuan at desk. Matatagpuan din dito ang isang puno na medyo mataas. Umakyat ako doon. Nag lagay si Hans dito ng isang tabla na pwede kong higaan pag inaantok ako at kulambo para hindi ako mahulugan ng kung ano pagnatutulog ako. Isang beses pa lang ka punta dito si Hans, noong ginawa niya lang itong mga ito. Alam niyang ayokong may kasama o nang gugulo pag gusto kong mapag isa.
Pinag pagan ko ang tabla saka doon kumain at nahiga.
*PHONE'S RINGING*
-Bakla-
Napangisi ako ng makita ang pangalan na naka rehistro sa cellphone ko
"Mm?"
"Hoy tiyanak! Nandito ako sa bahay mo at dito nalang mag sistay ang sistar mo"
Napangiti ako sa sinabi niya
"At sinong nag sabi sayong diyang ka tumira? Pinag stay ka lang ng dalawang araw namihasa ka naman"
Pinag ka diinan ko ang boses kong naiirita.
"Wala ka nang ma du do sistar, nabayaran ko ang bills mo dito, nag advance payment na rin sa rent at magaling akong mag cook. Chaka mo! Puro instant ang laman ng cabinet mo. Hindi pa ako handang ilibing ka tiyanak"
Mayabang at maarteng aniya.
Lalo akong napangiti.
Namiss ko siya. Ilang taon din siyang nag tago nang malaman ng parents and grandparents namin na bakla siya. At maganda yang may taga bayad ako ng bills ko at taga luto.
"Umalis ka na diyan. Ayoko ng kahit sino sa bahay ko"
Seryosong sabi ko sa kaniya
"You can't do that. From now on hindi ka na pwedeng mawala"
Napangiti ako nang mapakla sa sinabi niya
"Ikaw ang unang nawala Mil"
"Oh tapos? Gaya gaya ka? Run away din ang peg mo"
Lalo akong napangiti
"Ayusin mo ang luto mo mamaya, diyan ako mag didinner"
"No problem my sistar"
Tiningnan ko ang screen saka pinatay iyon.
Pumikit ako saka ako hinila ng antok.
Nagising ako sa isang tawag.
"Mm?"
Hindi na ako nag abalang tingnan ang caller
"Hoy gaga ka! Anong oras na! Baka gusto mo nang gumora pauwi dito. Aba! Anong oras na indai!"
Bahagya kong nailayo sa tenga ko ang cellphone sa sobrang lakas ng boses ni Chiggy Mil.
"Umkay"
Pinatay ko agad ang tawag saka umupo. Mukhang gabi na nga dahil lubog na lubog ang araw
"Kinginang Hans, di man lang ako ginising"
Bumaba na ako sa puno at saka nag tungo sa locker para kumuha ng ilang kailangan kong basahin.
Pag labas ko sa hallway ay nakita ko si Hans na naka tayo habang nag lalaro sa cellphone niya
"Bakit hindi mo ako ginising"
Sandali niya akong sinulyapan saka bumalik sa nilalaro niya.
"Why should I? Sasabihin mo lang na '5 min. more'"
Pang gagaya niya sa boses ko
"Psh.. naihatid mo na ba si Sandra?"
"Oo, hinatid na nila kambal yun"
Kinuha ko ang bag kong naka sabit sa isang balikat niya. Para siyang tangang nag lalaro na kasama pa ang katawan sa gumagalaw.
Maya maya ay natapos na siya. Tapos tumingin siya sakin
"Wag mo isisi sakin ang pag ka bano mo Handriko"
Ngumuso siya sakin
"Pag ikaw katabi ko lagi akong talo"
Reklamo niya
"Edi ikaw ang lumayo sakin. Ako pa ba ang mag aadjust?"
Inayos niya ang sarili niya saka kami nag lakad palabas ng school.
"Sa susunod Yara, please ask for help kung di mo na alam ang gagawin mo. You know that we can do something about it right?"
Nag patuloy kami sa pag lalakad
"Kulang sa oras kung gagawin ko pang ibalik yun. Di ko naman akalaing wala pala doon ang files"
Huminga siya ng malalim saka nag lakad patagilid sakin para humarap siya sakin
"Basta if you need something, I'm always here. Kahit pa gustong gusto ko si Sandra, ayoko pa ring nasasaktan ka ng kahit sino, kahit si Sandra pa yan"
Hanep din talaga tong taong to eh noh. Naisingit pa niya yung pagkakaroon niya ng pag kagusto kay Sandra.
"I'll think about it"
Simula nang bumalik ako, hindi na nawala sa tabi ko si Hans. Halos naging buntot ko na siya. Kababata ko siya kaya marami siyang alam tungkol sakin. Pero kung sa pamilya ko ang usapan, marami silang hindi alam kung bakit may mga bagay na hindi ka aya ayang nangyayari sa pamilya ko.
"Balita ko nasa bahay mo na si kuya Mil ah"
Seryoso akong tumingin sa kaniya
"Oo, doon nalang daw siya titira"
"Pumayag ka na? Hahaha tagal tagal ka nang niligawan ng kapatid mo para makasama ka. Paano ka niya napa payag?"
Natatawang aniya
"May choice pa ba ako? Binayaran na ang bills ko tapos nag advance payment pa sa apartment ko. Matalino ang bwiset, magaling din daw siyang mag luto. Huling huli na ang weakness ko"
Natawa siya sa sinabi ko.
"At least mapapanatag na siyang nasa paligid ka lang niya"
"Nasan nga pala yung motor kong pinasagasa mo sa truck?"
Bigla siyang nag iwas ng tingin
"Gusto mong kumain muna tayo? May bagong bukas na kainan diyan-"
"Sa bahay na ako kakain nasabi ko na kay Chigs. Nasan na yung motor ko?"
Napakamot siya sa batok niya
"Kasi ano- ano kasi eh-"
Seryosong tiningnan ko siya.
"Ano?"
"Sobrang lasug lasog na- palitan ko nalang"
Walang emosyong tumingin ako sa kaniya
"Bayaran mo, same amount ng pag bili ko sa motor ko"
Ngumusong tumango siya. Nahihirapan tuloy akong mag lakad pauwi sa bahay dahil wala yung motor ko.
Pina bantayan ko lang sa kaniya tas pag balik ko lasug-lasog na ang mga parte ng motor ko. Gusto ko siyang ibalibag noong araw na iyon kung hindi lang ako nakapag timpi.
Isang sasakyan ang bigla nalang tumungo sa pwesto namin. Pareho kaming nagulat ni Hans. Noong malapit na saamin ay saka ko tinulak si Hans papunta sa isang gilid kaya napadapa siya doon sa sobrang lakas ng pag tulak ko sa kaniya.
"Yara!!"
Noong malapit na sa akin sasakyan ay napa pikit nalang ako. Parang may ala ala nanamang bumalik sa isip ko nang sandaling iyon.
"Miss!!"
May humila sakin saka kami napunta sa lapag sa kabilang banda ng pinag tulakan ko kay Hans.
Sumubsob ang mukha ko sa sahig
'Kingina! Bakit sa palabas sa ibabaw ng lalaki natutumba kung may hihila. Kasinungalingan talaga ang nasa palabas'
Tiningnan ko ang plate number ng sasakyan na muntik na sumagasa samin.
Napahawak ako sa panga ko saka ko nakita ang dugo sa kamay ko.
"Yara! Come here"
Tinayo ako ni Hans at saka niya tinulungan din yung lalaki.
Pareho kaming tumingin doon sa lalaki
"Oh.. you two again?"
Tiningnan niya kami
"Ayos ka lang pre?"
Naka ngiting tumango yung lalaki sa kaniya
"Salamat sa ginawa mo"
Sabi ni Hans pero sa akin naka tingin iyong lalaki kaya napatingin ako sa relo. Mag aalas otso na, mag ngangangawa nanaman si Chigs sakin.
Humarap ako doon sa lalaki
"Patingin"
Simpleng ani ko saka ko siya hinawakan sa balikat saka iniikot at tiningnan kung may sugat siya.
May gasgas siya sa magkabilang siko niya.
"Gasgas lang yan, malayo sa bituka. Salamat, mauuna na kami"
Tinapik ko siya sa balikat niya ng dalawang beses.
Ngumiti siya sakin.
'wag mo ko ngitian, baka makalimutan ko ang kailangan kong unahin sa buhay ko ngayon'
Tiningnan ko lang siya saka tumango
"Tara na Hans"
Nauna na akong mag lakad
"Pre salamat ulit"
Nag paalam ulit si Hans at sumunod sakin.
"Bakit mo ginawa iyon? Ako dapat ang pumoprotekta sayo"
Protekta? Sapakin ko kaya 'to.
"Protekta? If I know ikaw ang puntirya noong mga iyon"
Sabi ko sa kaniya. Tumingin siya sakin
"Mukha nga"
"Tsk.. pahamak ka"
"Yung org ang pahamak"
"Oh ikaw pa rin iyon. Sino ba satin ang nasa org. na yan? Alangan naman ako? Ayoko ng magulo sa buhay"
Sabi ko sa kaniya.
"Tsk-"
Bigla nalang may dumapo sa aking isang kalapati. Nanlaki ang mata ni Hans.
"S-si Wacko"
Turo niya sa kalapating dumapo sa balikat ko.
Agad kong kinuha ang kalapati sa balikat ko saka chineck kung si Wacko nga iyon.
"Hey Wacko how are you? It's been a long time"
Masayang bati ko sa kaniya.
Mahigit limang taon na rin ang lumipas nang huli kong nakita si Wacko.
"Pinapakawalan ka nila? Bakit?"
Parang batang pag kausap ko sa kaniya saka ko hinimas ang balahibo niya. Isang taon palang siya nang maiwan ko siya sa bahay at ilang taon na ang lumipas noon.
"Wow! Ang talino talaga ng alaga mo, akalain mong nakilala ka pa. Limang taon na ang lumipas ah"
Nginitian ko si Wacko.
"Lakas din ng pandama niya tulad ng sayo Crenz"
Parang nahuhulaan ko na kung bakit nila pinakawalan si Wacko.
"Pag hindi naka balik si Wacko, malalaman na nilang nakabalik na 'ko"
Sabi ko sa kaniya. Natigilan siya sa pag titig kay Wacko at nawala ang ngiti sa mukha
"Then, pakawalan na natin siya"
Hinawakan niya si Wacko at akmang paliliparin.
"Wag!"
Kinuha ko agad si Wacko sa kaniya
"Hindi ako nag tatago para matakot na makita ng pamilya ko at isa pa tapos na akong mag pahinga ng ilang taon"
Tumingin siya sakin saka nag patuloy kami sa pag lalakad
"Paano pag nakita ka nila?"
"Edi it's nice to see you again"
"Are you not afraid that they bring you back to your home"
Nag patuloy kami sa pag lalakad habang hinihimas ko si Wacko.
"Why would I be afraid? The house that I'm staying now is my home. If they fetch me to send me at home, then I'll be more glad"
Napakamot siya ng ulo
"I mean to your parents home. Sa bahay kung saan ka lumaki"
Nginisian ko siya
"They can't do that. Alam nilang kahit anong pilit nila sakin ay hindi nila ako mapapag stay doon"
Huminga siya nang malalim
"Ok, basta if you need something press no. 1 button. Ok?"
Kahit naman sabihin niya yan hindi pa rin ako basta basta hihingi ng tulong sa kaniya. Lumaki akong kinakaya ang lahat, bagay na hindi ko ginusto pero nangyari at nasanay na lang ako.
"Ok"
Para hindi na humaba ang usapan ay umoo nalang ako. Hinatid niya ako sa kanto ng lugar namin. Sinabihan ko na siyang wag niyang gawin iyon pero mapilit siya at sinasabi niya na kasalanan niya kung bakit nag lalakad lang ako ngayon.
If I know talagang pinasadya niyang ipabangga ang motor ko kasi lagi niyang sinasabi sakin na delikado ang pag momotor at noong nakaraan ay muntik na akong bumangga sa kung saan dahil may problema na ang break ng motor ko. Ayoko pa kasing palitan dahil magagamit pa naman. Mabuti nalang at kumapit muli ang break kaya nakapag preno ako bago bumangga sa kung saan.
Kumaway ako patalikod para sabihing mauuna na ako sa kaniya. Hindi ko na siya nilingon at nag patuloy sa bahay.
Agad kong pinasok ang susi at binuksan ang gate. Pag pasok ko ay naroon si Chiggy at naka halukipkip na naniningkit ang mata sakin.
"Saan ka galing?"
Parang tangang aniya dahil mas pinasingkit niya ang mata niya
"Secret"
Nilampasan ko siya
"Teka? Si Wacko ba yan?"
Tiningnan niya ang hawak ko kaya agad kong inilayo sa kaniya. Matagal na niyang gustong gilitan si Wacko ko dahil madalas kinukuha ni Wacko ang mga gamit niya.
"Wag mong hahawakan si Wacko, kundi babalian kita ng kamay Chiggy Mil!"
Banta ko sa kaniya.
Tinaasan niya ako ng kilay
"Hindi ka man lang talaga marunong gumalang ano, Crenz Yara Vilarde?"
Nginisian ko siya
"Magulang ko nga hindi ko magawang igalang ikaw pa kaya" mariing ani ko sa kaniya.
Nilampasan ko siya ulit at pumasok sa bahay
"Wag mo nga ipakita kung gaano karami ang pera mo dito sa bahay ko Chiggy Mil. Isalansan mo na tong mga to"
Tukoy ko sa mga grocery na pinamili niya.
"Ungrateful ang ipokrita!"
Pag iinarte niya
"Hoy Alejandro, iba ang ungrateful sa pag papasalansan sayo ng mga pinamili mo"
Tinaasan niya ako ng kilay
"Ayaw mo? Maluwag ang pint-"
"Gaga! Sino bang nag sabing ayaw ko? Mag linis ka na ng katawan mo at pag hahainan na kita ng dinner"
"Tss"
Nginisian ko siya.
"Ako na mag hahanda, paki bilhan muna ako ng hawla para kay Wacko"
Inirapan niya muli ako saka nag pindot pindot sa cellphone niya. 'matic na yan, pag may inutos ako sa kaniya ay iuutos niya rin yan sa pwede niyang mautusan.
"Sabihin mo 10 min. lang ang hihintayin ko para sa cage ni Wacko"
"ARRGGHH!!"
Inis siyang nag lakad palabas. Kung hindi siya ang gagawa ay pag mamadaliin niya ang inuutusan niya.
Hindi ko pwedeng iwan dito si Wacko, baka matuluyan ni Chiggy
"CHIGGY! PATUKA PA PALA!"
Sigaw ko mula sa kinauupuan ko
"Impakta ka talaga!!"
Balik na sigaw niya kaya mas lalo akong napangiti.
Hindi ko alam kung paano ako niya ako nahanap, pero duda ko ay si Hans ang nag sabi sa kaniya. Ilang buwan na rin siyang pabalik balik dito sa bahay kaya binigyan ko na rin siya ng duplicate ng susi ng bahay para kahit papaano ay may taga linis ako sa bahay at taga laba. Hindi siya aping api saakin ano, nag papa laundry yan kaya pera lang nababawas sa kaniya.
Hindi ko rin siya madalas nakakasama dahil busy siya sa business ata niya at kung ano yun, di ko alam.
"CHIGGY! Nasan na?! Nalalagkitan na ako"
Gusto ko nang mag linis ng katawan dahil galing ako sa pawis lalo na kanina na muntik akong masagasaan.
"Oh impakta!"
Nilagay niya sa harap ko ang cage ni Wacko.
"Ayan, diyan ka na"
Pinasok ko si Wacko sa loob
"Oh nasan ang patuka?"
Naiiritang tumingin siya sakin
"Mag linis ka na.. ako na ang bahala dito"
Maarteng aniya
"Tss.. pag kay Wacko may nangyaring hindi maganda, ikaw mananagot"
"Tantanan mo na ako impakta. Kilos na chupi!"
Taboy niya sakin. Tumayo na rin ako saka nag linis ng katawan sa taas.
Hinayaan ko lang na dumaloy ang tubig sa katawan ko. Nandito nanaman ako sa pakiramdam na parang sobrang pagod na pagod ako kahit wala naman akong ginagawa.
Gusto ko na nga matulog nang mahabang oras para makapag pahinga kahit papaano pero naalala kong matagal na oras na pala akong nag papahinga sa problema ko.
Naisip ko na naman na wala akong karapatang mag pahinga hanggat di pa dumadating ang isang taong hindi rin sumusuko para lumaban.
Nang maalala ko siya ay hinayaan kong tumulo ang luha kong hindi ko alam kung kelan mauubos. Siguro hanggat hindi pa siya nakakabalik hindi ako mapapagod para lumaban din gaya ng ginagawa niya ngayon.
Matapos matauhan ay nag madali na akong bumaba. Nagugutom na rin kasi ako
"Ayy fresh ang loka kaso may bangas?"
Lumapit siya sakin at hinawakan ang baba ko saka tiningnan ang gasgas ko sa panga.
"Ano yan?"
"Obvious naman diba?"
Umupo ako sa harap ng hapag kainan at ganoon din siya
"Oh sino nakaaway mo? Himala"
"Tss.. muntik na kaming masagasaan ni Hans kanina"
"Talaga? Buti buhay ka pa?"
Bigla akong napairap sa sinabi niya
"May humila sakin-"
"O.M.G? Pogi?"
Excited na tanong niya. Bigla akong nabaduyan sa sinabi niya dahil hindi bagay sa kaniya. Napangisi ako
"Mr. Perfect nga raw sabi ni Sandra"
Sumama naman ang mukha niya
"Yan, yan ba ang mapapala mo sa pag sama sama sa King na yan?"
"Shut up Alejandro"
Tinarayan niya ako
"Alam mo nang delikado na nag lalalapit ka sa kanila diba?"
"Mas maganda ang buhay pag may kasamang thrill"
"Oo yang thrill na gusto mo, sobrang lapit na sa ilalim ng hukay. Baklang to"
Napapikit ako na parang inaantok
"May kontrata ako sa kanila at gusto ko ang ginagawa ko. Kasama naman talaga sa responsibility ko ang protektahan si Sandra"
Paliwanag ko sa kaniya
"At sa susunod wag mo na ako kukwestyonin sa mga bagay bagay. Ayoko nang may nangingialam sa sarili kong patakaran. Isa sa dahilan iyon kaya umalis ako sa puder ng magulamg mo"
Bigla siyang nag baba ng tingin.
"Oh siya kumain ka na"
Binuksan niya ang mga nakatakip sa mesa
Hotdog, itlog at bacon. Bigla akong napangiti
"Ang aking hapunan ay pang umagahan-"
Kanta ko habang naka tingin sa pagkain. Bahagya niya akong hinampas
"Ano ba Chiggy Mil"
"Nag rereklamo ka pa?"
"Ano bang nag rereklamo? Iba ang nag rereklamo sa kumakanta"
Sinamaan niya ako ng tingin
"Hindi ganoon ang kanta kaya wag mo 'kong niloloko Crenz Yara"
Pag tataray niya
"Ganoon yung naalala ko"
Inismiran niya ako at talikod siya.
"Ubusin mo yan impakta. Wag kang mag sayang ng pagkain"
Nag lakad na siya papunta sa sala
Napangiti ako
"Chiggy di mo na ba ako lulutuan ng almusal bukas?"
Tanong ko sa kaniya kasi mukhang pang dalawang kainan na 'to eh. Hapunan at umagahan
"Kumain ka na nga lang!"
Tahimik ako napa tawa.
It's so nice to have a kuya/ate in your side lalo na when you feel alone.
Lumaki akong diniditansya ang sarili ko sa mga taong naka paligid sakin para hindi nila ako masaktan. Medyo effective naman, hindi naman kasi ako lumaking naka asa sa iba.
Nakaramdam na ako dati ng inggit lalo na sa mga kapatid ko, dahil doon kaya mas pinili kong mag sarili nalang.
Hindi patas ang ikot ng mundo sakin. Iyon ang nasisigurado ko.
Pati na rin sa mga kapatid ko, dahil doon kaya mas pinili kong mag sarili nalang.