webnovel

9

"Break muna!"

Sigaw ng bahista namin matapos ang tatlong paulit ulit na kanta.

"Crenz wait"

Tumingin ako sa gitarista namin

"Hindi mo pa nakukuha ang copy ng mga tutugtugin natin"

Painosente lang akong tumingin sa kaniya.

"'yong mga tinugtog naman natin ang tutugtugin sa competition diba?"

"Ah, oo"

Tinapik ko ang balikat niya.

"Di na kailangan"

Napamaang nalang siya pero nilampasan ko lang siya.

Lumabas ako ng music room at nag tungo sa tambayan.

"Crenz! Isa nalang problema natin"-Nemi

"Ano?"

"Archery nalang"

Kinuha ko ang tubig ko

"Oh-"

"Ikaw nalang"

Kamuntik ko pang mabitawan ang boteng hawak ko kung hindi ko lang ito naagapan baka nasa lapag na ang tubig.

"Magaling ka naman pumana diba? Napana mo nga puso ni Mike eh"-Jigs

Nag apiran sila ni Migs habang tumatawa. Tiningnan ko lang sila.

"Iba nalang ang kunin niyo, hindi ako marunong pumana"

Matamlay na sabi ko sa kanila.

"Crenz?"

May parang babalang tawag sa'kin ni Sandra.

"Sandra hindi ako marunong-"

"Eh ano 'to?"

Bigla siyang may ipinakita sa'king picture na kaagad ikinaalerto ng sistema ko.

"Sandra?! San mo nakuha 'yan?"

Biglang hinablot ni Hans ang hawak na litrato ni Sandra saka siya tumingin sa'kin.

"Why? You're an archer before. Sobrang cute mo diyan Crenz at marunong ka pa diyang ngumiti"

Napatulala nalang ako.

"Saan mo 'to nakuha?"

Mahinahong tanong ni Hans

"Nahulog 'yan ni Crenz last year, ibabalik ko na sana kaso lagi kong nakakalimutan hanggang sa di ko na naalala. Nahalungkat ko nalang ulit kagabi noong may hinahanap akong bagay"

May kakaiba sa tingin ni Hans sa'kin ngayon pero ipinagsawalang bahala ko nalang.

"Grabe master, baka sa susunod patay na patay na sayo si Vizarro kapag nginitian mo na"

"Partida fierce palang 'yan ah"

Asar ng kambal

"Ano bang pinag sasasabi niyo diyan?"

Tanong ko sa kanila

"May gusto sayo si Vizarro, 'yong artistang kaibigan ni Attienza"

Artista? Tsk.. nabulag lang 'yon

"Babalik din paningin no'n" sabi ko

Wait? Sino ba sa dalawa 'yong tinutukoy niya?

Nalilito kasi ako sa dalawang artistang kasama ni Pula.

"Mas gugustuhin niya nalang daw mabulag, ayiiieeehh"

Patuloy sa pang aasar ang dalawa.

Mga kulang kulang talaga 'tong mga 'to.

Batuhin ko kaya 'tong mga 'to ng boteng hawak ko? Huwag na lang, mag sasayang lang ako ng lakas at tubig sa kanila.

"Crenz ah, ililista ka na namin sa archery"-Sandra

"Sana may choice ako kapag ikaw na ang nag salita"

"Of course meron naman kaya lang ipipilit ko pa rin"

May ngiti sa labing aniya

Tumayo ako at kinuha sa kamay ni Hans ang picture.

"Walang sisihan kapag natalo"

Simpleng ani ko

"Go girl! Chicheer ka namin"

Sabi ni Nemi bago ako lumabas ng pinto para bumalik sa music room.

Konti nalang ulit kaming natira dito sa school dahil uwian na, tanging may mga club lang at officer pati mangilan ngilan teacher nalang ang nandito.

"E-excuse me"

Tumigil ako sa pag lalakad saka pumihit patalikod para harapin ang nag salita. Isa ito sa mga kaibigan ni Pula. Tiningnan ko lang siya. Sa pagkakatanda ko siya ang nag bigay sa'kin ng wipes.

"A-ah"

Seryoso akong nakatingin sa kaniya dahil sa pagkakaalala ko wala naman akong maski isang gawain na may kaugnayan siya, o baka naman 'yong sa modeling ng mga lalaki namin? Pero dapat si Sandra ang nilapitan niya?

May kung anong pag aalinlangan sa tono niya. Hinintay ko siyang mag salita. Panay lang ang pag piga niya sa kamay niya.

"A-ah *ehem*"

Napamaang ako sa kinikilos niya. Mukha siyang nag hahanap ng lakas ng loob sa klase ng pag tikhim niya. Tinitigan ko siya at sa sobrang tagal niya mag salita, medyo nakabisa ko na ang mukha niya.

Hindi na masama, may dating ang itsura niya at hindi na kataka takang maraming nahuhumaling sa kaniya.

"A-ah"

"Ah-ah-ah, ilang ah pa ba ang sasabihin mo?"

Seryosong tanong ko sa kaniya.

"E-eh-"

"Kingina"

Bulong ko na hindi malayong hindi niya marinig.

Matapos ang ah, eh naman ngayon? Tropa ba sila ng mga timang?

Tumalikod na ako dahil naiinip na ako at kailangan nang matapos ang practice dahil uwing uwi na 'ko.

"W-wait"

Hinawakan niya ang braso ko kaya humito ako sa pag lalakad at tiningnan ko ang kamay niyang nasa braso ko. Madali niya iyong inalis nang mapagtanto ang ginawa niya kaya seryoso akong tumingin ako sa kaniya.

Kung sa modeling ang sasabihin niya pwede naman niyang sabihin agad. Bakit parang natatakot siya?

"May gagawin pa ako kaya kung may gusto kang sabihin o itanong, gawin mo na"

Walang interes na sabi ko sa kaniya

"I-I'm Mike Vizarro"

Yumuko siya matapos niyang iyong sambitin.

Biglang nag pop up sa isip ko ang boses ng kambal kanina na may halong asar.

"Magaling ka naman pumana diba? Napana mo nga ang puso ni Mike eh"

"Grabe master, baka sa susunod patay na patay na sayo si Vizarro kapag nginitian mo na"

Tinanguan ko siya ng tatlong beses saka tumalikod na muli.

"Sandali-"

Natigil nanaman ako sa pag hakbang nang pigilan nanaman niya ako.

"Ano?"

Tanong ko sa kaniya nang harapin ko siya.

"I-ikaw? A-anong pangalan mo?"

Takang tumingin ako sa kaniya habang hindi siya mapakali.

"Hindi ka ba sinabihan ng magulang mo na huwag kausapin ang hindi mo kilala?"

Kabadong tumingin siya sa'kin.

"Sinabihan-"

"Eh bakit mo ako kinakausap?"

"Kilala naman kita eh-"

Bigla siyang natigilan.

Napangisi nalang ako sa sagot niya. Tumalikod na ako at nag lakad pa balik sa music room. Kilala naman pala niya ako eh, bakit kailangan niya pang malaman ang pangalan ko?

Napakarami ng hibang sa mundo. Sayang ang kagwapuhan niya at napa tropa siya sa tukmol na Pulang 'yon.

LIPHYO'S POV

"Gago napaka laki mong torpe!"

Asar ni Jhom kay Mike. Bigla nalang akong napabunghalat ng tawa nang maalala ang mga usapan nila.

"Ngayon ko lang napagtantong bobo ka pala mag dahilan Mike HAHAHAHAHAHA"

Sa sobrang tawa ko ay halos maiyak na ako manakit ang tyan ko, nangangawit na nga rin ang panga ko eh.

"Grabe ang taas taas ng tingin ko sayo tapos ganiyan ka pala? Buti may pumayag pang network na mag pa sign ng contract sayo"

Natatawang umiiling si Jerick habang sinasabi niya 'yon kay Mike na ngayon ay naka yuko sa sarili niyang mga tuhod habang nasa bleacher kami ng gym. Mukhang nahihiya na sa katorpehan niya.

Umangat siya ng tingin na nakangiti na parang may naaalalang magandang bagay.

"Wow, ganiyan na ba epekto ng katangahan ngayon? Grabe na pala"-Austin

"Wag nga kayo!"

Singhal niya sa'min

"Mukha kang sinapian. Tuleg ka ba?"-Jhom

"Hindi, ang cute niya kasi"

Agad akong umarteng naduduwal sa harap niya.

"Nasan ba ang taste mo Mike? Akala ko pa naman magaling kang tumingin pag dating sa mga babae"-ako

"Nakita ko 'yong picture niya kanina habang kausap ko siya. Ang ganda ng ngiti niya doon at halos hindi na makita ang mata niya"

Para siyang nag papatansyang bakla.

"Maganda naman talaga siya"-Jerick

"Di naman na kwestyunable ang bagay na 'yon"-Austin

"Hoy hoy hoy-"

"Huwag ka nang umapila Jhonzel. Sinabi ko na noon sa canteen na kahit sinabihan niya ako ng gano'n, di pa rin maaalis ang katotohanan na maganda siya"-Jhom

Wala talaga akong kakampi sa kanila kapag si Raya na ang usapan.

"Mas maganda pa kay Kathy"

Dagdag ni Jhom.

Oo na, sinabi na nila 'yan no'ng nakaraan eh.

"Gusto kong mapalapit sa kaniya"-Mike

"Mahihirapan ka, sinabihan niya ako kahapon na mahirap siyang intindihin at di ordinaryong tao ang makakaintindi sa kaniya"

Napamaang silang lahat sa'kin.

"Kasama mo siya?"-Austin

"Kahapon?"-Jhom

"Diba nga inutusan niyo akong- haaay nakoo dibale na."

Tinatamad na ako mag explain. Marami akong naramdaman kahapon kaya hindi ko maipaliwanag ng maayos ang lahat at saka sinabihan ako ni Raya na huwag ipag sasabi sa kahit sino ang mga nakita ko sa loob ng silid na 'yon.

"Attienza!"

Bumaling kaming lahat sa bukana ng gym. Kumpleto ang grupo nila plus yung secretary nila na mukhang ang sungit ng dating dahil sa walang ekspresyon na mukha at nakasalamin pa.

"Oh?"

Nginitian ko sila. Lumapit ang grupo nila sa'min. Kasama na rin nila si Raya na mas walang pakealam sa mundo.

"Marami ka pang pag aaralan kaya halika na sumama ka na sa'min"

Ha? Ano raw?

"Anong pag aaralan?"

Nag taka ako sa sinasabi ni Hans

"Ayiieeeh.. oh Mike nandito na ang master namin yiieeeh"

Asar ng kambal.

Tinulak tulak nila si Raya bilang asar.

"Wag mo kong itulak Migs, sasamain ka sa'kin"

Bantang tono ni Raya

"Uy! Namumula si Mike oh! Grabe ka master artista pa ang nabingwit mo"

Pag papatuloy ng dalawa

"Mike ano na, sayang oras"-Austin

"Master nandiyan na ang prince charming mo"

Panay pa rin ang panunukso ng dalawa habang nakatingin lang sa kawalan si Raya.

"Master si Mike Vizarro nga pala, Mike ito ang master namin, Crenz Yara Vilarde. Shake hands master- argh!"

Napaatras kaming lahat nang ibalibag ni Raya si Jigs.

"Sinabi ko nang huwag mo akong itulak"

May bahid ng iritasyon ang boses niya pero wala pa rin siyang emosyon.

Bigla nalang akong kinabahan. Ang bilis niyang naibalibag ang kasamahan niya.

"Ayan ah, sinabihan na nga ako tapos nanggaya ka rin HAHAHAHAHAHA.."

sabi ng kambal niya.

Tumingin ako kina Mike na may bahid ng gulat at takot ang mukha.

Pero si Jhom at Jerick ay namamangha pang tumingin sa kanila na kulang nalang ay pumalakpak sa mga nakita nila.

"Halika na"

Yaya agad sa'kin ni Hans

"Sa'n ba tayo pupunta?"

Tanong ko

"Pwede ba kaming sumama?"-Jhom

"Hindi pwede eh"-JM

"Bakit si Liphyo lang?"-Jerick

"Kung gusto niyong makaharap ang mga halimaw, pwede naman kayong-"

"Hindi na hindi na. Tara na"

Agad kong kinuha ang gamit ko saka nag patiunang mag lakad palabas ng gym.

Ayoko na lang na madamay ang mga kaibigan ko.

"Mauna na kami" paalam ng grupo nila Raya sa mga kaibigan ko nag patuloy lang ako hanggang parking lot.

"Attienza"

Humabol sa'kin si Hans

"Narinig mo naman na ang sinabi ni Mr. Homer kahapon diba? Under ka na ni Crenz-"

"Ano bang under under na 'yan"

May pagkairita sa tono ko

"Kailangan mong sumunod"

"At kung hindi?"

"Hindi na masisigurado ng organization namin ang kaligtasan mo pati na ang magulang mo"

Napahinto ako sa paglalakad at nakaramdam ng matinding kaba.

"Anong kinalaman ng magulang ko dito?"

"Hindi biro o simpleng away lang ang pinasukan mo no'ng araw na 'yon. Narinig mo ang sinabi ni Yara kahapon na baka sa ngayon ay kilala ka na ng mga gustong dumukot kay Sandra-"

"Ano ba kayo?!"

Hindi ko na maiwasang mag taas ng boses. Hindi ko kasi expect na pati pamilya ko ay madadamay dahil lang sa tumulong ako sa kanila.

Napahinto sa paglalakad ang grupo nila na tanging nasa amin lang ang kanilang paningin.

"Malalaman mo rin. Sumama ka sa'min sa Conference room"

Bumaling ako sa mga kasamahan niya. Ang isa sa kambal ay inaalalayan ang kambal niyang binalibag, naka cross arm naman si Sandra, si Nemi at JM nag aaway at ang dalawang babae ay tahimik lang na nakatingin sa'min.

"Nasisiguro niyo ba ang kaligtasan ng pamilya ko?"

"Huwag kang mag alala Attienza, kapag nangako kami matutupad 'yon. Ang kailangan mo lang gawin ay sumunod sa Raya mo"

Bumaling ako kay Raya na parang inaalam kung ano ang nasa isip niya.

"Ayoko, I under mo siya sa'yo Hans 'wag sa'kin. Ayoko ng isipin na isip bata"

"Anong isip bata?!"

Naiinis nanaman ako sa tono niya, tono niyang nanglalait at nang mamaliit nanaman.

"Sira ba sistema ng organization niyo? Paanong iuunder sakin 'yang lalaking 'yan samantalang under lang din ako ni Hans"

Under ng under? Anong klase 'yon?

"Huwag tayong mag usap dito"-Sandra

"Tara na sa Van"-Secretary

Nauna silang mag lakad. Hindi ko maihakbang ang paa ko dahil tinututulan ako ng sistema kong sumama sa kanila.

"Hoy"

Bumalik ako sa katinuan nang may mag salita sa likod ko.

"Ano ba Raya bakit ka ba sakin nakasunod?"

May iritasyon sa tono ko.

"Anong nakasunod? Tumabi ka"

Nagulat ako sa sinabi niya dahil napaka lawak ng pwedeng daanan bakit kailangan pa niyang dumaan sa tinatapakan ko.

"Bulag ka ba? An'lawak lawak ngdadaanan tapos-"

"Huwag ka ngang basag trip"

Hinawi niya ako saka siya nag lakad pasunod sa mga kaibigan niya.

"Kakaiba rin trip niya"

Sumunod ako sa kanila hanggang sa parking lot.

"Hindi ako sasakay sa Van"-Raya

"Sure ka? Iisa lang naman ang pupuntahan natin"-Hans

"May motor ako"

"Ako rin!"

Sabi ko

"Ok, pero siguraduhin niyong hindi kayo mawawala sa paningin namin"-Sandra

Tinanguan siya ni Raya saka sumakay sa motor niya. Pumasok na rin silang lahat sa Van.

Dahil magkatabi ang motor namin ni Raya, nakita ko siyang nag susuot ng helmet.

Nag helmet na rin ako at umangkas sa motor.

"Bakit diyan ka pa sasakay?"

Bumaling ako kay Raya nang magsalita siya. Nag taka ako sa mga sinabi niya.

"Of course, this is my motorcycle-"

"Hanggat hindi ka nililipat ng sa pamumuno ng iba responsibilidad kita. Kapag may nangyari sayong masama, ako ang mananagot"

Naguguluhang tumingin ako sa kaniya.

"Anong sinasabi mo"

Bigla niyang hinagis sakin ang susi ng motor niya na agad ko namang nasalo.

"Dito ka sasakay at ikaw ang mag dadrive"

"Ha? Pero-"

"Mag taxi ka bukas pag pasok mo. Bukas may mga mag babantay na sayo mula sa malayo kaya pwede ka na lumabas ulit mag isa."

Hindi ko alam kung anong susundin ko, kung ang desisyon ko o 'yong kaniya.

Binusinahan kami ng isang Van. Sabay kaming lumingon ni Raya

"Ano na? Tara na"

Sabi ni Pilsamor. Tinapik ako ni Raya

"Ano na?"

Maangas na tanong niya. Agad akong tumingin sa motor ko.

"Safe 'yan dito-"

"Oo na oo na"

Nauubusan ng pasensiyang ani ko.

"Mauuna na kami sa labas"

Sumaludo muna si Pilsamor bago umalis.

"Ingatan mo 'yan, kahit afford mo pa 'yan bilhin hindi mo mabibili ang kaluluwa kong naka kabit na diyan"

Tumingin ako sa kaniya ng may pag tataka.

"Pinag sasabi mo diyan?"

Binuksan ko na ang makina ng motor niya at iniatras ito.

"Nice bike"

Ang ganda kasi ng motor niya, pang babaeng rider.

"Maangas may ari eh"

Aniya saka umangkas.

"Hoy dahan dahan naman sa pag angkas"

"Napakarami mong reklamo!"

Singhal niya

"Baka bumagsak eh"

"Bakit? Di mo ba kayang itukod 'yang paa mo?"

Tsk! Kahit kelan talaga. Hindi talaga siya papayag na wala siyang ibabalik sa'kin.

"Hayst!"

"'Pag ako nagalusan mo habang nag momotor ka, hihiwain ko yang balat mo-"

"Panay ka panakot! Ninenerbyos ako sayo"

Di ko man kita pero alam kong nakangisi na 'to.

"Kumapit ka"

"Kaya kong hindi kumapit"

*Broom!*

Pinaandar ko ng konti na agad naman siyang napakapit sa balikat ko.

"Ano ba?!"

"Kala ko ba kaya mo kahit walang kapit?"

"Umayos ka nga Pula. Kapag ako nainis hahayaan kong kunin ka nila"

Napanguso nalang ako. Para akong batang walang magawa dahil tinatakot ako sa bagay na hindi ko talaga gusto.

"Kumapit ka"

Muling paalala ko sa kaniya at pinaandar na ang sasakyan.

Hindi nga siya kumapit.

"Ang bango mo"

Bigla akong kinabahan sa sinabi niya. Di ko malaman kung totoo o hindi ang sinasabi niya, baka kasi mamaya mabaho na talaga ako.

"Manahimik ka nga"

"Napaka bakla mo-"

"Sinabi nang manahimik ka- woooooh oh!"

*SCREEEETCH!*

*BOMB*

May bigla nalang humarang sa linya namin at huminto sa harap namin kaya tumama kami sa likurang bahagi ng kotse nila.

"Who's this punk?!"

Inis na sabi ko. Inistand ko muna ang motor at pinababa si Raya. Ang iniisip ko ngayon ay ang sasabihin ni Raya.

Hindi ko na gusto ang katahimikang ipinapakita ni Raya ngayon.

"Raya- a-ah nakita mo naman diba? Bigla silang nag overtake"

Hindi siya nag tanggal ng helmet pero alam kong hindi siya nakatingin sa'kin.

"Raya huwag ka nang sasagot ah, ako na ang makikipag usap"

Hindi siya pwedeng sumagot dahil alam kong wala namang lalabas na matino sa bibig niya.

Bumaba ang may ari ng kotse.

"Hindi ka ba marunong mag maneho?"

Tanong ko sa driver. Nag tanggal ako ng helmet

"L-liphyo?"

Kumunot ang noo ko dahil sa pag tatakang kilala niya ako, samantalang pamilyar naman siya sakin.

"Ako 'to Andrew"

Doon lang nag sink in sakin ang itsura niya. Kaklase ko siya 4 years ago.

"Ok I remember now. But you can't just do that. Mapapahamak kami sa ginawa mo"

Tumingin siya sa likurang bahagi ng sasakyan niya.

"Oh I'm sorry. Mukhang akin lang naman ang nag ka damage so I guess it would be a tie."

Nakangiting aniya.

Hanep! Walang pinagbago, hambog talaga kahit kelan.

"Kahit na, hindi ka pa rin dapat nag oovertake tapos mag bibreak. Pwede ka naming kasuha-"

"O-o-ow! Ow! Let's not go there Attienza. Ok I'll keep that in my mind, I'm sorry"

Nakangiting aniya. Parang gusto ko siyang sapakin dahil alam kong hindi naman siya sincere sa mga pinag sasabi niya.

"Sino siya? Girlfriend mo?"

Pinasadahan niya ng tingin si Raya kaya tinakpan ko si Raya sa paningin niya.

"Kung ayos na tayo, pwede ka nang umalis ulit"

"Grabe ka naman Liphyo, para naman tayong walang pinag samahan. HAHAHA"

Anong pinag samahan pinag sasabi niya?

Isa siya sa madalas kong makabasag ulo noon. Kumunot ang noo ko dahil doon.

"Oo nga pala sinabi mo sa'king kapag sa susunod na mag kita tayo may ganap ka na sa buhay mo"

Nakangiting aniya.

Palibhasay may kaya ang pamilya nila kaysa sa'min kaya ganiyan nalang siya mag yabang.

"O-oo oo, syempre naman."

Nag labas siya ng wallet

"This is my business card. I'm started running my own business last 5 months. Ikaw?"

Kinuha ko ang business card niya

"A-ako? Ako?"

"Oo, ano ng maipag mamalaki mo?"

Maangas na tanong niya. Tumingin ako kay Raya

"M-may may coffee shop na kami"

Nauutal na ani ko. Kahit anong tago ko ay may parte pa rin sakin na nag aalangan dahil hanggang ngayon alam ko sa sarili kong wala pa akong dulot sa pamilya ko.

"Kami?"

Bigla akong tumingin kay Raya

"K-kami, siya business partner ko"

Naloko na! Bakit kailangan pa sa ganitong pagkakataon mag kita?!

"Kung gano'n may business card ba kayo? Gusto kong dumalaw sa place niyo"

"B-business card? Business card. Raya nasa'n kung business card natin?"

Nag tanggal ng helmet si Raya

"Wooh! Di mo sinabing chix pala ang business partner mo"

Muli kong iniharang ang sarili ko. Manyakol talaga si Andrew kaya wala akong tiwala sa kaniya.

"Business card?"-Raya

Tumingin ako kay Raya na may paawang tingin.

"Tsk!"

May hinalungkat siya sa bag niya at pumilas ng papel at nag sulat.

Anong ginagawa niya?

Tiningnan ko si Andrew na ngayon ay nakangiwi na dahil sa ginagawa ni Raya.

"Oh. Wala akong dalang business card ngayon. Dumalaw ka lang diyan sa lugar na 'yan. Kapag dumalaw ka diyan sasabihin kong ilibre ka nila ng-"

"No need Ms. Beautiful. I can buy my own stuff"

Nakangiting aniya na para sa'kin ay may insulto sa tono niya.

Tiningnan niya ng maayos ang papel

"Sigurado ka bang sa inyo 'to?"

Nakangiting aniya. Tumingin ako kay Raya.

"Ano ba 'yong binigay mo?"

Bulong ko sa kaniya

"Business piece of paper"

Simpleng aniya. Ang galing ko talaga mag hanap ng kakampi! Grabe! Bakit pa ako umasa sa isang baliw na gaya niya?

"Oo naman sa'min 'yan"

Nakangiting sabi ko. Pinasadahan niya ako ng tingin.

"Well, can you take me there? Now?"

"Take you? N-now? I mean may gagawin pa kasi kami-"

"Sige dadalhin ka namin doon ngayon"-Raya

"Raya?!"

Bulong ko sa kaniya

"Ok, lead the way"

Imwenestra pa niya ang kamay niya.

Pumasok na si Andrew sa sasakyan niya at si Raya naman ay pumwesto sa drivers seat.

"Ikaw na mag dadrive?"

"Obvious ba?"

Kahit kelan talaga! Nakakainis!

Umangkas na ako sa likod niya.

"Kumapit ka"

Humawak ako sa balikat niya.

"Huwag ka sakin kumapit tsk!"

Tinanggal niya ang kamay ko

"Ano ba?! Kung ikaw kaya mong hindi kumapit, ako hindi ko kaya"

"Napaka bakla mo!"

Pinaharurot niya ang motor

"RAYA!!! BAGALAN MO!!!"

Sigaw ko sa kaniya dahil mukhang naiwan ko pa sa pwesto namin kanina ang kaluluwa ko.

Maya maya ay medyo binagalan na niya

"Ano ba?! Papatayin mo ba ko?!"

"Tsk! Kung papatayin kita hindi ngayon"

"A-ano?! Kelan?!"

"Matagal na sana! Ang ingay mo!"

Naalala ko si Andrew. Lumingon ako sa likod at nakitang nakasunod siya sa'min.

"Raya? Saan ba tayo pupunta?"

"Basta manahimik ka nalang"

"Pero-"

"Napaka ligalig ng lahi mo"

Ano bang masama? Nag tatanong lang naman ako ah!.

Nanahimik nalang ako kaysa may masabi pa siya

"Baba"

Nag aalangan pa akong bumaba dahil alam ko ang coffee shop na 'to.

"Baba sabi!"

"Eto na!"

Bumaba ako at tumingin sa shop. Nag tanggal na ako ng helmet.

"Ano bang iniisip mo?"

"Manahimik ka pwede ba?! Nakakainis yang kadaldalan mo! Bakla ka ba?!"

Naiinis na umawang ang labi ko. Lagi nalang! Kapag ba dadaldal ako bakla agad?!

Agad na bumahag ang buntot ko nang tingnan ko ang shop.

"Huwag na kaya tayong tumuloy?"

Kinakabahang ani ko

"Tss"

*BEEP*

"Nandiyan na siya-"

"Alam ko!"

"Huwag mo nga akong kontrahin!"

Napahilamos ako sa mukha ko dahil sa inis

"Hssssh!"

Bumaba na sa kotse niya si Andrew. Nakangisi ang itsura niya.

"Bakit pakiramdam ko may alam siya sa lugar na 'to?"

Bulong ko sa sarili ko

"Maraming nakakakilala sa lugar na 'to. Mahal ang bawat isang tasa ng kape dito. Aabot ng 700 ang isa"

"Oo alam ko 'tong lugar na 'to, pero bakit parang alam na alam niyang hindi talaga tayo ang may ari nitong shop na 'to"

"Anong sinasabi mo diyan? Mag tiwala ka sakin."

Aniya saka tumingin sa mata ko habang seryoso naman siya.

"Yayain mo na 'yan sa loob"

Nag patiunang pumasok si Raya at naiwan kaming dalawa ni Andrew

"Would you expect me to believe that this is yours?"

Nakangising aniya. Kaya ngumiti rin ako. Bahala na kung anong kalalabasan ng lakad na 'to.

Napausal nalang ako ng dasal dahil sa ginagawa kong pag sisinungaling.

Malaki pa rin ang ngiti niya dahil alam niyang lamang siya sa pagkakataong ito.

Hindi pa kami nakaka pasok ay pinalabas na si Raya kaya nanlaki ang mata ko.

"Miss bawal nga ho kayo dito"

Sabi no'ng guard kay Raya habang itinutulak siya palabas. Tinulak niya si Raya na dahilan ng pag lampaso ni Raya sa sahig.

"Kuya, huwag naman kayong manulak!"

Angil ko nang dulugan ko si Raya na nasa sahig.

Agad kong binulungan si Raya.

"Sinabi ko na sayong huwag na tayong tumuloy eh"

Tutulungan ko na sana siyang tumayo pero winaksi niya lang ang kamay kong nakaalalay sa kaniya.

"HAHAHA this is so fun Attienza. Paanong sa inyo ito? Kilalang kilala ang shop na 'to napakaraming branch nito sa buong bansa. Di pa kayo kilala ng gwardiya? HAHAHA"

Nakaramdam ako ng matinding pagkapahiya sa sinabi niya.

Kumuha ng cellphone si Raya at nag dial pero bigla nalang siyang napahinto at tumingin sa'kin.

"Wala na akong load, may load ka ba?"

"Wah!"

Hindi makapaniwala singhal ko habang nakatingin sa kaniya.

Binigay ko ang cellphone ko.

"Password?"

Pinindot ko ang sensor para sa fingerprint scanning.

"Ang galing mo naman talaga gumawa ng kwento Attienza. Fantasy pa ang genre mo ah! HAHAHAHAHA.. huwag kang mag alala, tutal nandito na tayo ililibre ko nalang kayong dalawa ng kape dito"

Nang aasar na aniya.

Napakuyom ang kamay ko dahil sa matinding inis.

Biglang nag salita si Raya

"Carmi? Nag palit ba kayo ng gwardiya?"

Niloud speak ni Raya ang cellphone

"Yes ma'am, 'yong nakaraang binatos ka, pinatalsik na namin"

Naguguluhang tumingin ako sa kaniya at sa gwardiyang nakatingin lang sa'min.

"Nasan ka?"

Seryosong tanong ni Raya.

"Lumabas lang ako saglit para may I meet na mall manage-"

"Bumalik ka dito. May limang minuto ka lang"

"Yes ma'am"

Pinatay ni Raya ang tawag at nag tangka muling pumasok.

"Ano ba ma'am! Bawal nga kayo dito!"

Sa ikalawang pagkakataon ay napunta nanaman siya sa sahig.

"Putcha-"-ako

*MOMB!*

Napaatras kami pareho ni Andrew nang biglang ibalibag ni Raya ang gwardiya.

"Hindi mo ba narinig na kausap ko ang manager dito?"

Seryosong tanong ni Raya na sobrang sama na ng awra. Kung totoo lang na nangingitim ang likurang bahagi ng tao kapag galit sila gaya ng sa anime, baka gano'n na ang itsura niya.

"Scammer ka!"

Sabi ng gwardiya pag tayo niya.

"Kingina"

Mahinang usal ni Raya.

"Grabe, ngayon lang ako nakakita ng babaeng nang babalibag"

Manghang sabi ni Andrew

"Di ka maniniwala pero pangalawang beses na niya yang ginawa ngayong araw"

Mangha ring ani ko habang nasa tabi ni Andrew.

May biglang humintong sasakyan sa gilid namin at bumaba ang isang babae.

"Ma'am Crenz"

Dali dali itong lumapit kay Raya at tiningnan ang sugat niya.

"Ma'am anong nangyari sa'yo?"

Nagulat kaming lahat sa mga nangyayari.

Sa tono ng pananalita no'ng babae, sa suot ng babaeng nag papatunay na may posisyon nga siya at sa katotohanang may kinalaman nga si Raya sa coffee shop na 'to.

"Humanap ka na ng ibang trabaho."

Seryosong sabi niya sa gwardiya

"M-ma'am Carmi?"

Nanghihingi ng tulong ang boses niya sa babae.

"Sinabihan ko na kayong lahat na hindi mukhang may ari ng coffee shop ang CEO dito"

"Great!"

Sarkastikong ani ni Raya.

"Ma'am kasi-"

"Sinabi ko na kanina na ako ang may ari nitong shop diba?"

Naiiyak na tumingin sa'min ang gwardiya

"Hindi ko po alam-wala kasi sa-"

Natigilan ako. Totoo bang siya ang may ari nitong shop na 'to? Hindi ako makapaniwala.

"Hoy, ikaw."

Turo niya kay Andrew

"Ako?"

"Oo, ikaw. Diba sabi mo ililibre mo kami ng kape dito? Sige mag titake out ako ng pitong kape"

"P-pitong kape?"

May alinlangan sa tono niya.

"Oo, at anong sinabi mo kanina? Hindi ka naniniwalang kami ang may ari nito? Pumasok tayo para maniwala ka"

Nag patiunang pumasok muli si Raya. Nginisian ko si Andrew.

"Paano ba 'yan? HAHAHA gwardiya lang ang hindi nakakakilala sa'min pero ang manager namin kilala kami"

Sumama ang mukha niya dahil sa sinabi ko.

"Oh? Ano 'yan? Napahiya ba kita?"

Mayabang na ani ko

"Siyam na kape ang babayaran mo pati na ang sayo, edi sampu na?"

Tinapik ko ang balikat niya at pumasok na rin sa shop.

Alam ko namang nakasunod siya sa'kin dahil napaka bigat ng bawat hakbang niya na ikana galak naman ng buo kong sistema.

Pag pasok namin ay nakahilera ang mga staff doon at saka yumuko.

"Good afternoon Mr. Attienza"

Bigla akong kinabahan kaya tumingin ako kay Raya. Tinanguan niya lang ako.

"Good afternoon guys, kumusta ang sales this week?"

Ani ko sa natural na boses ng isang boss.

"Mas mataas po kaysa sa mga nakaraang kita"

"That's good, anyway ito nga pala ang kakilala ko. Dati ko siyang kaklase, siya si Andrew batiin niyo rin siya"

"Good afternoon Sir, welcome to Ais coffee shop"

Sabay sabay na bati nila

"G-good afternoon din"

"Mag handa kayo ng sampung kape 'yong pinaka best natin"

Sabi ko

"Sir, take out po ba lahat or iinom kayo dito?"

Tiningnan ko si Raya

"Take out lahat" sagot ni Raya.

"Sige na guys, back to your post!"

Sigaw ng manager

"N-na c CR ako, nasan ang comfort room niyo dito?"

Para siyang nakalutang sa itsura niya, bigla siyang na stress.

"Diretsuhin mo lang 'yon"

May tinuro ako sa kaniyang pasilyo.

Balisa siyang nag lakad. Syempre alam ko dito dahil minsan na rin kaming tumambay dito nila Austin pag dating nila galing states.

"Sa'n 'yon?" Takang tanong ni Raya habang nginunguso si Andrew

"Ninerbyos- Teka? Ikaw ba talaga ang may ari nito?"

Usisa ko sa kaniya.

"Tsk! Kilala ko lang ang may ari nito pati na ang manager. Paano ako makakapag patayo ng ganito? Nag iisip ka ba? Diba nga sinabihan mo ko ng hampaslupa?"

Natigilan ako. Pinakatitigan ko ang mukha niy atsaka ako naguilty. Naguilty naman na ako noon dahil doon sa mga sinabi ko sa kaniya. Lagi nalang kasi ako nadadala ng emosyon ko eh.

"Paano mo sila nakumbinsi?"

"Syempre tauhan ko sila"

Ano raw? Ano ba talaga?

"Niloloko mo ba 'ko?"

"Tsk.. hindi ko na kailangang mag paliwanag sayo. Dinala mo pa ako sa ganitong gulo"

Napakamot tuloy ako sa batok sa sinabi niya.

"Anyway, thanks sa pag salo"

"Huwag ka na ulit gagawa ng kahit anong madadawit ako. Ayoko ng mga sitwasyon naiipit ako"

"Oo na oo na"

Naupo muna kami sa isang bean bag foam sofa.

"Wow! Napaka relaxing talaga dito"

Nag bago sila ng style sa buong shop at ang upuan ay pinalitan na rin.

*RING*

May tumawag kay Raya

"Oh Pula"

Hinagis niya sa'kin ang phone ko

"Tsk! Paano kung nabasag 'to?"

"Edi quits tayo, pinahamak mo rin ako ngayon"

Tsk!! Talaga naman!

Sinagot niya ang tawag

"Hans?... Uhmm... Nag order lang kami ng take out na kape... Hindi na... Oo, aalis na agad kami pagkatapos namin mag order"

Pinatay na niya ang tawag

"Here's your take out Ma'am, Sir"

Nginitian ako nung babae ng napagkatamis tamis kaya nginitian ko rin siya.

"Meron kaming contact info niya, gusto mong makuha?"

Tanong ni Raya sa'kin nang makaalis ang babae.

"Pinag sasasabi mo?"

Kinuha niya ang kape niya at hinigop nalang iyon kaysa sagutin ako.

May narinig akong nag start ng makina sa labas.

"Uh? Nakita mong dumaan na si Andrew?"

Tanong ko kay Raya na nakatulala lang habang hawak ang kape niya.

"Sa likod 'yon dumaan. Alam ko nang tatakasan niya tayo kaya pinabuksan ko na 'yong likod na malapit sa CR"

Ano raw?

"Tatakasan?"

"Sampung kape? 900 each? 9,000 lahat. Tingin mo ba hindi siya tatakas? Bakit naman niya babayaran ang kapeng hindi naman siya ang makikinabang?"

Nag pigil ako ng tawa.

"Seryoso ba? HAHAHA tinakasan niya?"

Grabe! Nakakatawa HAHAHAHA! Akala ko ba may sarili na siyang business?

"So sino mag babayad nitong mga inorder natin?"

Tanong ko kay Raya kaya humarap siya sa'kin. Sa klase ng tingin niya ay alam ko nang hindi ko magugustuhan.

"Don't tell me-"

"Hampaslupa ako. Ikaw mag bayad"

Tumayo siya dala ang mga kape na nakabalot na sa plastic.

"I must be dreaming"

Usal ko.

Tumunog na ang bell sa pinto na sign na may nag bukas ng pinto, malamang si Raya 'yon.

Bigla akong nanghina.

Nag patuloy ako sa cashier

"Magkano lahat?"

"Po?"

"'yong pinamili namin?"

"Ah, 9,000 lahat sir"

Nakangiting sagot ng cashier lady

Naglabas ako ng bills

"Sir, kapag po si ma'am Crenz na po ang umorder, libre na po lahat kaya huwag na po kayong mag bayad"

Bigla akong natigilan sa paglalabas ng pera

"Libre? Bakit?"

"Siya po kasi may ari nitong shop kaya hindi na po 'yan kailangan"

Napaatras ako ng bahagya dahil sa gulat.

So totoo ngang siya ang may ari

"Huwag niyo nalang po sabihing sinabi ko"

Naguguluhan man ay napatango na ako at lumabas ng shop.

Kausap ni Raya ang manager

"Huwag mo na alisin sa trabaho. Binalibag ko naman na 'yan kanina"

Sabi ni Raya kaya tumingin ako sa guard na ngayon ay nakayuko lang sa desk niya.

"Akina yan"

Kinuha ko ang mga kape

"Oh? Ikaw na mag drive"

"Ikaw na, mabigat 'tong kape kaya ako na ang mag dadala"

Siya talaga ang may ari?

"Sabi ng staff dito na ikaw raw talaga ang may ari ng shop?"

Sabi ko sa kaniya pagka angkas ko sa likod

"Naniwala ka naman?"

"Ano ba talaga?"

"Para 'yon sa kasama mo na sabihing ako talaga ang may ari niyan. Sinabi ko na sayong hampaslupa lang ako at di ko afford 'yang ganiyan."

Tukoy niya sa shop.

Naguguluhan tuloy ako kung sino ba talaga sa kanila ang nag sisinungaling.

"Eh bakit sabi niya libre-"

"Kilala ko nga ang may ari nito kaya kilala rin ako ng manager nila. Huwag ka nang maraming tanong"

Pinaandar na niya ang motor at nag tungo sa kinaroroonan ng grupo nila.

Nang makarating kami ay agad akong tinulungan no'ng kambal.

"Ais coffee shop? Sino nanlibre?"-Nemi

"Ikaw Liphyo?"

Agad naman akong umiling

"Sa may ari ng shop"

"May ari ng shop?"-Migs

So hindi pala nila kilala ang may ari ng shop na 'yon.

"Uminom nalang kayo, dami niyong tanong"-Raya

Kumuha naman sila.

"The best mga kape nila, ang sasarap"-Jigs

"Alam niyo bang matagal nang sinusuyo ng mall natin 'yang Ais coffee shop na 'yan pero ayaw ng may ari"

Tumingin ako kay Raya

"Kakilala naman ni Raya eh, bakit hindi kayo mag patulong kay Raya?"

Natigilan silang lahat

"Kilala mo Crenz?"

"Kailan ka pa nag karoon ng kaibigang hindi ko kilala?"-Hans

"Hindi lahat ng kilala ko ay kilala mo"

"Sabagay"

Nasa isang boutique clothing kami.

"Bakit tayo nandito? Akala ko ba may pupuntahan tayo?"

"Oo nga, inantay lang namin kayo"

Tumayo na sila. Naguguluhang tumingin ako sa kanila kaya huli na akong tumayo.

"Bihira kaming pumunta dito pero malinis naman dito"-Pilsamor

Pumasok kami sa isang kwarto at humarap sa isang lumang cabinet. May binaba silang tatlong damit.

Malakas na nag ingay ang isang bagong bukas na daanan sa loob ng cabinet kaya napaatras ako ng bahagya.

"Aray"

Agad akong napatingin sa paang naapakan ko saka tumingin kay Raya.

"Sorry"

"Tara na"

Bumaba sila sa isang bagong bukas na daan. Nahahati pala ang cabinet at ang binaba nilang damit ay nag sisilbing code.

"Wow"

Manghang ani ko nang makita ang ibabang bahagi ng botika na malinis at maraming computer at may mahabang lamesa at mga upuan. May mga naka kabit din na iba't ibang picture sa board.

"Angas! Sa palabas lang ako nakakakita ng ganito"

Umupo silang lahat habang si Hans naman ay nag tungo sa isang computer.

Natutuwang uminom ako ng kape ko.

Agad na may nag flash sa malaking screen.

"Ang pinaka goal namin ay ang kunin ang pera na ninanakaw ng gobyerno sa bayan. Mga successor kami ng iba't ibang line. Halimbawa si Hans, successor siya ng linya ng mga sasakyan, si Nemi at JM naman nasa linya ng mga engineer."

Bakit dalawa sila?

"Kaya ba sila laging nag aaway kasi nag aagawan sila sa posisyon?"

Takang tanong ko

"No way, I don't like it"-Nemi

"Tss.. bakit kasi ayaw nalang amining bobo ka sa math"-JM

"Watch your words asshole"-Nemi

Ayan nanaman sila.

"Nope, kaya lagi silang nag aaway dahil ayaw nilang makasal sa isa't isa-"-Sandra

"ENGAGED KAYO?!"

Sabay sabay na tanong ng lahat na pati si Raya na di ko expect na mag sasalita ay napatanong din.

"Do we have a choice? Kung pwede nga lang si Jerome nalang eh kesa naman sa bwiset na 'yan. Kaso ang bata pa niya eh"

"Wow! Ba't ngayon mo lang sinabi Sandra?"-Migs

"Paano mo nalaman?"-JM

"Duuuh ako lang naman ang soon to be manager ng lahat ng linya ng Royal Corporation. Pinag sisigawan na ng mga magulang niyo ang magiging kasal niyo"-Sandra

Uso pala sa kanila ang fixed marriage? Akala ko di na 'yon nag eexist.

"Edi good 'yon, at least hindi kayo ipinakasal sa hindi niyo kilala"

Sabi ko

"Hinihiling ko nga na sana sa taong di ko nalang kilala eh. Ayang bwiset na 'yan? Kilala ko na 'yan. Alam kong may babatuhan lang kami ng plato niyan soon"-Nemi

"Di kita babatuhin no'n, pero gugupitin ko ang mga imported mong bag"

"Damn you punk!"

Natawa kaming lahat.

"Guys, let's go back to the topic"

Pagkuha ni Hans ng atensyon namin.

"Liphyo makinig ka nang mabuti dahil importante 'tong susunod. Ang company namin ay under lahat ng Royal Corporation."

"Ibig sabihin 'yong school at hospital sa inyo 'yon?"

Tumango sila

"Sobrang lawak ng Royal Corporation na kahit sa ibang bansa ay kilala ang mga serbisyo at produkto namin"

Kumabog ang puso ko dahil sa sobrang pagkamangha

"Naka Ranggo kami-"

Ranggo?

Agad akong napatingin kay Sandra. Kaya ba siya ang pinaka iniingatan nila ay dahil sa siya ang pinaka mataas?

Bigla kong naalala ang nangyari kanina at napatingin kay Raya na nasa kanan ni Sandra pero may bakanteng upuan sa gitna nila

"May first aid kit ba kayo?"

Tanong ko sa kanila kaya napamaang ang itsura nila.

"Wait kukunin ko"-Jigs

"Sige Hans nakikinig ako"

Sabi ko sa kaniya

"Ok, sa Kings quad ay nandoon si Sandra na kung sa kompanya ay para siyang manager dahil handle niya ang lahat ng linya ng mga trabaho."

"Hindi ba mahirap 'yon?"

"Wala namang trabahong madali Attienza-"aniya saka ngumiti sa'kin

"- ang kaibahan lang ay since manager siya ng lahat ng company ay pwede siyang mag utos nang mag utos nalang at kami na ang bahala kung paano aayusin ang mga inuutos niya."

Ahhh.. kahit papaano ay medyo madali naman pala.

"Paano niya malalaman ang iuutos niya?"

"Good question. Ang lahat ng kita sa isang buwan titingnan niya at pag medyo mababa ay aalamin niya sa manager ng company at 'yon mismo ang gagawan nila ng paraan"

"Paano kung may mali sa trabaho na hindi makikita sa revenue?"

"What do you mean?"-Sandra

"I mean, hindi naman kasi lahat ng problema ay makikita mo sa kikitain sa mga buwan. Minsan may problema na pwedeng may lead sa pagbagsak ng company in future. Halimbawa may pinirmahan kayong contract tapos ang akala niyo ay makakatulong sa inyo pero in the end 'yon pala ang mag papabagsak sa inyo. Paano 'yon?"

*SNAP!*

"TAMA! Alam ko na ngayon kung bakit ok 'yong sales no'ng restaurant pero parang kinakapos kami sa supply at sa pagbabayad ng mga tao"-Migs

"Ano?"-Jigs

"Si Daddy diba nag labas siya ng pera sa restaurant para mag bukas ng panibagong project pero ang bagal ng usad no'ng project na 'yon kaya si Dad kumukuha nang kumukuha sa kita para sa pagsalo ng project na hindi naman umuusad-"

"SI MR. CHUA!"

Sabay na bigkas ng kambal saka sabay na tumayo at tumakbo pataas.

"Anong meron sa kanila?"

Tanong ko

"Now they learn their lesson"-Nemi

"Ha? Anong lesson?"

"May family problem sila na hindi nila malutas lutas, 'yong kayang kaya nilang mag tayo pa ng panibagong branch pero hindi nila magawa dahil nag lalabas ng pera ang tatay nila sa restaurant."

"Alam niyo? Bakit hindi ni'yo tinulungan?"

"Hindi lahat ay problema ng Kings deck. Iyong sinasabi mong wala sa revenue ang problema, well totoo 'yon pero kailangang mameet ng family nila ang quota ng isang buwan dahil kung hindi ay sila ang mag aabono"-Sandra

"Bakit may quota?"

Bakit kailangang may makuha kang gano'ng halaga?

"Sinabi na sayong organization kami. Ang pagpapahiram ng pangalan sa mga hawak nilang linya ay isang malaking karangalan na. Ang trabaho nila bilang kapalit ng pag bibigay ng pangalan namin sa kanila ay pagbabayad ng nakatakdang babayaran monthly"

Ibig sabihin ay pangalan ang binabayaran nila.

"Medyo may idea naman na ako pero gusto ko lang malaman kung tama ba ang pagkakaintindi ko. Bakit pangalan?"

"Kilala sa business world ang Royal Corporation. Kapag dala nila ang pangalan ng corporation ay tiyak na tatangkilikin sila"

So tama nga ako.

"Kailangan lang ma meet ng pamilya niyo ang quota then the rest ng pera ay sa inyo na?"

"Yes, so kailangan mong maging business minded at huwag mag papaloko gaya ng nangyari sa magulang no'ng kambal"-Sandra

Tiningnan ko si Raya na nakahalukipkip lang habang nakapikit

"Ito na 'yong kit"-JM

Inabot sa'kin ni JM ang kit kaya tumayo na ako at lumapit sa tabing upuan ni Raya

"Amina"

Kinuha ko ang kamay ni Raya kaya napadilat siya.

Medyo hindi maganda ang lagay ng sugat niya at meron pa sa braso.

Tiningnan lang ako ni Raya at hindi na nag salita. Nakatingin sa'min ang lahat.

"Hans continue lang, nakikinig ako"

Sabi ko habang dinadampian ng cotton na may alcohol ang sugat ni Raya.

"*Ehem!* Ok. Alam mo naman siguro ang cards number diba?"

"Cards? You mean 'yong baraha?"

Tanong ko habang nakatutok pa rin sa pag lilinis ng sugat ni Raya

"Yes, naka rank kami base doon."

Tumango lang ako

"Nasa Jack/Knave deck ako and under ko si Yara while under ka ni Yara so it means nasa knaves deck ka at ang swerete mo. Ang kambal ay nasa 10 Princess, Nemi at JM ay 10 rin"

"So ang trabaho niyo ay protektahan si Sandra dahil successor siya ng malaking company at maraming gustong pumatay sa kaniya dahil sa tagapag mana siya ng malaking business corporation?"

Seryosong tanong ko dahil naalala ko nanaman kung paano siya itinulak no'ng gwardiya kanina at naiinis akong maalala 'yon.

"Oo"

"Paano ako naging swerte? Napaka gulo ng organization niyo?"

"Hindi dahil sa organization, swerte mo dahil wala gaanong interes Yara sa organization gaya mo. Hindi na siya pinipilit sa mga bagay na ayaw niya, basta ang mahalaga ay ligtas si Sandra. Since under ka niya dalawang benefit ang makukuha mo. Benefit na galing sa'kin at benefit na galing sa kaniya."

Tumingin ako kay Raya na nakapikit lang habang nililinis ko ang sugat niya.

"Benefit niyo? Anong benefit niyo"

Doon nag mulat si Raya ng mata at tumingin sa'kin pero walang emosyon. Sandali ko siyang tiningnan at saka tumingin muli sa sugat niya.

"Benefit ko, since ang Knave ay mga tagapag bantay, sa'min mo makukuha ang mga gwardiyang mag babantay sayo at sa pamilya mo maging sa mga taong mahalaga sa'yo. Di lang 'yon dahil 'yong respect nila sayo ay hindi mawawala dahil nasa royal deck ka. While kay Yara, since pag babantay talaga ang main niya dahil nasa deck ko siya, ayaw niya ng organization namin kaya hindi siya pinipilit na umattend ng kahit anong required party or meeting basta ang mahalaga ay ligtas si Sandra. Since under ka niya, hindi ka na rin required. Iyon ang kagandahan ng sitwasyon mo dahil nakialam ka"

Paliwanag ni Hans. Hindi na ako umapila dahil kahit maulit pa 'yon ulit ay gagawin ko pa rin ang mga ginawa ko noon.

Hinipan ko ang sugat niya para matuyo agad 'yong mga nilagay ko.

"Dapat kasi no'ng unang tulak palang binalibag mo na eh"

"Eh kung ikaw kaya ibalibag ko"

Natawa ako ng pagak. Ngayon lang ako na cute an sa kaniya.

"Hindi naman siguro totoong kayo na diba?"-Nemi

"Hindi!"

Sabay na sabi namin ni Raya

"Ok ok, nag tatanong lang eh"

Nilagyan ko na ng band aid ang mga sugat niya.

"Done"

Sabi ko tsaka tumayo at bumalik sa pwesto ko. Nilagay ko lang 'yong kit sa ibabaw ng mesa.

Pumasok na ang kambal

"Oh? Sa'n kayo galing?"-Pilsamor

"Kinausap namin si Dad na ipull out lahat ng binigay niya kay Mr. Chua at huwag na ulit mag titiwala sa Chinese na 'yon."

"Tapos na ba kayo mag pakilala?"-Migs

"Yes, let's proceed to the main topic"

Sumeryoso ang lahat kaya kinakabahan ako sa katahimikan ng lahat. Namatay ang ilaw at may panibagong nag flash sa screen. Isang barko

"Gracias is the name of the ship. According to the source and investigator team, there are maximum of 80 person on the ship. May apat na level sa ship, 1st level is where the party will be taken, 2nd and 3rd are for the guest bedroom and the 4th level is for VIP's. Actually may 5th pa rooftop."

Nag flash ang kwintas na nakita ko kahapon.

"Sa isang artista natin 'yan kukunin."

Parang sa pagkakataong 'to ay wala akong karapatang pumasok sa usapan dahil wala akong alam sa balak nilang gawin.

"Then what's the plan?"-Nemi

"Ang gagawin natin ay magiging representative kayo ng company niyo then makakapasok tayo sa loob. Puro politician and business man ang mga nasa barko"

"Wait, mahigpit raw ang barko na 'yon, sa tingin niyo pwede tayo do'n?"

"Pwede nga kahit lahat tayo ay pumasok eh"

Sabi ni Raya

"Ano? Paano?"

"Simple lang, palitan niyo ang guard"

May ngiti sa labi niya.