webnovel

36

Pag balik namin sa bahay inasikaso agad ng mga babae ang lulutuin habang kami naman ay nag papa apoy ng kahoy para sa pag lulutuan nila.

"Teka naman Jigs! Hindi pa nga kumakapit sa kahoy yung apoy tapos hinihipan mo na!"-Migs

Tawanan kami nang tawanan dahil sa kanila.

"Wala ka namang sinabing kailangan munang kumapit eh!"

"Common sense monkey!"

"Wala akong common sense kaya linawin mo sa'kin ang ipapagawa mo!"

Hinakot ko palapit sa kanila ang ibang kahoy para madaling makuha.

"Tabi nga, ako na."

Pinaalis ni JM si Migs at pumalit doon.

"Paypayan mo ah?"-Jm

"Geh."

Tiningnan ni JM ang ilalim tapos pinaypayan ni Jigs kaya lahat ng upos nasa kalan ay napunta sa mukha ni JM.

"HAHAHAHAHA"-all

"Kahit kapatid kita mapapatay kita."

Hinead lock ni Migs ang kambal niya at saka sila nag wrestling malayo sa apoy.

"Sa'n si Austin?"-Mike

Oo nga 'no? Kanina ko pa nga siya hindi na kikita.

"Si Jerick din naman wala rito."

Napailing nalang ako.

"Nandoon 'yon sa isang bahay daw nila Crenz."

Isang bahay?

Ahhh... Baka yung tinatambayan ni Charrie kapag wala siya rito sa bahay.

Nakita namin si Raya na nag mamarcha palabas ng bahay at mukhang bad trip ang mukha. Halos lahat ata kami naramdaman ang presensya niya dahil sa awra niyang nakakatakot ngayon.

"Crenz! San ka pupunta?"-Nemi

Nag patuloy lang sa pag lalakad si Raya palayo at mabilis naman siyang sinundan ni Hans.

"Anong nangyari do'n?"

Wala ni isa sa'ming may idea sa nangyayari basta nakipag talo muna siya kay Hans at umalis sila gamit ang motor na sinakyan namin kanina.

CRENZ'S POV

"Crenz, saan ka pupunta?"

Hinabol ako ni Hans dahil nag mamadali akong umalis.

"Pupunta ako kina Mama."

"Dahil? Gabi na."

Pag pigil niya sa'kin.

"Wala akong pakealam! Mainit ulo ko ngayon kaya huwag mo akong kontrahin."

Huminga nang malalim si Hans.

"Hindi ako matatahimik kung aalis ka mag isa."

Sinamaan ko muna siya ng tingin bago ko hinagis ang susi sa kaniya na hindi niya nasalo kaya nag pulot pa siya bago sumunod sa'kin.

Nag hahalo halo ang nararamdaman ko ngayon.

Sumakay na siya sa motor kaya umupo na rin ako sa likod niya.

"Bilisan mo."

"Oo eto na."

May alam naman na rito si Hans at alam niya rin kung saan banda ang isa pang bahay namin.

Iniwan ko si Charrie kay Dada kahit pa gustong gusto sa'kin sumama ng bata.

"Bilisan mo!"

"Hey, the road is slippery. Calm down."

Hindi ako makahinahon dahil sa nangyayari.

Pag dating namin sa bahay na 'yon pinag titinginan kami ng ilang kapit bahay namin kasi ngayon nalang ulit nila ako nakita at saka syempre pag probinsya instant artista ka kapag nakakita sila ng taga Manila.

Binuksan ko ang bakuran namin na gawa lang sa kahoy at saka nag marcha papasok doon.

"Boss!"

Nakangiting salubong sa'kin ni Jerick.

Mabilis ko siyang nilapitan at sinuri ang katawan niya.

Para akong inang sinusuri kung nasugatan ang anak niya dahil gano'n ko siya tinitingnan ngayon.

"Kuring! Napadalaw ka."

Masayang bati sa'kin ni Mama pero tiningnan ko lang siya ng usual look na parang inosente. Ayokong mastress si Mama pero kasi hindi talaga maganda ang mood ko sa ginawa nila.

Nag tataka na si Mama sa inaakto ko.

"Creya, anong ginagawa mo rito? May nakalimutan ka bang sabihin?"

Lumabas na rin si Papa dahil nga sa biglaang pag bisita ko.

"Ano pong pinagawa niyo kay Jerick?"

Seryosong tanong ko. Bigla akong hinawakan ni Jerick at tiningnan na parang sinasabing itigil ko na kung ano man ang balak kong gawin.

"Nag sibak siya ng kahoy, nag igib diyan sa malapit na poso tapos nag pakain ng hayop kasama si Darwin kanina. Bakit?"

Gusto kong sumigaw ngayon dahil sa inis.

"Ginawa niya 'yon sa loob ng isang araw?"

Napangiti si Mama.

"Oo, ang sipag nga ng nobyo mo-"

"Na hindi dapat, Ma."

Pag papatahimik ko kay Mama.

"Crenz, ano bang ginagawa mo?"

Bulong sa'kin ni Jerick.

"At ano rin bang ginagawa mo?! Nakikita mo ba yang sarili mo?! Puro ka pasa! Namumutla ka! Sinabihan kita na huwag kang mag tatrabaho ng kahit ano rito!"

Nag katinginan si Mama at Papa, napayuko naman si Jerick.

"Yara, let's get inside don't make a scene here."-Hans

"Ma, nakiusap naman ako sa inyo na huwag siyang bigyan ng mabibigat na trabaho-"

"At bakit hindi? Mas mabigat nga ang dinanas mo kumpara sa mga ginagawa niya-"

Pareho naming pinuputol ang isa't isa.

"Ma, iba siya at iba ako-"

"Nobyo mo siya!"

"HINDI KO SIYA BOYFRIEND!"

Hindi ko siya gustong sigawan pero kasi ayoko talagang mahirapan si Jerick ng dahil sa'kin.

"Creya! Sinisigawan mo na ang Mama mo?!"

Sigaw sa'kin ni Papa.

"Crenz, enough."-Hans

Napahilamos ako sa mukha ko sa sobrang inis.

"Wala po akong boyfriend, kaibigan ko lang silang lahat at pinag panggap ko lang siyang maging boyfriend ko. Maayos po kasi akong nakiusap sainyo-"

"Eh ano kung hindi mo siya nobyo? Hindi namin siya pinilit gumawa ng mga bagay na ginawa niya ngayong araw, nag presinta siya kaya huwag mo akong masigaw sigawan Crenz Yara!"

"Sana man lang po pinigilan niyo siya."

"Yara, ENOUGH!"-Hans

Maawtoridad na saway sa'kin ni Hans na sobrang bihira kong marinig.

Binilinan ko nga pala siya na kapag sumobra ako sa mga sinasabi ko at nakakasakit na ay pahintuin niya ako kasi minsan hindi ko nararamdamang nakakasakit na pala ako sa mga salita ko.

"Pumunta ka lang pala rito para mang away, sana hindi mo nalang dinala rito yang kaibigan mo kung mag kakaganiyan ka lang pala."

Pumasok sa loob ng bahay si Mama.

Hindi ko talaga ma kontrol ang sarili ko, sobrang naiinis ako.

Sumunod si Papa sa loob kaya naiwan kaming tatlo rito sa labas.

"What do you think you're doing?!"

"Sinabihan na kitang huwag mo akong kontrahin!"

"Kung hindi ko gagawin mag sisisi ka na naman sa huli! Anong kakitiran na naman ba kasi yang ginagawa mo?! Sinigawan mo si tita?! Nag iisip ka pa ba Yara?!"

Gusto ko siyang suntukin.

"Wala kang alam-"

"Dahil wala kang sinasabi! Hindi lahat ng alam mo ay alam namin at hindi lahat ng napapansin mo ay napapansin din namin. Kung importanteng bagay ang ipinakikiusap mo kahit kanino, matuto kang mag bigay ng detalye sa kung bakit kailangan nilang gawin ang pinapakiusap mo! Alam mo naman na ang kulang na impormasyon ang nag li lead para pumalpak ang isang misyon, higit kanino man ikaw ang pinaka nakakaalam niyan, Crenz Yara!"

Unti unting bumukas ang isipan ko sa mga sinasabi niya. Ngayon ko lang na realize na kasalanan ko kung sakali mang may mangyaring masama kay Jerick dito.

Nag kamali ako sa pag sigaw kay Mama at binabagabag ako ng konsensya ko ngayon.

Unti unting lumambot ang ekspresyon ko.

Lagi kong sinasabi sa kanila ang kumalma pero hindi ko maapply sa sarili ko kapag nag kakagipitan na.

Tumingin ako kay Jerick. Isa lang ang naiisip ko ngayon, gusto ko na siyang pauwiin sa kanila para hindi na ako mag alala pa ng ganito.

"I'm sorry"-Jerick

Mataman ko siyang pinag masdan, sobrang awang awa na ako sa kaniya at naiinis ako sa ganitong pakiramdam dahil ang awa ko ay nag dudulot sa'kin ng padalos dalos na desisyon.

"Nag presinta kang gumawa ng mga bagay na pinag babawal ko sa'yo?"

Gusto kong kumpirmahin kasi hindi ko maintindihan kung bakit parang gusto pa niyang palalain ang sitwasyon niya.

"Gusto ko lang tumulog-"

"Hindi tulong ang ginagawa mo, nagiging pabigat ka sa'kin sa kinikilos mo. Gusto ko ng makabubuti sa'yo pero ikaw mismo ang lumalapit sa kapahamakan mo."

Nakayuko lang siya.

"Samahan mo ang mga kaibigan mo sa tent."

Medyo nag liwanag ang mukha niya nang marinig ang sinabi ko. Gusto niyang kasama ang kaibigan niya pero ako ang nag pumulit na dumito siya sa bahay na 'to kasi mas komportable rito kesa sa bahay sa bukid.

Tumingin ako sa kay Hans.

"Ihatid mo siya sa bahay."

Utos ko sa kaniya.

"Ano?"

"Hindi mo ko narinig?"

Nauubusan ng pasensyang napa tingin si Hans sa taas at medyo napapikit saka hinga ng malalim at tumingin ulit sa'kin.

"Paano ka?"

"Kaya ko sarili ko-"

"Crenz Yara!"

Saway niya sa'kin.

"Tss.. kung sipagin ka bumalik ka rito para sunduin ako, kakausapin ko lang sila Mama."

Unti unting sumilay ang ngiti sa labi niya.

"That's my Princess."

Bahagya niyang ginulo ang buhok ko na agad kong tinabig.

"Alis na."

Gaya nga ng inutos ko umalis na sila.

Ngayon ay kinakabahan naman akong pumasok sa bahay.

Umangat ang tingin sa'kin nila Mama habang nasa hapag kainan sila. Mabilis siyang nag iwas ng tingin nang tingnan niya ako.

Bigla akong nasaktan.

May isang plato sa hapagkainan na mukhang wala namang nag mamay ari pero wala naman akong balak kumain dahil kakakain lang namin ni Pula.

Kumuha ako ng upuan at hinarap sa pwesto ni Mama na patuloy lang sa pagkain at walang emosyon ang mukha.

"Ma."

Panimula ko at hinawakan ko ang braso niya pero agad niyang tinabig 'yon.

"Ma sorry, hindi ko dapat ginawa 'yon."

Hinawakan ko ulit siya pero this time hindi niya na ako tinabig.

Yumuko ako sa may balikat ni Mama dahil parang sasabog ako sa mga halo halong nararamdaman ko.

Ayoko sa lahat na nakikita ako ng iba na mahina pero kapag sa magulang ko syempre wala nang kaso 'yon.

"Napapagod ako Ma."

Panimula ko ulit. Ramdam ko pa rin ang init ng balat ko dahil sa cookies na nakain ko.

"Gusto kong mag pahinga pero parang wala akong karapatang gawin 'yon."

Nag simulang mamuo ang luha ko habang nakayuko pa rin ako sa balikat ni Mama. Napahinto na si Mama sa pag kain niya pero nanatiling tahimik. Pinipigilan kong mapahikbi habang kausap si Mama, syempre ayoko rin namang sobrang mag alala si Mama.

"Yung trabaho ko palaging malapit sa kamatayan. Simula pag kabata ko parang laging nasa likod ko kamatayan. Umalis ako ng bansa hindi para mag pahinga sa magulong mundo ko dito, umalis ako na kadikit pa rin ang responsibilidad ko sa lahat ng nakapaligid sa'kin. Sa pag alis kong 'yon alam kong naging makasarili ako kasi lumayo ako sa malaking responsibilidad pero hindi ko naman talaga tinalikuran 'yon eh, hinahanda ko lang ang sarili ko sa mga posibleng mangyari."

Tumulo ang luha kong dahilan ay pagod.

"Pag balik ko sobrang daming nag bago at sa mga pag babagong 'yon lagi kong sinisisi ang sarili ko sa mga hindi magandang nangyari sa mga kaibigan ko. Iniisip ko na kung nandito kaya ako noon magiging gano'n kaya sila? *Sobs* Hanggang ngayon sinisisi ko pa rin ang sarili ko kung bakit nag ka gano'n si Cresia, nanghihina ako araw araw dahil laging kong iniisip ang kapatid kong nandoon sa hospital at hanggang ngayon hindi pa gumigising dahil sa kagagawan ko."

Halos hindi na ako makapag salita ng maayos dahil sa pag iyak ko. Naawa rin ako minsan sa sarili ko pero anong magagawa ko? May mga bagay na kahit ilang beses mong pag planuhan ng maayos, mag kaka aberya pa rin dahil sa mga unexpected na mga bagay na dumadating sa'tin.

"Gusto kong mag pahinga kahit saglit. Umaasa rin ako na makatulong ang mga nakapaligid sa'kin minsan kasi kahit sabihin kong kaya ko sa loob loob ko humihingi pa rin ako ng tulong sa inyong lahat dahil sobrang bigat na ng pinapasan ko."

Pinunasan ko ang luha ko na hindi pa rin nag babago ang posisyon ko.

"Ang dami kong kailangang protektahan, ang dami kong kailangang ilayo sa kapahamakan, ang dami kong kailangang alalayan. Lahat ng ginagawa ko ay para sa iba pero paano naman ako? Pinapatatag ko ang sarili ko- *sobs* para may malalapitan ang lahat. Ipinanganak ako para sa ibang tao, 'yon lang ata talaga ang purpose ko rito. Gusto kong lumayo sa mga kaibigan ko kasi kapag nakikita ko sila-"

Natigilan ako sa pag sasalita dahil sobrang na pa hagulgol na ako ng iyak. Naramdaman ko nalang na niyakap na ako ni Mama. Ito ang isa sa yakap na sobrang gustong gusto kong maramdaman, yakap na may assurance na nag sasabing ilabas ko lang lahat ng gusto kong ilabas at nandiyan lang siya para sa'kin.

"Pag nakikita ko sila mas lalo kong naaalala ang bigat ng responsibilidad ko."

Walang nag sasalita sa kanila at hinayaan lang nila akong mag labas ng saloobin ko.

"Si Sandra at Liphyo ang priority ko ngayon dahil king's deck si Sandra at under ko si Liphyo. May kambal na sobrang sakit sa ulo kapag pinag sama, madalas din kaming mapahamak dahil sa kalokohan nila. May kasama naman kaming laging nag aaway at hindi ako makatulog dahil sa kanila. May dalawang laging tahimik at hindi ko mabasa ang nasa isip nila kaya ang hirap nilang kapain. May mga kaibigan si Liphyo na sobra rin ang ligalig at lahat sila sobrang sakit sa ulo kapag nag sama sama. Idagdag pa ang mga pinsan ko at mga kaibigan namin sa kabilang side na dikit nang dikit sa'kin na hindi alam na madalas bumibigat ang loob ko kapag nandiyan sila."

Para akong batang nag susumbong.

"Ayaw ko na silang makita lahat-"

Napayakap ako ng mahigpit kay Mama.

"-pero hindi ko rin kayang hindi sila makita, naiinis at nagagalit ako kapag na aagrabyado sila, gusto ko silang mawala sa paningin ko pero kapag wala sila namimiss ko sila, gusto kong lumayo sa kanila pero kapag lumayo ako para akong hinihila ng sarili kong paa para bumalik sa kanila. Ayaw ko sa kanila dahil responsibilidad sila para sa'kin pero sa kabilang banda gustong gusto ko sila kasi kaibigan ko sila at nagiging masaya rin ako kapag nandiyan sila."

Hinimas ni Mama ang likod ko.

"Sorry Mama nasigawan kita. 'yong batang 'yon kasi malala na ang sakit niya kaya gumagawa ako ng paraan para ma enjoy niya ang bakasyon niya rito dahil kapag umuwi na siya sa kanila after ng bakasyon, mag papa confine na siya at ako lang ang nakakaalam sa lagay niya. Ayaw ko siyang mapagod, gusto kong ipatikim sa kaniya ang iba't ibang masasarap na pagkain kasi hindi ko alam kung mag tatagal pa siya *sobs* natatakot akong mag mamatay na naman sa harap ko tapos ako na naman ang dahilan."

Patuloy lang ang pag agos ng luha ko sa pisngi ko.

"Tingnan mo, ang daming mong nilalabas sa loob mo kapag alam mong may mali ka *sniff* dinadaan mo ako sa iyak mo para hindi kita mapagalitan."

Biglang pangaral sa'kin ni Mama pero ako naka pikit lang ako habang yakap namin ang isa't isa, hindi pa ako tapos umiyak eh.

"Sa tingin mo ba hindi rin nag aalala sa'yo sila Hans? Gaya mo sinisiguro rin nila ang kaligtasan mo. Sa tingin mo ba buhay ka pa hanggang ngayon kung hindi sila nakapaligid sa'yo? Sino bang nag babantay sa'yo kapag may sakit ka? Sino bang nag papakapagod para tulungan ka? Sino bang nahihirapan isiksik ang sarili nila para mapaamo ang tigreng gaya mo? Inaasikaso ka nila dahil binabalik nila ang mga tulong na binibigay mo. Hindi mo alam pero tinatawagan ako ng mga kaibigan mo para bigyan ng balita tungkol sa'yo. Hindi kita kinukulit sa mga tawag dahil alam kong ayos ka lang dahil binabalitaan nila ako. Panakaw ka nilang kinukunan ng litrato at saka ipinapadala sa'kin para raw hindi na ako mag alala at isipin lang ang pag papagaling ko."

Medyo napadilat ako sa sinabi ni Mama.

Mga walanghiyang 'yon. Ilang beses kaya ako siniraan ng mga bwiset na 'yon.

Pero at the same time naantig ang puso ko sa ginawa nila. Hindi ko alam na may komunikasyon sila sa pamilya ko rito. Tama si Mama, kung wala sila Tyro baka ako na mismo ang kumitil sa sarili kong buhay dahil sa hirap ng pasanin ko, baka nga matagal na akong wala sa mundo dahil sumuko na ako.

Nakalabing tiningnan ko si Mama.

"Hindi nila ako siniraan?"

Parang nag tatampong tanong ko.

"Haha.. hindi."

Pag aassure ni Mama sa'kin.

"Hindi ako naniniwala."

Sabi ko kay Mama. Pinunasan ni Mama ang pisngi ko dahil sa mga luhang tumulo doon.

"Sabi nila na napaka bugnutin mo raw pero wala raw dapat ipag alala dahil normal naman daw na gano'n ka."

"Sino nag sabi Ma? Tuturuan ko ng leksyon pag balik ko."

Bigla akong hinampas ni Mama ng mahina sa braso ko.

"Aw."

"Ayan ka na naman sa pagiging brutal mo."

Napanguso tuloy ako at saka yakap ulit kay Mama.

"Mama, gusto kong gumaling ka na agad kaya dapat lumaban ka pag nasa surgery ka na ah?"

"Ikaw na bata ka, sarili mo ang alalahanin mo. Ayokong mag alala ka pa sa'kin kasi isang daang taon pa ako mabubuhay, babantayan ko yang kilos mo at hahampasin ka kapag hindi ka nag tino."

Napangiti ako.

"Gusto ko 'yon Ma."

Sana nga gano'n ang mangyari.

Hindi ako natatakot sa sarili kong kamatayan, natatakot akong ang mga malalapit sa'kin ang mawala, baka hindi ko na talaga kayanin.

Doon ko lang naalala si Papa.

Pasimple siyang may pinahid sa pisngi niya.

Nakooooo.. nakikiiyak din si Papa.

"Gusto kong mag pa confine ka ngayon at bawiin ang lakas mo kung gusto mong mabantayan sila nang mas matagal pa."

Biglang sabi ni Papa.

"Confine?"

Tanong ko.

Kaya ko naman-

"Oo, ilang araw ka nang may lagnat at pinupwersa mo pa ang sarili mo. Mag pahinga ka muna-"

"Pa-"

"Utos ko 'yon."

Bigla akong natahimik.

Medyo trip ko rin ang idea pero kasi baka hanapin ako nila Charrie.

"Paano-"

"Ako na ang bahala sa mga bata. Kasama namin sila bukas dahil undas at babantayan ko sila ng maayos. Mag pahinga ka at bumawi ng lakas. Isa o dalawang araw kang mag pahinga, ikondisyon mo ang sarili mo dahil may tatapusin pa tayong trabaho."

Oo nga pala, 'yong assignment.

"Tama, mag pahinga ka."

Hindi na ako tututol dahil si Papa na ang nag salita. May tiwala ako sa mga sinasabi nila dahil kilala nila ako higit kanino man.

"Opo."

Marami pa silang tinanong na ibang bagay na malugod ko namang sinagot. Matapos kong mag sorry ulit sa kanila tinawagan ko si Hans.

"Crenz, pabalik na 'ko-"

"Kunin mo si Charrie."

Hindi kasi papayag si Charrie na hindi niya ako kasama at baka mag wala, gusto ko rin katabi siya sa pag tulog.

"Ha?"

"Mag papa hinga ako dito sa bahay at hahanapin niya ako kaya dalhin mo rin siya rito. Ingatan mo 'yan baka gilitan kita kapag napahamak 'yan."

Banta ko kay Hans.

"Nag susungit ka na, mukhang ok na kayo nila Tita."

Oo naman! Ako pa ba?

"Isama mo rin si Nemi para may mag hahawak sa bata."

"Aye aye captain!"

Saka niya pinatay ang tawag.

Sinuri ko muna ang labas at inalam ang mangilan ngilang pag babago doon.

Tama si Papa, kailangan kong mag handa para sa gagawin namin.

Mag papahinga ako pero syempre mag tatrabaho ako. Si Hans na muna ang bahala sa mga bata.

After 20 mins nakarating na sila.

"Mommy!"

Yumakap agad sa'kin si Charrie pag dating niya.

"How's the ride with Tito Hans?"

Sweet na tanong ko sa kaniya.

"It's fine but so slow."

"Pfft!"-Nemi

Maging ako ay muntik matawa sa reklamo niya, pareho talaga kaming gustong gusto ang may thrill na bagay.

"It's for your good."

Sabi ko sa kaniya at saka inayos ang buhok niya.

"Thank you for the ride Tito!"

"You're welcome baby."

At tumakbo na papunta sa loob si Charrie habang kasundo si Nemi na hinabol siya papasok.

"Ayos ka lang?"

Hindi ko alam kung anong nag udyok sa'kin pero bigla nalang akong yumakap sa kaniya.

"Hey haha.. are you really fine? Nag dedelihiryo ka ba?"

Doon lang naman talaga ako nangyayakap kapag nag dedelihiryo na ako.

"Thank you for stopping me, Handriko."

Kung hindi niya ako pina hinto baka hindi pa kami ayos ni Mama ngayon.

"Ayoko lang mag sisi ka."

"Kaya nga thank you."

Umalis ako sa pag kakayakap sa kaniya at saka ko nakita ang namumula niyang mukha.

"Kinikilig ka sa'kin?"

Bigla siyang natawa.

"Mukha ba akong si Attienza?"

Bahagya akong tumango.

"Siguro nga."

Sabi niya sa'kin saka ako pinantayan at ginulo ng bahagya ang buhok ko.

"Thank you sa pakikinig."

Nginitian niya ako kaya nadala nalang din ako sa ngiti niya.

"Mag papa confine ako dahil sa sakit ko-"

"That's good! Buti naman napa payag ka nila Tita."

Masayang tugon niya.

"Ikaw na bahala sa mga bata."

Tumayo siya ng maayos.

"Sabi ko naman sa'yo na kaya ko silang alagaan lahat. May matino pa rin naman sa grupo, si Nemi -"

"Kailangan ko si Nemi."

Hindi pa rin nawala ang ngiti niya.

"Trouble maker lang sila pero reliable sila kapag may panganib. Hindi mo mapapansin pero sobrang maaasahan sila."

Dapat lang dahil at the end of the day, tagapag bantay pa rin sila ni Sandra.

"Tapos na ba sila mag luto doon?"

"Kakain na sila nang alisan namin."

"Dito ka na kumain."

Umiling siya.

"Hinihintay ako nila ako doon. Dadalawin kita bukas."

Ako naman ngayon ang umiling.

"Ayokong dalawin mo ko kasi may pinapabantayan ako sa'yo. Hindi ako ang babanatayan mo kundi sila."

Pag papaintindi ko sa kaniya. Iyan na naman kasi siya sa pag buntot sa'kin.

"Ok, ako na bahala."

Tinapik ko ang balikat niya ng dalawang beses.

"Ingat ka pag uwi."

"Teka? Pinapauwi mo na ako? How about Nemi?"

"Dito muna siya ngayong gabi."

Naiiling na napa kamot siya ng ulo niya.

"Dapat sinabi mo sa kaniya. Mag lilinis na pa naman siya ng mukha niya bago umalis kanina. Alam mo namang ang daming abobot yan sa mukha niya."

Napangiwi ako.

Oo nga pala. Pero may sabon at tubig naman dito sa bahay kaya huwag na siyang mag inarte.

"Ako na bahala. Sige na sobrang gagabihin ka na kapag nag stay ka. Salamat sa paghatid sa kanila."

Tumango siya at kumaway sa'kin kaya gano'n na rin ang ginawa ko. Hinatid ko lang siya ng tingin nang maka alis siya.

Nang maka pasok ako ay pinapakain na ni Mama si Charrie at kumakain na rin si Nemi habang masayang nakikipag kwentuhan kay Mama.

Si Papa mukhang kina Hans ngayon may sistay pero maya maya pa aalis.

"Nasa'n si Hans?"

Takang tanong ni Nemi.

"Umalis na."

"Ha?! Eh paano ako uuwi?"

Umiling ako at saka umupo na rin sa hapag.

"May pupuntahan tayo, sasamahan niyo akong dalawa."

Turo ko kay Charrie at sa kaniya.

"I'll go wherever my mommy wants!"

Ang cuuute!

"Then I'll come too."

Nakangiting tugon ni Nemi sa kaniya.

Pfft! Mga bata.

RAFFY'S POV

I've been impatiently waiting for Nina to come outside their house because I'm going to fetch her now.

Wala talaga silang pinag kaiba ni Chelsea sa sobrang tagal, dapat talaga nasanay na ako.

Atleast kay Chelsea may pasensya pa ako kasi kahit sampung taon pa siya baka kakayanin kong hintayin.

Maya maya bumukas ang passenger seat ko.

"What the hell took you so long?"

"Hello too."

Sarkastikong bati niya.

"Kung nandito si Crenz siguradong binalibag ka na niya."

"As if naman mag tatagal ako kung nandito siya. Huwag ka na nga mag reklamo, tara na."

Inirapan ko siya atsaka nag drive paalis.

Hindi siya tumutuloy ngayon sa bahay nila Crenz dahil wala naman siyang kasama doon kaya sa sariling niyang bahay siya bumalik.

Huminto kami sa isang bar.

Siya kaya nag yaya sa'kin dahil dumating daw si Axel.

"Anong balita kay Chelsea? Gusto na ba niyang ibaon ang sarili niya sa hukay ngayon?"

Natatawang tanong niya.

Oo nga pala 'yong nangyari.

Pag gising ko kasi wala na siya sa bahay at malinis na rin. Hindi ko pa siya nakakausap.

"Hindi ko alam, pag gising ko wala na siya sa bahay."

Kibit balikat ko.

"Hahahaha.. siguradong hiyang hiya 'yon ngayon."

Napangiwi ako kasi feeling ko nahihiya at na iilang din akong makita siya ngayon. Bigla kasi siyang umalis ng walang pasabi that day so hindi ko alam kung paano siya haharapin.

Mukhang wala pa sila Axel at nauna kami rito.

"Order muna tayo."

Pumwesto kami sa bar counter.

"2 tequila please."

Aniya habang ako tumitingin tingin lang sa paligid.

"Hi Miss."

Bigla nalang may tabi sa tabi ko na medyo kinagulat ko pero nabawi ko naman agad.

"Hi."

Tugon ko sa bati niya.

Maganda ang suot niyang damit at mukhang party girl. Kapag nakita ako ni Chelsea na kausap 'to malamang sabihan na naman niya akong flirt.

"Malapit ka lang dito sa area? You look newbie here."

Hindi naman kasi ako madalas mag bar at saka bilang palang sa kamay ko kung ilang beses ako nag bar simula no'ng dumating ako rito sa bansa.

"Medyo may lalayuan."

Tipid na sagot ko.

"Oww.. ang ganda ng kasama mo ah, ate mo?"

Muntik akong mapa bunghalat ng tawa sa tanong niya.

"Excuse me Miss whoever you are, I don't like your presence here and we're waiting for someone so get lost."-Nina

"Sorry, na offend ba kita?"

Pag paumanhin no'ng babae.

"I'm sorry about her attitude, she's just not in the mood. May kasama ka ba?"

Tanong ko dahil baka mag isa siya at mabastos lang.

"Ahhh.. yeah, can I stay here for a while?"

"No."

Muntik nang mag tindigan ang balahibo ko sa malamig na boses na 'yon.

"You're dead."

Bulong sa'kin ni Nina.

Dumating na si Chelsea at nasa likod ko siya kaya mabilis akong tumingin sa kaniya. Hindi niya man lang ako tinapunan ng kahit sulyap at seryoso lang na naka tingin sa babae.

"Who are you? Are you with them?"

Tanong no'ng babae.

"Yeah, and that seat is already reserved."

Turo niya sa kinauupuan ng babae.

Mukhang nahihiya na ang babae dahil nasabihan na siya ng dalawa kong kasama.

"Thanks for approaching us Miss. Can you excuse us? We'll have some private things to deal."

Nakangiting tanong ko sa kaniya.

"Buti nalang cute ka."

Sabi niya sa'kin bago bumaba ng stoll at umalis.

She's just the same height with Chelsea.

Tumingin ako kay Chelsea pero hindi niya ako pinansin at umupo siya sa tabi ni Nina.

Teka? Akala ko dito siya uupo?

"Pfft.."-Nina

Napa tikim nalang tuloy ako ng tequila.

Parang hindi ko trip ang tequila ngayon?

"Excuse me, can I have a beer?"

Gusto ko ng straight na maiinom dahil feeling ko nauuhaw ako.

"Hey? Really? Beer?"-Nina

Anong masama doon?

"I felt like I'm thirsty."

Binigay sa'kin ang order ko.

Nag usap si Chelsea at Nina na medyo hindi ko alam kung ano basta naka tulala lang ako kahit wala akong naiisip.

Tinungga ko ulit ang beer na iniinom ko.

"Looks like you're all having fun!"

May biglang nag salita sa gilid ko at huli na bago ko mapigilan ang sarili kong maibuga ang nasa loob ng bibig ko nang harapin ko siya.

*Cough*

Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa ubo.

Nakapikit lang ang nabugahan ko at marahang pinunasan ng dalawa niyang kamay ang mukha niya.

"*Cough* What the fuck, Drei!"

Singhal ko sa kaniya.

"Drei! Wow! Hindi ko expect to ah?!"-Nina

"Drei!"-Chelsea

Dumilat si Drei at saka tumingin sa'kin nang medyo matalim.

"That's not the thing I'm expecting you to do when you meet again your brother, Rafflesia."

May bantang pangaral niya sa'kin.

"Nagulat ako eh, anong magagawa ko. Bigla kang sumulpot kahit di ka namin expected makita."

Pag tataray ko sa kaniya.

Bigla akong na guilty at saka ko pinunasan ang mukha niya ng panyo ko.

"Sorry."

Sabi ko sa kaniya matapos 'yon.

"Drei! Long time no see."

Doon niya lang pinansin 'yong dalawa.

"Nina! Long time."

Nakipag beso siya kay Nina.

"Drei, I miss you so much-"-Chelsea

Mabilis akong tumayo nang malapit na silang yakap.

Hinila ko ang likod ng kwelyo ni Drei at pinigilan ko naman ang mukha ni Chelsea na agad niyang tinabig.

"What the hell?!"-Chelsea

"Just sit."

Pinag layo ko talaga sila.

"Hey, what's with attitude?"-Drei

"She's just a protective ass."-Nina

Inirapan ako ni Nina matapos niya 'yon sabihin.

Pinaupo ko si Drei at wala namang nagawa si Chelsea kundi ang bumalik sa kinauupuan niya habang humahaba ang nguso.

"Kelan ka pa dumating?"-Nina

Pinagigitnaan nila ako.

"Well, about 13 hours ago I guess."

Wow! Hindi ba uso sa kaniya ang pahinga?

"Oh? So kasama mo si Ryker?"

Tumango siya.

"Yeah, dumiretso agad siya sa office para mag report kasi sabi niya gusto niyang makita si Yara agad."

Natatawang aniya.

"Bakit? Anong connect?"-Chelsea

"Para raw kapag nag sama sila hindi na siya hahabulin ng responsibility at iwas knock out kay Yara kapag nalaman niyang inuna pa niya si Yara kesa sa mag report sa org."

Oo gano'n nga si Crenz.

Mag report ka muna bago ka mag pakita sa kaniya.

"Kaya lang wala rito si Crenzy, nasa magulang niya sa probinsya."-Nina

"Yeah we know. Baka kasi sipagin si Ryker at sundan si Crenz sa probinsya."

"Kapag ginawa niya 'yon baka pag bawalan na siya ni Yara na lumapit sa kaniya."

Sagot ko sabay bigay ng tequilang hindi ko inubos dahil iba trip ko.

"Ang aga niyong dumating ah? Akala ko sa weekend pa kayo."-Nina

"Nag kakagulo kasi ngayon. Alam niyo namang may nabuntis sa isa sa member at undecided pa rin ang kaso ng kuya Nathaniel mo kaya mabilis naming tinapos ang trabaho roon."

Napakunot noo kami.

"Undecided? What do you mean? Akala ko tapos na ang issue na 'yon? Wala naman silang nabuo hindi na?"-Nina

Maging ako ay naguguluhan.

"Let's talk to private room."

Sabi ni kuya at tumayo para kausapin ang manager roon. Mukhang importante ang sasabihin niya.

Sumama rin si Nina sa kaniya para kausapin ang manager kaya ang ending ay naiwan kaming dalawa ni Chelsea.

Mabuti nalang talaga at hindi sobrang daring ng itsura niya kundi iuuwi ko talaga siya.

"Che-"

"Don't talk to me flirt."

Irap niya sa'kin saka nag lakad palayo.

"Hey? What flirt?"

Habol ko sa kaniya.

"I said-"

"Siya ang unang lumapit -"

"Nakipag usap ka-"

"Because I'm not that rude-"

"Nginitian mo siya."

"Nina bullied her-"

"See, you're flirt."

Muntik na akong takasan ng pasensya dahil sa pamimilit niya sa sinasabi niya.

"You're jealous?"

"Nothing to be jealous-"

"Then why you're acting like this?"

Ang hirap niya na ngayong basahin.

"Ask yourself."

Huminto ako. Ayoko ng ganito, alam kong gusto ko siya pero kapag nag patuloy ang ganitong ugali niya baka tuluyan ko na siyang layuan. Ayokong mangapa sa kung anong nagawa kong mali. Ayokong nag dedecide agad ang isang tao base lang sa nakita nila without knowing the side of the others at ang pinaka ayoko ay 'yong na fi feel ko na puputulan ako ng pakpak ng isang tao. These is the reasons why I'm not into a romantic relationship.

Gaya ko huminto rin siya.

Tiningnan ko lang siya ng blangkong itsura habang sinusuri ang buo niyang mukha. Kapag alam kong darating kami sa toxic relationship hindi ko na gustong simulan pang palalimin ang relationship namin.

"That look."

Sabi niya sa'kin habang malungkot ang mga mata niya.

Kahit maingay ang paligid feeling ko sobrang konti lang ng tao.

"What?"

May tonong katarayang tanong ko.

"I already saw that look. When you're planning to avoid someone or something as if you've lost your interest and giving up on them."

Tama siya, paano niya ako nabasa?

"Gusto ko rin namang intindihin ang inaakto mo ngayon pero ayokong maging mababaw ka. Hindi ko maiiwasang may lumapit sa'king iba, ngitian sila or kausapin sila. Kung kilala mo ako alam mo sana na hindi ko gustong may nag babawal sa'kin ng kung ano ang gusto kong gawin dahil ayoko ng nasasakal ako. Friendly akong tao at marunong akong I kontrol ang sarili ko. Marunong naman akong umiwas sa bawal at limitahan ang sarili ko. Kung sa simpleng pag lapit ng isang tao sa'kin palagi kang mag kaka ganiyan, ako na mismo ang kusang lalayo sa'yo para makapag move on nalang tayo pareho."

Mataman ko siyang tinitingnan. Mabilis siyang may pinahid sa pisngi niya at saka tumalikod.

Ako ang assistant leader ng generation namin at bilang A.L. obligation kong kumausap ng maraming tao para sa kapakanan namin.

Nakatayo lang siya doon kaya nag pasya akong lampasan na lang siya para sumunod kina Drei.

"Sino bang hindi mag seselos kung mas nginitian mo pa ang ibang tao kesa sa'kin? Bilang na bilang sa kamay ko kung ilang beses mo akong nginitian. Gusto kong mag demand sa'yo pero wala akong karapatan, *Sniff* gusto kong maging selfish pag dating sa'yo pero naiisip ko yung position mo sa organization. Hindi ko maiwasang isipin sa kung isa lang ba ako sa mga babae mo-"

"No!"

Mabilis na pigil ko sa kaniya.

"Eh sino ba kasi ako sa'yo?!"

Sigaw niya sa'kin.

Tanong na hindi ko gustong sagutin sa ganitong paraan at ganitong lugar.

Mabuti nalang talaga at malakas ang tugtog.

"Kaibigan pa rin?" Sunod na tanong niya.

"More than that."

Sagot ko.

"Pfft.. this is ridiculous. More than friends but less than a lover."

Nakita ko ang pag kislap ng luha niya sa pag tama ng ilaw sa umiikot na disco light.

Ayoko rin na ganito kami.

"I- I can't go to what you want. Naiisip ko pa rin si Danny, hindi ko gustong isipin niya na kaya ka nakipag break sa kaniya at dahil sa'kin o something na sinulot kita sa kaniya kahit wala naman akong idea sa nangyari sa inyo."

Ayoko siyang hawakan ngayon.

Kung ordinaryo lang tayong tao, hindi ko poproblemahin ang mga ganitong bagay.

"Pero inangkin mo ko-"

"Kasi hindi ka bagay sa mga taong nakilala mo lang sa mga bar, mga taong good time lang ang tingin sa'yo -"

"At ikaw ano? Gano'n lang din naman ang tingin mo sa'kin."

Matapang na aniya.

"Of course not."

"Sa lumalabas sa bibig mo parang sinabi mo na ring wala lang 'yong nangyari sa'tin no'ng umagang 'yon-"

"That's not true!"

Mauubusan na talaga ako ng pasensya sa kaniya. Paano ko ba ipapaintindi sa kaniya na hindi ko siya nakita ni minsan bilang isang walang kwentang bagay o laruan lang.

"Sige lang, mag sinungaling ka-"

"Damn, Chelsea!"

Marahas ko siyang hinila palabas ng bar at saka pinasok na kotse ko.

Nag pumiglas siya pero mas malakas pa rin ako sa kaniya.

"Raffy! Ano ba?!"

Sinara ko ang passenger seat pag pasok niya at saka ako pumunta sa driver seat.

"Let's go back in-"

"Iniisip mo na pinag lalaruan lang kita?"

May paninising tanong ko.

"Bakit? Hindi ba?"

"Hindi!"

"Hindi ako naniniwala."

Nag iwas siya ng tingin.

"Marami nga akong binibiro ng mga sweet na bagay pero hindi ibig sabihin no'n lahat sila umabot na sa kung ano man ang nangyari sa'tin! You're always accusing me on those things Chelsea. Hindi ako nangibang bansa para mag saya doon-"

"Isang taon lang nagkaroon ng balita sa'yo then after no'n nawalan na ng balita sa'yo. 5 years kang wala rito at 4 years doon hindi ka pa malaman kung nasa'n ka. Sa tingin mo ba maniniwala akong hindi ka nakipag relasyon-"

"AYOKO NG ROMANTIC RELATIONSHIP! GUSTO KITA NOON PERO NATATAKOT AKO SA SASABIHIN NG IBA SA'YO! AT HANGGANG NGAYON NATATAKOT PA RIN AKONG PUMASOK SA RELATIONSHIP NA KASAMA KA! AYOKONG HUSGAHAN KA NILA! AYOKONG MINAMATA KA NILA DAHIL KAPAG GINAWA NILA 'YON BAKA MAKAPATAY AKO AT SI CRENZ! BAKA MAPATAY DIN AKO NI CRENZ KAPAG NAGAWA KO 'YON. Akala ko ok na eh, 5 years na ang lumipas para sa kahibangan ko sa'yo, sabi ko moved on na ako sa'yo pero heto ka na naman at ginugulo ulit ako. Wala akong naging iba sa ibang bansa dahil dinudurog pa rin ako ng balitang naging kayo ni Danny na akala ko nagiging ok na tayo bilang more than friends. Halos mabaliw ako no'ng mga unang taon pero pinilit kong kayanin."

Pinigilan kong maluha. Naaalala ko na naman ang hirap ko noon both physical at emotional. Stress din ako dahil sa pag aaral pati na sa responsibility na meron ako.

"Umalis ka ng hindi man lang nasasabi sa'kin -"

"Sa tingin mo gugustuhin pa kitang makita bago ako umalis? May Daniel ka na-"

"Nag bigay ka ng false motive -"

"False motive?"

"Akala ko sa'kin ka lang gano'n ka sweet pero gano'n ka rin pala sa lahat."

"Gano'n na ako noon palang-"

"Alam ko."

Nakayukong aniya

"Matagal na kitang gustong angkinin-"

Gulat na tumingin siya sa'kin.

"Hey, not in your nasty thoughts, not in bed, fazzo! I mean I want you to be mine pero bata pa tayo at wala pa akong maipag mamalaki. Responsable akong tao kaya hindi ko rin gugustuhin na maging akin ka noon nang wala pa akong napapatunayan sa sarili ko. Lahat ng ginawa ko sa ibang bansa ay mag aral lang hanggang sa makatapos ako sa pag dodoctor. Pero ngayon hindi pa rin kita gustong maging akin nang tuluyan. Gusto ko munang grumaduate ka. Kapag nagawa mo na 'yon at gusto mo pa ako-"

"Gusto kong maging girlfriend mo."

Walang pag aalinlangan niyang pag putol sa'kin.

"Chelsea."

Nag aalangang ani ko.

"Wala naman akong pakealam sa sasabihin ng iba. Gusto kong maging akin ka officially, kahit pa patago lang ayos na ako doon. In that way kahit pa lapitan ka ng benteng tao hindi na ako mag woworry na maagaw ka pa sa'kin."

Napanganga nalang ako.

Tingin ba niya nakikipag laro ako? Napaka natural sa kaniya ng hinihingi niya.

"Sumagot ka Rafflesia. Inipon ko ang lakas ng loob sa sinabi ko kaya wag mo akong tingnan lang."

Paanong hindi ko lang siya titingnan eh sobrang nabigla ako sa sinabi niya.

"Mag tapos ka ng pag aaral."

Pag iiwas ko ng tingin sa kaniya.

"Kapag nag tapos na ako, pakakasalan na kita kaya kailangan maging girlfriend kita ngayon para hindi tayo dumiretso agad sa kasalan pag graduate ko."

Muntik na akong takasan ng hininga sa sinabi niya.

Kasal? Kasal naman ngayon?

Nag init ang mukha ko sa mga sinasabi niya.

"Naririnig mo ba ang sarili mo?"

Takang siyang napa tango.

"Mukha ba akong nag bibiro? Binigay ko na ang sarili ko sa'yo tapos nakikita mo lang ako as a joke?"

Hindi naman sa gano'n, engage sila ni Daniel hanggang ngayon at hindi biro ang kasal na gusto niya.

"Chelsea, nasa organization tayo at hindi biro ang hinihingi mo."

"Sabihin mo sa'kin kung ayaw mo sa'kin -"

"Chelsea! Hindi nga sabing gano'n. A-ayoko pa ng label."

Nahihiyang sabi ko sa huling sinabi ko.

Ayokong matali, I mean hindi pa ngayon.

"But you like me?"

Naniniguradong tanong niya kaya napa tango ako.

Hinila niyang ang damit ko at hinalikan ako sa labi na sobrang kinagulat ko.

"Then let's be together without a label. You're just mine and I'll be yours, you can be with whoever you want to be with but at the end of the day you'll go back into my arms, ok?"

Yung puso ko parang sasabog sa kaba at kilig. Teenager pa rin ako kaya siguro ok pa rin kiligin na parang high schooler.

Dahan dahan akong tumango.

Gusto ko ng gano'ng set up lang dahil hindi pa ako ready mag commit sa iba bukod kay Crenz.