webnovel

35

"Mommy!"

Masayang lumapit sa'kin si Charrie na agad ko namang binuhat at saka ako humalik sa kaniya.

"How's your day baby?"

"All good Mom."

Ang cute talaga ng batang 'to.

"Do we need to take her?"-Liphyo

Hindi pwede, kailangan niyang mag pahinga at maaga pa siyang matutulog.

"No-"

"Mommy I want to come too."

Umiling ako.

"I'll just bring you something baby it's dangerous outside. What do you want me to take home?"

Nginitian ko siya para hindi na siya mamilit pa. Madali naman kausap 'tong bata.

"Siomai!"

Naks! Pareho pa kami ng paborito.

"Ok! Mommy will bring you siomai but in return you will help Tita Darrin here ok?"

"Yes Ma'am!"

Nag salute pa siya. Shet! She's so cute.

"Very good. Now go to your Tita and change your clothes."

Binaba ko na ang bata at saka siya tumakbo papasok kung saan pumasok si Dada.

"Lakas talaga ng dugo mo. Kamukhang kamukha mo siya."

"Mag taka ka pag naging kamukha mo siya."

"Wala ka talagang kwenta kausap."

"Para namang meron ka?"

Kailangan pa rin naming bumili ng hapunan para sa kanila. May puso pa naman kami kahit papaano at mukhang nahirapan talaga sila ngayon.

"Mag lalakad lang tayo?"

"Anong akala mo sa'kin masipag? May motor si Papa 'yon ang gamitin natin. Ikaw mag drive."

Syempre siya mag mamaneho, ambigat kaya niya.

"Tss.. oo na. Nasa'n ba yung motor?"

"Nasa gilid ng bahay."

Pinuntahan namin ang motor.

"Sigurado kang gagana pa 'to? Parang isang buga nalang 'to eh."

Pfft..

Nakita kong papalapit si Papa.

"Sinong isang buga?"

Maawtoridad niyang tanong.

Nag pigil naman ako ng tawa

"S-sir-"

"Sinasabi mo bang isang buga nalang 'yan? Di mo ba alam na mas matanda pa sa'yo 'yan?"

Kaya nga mukhang isang buga nalang 'yan eh HAHAHAHAHA..

"Minus points ka na Pula."

Seryosong sabi ko kahit sa loob loob ko ay tawang tawa na ako sa mukha niyang hindi maipinta.

"Bakit ka nga pala bumalik 'Pa?"

"Tanungin mo nga si Charrie kung gusto niyang sa kabila nalang matulog. Mukhang masikip na kayo dito eh."

Napailing nalang ako

"Alam mo naman 'Pa na kung wala ako, kay Dada 'to lalapit. Ngayong nandito ako mahihirapan kayong mapapayag na malayo 'yan sa'kin. Himala na nga lang ngayon na hindi nag lupasay dahil hindi ko siya isasama sa bayan eh."

Syempre doon siya sa maganda lalapit.

"Baka masikip na kayo sa kubo niyo."

Umiling nalang ulit ako.

"Ayos lang kami 'Pa, malawak ang tent."

Malaki pa yung space namin dahil iyong dalawa parehong nakasiksik sa'kin.

Para nila akong pinag aagawan tsk tsk...

"Ok, bukas nandito kami ni Mama mo para mag luto ng alay para sa undas. Huwag mo na muna sila pag trabahuin ah para makatulong sila sa'min sa pag hahanda."

"Opo 'Pa."

Tiningnan niya si Pula

"Ingatan mo 'yang unang anak ko. Kapag tuluyang nasira 'yan ikaw ang lalagyan ko ng handle at break."

Pfft.. HAHAHAHA

"Pa huwag mo nang takutin baka maihi 'yan."

Natatakot na tumungo lang si Pula

"Titingnan ko muna si Charrie, lumakad na kayo dahil madilim na ang daan palabas."

Nakangiti akong tumango at saka siya pumasok sa loob.

"Oh ano? Ikaw tuloy ang nabugahan ngayon haha.."

"Napaka sama talaga ng ugali mo. Kinakabahan na ko tapos nagawa mo pang tumawa?"

Hahaha mukha kasi siyang maamong tupa kapag gano'n ang itsura niya.

"Kukuha lang ako ng pera, eto ang susi. Ayusin mo na 'yan."

Hinagis ko sa kaniya ang susi pero nahulog lang 'yon sa lapag. Tsk napaka bagal ng senses.

Tag pulot tuloy siya.

Hinayaan ko na muna siya at pumasok para kumuha ng pera. Pera 'to ng organization kaya walang problema.

Pag balik ko ay ready na ang motor at nakikipag usap siya sa kambal.

"Master! Pasalubong ah!"

"Pasalubong ka diyan?"

"Kahit wag na pala basta hayaan mo lang akong mapalapit kay dar-"-Jigs

Agad tinakpan ni Migs ang bibig ng kapatid niya.

"Ingat kayo master!"

Hinala niya ito paalis.

Mukhang alam ko na ang gusto no'ng tukmol na 'yon ah. Kapatid ko pa ang gustong biktimahin.

"Tara na Raya, gutom na ko."

Nakakaawa rin siya kapag gutom ah.

Bigla kong naalala lahat ng sinabi niya kagabi.

Kung hindi lang ako kumplikado baka nagustuhan ko rin siya. Pero sobrang gulo ng mundo ko na kahit sarili kong nararamdaman hindi ko malaman kung ano ba talaga 'yon.

Umangkas ako sa motor at saka nag helmet.

Hindi ako kumapit sa kaniya kasi kaya ko naman na hindi kumapit sa kaniya eh.

"Huwag mo akong gagalusan ah. Baka magunaw ang mundo mo."

"Napaka yabang mo talaga."

Napangisi nalang ako.

Ni hindi nga niya kinontra ang sinabi ko eh.

Kahit ilang beses kong isipin parang himala talaga na nag kagusto siya sa'kin.

I mean he's almost perfect kung hindi lang siya anak ng naninirahan sa ilalim ng lupa minsan.

May dalawa naman akong pag pipilian kung sakali. Mag papakasal ako o kakayanin ko mag isang harapin ang org.

Magulo pa rin ang sitwasyon. Hindi ko pa rin na iisip na mag papakasal na agad ako. Hindi naman kasi ako katulad nila Nemi na naka takda na sa iba eh, may kalayaan ako.

Nag simula na kaming umandar at tinahak ang mababatong daan dito sa'min.

Umulan kanina kaya medyo basa ang lupa.

Nandito nanaman ako sa pakiramdam ko na sobrang pagod na pagod ako.

Yumakap ako sa may tyan ni Pula at saka inihilig ko ang ulo ko sa likod niya. Gusto ko nang matulog at mag pahinga.

"Huwag kang matutulog diyan ah."

Nakapikit akong ngumiti. Syempre naman, kapag natulog ako hindi niya malalaman kung saan ang bayan namin.

"Mag drive ka lang diyan, alam ko ang ginagawa ko."

~~~

NEMI'S POV

Ang daming gumugulo sa isip ko. Kapag talaga nalaman mo ang totoo hindi pwedeng hindi mo 'yon maiisip.

Tama nga si Crenz na mas masayang hindi mo nalang alam para hindi ka na momroblema.

Crenz is a doctor and she's really smart. Tinatago niya 'yon kasama ang katotohanang hindi siya basta bastang tao lang. May malaki siyang pangalan at mababaliw ka talaga kapag nalaman mong in easy easy mo lang ang taong katulad niya.

"What are you thinking?"-Cess

"Nothing."

"Really? Your eyes yelling something."

I just shook my head and sigh.

"Kumusta 'yong pag tatrack mo sa pinapagawa sa'yo ni Crenz?"

Halos buong mag hapon na siyang nakababad sa computer at ang pinaka astig sa lahat ay may computer set sila Darrin dito na naka tago sa hindi mo aakalaing pwedeng pag lagyan ng gano'ng bagay dito.

"Yeah, I'm monitoring them. Kakababad ko nga sa computer, no'ng madanggi ako ni Liphyo kagabi nagulat siya. Mukhang nakuryente ko ata siya."

Possible talaga 'yon lalo na't babad ka sa electronic devices.

"Kailan daw kikilos si Crenz para doon?"

"After daw ng Halloween."

Tumango nalang ako. Pareho kaming naka upo sa labas ng bahay. Balot na balot kami ng jacket dahil sa sobrang lamig dito.

"Kape po muna kayo."

Lumapit sa'min si Dada at may dala dalang kape.

"Salamat dapat hindi ka na nag abala."

Mahaba ang upuan doon pero sumiksik siya kay Cess kaya wala kaming nagawa kundi mag adjust.

"Ayos lang po, mukhang napagod kayo sa pag tatrabaho."

Ang ganda naman niya. Ang swerte ng magiging boyfriend nito. Sabi ni Crenz matalino rin daw 'tong isang 'to eh.

Hindi sumagot si Cess. Hindi naman talaga pala salita si Cess.

Uminom lang ng kape si Cess.

"Pag pasensyahan mo na 'yang si Cess, pipi talaga 'yan sa iba."

"Shut up Larson."

Natawa kami pareho ni Dada.

"Bakit ka nga pala nandito?"

"Ah.. sabi ni Papa wala raw po munang mag tatrabaho sa inyo bukas kasi mag hahanda raw ng mga pagkain bukas para sa alay."

Ahhh.. sabagay baka maging busy din ang ibang mga tao dito.

"Ok, noted!"

"Tutulungan mo po akong mag luto ate Nemi."

"No problem."

Wala naman talagang problema eh dahil marunong naman talaga ako. Ako kaya ang chef nila Sandra kapag nasa unit niya kaming lahat.

"Ano pong gagawin mo bukas ate Cess?"

Tanong niya sa masungit na isang 'to.

"Mag babantay ako bukas-"

"Sabi nga diba walang mag tatrabaho."

Pag lilinaw ko sa kaniya

"Kailangan pa ring may isang nag babantay sa'tin."

Hindi lang kasi 'yong kay Crenz ang binabantayan niya, pati na ang lugar na 'to. Hindi porket sinabing ligtas kami dito ay mag papakampante na kami. May mga bagay pa rin na hindi namin pwedeng ipag sawalang bahala lalo na't kasama namin si Sandra.

"Ikaw bahala."

Wala rin namang mangyayari kung ipipilit ko pa 'yong akin sa kaniya dahil siya pa rin ang mag dedecide in the end.

"Pero-"

"Nanlalagkit na 'ko, mag lilinis muna ako ng katawan."

Tumayo na si Cess at iniwan kami.

Tingnan mo 'yon, di man lang inubos yung kapeng hinanda sa kaniya ni Darrin.

"Pag pasensyahan mo na ah, may toyo kasi lagi 'yon."

Bakit parang ang trabaho ko talaga dito sa grupo namin ay mag ayos ng gusot mg mga members namin. Nakaka stress na sila ah. Di nga ako biktima ng teenage pregnancy pero feeling ko nag karoon ako ng sandamakmak na sutil na mga anak.

"A-ano-"

Napahinto siya at saka pinag laruan niya ang kamay niya habang nag he hesitate siyang sabihin sa'kin ang gusto niyang sabihin.

"Ha?"

Huwag mong sabihing Raffy the second itong magandang dilag na 'to. Nakooo.. may gusto na ko Darrin, sorry na agad.

"Pwede mo bang sabihin kay ate 'tong nalaman ko tungkol sa assignment niya dito?"

Nalaglag ata ang balikat mo sa pag oover think ko. Ano ba kasi 'tong mga iniisip ko. Masyado na ata akong proud sa sarili ko.

Sa ganda ng batang 'yan? Swerte nalang talaga ang pumasa sa kuya niya. Balita ko walang pumoporma sa kaniya dahil binakuranan talaga ng kuya at ate niya. Halata naman.

"Ano 'yon?"

Humigop ako ng kape habang nag hihintay sa susunod niyang sasabihin.

"Yung sinusundan niyo ngayon na kulto o sindikato ay may isa pang sikretong pinaka tatago dito mismo sa baryong 'to. Naging libingan tong lugar na 'to ng mga taong ginagamit nila para sa ritwal nila. Kapag nahanap nila ang libingan na 'yon siguradong palay mismo ang lalapit sa inyo. Na ngalap din ako ng impormasyon sa bagay na 'to na kabilin bilinan ni ate na huwag kong gawin pero hindi mo mapigilang hindi mag saliksik dahil baka ang sumunod na puntiryahin ng mga sindikatong 'yon ay ang pamilya ko ang mga kaibigan ko. Marami silang nilibing sa baryong 'to, may mga kayamanan din daw silang binaon kasama ang mga bangkay kaya 'yon ang mag huhudyat sa kanila para habulin kayo. Kapag naayos niyo na ang bagay na 'yon, ang mayor naman ang pigain niyo dahil may kinalaman siya dito.

Ang dalawang tatakbo bilang mayor dito naman ay ilabas niyo pareho ang baho nila para hindi na kami nag sa suffer dito dahil sa mga tiwaling opisyal."

Habang nakikinig ako sa kaniya hindi ko maiwasang hindi humanga dahil naka kalap siya ng impormasyon na gano'n na siya lang ang mag isa? Paano niya ginawa 'yon habang mini maintain niya ang pagiging valedictorian niya?

"Kapag talaga nalaman ng ate mo 'to mananagot ka."

"Kaya nakikiusap ako sa'yong gumawa ng paraan para mag bigay ng pahiwatig sa kaniya dahil kapag ako ang nag sabi no'n sa kaniya baka mawalan ako ng cellphone."

Pfft.. cellphone talaga ang inaalala niya ah.

"Susubukan ko. Huwag kang mag alala, masyadong matalino ang ate mo para hindi niya 'yon mapansin. Siguradong may makakalap din siyang gano'ng impormasyon kahit hindi ko sabihin."

"Ako lang ang nakakaalam ng pa tungkol sa mga bangkay na 'yon dito sa baryo namin."

Natigilan nanaman ako. Akala ko may source siya.

"Paano?"

"May sinundan ako noon na isang member doon at nalaman kong may tinatago sila sa baryo namin kaya madalas ang pag kuha nila ng mga tao dito sa'min. Hindi ko alam kung para pauntiin ang tao dito na imposibleng mangyari o sadyang may iba pang malalim na dahilan."

"Parang nakukuha ko na."

"Ha?"

Napa hawak ako sa baba ko habang nag iisip ng a konklusyon.

"May mga member dito na pinapatay siguro dahil 'yon sa kayamanang binabanggit mo. Kapag nalaman niya at gusto niyang umalis sa kulto ay pinapatay sila kasama ang pamilya sa takot na malaman pa ng iba na merong ngang something sa lugar na 'to at gusto lang nila 'yon solohin. Pero-"

"Pero?"

"Maraming members kaya paano nila 'yon masosolo."

Tumango siya. Masyadong maraming nakakaalam sa organisation nila patungkol sa yaman dito sa baryong 'to kaya may tendency na mag away away sila doon at mag patayan.

"Matira matibay"

Aniya.

"May isa pa akong pinag tataka. Bakit naman dito pa sa baryo niyo nilagay ang bagay na 'yon? Andaming baryo dito sa lugar niyo ah?"

Napakibit balikat siya.

"Basta sabihan mo si ate ah?"

"Sige kapag hindi pa niya alam."

"Salamat ate. Mag hahanda na ako para sa kakainin mamayang hapunan."

Thanks lord! May dinner kami ngayon.

Tumayo na siya at pumasok sa loob.

May mga tanong pa ako na hindi nasagot.

"May kinalaman ang mayor?"

Hindi ko maintindihan. Kung perahan lang sana hindi na nila binaon ang yaman. Mukha namang hindi aabot sa 5 million ang yaman na nasa ilalim nito.

Para mag patayan sila sa kayamanan ano bang dahilan para maging ganito ang mga members?

Pera nga lang ba?

Parang manipulation ang nangyayari dito.

CRENZ'S POV

Nasa daan kami palabas ng baryo, medyo nasa may talahiban kami at medyo nakakaramdam din ako ng takot dahil ang tahimik ng lugar, madilim at kapag may sumulpot na multo dito baka mabaliw 'tong nag dadrive.

*Broom*

May motor na biglang sumulpot sa harap namin na muntik nang ikawala ng balanse ni Pula kung hindi niya lang naitukod ang paa niya.

*Clash*

Pero iyong motor na muntik naming mabunggo ay sumemplang nang tuluyan.

"Ano ba 'yan Pula? Bakit hindi ka nag iingat."

"Nakita mo namang bigla siyang sumulpot tsaka hindi ko nakita ang headlights niya."

Napaka dilim dito tapos wala pang headlight tong isang 'to.

Bumaba ako at tinulungan ang sakay no'n.

Gusto kong mag tanong kung ayos lang siya pero hindi naman ako tanga para hindi mahalata 'yon.

Inangat ko muna ang motor at in stand saka siya nilapitan.

Kinuha ko ang cellphone ko para pang flashlight at saka siya tiningnan.

"Rod?"

Ito 'yong student teacher.

"Ms. Crenz?"

Tiningnan ko ang tuhod niyang nagkaroon ng sugat.

"Huwag na tayong mag sisihan dito. Wala kang headlights at hindi kami naging aware na sasalubong ka sa dilim ng paligid, pareho tayong may kasalanan."

Natawa siya ng bahagya.

"Oo, pasensiya na. Wala pa kasi kaming pampaayos ng headlight."

Buti sa baryo lang namin pero kung nasa labas siya lagot talaga siya.

"Sorry po"

Apologetic smile ni Pula sa kaniya.

Tumango lang si Rod.

Inalalayan ko siyang tumayo pero sabay lang kaming bumagsak ulit sa sahig.

Awts ang sakit sa pwet.

"Ano ba 'yan Yara? Ang lampa mo naman."

Tumayo siya at tinulungan si Rod pero ako nag tataka malamig na sahig na pinag bagsakan ko. May parang marmol akong naramdaman.

Kinuha ko ang phone ko at inilawan ang bandang kamay ko.

Natatabunan 'yon ng lupa kaya hinawi ko 'yon agad nang hindi nag papakita ng kahit ano para mag suspetsya ang dalawa sa ginagawa ko.

Tinuktok ko ang bagay na 'yon.

Solid 'yon pero malakas ang pakiramdam kong naka upo ako ngayon sa isang nitso.

"Raya? I fi feel mo talaga 'yang sahig?"

Nabaling agad ang atensyon ko kay Pula.

"Itayo mo rin ako."

Iniabot ko ang kamay ko sa kaniya.

"Ang arte."

May inis na aniya pero inabot pa rin naman ang kamay ko para itayo ako.

"Nasugatan ka ba?"

Tiningnan niya ang kamay ko.

"May gasgas ka-"

"Malayo sa bituka."

Bakit naman mag kakaroon ng libingan dito?

Kinikilabutan ako, naiisip ko palang.

"May tubig ako sa bag, hugasan mo ang kamay mo."

Tumango ako.

Kinuha niya ang tubig at saka ako pinag hugas ng kamay.

Hindi ko ramdam ang hapdi no'n dahil ang isip ko ay okupado ng bagay sa kung saan kami nakatayo ngayon.

"Pasensiya na ulit, mauuna na ako sa inyo ah"

Tumango nalang kami at saka naman nag madali siyang nag drive paalis.

"Ayos ka na? Patingin nga ulit."

Kinuha niya ang kamay ko habang ako nakatulala lang at iniisip kung bakit may puntod dito sa daang 'to. Mag kaibang kaso ba 'to doon sa mga pinapatay na taga baryo namin? Pero imposible kasi matigas na ang lupa, ibig sabihin lang no'n ay matagal nang nandito ang puntod na 'to.

Naramdaman ko ang lamig sa sugat ko.

Tumingin ako kay Pula at nakita kong hinihipan niya ang sugat ko.

Pasimple akong napa ngiti.

"Bakit kasi nahulog ka rin? Tutulong ka tapos mahina ka naman pala."

Nagawa pa niyang manermon niyan?

Parang may kung anong kumikiliti na naman sa puso ko.

Tinulak ko ang noo niya palayo sa kamay ko.

"Tama na ang tyansing boy, umalis na tayo."

"Tyansing ka diyan? Assumera ka talaga."

"Oo na oo na, ako na ang assumera. Akala ko ba gutom ka na? Tara na."

Pag upo ko sa motor kinuha niya ang dalawang kamay ko at niyakap sa kaniya.

"Mag dodoble ingat na 'ko."

O///O

*Dug dug dug dug*

Bakit- B-bakit kinikilig ako?

Kinagat ko ang ibabang labi ko para supilin ang ngiting gustong kumawala sa labi ko.

Ano ba Crenz! Huwag kang malandi!

NATHALIE'S POV

Nababaliw na talaga 'tong si Chelsea. Nag hahanap lang talaga siya ng sarili niyang kahihiyan.

*Ring*

Tumunog ang cellphone ko. Since bukas ay Halloween na at holiday, mag isa lang ako ngayon sa bahay.

It's unknown number

"Hello?"

"Awww.. your voice is still soft. Should I steal you from Tyro?"

What the fuck? HAHAHA walang nag bago sa kaniya.

"Long time, Axel."

Bestfriend 'to ni Jigs at close rin sa grupo namin.

"Nice.. you recognized my voice."

"It's hard to unrecognised your naughty tone."

He laughed

"I just came back from Japan. Where's Jimiel Gil Wade?"

Nag alangan ako kung sasabihin ko.

Magiging ayos lang kaya sila kapag sinabi kong kasama niya si Crenz ngayon? May past sila na hindi talaga maganda at kasama doon si Arya. Baka galit din siya kay Crenz until now.

"They are on vacation with Cassandra Montilla. They will be away for 1-2 weeks."

"I see.. I heard Tyro is not here also"

That stupid Tyro! Hindi pa siya nag titext or chat man lang ngayon! Hindi ko naman nirereplayan pero kahit na! Dapat mag chat man lang siya or mag text. He's so stupid!

"He'll die in America, let's not talk about him. Are you with Ryker and Drew?"

I'm so excited to meet them again.

"They are still in Africa but before 7 days they will come back here for preparation of Cedric's party and their welcome party."

Malapit na nga talaga.

"Uhmm.. Axel?"

"Hmm?"

"Are you still mad at her?"

A moment of silence. Stupid Nina! What's on your stupid brain to ask that stupid question.

"A-ah.. it's fine not to answer-"

"It's been 10 years since that incident. I still don't know what to say. She didn't say anything about it so I don't really know what to feel or react about it."

Masyado kasing malihim si Crenz, iyon minsan ang nakakabaliw sa kaniya. Mahirap siyang puntuhin.

"If she-"

"Ally, I don't want to talk about it yet."

Oo nga naman Nina. Umiiral talaga pagiging estupida ko ah

"Ok, I'm sorry "

"Would you like to have a drink with me tomorrow night? Bring Chelsea, Dan and Raffy, I've already invited Pheulous, Shin and Mika."

Kakabar lang namin, baka masunog na baga ko nito.

"I'll come but I will not drink."

"It's fine, atleast you know how to jive."

Oo naman, di naman ako KJ unlike Crenzy.

"So I guess I'll see you then?"

"Pfft.. see you, welcome back."

"Haha.. bye."

Siya na ang pumatay ng tawag.

Teka? Ano na nga pala ang nangyari sa dalawang yun? Paniguradong inis sa'kin ngayon si Chelsea dahil hinayaan ko siyang mag mukhang tanga sa harap ni Raffy. Well? That's her fault, sinubukan ko na kung ano ang kaya ko para lang patigilin siya pero siya 'tong mapilit at isa pa baka hindi na kami makauwi ng maayos kung sinama ko pa siya.

Sinubukan ko siyang tawagan pero cannot be reached na siya.

Ok? Bahala sila, malalaki na sila.

LIPHYO'S POV

Nag lilibot ako sa mga souvenir store para sa pwedeng ipampasalubong kay Doc at sa pamilya ko.

Si Doc, wala naman siyang ginawang masama sa'kin para tratuhin ko siya ng hindi maganda at isa pa, nauna siyang dumating sa buhay ni Raya kaya wala akong karapatang magalit sa kaniya kahit pa nasasaktan ako.

"Cute"

Nakangiting kinuha ko ang sobrang liit na pagong na keychain sa isang stand.

Hindi ko alam kung nasa'n na si Raya kaya nag tingin tingin muna ako sa malapit kung saan niya ako sinabihang antayin ko siya doon.

Matingkad na kulay ng green at magandang mata na parang nag bibling-bling.

"Bakla"

Napangiwi ako sa boses na yun. Hindi hindi ako pwedeng magkamali sa tono ng boses at sa pang aasar niya.

"Tss!"

Binaba ko ang pagong na yun kahit gusto kong bilhin. Wala akong pera kaya hindi ko yun mabibili. Confiscated niya ang pera namin kaya hindi kami makakabili.

Babalikan ko nalang siguro yan bago kami umuwi.

Ang lamig dito sa kanila pero siya nag papainit ng katawan ko dahil sa inis. Tuwing mag sasalita nalang talaga siya laging may pang aasar o di kaya hindi lang talaga magandang salita.

"Gusto mo yan?"

"Bakit bibilhin mo?"

"Pwede naman, sabihin mo munang patay na patay ka sa'kin."

Naramdaman ko ang init sa mukha ko.

Napaka yabang talaga niya! Simula no'ng nalaman niyang gusto ko siya napaka lakas na ng loob niyang mag salita ng ganiyan.

Hindi pala, dati pa pala siya assumera at kung ano anong pag papa fall na salita ang mga nilalabas ng makasalanan niyang bibig.

"Patay na patay ka sa'kin."

Taas noong sagot ko.

"Oo, patay na patay ako sa'yo *wink and smile* "

It almost skipped my heartbeat.

Kamuntik pa akong napanganga sa ganda niya.

Hibang na hibang na talaga ako sa kaniya.

Napakamot ako sa sentido ko at doon lang ako napabalik mula sa kahibangan ko nang tamaan ko ang sugat ko sa sentido.

"Tanga."

Inirapan niya ako at saka binili yung pagong na cute.

"Oh. Bayad yan sa helmet mo."

Tinalikuran niya ako at nag lakad palayo.

"Teka!"

Hindi ko mapigilan ang ngiti at excitement ko. Yung kabog ng puso ko pakiramdam ko ito ang unang pag kakataong nabaliw ako sa isang babae.

"Huwag kang babagal bagal diyan. Hinihintay ako ng anak ko."

Kahit sinabi niya yun hindi pa rin mawala ang ngiti ko sa labi.

"Akala ko ididate mo ko?"

"Anong date pinag sasasabi mo?"

"Kain na tayo, kanina pa ako nagugutom."

Pag lalambing ko sa kaniya

"Hoy umayos ka nga. Ayokong magkaroon ng baklang kasama ngayon kaya ayusin mo sarili mo."

"Napaka sama ng ugali mo pero gusto pa rin kita."

"Hah!"

Singhal niya at saka diniin sa dibdib ko ang hawak niyang ibang plastic.

"Kilabutan ka nga"

Medyo naubo pa ako sa lakas nun.

"Gusto gusto sinasabi mo diyan? Gusto kitang bangasan ngayon, gusto mo?"

Tinikom ko ang bibig ko at saka umiling. Kahit gusto ko siya natatakot pa rin ako sa kaniya lalo na sa mga kaya niyang gawin.

"Kuring!"

Huminto ako pag lalakad at saka hinanap kung kaninong boses yun.

Isang lalaking may salamin pero mukha namang hindi nerd at maayos ang pananamit na mukhang galing sa magandang pamilya.

"Anthony."

Bulong niya.

Anthony?

Lumapit sa'min ang tumawag sa kaniya. Medyo natatawa pa nga ako sa tawag nung lalaki sa kaniya.

Mas gwapo ako sa lalaking yun at sure ako doon.

"Kumusta? Kelan ka pa dumating?"

Ang ganda ng ngiti niya, mukhang ang tagal nga nilang hindi nag kita.

Wala naman sa'kin ang presensya niya dahil kung sa akin nga walang interes tong babaeng 'to, sa kaniya pa kaya?

"Kahapon."

"Good, hanggang kelan ka dito?"

Hindi matanggal sa labi nung lalaki ang ngiti niya, sa ngiting yun palang alam ko nang may something siya kay Raya.

"Ehem!"

Tikhim ko. Doon lang nila ako pinansin.

"Hi bro. Anthony, kaibigan ako ni Kuring."

"Bantot" bulong ni Raya

"Liphyo, schoolmate kami."

Makikipag kamay sana siya sa'kin kaya lang punong puno ang kamay ko ng nga pinamili namin.

"May sasakyan ba kayong dala? Hatid ko na kayo."

"May motor kaming dala. Pero kung kasya sa passenger seat ng sasakyan mo ang motor namin, pwede mo kaming ihatid."

Pfft! HAHAHAHA..

Nawala ang ngiti nung lalaki.

"A-ah- pasensiya ka na, alam mo namang sigurong hindi talaga kagandahan ang lumalabas sa bibig nitong babaeng 'to."

Bumalik ulit ang ngiti niya.

"Ayos lang, alam ko naman yun. Namiss ko lang talaga siguro ang ganiyang attitude kasi ang tagal niyang nawala."

Nag lakad na paalis si Raya.

Tingnan mo talaga ang ugali niya!

"Sige mauna na kami, may toyo talaga siya."

Tumango siya kaya nag madali na akong sumunod kay Raya.

"Hey, why so rude?"

"Wala akong oras makipag kamustahan."

"Eh bakit wala ka nanaman sa hulog?"

"Inaantay ako ng anak ko. Huwag mo muna ako kausapin, pwede?"

Grabe yung mood swings niya. Ang hirap hirap niyang basahin.

"Hindi mo ba ko pakakainin muna? Kanina pa nag wawala ang alaga ko."

Huminto siya sa pag lalakad saka tumingin sa paligid.

"Kumakain ka ng pares?"

"Pares?"

"Mukhang hindi ka pa naka kain. Tara doon tayo."

Tumawid siya kaya tumawid na rin ako, syempre siya ang kasama ko alangan namang iba ang sundan ko.

Isang stand din ang nilapitan namin at may mga kumakain doon.

Uhmmmm.. mabango siya.

"Dalawang pares"

Sabi ni Raya sa tindera.

Umupo kami sa bakanteng upuan.

"Ano ba yung papakain mo sa'kin? Safe ba yan?"

Bulong ko sa kaniya.

"Mukha namang safe, wala pang bumubulagta sa kanila."

Turo niya sa iba pang kumakain.

"Seryoso ka?"

"Alam mo minsan, kailangan din ng dumi ng katawan natin. Kapag sobrang linis mo mas magiging lapitin ka ng sakit."

Oh? Parang sa kaniya ko lang narinig yan.

"Inuuto mo ba 'ko? Wala ka na bang pera kaya sinasabi mo 'yan? Pwede mo namang abonohan muna yung kakainin natin tapos babayaran nalang kita-"

"Alam mo ba kung anong goal ko habang nandito kayo at kasama ko?"

Umiling ako.

Biglang dumating ang tindera dala ang pagkain namin kaya medyo napahinto siya sa pag sasalita.

"Parang bago lang kayo dito?"-Tindera

"Ah, nag babakasyon po kami sa magulang niya."

Magalang na sagot ko

"Ang gwapo mo naman. Kain lang kayo, kapag gusto niyo pa ng sabaw huwag kayong mahiyang mag sabi ah?"

"Opo, thank you po."

Nginitian ko yung Ginang.

"Baka mainlove sa'yo 'yan, huwag mo masyadong ngitian."

"Baliw."

Nag lagay siya ng kung anu ano doon sa sabaw.

"Tikman mo muna yung sabaw tsaka mo lagyan ng mga pampalasa kung natatabangan ka."

Tinitingnan ko lang siya sa ginagawa niya, bang matapos siya ay saka rin ako kumilos.

"Ano 'to?"

"Toyo."

Tumikim muna ako, medyo ok naman na ang pag nakagawa nung sabaw.

Matapos kong nag lagay ng mga kung ano ano kumain na rin ako.

"Uhmm.. this is good."

Higop ako nang higop ng sabaw.

"Mayaman ka kasi kaya hindi ka pa nakasubok ng ganito."

"Hindi naman, kumakain naman ako ng street foods at madalas ko ring makita ang ganitong kainan pero ayokong kumain kasi sabi ni Dad, walang kasiguraduhan ang mga ganitong pagkain kung safe."

Tumango tango siya.

"Kelan mo pala ibabalik yung pera namin?"

"Hanggat hindi tayo makakauwi, hindi ko ibibigay ang pera niyo dahil ang hindi kayo pagastusin gamit ang pera ng magulang niyo ay ang goal ko habang nandito kayo sa lugar namin."

Gusto niya talaga kaming pag trabahuin.

"Pero-"

"I save niyo nalang yun bago tayo umuwi. May alam kaming tourist attractions na lugar na madadaanan natin bago tayo umuwi. Doon niyo gastusin ang pera niyo. Mag sistay tayo doon ng 2 days and 1 night."

Bigla akong na excite.

"Gusto ko na umuwi."

Excited na sabi ko.

"Gano'n? Sige, mag lakad ka na ngayon, mag simula ka na."

Nawala ang ngiti ko. Dapat talaga pinag iisipan ko muna ang sasabihin ko para hindi ako nababara nitong babaeng 'to.

"Psh.."

Kumain nalang ako, naalala kong gutom pala ako.