webnovel

Maybe This Time Love Can Win (Tagalog)

Author: pumirang
สมัยใหม่
Ongoing · 1.3M Views
  • 388 Chs
    Content
  • 4.9
    28 ratings
  • NO.200+
    SUPPORT
Synopsis

Meet the love story of Michelle her circumstances and challenges to meet the love of her life. Do family, work, and pride can be a hindrance to a happy ending. Can love can counter all? Can love win between pride? Can love forgive to start all over again? As they can say Maybe this time love can win. Follow her to unpredictable love life that knocks on her door in an unexpected way.

Tags
1 tags
Chapter 1Ouch!

"Hay's salamat nakasakay na din ako!" Buntong hininga ko habang pasakay sa UV Express papuntang Ilocos Norte, Laoag.

Pasalamat na lang ako at naka-abot pa. Huling sasakyan na kasi ito papuntang Laoag kung di lang sana nagkaroon ng problem sa site kanina pa sana ako nasa Laoag at nagpapahinga na sana sa oras na ito

"Kuya yung bag ko po ha, baka po maiwan!" Sambit ko sa driver na nag-aayos sa likuran ng sasakyan ng mga bagahe. Nang makita kong nailagay na yung bagahe, muli akong bumuntung hininga.

"Anung oras kaya ako nito makakarating sa Laoag?" Muli kong usal, sinipat ko ang aking relo eksaktong seven na ng gabi.

"Aalis na po tayo!" Sigaw ng driver, habang pinapaandar yung makina ng sasakyan.

Napatingin ako sa katabi kong nasa bandang kaliwa na isang matandang babae na medyo my katabaan kya medyo masikip kami sa pwesto, habang ung nasa kaliwa ko naman ay isang lalaking my katamtamang katawan na naka sombrero na nakapikit ang mata mukang tulog.

Kahit medyo masikip pinilit kong pumikit para makatulog rin pero bago yun kinuha ko muna headset sa bulsa ng back pack ko at isinalpak sa tenga para makinig ng mellow music at ng di maistorbo habang natutulog.

"OUCH!" Sigaw ko ng bigla akong maalimpungatan dahil may sumiko sa ulo ko.

Dahil sa lakas ng pagkakasigaw ko lahat yata ng pasahero sa Van ay nagising at lahat ay tumingin sa direksyon ko.

Agad kong tiningnan yung lalaking nasa kaliwa ko pero parang wala siyang pake. Nanatili siyang naka pikit habang yakap yakap yung kalong kalong niyang bag.

Alam ko siya yung sumiko sa akin pero pero di ko siya masita kasi nga nagtutulog-tulugan siya. Bigla tuloy akong napaisip kung nasandal ba ako sa kanya habang tulog.

"Sakit nun ah!" Muli kong reklamo habang kinapa yung ulo kong banda niyang siniko.

"Okey ka lang Ineng?" Tanong sa akin nung may edad na babae sa kanan ko na pwesto.

"Okey lang po! Sensya na sa istorbo!" Magalang kong sabi.

"Dito ka nalang sumandal sa akin." Naka ngiting sabi ng babae.

"Okey lang po di ko nga namalayan na naka tulog ako hehe...!" Nahihiya kong sabi.

Muli akong tumingin sa lalaki sa kaliwan ko.

"Bwisit na 'to! Pwedi naman niya ako tabigin pero bakit kailangang sikuhin parang di lalaki. Saksakin kita diyan!" Pagbabanta ko sa utak ko.

"Humanda ka lang pag ikaw sumandal sakin mamaya bubungo ka talaga sa bintana!" Muli kong usal sa isip ko.

Dahil sa nangyari di na ko uli natulog, pinalitan ko yung music sa phone ko ng rock para di ako antukin.

Muli kong sinulyapan ung lalaki, ganun parin pwesto niya halos di nagbago.

"Sana ma-stroke ka!" Muli kong curse paano yun lang ang magawa ko kasi nga di pa dumarating yung pagkakataon na masandal ka sa gawi ko.

Makalipat ng ilang oras, ganun parin pwesto ng lalaki, iiling-iling nalang ako kasi di ko maisakatuparan plano ko at di ako makabawi.

"Hays!" Muli kong buntong hininga.

Makalipas pa ng kalahating oras, dumating na kami sa Laoag. Unti-unti ng nagsisibaban yung mga pasahero dahil nga nasa bandang likuran ako, kami yung huling bumaba.

Pagkababa ko agad kong dinampot yung isa kong maliit na maleta at luminga-luminga ako sa paligid naghahanap ako tricycle na pwding sakyan papunta sa Hotel na pinabook ko.

"Hirap talaga dito sa probinsya ten palang ng gabi pero halos wala ng taong gumagala." Nasabi ko sa sarili ko paano halos lahat ng kasama ko sa Van na pasahero halos naka alis na.

Maliban sa lalaking nakatabi ko kanina sa Van, nakatayo siya sa habang kinakalikot ung cellphone niya mukang may tenitext.

"Baka tinetext yung sundo niya!" Nasabi ko.

Dahil nga walang pumapasok na tricycle sa terminal naisip kong maglakad palabas para maka sakay at ng maka pagpahinga na at sadyang napapagod narin ako. Di nga ako nagkamali maya-maya ay may dumaang tricycle na agad kong pinara.

"Kuya biyahe ka?" Sigaw ko.

"Opo Madam!" Sagot naman ng driver na agad akong binalikan para isakay.

"Sa may Sampaguita hotel! Magkano?" Tanong ko paano minsan kasi yung mga driver sa probinsya nagiging abusado lalo na kung alam nilang dayo ka naniningil sila ng sobrang mahal kaya bago ako sumakay tinatanong ko muna para di ako mapasubo.

"Two hundred lang po!" Sagot naman ng driver.

"Grabe naman Kuya! Mas mahal ka pa sa taxi ah!" Reklamo ko.

Sa tantiya ko from dito sa terminal papuntang hotel na pupuntahan ko wala pang isang kilometro kaya over price siya kaya need kong magreklamo para babaan niya.

Hinihintay ko yung sagot ni Manong driver ng may biglang magsalita.

"Ako nalang hatid mo Kuya, Payag ako sa two hundred na bayad!" Sabi nung lalaki.

"Huh?" Bigla akong napatingin ako sa nagsalita siya yung lalaki sa Van na katabi ko kanina.

"Ganun ba Sir, Sige po sakay na!" Tuwang-tuwang sagot ng driver.

"Wait lang ako ang pasahero mo ah saka naisakay ko na yung bagahe ko." Mabilis kong reklamo.

"Ikaw! Pumara ka ng sarili mong tricyle kapal nito!" Baling ko sa lalaki na hinarangan ko para di makasakay sa tricycle.

Doon ko lang napansin yung height difference naming dalawa sa taas ko five feet and six inches lagpas lang ako sa balikat niya kaya napilitan akong tumingala para magtama yung mata namin at siya naman ay bahagyang yumuko.

Dahil doon nakita ko yung itsura ng lalaki singit ang mata niya na matangos ang ilong at may maninipis na labi pero dahil nga naka cup siya di ko maaninag ng maayos yung kabuuang muka niya. Naputol yung pagkaka tinginan namin ng magsalita si Manong driver.

"Saan ka ba pupunta Sir?"

"Sa may Sampaguita Hotel!" Sagot ng lalaki.

Dahil nga magkalapit napakingan kong mabuti yung boses niya at sa tingin ko ay Bariton voice siya. Naputol ang pag-iisip ko ng muling magsalita si Manong Driver.

"Yun naman pala isa lang pupuntahan niyo sakay ka na, dito ka nalang sa likod sumakay Sir hayaan mo na si Ma'am diyan sa loob pero kung gusto niyo magtabi wala namang problema." Pang-aasar pa niya.

Nung marinig ng lalaki yun agad siyang pumunta sa likod para sumakay sa back ride ako naman ay agad narin pumasok sa loob ng tricycle.

"Feeling naman niya papayag akong maka tabi siya!" Sabi ko uli sa isip ko.

You May Also Like
Table of Contents
Volume 1
Volume 2 :Going Back Home

ratings

  • Overall Rate
  • Writing Quality
  • Updating Stability
  • Story Development
  • Character Design
  • world background
Reviews
Liked
Newest
Sally_Dela_Cruz_0558
Sally_Dela_Cruz_0558Lv4
Sally_Dela_Cruz_0558
Sally_Dela_Cruz_0558Lv4

SUPPORT