webnovel

Maybe This Time Love Can Win (Tagalog)

Meet the love story of Michelle her circumstances and challenges to meet the love of her life. Do family, work, and pride can be a hindrance to a happy ending. Can love can counter all? Can love win between pride? Can love forgive to start all over again? As they can say Maybe this time love can win. Follow her to unpredictable love life that knocks on her door in an unexpected way.

pumirang · สมัยใหม่
Not enough ratings
388 Chs

You Are the Ex

"Mauna ka na sa office may meeting lang ako sa dito," sabi ni Martin nung huminto yung elevator sa 16th floor.

"Hmmm," sagot ko. Pagkarinig niya nun ay humakbang na siya palabas pero bago pa siya tuluyang makalabas ay muli siyang lumingon na parang may gusto pa sana siyang sabihin pero di na niya itinuloy.

"Hays!" buntong hininga ko ng sumara na yung pinto ng elevator.

Kanina kasi pinipilit niya ko na wag na kami pumasok at mamasyal na lang daw kami handa na nga daw siyang magbayad kahit one million samahan ko lang daw siya ngayon araw. Malapit na sana ako pumayag kaya lang biglang tumunog yung phone niya at ng sagutin niya yun pagbalik niya matamlay na siya.

"Di tayo makakaalis may dumating na investor sa company at gusto akong maka-usap." malungkot niyang sabi.

"Okay!" tanging sagot ko. Bumubuntunghininga pa siya habang nagbibihis.

Hanggang sa maka-alis kami at makarating sa company ganun siya. Pagdating ko sa 25th floor yung dalawang tsismosang assistant lang ni Yago ang naroroon, malamang kasama sila ni Martin sa meeting sa baba.

Di na ko nag-aksayang batiin sila kasi ganun din naman sila sakin so, "I don't care!"

Dire-diretso akong pumasok sa opisina pero laking gulat ko dahil mat tao dun at kung di ako nagkakamali Daddy yun ni Martin kaya pala nagbubulungan nanaman yung dalawa sa labas at mukang na-eexite sa pweding mangyari sakin.

"Good morning po!" magalang kong bati.

"Good morning din, you are?"

"I'm the Engineer assign para sa imbestigasyon sa nanyari sa Casa Milan Subic," sagot ko. Iniwasan ko talagang banggitin yung pangalan ko kasi nga ayaw kong may isipin na iba yung tatay ni Martin at sa pagkakatingin niya sakin mukang di naman niya ko nakikilala.

"Ah okay, Ikaw ba yung naka-upo diyan?" tanong niya uli ng makita niyang ipinatong ko yung bag ko sa may lamesa malapit sa pinto na kung saan ako nag-oopisina.

"Opo!"

"Bakit?"

"Confidential daw po kasi yung ginagawa kong report kaya sa President lang po ako direct na nagrereport at siya din po yung nakakakita ng ginagawa ko."

"Ganun ba?"

"Opo!"

"By the way di mo pa sinabi yung name mo hija!"

"I'm sorry Sir I forgot by the way I'm Michelle De Vera," sagot ko at inilahad ko yung palad ko sa kanya kasi nga lumapit na siya sakin. Panalangin ko nalang sana nakalimutan na niya yung pangalan ko.

"Nice meeting you Michelle, I'm ...," bago pa masabi ng tatay ni Martin yung pangalan niya ay bumukas ang pinto at si Martin yung pumasok.

"Dad, kanina pa kita hinahanap!" sabi niya habang humahangos kaya napilitang bitawan ng Daddy ni Martin yung kamay ko at bumaling sa anak.

"Anong ako ang kanina mo pa hinahanap, ikaw ang kanina ko pa hinahanap at hinihintay. Anong oras na at wala ka pa sa opisina mo? Saan ka ba nagpunta?" tanong ng Daddy niya habang tumingin sakin at kay Martin na para bang may ibig sabihin.

"Di kami magkasama!" sagot ni Martin. Pagkarinig ko nun napa-iling na lang ako kasi parang sa sinabi niya lalo niya lang inamin na magkasama kami.

"Wala akong sinabing magkasama kayo, ang tanong ko is saan ka galing at di ko tinanong kong sino kasama mo?" natatawang sabi ng Daddy niya.

"Tara na Dad, kanina pa naghihintay yung investor natin!" sabi nalang ni Martin para maka iwas sa tanong ng Daddy niya sabay hila dito palabas ng opisina.

Muli akong tiningnan ng Daddy niya at nginitian bago sila tuluyang lumabas. Napa suklay na lang ako ng daliri ko sa buhok ko kasi nga nahuli kami ng Daddy niya. Ang ikinakatakot ko lang talaga is sumugod si Ellena dito sa opisina at magiskandalo.

"Tumigil ka na kasi Michelle!" sabi nanaman ng inner demon ko.

"Tanungin mo na kasi siya kung mahal ka pa niya, papiliin mo siya between you and Ellena at kung yung isa yung pipiliin niya you should move on at tuluyan siyang kalimutan." sabi ng angel ko.

Sa totoo lang gulong-gulo na ko at di ko na alam yung gagawin ko andun ako sa pagitan na gusto kong umiwas at the same time gusto kong mag-stay.

Lunch break na wala pa si Martin kaya bumaba ako sa canteen. Tinext ko si Mike at sinabihan ko na sabay kami kaya pagdating ko sa canteen ay andun na siya at tinawag ako.

"Ito na inorder ko sayo!" sabi nito sabay lapit sakin nung tinolang manok at kanin.

"Thanks!" sabi ko habang pinupunasan ko ng tissue yung kutsara at tinidor.

"Saan ka natulog kagabi?" diretsong tanong ni Mike nung nag-uumpisa na kaming kumain. Sa may dalawahang lamesa lang kami naka pwesto kaya wala kaming ibang kasama. Si Xandra kasi kasama nga nila Martin sa meeting.

"Kina Dina, di ba tinext kita kagabi." matipid kong sagot.

"Bakit tinatawagan kita ayaw mong sumagot?"

"Maingay dun paano kita sasagutin eh di naman tayo magkakaintindihan." palusot ko pero sa totoo lang di ko talaga alam na tumatawag siya kasi nilagay ni Martin sa silent mode yung phone ko kagabi.

"Siguraduhin mo lang Ate lalo pa nga at may naririnig akong tsismis na magkasabay daw kayong dumating kanina ni Sir Martin." pang-uusig ni Mike.

"Kaya nga tsismis di totoo!"

"Siguraduhin mo lang susumbong talaga kita kay Mama at isa pa alalahanin mo ikakasal na yun kaya wala kang habol kaya tigilan mo." muling paalala ni Mike.

"Opo!" naiirita ko ng sagot paano pinanakot pa si Mama sakin akala naman niya di ako natatakit eh takot na takot na nga ako.

"Siya nga pala tumawag kaninang umaga si Mama, sunduin na daw natin sila dun sa Sabado."

"Sige!" pagsang-ayon ko.

"Alam ba ni Mama na dito ka sa Casa Milan pumapasok?" tanong ni Mike. Bigla akong natigilan kasi sa pagkakatanda ko di ko iyon nasabi sa kanila ni Papa. Ang alam lang nila ay kay Boss Helen ako nagtatrabaho.

"Di ko nasabi!" sagot ko sa huli.

"Huh, sabihin mo na!"

"Sa tingin ko di na dapat nila malaman ni Papa, saglit lang naman ako dito next week tapos na ko. Wag na nating hayaang mag-alala sila Mama at Papa sa walang kwentang bagay."

"Iniisip ko lang baka kasi mamaya makalimot ka!"

"Anong kakalimutan ko?" takang tanong ko.

"Nakakalimot ka na ikaw na ang Ex at di ang girlfriend kaya umasta kang Ex, tandaan mo yun!" sabi ni Mike bago ako iniwan.