webnovel

Maybe This Time Love Can Win (Tagalog)

Meet the love story of Michelle her circumstances and challenges to meet the love of her life. Do family, work, and pride can be a hindrance to a happy ending. Can love can counter all? Can love win between pride? Can love forgive to start all over again? As they can say Maybe this time love can win. Follow her to unpredictable love life that knocks on her door in an unexpected way.

pumirang · สมัยใหม่
Not enough ratings
388 Chs

Chapter 359

"Hon may nangyari ba sa inyo ni Ellena?" lakas loob kong tanong. Kanina kasi nangibabaw yung pagmamahal ko kay Martin pero nung maalala ko yung sinabi ni Ellenang buntis siya di ko mapigilang mangamba.

Baka kasi may nangyari sa kanila habang nasa malayo ako or baka nalasing si Martin at naka limot, maraming pweding dahilan at paraan lalo pa nga at may history na gumamit ng sex pills si Ellena kaya di ko maiwasang maniwala.

"Ano ba yang sinasabi mo?" mabilis na tanong ni Martin sakin. Halata sa boses niya na nagpanic siya sa tanong ko kaya iniharap niya ko sa kanya.

"Okay lang naman sakin basta magsabi ka ng totoo," sabi ko sa kanya pero andun parin yung takot sa puso ko kaya nagbaba ako ng tingin kasi di ko alam kung anong gagawin ko kapag sinabi ni Martin na oo kahit pa sinasabi kong okey lang.

"Tingnan mo ko sa mata Michelle!" sabi ni Martin kaya napilitan akong mag-angat ng tingin at tingnan siya.

"Hon," tawag ko kay Martin pero andun na yung luha na nagbabadya ng pumatak.

"Makinig ka at maniwala ka sakin, walang nangyari samin ni Ellena at kahit sino pang babae kasi para sakin ikaw lang talaga. Kahit malayo ka ikaw parin ang laman ng isip at puso ko," sabi ni Martin sakin habang inilagay yung kanang kamay ko sa puso niya para maramdaman ko yung pintig nun.

"Ikaw lang ang para sakin at ganun din ako sayo di ba?" sabi ni Martin uli sakin.

"Oo, akin ka lang!" sambit ko sabay yakap ko sa kanya ng mahigpit saka ko isinubsob yung mukha ko sa dibdib niya. Di ko narin mapigilang umiyak di dahil nasasaktan ako kundi dahil sa labis na kaligayan kasi napaka swerte ko na makasama ang lalaking pinaka mamahal ko na mahal din ako.

"Bakit ka umíiyak? Mamaya isipin ni Mike pinapa iyak kita at bigla yung sumugod dito at suntukin nanaman ako." pagbibiro ni Martin habang pinupunasan yung luha ko.

Tumigil narin ako kasi nga baka marinig talaga ako ni Mike lalo pa nga at magkadikit yung kwarto namin at di naman sound proof yung pader namin na tanging plywood lang ang pagitan.

"Bakit masakit ba yung suntok ni Mike sayo kanina?" tanong ko kay Martin habang sinisipat ko yung mukha niya baka kasi mamaya magpasa yung bahagi na nasuntok.

"Di naman, okay lang ako!"

"Pasensya ka na sa kapatid ko!" sabi ko kay Martin habang hinahaplos ko yung mukha niya.

"Ano ka ba naman, naiintindihan ko naman si Mike kaya wala yun sakin. Isa pa patunay lang yun kung gaano ka niya kamahal."

"Dapat lang kasi dalawa lang kaming magkapatid saka wala na siyang ganito kaganda at kabait na ate!" proud kong sabi.

"Haha... parang di ka naman mabait!" sabi ni Martin sabay pisil sa ilong ko.

"Ikaw nga diyan di mabait!" sabi ko kay Martin habang itinulak ko siya, paano yung kamay niya nagsisimula ng maglakbay sa katawan ko.

"Ooops di ka makakatakas sakin!" sabi ni Martin na mabilis ako niyapos at hinalikan sa labi at inihiga sa kama.

Maya-maya lang ay nakapatong na siya sakin ng biglang lumagitgit yung kama ko kung saan kami naka higa kaya natigilan siya.

"Eeeekkk... eeekkk...!" tunog ng kama sa bawat paggalaw ni Martin kaya di ko mapigilang matawa.

"Haha...haha...!"

"Natatawa ka pa diyan!" sabi ni Martin sakin habang di maipinta yung mukha niya. Alam ko naman kasi na gusto niyang umiscor kaya lang ayaw makisama ng kama ko at kapag nagpatuloy siya malamang pati kapitbahay namin magising di lang si Mike, Mama at Papa. Sa lakas ba naman ni Martin bumayo base sa unang gabi naming experienced baka mawasak yung kama ko.

"Bakit kasi tumutunog?" naiiritang tanong ni Martin na umalis na sa ibabaw ko at tumayo na. Sinisilip niya yung mga paa ng kama para makita kung saang bahagi yung tumutunog pero kahit anung gawin niyang kalso ganun parin ang resulta, di maalis ang lagitlit kaya lalong nagdilim yung mukha ni Martin, samantalang ako di ko mapigilang maluha sa kakatawa kahit pigil na pigil ako.

Ang sama na ng tingin ni Martin sakin kaya inalo ko nalang siya, "Matulog na tayo, at dun nalang natin gawin sa bahay natin yang gusto mong mangyari."

Umusog ako sa gilid ng kama para bigyan ng space si Martin para humiga na pero ayaw niyang kumilos na para bang di siya sang ayos sa proposal ko na ipagpaliban yung gusto niyang gawin namin.

"Malinis ba yung sahig?" tanong ni Martin makalipas ng ilang minuto.

"Malinis naman," sagot ko kasi nga winalisan ko naman yung kanina at nilampaso.

Pagkarinig ni Martin ng sagot ko agad nagliwanag yung mukha niya at ngumiti kaya ako naman ang nagtaka, "Wag mong sabihing sa sahig kami maglove making?" di ko mapigilang mapa ngiwi kasi sa tigas ng sahig baka puro gasgas ang likod ko, malamang pati tuhod niya.

"Tayo ka muna!" utos ni Martin sakin na agad ko namang sinunod kasi nga hinila niya ko.

Tumayo muna ako at pinagmasdan siya kung anong balak niyang gawin sa luma kong kama. High school pa lang ako higaan ko na yan kaya di ako nagtataka kung bakit tumutunog na siya kapag hinihigaan lalo pa nga kung yung hihiga ay malikot.

Akala ko kung anung gagawin ni Martin pero laking gulat ko ng buhatin niya yung foam at ibinaba sa sahig. Pagkatapos nun ay inayos niya yung sapin at unan na una niyang tinanggal kanina.

"Come here honey!" tawag niya sakin habang binabaluktot baluktot pa niya yung hintuturo niya para palapitin ako sa kanya.

"Mukang wala na kong takas ah, kasi nagawan na ng paraan ni Martin yung ingay at malamang kahit anung gawin naming tambling walang makakarinig kasi nga di tutunog yung sahig naming semento."