webnovel

Maybe This Time Love Can Win (Tagalog)

Meet the love story of Michelle her circumstances and challenges to meet the love of her life. Do family, work, and pride can be a hindrance to a happy ending. Can love can counter all? Can love win between pride? Can love forgive to start all over again? As they can say Maybe this time love can win. Follow her to unpredictable love life that knocks on her door in an unexpected way.

pumirang · สมัยใหม่
Not enough ratings
388 Chs

Chapter 246

"Morning!" Narinig kong may bumulong sa tenga ko pero di ko yun masyadong pinansin pero laking gulat ko ng halikan ako nito sa pisngi kaya agad akong nagmulat. Bumungad sakin yung naka ngiting muka ni Martin.

"Merry Christmas!" Muling bati niya sakin nung di ako sumagot at muli akong hinalikan sa pagkakataong iyon sa labi niya iyon dinampi.

Mabilis akong bumangon kasi nga kagigising ko lang at nahihiya ako baka may maamoy na iba si Martin kaya agad akong pumasok ng banyo.

"Hon!" Muli niyang tawag sakin. Senenyasan ko lang siya ng "Wait."

"Bakit andito ka na kagad?" Tanong ko kagad kay Martin nung makalabas ako. Iniabotan niya ko ng tuwalya na dahil nga sa pagmamadali ko di ko nadala kaya basa pa yung muka ko.

"Diba nga sabi mo date tayo ngayon!"

"Pero sobrang aga mo naman yata!" Sagot ko sa kanya habang sinipat ko yung relo ko sa aking braso. Alas otso pa lang ng umaga si Mike nga naka nga-nga pa sa sofa kung saan siya natutulog pero si Mama wala na sa kama.

"Para mahaba kitang makasama!" Di na ko sumagot dahil sa sinabi niya.

Paano ba naman kagabi simula ng umalis siya sa hospital magka-text na kami. Kahit nag-uumpisa na yung party nila ako parin ang kausap niya, di ko na nga namalayan na nakatulog na ko.

"Napansin mo si Mama?" Tanong ko kay Martin.

"Nasalubong ko siya kanina sa hallway, bisitahin daw muna niya si Papa!" Sabi ni Martin habang may inabot sakin isang maliit na paper bag.

"Merry Christmas!" Muli niyang bati sakin, kaya agad ko iyong inabot.

"Salamat!" Naka ngiti kong sabi.

"Buksan mo na!" Utos niya sakin, kaya agad ko naman siyang sinunod.

"Hon!" Tawag ko kay Martin paano ba naman niregaluhan nanaman niya ko ng isang mamahaling kwintas. White gold iyon na may pendant na star pero ang gitna nun ay may white diamond.

"Suot ko sayo!" Sabi ni Martin sakin, sabay kuha ng kwintas na nasa kamay ko. Mabilis niya itong isinabit sa leeg ko.

"Bagay sayo!" Masaya niyang sabi habang pinagmamasdan niya ko. Yumuko rin ako para makita ng malinaw yung kwintas na nakasabi sa leeg ko na umabot hanggang gitna ng dibdib ko.

"Nagustuhan mo?"

"Ang ganda!" Pilit kong sagot.

"Ayaw mo?"

"Hindi naman sa ayaw kaya lang ang mahal nito eh!" Reklamo ko habang hinawakan ko yung pendant ng kwintas at nilalaro ko yun sa pagitan ng hintuturo ko at hinalalaki.

"Hon, Christmas ngayon! Normal lang bigyan kita ng regalo saka wag mo na kasing isipin ng presyo niyan. Ang importante bigay ko yan sayo at galing yan sa puso ko." Sagot ni Martin sa akin habang niyakap ako.

Gumanti rin ako ng yakap sabay bulong sa kanya, "Salamat!"

"Para san?"

"Sa regalo mo!"

"May bayad yan!"

"Anong bayad?" Nagtataka kong tanong at bahagya ko siyang itinulak para makita ko yung muka niya.

Napa-iling na lang ako nung makita ko yung playfullness niya na para bang may balak nanaman siyang di maganda.

"Ibabalik ko na itong kwintas mo!" Pagbabanta ko sakanya habang tinatangka kong tanggalin yung kwintas sa leeg ko.

"Bawal na yan hubarin!" Saway ni Martin sakin sabay hawak sa kamay ko para pigilan ako.

"Ang aga-aga naghaharutan nanaman kayong dalawa!" Sabi ni Mike na nagising ata sa ingay namin ni Martin.

"Sorry naman!" Sabi ko, sabay tulak kay Martin na naka yapos na sakin.

"May dala akong breakfast, kain na tayo!" Sabi ni Martin habang inuumpisahan ng ilabas mula sa paper bag yung mga dala niyang container.

"Bangon ka na at tawagin mo si Mama para makakain na tayo!" Sabi ko kay Mike na hinila ko para tumayo sa upuan.

"Buti naman Kuya may dala ka! Gugutom na rin kasi ako di masarap yung biniling pagkain ni Ate kagabi." Reklamo ni Mike habang naglalakad papuntang banyo.

"Choosey ka pa! Eh yun na lang bukas kagabi eh!" Sagot ko naman sa kanya.

Paano kasi sa isang fastfood chain lang ako naka bili ng pang notche buena namin kagabi. Dahil nga nasanay na kami sa luto ni Mama, para kay Mike di yun masarap.

"Merry Christmas Ma, para po sa inyo ito ni Papa!" Sabi ni Martin sabay abot ng regalo kay Mama at ganun din kay Mike. Tapos na kaming kumain ng breakfast bago yun inabot ni Martin.

"Buksan niyo po!" Exited na sabi ni Martin na parang gusto niyang matuwa si Mama at Mike sa regalo niya.

"Sobrang mahal naman ata ito Martin!" Sabi ni Mama ng buksan niya yung regalo na binigay ni Martin. Couple watch iyon para sa kanila ni Papa at galing sa mamahaling brand.

"Pati ito Kuya!" Sagot din ni Mike habang ipinakita niya yung bracelet na white gold.

"Hon!" Nasabi ko nalang din kasi nga di ko expect namamahalin din yung bigay niya sa pamilya ko. "Pasko po ngayon, saka po malapit na kaming ikasal ni Michelle kaya normal lang na bigyan ko kayong regalo. Wag niyo pong isipi yung presyo niyan!" Sagot ni Martin.

Andun parin sa muka ni Mama at Mike ang reluctance para tanggapin yung regalo ni Martin pero ipinilit iyon ng isa kaya wala na silang nagawa kundi magpasalamat na lang.

Umalis kami ni Martin makalipas ng ilang minutong pakikipag kwentuhan niya kina Mama. Napag-usapan kasi namin kagabi na mag-date kami ngayon araw para maka bawi sa araw na di kami magkasama.

Nanuod kami ng sine, then nag-shopping kasi daw kailangan na daw niyang bumli ng mga damit kaya sinamahan ko siya pero ang ending mas madami pa kong nabili kaysa sa kanya. Pagkatapos naming mag-ikot sa mall ay dumiretso na kami sa Pad niya dun na kami nag-dinner at doon ako narin nagpalipas ng gabi.

"Bayad na ko sayo ah!" Sabi ko kay Martin habang naka higa na kami sa kama. Tapos na namin yung deeds na gustong-gusto niyang gawin naming dalawa.

"Opo, may bonus pa nga eh!" Sabi niya sakin at muli akong hinalikan sa labi.

"Tumigil ka na!" Saway ko kasi ang sakit na ng dalawa kong braso.

"Haha...haha...! Halak-hak ni Martin dahil sa labis na katuwaan at di ko naring maiwasang matawa.

Naisip kong di na ituloy yung plano kong umalis para magtrabaho sa malayo kasi iniisip ko palang na malalayo ako kay Martin ay nalulungkot na ko. Feeling ko naman kakayanin ko basta andito lang siya sa tabi ko.