webnovel

Lies behind those eyes

Zyair Wren Villanueva. One of the smartest, handsome, talented, charismatic bad boy, student from FTHU. He always get in trouble until she met Kianna Soleil Estrada.Talented, famous, and smart. But when it comes to Math, she always fail. She tried her best, but still not enough. Beside that, Kianna has a big problem. It is about her Brother, who died when she was young. Her brother didn't got Justice because the suspect was found guilty. But Kianna didn't give up. She didn't know that Zyair has a secret on her. How long can Zyair cover up his lies? Can Kianna forgive Zyair? [Other chapters are up on my Wattpad account (Moonxx__) I'll just update those EDITED chapters here. Stay tune =>] |FTHU SERIES 1| ©All right reserved

Mccnxx · วัยรุ่น
เรตติ้งไม่พอ
7 Chs

Chapter 2

(KIANNA'S POV)

"Ano ba!" sigaw nitong Senior na naka banggaan 'ko. Hindi ko naman sinasadya, pero pinagmasdan ko ang kabuuan niya.

matangkad ✓

gwapo---medyo!✓

maputi✓

mukhang koreano✓

Napadako ako sa ID lace nito at nakita 'kong parang rainbow ang kulay nito, i mean hindi sya rainbow as in, pero halo-halo ang kulay nito, kaya masasabi 'kong Senior high na siya. "S-sorry kuya..." paumanhin ni britany sakanya, nilapitan naman agad ako Britany, alalang alala sa nangyari sa'kin. "OMG! kianna are you okay?" halos maiyak na siya sa sobrang pag aalala. Tumango naman ako sakanya at tumayo mula sa pag kaka dapa saka pinagpag ko ang pwetan ko.

"tumingin tingin nga kayo sa dinadaanan niyo ha!" galit na singhal samin nung lalaking nakabanggaan ko. "Eh kuya, mag dahan dahan ka din ho noh, andami mo kayang bolang dala, paano kung nahulog kaming pareho? buti nga na pa upo lang ako sa pag kakabangga mo eh! tignan mo nga yung pababang yun oh!" sabay turo ko sa pababang hakbangan na muntikan nanaming bagsakan. "edi mahulog kayo, kasalanan ko bang ta-tanga tanga kayo?" mayabang na tugon niya sa'min.

"Teka nga lang! anong pangalan mo ha! gusto mo'ng ipaguidance kita? anong grade kana?! sinong advicer mo?!, kesa nga magalit ka samin pwede mo naman kaming patawarin dahil nag sasayang ka lang ng oras samin--- at tyaka wait?! bat kailangan kami ang humingi pa ng tawad?! eh may kasalanan ka rin ha?! dapat nga mang hingi ka din ng tawad sa'min eh!" sunod-sunod na tanong ni Britany do'n sa senior. "tss..." ngi-ngisi ngising singhal nung lalaki kay britany.

"gusto mo lang akong makipag kilala sayo eh, miss, bulok na yan" ngi ngsi ngisi niyang sabi kay britany. Pinag-kros naman ni Britany ang braso niya at saka dumeretso ng tingin sakanya. "h-huh?! w-what?! ako? makipag kilala?!" hindi makapaniwalang tanong pa ni britany habang nakaturo ang hintuturo sa dibdib niya. "eh kung sapakin kita ngayon ha?" singit ko sa usapan nila "kung may nangyari sa'min ng kaibigan ko walang atrasan ha! tyaka 'kala mo ba makikipag kilala kami sayo?" maangas na tanong ko. Pero deep inside, nakakaramdam nako ng kaba.

"tyaka sinong tanga ang gagawa non? kahit sisinto sinto pa ang makakita sayo walang gagawa non! 'kala mo naman kung sino ka?! kala mo gwapo ka?! Ha?! HAHAHAHAHAHA" nakakalokong tawa pa ang pinakawalan ko saka biglang seryosong tumingin sa mata niyang mapungay. "mukha kang hotdog sira!" ngingisi ngising sabi ko dun sa mismong mukha niya. Napapikit pa siya sa sobrang bad trip sa'kin. "E-excuse me miss?! kilala mo ba ko ha? hindi mo ata kilala ang binabangga mo?!" hindi makapaniwalang sigaw niya sakin. "Well, mag papakilala na nga ako, baka kasi mabaliw ka 'pag di ako makapagpakilala sayo" napipilitang dag dag niya!

d-_-b

Ang tigas ng mukha netong hotdog nato

"Well, i'm Zyair Wren Villanueva, Grade 11, at ang advicer namin ay si Mrs. Garde, ano miss, okay kana? gusto mo din bang kunin ang number ko?" sarkastikong tanong niya pa sa'kin. Agad namang nag bago ang reaksyon ng mukha ko, yung reaksyon na animong nangdidiri, yung reaksyong nangangasim, ganoon. "Number?!" tumawa ako ng sarkastiko saka seryosong tumitig sakanya. "kuya, hindi ka ba nabubuhay sa modern generation? keypad parin ba ang gamit mo? kahit hindi ko na kunin ang number mo, pwede kitang ma-search sa Facebook dzuh?" sarkastiko at maarteng sabi ko sa kanya.

"Miss, hindi ako tanga, alam ko ang facebook, pero hindi ako mag sasayang ng oras para gumawa non okay? at saka kung meron man akong 'facebook' "madiing sabi pa niya saka inilapit ng kaunti ang mukha niya sa'kin. "hindi na'ko mag papakilala sainyo dahil alam kong iaadd niyo lang ako at baka maistress lang ako dahil mag memessage lang kayo ng mag memessage sakin" nag mamayabang pang sabi niya sa'kin, nanlaki naman ang mata ko, hindi parin makapaniwala sa sinasabi niya, "masyado akong busy sa buhay okay, wala akong pakielam sa mga ganyan ganyan niyo, nag sasayang lang ako ng oras sainyo"

d~_~b

letcheng yan, antigas naman ng mukha netong lalaking to? kung ano ang kinakapal ng salamin ng teacher namin sa math eh yun ang kinakapal ng mukha netong depungal na'to.

"W-what did you---" hindi makapaniwalang tanong ko sakanya. Nanlalaki na halos 'yung butas ng ilong ko at nag sisimula ng mag init ang pisngi ko sa sobrang inis dito sa lalaking 'to. "Zyair! nasa'n na yung mga bola?!" natigil ako sa sasabihin ko sakanya dahil may tumawag sa hatdog na'yun. Pinag mamadali siya nung lalaking tumawag sakanya, yun ata yung coach nila sa basketball? dali dali naman siyang umalis sa harapan namin. Sinundan naman namin siya ng tingin hanggang sa makalayo na siya, agad naman akong tumingin kay britany saka sumenyas na sumunod na siya sa'kin sa canteen.

Nag madali nakaming umalis dahil baka kung ano na naman ang mangyari sa'min. Nag punta na kami sa corp saka kumain at nag kwentuhan. "Grabi, nakakapang init parin ng dugo si kuyang matangkad kanina" inis na singhal saken ni britany habang gigil na tinutusok ang tinidor ng cake na binili ko sakanya. "Oo nga eh, pero pansin mo ang weird niya?" tanong ko sakanya, biglang nag bago naman ang expression niya na parang nag iisip sa nangyari kanina.

"Ay, oo ang weird nga...biruin mo kianna ha! imbes na patawarin nalang tayo dahil nag sorry naman tayo nagalit pa sya sa'tin? tsaka, excuse me! kasalanan niya rin naman kasi andami niyang dalang bola 'no! muntikan pa nga tayong mahulog! eh kung madadapa or mahulog or mabagok tayo?! dagdag peklat nanaman yun and worsts mapapahiya pa tayo 'no?! hayst! gigil gigil ako!" halata nga sa reaksyon ng mukha niya ang pag kainis niya do'n sa mukhang hatdog na lalaki na 'yon. "gaga, di mo ko gets HAHAHA" natatawang sabi ko saknya, bigla naman niya akong inirapan at binigyan niya naman ako ng nag tatakang tingin "ang weird niya kasi, diba nabangga natin siya, pero, parang halos walang reaction yung mukha niya? seryosong tanong ko kay britany at napaisip din siya. "Anong paki ko kung walang reaction mukha niya?! mukha siyang pitbull!" bulalas niya habang nakatingin sa kawalan.

"Uy! si Zyair!" gulat naman kaming napatingin sa isang freshman na sumigaw sa loob ng corp. "Shemays! cassie! ampogi niya sa malayo! kahit pawis siya!" sigaw naman nung isang freshman na kausap nung unang sumigaw na freshman. "kyah! aken kanalang!" sigaw pa nung isang freshman na kasama nila. "shh! ano kaba alexa! aken lang siya noh!" inis na singhal nung isang freshman. "kyaaaahhhh!!! yung pawis mo parang holy waterrr!!!! kyaaaaaahhhh" kinikilig na sigaw nung isa sa mga freshmans.

freshmans 'yan ha? freshmans 'yan?

Sa sobrang ingay nila, napagalitan sila ng tindera sa canteen, pa'no ba naman, pati teacher napapalingon na sakanila, "Hoy! mga babaita! dun kayo sa labas mag tilian ha! ambabata niyo pa! dun kayo sa oval!" galit na sigaw saknila nung tindera. "ang kj naman ni ate" dinig 'kong singhal nung isa sa mga freshmans habang papalakad na lalabas. "Oo nga jenevie, kala mo natural kilay ni ate" inis na bulong naman nung freshman dun sa isang freshman. Kumaripas naman sila ng takbo papuntang oval ng mag simulang lumabas si ateng tindera na may dalang sandok.

Nagulat naman ako ng bigla akong kinalabit ni britany, "Z-zyair?" nauutal na sambit niya habang nakatingin sa kawalan, natutulala. "bakit? anong meron sa Zyair?" takang tanong ko naman sakanya. "GAGA KABA?! siya yung tinitilian ng freshmans kanina!" inis na sabi niya pa sakin. "oh eh ano naman kung siya yung tinitilian ng mga freshmans? 'GAGA'?" inis na singhal ko din sa kanya. "putcha naman toh! lutang kaba kanina ha? napogian ka ata sakanya eh? NA-STARSTRUCK KA GHORL? siya yung nakabanggaan natin kanina!" halos masabunutan niya na 'yung buhok ko dahil sa pang gigigil sa'kin.

*FLASHBACK*

"Well, mag papakilala na nga ako, baka kasi mabaliw ka 'pag di ako makapagpakilala sayo" napipilitang dag dag niya!

d-_-b

Ang tigas ng mukha netong hotdog nato.

"Well, i'm Zyair Wren Villanueva, Grade 11, at ang advicer namin ay si Mrs. Garde, ano miss, okay kana? gusto mo din bang kunin ang number ko?"

*END FLASHBACK*

"OO NGA! PAKSYET!" sigaw ko ng makabalik sa ulirat, agad namang napatingin ang ibang kumakain ro'n. "Asus, kunyari kalang eh HAHAHAHA" nangaasar niyang sabi sa'kin, pati ang mata niya ay animo nang aasar rin. "aba! aba! sikat pala si ulupong!" hindi makapaniwalang sambit ni britany na parang tangang iiling iling pa. "pero, kianna, alam mo, bagay kayo ah Hahahhaa" kinikilig pa na sabi niya, at parang tangang nangingisay ngisay pa. Tinitigan ko siya ng masama, saka sya inirapan at kunyaring aambahan ng suntok sa mukha.

Beh, sana okay kalang?

"E-eto naman, kalma beh, kalma, HAHAHA inaasar lang kita eh" ngumingisi pa siya saka hinawakan ang kanang kamao ko at inilayo mula sa mukha niya. "HAHAHAHA, pasalamat ka nilibre kita ng cake! halika na nga, may Science class pa tayo eh, baka malate tayo, excuse na tayo sa 3 subjects natin eh" pag mamadali ko sakanya, nag simula naman siyang mataranta. Inilagay niya kaagad ang mga naka-kalat na gamit niya sa loob ng bag, wala siyang pakielam kahit hindi pa maayos ang pag kakalagay ng mga 'to. "Pasalamat ka din sinusuportahan kita HAHAHAHA muah muah, labyu chingu-yah!" lumapit pa siya sa'kin habang nakanguso siya, kaagad ko namang hinawi ang mukha niya palayo.

*Translation: Friend*

"nado saranghae!" hinawi-hawi ko pa ang leeg ko na parang bata habang sinasabi sakanya ang korean words na'yon, natawa naman siya at pag katapos no'n,dali dali na kami na lumabas ng Main building at nag lakad papunta sa MTVES dahil wala kaming masakyan na jeep.

*Translation: I love you too!*

(SCIENCE CLASS/MTVES)

Mula sa labas ng room, ramdam nanamen ang tensyon ng teacher namen. Kaya nag simula na 'kong pag pawisan. "WHY ARE YOU BOTH LATE!"  bungad kaagad sa'min ni Mrs. Zenampan, ang Grade 10 Science teacher namin at isa sa pinaka terror na teacher sa buong Campus ng FTHU! "M-miss, may presentation po kasi kami kanina sa Main building miss, and kumain lang p-po kami ni Britany ng recess..." utal-utal na paliwanag 'ko, ngunit parang hindi parin siya kumbinsido ro'n. 

"M-miss tinulungan ko po kasi si K-kianna sa pag aayos k-kanina m-miss.." halos gumaralgal naman ang boses ni Britany habang sinasabi niya 'yon. "Dahil both of you are late... diba sabi ko naman sainyo, ang pag kakamali ng isa, pagkakamali narin ng LAHAT! BRING OUT 1 WHOLE SHEET OF PAPER! MAG QUI-QUIZ KAYO ONE TO WANHANDREEEEEDDD!" galit na galit na sigaw niya sa'ming lahat, parang puputok na talaga yung litid niya sa leeg. "PASSING SCORE, 75!... ano?! hindi ba kayo mauupong dalawa?!" pasigaw na baling niya samin britany.

Shet! 75?! ano 'yon pasang awa?

hanggang ngayon, hindi ko parin matandaan last lessons ni miss, dahil hindi ako nakapag review kagabi, huhu

dT_Tb

"FILL OUT THE BLANKS! OKAY?! NO ERASURES!" sigaw ni miss. Nag simula naman na kaming mag lakad ni Britany patungo sa upuan naming dalawa, ngunit na papayuko nalang kami sa kahihiyan, tinitignan na rin kasi kami ng masama ng mga kaklase namin.

"hala miss naman ih" si hannah

"patay..." si jaira

"sira na kinabukasan ko neto pakining shet" pabulong na singhal ni brandon na nasa likod ko lang kaya dinig na dinig namen ni britany

"kasi kianna, bat kayo na late" paninisi pa samin ni shakira

"oo nga, tsk, dat kayo lang mag quiz eh~" si paul

"Edi sana kayo nag sayaw at tumakbo mula Main building hanggang mtves diba?!" hindi na napigilan ni Britany ang sarili niya kaya't napa sigaw siya ng gano'n. Gulat naman kaming lahat na napatingin sakanya, natigilan si Miss sa ginagawa niya at kahit si britany ay nagulat sa sinabi niya. "CRUZ! Stop! eh kung ikaw kaya pag turuin ko ng lesson niyo for 1 year?! at ako naman ang mag aalaga diyan sa kaibigan mo?! 1 to 150! now! PASSING SCORE, 145!" nag simula ng manlumo ang buong klase dahil sa sinigaw ni Miss. Animo lantang gulay 'kong kinuha ang papel 'ko at nag simula ng mag sulat ng pangalan.

Pakining shet kasi ba't ba pati bibig neto pasmado? tsk!

"k-kianna" mangiyak ngiyak na bulong ni britany saken "parang nabalik nanaman yung pasmado syndrome ko HUHUHUHUHUHU" bulong na ungot niya sakin, inismiran ko lang siya saka humarap at nakinig nalang sa sinasabi ni Miss. "NAMBA WAN!.. "Refers to the size or strength of the force" halos hindi ko na maintidinhan 'yung sinasabi ni Miss dahil sa sobrang bilis nito. Nang pumasok sa isip ko yung sagot, dali-dali akong nag sulat sa papel 'ko. Maya-maya lang, "shh.. ano sagot?" halos hindi ko na marinig yung tanong sa'kin ni britany, pero buti nalang sinulat niya 'yon sa papel at pinakita sa'kin. "mag-ni-tude" pabulong na tugon ko sakanya. "Namba tu! "Force while the length in the arrow represents the relative magnitude of the force.... Namba three! The straight line passing through the point of application and is parallel to the direction of the force"....

After 30 minutes:

Number wan forty eight to wan fifty! WHAT ARE THE NEWTONS LAW! give the details! and then lahat ng tapos! LABAS! DISMISS!" sigaw ni miss. Agad na nag si-sulat ang mga kaklase ko ng mga sagot, at sigurado akong halos lahat kami, may nalagpasan at hindi kompleto.

"wohu! tapos naren!" mahinang sigaw ni britany, nag iinat inat pa siya ng braso. "nasagutan mo lahat?" tanong ko sakanya, ngumiti naman siya ng napakalaki. "'Yung iba hindi ko nasagutan, pero hopefully sana tama yung 148 to 150" ngumunguso pang ani niya, pinag- krus niya ang dalawang palad na animo nag dadasal saka tumingin sa itaas. "Lord, kayo na po ang bahala sa'kin lord" ngumiti pa siya habang nakatingala, tinawanan ko naman siya at agad ring sinaway. "amen! amen!" biglang sigaw niya, narinig naman siya ni Miss Zenampan.

"Aba?! Aba?! hindi ka ba sigurado sa sagot mo cruz? at ganyan ka kung maka dasal? aba 'wag mong madaan daan sa dasal ang pinapa quiz ko sainyo?! kung ayaw mong idaan ko din sa dasal ang grade mo sa'ken?! labas!" inimuwestra niya ang kaliwang kamay sa pinto, hindi naman na kami kumibo pa at dali-dali nalang na lumabas ng kwarto na 'yon. "Ang sunget talaga sa'kin nung matandang 'yon" singhal ni britany habang nakataas ang kaliwang kilay 

"Shhh! baka nasa likod naten gaga! baka ibagsak ka bigla non pag narinig ka niyang sinasabihan mo siya ng matanda? eh ayaw niya ngang tinatawag siyang MISIS? kahit may asawa na siya, ang tawagin pakaya siyang MATANDA? HAHAHAHA baka mag KAMEHAMEHA WAVE yun tangeks" biro ko, natawa naman siya ng malakas at luminga linga pa sa paligid namin, tinitignan kung nasa likuran namin si miss, pero wala naman siya sa likod namin.

"btw, kinabahan ka kanina sa quiz?" tanong niya habang nakatingin ng deretso sa hallway na dinadaanan namin "Oo teh! kabado bente ako kanina sa kagagahan mo! kinabahan na nga ako kasi 100 ta's ang ingay mo pa! naging wanpipti! oh deba?! sinong di nag review ang di kakabahan?! aba kahit si Einstein pag papawisan!" tuwang tuwa naman siya sa mga kagagahan niya. "Bakit? eh ang tali-talino mo?" 

"E-eh, ang lakas pala ng amats mo eh? hindi nga ako nakapag review ng lessons kagabi..." paliwanag ko, "Akala ko naman kung ano.. ako nga stock knowledge lang ang ginamit ko kanina... HAHAHAHA biruin mo yon.. nakikinig pala ako sa science" namamanghang sabi niya pa at parang tangang pumapalakpak pa? "ewan ko sa'yo HAHAHAHA... tara na math na natin.. baka malate tayo ulet.." pag mamadali ko sakanya habang umaakyat kami sa hagdan patungong 4th floor. "Tara.. TULOG na tayo HAHAHAA"  pang aasar niya pa sakin, tumitig naman ako ng masama sakanya.

LECHENG to.. porket alam na lagi akong inaantok sa math...grrr

"Pahiram nga ng katinko, inaantok na'ko agad natatanaw ko palang room ng Math HAHAHAHA" natatawang sabi ko sakanya, agad siyang  kumapa kapa sa bulsa ng bag niya at nilabas niya ang kamay niya na animo may nakuha. "oh ito" sabay labas ng middle finger niya sa harap ng mukha ko.

"Mamatay na walang katinko!" sigaw ko sakanya, sabay hawi sa middle finger niya. "edi mamamatay na tayong dalawa?!" pang aasar niya. Inismiran ko lang siya at nag tuloy tuloy na nag lakad patungong Math room.

discuss.. discuss.. discuss.. dismiss..

"shututa! kahit magaling ako sa math, wala parin akong naintindihan kanina!" pabulong na singhal sakin ni britany habang nag lalakad kami patungo sa hagdan. "dinaig ko pa mga nag aaral ng mandarin, at nihongo kanina sa math huhuhu, muntik na'kong makatulog, pinipigilan ko lang talaga" kwento ko pa, tumawa naman siya ng malakas----

anakanang siopao palaman ay asado! nakalimutan namin nasa 3rd floor kami ng MTVES!

NANDITO LANG NAMAN ANG PINAKA TERROR SA LAHAT NG TERROR! SI MRS. NEPOMOCENO!

ANG HEAD TEACHER NG GRADE 11! pero dahil nasa MTVES kami, hawak niya kami kahit grade 10 palang kami.

pag nakakakita yun ng estudyanteng hindi sumusunod sakanya, kukuhaan niya ng id, or ipapahiya niya or ipapatawag niya ang magulang mo or paglilinisin ka niya ng corridor ng buong MTVES or worsts, KICK OUT KA! kaya ganun nalang ang takot naming lahat sakanya, kahit nga terror na teacher kinakatukan siya eh

anlakas makapag pa-ihi neto sa kaba pag ito naka salubong mo brader!

Tumingin ng makahulugang tingin sa'kin si britany at sinenyasan pa niya ako na bumaba ngunit bago pa namin mahakbang yung paa namin.... "pstt! psst!!" sit sit ng isang pamilyar na boses sa'min. Nag simula ng kabahan ang buong sistema ko. Nag katinginan nalang kaming dalawa at bakas sa mukha namin ang nerbyos... nilingon ko ang pinanggalingan nung pamilyar na boses na iyon....

(Britany's POV)

dO_Ob

pakening sheytttttttt bakit ngayon pa! juiceko!

"Hey! can't you hear me?" tawag pa nun ulit sa'ming dalawa ni Kianna. Nang tumingin ulit ako kay kianna, nagulat ako dahil nilingon niya na pala ito, wala naman siyang reaksyon, tinititigan niya lang 'to. Hindi na'ko nag paligoy-ligoy pa at nilingon ko ng dahan dahan yung pinanggalingan nung boses kanina...

dO_Ob

Si Claduia!

Medyo naka hinga naman ako ng maluwag, dahil akala namin ay si Mrs. Nepomoceno na 'yun, at kung si Miss 'yon, siguradong hindi kami makaka-attend ng second subject namin ngayon. Bumaba siya ng hagdan na hagdan patungong 4th floor, maya-maya lang ay isang palapag nalang ang layo niya sa'min ngayon! Sa sobrang lapit niya samin, kayang kaya niya kaming itulak dalawa pababa! tsk! "oh? bakit? bakit parang nagulat ka Kianna?" sarkastikong tanong ni claudia kay kianna habang maarteng tinitignan ang kukong may cutics na black. Napairap nalang ako ng palihim dahil sa sobrang ka-sukutan nitong babaeng 'to. Wala siyang kasing arte!

Ngunit tinignan lang siya ni kianna ng blangkong tingin. "oh ba't ngayon 'di kana makapag salita ha? kianna ha?" sarkastikong tanong parin ni Claudia na may bahid parin ng kaartehan as usual. "Bawal bang magulat lang dahil naka kita ako ng masamang spirito?" pang aasar ni kianna sakanya na may bahid ng pang lalait. Natawa naman akong palihim.

siraulo talaga hahahahahaha, mana talaga saken.

"Wow?! m-me?! b-bad spirit?!" napahawak pa si claudia sa dibdib niya at ngumanga na parang di makapaniwala sa naririnig niya. "hmm" nakangiting tatango tango pang sagot ni kianna kaya't mas lalong nanlaki ang mga mata at ilong ni claudia. "ikaw! namumuro kana sakin ha! halika dito!" sigaw ni claudia saka hinatak si kianna papalapit sakanya at sinabunutan!

dO_Ob

"Aray! ano bang ginawa ko sa---" sigaw niya kay claudia habang binabawian rin ito ng sabunot, ngunit natigil siya sa sasabihin niya dahil may biglang tumawag sakanilang dalawa. "Lean?! Soleil?! what are you two doing?!" gulat na sigaw nung isang parang may edad narin na lalaki sa kanilang dalawa, nasa itaas ito ng hagdan kung saan nanggaling si claudia kanina kaya hindi ko masyadong tanaw ang mukha dahil against the light siya at anino niya lang ang nakita ko, sinilungan ko pa ng kanang palad ko ang ibabaw ng mata ko para maaninag siya, ngunit sa sobrang tirik ng araw, ay hindi ko siya maaninag, nakatayo pa rin siya sa pwesto na iyon, na animo hinihintay ang dalawa na tumigil sa pag aaway nila.

And yes, i forgot, kianna is my best friend for almost 1 year, since nung nag transfer ako dito, siya na ang naging kasama, tagapag tanggol, at taga-alaga sakin, napaka sweet at clingy niya, pero, sakin niya lang talaga ginagawa ang mga yun, dahil meron siyang trust issues, hindi siya ka agad nag titiwala sa mga nasa paligid niya, pag nag sinungaling ka, kung titignan mo akala mo maniniwala siya kahit bakas sa mukha niyang napapaniwala mo siya sa mga sinasabi mo pero hindi ka niya paaminin kung nag sasabi ka ng totoo o hindi dahil ang sabi niya sakin noon...

*FLASHBACK JUNIOR YEAR*

(HALLWAY OF SCIENCE BUILDING)

*BLAGGG~*

Nabangga ni tamiya si kianna! dahil sa pag mamadali at balisang papunta ng CR. Madami rin kasing tao sa hall kaya't sa sobrang pag mamadali niya ay nabangga niya si kianna at pati ang science project nito. Dahil sa sobrang lakas ng impact non, lumagapak si gyrin sa mismong science project ni kianna na nabitawan niya kanina nung nabangga siya ni tamiya.

nasira 'yung project!

dO_Ob

"S-sorry k-kianna" pag papaumanhin ni tamiya kay kianna habang tinutulungang tumayo si kianna, nagulat ako ng biglang ngitian ni kianna si tamiya na animo okay lang sakanya ang nangyari sa SCIENCE PROJECT NIYA?! kahit si tamiya ay parang bakas sa mukha ang pag ka gulat sa naging reaksyon ni kianna sa nangyari. "P-pasensya na talaga k-kianna, h-hindi ko s-sinasadya, nag m-mamadali kasi a-akong m-mag p-punta ng CR kasi ihing-ihi na talaga ako" sinsero ngunit uutal utal na sambit ni tamiya kay kianna kaya't nagulat nalang ulet ako nung hinawakan ni kianna ang balikat ni tamiya at tinatapik tapik pa ito na parang okay lang sakanya ang nangyari, kitang kita mo na normal at kalmado at walang halong inis ang pakikitungo ni kianna kay tamiya, kaya't pilit nalang na ngiti ang isinukli ni tamiya kay kianna.

pakenengshet?! pinag hirapan mo yan boi! inis na singhal ko nalang kay kianna sa isip ko

"Okay lang, tamiya, sige mag CR kana, ako na ang bahala dito" nakangiting tugon ni kianna kay tamiya, sinuklian nalang siya ng ngiti ni tamiya at nag pasalamat. "T-thank you k-kianna, sorry ulit" dali-dali nang nag lakad papasok sa loob ng CR si tamiya, sinundan ko nalamang ng tingin ang babaeng yun hanggang mawala siya sa paningin ko. Tinignan ko ng masama si kianna saka tumingin naman siya sakin ng nag tatakang tingin. "Hindi mo man lang ipapagawa 'yang nasira mong project sakanya?!" singhal 'ko habang salubong na salubong ang kilay ko, ngunit blangko paren ang mukha niya, Nakayuko niyang inaayos ang nag kahiwa-hiwalay na parte ng 'SOLAR SYSTEM' niyang project sa science.

shotuta! kung makikita niyo lang mga repapips, 'kala mo gumawa ng bagong mga planeta si kianna! Sa sobrang astig! para talagang totoo! potato! di mo nga mapapansing gawa lang sa styro foam 'yong mga yon eh?! astig diba! mala Diyosa ang peg ni kianna dahil naka gawa ba naman ng parang maka-totohanang mga planeta si ate mo girl!

"Oh ano na! anong eksena yon ha?! pano na yan! ngayon na ang pasahan niyan soleil! hindi mo man lang magawang magalit at mag patulong don kay tamiya?! eh kung tutuusin nga dapat pang magalit ka kasi!-- ang ateh mo ghorl kala mo naman maiihi na on the spot kung maka-takbo papuntang cr! nakaka istress! hindi kana nagalit hindi kapa nag patul---" na tigilan ako sa pag rereklamo ko sakanya dahil tinakpan ba naman niya yung bibig ko, pinipigilan akong mag salita! pero kinuha ko ang kamay niya at tinabig iyon, saka ako tumingin ng deretso sakanya "Basta hay nako kianna ha! pag ikaw bumagsak ka sa science! 'wag mo 'kong iiyakan ha!" pag babanta ko sakanya, bumuntong hininga muna siya bago tumingin sakin. "Hindi naman talaga siya ang dapat 'kong sisihin eh" seryosong sabi niya sakin kaya't tinignan ko naman siya ng nag tatakang tingin...

"Hoi! Kianna Soleil! umamin ka nga sakin! nag shabu ka ba kagabi para gising ang diwa mo for 24 hrs para sa ginagawa mong mga planeta chu chu ha?! pwede ka namang mag kape nalang o energy drink! or katinko?! Anong hindi dapat siya?! eh nakita mo ng hindi ka niya tinulungan? at worsts! okay lang sayo at chill kalang jan!" halos maputol na ang litid ko kaka-sigaw sakanya ngunit blangkong mukha parin ang isusukli niya sa'kin. Hindi na'ko nakatiis, tinulungan ko naman siya sa nag katabingi-tabingi niyang project dahil parang 50/50 na talaga ang project niya na 'yon! eh majubis pamandin si tamiya! kaya kaninong project ang hindi mag 50/50?! kanino? kung meron! akina! dadaganan ko!

"Sabi ko naman sayo, hindi siya dapat ang sisihin mo dahil hindi siya ang may kasalanan nun" biglang sambit niya habang inaayos ang project niya, natigilan ako at saka binigyan siya ng parang hindi makapaniwala at nag tatakang tingin. "Eh sino ang dapat sisihin kianna soleil? yung pantog niya?! kung yun ang may kasalanan! akina papagawa ko 'yang project mo sa pantog ni tamiya!" galit na talagang sigaw ko sakanya kaya pati ang ibang estudyante sa hallway ay napapalingon samin "ang kulet neto! hindi nga siya ang may kasalanan! kasi mukhang pinag utusan lang siya ng magagaling nating kaklase!" inis na bulong niya pa sakin, kaya't na gulat ako sa sinabi niyang yun. 

tumawa naman ako ng nakakalokang tawa. "at sino naman ang mag uutos ha?! sino?!" inis na tanong ko sakanya. "Sino lang ba ang insekyora saken sa 'loob' ng classroom? britany?! ha?!" inilapit niya pa ang mukha niya na animo tatabingi tabingi, kaya't napaisip naman ako, dahil sa pag kakaalam ko, si Paul at Shakira lang naman ang may inggit at laging naiinis sakanya sa room, alam ko ding gagawin nila ang lahat mataasan lang si kianna sa lahat ng bagay, dahil bukod sa maganda si kianna, maraming nag kakagusto, famous, talented din kasi ang isang 'to kaya paborito na paborito to ng mga teacher's namin, at siya din ang top 1 sa section A, ang mataas na section sa antas ng grade 9

"ibig mo bang sabihin, si paul at shakira ang nag utos kay tamiya niyan?!" tanong ko sakanya, tumango naman siya "Pero pa'no?! eh diba nerd si Tamiya?! at alam ko mabait yun teh! di niya yun gagawin!" takang tanong ko paren sakanya, ngumisi naman siya. "Bakit britany? hindi ba pwedeng mag bago ang tao? at saka 'nerd' nga diba? palagi kaya siyang nabubully sa room natin! kaya alam kong inutusan lang siya! dahil binully nanaman siya nila paul at shakira!" pag papaliwanag niya sakin at napaisip naman ako dahil may point naman din talaga siya

"P-pero, paano ka naman nakaka sigurado diyan? ha kianna soleil?!" tanong ko sakanya, natigilan siya sa pag aayos niya ng project niya at tumingin ng deretso sakin, tinuro pa niya ang dulo ng hallway na kung saan malapit ang science room namin, tumingin naman ako doon ngunit wala naman akong nakitang kakaiba dun. "Oh anong meron dun?" tanong ko, saka ko siya nilingon habang nakaturo parin ang kanang hintuturo niya sa dulo ng hallway at bigla siyang nag salita "Habang nag lalakad palang tayo, natatanaw ko na silang tatlo" baling niya kila kiana, paul, at tamiya. 

"nakikita 'kong parang natatakot ang mata ni tamiya habang kinakausap siya nila paul, kaya't naisip kong binubully nanaman siya neto" nakinig naman ako sa kinekwento niya. "hindi ko rin akalaing gagawin sakin yun ni tamiya pero di nalang ako nag pahalata" habang nakatingin parin siya sa dulo ng hallway na 'yun. "So ibig mo bang sabihin nag sinunguling lang sayo kanina si Tamiya?" tanong ko sakanya, tumingin naman siya sakin "Sabi ko naman sayo diba, hindi ako basta-basta naniniwala sa paligid ko" seryosong sabi niya sakin.

"P-pero bakit? pano mo nalalaman? like ba't parang wala lang sayo kahit alam mo ng nag sisinungaling siya?" interesadong-interesado talaga akong malaman kung ano ang tunay na dahilan, ngunit hindi ko naman p'wede lahat malaman ang totoo. "Dalawa lang naman ang dahilan kung bakit nag sisinungaling ang tao--" tumingin pa siya sa kawalan at saka bumuntong hininga. "it's either na makakabuti sakanya o makakabuti sayo yung dahilan kung bakit sila nag lilihim" nakangiting sabi niya pa sakin, tumingin naman siya sa mga mata ko, "kaya for me, hindi ko nalang sila paaminin dahil baka ako lang din naman ang masaktan dahil sa mga katotohanang makakasakit din sakin sa huli." nag simula ng mamuo ang mga luha sa mata niya. Simula no'n ay hindi ko na siya muling tinanong sa mga ganoong klaseng kaselang tanong, dahil naalala niya lang ang nakaraan niya.

*END OF FLASHBACK*

Bumalik nalang ako sa reyalidad ng mag salita ulit yung may edad na lalaki. "Hey! answer me! what are you two doing?!" galit na sigaw nito sa dalawa. "Eh kasi itong babaeng to!" turo pa ni claudia kay kianna, "Sinabihan ba naman ako ng b*tch kanina at ngayon bad spirit naman?! namumuro na siya dad!"

dO_Ob

d-dad?!

bumaba naman yung tinawag ni claudia na dad at lumapit sakanilang dalawa...

dO_Ob

M-Mr. V-Villamor Mendoza?!

shotutah! kaya naman pala umaarteng mayaman 'tong claudia na'to, eh mayaman din naman pala ang dadey!

"i-is that true soleil?" tanong ni Mr. Mendoza kay kianna, ngunit blangkong titig lang ang sinukli sakanya ni kianna. "Yes"  tugon niya kay Mr. Mendoza. Nanlaki naman ang mga mata ni Mr. Mendoza kay kianna dahil sa sinabi nito sakanya. "Wala ka ba talagang manners?! kianna ha?!"  tanong sakanya ni claudia, ngunit hindi niya pinansin 'to at deretsong nakatingin parin siya kay Mr. Mendoza. "Wouldn't you greet us kianna? didn't you miss us?" tanong ni Mr. Mendoza kay kianna, ngunit may bahid na ito ng pag ka-sarkastiko. Tumawa naman si kianna ng parang nasisiraan ng bait saka biglang sumeryoso.

siraulo amp

"Greet? HAHAHAHAHAHAHAHAA" tumawa na naman siya ng sarkastikong tawa "Bat ko kayo igregreet? close ba tayo?" walang galang at sarkastikong tugon naman ni kianna kay Mr. Mendoza kaya't lalong nanlaki ang nga mata nito. "Tyaka Manners? HAHAHAHAHA kagalang galang ba kayo?" nag simula na'kong kabahan sa mga sinasagot nitong si kianna, baka ma-kick out kaming dalawa ng wala sa oras!  "Stop kianna! matapos ka naming pakitaan ng magagandang asal kianna! ganyan ang isusukli mo samin?!" pigil ang inis na tanong naman sakanya ni Mr. Mendoza

"Magagandang asal?, pinakita? Hahahahaha" tumawa pa ng nakakalokang tawa si kianna "Nag pakita ka lang naman ng magandang asal sa'min dahil sa ginawa mo diba? Tiyaka anong maganda dun? eh ka-plastikan lahat yun?" sarkastiko ngunit seryosong sagot ni kianna kay Mr. Mendoza. Bakas na bakas ang pag kainis ni Mr. Mendoza at ni claudia kay kianna, ngunit mukhang pinipigilan lang nila 'to, dahil alam nilang may nakakakita sa ginagawa nila.

"Sumama ka sakin sa office kianna! mag uusap tayo!" pigil ang inis na utos sakanya ni Mr. Mendoza ngunit hindi naman kumibo si kianna. "May klase pa kami" natigilan naman si Mr. Mendoza. "After your class! pumunta ka sa office ko! mag uusap tayo!" dali-daling bumaba na sila ni claudia.

(KIANNA'S POV)

discuss..

discuss..

discuss..

dismiss..

Nag paalam naman ako kay britany na mauuna na dahil kakausapin ko pa si amor. "Kianna, i-chat mo'ko pag may need ka ha! bye muah muah!" humalik naman siya sa pisngi ko. Sumakay naman ako ng jeep patungong Main building at nag dali daling nag lakad patungong HEAD OFFICE kung saan nandun ang room ng mga HEAD ng school namin, matatagpuan ito malapit sa bulwagan o mas kilalang social hall.

Nang makarating ako do'n, agad 'kong hinanap ang kwarto niya sa loob ng office dahil sobrang laki nun, luminga linga pako sa paligid, at nung makita ko ang office niyang malapit sa Conference Room ay kumatok naman ako ng mahina, dahil baka may meeting sa conference room at baka maka abala ako. Pinag buksan naman ako nung assistant niya at pina upo ako sa sofang nandun kaharap ng table niya, ngunit wala naman siya dun. "Ms. Kianna, sandali lang ha, papunta narin si Mr. Mendoza, gusto mo po ba ng maiinom?" magalang na tanong niya sakin, umiling naman ako.

mahirap na mag tiwala, baka may lason eh

"Hindi na, hihintayin ko nalang siya" sinuklian niya naman ako ng matamis na ngiti, pag tapos no'n ay iniwan niya muna ako sandali dahil may ginagawa pa daw siyang trabaho. Nag scroll scroll muna ako sa Facebook ko at nag share share muna ng memes habang hinihintay si amor. Tumingin naman ako sa pinto dahil bumukas yun, at nakita 'kong si amor yun.

Oo, amor na talaga ang tawag ko sakanya simula nung nangyari ang lahat-lahat.

"Oh you're so early kianna?" sarkastikong tanong niya sakin pero hindi ko nalang siya pinansin at tinignan ko naman ang kabuan ng kwarto niya. Hanggang sa mapansin ko ang isang pigurin ng eiffel tower dun sa tabi ng flower vase niya na nasa ibabaw lamesa, lumapit naman ako dun at hinawakan yun. Iyon ang regalo sakanya ng kuya ko nung nabuhuhay pa 'to. "Ang lakas naman ng loob mo'ng ilagay pa'to dito?" sarkastikong tanong ko sakanya habang hawak hawak ang pigurin na iyon, nagulat naman siya."K-kianna" utal pang sambit niya sakin. Naramdaman ko naman ang pag lapit niya sa likod ko. 

"Bakit mo yun ginawa sa kuya ko?" seryosong tanong ko sakanya habang nakatingin parin ako sa pigurin, agad siyang natigilan. "Anong pag kukulang ng kuya ko sayo? 'Sainyo' anong pag kukulang ha? ano?" pigil ang galit kong tanong sakanya. Agad namang nangilid ang mga luha sa mata ko. "L-look kianna, hindi ako ang may kasalanan nun! hindi ako ang pumatay sa kuya mo!" pag tanggi niya sakin. Humarap naman ako sakanya, at bakas sakanya ang pag kagitla dahil nakita niyang nangingilid ang luha sa mga mata ko. "Eh sino ha? Sino? sino yung nasa video" pigil ang galit kong tanong sakanya, lumapit naman ako ng kaunti sakanya dahilan para mapa atras agad siya. "i-i d-don't know! i-i don't know!" bakas ang takot sa boses niya.

 "Then who? si kuya Zion? na wala naman sa mismong pangyayari nung mamatay ang kuya ko?" natigilan agad siya, "Look kianna! don't treat me as if na ako talaga ang pumatay sa kuya mo ha! hindi naman talaga siya madadamay kung hindi siya pakielamero eh!" galit na sigaw niya pa sakin, nagulat naman ako sa sinabi niya. Nagulat ako sa sinabi niya at kahit siya ay nagulat din sa nasabi niya. Hinawakan ko ang kwelyo niya at inilapit sa kanya ang mukha ko, napa atras pa siya ng konti at napa upo sa sofa'ng nasa tapat ng table niya, ngunit itinayo ko siya ulit habang hatak hatak ko ang kwelyo niya.

nawawala talaga 'yung bait 'ko dito sa matandang 'to eh!

"Anong sabi mo?" napapalunok naman siyang tumingin sakin. "A-ang sabi ko! k-kung h-hindi pakielamero 'y-yang kuya mo! hindi s-siya madadamay!" ulit niya pang sigaw sa mismong mukha ko pero diniinan ko pa lalo ang hawak ko sa kwelyo niya kaya mas lalo siyang na gulat.

*PAAAAAAAAAK*

Sinapak ko siya sa panga, napaupo naman siya sa sofa sa sobrang lakas nun. "D-dad?! OMG!" biglang sigaw ni claudia mula sa pintuan. "What did you do to my dad! kianna!" galit na sigaw niya sakin, ngunit di ko naman siya pinansin at tumingin ulit ako kay amor "Tandaan mo 'tong araw na 'to villamor, hahanap at hahanap ako ng paraan para mapag bayaran mo lahat ng ginawa mo sa kuya ko." nag babaga sa galit na sabi ko sakanya habang siya, humahawak hawak pa siya sa panga niya dahil sa sobrang lakas ng pag kaka sapak ko kanina sakanya, tuluyan naman na akong lumabas ng kwartong yun at sa hindi inaasahan, pinag titinginan na ako ng ibang heads na nandoon, ng biglang...

t-tita shaira?!

"Kianna! let's talk to my office now!"

dO_Ob

-Moonxx__