webnovel

Lies behind those eyes

Zyair Wren Villanueva. One of the smartest, handsome, talented, charismatic bad boy, student from FTHU. He always get in trouble until she met Kianna Soleil Estrada.Talented, famous, and smart. But when it comes to Math, she always fail. She tried her best, but still not enough. Beside that, Kianna has a big problem. It is about her Brother, who died when she was young. Her brother didn't got Justice because the suspect was found guilty. But Kianna didn't give up. She didn't know that Zyair has a secret on her. How long can Zyair cover up his lies? Can Kianna forgive Zyair? [Other chapters are up on my Wattpad account (Moonxx__) I'll just update those EDITED chapters here. Stay tune =>] |FTHU SERIES 1| ©All right reserved

Mccnxx · Teen
Not enough ratings
7 Chs

Chapter 3

(KIANNA'S POV)

"Kianna! let's talk to my office now!" mawtoridad na utos niya sakin. Agad naman akong nakaramdam ng panlulumo. Napatungo nalang akong nag lakad papunta sa office niya at pinaupo naman ako ng assistant niyang nasa loob din ng office. "Hindi ka ba talaga titigil kianna ha?!" galit na sigaw sakin ni tita, napatungo ako lalo. "Kung nabubuhay pa ang kuya mo! alam mo! kahit siya magagalit sa pinag gagagawa mo ngayon!"

alam kong magagalit si kuya kung alam niya mang ginagawa ko to ngayon, pero sorry kuya, ginagagawa ko'to para sa hustisya mo.

"Kilala mo ba kung sino ang sinapak mo kianna?" sarkastikong tanong sa'kin ni tita "Isa lang naman siya sa head ng stock holders ng school na to! At kahit tita mo ko at may shares din ako sa school na to! wala kang karapatan para ganunin si Mr. Mendoza! pwedeng pwede ka niyang i-kick out sa ginawa mo sakanya kianna!" Kulang nalang masampal niya 'ko ngayon sa sobrang gigil niya sa'kin. "Hindi mo man lang siya ginagalang! pati narin ang kuya mo?! hindi mo ginagalang? walang kasalanan si Mr. Mendoza sa pag kamatay ng kuya mo!"

Nagulat ako sa sinabi ni tita shaira, napatingin naman ako ng deretso sakanya habang nag sisimula ng mangilid ang luha sa mga mata ko. "Akala niyo lang yun tita! bakit ba walang naniniwala sa sinasabi ko?! mag tatanim ba naman ako ng galit sakanila kung wala akong nakita? eh sinabi ko naman sainyong may nakita akong ebidensya na si Villamor ang pumatay sa kuya ko! porket ba wala akong pinakitang ebidensya sainyong lahat hindi na kayo maniniwala? nung malaman niyang kinuha ko yung USB na yun sa drawer ng lamesa niyang yun! the next day! biglang nawala sa bag ko?!" pigil ang galit kong sabi sakanya.

"At alam mo ba tita kung anong pinaka masakit?!" nangingilid ang luhang tanong ko sakanya. "Ang pinaka masakit ay ang ka-isa isang best friend ko pa na anak niya, ay kasabwat niya!" biglang nag tuloy-tuloy ang pag tulo ng luha sa pisngi ko. "kaya't hindi talaga ako titigil hangga't hindi nila napag babayaran ang nangyari sa kuya ko! kahit pa sa murang edad 'kong to! kung hindi niyo kaya, ako kaya 'ko, alang alang sa kuya ko!" nag simulang tumahimik ang paligid,  "k-kianna" nasambit nalang niya.

*FLASHBACK 3 YEAR'S AGO FRESHMAN YEAR*

Unang gising ko'ng wala na si kuya

Unang kain ko'ng wala na si kuya

Unang pasok ko ng eskwelahan'g wala na si kuya

Matamlay parin ako simula nung nalaman kong wala na talaga si kuya. Kaya't hindi talaga ako nakakakain ng maayos at hindi parin ako nakakatulog ng maayos. Nang marating ko ang school, ay agad akong sinalubong ni Claudia sa gate. "Kianna! OMG!" gulat pa niyang tawag sakin. "You look pale! Kianna! Didn't you ate breakfast before going to school?!" nag alalang tanong niya sakin, umiling naman ako. "nope, i ate" pormal na sagot ko sa kanya at bigla naman niya akong niyakap ng mahigpit."Hmph"

"hey! i can't breathe! claudia!" tinapik ko ang likod niya para kumalas siya mula sa pag kakayakap sa'kin, inilayo niya naman ang katawan niya saka humarap. "Are you okay soleil?" tumango naman ako bilang pag tugon sakanya kahit na sobrang lutang ko nitong nag daang araw. "Nope you're not! what do you want?! do you want to eat?! do you want me to buy you a new verision EXO lightstick?! do you want me to buy you a ticket for their upcoming con--" tinakpan ko ang bunganga niya dahil andami ng napapatingin na estudyante sa'min sa sobrang ingay niya. "Ang OA mo!" sabay irap ko sakanya at natawa naman siya. "pero seryoso? bibilhan mo ko ng ticket sa con!--" nakangiti pang tanong ko, natigilan naman ako sasabihin ko dahil tinakpan niya rin ang bibig ko. "Okay kana nga, nakakapag ungot ka na ng ganyan eh!" singhal niya sakin at nginiwian ko naman siya. 

"oo na bibilhan kita ng concert ticket! but in one condition! promise me, that you'll eat on time okay? 'wag mong sarilihin ang lungot kianna, nandito kaming lahat okay, don't be sad na arraseo?" nakangiting sabi niya sakin, inakap niya naman agad ako. "Thank you claudia for always comforting me! you're the best best friend forever! i love you!" nakangiting tugon ko at hinalikan niya naman ako sa pisngi. "Kianna, nga pala pinapatawag ka sakin ni daddy, punta ka daw sa office niya now, dahil may ibibigay daw siya sayo"

Hinatid naman ako ni claudia sa Head office kung saan nando'n din ang office ng daddy niya. Pag pasok namin sa office ng daddy niya, pinaupo pa niya ako dun sa sofang katapat ng table ni tito. "Hintayin mo muna siya dito kianna, i'll be back, pinapatawag kasi ako nung president ng club na sinalihan ko kanina eh, eh sakto nakita kita, mamaya maya lang din nandiyan na si daddy, bye!" kumaripas na siya ng takbo papalabas. "okay, take care!" sigaw ko upang marinig niya. Mga nasa mahigit kinse minutos narin akong nag hihintay sa office ni tito, nilibot libot ko naman ang mata ko sa office niya at natanaw ko ang pigurin ng Eiffel tower sa ibabaw ng table niya. Katabi nun ay ang mga libro, papeles at kung ano ano pang bagay.

Parang nakita ko na 'to sa kwarto ni kuya dati?

*RING*RING*RING*RING*

Nagulat ako sa tunog na yun, at kagad ko namang hinanap kung saan nanggaling ang ring ng cellphone na yun. Hanggang sa marining ko yun malapit sa drawer ng table ni tito. Binuksan ko yung drawer at nandun nga ang isang de keypad na cellphone na kulay black.

alam ko touch screen ang cellphone ni tito eh?

Nang kukunin ko na ang cellphone na yun, ay bigla namang tumigil sa pag tunog yun, kaya't nilagay ko nalang siya muli sa pag kakaayos niya kanina ngunit, hindi ko pa man din nalalagay yung cellphone, ay may nahagip naman ang mata ko. Isang maliit na USB na may masking tape na nakadikit dito at nakasulat "CX 09/28/78"

09/28/78? b-birthday n-ni kuya?!

At dahil na curious ako dito, at dahil nandito ang Birthday ni kuya, kagad ko 'tong kinuha. Luminga linga muna ako sa paligid at tinignan kung may nakatingin, pero wala naman. Dali-dali 'kong isinaksak ang USB na yun sa computer ni tito saka tinignan ang mga laman nun ngunit isa lang ang laman nito, at video pa!

"칼 릭스"

*Translation: Calix*

Nagulat ako sa nakapangalan dun sa video na yun at kagad 'kong pinanood yun. Madilim ang video pero mapapansin mo parin kung nasaan sila.

BASEMENT?!

Pamilyar ang basement sakin na yun, at ang basement na yun ay walang iba kung 'di sa bahay lamang nila claudia!

Villamor: Ano Calix?! Suko Kana Ba?!

Calix: A-amor, h-hindi k-ko na kaya.. AHHHHH!!!!

dO_Ob

k-kuya!!

kitang kita sa video na hini-hazing siya ng mga hindi ko kilalang lalaki at natatawa pa sila habang pinapalo ang kuya ko! Agad akong nakaramdam ng galit dahil alam 'kong boses yun ni tito amor! at si tito amor pa talaga ang may hawak nung video recorder!

Anong pag kukulang ni kuya sayo? bakit mo siya ginanito?

Villamor: Ano?! gusto mo bang madamay ang kapatid mo?! HAHAHAHAH

Calix: A-amor wag! please! w-wag si kianna! w-wag ang pamilya ko! a-ako nalang!----AHHHHHHHH!!

Nangilid ang luha ko dahil sa ginagawa nila kay kuya sa video, ngunit nung sinabi ni kuya yung pangalan ko ay mas lalong tumulo ang mga luha sa pisngi ko.

k-kuya...

Villamor: HAHAHAHAHAHAHAHA eh kung hindi ka sa'min nangielam sa away namin Zion, edi sana, payapa kang namumuhay kasama ang pamilya mo ngayon? kesa si zion ang pinapatahimik ko ngayon, nadamay ka tuloy awwwww

Calix: D-dahil wala naman talaga siyang kasalanan a-amor! kung hindi ko siya pinigilang hindi sumama sa masamang gawain mo, hindi mangyayari 'to. P-pwede ka naman kasi gumawa ng maganda sa kapwa! h-hindi mo na kailangan mangloko!---AHHHHHHHHHHHHHHH

PInalo niya ng kahoy sa ulo si Kuya!

Villamor: ooopsss.. 'di sadya!

hindi ko na kinaya panoorin ang video kaya kaagad 'kong kinuha ang USB na yun at inilagay sa pouch saka ipinasok yun Bag 'ko.

Pag babayaran mo to tito amor, hindi pwedeng mamatay ang kuya ko ng walang hustisya.

Kaagad akong lumabas ng office na yun at nag lakad papalabas ng Head office at nag punta papuntang oval. "K-kianna!" tawag sakin ni claudia mula sa canteen

hindi 'ko siya pwedeng pag initan dahil una sa lahat, hindi niya naman kasalanan ang nangyari, at demonyo niyang tatay lang ang dapat managot.

"Nag kita na kayo ni daddy?" inosenteng tanong niya sa'kin. "A-ahh hindi pa, umalis, muna ko kasi antagal ni tito eh" pag sisinungaling ko, dahil ayaw ko siyang mamroblema sa kagagawan ng tatay niya.. "Oo nga eh, buti nalang maaga ka pumasok kun'di baka nalate ka, kung inintay mo pa siya"

"Mmm" tipid nasagot ko nalang sakanya. Hindi ko maiwasang makaramdam ng konting inis sakanya dahil tatay niya ang may kasalanan kung bakit nawala ang kuya ko. Ngunit pinigilan ko parin ang inis dahil hindi siya karapat dapat madamay sa gulong ito. "Kumain kana ba ng breakfast?" tanong niya sakin at tumango naman ako. "Halika na kain ka ulit para mag kalaman kana ulit!, tignan mo 'yang mukha mo oh! mukha kanang kalansay!" turo niya pa sa mukha ko. "s-sige" pag sangayon ko sakanya at tyaka naman kami dumertso sa canteen

"What do you want to eat?" tanong niya sakin. "Kahit ano" walang ganang sagot ko sakanya kaya ngumiwi naman siya. "sige na ako na bahala, basta kakainin mo ha!, hanap kana ng uupuan natin" nag hanap naman ako ng mauupan namin. Ng makaupo ako, ay nag isip naman ako ng nag isip dahil dun sa nakita ko.

kailangan ko'ng ipakita ang USB na'to kila mommy at sa pulis, para mapa kulong si Tito amor

Maya-maya lang ay dumating na si Claudia dala-dala ang napakaraming pagkain. "Here's your food!" masayang baling niya pa sakin at inilapag lahat ng pagkain sa harap ko. "A-ang dami naman niyan?" tanong ko sakanya at tumawa naman siya. "Hahahaha, of course! sabi ko naman sayo, mukha ka ng kalansay! kaya need mo ng mag pataba ulit!" biro niya naman sakin, tinignan ko lang siya ng masama. Nang matapos 'kong kainin "lahat lahat" ng yun ay nag ring na ang bell at nag punta nakami ni claudia sa first subject namin.

Nag didiscuss ang Filipino teacher namin, pero wala akong maintindihan, dahil walang ibang laman ang isip ko kung hindi ang napanood ko sa video na yun.

discuss.. discuss..discuss..dismiss

"A-are you okay kianna?" nag aalalang tanong sakin ni claudia habang nag lalakad kami sa hallway ng 1st floor. "O-of course!" pilit ang ngiting sagot ko sakanya at bigla namang sumeryoso ang mukha niya. "No you're not. I saw you, you didn't listen to the lecture a while ago. Hindi ka ganun kianna! 'Pag may lecture! lagi kang nag susulat ng notes! but now? nakatingin ka lang kung saan! what happened to you?" nag aalalang tanong niya sakin ngunit hindi ko naman siya sinagot hangang sa.....

*RING*RING*RING*RING*

Nag ring ang phone ni claudia at kagad niya namang sinagot yun. "Hello?!---S-sige s-sige! pababa nako diyan dad! bye love you!" paalam niya pa dito. Nakaramdam ako ng inis nung marinig kong tatay niya 'yung tumawag..."Kianna! wait lang ah, excuse mo muna ako sa next subject natin... pinapatawag kasi ako ni daddy eh" tumango nalang ako bilang tugon, agad naman siyang tumakbo patungong hagdan. "S-sige, i-ingat" sigaw ko habang pinagmamasdan siya sa malayo.

(KINABUKASAN)

"Okay guys, bago kayo umuwi, may group project kayo, this is all about Philippine's Democracy, gusto ko kayong gumawa ng diorama all about Philippine's Democracy" Si Ms. Pineda, AP teacher namin. "depende nalang sainyo, kung sino-- o ilan ang makaka grupo niyo.. hanggang 2 or 5 lang ang pwedeng ka grupo ha" paalala pa samin miss. "kung may tanong kayo, just ask me, okay? see you on monday! dismiss!" wala namang nag tanong kay miss kaya't dali-daling lumabas na ang mga kaklase namin.

"Kianna! partner tayo ah!" masayang tawag sakin ni claudia."s-sure" pilit ang ngting sinukli ko sakanya. "wala na ba tayong ibang isasali sa group natin?" tanong ko sakanya. "Wag na, hahaha, tayo nalang, kaya na natin yan! sa bahay mo tayo mamaya ah!"

gusto ko sana sa bahay nila kasi baka mas madami pa'kong ebidensya ang makauha dun eh...

"ayaw mo sa bahay niyo? mas malaki dun eh? tyaka miss ko na din si tita leah!" baling ko sa mommy niya dahil medyo matagal narin simula nung huling mag kita kami ng mommy niya. "h-huh? e-eh, m-makalat sa bahay eh, t-tyaka, may bisita sila daddy and mommy, baka kasi makaabala tayo" pilit ang ngiting sagot niya sakin.

hindi kaya... nalaman niya yung ginawa ng daddy niya kaya iniiwasan niya 'kong pumunta sa bahay nila?

Mas lalo pa'kong kinabahan sa naisip ko na 'yun. "H-halika na! punta na tayo sa bahay niyo! miss ko na rin si tita sheena eh!" pag iiba nya ng usapan, sabay naman kaming nag commute papunta sa bahay namin. "Oh! Claudia?! it's been a long time!" pilit ang ngiting bati ni mommy kay claudia. Pinapakita niyang okay siya pero alam 'kong malungkot parin siya dahil dun sa nangyari kay kuya. Hindi ko pa napapakita kay mommy yung USB dahil baka lalo siyang ma-depressed kung makikita niya lang kung pa'no pinahirapan si kuya ni tito amor.

"Omaghad tita! mas lalo kang gumanda!" puri pa ni claudia sakanya at natawa naman sakanya si mommy. "ikaw talaga hahaha, ikaw din naman noh! mas lalo ka'ng sumexy oh!" turo pa ni mommy sa katawan ni claudia at nag tawanan naman silang dalawa. "Nga pala tita, condolence, huhu" pag iiba ng usapan ni claudia, nangingilid pa ang luhang tumingin siya kay mommy. Ngunit hindi na siya nagawang sagutin ni mommy dahil baka maalala niya na naman 'yung pag kamatay ni Kuya.

"Oh sige na kianna, paakyatin mo muna si claudia sa taas, at ipag hahanda ko lang kayo ng meryenda ha" pagiiba ng usapan ni mommy, agad ko naman siyang sinunod at umakyat naman kami sa kwarto ko. Pinaupo ko si claudia do'n sa sofa malapit sa closet ko at inilapag ko naman ang mga gamit ko sa kama. "Claudia, mag papalit lang ako ng pang bahay ha, jan kamuna" baling ko sakanya at saka ako pumasok ng CR para mag palit. Pag kalabas ko ay nakita 'kong may pinapasok sya sa loob ng bag niya pero hindi ko na yun pinansin dahil baka kung ano lang naman 'yon.

"Halika na! start na tayo" aya ko sakanya at saka kami nag start gumawa ng diorama. Maya-maya pa ay napatingin ako sa wall clock ko at nakita 'kong 8pm na. "Claudia, ako na tatapos nito, umuwi kana, gabi na oh" baling ko sakanya, napatingin din siya sa wall clock. "O-Oo nga, kaso, nakakahiya naman sayo kianna, ikaw pa ang gagawa nito?" tanong niya sakin habang nakaturo dun sa project namin. Ngunit wala naman akong choice dahil baka may mangyari pang masama sakanya 'pag ginabi siya ng uwi. "No problem, ang mahalaga, makauwi ka ng safe" Ngumiti naman siya sa'kin. Inimis imis ko muna ang mga gamit namin at tyaka tumayo at tinulungan ko naman siyang ligpitin ang mga gamit niya

"Gusto mo kumain ka muna dito?" tanong ko sakanya, dahil kanina pa since nung dinalhan kami ng pagkain ni mommy, baka nagugutom narin kasi siya. "Nako, dun nako samin, diba sabi ko sayo, may bisita sa bahay, kaya baka hinahanap narin ako samin, kaya kailangan ko narin talagang umuwi" nakangiting sagot niya sakin. "sige, hatid nakita sainyo--" agad akong natigilan, "W-wag na wag na!" sigaw niya sakin habang hinahawi-hawi pa ang dalawang kamay bilang pag tanggi.

Gulat naman akong napatingin sakanya dahil sa sigaw niyang yun. "o-okay?" awkward na sagot ko nalang sakanya. Hinatid ko nalang siya hanggang sa labas ng gate namin. "take care!" paalam ko sakanya at tumango naman siya. Pumasok na'ko sa loob namin at kagad naman akong umakyat ng kwarto ko. Umupo pa muna ako sa sofa ko at nag inat-inat ng katawan.

medyo weird si claudia ngayon ha?

hindi kaya?!

kinuha ko agad ang bag ko at kinuha ko ang maliit na pouch na nandun at kagad na binuksan yun.

dO_Ob

Wala yung usb!

kinuha ko ang bike 'ko at agad akong tumakbo pababa saka dumeretso sa garahe kung saan naka park 'yung bike. Napapahawak ako ng sobrang diin sa manibela nung bike dahil sa sobrang inis, hanggang sa makarating ako sa harap ng bahay nila claudia. Nakaramdam ako lalo ng galit dahil nag sinungaling na naman siya sa'kin ngayon. Akala ko ba may bisita sila ngayon? eh bakit napaka tahimik ng bahay nila? Dali-dali akong kumatok at binuksan naman ni Claudia 'yung mismong pintuan. "M-mom there's a visitor!---" gulat pa siyang natigilan nung makita niya 'ko

"k-kianna? w-what are you doing here?" utal-utal na tanong niya sa'kin. Isasarado niya sana muli ang pinto ngunit pinigilan ko siya. Hinatak ko siya papalabas ng pinto nila. "Claudia may nalaman ka ba?" pormal na tanong ko sakanya, napalunok naman agad siya. "W-what? a-anong n-nalaman?!" takang tanong niya sakin pero bakas ang kaba sa mga mata niya habang nakatingin ng deretso sakin. "M-may nalaman ka about sa kuya ko?" dere-deretsong tanong ko sakanya habang nakatingin sa mga mata niya. Agad niyang iniiwas ang paningin niya sa'kin saka tumingin sa kung saan.

"N-nothing? w-why would i? hindi naman ako pakielamera? kianna?-- pinag bibintangan mo ba'ko?" inis na tanong niya sakin, ngumisi naman ako. Pag bibintang na ba kaagad 'yon? Oh geez Claudia! "No, ba't naman kita pag bibintangan? Eh alam 'kong hindi ka naman mag sisinungaling' sakin diba?" umaasang tanong ko sakanya, Oo, umaasa akong hindi siya sa'kin nag sisisnungaling ngayon dahil kahit mahirap, papatawarin ko siya sa pag sisinungaling niya about do'n sa kanina. Ngunit hindi parin siya umamin.

"O-of course!" nag simula ng gumaralgal ang boses niya. "Then bakit kunuha mo 'yung USB sa bag ko?" pang huuhuli 'ko sakanya, lalo namang nanlaki ang mga mata niya. "W-what?! w-wala a-akong kinuhang U-USB sa p-pouch mo!" sigaw niya sakin. Sarkastiko naman akong tumawa sa harap niya, agad na nag bago ang reaksyon ng mukha niya, nag tataka. "hahaha, chill, claudia-- pano mo nalamang sa pouch ko nilagay yung USB? eh wala naman akong sinabing sa pouch nilagay yun? ang sabi ko lang sa 'Bag' claudia! sa 'bag!" galit na sigaw ko sakanya at ngitla naman siya

"Oh eh ano naman kung kinuha ko yung USB 'namin' kianna? sayo ba yun?" sarkastikong tanong niya pa sakin.

dO_Ob

"Anong sinabi mo?!" kinuha ko ang kaliwang palapulsuhan niya dahil sa sobrang pag kagalit."Sa-yo ba yu-ng U-S-B Ha?!--" ulit niya pa ngunit hindi ko na napigilan ang sarili ko at na sampal ko siya."A-anong sabi mo?, tinatanong mo sakin kung sakin yung USB?" napangisi ako sa sobrang di pag kapaniwala sa sinasabi niya sa'kin ngayon. "Edi inyo na yung USB! isungalngal ko pa sayo eh!"

"Y-you! theif!" gigil na tawag niya pa sakin! habang naka duro yung kanang hintuturo niya sa dibdib ko. Ngunit agad siyang napaatras nung lumapit ako sakanya. "Theif? ako?" turo ko pa sa sarili ko "Eh yung tatay mo anong tawag? criminal---murderer?" sarkastikong tanong ko at natigilan naman siya saka sumeryoso ang mukha."Bakit ba kasi nag hahanap ka parin ng hustisya sa namayapa mong kuya?" seryosong tanong niya sakin. Agad na kumulo ang dugo ko sakanya no'n, tila ba hindi ko na mapigilan ang sarili 'kong hindi siya masaktan, ngunit mas pinili kong huminahanon.

Parang ibang iba talaga ang 'tong claudia na nasa harapan ko

hindi siya yung claudia na nakilala ko

hindi siya yung claudia na sasagutin ka ng pabalang

hindi ka niya babastusin...

pero ngayon? kinikwestyon niya 'yung pag hahanap ng hustisya para sa kuya ko?

"Alam mo kung ako sayo, manahimik kana lang, para matapos na 'tong problemang to" pinag-kros niya ang dalawang kamay at saka seryosong tumingin sa mga mata ko. "Kasi naman eh, bakit ba kasi nasa dugo niyo ang pagiging pakielamera---" natigilan siya sa sasabihin niya dahil sinampal ko ulit siya.

"Ikaw! nakaka dalawa kana ha!" inis na sigaw niya sakin, inambahan niya pako ng sampal pero napigilan ko agad ang braso niya. "ikaw!" Sigaw ko pa sakanya at hinigpitan ko ang pagkakahawak sa braso niya "'Wag na wag mong gaganyanin ang kuya ko ha! wag na wag mong kwe-kwestyunin kung bakit ako nag hahanap ng hustisya para sakanya!" natauhan kaagad siya sa sigaw 'kong yun sakanya. Mas hinigpitan ko pa ang pag kakahawak sa braso niya at pilit niya pang kinakalas kalas to mula sa pag kakahawak ko.

Inilapit ko naman ang mukha ko banda sa kanang tenga niya saka bumulong "Dahil 'pag ginawa ko din yan sa tatay mo, baka kahit kailan, 'di kana makahanap ng ebidensya" ngi-ngisi ngisi pang bulong ko sakanya at tyaka ko pabatong binitawan ang braso niya. Sumakay na'ko sa bike ko at iniwan siyang tulala do'n. Simula no'n, hindi na'ko muling nakatanggap ng balita sakanya.

*END OF FLASHBACK*

Hanggang ngayon ay nangingilid parin ang mga luha sa mata ko habang naiisip ang lahat ng nangyari noon. "M-may klase pa po ako tita" agad akong tumayo at nag paalam sakanya. Hindi naman na ako nag salita pa at deretso nalang ng lumabas ng office niya.

kahit pa tatlong taon na ang nakalipas hindi ko parin makalimutan ang nangyari sa kuya ko.

hindi ako matatahimik hangga't di ko siya nabibigyan ng hustisya.

Nag lakad ako papuntang MTVES at tumambay ako sa bodegang nasa dulo nun. 'Yung dulong lugar na yun ng mtves ay abandonado na. Marami narin ang mga sira sirang upuan ang nakatambak dun at masyadong madalim ang parteng yun. Ni-hindi nga ata alam ng ibang estudyante na nag eexist ang bahaging 'yun sa mtves eh, sayang naman. Kumuha ako ng isang upuan dun, saka ako umupo at inilabas ko lahat ng sama ng loob ko dun. Para akong batang hagulgol ng hagulgol kakaiyak... hanggang sa...

*BLAAAAAAAAG*

Napatingin ako kung saan nanggaling ang tunog na yun...tinulak nung senior yung babae! Sa sobrang lakas nun, tumimbewang pa yung babae at nag kalat naman ang gamit niya sa lapag. Hindi ko sila masyadong makita dahil masyado silang malayo sakin at nasa madalim na parte sila nung bodegang 'yun. Nakatalikod naman yung lalaki mula sa kinakaupuan ko at yung babae naman ay nakaupo papaharap sakin, pero hindi niya 'ko kita dahil nakatuon ang paningin niya dun sa lalaki'ng yun.

Wala talagang makakakita sakanila dahil, nasa tagong parte kami at mukhang kami lang tatlo ang nandoon. Mangilid-ngilid na ang luha nung babae nung tumingin siya dun sa mata nung senior. Kakapa-kapa pa niyang pinulot ang salamin niya sa mata na nabasag dahil natapakan ito nung senior na tumulak sakanya. Nahirapan siyang ayusin ang gamit niya na nag kalat sa lapag dahil nahihirapan siyang makakita.

"A-ano p-po bang g-ginawa k-ko s-sainyo?" takot na takot na tanong nung babae dun sa mukhang senior na yun. "Wala" normal na sagot nung lalaki sakanya. "P-pero b-bakit n-niyo p-po ako ginanun" 

sa palagay ko ay grade 10 din 'to tulad ko, dahil naaninag ko ang ID lace niya, kulay navy blue ito, ganun ang ID lace ng grade 10 sa FTHU.

"Wala lang, trip ko lang" seryosong sagot nung lalaki sakanya kaya't humagulgol naman ng iyak yung babae. Agad akong nakaramdam ng awa para sakanya. Sa tingin ko, palagi siyang binubully ng mga kaklase niya. "Ano ba! ang ingay mo! ayaw ko ng maingay!" sigaw pa nung senior na yun sakanya at tyaka naman sinipa sipa ang mga gamit niya. Hindi ko namamalayang napapahawak na pala ako ng mahigpit dun sa arm desk na inuupuan ko dahil sa pagka gigil ko dun sa ginagawa nung lalaki sa babae, nawala sa isip 'kong sira nga pala yun.

*KRAAAAAAK*

shet! nasira!

Gulat naman akong napatingin sakanila. At dahan-dahang humarap 'yung lalaki sakin dahil sa ingay na narinig niya

dO_Ob

yung senior na nakabanggaan ko kanina?!

"Hoy!" sigaw nung senior sakin."lumabas ka diyan! alam 'kong nakikita mo'ko!" agad akong kinabahan ngunit inayos ko ang tindig ko at hinarap siya. "baket, anong kailangan mo sakin?" pinag mukha 'kong normal ang boses ko para hindi niya isiping takot ako sakanya 'no! "HAHAHAHAHAH! Ikaw na naman? ba't ba lagi mo 'kong sinusundan?!" pang aasar niya sa'kin. Agad naman akong nakaramdam ng paninikip ng dib-dib dahil nakita ko na naman ang mayabang na 'to.

d-_-b

"Gago ka ba?" seryosong tanong ko sakanya ngunit natawa lang siya. "Pick up ba yan? hahahaha, oh sige bakit?" saan nanggaling 'yung confidence nito?! oh geez! "Eh kasi-----Gago kang talaga HAHAHAHAHA" tumawa naman ako ng malakas at napansin 'kong sumeryoso ang mukha niya kaya't natahimik rin ako. "ikaw, na mumuro kana sakin ha, baka gusto mo'ng gawin ko sayo 'tong ginawa ko sa babaeng 'to" pananakot niya sa'kin. 

Hindi ko nalang siya pinansin at nilapitan ko yung babae saka inilahad ko naman ang isang kamay ko sakanya,  hinawakan niya naman yun at tinulungan ko siyang tumayo. Tinulungan ko rin siyang ayusin ang gamit niya'ng nakakalat sa lapag. "Hoy miss! wala ka bang naririnig ha!" galit na sigaw niya sakin pero hindi ko parin siya pinansin at tuloy tuloy parin ako sa pag aayos ng gamit.

Nagulat nalamang ako ng hawakan niya ang braso ko. "Ano'ng gingawa mo!" sigaw ko sakanya habang nakatingin ng deretso sa mata niya. "hindi mo ba talaga titigilan yan--" napahinto siya sa sasabihin niya. "Umalis nakayong dalawa! umalis nakayo dito!" sigaw niya sa'ming dalawa nung babae habang nakatingin siya sa malayo, ambang titingin din ako sa tinitignan niya ngunit napigilan niya agad 'to. Tinakpan niya ng kamay niya ang mata ko upang hindi ko makita yung tinitignan niya.

dO_Ob

"ahhhh!a-ano ba! d-di ako makakita!!" angal ko, pilit 'kong inaalis ang kamay niya sa mata ko dahil sobrang higpit no'n baka mabulag na'ko sa contact lens ko non. "umalis nakayo dito, at wag kana mag papakita ulet sakin ha! naiintindhan mo ba!" 'pag babanta niya sa'kin. Hindi ko na siya pinansin pa at hinila ko yung babae saka hinatak papalabas ng mtves.

"Okay kalang?" nag aalalang tanong ko dun sa babae. Tinignan ko ang kabuuan niya, baka kasi may galos siya. "o-okay l-lang salamat ha" ngumiti naman siya sa'kin. Inilabas niya ang nabasag niyang salamin saka inayos 'yon, agad ko siyang pinigilan dahil baka masugatan pa siya. "'wag mo ng gamitin yan" agad naman siyang natinag at gulat na napatingin sa'kin. 

"P-pero, h-hindi k-kasi ako makakauwi dahil hindi ko makikita ang daan pauwi samin, k-kaya kailangan k-ko mag salamin" agad akong nakaramdam ng awa nung sabihin niya yon. Siguro nga ay wala siyang nagiging kaibigan sa way ng pag sasalita niya, masyado siyang nerd. Agad akong nakaisip ng paraan upang hindi siya mahirapan sa pag uwi niya. "Samahan mo ko" yaya ko sakanya, hindi na siya nakapag salita pa dahil hinila ko ang braso niya pasakay sa jeep at dinala siya sa mall. "s-saan tayo pupunta?" nag aalinlangang tanong niya sakin pero hindi ko na siya sinagot at dumeretso nalang sa eye clinic.

"Good afternoon, How can i help you" masayang bati sa'min nung sales lady. "Papagawan ko po siya ng salamin" sabi ko dun sa sales lady. Agad namang napahawak sa'kin 'yung babaeng kasama ko. Hindi ko tuloy alam anong itatawag sakanya dahil hindi ko pa natatanong kung anong pangalan niya. "P-pero wala akong dalang pera ngayon.... kinuha kasi nung ibang s-senior kanina" napapatungo pang sabi niya, kaya mas lalo akong nakaramdam ng inis dun sa senior na 'yun kanina!

"'Di bali, ako na mag babayad ng salamin mo" nanlaki naman ang mga mata niyang tumingin sa'kin, ngunit agad akong tumango-tango upang malaman niyang okay lang sa'kin 'yon. "S-salamat talaga! salamat!" sinuklian ko naman siya ng matamis na ngiti. "Nga pala, anong pangalan mo?" agad na tanong ko sakanya dahil baka makalimutan ko na namang tanungin sakanya mamaya.

"A-ah, Keziah--" natigilan siya ng biglang lumapit 'yung sales lady sa'min at tinawag na siya upang sukatan ng salamin. Maya-maya lang ay lumabas na siya. "Kamusta, ano daw ang grado mo?" nanlulumo naman siyang tumingin sa papel na hawak niya. Agad ko naman siyang nilapitan at tinignan rin iyon. "300 daw y-yung left t-tapos 470 n-naman yung r-right" utal utal na sagot niya sakin. Napansin kong kinakabahan siya ngayon, "Okay kalang ba?" tanong ko sakanya. "O-oo" tanging tugon niya.

"eh bakit nauutal ka?" takang tanong ko na siyang ikinagulat niya. "K-kasi, i-ilang beses ng nababasag y-yung salamin ko eh, h-hindi rin alam ni mommy na b-binubully ako sa school.. k-kaya sariling pera ko ang pinang papagawa ko ng s-salamin, pero ngayon k-kasi, pati pera ko, k-kinukuha narin ng ibang s-senior na nang bubully sakin" nag simula ng gumaralgal ang boses niya habang nag kwekwento sa'kin. Agad kong kinuha ang panyo mula sa bulsa ko at ibinigay sakanya iyon.

"Akong bahala sayo!" wala sa sariling sambit ko habang nakatingin sa kawalan. "h-huh? P-pero mapapahamak ka! baka may mangyaring masama sayo!" takot na takot niyang sabi sa'kin. Taka naman akong napatingin sakanya, ngunit agad kaming natinag nung biglang ibigay nung sales lady yung salamin niya. Pag katapos no'n, lumabas na kami ng mall at nag hanap ng masasakyan pauwi. "Ano nga ulit pangalan mo?" tanong ko ulit sakanya dahil hindi ko pa nalalaman ang buo niyang pangalan kanina. "k-keziah chavez... ikaw?"

"Kianna Soleil Estrada" ngumiti naman siya. "A-ang ganda naman ng pangalan mo" papuri niya pa sakin. "Ikaw din naman eh, hindi lang pangalan ang maganda sayo, pati ikaw" tumawa naman siya at hinampas pa'ko ng mahina sa balikat.

"Salamat talaga ha. Tatanawin ko talagang napakalaking utang na loob 'to sayo" seryosong sambit niya habang nag lalalad kami papalabas ng mall. "Asus wala 'yon, by the way anong section ka nga pala? mukhang grade 10 ka pero di kita masyadong nakikita eh" natawa naman siya. "hahaha, oo grade 10 narin ako, section B, 'di lang talaga ako masyadong active dahil mahiyain talaga ako... idagdag mo pa yung pagiging nerd at madaming ng bubully sakin? hahahaha kaya mas pipiliin ko nalang mag tago" nakangiting kwento niya pero kitang kita ko sa mata niya na nasasaktan na siya. Naalala 'ko sakanya yung sarili ko dati.

*FLASHBACK*

Umuwi ako ng bahay na ginaw na ginaw dahil binuhusan ako ng isang galong tubig na may yelo ng mga kaklase ko kanina habang nasa eskwelahan ako. "K-kuya! k-kuya!" nang hihinang sigaw ko sakanya agad siyang natinag sa ginagawa niya saka kumuha agad ng tuyong towel at dali-daling lumapit sakin. "s-soleil! what happened to you?!" nag aalalang tanong niya sakin pero hindi naman ako nakasagot dahil nanghihina na'ko. Yinakap niya ako ng mahigpit, at doon na tuluyang bumuhos ang luha ko.

"Mag palit ka ng damit mo, aalis tayo"  utos niya sakin. Kinuhaan niya naman ako ng damit sa kwarto ko at binigay yun sakin. Nang matapos ako mag palit ay dumeretso kami sa garahe at sumakay naman ako sa kotse niya. Umupo ako sa shotgun seat kung saan katabi ko si kuya at binuksan niya naman ang radyo niya at nag patugtog.

Maya-maya lang ay huminto kami sa isang parke ni kuya. Bumaba kami ni kuya ng kotse at nag lakad papunta sa entrance. Habang papasok hindi ko maiwasang hindi humanga sa lugar na 'yon, napakaganda nung parke! Mala forest ang datingan niya kaya't mas lalo akong napahanga. Mahaba-haba pa ang nilakad namin hanggang sa makarating kami sa mala bundok na papataas na yun. Umakyat kami dun ni kuya at sakto naman, may bakanteng upuan kaya't umupo naman kami sa tabi ng mga bulaklak na naka paligid dito.

*FOR IMAGINARY PURPOSES :>*

"kianna" biglang tawag sakin ni kuya habang nakatingin siya sa malayo. "Y-yes kuya" inosenteng tanong ko habang nakatingin sakanya. "I know you're not okay, may ng bully na naman ba sayo?" seryosong tanong niya habang nakatingin parin sa malayo. Agad namang nangilid ang luha sa mga mata ko ng maisip ko lahat ng mga ginagawa sakin ng kaklase ko.

"shhhh... kianna don't cry...kuya will always be here.. okay baby?" malambing na pag papatahan niya sakin. Agad naman akong tumahan ng bigla niya akong yakapin. "b-but kuya..hindi k-ko n-na po alam ang gagawin ko... lagi nalang p-po akong binubully ng classmate k-ko k-kasi mataba daw po ako, hindi daw po ako matalino kuya!" humihikbing sumbong ko sakanya, inilayo niya naman ang katawan niya mula sa pag kakayakap sakin. Tumingala siya at animo may hinuli na kung ano. "Kianna.. look at it" napatingin ako sa hawak niya, dahan-dahan naman niyang ibinuka ang palad niya.

b-butterfly?!

"Isn't beautiful?" agad akong tumango at hinawakan pa ang pak-pak no'n. "Did you know that a butterfly was once a larva?" taka naman akong tumingin sakanya. "Yes kuya."

"But look at her know. She's stunningly beautiful right?" tumango naman ako sakanya at saka niya pinakawalan ang paro paro na yun, "Look at this flower... it was once weak and small... pero look at it... she is now big and beautiful... at andami daming dumadapo'ng butterflies and bee's sakanya right?..." hindi ko parin makuha ang punto niya. Am i really that stupid?

"Alam 'kong dadating ang panahon kianna na, lahat ng tao mag kakagusto sayo at hahanga sayo, dahil naniniwala ako sa talento'ng taglay mo, lahat ng mga umaaway sayo, 'wag mo lang pansinin yun, kasi lahat ng sinasabi nila sayo, yun pa ang mas mag papalakas sayo para mas lalo ka'ng tumatag at tumibay. Always remember, That you're once a flower about to bloom and you're once a butterfly without wings, but when the time comes... you'll stunningly beautiful and can fly above the sky and achieved all your dreams." hind ko namalayang tumulo na ang luha sa pisngi ko.

"kuya.... i love you" agad ko siyang inakap ng mahigpit. "I love you more Kianna" malambing na sagot niya sakin habang hinihimas himas ang buhok ko. "Kuya promise me, that you'll never left me and always protect me okay?"

"Of course" nakangiting sagot niya sakin....

(END OF FLASHBACK)

-Moonxx__