webnovel

Lies behind those eyes

Zyair Wren Villanueva. One of the smartest, handsome, talented, charismatic bad boy, student from FTHU. He always get in trouble until she met Kianna Soleil Estrada.Talented, famous, and smart. But when it comes to Math, she always fail. She tried her best, but still not enough. Beside that, Kianna has a big problem. It is about her Brother, who died when she was young. Her brother didn't got Justice because the suspect was found guilty. But Kianna didn't give up. She didn't know that Zyair has a secret on her. How long can Zyair cover up his lies? Can Kianna forgive Zyair? [Other chapters are up on my Wattpad account (Moonxx__) I'll just update those EDITED chapters here. Stay tune =>] |FTHU SERIES 1| ©All right reserved

Mccnxx · Teen
Not enough ratings
7 Chs

Chapter 1

(KIANNA'S POV)

"Kianna!" malayo palang ay bakas na sa mukha at tono ng boses ni Britany ang pag ka-excite niya na makita muli ako. Sinalubong niya kaagad ako ng mahigpit na yakap, 'yung tipong 'di nako makahinga sa sobrang higpit. "Huy grabe ka naman, sobrang higpit naman niyan b-bhie!" pinilit 'kong makawala sa yakap niya at nag tagumpay naman ako. "Grabe Kianna! na-miss kita! 1 week lang akong nawala!" halos maiyak na siya habang sinasabi 'yon, inilabas ko naman ang panyo mula sa bulsa ko at ibinigay sakanya 'yon.

"Miss na miss mo naman ako, dinaig pa natin mag jowa!" pang-aasar ko, natawa naman siya at hinampas pa ang braso ko. "Hindi mo na ata alam kung anong araw ngayon eh." pinag-krus niya ang dalawang braso niya at inilagay sa bandang dib-dib at saka sumimangot na parang bata. "Huy, ano ka ba! para kang bata! ano bang araw ngayon--" binuksan 'ko ang screen ng cellphone ko at nakita ang petsa ngayon.

"August 7, 2017"

"Omay! sorry na Brit! nakalimutan 'kong Friendsarry pala natin today!" umaakap agad ako na parang bata sakanya, ngunit tumalikod lang siya, nakasimangot parin. "Ano ba 'yan, manlilibre pa man din ako today..." pag paparinig ko, para humarap siya, at di nga ako nabigo, nag bago agad ang mood niya, naging parang excited ulit na bata ang mukha niya ngayon.

"Talaga ba! o tara na libre mo na'ko!" umalis muna kami ng oval at nag punta sa canteen para kumain. "Ay kianna, naalala mo pa ba 'yung first meet natin?" tanong niya sa kalagitnaan ng pagkain namin. Napahinto ako sa pag-subo ng cake na kinakain 'ko at napatulala sa kung saan.

(Flashback, 1 year ago)

Ngayon ang araw ng field trip namin, at ang destinasyon ay sa isang maliblib na gubat. Medyo nag alinlangan pa 'kong sumama nung una, ngunit dahil sabi ng teacher 'ko, dagdag grade daw, kaya sumama narin ako.

Kasalukuyang nag aayos ng tent ang mga kaklase 'ko ngayon, habang ako naman ay nag hahanap ng signal upang matawagan ang mommy 'ko.

Lumapit muna ako sa isang kaklase 'ko na abala sa pag luluto. "Jenevie, may signal ba dito?" tanong 'ko, ngunit nag kibit balikat lang siya. Kaya't umalis muna ako panandalian sa site, hindi 'ko napansing mag gagabi na pala ng mga oras na iyon. Nang tyempuhang maka hanap ako ng signal, ay dali-dali 'kong kinontak ang number ng mommy 'ko saka tumawag.

"Hello soleil? nasa'n kana? kamusta kana diyan?! may nangyari ba sa'yo?!" dere-deretsong tanong niya, kaya't medyo inilayo 'ko pa ang telepono sa tenga 'ko dahil medyo nakakabingi sa tenga ang boses niyang iyon.

"Okay lang naman po ako dito mommy, nandito na po kami sa site, nga po pala, baka hindi rin kita masyadong matawagan dahil medyo mahirap po makakuha ng signal dito." pag papaliwanag 'ko. Agad naman siyang sumangayon at nag bigay ng mga konting babala at payo saka pinutol na ang linya.

Hindi 'ko napansing madilim na pala, at tanging ilaw nalang ng selpon 'ko ang siyang nag bibigay ng liwanag. Binuksan 'ko ang flashlight na nasa settings ng phone 'ko at nag simula ng maglakad. Ngunit dahil madilim na ang daan, kamalas-malasan ay hindi 'ko pa matandaan kung saan ang daan pabalik sa site.

"Shet! nasaan na ba'ko!" nag simula na'kong kabahan dahil tanging kuliglig nalang ang naririnig 'ko sa paligid 'ko ngayon. Sa sobrang malas 'ko ngayon, nalowbat pa ang phone 'ko at namatay nalang 'yon bigla. "Shet!" kumapa-kapa ako sa paligid 'ko at tanging mga puno na lang sa paligid ang nahahawakan 'ko.

"Hello! may tao ba diyan?!" tanong 'ko muli, umaasang may makakarinig sa'kin. "Hello--" natigilan ako ng may bigla ako mahawakan na kung ano, natakot ako dahil naramdaman 'kong humihinga 'to. Nagsimula ng kabahan ang buong sistema 'ko.

"H-hello?" tanong 'ko dito, nagulat naman ako ng bigla niyang buksan ang flashlight niya at tinapat ito sa mukha niya. Natakot pa 'ko nung una dahil akala 'ko multo 'to, ngunit hindi naman pala, tao naman pala. Bigla namang nawala ang takot at kaba sa dibdib 'ko ng makita 'ko 'tong lalaking 'to.

"Bakit nandito ka pa miss? pinapatulog na ang lahat ng nasa site, dapat ka ng bumalik" napaisip-isip ako kung bakit napaka pormal 'kong magsalita ngayon, gayon narin 'tong taong kausap 'ko.

"Ah ganon ba? naligaw kasi ako, pasensya na." pag papaumanhin 'ko--- ano ba sa ingles ulit ng paumanhin?! bakit ba napaka makata 'ko ngayon?

"Okay lang iyon binibini, ihahatid na kita." hindi naman na ako tumanggi pa at sumabay nalang sakanya. Nang makarating na kami sa site, inihatid niya rin ako sa tent 'ko.

"S-salamat, ngunit paano ito, nilalamig na ako ngayon, ngunit hindi 'ko alam kung paano gumawa noon" tinuro 'ko pa ang mga apoy na gawa sa kahoy, dahil hindi 'ko naman alam ang tawag do'n.

"'wag kang magaalala, ipag gagawa kita." walang pasimanong gumawa nga siya ng apoy at itinapat iyon sa butas ng tent 'ko. Napahanga tuloy ako sakanya.

"Salamat ginoo, ano ang iyong pangalan?" pag tatanong 'ko dito, ngunit nginitian niya lang ako. Mas lalo tuloy akong nakaramdam ng kiliti sa puso 'ko.

"Matulog kana lamang binibini, maaga pa tayo bukas." aalis na sana siya ngunit pinigilan 'ko siya.

"Sandali ginoo, hindi ba't masyadong malalim na ang gabi? baka maligaw ka sa daan? ayaw mo muna bang mag palipas ng gabi dito?" pag dadahilan 'ko. Ang totoo, ay gusto 'ko lang siyang mas makasama ng matagal pa.

"Ngunit hindi ba't mas maganda kung makikinig ka muna sa tintuturo ng iyong guro?" mas hinawakan 'ko siya ng mahigpit sakanyang palapulsuhan, "Ha?! Ginoo! anong pinagsasabi mo ginoo? ngunit gabi na! mag palipas ka muna ng--"

"Kianna! Soleil! Estrada?!" galit na galit na sigaw ni miss, dahilan upang magising ang diwa 'ko.

"P-po miss.." inosenteng tanong 'ko. Palagay 'ko ay nakatulog na naman ako ng mahimbing sa klase niya ngayon.

"Bakit ka natutulog sa klase 'ko?! gusto mo bang ibagsak kita sa math?!" nanlaki kaagad ang mga mata 'ko dahil sa sinabi niya. Ilang libong beses 'ko ng ipinangako sa sarili 'kong hindi na matutulog pag dating sa subject na math, ngunit hindi 'ko parin talaga maiwasan.

"'wag naman po ganon miss, babawi na po talaga ako! promise po!" halos mapapikit na ako at kulang nalang lumuhod para mag makaawa sakanya, ngunit natigilan ako ng bigla siyang magsalita.

"O sige, sagutin mo 'tong tanong 'ko. At kapag nasagot mo ng tama, hindi na kita ibabagsak sa math." napalunok naman ako sa sinabi niyang 'yon.

Napatingin ako sa mga nakasulat sa board, at mukhang algebra ang lesson ngayon. 'Yun parin naman ang pinaka hate na hate 'kong topic sa buong buhay 'ko! Kung multiplication nga lang hindi 'ko pa masagutan minsan eh! sa algebra pa kaya?!

"4a=20 what is the answer?" nag simula ng mag wala ang buong sistema 'ko dahil hindi parin gumagana ang mga brain cells 'ko para makabuo ng posibleng sagot. Nag isip-isip ako ng mga previous lesson na napag-aralan namin, ngunit wala akong maalala dahil natutulog nanaman siguro ako nung mga panahong iyon!

"We're waiting kianna, i'll give you 1 minute--" natigilan si miss ng biglang bumukas ang pinto ng classroom namin.

"Miss! 5 po ang sagot!" biglang sigaw nito, "Ah... iha? bakit narito ka?" takang tanong ni miss, ngumiti naman ito saamin at saka klinaro muna ang boses bago mag salita.

"A-ah, hello po miss, hello classmate, ako nga po si Britany Cruz, kaka-transferred 'ko lang po dito ngayon hehe. Umm.. Galing po ako ng states and umuwi lang po ulit kami ng family 'ko dito dahil may inaayos po silang business hehe." pakilala nito. Ngumiti naman sakanya si ma'am, gayon narin ang iba naming mga kaklase.

"Ah nga po pala, 5 po 'yung sagot dun sa tanong niyo po kanina." bibong tugon niya kay miss, napakamot naman si miss sa ulo dahil sa sinabi niyang 'yon.

"A-ah gano'n ba, hehe, a-ah sige, Jason, lumipat ka muna ng upuan, diyan muna si Britany sa tabi ng antukin mong kaklase." pang aasar sa'kin ni miss. Nag tawanan naman ang ilan 'kong kaklase habang ako, napapayuko nalang sa pag kakapahiya.

Bago siya mag punta sa upuan namin, ay nakipag kamay at nag pakilala pa siya sa ibang kaklase 'ko. Maya-maya lang ay lumapit na siya sa'kin at ngumiti ng malaki. "Hello, i'm Britany Cruz, siguro naman narinig mo na 'yung introduction 'ko kanina 'no? hehe, nakakapagod pa lang mangandidato, well, by the way, Kdrama and k-pop fan din ako, alam 'kong walang nag tatanong 'no, pero share 'ko lang hehehe, fan ako ng NCT, ikaw ba?" tanong niya, medyo madaldal siya ha, sana naman hindi niya maapektuhan pakikinig 'ko sa lessons.

"EXO hehe" tipid na sagot 'ko, ngunit parang hindi siya kontento do'n. "Sinong bias mo?" tanong niya nanaman ulit, ngunit sa ngayon inaayos niya na ang gamit niya at mukhang uupo na sa upuan niya. Sana naman hindi kami makita ni miss na nag uusap, baka mapatayo nanaman ako eh. "A-ah si Chanyeol..."

"Bias wrecker?!... favorite album?!... favorite song?!... Chanbaehk shipper ka din ba?! kasi ako oo!" sunod-sunod na tanong niya, napapakamot nalang ako sa ulo 'ko sa sobrang kakulitan niya.

"A-ah, makinig muna tayo, baka mapatayo nanaman ako ni Miss mamaya eh, sige ka baka ikaw ibagsak ka niyan sa math." pananakot 'ko, para tumigil siya.

Salamat naman at medyo nanahimik siya. Ilang minuto rin ang nakalipas at natapos na ang discussion ni Miss. "Dismiss! maliban kay Estrada!" walang pasimanong nag madaling nag si-alisan ang mga kaklase 'ko, at ang tanging natira na lang ay kami ni Britany.

"Ay bakit g na g sa'yo si Miss? may ginawa ka ba kanina nung wala pa'ko?" natawa naman ako at saka inayos na ang gamit 'ko.

"Ah oo, nakatulog nanaman kasi ako sa klase niya kanina, kaya 'yung kaninang sinagot mo na tanong niya, para sa'king tanong talaga sa'kin 'yon." tumawa naman siya ng palihim at tinapik ang balikat 'ko, "Ahaha, sige intay nalang kita sa labas ha! Good luck! fighting!" nag flying kiss pa siya bago tuluyang lumabas.

Nag simula naman na akong mag lakad patungo sa lamesa ni Miss Rosales, ang Grade 9 teacher 'ko sa math. "M-miss, s-sorry po talaga ng s-sobra--" pinalo niya ang lamesa niya, dahilan upang kumabog lalo ang puso at buong sistema 'ko dahil sa takot.

"Kianna! ano ka ba naman! kailan ka ba mag titino? diba honor student ka naman?! top 1 ka nga eh! eh bakit pag dating sa klase 'ko?-- anong nangyayari sa'yo iha?! hindi 'ko malaman laman kung sino ba talaga ang may probema eh? kung ikaw ba talaga o 'yung pagtuturo ko sainyo eh" napatungo ako lalo sa sobrang pagkakapahiya at takot.

Feeling 'ko kahit anong oras ngayon, maiiyak o mahihimatay nalang ako eh. "M-maam, s-sorry po talaga, h-hindi na po mauulit" nag simula ng gumaralgal ang boses ko. Nako 'wag kang iiyak kianna! kayanin mo 'yan!

"Pag 'yan naulit pa ulit ng isang beses Kianna Soleil Estrada! makakarating na 'tong lahat sa tita mo. Dismiss!" halos ma-stiff neck na ang leeg ko sa sobrang pagkaka-yuko, hindi na ata talaga ako makakapasa sa math! Pagkatapos no'n ay hindi na'ko nag salita pa at dumeretso nalang ng labas.

(End of flashback)

"hahaha! sobrang hirap na hirap talaga ako sa math dati! ansarap kaya ng tulog ko tuwing yun ang subject! nanaginip pa nga ako eh" tuwang tuwa kami habang binabalik ang nakaraan kung kailan ang unang pagtatagpo namin dalawang magkaibigan.

Napuno ng tawa at kwentuhan ang oras namin na iyon, hanggang sa tumunog na ang bell, senyales na mag sisimula na ang susunod namin na klase.

"Brit halika na! last subject na 'yon oh! tama na puro kain" halos mapunit ko na ang uniporme niya dahil sa sobrang pag kakahatak ko sakanya, ngunit hindi siya natitinag, kain parin siya ng kain.

"Alam mo! antaba mo na!" pang aasar ko sakanya. Yun lang ang naisip kong paraan upang maaya ko siya sa susunod na subject namin ngayon.

"Hala! talaga ba?!" binitawan niya kaagad ang cupcake na hawak hawak niya, parang diring-diri pa siyang tumingin sa mga pagkain na nasa harap niya ngayon.

"Halika na nga!" siya naman ang humatak sakin papunta ng oval para sa PE class namin.

"Okay guys, dahil P.E ngayon, hindi muna tayo mag aarnis ngayon, dahil mag sasayaw kayo dito" nakangiti pang sabi sa'min ni miss kaya't natuwa naman ang mga kaklase ko dahil mag sasayaw kami ngayon.

"Yehey!" parang bumalik sa pag-kabata ang mga kaklase ko dahil do'n. Nakangiti naman silang sinaway ni Miss Princess, kaya't tumahimik naman silang lahat.

"Ngunit..." pag puputol pa ni miss sa sasabihin, kaya't natigilan sila.

"Yaaaayy! may ngunit?"

"Ngi? ano kaya yun?

"pak ganern, may pa ngunit si mehmeh!"

"Pasensya! pasensya! hindi muna hip-hop ang sasayawin natin ngayon, dahil mamimili ako ngayon ng dalawang isasali sainyo para sa presentation ng tiklos para sa opening ng mapeh month bukas" pag papaliwanag ni miss kaya't mas lalong umugong ang ingay sa buong classroom.

Natatawa naman ako sa mga mukha ng kaklase ko ngayon, mga mukhang naluge at nadismaya. "Sayang! pumasok pamandin si crush! minsan na nga lang pumasok, folk dance pa sasayawin ko, tch" nag tawanan naman ang lahat ng biglang sumigaw ng gano'n ang bakla 'kong kaklase sa likod.

Kahit ako ay nakaramdam ng konting pagkadismaya dahil hindi hip-hop ang sasayawin namin ngayon, kahit si britany ay naka busangot na ang mukha.

*Sayaw, sayaw, sayaw, dismiss*

"Okay dismiss class!" natapos na ang PE class namin at kasalukuyan 'kong iniintay si Britany.

"Huy di ka pa ba tapos mag ayos ng gamit? tama na muna 'yang kaka-selpon!" panunuway ko sakanya.

Itinago niya muna ang cellphone niya sa bulsa niya at saka dali-daling inayos ang bag niya. "Kianna! emergency! mauna na'ko! may pupuntahan pa kami ng pinsan 'ko ngayon! ha! bye! labya! text mo ko if need mo ng help!" hindi nako nakapag salita pa dahil kumaripas na siya ng takbo.

"Ano naman kayang gagawin no'n?" wala sa sariling tanong ko. Inisaayos ko nalang ang bag ko at nag lakad na papalabas ng oval. Ngunit natigilan ako ng may pamilyar na boses na tumawag sa pangalan ko.

"Kianna! kianna! sandali!" hinawakan niya ang balikat ko kaya't napaharap kaagad ako sakanya.

"M-miss, ginugulat niyo naman po ako" napapahawak sa dib-dib na sabi ko. Hinimas niya naman ang likod ko at kumuha ng extrang tubig galing sa bag niya at saka ibinigay sa'kin.

"Pasensya na, gusto lang kitang abisuhan na may practice ka ngayon dahil isa ka sa napili 'kong mag sasayaw ng tiklos bukas, free ka ba ngayon?" napakamot naman ako sa batok. Gusto ko ng umuwi eh!

"A-ah miss, p-pero, wala pa po akong partner?" palusot ko, ngunit hindi parin pala ako nakalusot.

d>_<b

Maya-maya lang ay nasa Folk club room na kami ni Miss. "Okay guys, this is Kianna Soleil Estrada, she's a grade 10 too, Our substitute member for tomorrow's presentation, alam niyo namang nag back out si reena dahil umuwi siya ng province at ang partner niya naman ay nag kasakit pa! ay jusmiyu!" napapahawak pa sa noonng sabi ni miss. "dibale, dibale, madali naman siyang maka kuha ng steps, so paki practice nalang din siya ha, and then yung kapartner niya, otw na ren, maiwan ko muna kayo" pag papaalam sa'min ni Ms. Princess at nag lakad papalabas.

"Gina, diba siya yung top 1 ng section A?" bulong ng isang mukhang grade 10 den sa isang grade 10 na kausap niya"Oo, Jana, alam ko laging napapagalitan yan ni Mrs. Domino kasi lagi daw nakakatulog yan t'wing math subject, hahaha" tatawa tawang bulong niya pa dun sa isang grade 10 na tinawag niyang Jana. Syempre kahit mag bulungan pa kayo, naririnig ko paren noh, aso ata to, arf arf!

d-_-b

Dahil nga medyo naa-out of place ako do'n at medyo boring din, lumabas muna ako para tawagan si britany dahil hindi pa naman kami nag sisimulang mag practice. "Britany!!!!" sigaw ko agad sakanya pag ka sagot niya ng linya. "Alam mo ba, kung hindi moko iniwan hindi mangyayari toh!?" sigaw ko sakanya. "OMG! ANO BANG NANGYARI SAYO?!" bakas ang pag aalala sa tono ng boses niya sa kabilang linya."alam mo bang napa sama pa 'ko sa tiklos presentation bukas ng wala sa oras ha?!" galit na singhal ko sakanya, narinig ko pang bumuntong hininga siya sa kabilang linya. "Tae naman netoh! akala ko kung ano na nangyari sayo eh! oh ano naman kung nakasali ka sa presentation? maganda nga yun eh? hahaha" tumawa pa siya ng malakas, nang-aasar.

"Anong maganda don?! eh hindi ako marunong sumayaw?!" galit na sigaw ko sakanya. Napapatingin din ako sa paligid ko dahil medyo pinagtitinginan na ako ng mga freshmans na nandoon."hoy babae! wag mo nga akong sinisigawan?! g na g ka saken eh hindi naman ako ang nag pumilit na mag pasayaw sayo!... tyaka sino ba ang todo bigay mag sayaw kanina? HAHAHAHAHA diba ikaw lang naman? tyaka, wag nga ako kianna?! nasayaw mo nga yung full version nung comeback ng IZO eh? 'wag ako, iba nalang" pang aasar niya pa sakin, napanganga pa ako na animo manghang mangha sa sinabi niya, as if naman na makikita niya 'yon. "ano kaba!, folk dance ba yung sayaw ng IZO?!" sarkastiko akong tumawa, naiinis na sakanya."Ito naman, mas mahirap pa nga ang hip-hop kesa sa folk dance eh! kaya mo yan! fighting! support naman kita bukas eh, BE CONFIDENT! KIANNA SOLEIL! muah muah! bye!" hindi pamandin ako nakakapag salita, binabaan niya na kaagad ako ng linya.

Bwisit, binabaan ba naman ako, ano ba 'tong kaibigan ko, nag iisa na nga lang, hindi pa matino...i mean madami naman akong kaibigan, pero diba, they always say na "Sa sampung kaibigan mo, isa lang ang mag iistay sayo" you know what i mean diba? hindi naman sa konti ang kaibigan ko, medyo popular din kasi ako sa school namin dahil sa pag sasali ko sa mga contests, pero, si britany lang talaga ang pinaka pinag kakatiwalaan ko sa lahat, as in wala talaga kaming secreto sa isa't isa... ewan ko ba hahaha, isa siyang blessing sa'kin, biruin niyo, nung pinapagalitan ako nung math teacher ko nung junior kami dahil nakatulog ako?! hahahahaha, bigla siyang dumating, oh diba, HULOG NG LANGIT, HAHAHAHA.

(PRESENTATION DAY)

"Kianna, asa'n kana? may presentation kayo sa Main building right?" halatang bagong gising lang din ang tono ng boses niya sa kabilang linya, "HA! OMAGHAD! ANONG ORAS NAA!!! MALELATE NAKO! WAIT LANG OHMY, MALILIGO NAKO!!" nag mamadaling pag baba 'ko sa linya. Mygudness!!!! cassie! malelate nako ng bonggang bongga!  Dali-dali akong pumasok ng CR ko at naligo ng NAPAKA bilis. Nag madali agad ako ng kilos at halos magkatapilok-tapilok na akong bumaba.. "Mommy! bat di mo po ako ginising ng maaga?" pag tatantrums ko kay mommy, "Aba, soleil ha, hindi mo sakin sinabi na gigisingin kita ng maaga, dali dali ka ngang umakyat ng kwarto mo kagabi eh!" galit na sigaw sakin ni mommy, at na karamdam naman ako ng guilt. "i-im s-sorry mum, btw, need ko na pumasok, may presentation pa po kami, bye mum! i love youuu" mabilis na pag papaalam ko sakanya at humalik naman ako sa pisngi niya, kasi alam ko 100% na papagalitan lang ako nun pag hindi pako nag madali... "S-Soleil?! hindi kapa kumakain ng almusal baby!-- Kianna!!" tawag sakin ni mommy sa malayo, pero di ko na pinansin yun dahil malelate nako at dali dali nakong nag madali papasok ng school.

"Bilisan mo Kianna, late kana, malapit na mag start yung presentation" pag mamadali sakin ni miss "S-sorry po talaga miss--" pag papaumanhin ko kay miss, ngunit agad na napukaw ang atensyon namin ng sumigaw si Britany, "Kianna! halika na! aayusan nakita ng buhok"hihingal-hingal na tawag sakin ni britany."oh britany, ba't hingal na hingal ka naman?" takang tanong ni miss sa kanya. "a-ahh, Good Morning po miss, nalate po kasi si kianna, dali dali din po akong nag excuse sa klase ko at mula MTVES po ay tinakbo ko dahil alam ko pong walang mag aayos sa napaka 'ganda kong kaibigan' " pang aasar niya pa sa'kin. "Ay ganun ba? baka naman magalit ang ibang subject teachers mo britany? dibale aabisuhan ko nalang din sila para maasikaso mo si kianna, busy din kasi ako eh, andaming bisita eh, oh sige na maiwan ko muna kayo ha" pag papaalam samin ni miss."bilisan mo, lahat sila nakaayos na oh,,, ay wait" kumapa kapa pa si britany sa pouch niya na animo may hinahanap. "shemays!ubos na hairpins ko, bibili lang ako kianna ha..." nag mamadaling lumabas si britany at naghanap ng hairpins. "Sige sige, ingat!" pag papaalam ko sakanya.

kung di niyo matatanong, masyadong madaming alam si britany sa mga bagay bagay, masyado siyang mabutingting, dahil sabi niya sakin dati, nabored daw siya dati sa states kaya lahat daw talaga ng mapag kaabalahan, ginawa na niya na dati,, masyado din siyang competitive na tao, sa madaling salita, siya talaga ang definition ng "Di papalose"

Dahil medyo matagal nga si Britany, at hindi 'ko naman alam kung saang lupalop na siya napadpad, kinuha 'ko muna ang cellphone 'ko at nag hanap ng mapapakinggan na kanta.

Now playing: Baby It's you by JoJo (2004 ver.)

"Can somebody explain to me,

Why everybody is trying to be

Living like a celebrity

Doing what they see on MTV

Ice is cool but I'm looking for more,

Simple things is what my heart beats for (Cause that's me) I don't ask for much(Baby) Havin' you is enough

You ain't got to buy nothing It's not what I want Baby it's you, We don't have to go nowhere It's not what I want Baby it's you, It's not for what you got I know you got a lot No matter what you do, You always keep hot,

It's you, it's you, baby all I want is you yeah"

"Hello.. miss" hindi ko ka agad siya narinig dahil sa sobrang lakas ng impact ng sounds sa tenga ko, isa pa kaya ko talaga nilakasan para walang makipag chikahan saken dahil medyo nahihiya parin ako. "Hello?" ulit pa niya pero hindi ko parin na rinig hanggang sa kinalabit niya nako "Miss? hello?" hinawi niya pa ang kamay niya sa mukha ko na animo tinetesting kung nakikita ko ang kamay niya. "A-ay,,, h-hello?" bati 'ko sakanya. Ngumiti naman siya ng malaki, "Umm, Hi! well, i'm Zyra Reyes" inilahad niya naman ang isang kamay niya, nakikipag shake hands.  Hindi ko naman na siya pinag antay pa, agad 'kong kinuha iyon at nakipag shake hands. "H-Hi, i'm Kianna Soleil Estrada" pag papakilala ko. "umm, btw, i'm currently the President of Mapeh Club, nice meeting you, kianna" 

"You mean this, Folk dance club?" tanong ko sakanya habang nilibot libot ko ang mga mata ko sa malaking room na 'yun. "Yes, actually, buong Mapeh club hawak ko, from Choir, PintaSining, Dance Troupe, Folkdance club and varsity hawak ko sila" nakangiting paliwanag niya pa sa'kin. Napanganga naman ako sa sobrang mangha. Napaka galing niya namang President ng club kung ganoon, andami niyang hawak ha, infairness. Sabagay, magaling din na President si Brent Quevas, ang Head ng Student Council ng school namin.

"oh nice!" bulalas ko, hanggang ngayon namamangha parin akong nakatingin sa mga nag kikintabang trophy at medal na naroon ngayon! "gusto mo ba'ng maging official member namin? if you want, just tell me" nakangiting alok niya sakin. Nakaramdam naman ako ng kaunting pagka-dismaya, dahil naisip 'kong medyo busy nga pala ako ngayong mga dadating na araw. "sure, i want too, kaso, medyo busy kasi ako these days eh hehehe" pilit na ngiting sabi ko nalang sakanya"ay, ganun ba, sayang naman, ang galing mo panaman din mag sayaw" malungkot na animong nanghihinayang siya sa pag tanggi ko sakanya. "Dibali, pag free na ko, sasabihan kita" nakangiting sabi ko sakanya, agad namang nabuhayan ang mukha niya nung sinabi ko sakanya yun. "Talaga?!" parang batang tuwang tuwa naman siyang humarap sakin at humawak pa ang dalawang kamay niya sa balikat ko, tumango naman ako sakanya bilang pag tugon. "aasahan ko yan ha, sige na, i'll get prepared muna ha.. good luck sa'tin mamaya!" excited na sabi niya,  tinapik pako sa balikat ko at dali-daling nag lakad na papa-labas "Good luck!" paalam ko. 

"Soleil! halika na!" pag katapos no'n, bigla namang dumating si britany na hingal na hingal ngayon na parang tumakbo ng 10km marathon run. "hingal na hingal kanaman ata?" takang tanong ko sakanya, at kitang kita mo talaga na tumu-tulo na yung pawis sa noo niya. "eh pano ba naman! walang tindang hairpins sa corp, tyaka sa retail! tapos sarado pa yung isang canteen! ang layo pa ng na bilhan ko ng hairpins, at saka nga pala, binilhan kita ng almusal mo kasi tinext ako ni tita sheena na di ka daw nag almusal" paliwanag niya pa sakin at saka naman iniabot sakin yung juice at dalawang biscuit "wohu! sa grade 9 building pa kaya ako nakarating!" pagod na pagod at hingal na hingal na sabi niya sakin saka naupo sa tabi ko at itinutok niya ang electric fan na kanina nasa harapan ko, pag katapos non uminom kaagad siya ng tubig.

ramdam ko ang hingal niya dahil alam ko'ng nakakapagod naman talaga, sa sobrang laki banaman ng FTHU? at worsts, nire-renovate pa ito kaya na hiwalay ang grade 9 building or mas kilalang science building sa main building, kaya't lalabas ka pa at dadaan sa likod para lang maka pasok sa grade 9 building.

"oh siya, halika na! mag iistart na oh" pag mamadali ko pa kay britany at tinalian niya nako ng buhok.

(SOCIAL HALL/MAIN BUILDING)

habang nag prapractice kami ng sayaw, at nag pre-prepare, may hindi ako inaasahan na dadating ngayong araw na to...

"Guys guys! be ready, malapit na mag start yung program in 15 minutes" sabi ni Zyra sa'min

"Ok po!" si charlie

"Kylie! oh ito na yung gitara, para yan sa props natin mamaya" si charlie

"thanks---w-wait....c-charlie! Tignan mo yun.. s-si c-claudia ba yun?!" si kylie habang nakaturo ang hintuturo sa pintuan ng social hall

dO_Ob

Gulat akong napatingin sa pintuan ng Social Hall, "FUGE! charlie! si Claudia nga!" si kylie. "balita ko nag pa exchange student siya nung grade 7 na tayo diba?" sabi pa nung isang grade 10 na kasama nila "Oo, ian, nakaka pagtaka lang kasi bigla siyang dumating ngayon dito, at alam mo ba, dati mag bestfriends sila ni kianna, tas ngayon, as in ENEMIES na sila HAHAHAHA" natatawa pang ani ni kylie. "Ay talaga ba? nakaka lungkot naman yun dati silang friends tas ngayon parang di nalang sila nag eexist sa isa't isa?" sabi pa nung tinatawag nung kylie na ian.

SI CLAUDIA LANG NAMAN, ANG BIGGEST ENEMY KO OF THEM ALL! in all infairness naman talaga, gumanda lalo ang gaga, pero, ba't pa siya bumalik? nanahimik na siya sa korea eh? nag hahanap ata ng gulo? well by the way, naging Best friend ko dati si Claudia Lean Mendoza dahil mag kakilala na talaga ang family namin for decades.. ngunit nung Grade 7 kami, nag bago lahat... naging TOTALLY ENEMY TALAGA KAMI DAHIL SA GINAWA NIYA... tapos malaman laman ko bigla bigla nalang nag pa exchange student si gaga sa south korea? HAHAHA pocha, para mapa lapit ata siya sa mga oppa niya at mabawasan naman yung guilt niya saken... pero nakakapag taka talaga eh, bakit kaya siya bumalik dito, kung mas maayos na yung buhay niya sa Korea?

Bumalik naman ako sa reyalidad ng bigla akong tawagin ni britany. "Kianna! Kianna!" pabulong na tawag sa'kin ni Britany. "nandiyan ang gagita!" pabulong na sigaw saken ni britany mula sa likuran ko at parang tangang bulong ng bulong sa likod ko. "oo alam ko! nakakaistress" inis na singhal ko sakanya. "okay lang yan! okay lang yan" nagulat naman ako sa reaksyon na ginawa niya, parang tangang tinatapik ang balikat ko, at yung mukha niya ang WORSTS! mukhang siyang lasing na parang pungay pungay pa ang mata habang tinatapik pa ang balikat ko with matching face expression?! shems ba't ganito yung kaibigan ko?! "galingan mo yung pag sasayaw ha! alam mo namang competitive yang si Claudia, pag dating sayo" biglang seryosong sabi niya at nakangiting tumingin sakin "oo, gagalingan ko.." nakangiting sabi ko, kahit kinakabahan ako hindi ko yun pinahalata sakanya, dahil alam kong sisinghalan niya ko at gagawin nanaman yung ginawa niya kaninang parang lasing na expression niya! Maya-maya lang, aba nilapitan kaagad ako ni claudia! siyempre, dahil enemy kami, kunyari mabait muna siya sa'kin ngayon, nag model model pa sa harap ko.

"hmm, annyeong Kianna" maarteng bati niya sa'kin. Ngumiti pa talaga siya, pilit naman.

required ba talaga maging maarte 'pag galing ng ibang bansa?

"annyeong, insaeng-eun eottae? amkae?" sarkastikong bati ko sakanya dahilan para mag iba kaagad ang reaksyon ng mukha niyang kanina lang nakangiti.

*Translation: Hello, how's life biatch*

"N-naleul?! A-amkae?!" galit na tanong niya saken habang nakaturo pa ang hintuturo sa dibdib niya.

*Translation: Me?! b*tch?!*

Pinagtitinginan na kami ng iba naming kasama ro'n, pero wala kaming pake. "ay hindi kaba ganun? ah sige, ito nalang, annyeong, geojismal jaeng-i" ngisi ngsing sabi ko pa sakanya at halos umusok naman ang tenga niya at lumalaki ang butas ng ilong niya with matching *pikit pikit mata* effect.

*Translation: Hello, Liar*

"Stop! hindi nako mag sasayang ng oras para makipag usap sa taong walang kwentang kausap HAHAHA good luck girl~" umirap muna siya sa'kin bago siya tuluyang umalis at saka maarteng nag lakad papuntang back stage.

Maya maya pa ay nag ready na kaming lahat. "Ladies And Gentleman, I am Zyra Reyes, President of Mapeh Club, your host for today, Let's Greet our MAPEH MONTH with POSTIVITY! magiging challenging ang mga activities natin ngayon guys! i'm sure na mahahasa lalo ang talents niyo! let's welcome our guest for today, they will be the judge for our today's contest... Are you ready?! let's all welcome Mr. Villamor Mendoza, the head of stock holders of FTHU"

dO_Ob

V-villamor mendoza?! ang kaisa-isang nilalang na kinamumuhian ko sa buong buhay ko. Ang nag iisang tatay ni Claudia.

"and there's another guest one of the stock holders din siya syempre, Ms. Shaira Estrada"

N-nandito r-rin si tita?!

dO_Ob

"So Mag si tahimik muna po ang lahat, at i-welcome po natin ang FOLKDANCE GROUP of MAPEH CLUB"

Mag sisimula na ang sayaw,  tulala parin ako at kinakabahan, nag halo halo na ang emosyon ko...

Kaba

takot

galit

sakit

Dahil nag balik na naman sila. Sila ang dahilan kung bakit ako ganito ngayon. Kung bakit hanggang ngayon pakiramdam ko hindi kompleto ang pag katao ko ngayon. At kung bakit hindi kami kompleto ng pamilya ko ngayon. Lahat, sila ang may kagagawan.

Sa isang iglap binago niyo ang buhay ko, at buhay ng pamilya ko

pilit kong inialis yun sa isip ko at nag focus nalang sa paligid ko, ngunit hindi ko paren maiwasang lumingon sakanila ng palihim.

Bumalik nalang ako sa reyalidad nung tawagin ako ni britany. "kianna! mag iistart na" nakangiting sabi niya sakin, ngumit nalang ako ng pilit at nag punta na sa harapan ng stage. Hindi ko parin maiwasan ang pag tingin sa daddy ni Claudia, at t'wing titignan ko siya, nakikita 'kong pinapanood niya talaga ang mga galaw at kilos ko na animo iniintay niya kung mag kakamali ba ako o hindi.

matagal tagal pakitang makakasama VILLAMOR, may isang buwan pako para maayos ang lahat.

"Go Ate kianna!"

"Go claudia!"

"Go KIANNA SOLEIL!"

"Ang galing mo kianna!"

"Ang ganda mo claudia!"

"Mas maganda si kianna!"

"Kianna ng buhay ko!"

hindi ko nalang sila pinansin at nginitian ko nalang lahat ng tumatawag sakin at tyaka nag focus nalang ako sa pag sasayaw ko, di kalaaunan ay naging maganda ang presentasyon namin kaya naman kahit papaano ay sumaya saya ang pakiramdam ko.

"Job well done my friend!" nag tatalon pa si britany na parang bata. "Thank you brit! labyuuu! pahug nga" sinalubong ko agad siya ng mahigpit na yakap. "halika na, mag palit ka muna ng damit mo, and kumain muna tayo" yaya niya sa'kin. Kinuha ko na ang mga gamit ko sa gilid, siya naman ang nag bitbit ng ilan sa ga dala-dala 'kong accecories. "okie!" dali-dali kaming bumaba ng hagdan ng social hall.

Matapos 'kong makapag palit ay kaagad narin kaming dumeretso sa canteen. Bago kami makapunta ng canteen, madadaanan muna namin ang Oval, dahil sarado yung isang malaking canteen, kaya dun kami dederetso sa isang canteen sa loob ng oval o tinatawag na corp, mas maliit ito kesa sa isang saradong canteen, canteen kasi ito kadalasan ng teachers kaya hindi isinara, nasa loob ito ng THE department.

Ang Oval ang pinaka malaking parte ng school namin, sumesentro naman ang oval sa buong main building. May malaking bubong ito sa itaas at nakalagay ang pangalan ng school namin sa gitna nito "Frank Thompson Hawkins University" sa dulo ng oval ay matatagpuan mo ang malaking stage, at sa likod naman ng stage na 'yun, ay nandun ang SCIENCE BUILDING or Grade 9 building kung tawagin. Ngunit ngayon, nirerenovate ang parte ng stage kaya pati Science building ay nadamay. Mag kakahiwalay bawat grade levels, Ang Elementary, grade 7 at grade 8, ay nasa main building, ang grade 9 naman ay sa science building at ang grade 10, senior high at college naman ay nasa isa pang building, mas kilala itong tawaging MTVES stands for Manila Technical, Vocational and Entrepreneurial School, hindi naman ito kalayuan sa Main building pero nakakapagod 'pag nilakad mo 'to.

Ang oval nga pala ay kung saan madaming nag lalaro ng volleyball, basketball, at kung ano ano pang sports na meron ang FTHU, medyo delikado sa parte ng oval, dahil madami ngang nag lalaro roon, lalo na't mapeh month ngayon, kaya naman dali-dali kaming nag lakad ni britany, pero sa kamalas malasan, sa sobrang pag mamadali namin ay...

"Kianna!" hindi ko kaagad siya napansin dahil nakayuko ako kung mag lakad

*BLAAAAGG*

"Ano ba!" 

dO_Ob

________________________

;This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

*THIS STORY IS NOT AFFILIATED WITH, FTHS, MTVES, AND OTHER SCHOOL THAT AN AUTHOR MENTIONED.*

; This story is UNEDITED so if you saw some typographical and grammatical errors. (N'ya, s'ya, d'yan, 'di, 'ko, 'pag, 'wag, raw, daw, etc.) Please bear with me. I'm trying to do my story better. It's okay to correct me, don't be afraid. Constructive Criticism is okay, not until you posted a hate speech about my work/s.

©All rights reserved 2020

date started: May 2020

Date finished: Processing....

[For a fast story update, you can also check my Wattpad account, Moonxx__]

-Moonxx__