webnovel

Chapter 6

Ximi stayed inside my office. Wala yatang balak umalis ang kumag. After what he did to me, may mukha pa siyang maihaharap? Oo nga naman. Makapal, eh. Siyempre 'di mauubusan ng balat.

"Would you mind to have a coffee with me downstair?" Bigla niyang sabi. Narinig ko iyon pero 'di ko siya inintindi. Inabala ko ang sarili ko sa ginagawa kong card.

I heard him sigh. Siguro dahil 'di ako sumagot o ewan. Ano man ang rason niya, bahala siya.

"Bring me some coffee here..." aniya. Sumilay ako at ang mata niyang mapanuri ang sumalubong sa akin. Kaagad akong nag-iwas ng tingin. Kumalabog na naman ang puso ko. "Two, please... double chocolate chip frappe nalang... okay. Thank you."

Bumuntong-hininga ako at umiling. Marunong naman pala magpasalamat ang kumag na 'to. At tama ba ang narinig ko? "Please"?

"I ordered cold coffee for us." Aniya. 'Di pa rin ako bumaling sa kanya pero ramdam ko ang paninitig niya. "It's your favorite, right?"

Iyon kasi ang inorder ko kagabi, double chocolate chip frappe. Kapag wala akong trabaho, iyon ang ginagawa ko sa bahay kasi madali lang gawin.

"Luca, I'm talking to you." Aniya, tunog nagbabanta.

"Oh?" Kunwari nagulat ako. "I didn't know you were talking to me the whole time, sir. Nagtatrabaho kasi ako. Saka ikaw ba, sir? Wala kang work?"

Mayaman naman siya so no need to work. May mga taong kaya siyang buhayin hanggat gusto nila.

Masama siya kung makatingin sa akin. Nakasandal siya sa kinauupuan niya habang nakadekwatro. Para bang nagbabanta ang kanyang mata pero walang epekto iyon sa akin.

"I do have." Walang emosyon niyang sagot at umupo nang maayos. Inayos niya ang kanyang cotton shirt na kulay pastel pink. "Off ko ngayon because I have to prioritize the cards."

Tinaas ko ang dalawa kong kilay habang nakanguso. Marahan akong tumango at muling bumaling sa ginagawa ko.

"I guess you don't work too much, sir." Sabi ko. "Because if you do," sumilay ako sa kanya at pekeng ngumiti bago bumaling sa laptop ko. "You don't have to waste your life with me."

Siguro gusto niya lang talaga magyabang sakin. Gusto niya akong insultuhin at ipamukha sakin na mas magaling siya o hindi ako karapatdapat sa kung ano ako ngayon.

"I'm not wasting my life. I'm spending it with you. There's a big difference, Luca."

I threw him a quick glance and narrowed my eyes at him. Ano kaya ibig sabihin ng sinabi niya?

"Sir," bago ko pa masundan ang linya ko ay may kumatok sa pinto ng opisina ko. Napatingin ako roon but Ximi seemed unmoved. Nanatili ang kanyang mapanuring mata sa akin. "May tao sa labas."

"Open the door and let him in." Maawtoridad niyang utos. Kinunutan ko naman siya ng noo.

"And who do you think you are, sir?" Tinaasan ko siya ng kilay. Walang emosyon ang kanyang mukha kaya naman napilitan akong tumayo para buksan ang kung sino mang hinayupak na 'yon.

Padabog akong nagmartsa palabas ng opisina. Siguro ito 'yong inutusan niyang magdala ng dalawang frappe.

Pagkabukas ko ng pinto ay sumalubong sa akin ang hindi pamilyar na mukha. May kalakihan ang katawan. Makisig, kumbaga. Parang sanay sa bakbakan.

"Goodmorning, Miss Luca!" Nakangiti niyang bati. Nagulat ako nang binanggit niya ang pangalan ko. Hindi ko naman siya kilala pero bakit ako kilala niya? "Ito 'yong pinapabili ni Sir Ximi." Aniya nang nakangiti pa rin.

Nagdadalawang isip ako kung kukunin ko ba iyon o hindi. Sumulyap ako kay Ximi na ngayo'y nakatayo na. Mukhang maglalakad papunta sa amin.

"Goodmorning, sir!" Bati niya sa amo niya.

"Goodmorning, kuya. Thank you for these." He said while smiling. Siya na ang kumuha ng supot. Tanging nagawa ko lang ay manood sa kanilang dalawa.

"Sige, Sir Ximi, Ma'am Luca. Mauna na po ako." Paalam niya. 'Di pa rin mawala wala sa labi ang makahulugang ngiti. At nang sumulyap ako kay Ximi, nakangiti rin siya. Ibang bersyon ng Ximi ang nakikita ko ngayon. He looked so nice and humble.

Nang nakaalis na si manong ay bumalik na si Ximi sa kinauupuan niya kanina while I was nailed on the same ground. Hindi ako makapaniwala sa nasaksihan ko.

Ngumingiti naman siya sa ibang tao pero bakit pagdating sa akin napakasungit at ang yabang?

"You might wanna try some flavors, Luca. Hindi naman masama." Bigla niyang sabi. Nilabas niya sa supot ang dalawang lagayan ng frappe at nilapag iyon sa mesa ko.

Wala sa ulirat, naglakad ako papunta sa kanya. Kinurot ko siya sa braso kaya dumaing siya.

"What the, Luca?!" Galit niyang bulalas. Gusto kong tumawa sa reaksyon niya but my mind was bubbled in questions. "What are you doing, sadist lady?"

"Bakit sa iba ngumingiti ka pero pagdating sa'kin napakasungit at yabang mo?" Angil kong parang bata. Hindi ko na napigilan ang sarili ko.

"So what? You don't care."

"Anong "you don't care"? Adik ka ba ha?" Hinampas ko siya sa braso kung saan ko siya kinurot. Muli siyang dumaing sa sakit.

"What the?" Inis niyang sabi.

Gotcha! Nahuli ko rin ang kahinaan niya.

"You're a jerk!" I rolled my eyes at him at umikot sa mesa ko. Umupo ako sa harap niya na ngayo'y mukhang naiinis.

'Yan. Ganyan dapat na mukha ang nakikita ko. Hindi 'yong ngisi niyang abot langit.

"Isa pang panghahampas, hahalikan kita." Pagbabanta niya. Inirapan ko lang siya. Alam ko 'yang linyahang 'yan. Naikuwento na sa'kin ni Herana ang ganyang mga bagay. "Am I not nice to you?"

"And do you really think you are?" Mariin kong tanong pabalik. "Alam mo? Wala akong panahon sa mga palabas mo, Maximilian. Tigilan mo na ako, puwede ba? Sinisira mo buhay ko!"

Umirap muli ako at humalukipkip. Tumalikod na ako sa kanya. Nakakainis! Nakokonsensya ako sa ginawa at sinabi ko sa kanya.

"I think?" Half question, half statement. Sinamaan ko naman siya ng tingin na ngayo'y nakangisi na naman. "And you can't tell me what to do, Luca. Staying away from you is the last thing I could do."

"Bahala ka sa buhay mo, sir. Pagkatapos nitong trabahong ito, I'm sure you will forget about me. Diyan naman kayo magaling, right?"

I made a face at him at muling itinuon ang atensyon sa ibang bagay. Nagugulo talaga ang utak ko kapag kasama ko siya.

Nagpokus nalang ako sa ginagawa kong card. 40 plus palang ang natatapos ko, 'di pa kasama 'yong envelope na lagayan ng sulat. I have to cut pa lalo na't wave ang edge nito at may kailangan pang iprint for the final output. Hindi naman kasi niya ako tinutulungan. Ayos lang sa akin iyon para hindi magulo ang pag-iisip ko.

"Hindi na malamig 'tong frappe mo." Bigla niyang sabi. "Sige ka. Ikaw din. Lalanggamin 'to."

Sinamaan ko muli siya ng tingin at umiling nalang. Tinuon ko ang atensyon ko sa ginugupit kong ribbon. Bakit pa kasi nakasama 'to sa design?

"You know what? I like this girl who knows how to raise herself alone." Bigla niyang sabi. Aaminin kong bigla akong nagkaroon ng interest sa kwento niya. "Matapang at palaban. May sense of humor, mabait of course and talented."

Sumulyap ako sa kanya na ngayo'y nakatitig sa lagayan ng frappe. Halos kalahati na ang laman ng iyon.

"Kaso 'di ko alam kung paano iparamdam sa kanya na gusto ko siya."

"Why?" Kuryoso kong tanong. Napatingin siya sa akin saglit at muling tinuon ang mata sa hawak niya.

"I don't know." Kibit-balikat niya. "I don't have the guts to."

"Mahina ka pala, eh." Sabi ko. Peke naman siyang ngumisi. Kita ko sa kanyang mata ang lungkot. "Kung gusto mo, bakit 'di mo susubukan?"

Tumingin siya sa akin. His dark eyes remind me of someone I have met before. Hindi ko lang ma-recall kung sino.

"What do you mean?" He asked back. Nagkibit balikat naman ako.

"Sabi nila, kapag gusto mo ang isang tao, gagawa ka ng paraan para maramdaman niya iyon. Susugal ka kahit walang kasiguraduhan. 'Di ba ganoon naman sa larangan ng pag-ibig?"

"Bakit? Nakasubok ka na bang magmahal?"

That hit me in the chest. Hindi ko pa naranasan kailanman ang ganyang mga bagay. Naging abala ako sa sarili ko, sa trabaho at sa pamilya. Hindi ko nabigyan ng pagkakataon ang sarili na maglibang kahit paminsan minsan.

"Hindi pa naman." Mahina kong sabi. "Pero base sa kwento ng kaibigan at mga pinsan ko, para ko na ring naranasan ang magmahal."

Bumuga siya ng malalim na hininga. Halata sa kanya na hindi siya sigurado sa gagawin niyang hakbang, kung meron man. At mukha rin siyang nahihirapan sa sitwasyon niya ngayon.

"You think she will like me back?"

Napaisip ako sa sinabi niya. Nakatingin lang ako sa kanya habang binabasa ang mukha niya. Seryoso naman siya sa tanong na iyon.

"Of course." Tumango tango ako. "Just be yourself, sir. You don't have to pretend to be someone that you are not just to be liked by someone. If she can't see your worth, maybe hindi siya 'yong taong nakalaan para sa'yo."

I looked away. I just saw another shade of him. Napagtanto kong kahit pala ang pinakamatapang na tao ay may kinatatakutan din. Pero takot ka lang naman kung hindi ka sigurado eh. Kapag may assurance, lahat ay kaya mong gawin no matter what is it.

"Thank you," he said, almost in a whisper. Para bang nanalo ako sa lotto dahil lang sa dalawang salitang iyon. He just said "thank you" to me! "Ubusin mo na 'tong kape mo or I'll throw it in the garbage."

I stared at him playfully. Isang mapaglarong ngiti naman ang sinukli niya. Inabot niya sa akin ang frappe. Hindi na ako tumanggi pa. Tinanggap ko ito, dahilan para tumawa siya nang mahina.

Naging mabilis ang takbo ng oras. Natapos na ang event ng birthday celebration ng anak nila Mr. And Mrs. Deduyo. Naging sucessful ito at eventful. Laking pasasalamat nila sa amin. Natanggap na rin naman ang nakalaang bayad.

"Wala ba kayong ka-date bukas?" Tanong bigla ni Patricia.

Bukas na ang Valentine's day. 'Di ko nga alam kung ano ang gagawin ko bukas. Ang sabi ay mag-off muna kaming lahat para magkaroon ng oras sa pamilya. I was thinking na uuwi ako kina Lola Rita mamaya at doon na muna ako hanggang bukas. Maybe my cousins will get excited kung sakaling malaman nila na wala akong lakad bukas. Or unless 'di na nila ako kakampi gawa ng 'di ko pagpayag sa gusto nilang mangyari.

"Wala nga eh." Sagot ni Euni. "Siguro stay lang ako sa bahay bukas."

"Ako rin." Segunda ni Ivy. "Wala rin naman kasi akong jowa."

Tumawa kami sa sinabi ni Ivy. Akala ko pa naman ako lang ang single sa amin. Pati rin pala sila. O baka naman wala pa sa isip nila ang bagay na iyon? Bata pa naman kami. Masyado pang maaga para maging committed sa ganyang bagay.

"Ang hihina niyo pala, eh." Kantyaw ni Patricia.

"Bakit ikaw may ka-date ka ba?" Panghahamon ni Eunicel.

"Aba'y oo naman!" Pagmamayabang niya. "Tingin mo sa'kin, single? May lakad kami ni Sir Maximilian bukas." Bigla siyang naghawi ng buhok na mukhang kinikilig.

May date sila ni Ximi bukas? Saan naman? Nililigawan ba niya si Pat? O baka siya 'yong tinutukoy niyang gusto niyang babae?

Pinagmasdan ko si Pat. Okay naman siyang babae. Puwede na rin maging girlfriend material. Maputi, may sense of humor, mabait at kilala ko rin siyang independent na tao. In fact, ang sabi niya'y siya na ang nagpapaaral sa kanyang mga nakababatang kapatid.

Pero kakikilala lang naman nila, ah? Ganoon ba 'yon kabilis? Is that how love works?

"As in date talaga?" 'Di makapaniwalang tanong ni Ivy.

"Oo nga ang kulit!" Umirap si Pat. "Anong tingin niyo sa akin? Okay naman ako kay sir, ah? Bagay naman kami?"

Hindi ako sumagot, maging ang dalawang babae. 'Di ko alam kung ano ang isasagot ko. Paano ko ba malalaman kung bagay ang dalawang tao? Ano ba ang basehan? Mukha? Estado sa buhay? Kayamanan?

"Napakasinungaling mo talaga, Pat." Ani Euni.

"Aba, Euni! Kahit tawagan ko pa si sir ngayon para maniwala ka."

"Sige nga. Gawa mo." Panghahamon ni Ivy.

Kinuha ni Pat ang kanyang cellphone. Tinignan ko naman ang wristwatch ko. I found out it's almost four in the afternoon. Malapit na kaming mag-off.

Patricia dialed a number on her phone. 'Di nagtagal ay itinapat niya ang cellphone sa tainga niya. Narinig namin ang pag-ring sa kabilang linya.

Mukha namang seryoso si Patricia. At talagang tinawagan niya pa si Ximi just to make us believe her.

"Hello, sir." Bungad ni Pat. Siguro sinagot na ni Ximi ang tawag.

"Yes, Pat? Napatawag ka?" Malumanay na boses ng lalaki mula sa kabilang linya.

Umimpit sa kilig si Pat. Halata sa kanya na gustong gusto niya si Ximi.

"Ah, sir. Gusto ko lang itanong kung anong oras ang lakad natin bukas?"

"Ah," humalakhak si Ximi. His voice was like a home of my lost heart. "10:00, kaya ba?"

"Hmm," pinaglaruan ni Pat ang kanyang buhok. "Okay, sir. Wala naman akong work tomorrow."

"Well that's great! I'll see you tomorrow then?"

Umimpit muli si Pat. Ang dalawa naman ay mukhang kinikilig na rin.

"Okay, sir." Pabebeng sagot ni Pat. "Pauwi na rin ako, sir."

"Okay. Mag-ingat ka."

"Thanks, sir."

Pat hang up already. Ang dalawa nama'y biglang tumili kaya tumili na rin ang isa. They all looked so happy and excited while me? Nakatunganga lang. I don't know what to react. Wala naman akong alam sa ganyang bagay.

"Oh, 'di ba? Ayaw niyo kasi maniwala." Si Pat. "Akala kasi lagi akong nagbibiro."

"Grabe jackpot!" Bulalas ni Ivy. "Sure na ba 'yan?"

"Nagsisimula pa lang." Kinikilig na sagot ni Pat. "So ano na? Magligpit na tayo para makauwi na!"

"Tara!" Excited na sagot ng dalawa. "Balitaan mo kami ha?"

"Oo naman." Pagmamayabang nito. Kakaibang kinang ang mayroon sa mata ni Patricia. Halatang nag-uumapaw sa saya ang nararamdaman niya.

I smiled to myself. Hindi na rin pala masama ang magkaroon ng lovelife. Pero siguro sa piling tao lang 'yan. Kasi ako? Pass muna ako riyan. Seeing them happy makes me happy. Iyon ang mas mahalaga sa akin sa ngayon.

Next chapter