webnovel

Chapter 48

Umakyat na ako sa taas. Si Lola Rita ay mukhang nag-eenjoy sa aming dalawa ni Ximi. Feeling ko tuloy gusto niyang kami ang magkakatuluyan.

Naligo ako at nagbihis ng pale pink cotton shirt and white maong shorts. Presko na ulit sa pakiramdam. Pagkatapos noon ay tinignan ko kung may nagtext ba. 'Di naman ako nabigo. Nakatanggap ako ng mensahe mula kay Moffet at Herana. Una kong binasa 'yong sa babae.

Herana:

Gala naman us! Si Moffet nagyaya.

Moffet:

Libre ka ba bukas? Tara gala. Sagot ko. ;)

Napakunot ako ng noo. Wala naman sigurong ganap bukas? Wala akong maalala, e.

Nagreply ako sa dalawa kahit pa 'di ako sigurado kung sasama ba ako. Mas gusto kong makasama si Ximi dahil aalis na siya three days from now. 'Di ko pa kasi alam kung gaano siya katagal doon sa Bukidnon. Ayoko namang magkwestiyon kasi personal na bagay iyong lalakarin niya.

To Herana:

Saan daw ba?

To Moffet:

I'll check pa. But I'll try. :)

After I sent my messages ay bumaba na ako. Nadatnan ko kaagad si lolo na nagbabasa ng dyaryo. He seemed fine. I hoped he's better now.

"Lo!" I kissed his left cheek. "How are you?"

"I'm fine, apo." Binaba niya ang dyaryo para maharap ako. "What about you?"

"Same, lo. I'm happy you're feeling better."

"'Di ka pa nasanay, apo."

"Lo," I gave him a dismay look. "You know you mean so much to me. Ayokong pabayaan ang kalagayan mo."

He just smiled and didn't say a word. It was a relief for me to see lolo's healthy. For his sake, I will use my money for his medications. Money is just money. Maliit na bagay lang sa akin 'yan.

Nang gabi ay sabay kaming kumain. Ulam namin ay sinabawang isda dahil nagrequest ako. Masarap lang talaga kumain ng may sabaw. Pagpapawisan ka at it always felt good.

"My wife told me uuwi ka sa Bukidnon." Sabi ni lolo sa gitna ng hapunan.

"Yes, lo. May kailangan lang asikasuhin."

"For how long?" Lolo asked quickly.

Hindi kaagad nakasagot si Ximi bagkus tumingin siya sa 'kin. I was staring back at him, waiting for his answers. Pero alam kong 'di niya masasagot iyon kasi kahit siya, 'di niya alam kung kailan matatapos 'yong bagay na 'yon.

"Can't tell, lo." Ximi answered and turned to Lolo Pocholo. "It depends but I will try my best to finish it as early as I can."

"No need, apo," tutol kaagad ng lalaking matanda. "You have to focus on that. Don't be on a rush. I know other things can wait but not this matter. Kung ano man 'yan, you have to give all your attention to it. Pag-isipan mo nang mabuti."

Nakita ko ang paghinga ni Ximi nang malalim. Mukhang mabigat itong bagay na 'to para sa kanya. If only I can help, I won't think twice. Pero mukhang makakaabala pa ako kung susubukan kong manghimasok.

After we had our dinner ay tumambay ulit ako sa tabi ng pool. I have my sketchpad with me na ngayon ko lang ulit nagalaw. 'Di ko na matandaan kung kailan ang huli kong gamit nito.

I scanned the pages, looking for empty one when I saw a sketch of a girl. Sumingkit pa ang mata ko, trying to recall who did this kasi malabong ako. At nang naalala ko na ay si Ximi pala ang gumawa nito.

Pinagmasdan ko nang mabuti ang sketch. This was me. 'Di ako puwedeng magkamali. Detalyadong detalyado ang pagkakaguhit. And I remembered when did he do this. We were in this place while talking some stuffs.

"Paano mo malalaman na gusto mo 'yong isang tao?" Tanong ko.

"When you appreciate every piece of him." Sagot niya.

Nilingon ko siya na abala pa rin sa sketch pad. Sumulyap ako roon at napagtantong isang babae ang ginuguhit niya.

I smiled as I remembered that moment. It was my very first time to talk to him calmly. Lagi kasi akong naiinis sa kanya dahil sa pagiging arogante niya. But it turned out, 'di naman talaga siya ganoon. Siguro it was his way to catch my attention.

I ran my fingers to the sketchpad. It was unbelievable. Iyong kilay, mukhang totoo. Iyong matang masungit, surely he knew how to picture it out on his mind. Nakakamangha! 'Di ko kaya 'to. Or I can, but I knew he was still better than me.

Pero kung may nakakataba man ng puso para sa akin ay iyong sagot niya sa tanong ko kung paano mo masasabing gusto mo ang isang tao.

I do appreciate every piece of him. 'Di lang dahil gusto ko siya pero mahal ko rin. I do love his arrogant side, his playful side, his serious and kinky one. Lahat sa kanya ay mahal ko. Ganito naman siguro ang magmahal. Kapag mahal mo, mahal mo ang lahat sa kanya. No exceptions. Kaya siguro maraming nabubulag na tao kasi ganoon ang tunay na nagmamahal. Walang pangit sa kanya. Kung mayroon man, nakikita mo pa rin itong maganda.

"Babe?" Rinig kong boses ng lalaki mula sa likod ko. Halos tumalon ang puso ko sa gulat. Tumingala ako sa kanya and gave him a sweet smile.

Lord, mahal na mahal ko ang taong 'to. Sa 'kin mo nalang siya ibigay dahil alam kong I can treat him better than anyone can. I can give him the love more than what he wanted; greater than what he needed. And if he's not for me, then I don't know who is the one.

"I miss you, babe," he said and sat next to me. He leaned closer and kissed my forehead. Muli na namang nagwala ang puso ko.

"I miss you more, babe," I answered. He smiled and kissed me on my cheeks. "Masasanay na talaga ako sa pinaggagawa mo."

How can't I miss him kung ganito lagi ang ginagawa niya? How can I survive without him by my side? Iniisip ko pa lang na uuwi siya sa Bukidnon, parang gusto kong umiyak. Gusto kong magmakaawa na 'wag nalang siyang umuwi.

But I knew I just can't. 'Di puwede. Mas importante 'yong lakad niya.

"Okay lang 'yan, babe. Dapat naman talaga." He winked at me. Ngumuso naman ako. Naiiyak ako!

Tears pooled over my eyes. Naiiyak ako kasi 'di ko alam kung hanggang kailan siya mawawala sa tabi ko. Paano kung 'di ko kaya?

"Babe," he sighed and pulled me closer to him. "You can wait naman, 'di ba?"

I stiffened as I gave him a nod. Kaya ko namang maghintay. Ang sa akin lang ay mamimiss ko siya nang sobra.

"Ganito nalang," pinaharap niya ako sa kanya. Ang kanyang mata ay malungkot din. "While I'm gone, promise me that you'll be happy, okay?"

"Babe," nabasag ang boses ko. Bumuhos na nang tuluyan ang luha ko. Kaagad naman niyang pinunasan iyon saka ako hinagkan sa noo. "I promise I will wait for you."

"I love you so much, Luca. Mahal na mahal kita, tandaan mo 'yan." He said sincerely at muli akong tinignan sa mata. Naluluha na rin pala siya. He cupped both of my cheeks and kissed my forehead once again. "Just be patient, okay? Give me some space and I'll give you freedom. We both need this for us to grow... to be mature enough. Pagbalik ko, I will make sure handa na kitang panindigan."

"Babe," was the only word I can say. I was hurting inside kaya niyakap ko nalang siya.

He was right. Kailangan namin ng space para mag-explore. Para magmature at makapag-isip nang maayos. We both needed space to realize what we really wanted in life. At kung magkakatagpo man muli ang mga landas namin, baka iyon na ang tamang panahon.

Tahimik na kami sa sumunod na oras. Nakapatong ang ulo ko sa kanyang balikat habang nakababad sa tubig ang aming mga paa.

"You did this, right?" Tanong ko at pinakita sa kanya 'yong sketch niya. "Ako ba talaga 'to?"

"Yes, babe." He replied.

Umupo ako nang maayos para maharap siya. His eyes twinkled as the light coming from the bulb struck them.

"Ito 'yong panahong tinatanong kita about you and Patricia." Untag ko. Tumango naman siya na parang nagegets niya ako. "'Di ba sabi mo... alam mo na 'yong nararamdaman mo para sa kanya? And I thought it was love and you're serious about that."

Naaalala ko pa lahat, bukod sa nakaraan ko. I guessed I shouldn't dwell in it and try to flashback. Hindi na siguro importante iyon.

"Hmm," tumango siya. "Weren't you wondering why I said na kapag gusto mo talaga ang isang tao, kahit matagal ng 'di kayo nagkikita ay gusto mo pa rin siya?"

I squinted at him, trying to recall when was that. At nang naalala ko ay tumango ako sa kanya.

That time, I only thought about liking Moffet. I wasn't sure about that kaya ako nagtanong sa kanya. At ano bang malay ko sa ganyang bagay? Wala.

"It was you I was referring to, Luca. But you didn't seem to notice it 'cause I know you were thinking about Moffet."

"Alam mong crush ko na siya dati pa?" Napatanong ako.

Paano niya kaya nalaman? May nagsabi ba? O sadyang halata ako masyado?

He nodded. 'Di ko alam kung nagulat ba ako o I expected it. Malapit naman siguro sila ni Moffet kaya siguro nakukwento ako ng lalaking 'yon sa kanya.

"It's because of Herana." He said. Iyon ang sigurado akong nagulat ako. "She likes me but I like someone else."

Aww. I was hurt. Nasaktan ako para sa kaibigan ko. I knew she's been through heartaches tapos dagdagan pa ni Ximi.

'Di ba ang saklap naman ng buhay pag-ibig niya?

"How did the two of you meet?"

Wala namang sinasabi si Herana tungkol kay Ximi. O siguro dahil abala ako masyado sa buhay ko, 'di na niya nashi-share 'yong love story niyang tragic sa 'kin. The last man I knew she cried for was Bartolome. The rest, 'di na ako updated. Kahit nga ngayon, 'di ko kilala.

"Sivi," he told me. "You know her, right?" I nodded. "She was once my classmate in college."

"Miriam College?" Pagkaklaro ko. Tumango naman siya dahil tama ako. "Then?"

"Ayun," kibit balikat niya. "I just know she existed but we got no chance to be friends."

"Okay naman kayo ngayon?"

Mukha kasing hindi. Ayaw na ayaw ni Herana kay Ximi. 'Di naman siguro siya nasaktan dahil sa lalaking 'to?

"Maybe? I don't know."

Naglihis siya ng tingin. I can say he was thinking of something. Then few seconds passed, he faced me again.

"And because of her, natagpuan kita." He smiled genuinely. "She was my way to you, Luca. And I will always be grateful kasi hindi ka niya pinapabayaan."

I smiled at him. Umusog ako palapit sa kanya at ibinaon ang noo sa kanyang leeg. It always feels good to be with him. Nakakalimutan ko ang mga problema. And I always feel at home at nakakaramdam din ako ng kapayapaan sa kanyang bisig.

Nang lumalim na ang gabi ay napagdesisyunan naming pumasok na sa loob. Lumalamig na rin ang hangin at bago pa kami magkasakit ay pumasok na kami sa loob para na rin makapagpahinga.

Nadatnan namin sina lolo at lola na nanonood ng palabas sa tv. Romantiko ito at makaluma. Panahon pa ng kasikatan ni Desiree Luna.

"La!" Pagkuha ko sa atensyon nila. Pareho silang lumingon sa akin na nagtataka.

"Bakit gising pa kayo?" Lolo Pocholo asked. "Anong oras na."

"It's fine, lo." Sagot ko at lumapit sa dalawang matanda. "Kayo? Anong oras kayo matutulog?"

Nilingon ko si Ximi na sumenyas na papasok sa kanyang kwarto. Tumango naman ako bilang sagot saka bumaling sa dalawang matanda.

"Mukhang okay na okay kayo ni Ximi, a? Simula noong umuwi kayo ng Bukidnon."

"La, naman." Reklamo ko at umupo sa gitna nila. "Mabuting tao si Ximi, la. Siguro 'di lang maganda 'yong una naming pagkikita."

"'Yong niyabangan ka niya?" Singit ni lolo. Agad akong bumaling sa kanya at tumango.

"Apo," malumanay na sambit ni lola sabay hawak sa kamay ko. Napatingin ako sa kamay niya bago sa kanyang mukha.

She was smiling at me. Kita sa mukha niya na masaya siya para sa akin. Pero 'yong dahilan kung bakit ay 'di ko alam.

"Treasure someone before they're gone, apo. Make them feel your love before it's too late. There's nothing wrong in falling in love kung alam mong wala kang nasasaktang ibang tao."

"Why are you saying this to me, la?" I asked, confused.

Alam kong may pinapahiwatig sa 'kin si lola. Sa kung paano niya ako tignan hanggang sa mga sinasabi niya, alam kong malaman iyon. I just have to dig deeper para lubos na mauwaan.

"Apo," si lolo naman ngayon. Nilingon ko siya at nadatnan ang kumikinang na mata. "Matanda ka na. Alam mo na 'yong gusto mo para sa sarili mo. Nakikita naman naming mahal mo si Ximi at masaya ka sa kanya, bakit 'di mo nalang hayaan ang puso mo ang masusunod? This time, follow what your heart beats. Minsan lang sa buhay na dumating 'yong taong magmamahal sa atin nang walang ibang hangad kung 'di ang pagmamahal mo. 'Yong iba pa ay walang hinihinging kapalit. Kilala na namin si Ximi at kung siya ang pipiliin mo, wala na kaming dapat na ipag-alala."

Ngumiti ako at nagpakawala ng mumunting tawa. Naiiyak ako sa sinabi nilang dalawa.

All my life, sila 'yong taong nandyan palagi para sa 'kin. 'Di nila ako pinabayaan kahit pa gusto kong ako ang masusunod pagdating sa sarili ko. Mahal na mahal nila ako at tinuturing na parang tunay na anak. Pinapangaralan dahil alam nilang nakabubuti iyon para sa akin.

I am blessed. I am blessed with these people na ang tanging hiling lang ay mapapabuti ako. Suportado nila ako sa lahat hangga't alam nilang 'di ito makakasama sa 'kin. Kasi 'di naman talaga. 'Di ako gagawa ng desisyon na alam kong pagsisisihan ko sa huli.

Now I know I made myself a better one. That despite of growing up without my parents with me, andyan sila lola at lolo para tumayong pangalawang magulang. No matter how hard I tried to be independent, alam kong sinusubaybayan pa rin nila ako.

Three days passed by like a wind. Sobrang bilis ng tatlong araw. Pagkagising ko, wala na si Ximi sa tabi ko. Wala na 'yong lalaking nagpapalakas sa puso ko.

He was nowhere to be found. But he left a note that almost broke me into pieces. Pero kahit papaano, 'di ako nawalan ng pag-asa. Na tama siyang dapat ay magpatuloy ako sa buhay ko.

Nasa kwarto ako at mag-isa nang binasa ko ang liham ni Ximi. Sa una ay ayoko kasi ayokong umiyak but because my heart was longing for his voice, kahit sa liham man lang ay marinig ko ulit siya.

Dearest of all darlings,

Hi, Lulu Cailleigh Alonzano Nadella. Ang haba ng pangalan mo pero wala man lang dyan ang apelyido ko. Haha.

'Yon pa lang ay natawa na ako. Lokong Ximi. Nagjoke pa.

First of all, I want to thank you for being part of my life again. Alam mo bang ang tagal kong naghintay sa 'yo? Pero 'di ako nanunumbat, ha? I just really want you to know that I've been waiting this moment na maging akin ka. Finally, my heart found its home and it's always you, babe.

Babe, alam ko namang 'di maganda ang una nating pagtatagpo. Alam kong mayabang ako pero 'yon lang kasi ang alam kong paraan para mapansin mo 'ko. I actually love your invitation cards na draft pero dahil gusto kitang ma-solo, I told you I don't like any. Peace, babe. Nababaliw na kasi talaga ako sa 'yo. I don't know how to win you kaya 'yon ang ginawa ko. I know it was stupid but I never regret anything kasi nagkaroon naman ako ng time sa 'yo. Alam kong inis na inis ka na sa 'kin pero ang cute mo talaga. Hehe. Peace tayo, angry bird.

Napapailing nalang ako habang binabasa ang sulat niya kasi naaalala ko 'yong panahong inis na inis ako sa kanya kasi napakaarogante niya. At 'yong sinabi niyang bagay sa 'kin 'yong pantulog na angry bird, kulang nalang ay sabunutan ko siya. Buti nalang at kausap ko si Moffet kaya medyo kumalma ako.

I know how much you like Moffet. Selos na selos ako sa kanya kung alam mo lang. Alam ko kasing kaya ka niyang agawin mula sa 'kin. Ay mali. 'Di ka naman akin kaya makukuha ka niya talaga. Iba kasi siya makitungo sa 'yo kumpara sa 'kin.

Babe, habang sinusulat ko ang bawat letra na nandito ay nangangarap akong balang araw ay magkakasama na tayo. Nakikita ko na 'yong future natin, babe. Titira tayo sa iisang bubong, magsisigawan tayo, mag-aasaran at siyempre, babe time natin. 'Yong usual routine. ;P

Uminit ang pisngi ko sa huli niyang linya. Pinagdidiinan talaga 'yong usual routine.

Anyways, ito seryoso na 'to, babe. Wala ng halong joke. Babe, mahal na mahal kita kahit 'yong mga panahong 'di mo pa ako mahal. Na si Moffet lang 'yong nagpapakaba sa 'yo. Mahal na kita. Maybe it was crazy for me of loving you from afar but it was the least thing I could do. I just have to be patient and believe that one day, you'll fall for my charm. At 'di naman ako nabigo. Everything is worth the wait, babe. You are worth the wait. Kaya please, babe. 'Wag mo 'kong susukuan. 'Wag mo 'kong iwan habang lumalaban. Ikaw nalang 'yong lakas ko. Ikaw nalang 'yong natitirang sandata ko. Your love makes me weak and strong at the same time. Kaya para sa 'yo, lalaban ako hanggang sa maubos ako, hanggang sa wala ng matira sa 'kin. Sa ngayon, kailangan ko ng unawa mo, Babe. I have to do this for us. Kailangan kong ayusin 'yong sarili ko. Kailangan kong buuin at hanapin ang natitirang piraso na kulang sa 'kin. I need to find my real father, babe. I want answers at alam kong sa kanya ko lang mahahanap 'yon.

So, please, Babe. Don't give up on me kahit napakaarogante kong tao. 'Wag mo sanang maisipang isuko ako dahil kailanman 'di kita sinukuan. I need you, babe. I love you so much.

- Ximi

Ps. Promise me that while I'm gone, you'll find reasons to be happy. Promise me, okay? Please, babe. Kasi wala ako sa tabi mo para punasan ang luha mo at halikan ka sa noo. I know you will miss me but I will miss you more, babe. I love you so much. Take care of yourself. Until we meet again.

Next chapter