webnovel

Chapter 26

Tahimik lang akong nakikinig sa biruan ng dalawa. I can tell na malalim na ang koneksyon nila sa isa't isa. Siguro nga bata pa lang kami ay pinagsisilbihan na ni Manong Ato ang pamilyang Abenajo.

"Excited pa naman si Ori nang nalaman niyang uuwi ka, Ximiboy." Natutuwang balita ng drayber.

"Talaga po? 'Di mo sinabi na 'di ako magpapakita sa kanya."

I suddenly questioned myself who was Ori. Ngayon ko lang narinig ang pangalang iyon. Was that even a name of a person?

"Kilala mo naman 'yong batang iyon."

Mataman kong tinignan si Ximi na ngayo'y natutuwa sa sinabi ni Manong Ato. He glanced at me and suddenly held my hand. Bahagya akong nagulat sa ginawa niya.

"Ori is my youngest sister. She's already three."

Para bang nabasa niya sa mukha kong kailangan ko ng eksplanasyon. O baka halata ako masyado?

"Ganun ba?" Pasimple kong binawi ang kamay ko. Bakit ba ang hilig nitong manghawak ng kamay? Nakakagulat kaya!

Naglihis ako ng tingin at napahinga ng malalim. I swore Ximi was playing with my feelings.

"'Di mo na naabutan si Ori, Luca." Singit ni Manong Ato kaya tinapunan ko siya ng tingin. "Baka nga si Abi 'di mo rin naabutan."

Right. I thought Abi was just my client. Kapatid pala siya ni Ximi whom, I assumed, I spent my childhood days with.

"Abi was her client, manong." Singit ni Ximi kaya siya naman ang tinignan ko. Nakatingin na pala siya sa akin nang nakangiti. "Sayang wala ka noong debut niya."

"Oo nga eh." May himig ng panghihinayang ang kanyang boses. "May lakad kasi ako sa araw na 'yon. Saka sa Manila 'yon ginanap. Walang maiiwan sa bahay niyo kung sasama pa ako."

Bakit? Wala ba silang katulong?

"Ayos lang 'yon, manong. Naiintindihan ka naman ni Abi."

Tahimik na silang dalawa kaya naman naisipan kong manood sa labas. It was peaceful. Sobrang layo ng nakagisnan ko sa Maynila. Dito walang trapik. Malinis din ang daanan kahit na 'di siya kalawakan at may mga punong kahoy sa tabi. And you know what's the best part of living in province? Bukod sa payak at payapa ang pamumuhay, abot-kamay mo pa ang dagat. Magsasawa ka dahil nasa paligid mo lang ito.

"Satisfying," rinig kong bulalas ng katabi ko. 'Di ko siya pinansin dahil abala ako sa panonood ng tanawin sa labas.

Ang sarap dito tumira at tumanda. CDO's one of the finest places I've been to. Magaganda ang lugar dito at 'di ka magsasawa dahil mababait ang mga tao. They give you a warm welcome and make you feel at home.

Gumalaw ang inuupuan namin and with one snap of a finger, naamoy ko ang pabango ni Ximi.

"I can see you loving this place." Komento ng katabi ko. Ang kulit niya sa part na 'yon.

"If only I know this place, baka rito na ako tumira." Sabi ko, watching the calm sea. Minsan ay natatakpan dahil sa mga kahoy o mga bahay.

"You can live here, Luca. Welcome ka sa bahay namin."

I wrinkled my nose and turned to him. Napalunok ako nang nagtama ang paningin namin. Isang dangkal lang ng kamay ang pagitan namin. 'Di ako makahinga!

"Nope," I plopped the letter p. "I better live on my own than waking up in the morning seeing you."

"Harsh mo talaga," he feigned a hurt at medyo lumayo sa akin. "I was just being nice."

"Nice," natawa ako sa sinabi niya. "May alaga ba kayong aso roon?" I diverted the topic bago pa aabot sa kung saang argumento 'to.

"Sa bahay?" Tanong niya pabalik.

"Hindi, sa bundok. Saan kaya 'yon?" Sarkastiko kong tugon. May pagkaano rin 'tong si Ximi eh.

"Apat, Luca." Si Manong Ato ang sumagot.

Nanghina ako bigla. I hate dogs! I swore to myself hinding hindi ako lalapit sa mga aso, kahit anong breed. They were violent!

"H-Ho?" Namutla ata ako. "P-Pero nakatali?"

"Why would we tie them, Luca?" Tanong pabalik ng kumag.

Lumunok ako ng isang beses. My god, I was breathing heavily! Iniisip ko pa lang na makasalubong ko 'yong apat na 'yon, para na akong mahihimatay.

"You mean dogs? Not puppies?" Pagkaklaro ko.

Suck! Bakit ngayon ko lang natanong iyon?

"Yeah," humalakhak si Ximi. Sa tunog na iyon ay alam kong alam na niya ang ibig kong sabihin. "Relax, Luca. 'Di naman sila nangangagat."

"Kahit na!" Tumaas ang boses ko na ikinagulat nila. "Ba't 'di mo sinabi?"

"You didn't ask?" Painosente niyang sagot.

Ugh! Nakakafrustrate!

"'Di ka pa rin pala nagbabago, Luca." Komento ni Manong Ato kaya napatingin ako sa kanya na chill lang magmaneho. "Takot ka pa rin pala sa aso. 'Di bale, ikukulong ko sila para 'di ka matakot."

Sinamaan ko ng tingin si Ximi na ngayo'y nagpipigil sa tawa. How could that be? Nakakainis kasi pinagtatawanan pa niya ako!

As far as I remember, there was one time na gustong gusto ko ng aso. I was holding my doll at nagulat ako nang inatake niya iyon. Takot na takot ako. Umiyak ako at may lumapit sa'kin para aluin ako. From that moment, I swore to myself to never like a dog. At 'di rin ako lalapit sa kanila.

'Di ko na pinansin si Ximi pagkatapos noon. Nakakainis talaga ang aroganteng iyon. Pinagtawanan pa ako! Nakakatawa 'yon?

Dahan dahang tumakbo ang van hanggang sa huminto ito. Tumingin kaagad ako sa labas at napagtantong nasa isang bakanteng espasyo kami na kalapit lang sa isang magarang bahay.

Wow. Just wow. Iyon ang una kong nasabi sa isip. Siguro mayaman talaga ang pamilyang Abenajo. Lalo na kung kabilang pa sa angkang Del Monte. Owning a vast pineapple plantation was understatement.

"We're finally here." Ximi proclaimed as he breathed out. Para bang ayaw niya sa lugar na ito.

He opened the door while I remained inside, watching every move he made. Noong una ay nagtaka siya nang wala akong balak lumabas but agitatingly chuckled the moment he realized what was going on.

"Come on, Luca. Walang aso rito." He teased.

"E nasaan kung ganoon?"

I won't trust this man in front of me. Lalo na't nakakaramdam akong pagtitripan niya ako rito.

"Nasa kabilang bahay."

"Nasaan 'yong kabilang bahay?" Agap ko.

I had to be careful. This man was getting under my skin.

"Andoon," nginuso niya ang tinutukoy niyang kabilang bahay. I checked it out and found the said house. Gawa ito sa kahoy, more like a classic house pero varnished kaya makintab.

"Sure ka? I will kill you kapag hindi."

"I promise." Seryoso niyang saad pero biglang tumawa. Lokong kumag na 'to. Gawin pa akong katatawanan. "Hurry up, Luca. I'm hungry. Ikaw kakainin ko sige ka."

"Sige nga!" Panghahamon ko na kaagad kong pinagsisihan. Napatutop ako sa bibig ko.

What the heck, Luca?

"Eto na." Sabi ko. "Lalabas na ako. Masaya ka na?"

But before I landed my foot on the ground, I checked if no dog was around. Nang nakasiguro ako ay tuluyan akong lumabas mula sa van.

"Nasa kabilang bahay ang mga aso dahil 'di sila puwede rito." Paliwanag niya. Nagsimula na kaming maglakad papasok ng bahay.

Nilibot ko ng tingin ang buong paligid. Doon sa kabilang bahay ay may malawak na garden. Iba't iba ang mga bulaklak samantalang dito ay minimal but looked modern. Parang historical ang kabilang bahay while ito ay moderno.

"Bakit 'di puwede?" I asked him, still enjoying the nice view.

"Allergic si mama." He replied and I turned to him. "Pero dahil mahilig si Ori sa aso, doon nalang muna sa kabilang bahay."

"Sino ba ang nakatira roon?"

Nasa tapat na kami ng puting pinto. Sa kabuuan, puti ang kanilang bahay.

"Wala." He shrugged. "'Di naman bahay 'yan."

"Oh?" Bulalas ko. Kung wala at kung 'di bahay iyon, ano iyon?

"Let's just consider that a resting place. Ganun." Aniya.

Okay, I got it. Pero baka may tinatambak doon. Baka naman may purpose kung bakit 'yan pinatayo. 'Di naman siya ganoon kalaki. Tama lang para tawaging bodega but it didn't look like that.

Pumasok na kami sa loob and to my surprise, a little girl around three rushed towards us. Halata sa mukha na tuwang tuwang makita ang kanyang kuya.

"Dada!" Maligaya nitong sambit. She spread her arms wide na tinanggap naman ni Ximi. Kinarga niya ito. "Dada, I miss you!" Bigla siyang umiyak kaya nataranta ako. Si Ximi naman ay kalmado lang habang sinasayaw ang bata.

"Dada's here, Baby Ori. Sshh." He said in a soothing manner.

Pinanood ko silang ganoon ang eksena. Ang swerte pala ng magiging asawa at anak nito dahil kita ko namang maalaga siya. I can see how he loved Ori.

"Won't you leaven again, Dada?" She asked. Ang mata ay namamasa. Hinalikan naman siya ni Ximi sa pisngi.

"I can't promise, baby."

"But," she cried again. Sinayaw muli siya ni Ximi para tumahan. "Don't leave again, dada. I will miss you!"

Bakit kaya Dada ang tawag ni Ori kay Ximi? 'Di ba't Dada was for dad?

"I will miss you more, baby." Pampakalma nito. My heart was overwhelmed. Nakakapanibago ang ganitong lilim ni Ximi. "Sshh, stop crying now."

Napalingon sa akin ang batang Ori. She was cute with her chubby cheeks. Mapupula ang labi at maputi rin siya. Siguro nasa lahi nila ang pagiging maputi.

"Who is she?" Ori asked, sinisinok. Napatingin sa akin si Ximi at ngumiti naman ako sa kanya.

"She's Ate Luca, baby."

"Ate? Sister?" Inosente nitong sagot.

"Nope, baby. Ate because she's older than you."

Ori looked at me in the eyes na parang naninimbang. As if she was trying to read my soul.

"Ate Luca?" She repeated. Tumango naman ako't ngumiti sa kanya.

"Come here?" Sumenyas ako na lumipat siya sa akin. 'Di naman siya nagmaldita. Tahimik siyang lumipat sa bisig ko.

"I'll just check where they are." Pagpaalam ni Ximi. Tumango naman ako saka bumaling kay Ori.

"Ate Luca?" Cute niyang tawag, sounded clarifying.

"Yes, Baby Ori. Ate Luca."

She held my cheeks and looked at me in the eyes. Her eyes resembled Ximi's. 'Di na ako magtataka pa kung magkapatid nga sila.

"Ate Luca," she grinned and hugged my neck. May kabigatan si Ori pero kaya pang buhatin.

In a moment, may narinig akong yabag ng paa at pamilyar na boses. It was from Mrs. Thiana Abenajo, the mother of Ximi.

"Hi, Luca!" Nakangiti niyang bati at nakipagbeso sa akin. Kinuha naman ni Ximi si Ori. "Nice to meet you again." She held both of my hands. "Gutom ka ba? Ipaghahanda kita."

"No need po, ma'am." Nahihiya kong tanggi.

That truth was, she was so nice. I can see Aubriene to her. Baka nga nagmana si Abi sa kanyang nanay na palangiti, palakaibigan at hospitable.

"You're being formal here, Luca. You can just call me "tita". Is that okay?"

"Oh," akward akong ngumiti at napatingin kay Ximi. Tumango naman siya. "Sige po, tita."

"Good. So ano? Anong gusto mong kainin?" Binitawan niya ang kamay ko.

"Anything will do po, tita. 'Di naman ako pihikan sa pagkain."

"Hmm, mabuti naman kung ganoon." She smiled. "Tara na? Nakahanda na ang mga pagkain."

"Sige po." Naunang umalis si Mrs. Abenajo but I remained on my foot. Nakakahiya. 'Di ako sanay sa ganito lalo na kung sa bahay pa ng lalaki.

"Let's go, Ate Luca!" Maligayang aya ni Ori. I had no choice but to follow them.

We settled down on a round expandable table. It was jaw dropping! First time kong nakakita ng ganoong mesa na adjustable. I swore I looked like a little girl who enjoyed magic tricks.

Ang mesa ay gawa sa kahoy at maging ang kanilang mga upuan. Yet, the furnitures were too good to be true. 'Di siya basta bastang upuang gawa sa kahoy. It has elegance; it was an art.

We settled down on our seats. Katabi ko si Ximi na katabi si Ori. Sa tapat ko ay ang ginang.

"Kararating niyo lang, 'di ba?" The woman asked.

"Opo." Tanging nasabi ko. I wasn't like this when we had a business stuff. Magkaiba na kasi ang sitwasyon ngayon.

"Ma, ayos na ba ang kwarto ni Luca?" Si Ximi na kasalukuyang nagpapakain sa bunso nila.

"Oo naman, anak. Puwede na siyang magpahinga dahil alam kong nakakapagod magbiyahe."

"Thanks, Ma." Sagot niya. Tinuon ko nalang ang tingin ko sa plato. Wala akong makapang salita para makipagkomunikasyon sa nanay niya. Wala talaga akong masabi!

Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam akong lumabas muna ng bahay. Wala naman daw problema kaya tumambay muna ako sa pasyo.

Imbes na semento ay green grass ang bakuran nila. Siguro sinadya 'to dahil may bata sa kanila o baka matagal na itong damong 'to. It only looked fresh dahil alagang alaga ng mga kasambahay.

"Oh, Luca." Rinig kong boses ni Mrs. Thiana. Napalingon ako sa kanya at ngumiti. Umusog ako sa inuupuan ko para makaupo siya.

"Hello po." Nahihiya kong bati.

"Mabuti naman at mukhang maayos ang relasyon niyo ni Maximilian." Komento niya.

"Minsan po ay hindi. Nayayabangan po kasi ako sa kanya."

"Ganoon talaga ang batang iyon." Ngumiti siya na parang natutuwa sa kanyang anak. "But you know what I love the most about him? It's he's true... he's always true to his words and actions."

I pondered a bit. Kung ganoon si Ximi, swerte ni Patricia?

"Hija," she held my hand and looked at me in the eyes. Para bang nagsusumamo iyon. "Please take care of my son. Nakikita ko namang mahalaga ka sa kanya at ganoon din siya sa'yo. I hope you will accept everything he is."

Natahimik ako roon. Ewan ko pero ang weird ng sinabi niya. Ano bang meron kay Ximi? Bakit parang pareho sila ng sinasabi ni Lola Rita?

"Opo, tita." Ngumiti ako sa kanya to give him assurance.

Now, I wanted more. I wanted to know more about Ximi. Slowly... as time goes by, baka makilala ko nang lubusan ang kumag na 'yon.

Next chapter