webnovel

Whirlwind Marriage (Tagalog)

Mayaman, makapangyarihan, at gwapo. Si Gu Jingze ay ang "cream of the crop" ng bansa. Ang mga lalaki ay nangangarap na maging katulad niya at ang bawat kababaehan naman ay siya ang pinapangarap na mapangasawa. Perpekto ang kanyang buhay... ngunit... may isang madilim na sekreto sa kanyang pagkatao na walang sino man ang pwedeng makahawak o makalapit man lang sa kanya...lalo na kapag babae. Hanggang sa isang araw, nagising na lang siya sa loob ng isang silid kasama ang isang di-kilalang babae.: si Lin Che. Dahil sa hindi inaasahang pangyayari ay kinailangan niya itong pakasalan--bagama't malayong-malayo ang personalidad nilang dalawa, Simpleng babae lamang si Lince na may iisang pangarap sa buhay: ang maging isang sikat na artista. Dahil itinakwil ng pamilya kaya't napilitang maging independent, nag-isip siya ng isang plano para mas mapalapit sa minimithing pangarap. Ngunit, nabigo siya sa kanyang plano at labag sa loob na nagpakasal sa isang walang pusong lalaki na si Gu Jingze. Bukod pa rito, kailangan niya ring hanapin ang kanyang lugar sa isang lipunan na kinabibilangan ng napakaraming inggiterang babae at mga masasamang tao-- lahat ng iyan, habang tinatahak ang kanyang pangarap. Dalawang istranghero sa isang bubong. Sa pagsisimula, nagkasundo silang huwag manghimasok sa kani-kanilang personal na buhay. Pero sa hindi malamang dahilan, laging naroroon si Gu Jingze sa mga panahong kailangan niya ang tulong nito. Lingid din sa kaalaman ni Lin Che, unti-unting nagiging mahirap para sa kanya ang harapin ang bukas nang wala si Gu Jingze. May patutunguhan kaya ang kanilang pagsasama o ang kanilang pag-aasawa ay mananatili lamang sa isang kontrata?

a_FICTION_ate · Urbano
Classificações insuficientes
165 Chs

Walang Ibang Lalaki Ang Makahihigit Sayo

Paano naman iyon magagawa ni Lin Che? Sobrang pula na ng kanyang mukha habang ang kanyang kamay ay nakahawak sa isang matigas na bagay sa katawan nito, na talaga namang malaki at walang tigil sa pagtayo. Talagang…

Napatingin si Lin Che kay Gu Jingze, "A-a-ano… Ngayon… Ano ng gagawin natin ngayon?"

Mas lalong bumagsak ang mukha ni Gu Jingze. Ano ba namang klaseng tanong iyan…

"Sa palagay mo ba'y alam ko rin ang gagawin?!" Nahihirapang tanong ni Gu Jingze.

Gusto ng umiyak ni Lin Che, "Pareho tayong hindi alam kung ano ang gagawin. Sayo 'yan, hindi sa akin."

Yumuko si Gu Jingze at tumingin sa kanya. Agad naman niyang iniwas ang tingin dito at nagkunwaring hindi niya nakikita ang nagmamakaawa nitong mukha.

Napakagat ng labi si Gu Jingze at dahan-dahang inilapit ang mukha sa may tainga ni Lin Che. Hindi niya mapigilan ang sarili na hindi halikan ang mapang-akit na bahaging iyon.

Hindi napigilang manginig ni Lin Che nang may naramdaman siyang init na pumasok sa kanya.

Napakalapit ng hininga ni Gu Jingze sa kanya na para bang sa mismong katawan niya nanggagaling iyon.

"Oo nga't ako ang may-ari nito pero hindi ito nakikinig sa akin ngayon. Baka sakaling makinig sa'yo. Tanungin mo kung ano ang gusto?"

". . ."

Napalunok ng laway si Lin Che at pakiramdam niya'y malulunod na siya sa paraan ng pagtitig nito sa kanya. Halos makalimutan na niyang huminga.

"Pero, pero…"

"Hawakan mo na. Isipin mo nalang na parang pinapakalma mo siya, okay?"

"Pero…"

"Ano pa bang magagawa natin?!" Kinuha ni Gu Jingze ang kanyang kamay at muling inilagay sa kanyang alaga.

Walang nagawa si Lin Che kundi ang sumunod nalang sa gusto nito. Hinaplos at hinawakan niya ang pagkalalaki nito na tanging ang manipis na tuwalya lamang ang nakabalot. Naramdaman niya ang pagsikip ng kanyang katawan habang tahimik na nananalangin na sana'y mamatay na lang siya dahil sa matinding kahihiyan.

Sino bang makakapagbigay-paliwanag sa kanya kung anong klaseng sitwasyon ba ang mayroon sa kanila ngayon?

Bagama't magaan at simple lang ang pagkakahawak ni Lin Che, grabeng hirap ang nararamdaman ni Gu Jingze.

Hindi niya magawang pigilan ang sumisidhing pagnanasa. Siya ang tipo ng lalaki na mataas ang lebel ng self-control, pero ngayon… pakiramdam niya'y unti-unti ng nawawala iyon.

Hindi. Hindi sapat ang ganito.

Lalong tumitindi ang kanyang pagnanasa. Gusto nyang lamunin nang buong-buo ang babaeng kaharap niya ngayon mismo.

Pero, hindi niya kayang…

Nang sa palagay niya ay hindi na niya kayang pigilan pa ang sarili, napapikit siya at pinilit ang sarili na umalis sa kama.

Nabigla naman si Lin Che at inisip kung may mali ba siyang nagawa.

"Mas lalo bang sumakit dahil sa ginawa ko? Ah… Ang totoo ay wala naman akong ginawa eh."

HInawakan niya ang kanyang mukha at pinagmasdan si Gu Jingze na pumasok sa banyo.

Noon niya lang naalala na nakahawak pala ang kamay niyang iyon sa sensitibong bahagi ng katawan ni Gu Jingze kanina. Mabilis niyang inalis ang kamay sa mukha. Tiningnan niya ang kamay na iyon, at hindi na niya magawang mag-isip pa nang matino.

Nakakainis talaga ang Gu Jingze na ito… ano bang ginawa nito…

Nagmamadaling pumasok si Gu Jingze sa banyo at agad na binuksan ang malamig na tubig. Itinapat niya ang katawan sa nagyeyelong malamig na tubig, pero hindi pa rin kumakalma ang kanyang katawan.

Napamura nalang siya nang marinig niyang nag-iingay sa labas si Lin Che.

Oo, wala siyang magawa, kaya mas lalong nahihirapan siya ngayon!

Nagtagal siya sa shower bago tuluyan ng lumabas doon.

Nakita niya si Lin Che na biglang tumayo at masama ang tingin sa kanya. Nagsalita siya, "Tama na. Huwag ka ng magalit. Matulog nalang tayo."

Kung may ibang makakaalam ng nakakahiyang pangyayaring ito, tiyak na magiging isa siyang malaking katatawanan.

Sa dinami-dami ng tao sa mundo, bakit naman kasi kailangan pang sa kanya mangyari ang ganitong sitwasyon.

Tiningnan ni Lin Che si Gu Jingze na mukha namang mas bumuti na ang kalagayan. Mukhang naibsan na ang paghihirap na nararamdaman nito kanina kahit na basa pa ang buhok nito.

Hindi niya mapigilang magtaka. Nasolusyonan nito ang problemang iyon sa pamamagitan lang ng pananatili nang matagal sa loob ng banyo?

Bagamat hindi niya nakita ang ginawa nito, naalala niya na parang may narinig siya kanina. Bigla siyang nakaisip ng posibilidad.

Hindi kaya kaya nagpunta sa loob ng banyo si Gu Jingze ay para…

Pagbigyan ang sarili?

Halos mapabunghalit sa pagtawa si Lin Che.

Samantala, napakadilim at napakabigat naman ng ekspresyon sa mukha ni Gu Jingze.

Agad namang tumuwid ng upo si Lin Che at tinakpan ang sarili ng kumot. Pagkatapos ay humiga na siya nang nakatalikod dito.

"Matulog ka na."

Sinamaan din ng tingin ni Gu Jingze si Lin Che. Hindi pa rin komportable ang katawan niya samantalang napakalakas naman ng paghinga ng babaeng katabi niya.

Ang malala pa dito ay, paanong ang katawan niya, na bahagyang kumakalma palang, ay parang nagsisimula na namang makaramdam ng init?

Huminga siya nang malalim at tumalikod.

Malalim ang iniisip ni Lin Che. Marahil ay sagabal nga ang ibang babae kay Gu Jingze kaya mukhang magiging mapayapa nang matagal ang pagsasama nila. Pero kung iisiping mabuti, malinaw na hindi iyon ang problema niya ngayon.

Kung titingnan ang kalagayan nito ngayon… Parang wala namang problema ang katawan nito.

Pero paano nito nagagawang pigilan ang sarili?

Baka gusto lang nitong tuparin ang ipinangako nito sa kanya. Alam nitong hindi siya nito pwedeng galawin; hindi kaya iyon ang dahilan kung bakit nagpipigil ito?

Marahil ay magkaiba talaga ang mga lalaki sa mga babae na kayang-kayang kontrolin ang mga sarili. Iyan ang dahilan kung bakit kahit na nakakakita siya ng mga gwapong lalaki ay wala pa ring nangyayari maliban nalang sa kaunting pagbilis ng puso niya. Pero ang mga lalaki, nahahalata kaagad ang mga ito sa kanilang mga kilos.

Mukhang malungkot nga ang buhay ni Gu Jingze bilang isang lalaki…

Hindi niya napigilang ngumiti habang iniisip iyon. Humarap siya dito at napansing hindi na ito masiyadong gumagalaw. Tinawag niya ito, "Gu Jingze, natutulog ka na?"

"Mm," sagot nito.

"Paano ka nakakasagot kung natutulog ka na?"

"Hindi ako pwedeng magsalita nang natutulog?"

Mukhang hindi pa rin ito okay.

Hindi alam ni Lin Che kung gaano ba kahirap sa isang lalaki ang pigilan ang sarili. Ngumiti siya at nagtanong, "Nahihirapan ka pa rin ba?"

At nagtanong pa nga siya!

"Ano. Sa. Palagay. Mo?"

Naririnig ni Lin Che ang panggigil sa boses nito.

Nagmamadaling sumagot si Lin Che, "Pasensya na… Ano kaya kung maghiwalay nalang tayo sa pagtulog sa susunod?"

"… Hindi na kailangan," sagot ni Gu Jingze.

Ngumiti si Lin Che at tumahimik muna nang ilang sandali. Maya-maya ay nagsalita siya ulit. "Salamat…"

Salamat at tinitiis mo nalang ang sarili mo.

Bagamat napag-usapan na nila ang tungkol sa bagay na ito sa simula pa lang, tama pa ring tuparin ang pangakong binitiwan nito sa kanya.

Nagpatuloy pa rin si Gu Jingze sa pagpapakalma ng sarili.

"Kapag hindi ka pa tumigil sa pagsasalita diyan, babawiin ko nalang ang sinabi ko!"

Agad namang itinikom ni Lin Che ang bibig. Niyakap niya ang kumot at muling tumalikod dito.

Biglang pumasok sa kanyang isip na posibleng si Gu Jingze ang nagdala ng swerte sa kanyang buhay.

Nararanasan niya ang mga bagay na ito ngayon dahil nakatagpo niya ang lalaking ito.

Kapag naghiwalay na sila, natitiyak niyang hindi na siya makakatagpo pa ng lalaking katulad nito.

Kung sabagay, iilan lang ba ang lalaking katulad ni Gu Jingze na nabubuhay sa mundo?

Kinabukasan.

Sabay silang nagising at pagkatapos magbihis ay lumabas na ng kwarto.

"Papasok na ako sa trabaho."

"Okay. Sabay na tayo," sabi ni Gu Jingze. Saktong pagbukas nito ng pinto ay bumungad sa kanila si Mo Huiling na tumatakbo papunta sa bahay.

"Jingze, saan ka pupunta? Tamang-tama! May pupuntahan din ako ngayon. Isabay mo na ako."

Bumagsak ang mukha ni Lin Che.

Sumimangot din si Gu Jingze. Nakalimutan niya na lumipat na pala si Mo Huiling malapit sa bahay nila kaya hindi na nakapagtataka kung bigla nalang itong susulpot anomang oras nito gustuhin.