webnovel

Kaunting Galaw Pa At Sasabog Na Siya

Nagtatakang lumapit kay Lin Che si Gu Jingze. "Okay ka lang?"

Nakatitig pa rin si Lin Che sa bahaging iyon nang tawagin siya ni Gu Jingze. Noon lang siya nagising.

Mabilis na namula ang kanyang mukha hanggang sa kanyang tainga.

Agad niyang inayos ang sarili at nagkunwaring nakatingin lang siya sa kawalan. Tahimik na pinapakalma niya ang sarili.

Napakadumi ng isip mong babae ka. Ba't hindi mo pinigilan iyang sarili mo? Hindi ba't nagpasya ka na hindi mo na siya iisipin pa at ituturing nalang ito na parang isang tuod? Aniya sa sarili.

Napakaperpekto kasi ng tanawing iyon kanina. Kahit sino namang babae yata ang makakita ng ganoong katawan ay hindi rin magagawang magpigil. Hindi madaling iiwas ang tingin sa bahaging iyon!

Si Gu Jingze ang dapat niyang sisihin. Bakit ba kasi napakaperpekto ng lalaking ito? At bakit pa niya nakilala ang isang katulad nito?

Ganoon pa man, kailangan niya pa ring harapin ito araw-araw at matulog sa iisang kama kasama nito.

Bakit naman kasi ito nagpapalakad-lakad doon nang nakahubad? Alam naman nitong kaakit-akit ang dating nito, dapat sana'y inisip din nito ang magiging reaksiyon ng ibang tao.

Habang nagmumuni-muni ay naririnig niyang nagtatanong si Gu Jingze, "Lin Che, ano ba talagang tinitingnan mo?"

"A-ah… Ano… Iniisip ko ang tungkol sa show namin bukas. Mag-o-audition kasi ako bukas at iniisip ko kung paano ako magpe-perform," nauutal na sagot ni Lin Che habang naghahanap ng maidadahilan.

"Ah," sagot ni Gu Jingze at umupo sa tabi niya. Pinagmasdan nito ang malikot niyang mga mata, ang mga ugat sa kanyang leeg, at ang maninipis na linya sa sulok ng labi niya.

"Hindi ba't marami ka ng pinag-aaralang mga script ngayon? Mag-o-audition ka na naman?"

"Oo naman. Mga propesyonal kami. Kailangan pa rin naming mag-ensayo para makita kung bagay sa amin ang isang role," sabi ni Lin Che. Nararamdaman niya ang paglapit ng isang mainit na hininga sa kanya. Nang tumingala siya ay nakita niya si Gu Jingze na nakatayo at papalapit lalo sa kanya. "Gu Jingze, bakit ka lumalapit? At bakit hindi ka pa rin nagbibihis?"

Bahagyang ngumiti si Gu Jingze at nanunuksong tumingin sa kanya. "Bakit? Katatapos ko lang maligo kaya komportable ako na nakaganito lang ako. Hindi ba pwede? Maghapon akong nakabalot ng damit kaya kailangan kong i-relax ang aking katawan para makapagpahinga naman ang aking mga cells. Ganoon din sa'yo. Ang totoo niyan ay mabuti sa katawan ang matulog nang nakahubad. Sa ganitong paraan ay makakapagrelax nang maayos ang iyong katawan at mawawala lahat ng pagod mo sa buong araw."

Habang nagsasalita ito'y lumapit lalo sa kanya.

Naisip ni Lin Che na para itong isang Spartan habang pinagmamasdan ang paglapit ng matigas nitong dibdib sa kanya. Kakaibang init ang hatid nito sa kanya.

"Ano ba, Gu Jingze, ano ba'ng ginagawa mo? Huwag kang lumapit; hindi mo pwedeng gawin iyan. Lumayo ka nga, ano…" Pinagsusuntok niya ang magkabilang dibdib nito.

Sumimangot si Gu Jingze at hinawakan ang kanyang mga kamay.

Nalilito at galit na tiningnan niya ang lalaki.

Tinitigan din siya ni Gu Jingze. "Anong ginagawa mo?!"

Medyo napalakas na ang kanyang boses. "Tinatanong mo ako? Ikaw! Anong ginagawa MO? Hindi mo… hindi mo…"

"Kukunin ko lang ang cellphone ko! Ano bang iniisip mo na gagawin ko?!" sagot ni Gu Jingze. Kinuha nito ang cellphone mula sa mesa na nasa tabi ng kama.

Napatigil si Lin Che habang pinagmamasdan itong kinuha ang cellphone. Masama ang tingin na nilingon siya nito, kumuha ng unan, sumandal sa kama at binuksan ang cellphone.

Kung ganoon, kukunin lang pala nito ang cellphone…

Huminga nang malalim si Lin Che at hinawakan ang dibdib, pero nilingon niya si Gu Jingze at sinamaan ito ng tingin.

Kasalanan ito nito dahil nakahubad lang itong lumabas ng banyo.

At isa pa, kung kukunin lang pala nito ang cellphone, edi sana ay sa dumiretso na ito kaagad sa mesa. Bakit kailangan pa nitong humarap sa kanya? Dahil lumapit ito sa kanya, malamang ay iba kaagad ang iisipin niya.

Naiinis na nagtalukbong siya ng kumot pero huli na nang maalala niya na hubad pa ring nakaupo doon si Gu Jingze. Hindi siya makapagsalita. Gusto ba talaga nitong ibalandra ang katawan sa kanya? Bakit hindi pa rin ito nagbibihis?

"Gu Jingze, pwede bang magbihis ka na?!" Napatayo na si Lin Che at pasigaw na sinabi dito.

Tiningnan lang siya ni Gu Jingze. "Bakit?"

"Ikaw… Hindi naman yata na nakaganyan ka lang! Hindi lang ikaw ang nandito!"

Walang pakialam na sumagot ito sa kanya, "Akala ko ay nasanay ka na sa ganito ngayon. Matagal-tagal na din naman tayong magkasama dito."

"Asa ka pa!" Kahit kailan ay hindi siya masasanay sa ganito!

Pinanood siya ni Gu Jingze na niyayakap ang mga tuhod at tumawa sa kanya. Muli na naman itong lumapit sa kanya. "Bakit… Hindi ka pa rin ba komportable na makita ako nang ganito?"

"Ha…"

Nagpatuloy si Gu Jingze, "Huwag mong sabihin sa akin na may naramdaman ka habang nakatitig ka sa akin kanina?"

Pasigaw na sumagot si Lin Che, "At ano naman ang mararamdaman ko sa iyo, ha?"

"Kung ganoon, ano ba ang ikinakatakot mo? Matagal na tayong magkasama dito kaya akala ko ay sanay ka na sa ganito. Halimbawa, kung maghuhubad ka man sa harapan ko ay wala lang din iyon sa akin."

"Ha…" mas lalong nagtagpo ang kanyang mga kilay sa sinabi nito.

Sinuyod siya ng tingin ni Gu Jingze, "Kung ayaw mong maniwala, ba't di natin subukan."

". . ." Lalong namula ang kanyang mukha. Umiwas siya ng tingin dito. "Umalis ka nga dito!"

Nagpatuloy pa rin sa panunukso si Gu Jingze. "Talaga? Mapagkakatiwalaan mo ako."

Mapagkakatiwalaan mo mukha mo! Ang bastos bastos talaga!

"Sige, kapag lumapit ka pang lalo, sisigaw na talaga ako!"

"Edi sumigaw ka. Iisipin lang naman ng mga tao sa labas na nag-eenjoy lang tayong dalawa dito habang ginagawa ang dapat na ginagawa ng mag-asawa."

"Ano…"

Mas lalong natuwa si Gu Jingze nang makita nito na hindi na maipinta ang mukha ni Lin Che. Kaya inilapit pa niya lalo ang dibdib dito. Napatingin naman si Lin Che sa malapad nitong dibdib. Taas-baba din ang Adam's apple nito na nakadagdag sa mapang-akit nitong mukha. Nagmamadaling itinulak niya ito palayo at pinigilang mas makalapit pa sa kanya. At dahil wala itong suot na damit ay malayang nakapatong ang kanyang mga palad sa malapad nitong dibdib. Ang pakiramdam na iyon… napakasarap sa pakiramdam.

Pero alam niyang may mali.

Yumuko si Gu Jingze at pakiramdam niya'y para siyang pinaplantsa. Napahinga siya nang malalim at muling tiningnan si Lin Che, ang kanyang mga mata'y parang namamaso.

Tatanggalin na sana ni Lin Che ang mga kamay pero pinigilan iyon ni Gu Jingze. Mapang-akit ang titig nito sa kanya, mas lalong umigting ang pag-aalab ng mata nito sa ilalim ng di-masyadong maliwanag na ilaw sa kwarto.

"Ano…"

"Huwag kang gumalaw…" Nagtagpo ang mga kilay ni Gu Jingze at sinaway ang balak na pagpupumiglas ni Lin Che.

"Bakit masiyado kang nakadikit…"Pilit na itinutulak ni Lin Che si Gu Jingze dahil pulang-pula na ang kanyang mukha.

Tumaas na ang kilay ni Gu Jingze. "Ang sabi ko, huwag kang gumalaw…"

"Pero…"

Kinuha ni Gu Jingze ang kamay ni Lin Che at inilagay iyon sa ibabang bahagi ng katawan nito.

Napasunod naman ang tingin ni Lin Che sa direksiyong iyon at naramdaman ang paggalaw nun. Nabigla siya kaya agad niyang nailayo ang kamay.

"Ngayon, alam mo na kung bakit sinasabi ko sayo na huwag kang gumalaw," malalim at napakaseksi ng boses nito.

"Ano… Bitiwan mo ako…"

"Kapag lalo kang gumagalaw, mas lalo itong tumitigas. Kaya huwag kang malikot!" Hindi talaga naiintindihan ng babaeng ito ang nararamdaman ng isang lalaking katulad niya. Panay pa rin ang pagpupumiglas nito.

Kapag mas lalo pa itong gumalaw, tiyak na sasabog na talaga siya.

Next chapter