webnovel

The Last Letter (COMPLETED)

In this world, depression has no face. They tend to smile, but that doesn't mean they're not in pain. Some people pretend they are strong when infact they're broken inside. Find out the life of Angelica Samson, a girl who always display her beautiful smile, a girl who used to pretend that she's strong in order to survive in this cruel world. Buckle up as you find out how she deals with her own monster — How she deals with her own thoughts.

SoDamnGlam · Adolescente
Classificações insuficientes
50 Chs

Finding Stealer 1

Nagpabalik-balik ako sa apat na sulok ng aking silid. Iniisip ko kung sino ang kumuha ng letters ko at kung saan at paano ito nawala.

Hindi naman ako careless or burara na tao, kaya paanong mawawala 'yon.

Kailan ba ako naging careless?

No'ng nasa classroom ako. Nagmadali akong ilagay sa bag ang envelopes na naglalaman ng letters ko. Pero, wala namang tao do'n para kunin ang letters ko. Ninakaw ba 'yon o sadyang nawala ko lang?

Naiinis ako sa sarili ko!

Maya-maya pa ay may nareceive akong message from unknown number.

Hindi na raw matutuloy ang Live Pure Movement dahil nagka-problem daw sa venue. Baka sa bakasyon, which is four months from now, pa ang reschedule.

Sayang naman, baka hindi ko pa maabutan ang Live Pure Movement na sinasabi niya.

By the way, it's obviously from Limuel.

Hindi na ako nag reply dahil hindi naman ako mahilig mag-reply.

Naaalala ko na naman si mommy. Ano kayang mararamdaman niya kapag nawala ako? Siguro kaya ako binigay ng Diyos sa kanya kasi may rason.

Hindi pa man malinaw sa 'kin kung ano 'yong rason pero alam kong kapag tuluyan ko nang nilisan ang mundong paulit-ulit akong dinudurog ay baka malaman ko ang rason.

Si mommy, sobrang halaga niya sa akin. Siya 'yong una't huling beses na nagparamdam sa akin ng pagmamahal. 'Yong totoong pagmamahal.

I just can't help it. Napaluha ako.

Have you ever missed someone so much that even the thought of them made you burst into tears?

It hurts. It's really really hurts. Para akong tinutusok ng paulit-ulit, paulit-ulit din na sakit ang nararamdaman ko.

Wala akong maalalang alaala ng aking tunay na ina. May kulang sa 'kin pero kahit anong pilit kong buoin ang kulang sa pagkatao ko ay hindi ko na ito mabubuo.

Pinunasan ko ang mga tumulong luha sa aking mata. Kahit anong punas ko ay patuloy ito sa pag-agos. Para itong gripo na tuloy-tuloy.

Napatayo ako nang may mag-door bell.

Agad kong pinunasan ang mga luha ko. Humarap sa salamin at naawa sa itsura.

Hanggang kailan ko titignan ang sarili ko nang ganito? Hanggang kailan ako iiyak?

Tumigil ako sa pag-iyak at pilit na ngumiti.

It amazes me that nobody has realized how sad I actually am. Maybe all my fake laughs and smiles really do work.

Mabilis na lumabas ako ng kwarto. Nang mabuksan ang pinto ay isang magandang ngiti ang binungad ko.

"Hello po?" Tanong ko. Ang tanging nakikita ko sa harap ko ay isang boquette of red roses. Nakatakip ito sa mukha ng isang lalaki.

This is my first time.

"Hey, Angelica." Sabi nito ay inalis sa mukha ang red roses na naging dahilan upang makita ko ng tuluyan ang lalaki sa likod ng red roses.

He's tall. He looks mid-20's. He has a tan skin that made his more attractive. And he is...

Sir Paul.

I know I must not have butterflies in my stomach but I can't help it. All I can hear is my heart beats.

"Can I come in?" Bumalik ako sa wisyo ng magsalita ulit ito.

Ano bang nangyayari sa akin? Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? Bakit bigla akong kinabahan?

Hindi ko alam kung kinikilig lang ako or what.

"Sorry, sir but not." Sabi ko at ngumiti ulit.

Inabot niya sa 'kin ang red roses at saka inilapit ang mukha kaya napaiwas ako. Huli na nang bigla niya akong sunggaban.

Pilit ko siyang tinutulak ngunit mas malakas siya kumpara sa 'kin.

"S-sir..." Sabi ko sa pagitan ng halik namin.

Yes, I have feelings for him pero ayaw kong gawin ito. I have traumatic experience in terms of this stuff and he knows that.

Alam niya lahat. I told him once but I know he can remember everything I've said.

Nagsisimula na akong mahulog sa kanya ngunit mabilis ang mga bagay-bagay. I'm not ready for this.

Pilit niyang pinapasok ang dila niya sa bibig ko at nagsimula na akong umiyak.

Damn!

Bumalik ang lahat ng alaala ko no'ng nasa ampunan ako. Iyak lang ako nang iyak habang nakakulong sa mga bisig niya.

"Hoy!"

Natigil sa paghalik si sir Paul nang may sumigaw. Muntik na akong matumbak buti na lang ay nahawakan ako ni sir Paul.

"Pinapasundo ka ni ate Hazel, may usapan daw kayo na magdi-dinner ka sa bahay. Dalian mo na at magbihis ka na." Masungit na sabi niya.

Hindi ako makagalaw. Nanlalambot ako. Hindi pa rin matigil ang pagtulo ng mga luha ko hanggang sa masinok ako.

"I need to go, Angelica." Sabi niya at hindi na hinintay ang sasabihin ko at agad na umalis.

"Pumasok ka na sa loob ng bahay niyo. Hihintayin kita rito." Aniya.

Tumalikod ito. Alam kong kahit na masungit siya ay mabait pa rin siya. He saved me.

Hindi ko na tuloy alam kung kaya ko pang harapin si sir Paul.

Alam niya ang lahat sa 'kin. Alam na alam niya. Nagkamali ba ako nang pinagkatiwalaan?

Napailing ako bago pumasok sa bahay at nag ayos.

Inisip ko 'yong nangyari kanina. Paano kung hindi dumating si Gian? Baka kung ano nang nangyari sa akin.

Hindi pa man ako nakaka-recover sa nangyari ay pipilitin kong ngumiti sa harap nila mamaya. Pipilitin kong magpakatatag.

Ano pa ba ang sakit na gustong ipadama sa 'kin ng mundo? Bakit hindi na niya lubusin? Tutal, lilisanin ko na naman ang mapait na mundong ito!

Kinuha ko ang cellphone at susi ko. Matapos no'n ay lumabas na ako sa bahay.

"Kumusta? Okay ka lang ba?"

Napaluhod ako at umiyak sa harap niya. Nagulat siya sa inakto ko. OA man pero ito ang unang beses na may nagtanong kung kumusta ako, kung okay lang ba ako.

Unang beses kong maramdaman na nag-eexist pala ako.

Masisi niyo ba ako? Kung kahit kailan ay walang kahit isang nagtangang magtanong kung kumusta na ako?

Masisi niyo ba akong ganito kapait ang pinaparamdam sa 'kin ng mundo pero walang nakakakita ng sakit nito?

Masisi niyo ba ako na sa araw-araw kong pilit na bumabangon ay sakit lang naman ang ibibigay sa 'kin ng mundo?