webnovel

The Last Letter (COMPLETED)

In this world, depression has no face. They tend to smile, but that doesn't mean they're not in pain. Some people pretend they are strong when infact they're broken inside. Find out the life of Angelica Samson, a girl who always display her beautiful smile, a girl who used to pretend that she's strong in order to survive in this cruel world. Buckle up as you find out how she deals with her own monster — How she deals with her own thoughts.

SoDamnGlam · Teen
Not enough ratings
50 Chs

Finding Stealer 2

Niyakap ako ni Gian.

Alam kong wala siyang alam sa nararamdaman ko. Wala siyang alam sa kwento ko.

Naguguluhan ako sa nararamdaman ko.

Nasasaktan ba ako dahil sa nangyari sa amin ni sir Paul? Konti na lang mahuhulog na ako sa kanya. Konti na lang mabibihag na niya ang puso ko. Pero bakit gano'n? Bakit niya ginawa sa 'kin 'yon?

"Tama na nga 'yang drama mo." Sabi niya at tumalikod ulit.

Napayuko ako. Pinunasan ko ang mga luha ko. Lumalambot na ulit ako. Tumigil na ako sa pagkakaluha. Kailangan kong maging matatag.

"Halika na," sabi niya at may isinuot na helmet sa ulo ko.

"Teka, may motor ka?"

"Oo."

"Licensed?"

"Malamang. 19 years old na ako."

Sumakay ito, "sakay!" Utos niya. "Bilis!"

Bumuntong hininga ako at sumakay.

"Wala kang helmet. Baka mahuli tayo." Napansin kong ako lang ang may suot ng helmet.

"Hindi naman talaga ako naghe-helmet eh. Ikaw na gumamit niyan."

Hindi na ako umangal pa. Ang gago ay habang buhay ng gago. Kaya walang girlfriend 'to eh. Ganyan ang ugali.

Kumapit ako sa likod ng motor niya. Alangan naman sa bewang niya 'di ba? Yuck.

"Kumapit ka sa bewang ko o baka gusto mong mahulog."

"Nakakapit naman ako eh."

"Sa bewang ko sabi. Tsaka ang layo mo, lumapit ka nga. Ako okay lang maaksidente pero hindi pwedeng kasama ka. Baka lalo akong kasuklaman ng mga kapatid ko."

Sumunod na lang ako sa sinabi niya. Ayaw ko talagang nagiging malapit sa lalaki, nakakatrauma.

Mabilis ang pagpapatakbo niya ngunit maingat pa rin. Mabuti na lang talaga at hindi kami nahuli dahil sa wala siyang helmet.

Mabilis lang ang biyahe at walang gustong magsalita sa amin.

Nang makarating ay agad na sinalubong ako ni ate Hazel ng mahigpit na yakap.

"Glad you come!" Masayang saad nito.

"Salamat po sa imbitasyon ate," sabi ko at ngumiti.

"Pasok ka na. Nakahanda na ang pagkain."

Matapos ang konting pag-uusap ay pumasok na kami.

Medyo okay na rin ang pakiramdam ko. Marahil ay sanay akong paniwalain ang sarili kong okay lang ako, okay lang ang lahat kahit alam ko sa sarili kong hindi.

Nagmano ako sa nanay at tatay nila bilang paggalang. Pero imbis na mano ay mahigpit akong niyakap ng nanay niya.

"Hi, ikaw pala 'yong kinukwento nila. Talaga namang napakaganda mong bata ka."

Ngumiti ako, "salamat po, tita."

"Nanay na lang. Masaya akong lagi kang nandiyan para kay Faith."

"Sige po, nanay."

"Halika ka na, kumain ka na."

Umupo kami. Bago kami kumain ay nagdasal muna kami sa pangunguna ni tatay.

Tatay na lang din daw ang itawag ko sa kanya. Ang gaganda rin nila. Totoong magaganda ang lahi nila.

Maliban na lang siyempre sa impakto sa harap ko.

Tahimik lang itong kumakain habang lahat kami ay nagtatawanan.

Hindi ko alam kung anong problema ng isang 'to.

Natapos na kaming kumain maliban kay Gian na hindi masyadong nabawasan ang kinakain.

Mabagal kasi ang subo niya at nakatingin lang sa cellphone niya.

Pinagpatong-patong na namin ang plato at siya lang ang natirang kumakain pa.

Bigla kong napagtantong may pamahiin pala iyon.

"Hala, pinagpatong-patong na po natin ang plato hindi pa po si Gian tapos kumain. Baka 'di na po siya makapag-asawa." Sabay-sabay silang tumawa.

Eh? Totoo naman eh?

"Hayaan mo 'yan. Hindi naman marunong manligaw 'yan kaya paano 'yan magkakaasawa?" Sabi ni ate Hazel.

Mariin akong tinignan ni Gian, "mali ang alam mong pamahiin. Makakapag-asawa ako at 'yang mga 'yan?" Turo niya sa mga platong nakapatong-patong, "Ganyan karami ang magiging asawa ko." Sabi niya at tumawa.

Nagulat pa sila. Maski ako ay gulat din. Kanina pa siya tahimik pero ngayon, nagsalita na siya at tumatawa pa.

Nang mapagtanto niyang siya lang ang tumawa ay tumayo ito at agad na pumasok sa kwarto niya.

Nagkatinginan kaming lahat. Woah!

Sabay-sabay kaming tumawa dahil sa mga reaksyon namin.

"Grabe!" Sabi ni Faith na gulat na gulat din.

"Wooh! First time!" Si ate Hazel.

"First time nga ayon." Si nanay naman ang nagsalita.

"Dapat pala madalas ka rito, Ange. Para naman madalas din siyang tumawa ng gano'n." Si tatay naman ang nagsalita.

"Ako po?" Nagtatakang tinuro ko ang sarili ko.

"Oo, ikaw. Ikaw ang dahilan kung bakit nagka-gano'n 'yon."

Sinulyapan ko ang kwarto ni Gian.

Ako nga ba ang dahilan no'n? Pero alam ko namang gano'n lahat ng tao, may side na masaya at mayroon ding malungkot.

Hindi lang lahat pinapakita ang parehong side.

Most of the people hide on their own mask. Lahat tayo may mask. Lahat tayo ay kayang umarte na iba't ibang tao, iba't ibang emosyon.

Pero maraming taong pilit isinusuot ang masayang mukha, katulad ko.

Katulad ko rin si Gian. I didn't know anything about him. I didn't know what's his story. But I know, he also suffering from sadness, from loneliness.

Parehas kaming nagtatapang-tapangan lang. Pero malambot kami.

I want to save him but I also want to save myself.

Hindi ko siya kayang iligtas kung parehas kaming kailangan ng tulong.

Sa ngayon, hindi namin kailangan ng hero para ma-save. We can be our own hero. We need to save ourselves.

I neee to. I want to. But I know, I can't.

I can't save myself.

I can't save my life.

I didn't know how.

"Angelica, baka gusto mong samahan kami sa paghatid kina nanay at tatay? Kung gusto mo rin, dito ka na muna magpalipas ng gabi." Sabi ni ate Hazel na nagbalik sa 'kin sa realidad.

"Okay lang po ba?"

"Oo naman. Hindi ka na naman iba sa amin." Sabat ni Faith.

"Oo nga, samahan mo na rin si Faith. Habang wala ako alagaan niyo 'yan ha? Mahal na mahal namin 'yang bunso namin."

How sweet. Ang sweet naman nila kay Faith. Naiinggit tuloy ako. Sana ganyan din ako.

"Makakaasa po kayo, tita."

"Siya nga po 'yong nagbibigay sa 'kin ng magagandang advice nay eh." Bida sa akin ni Faith.

"Kung wala siya, baka nabaliw na ako." Patuloy niya. Natawa na lang kami.

Ang sarap sa feeling ng ganito. Parang ang perfect lang.