webnovel

The Last Letter (COMPLETED)

In this world, depression has no face. They tend to smile, but that doesn't mean they're not in pain. Some people pretend they are strong when infact they're broken inside. Find out the life of Angelica Samson, a girl who always display her beautiful smile, a girl who used to pretend that she's strong in order to survive in this cruel world. Buckle up as you find out how she deals with her own monster — How she deals with her own thoughts.

SoDamnGlam · Teen
Not enough ratings
50 Chs

Eleventh Letter

Hindi mawala sa isip ko ang mga sinabi ni Gian. It hits me really really hard.

Kahinaan ba ang hindi pag-iyak?

Siguro mahina ako dahil hindi ko ipinapakita ang pag-iyak ko sa iba. Ayaw ko lang kasing maging burden sa kanila.

I prefer to suffer in silence. Wala rin namang makakaintindi sa akin eh. Si sir lang pero one time big time lang 'yon. Hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili ko no'ng panahon na 'yon. Para akong sumabog.

Nakauwi na ako sa bahay at agad dumiretso sa cr. It is really a comfort room. I can cry here. I can scream out here.

Ito na naman 'yong feeling. 'Yong feeling na mag-isa ka na naman. Umiiyak. Sumisigaw sa sakit. 'Yong alam mong wala talagang nagke-care sa 'yo. Hindi rin ako mapost sa social media, kasi baka isipin nilang nagpapapansin lang ako.

Mahirap ding magtiwala. Naalala ko dati, tinake advantage lang nila 'yong pagsasabi ko sa kanila.

After kong sugatan ang sarili ko ay lumabas na ako sa cr. Gusto kong magpahinga, matulog, habang buhay.

Bago pa man ako tuluyang makapikit ay nag ring ang cellphone ko.

Agad ko namang sinagot nung nakita ang pangalan sa screen ng phone ko.

"Hello, Ange?"

"Oh, Faith. Kumusta? Bakit ka napatawag?" Sunod sunod na tanong ko.

Ininda ko rin 'yong sakit na nararamdaman ko dahil sa kaninang paglalaslas ko.

Gusto ko na sana munang magpahinga pero mas importanteng makausap ko si Faith. Baka may problema siya.

"Ahm, Ange..." Narinig ko ang mahinang paghikbi niya sa kabilang linya.

"Hala, bakit ka umiiyak?" Mula sa pagkakahiga ay agad akong napaupo.

"Kasi aalis na naman pala si nanay at tatay. Pupunta ulit sila sa ibang bansa para magtrabaho."

"Bakit ka umiiyak?"

"Kasi tatlong buwan pa lang naman sila rito eh. Tapos aalis na naman sila? Buhay nga ang magulang ko pero parang hindi naman sila nag-eexist. Bata pa lang kami ni Gian ay hindi na namin naramdaman 'yong magkaroon ng magulang..."

Ako rin. Ako rin Faith, gusto ko ring maramdaman na may magulang. 'Yong mag-aalaga sa 'kin. Pero may umampon nga sa 'kin pero hindi ko naman sila laging nakakasama. Hindi nga sila tumatagal ng isang buwan dito sa bahay eh.

Gusto kong sabihin 'yan kaso mas pinili ko na lang manahimik.

"Kung kailan nararamdaman na naming magulang namin sila, saka naman sila aalis ulit. Sino na lang ulit ang magpapayo sa 'kin? Sa amin? Sino na naman ang magluluto ng almusal sa amin tuwing umaga? Sino na naman ang mapagsasabihan ko ulit kapag may problema ako?"

"Alam mo, Faith. You're so blessed. Kasi nagtatrabaho sila para sa 'yo... sa inyo," napalunok ako dahil sa pagpigil sa pag-iyak, "at hindi nila kayo pinapabayaan. Ang swerte niyo kasi nakasama niyo pa kahit papaano ang magulang niyo, nabigyan kayo ng advice, napaglutuan kayo ng almusal, nalalapitan niyo at nahihingian niyo ng magagandang advice. Samantalang 'yong ibang anak, hindi naranasan 'yan. 'Yong iba, maagang naulila. 'Yong iba naman, nandiyan lang pero hindi makita ang halaga."

Alam kong kahit papaano ay naibsan ko ang kalungkutan niya pero ang masama lang ay parang napunta sa 'kin lahat ng sakit.

Naiinggit ako. Naiinggit ako sa kanila. Napaka swerte nila.

Bakit ko nararanasan lahat ng ito? Hindi ako makaahon. Kahit anong gawin kong subok ay lalo lang akong nalulunod.

"Salamat, Ange ha? Kasi lagi kang nandiyan para bigyan ako ng advice. You always cheers me up. Ikaw din 'yong nagpapangiti sa squad namin. Thank you." Matapos naming mag-usap ay nagpaalam na rin kami sa isa't isa.

Pinaalala niya rin sa 'kin ang dinner namin mamaya kasama ang pamilya nila. Sabi pa niya ay tanggap na niyang aalis ang nanay at tatay niya para magkaroon sila ng magandang future.

Hindi naman kasi madaling maging OFW, napapanood ko na iyon ang pinaka mahirap sa lahat. 'Yong iiwan mo ang pamilya mo upang mabigyan sila ng magandang buhay. Malungkot sila sa ibang bansa, siyempre, pero dahil sa inspirasyon nila ang pamilya nila, walang puwang ang pagsuko. Kaya nakakalungkot kapag may nagagalit sa kanilang anak dahil sa hindi nila ito kasama. Sa hirap ng buhay ngayon ay kailangan talagang kumayod. Saludo ako sa kanila. Saludo ako sa OFWs.

Ano kayang nararamdaman ni Gian ngayon? Alam kong nasasaktan din siya sa pag-alis ng parents niya kaya siya gano'n. Malaki ang galit niya sa mundo, masungit siya at umaarteng walang pakialam pero ang totoo, mabait siya at caring. Hindi lang niya ito pinapakita pero mararamdaman iyon ng malalapit sa kanya.

That's why I will give him my eleventh letter. Probably my last? Maybe?

I just want to end my life as soon as possible. Ayaw ko nang masaktan ulit. Ayaw ko nang makaramdam ng sakit nang paulit-ulit. I want to end the pain that I'd felt inside. The pain that's killing me... killing the whole me.

Mula sa pagkakaupo ay tumayo ako at kinuha sa bag ang mga envelopes na naglalaman ng good-bye letters ko.

What is good in good-bye? What is good in leaving the people you love?

Nothing.

But I think they will understand me. They will understand why I will be doing this.

Baka maging masaya sila kapag nawala ako. Maging masaya sila kasi hindi na ako masasaktan pa. Magiging masaya sila dahil hindi na ako maghihirap pa.

And they will treasure all the memories we had. Alam kong kahit papaano ay nabago ko rin ang mga buhay nila.

Binalingan ko ng tingin ang mga letters ko. Ang gaganda ng envelopes and papers na ginamit ko rito. Souvenir na rin nila ito mula sa 'kin.

Binilang ko ang envelopes, teka bakit isa, dalawa, tatlo, apat, lima... Pito?

Why is it just only 7 letters here? It supposed to be 10 letters.

Where the hell my letters are?

I searched all over my bed room. I found nothing but a web.

Where is my letters?

I scan all the letters, the three missing letters are for mom, dad and kyla.

Who the hell stole my letters?!