webnovel

Mamatay ka na Zhang Ze Hu!

Editor: LiberReverieGroup

May kalamigan ang panahon sa pagsikat ng araw sa panahon ng taglamig at makikita ang mga naninigas na bangkay ng mga napatay na halimaw sa kalsada. Dahan-dahan na nilakad ni Luo Feng ang kalsadang ito nang makita niya ang dalawang shadow cats na pinagpipiyestahan ang bangkay ng isang boar. Pero noong malaman nilang mayroong paparating ay agad silang nagsitago.

May katalinuhan ding tanglay ang mga halimaw dito. At sa #003 city na kung saan nanghuhuli ang mga malalakas na fighters ay alam ng mga soldier level na halimaw na hindi nila kayang labanan ito ng mag-isa o kahit dalawa pa man sila.

"Maaaring nagtawag ng kasama ang dalawang shadow cats na iyon."

Mabilis na tinahak ni Luo Feng ang kalsadang iyon na papunta sa liquor store, kung minsan naman ay sinasadya nitong umikot sa kabilang kalsada bago bumalik para palipasin ang kaunting oras. Dahan-dahan siyang naglakad at matapos ang kalahating oras ay narating na rin niya ang northern door ng liquor store.

���

Makikita na napakarumi ng pintuan ng liquor store at mayroon ding makikita sa sahig nito na dugong kulay itim na hindi maaalis ng kahit anong ulan. Mag-isang tumayo rito si Luo Feng.

"Kalahating oras na ang lumipas kaya sigurado akong nakalayo na ang pitong miyembro ng Thunderbolt Squad," tumingin si Luo Feng sa pintuang matagal nang nasira sa kanyang harapan at agad niyang finocus ang kanyang spiritual force sa suot-suot niyang armbands, shield at blade. Ang force na ito ay nakapagpagaan ng husto kay Luo Feng kaya halos hindi maririnig ng kahit sino ang paglakad niya sa loob.

"Sa itaas!"

Isa-isa niyang inakyat ang hagdanan nang hindi gumagawa ng kahit anong ingay.

Napakaingat ni Luo Feng na umakyat sa hagdanan pero noong marating niya ang 3rd floor ay nakita niya ang isang malaking mastiff tiger na dahan-dahang papunta sa kanya. Agad ring nakita ng mastiff tiger na ito ang paparating na si Luo Feng! Sabay nilang nakita ang isa't isa kaya noong makita ito ni Luo Feng ay agad itong pinawisan dahil sa sobrang takot!

Whoosh! Whoosh!

Dalawang itim na anino ang mabilis na gumuhit papunta sa mastiff tiger at agad na bumagsak ang napakalaking ulo nito bago pa man ito makaungol. Matapos nito ay umikot kay Luo Feng ang dalawang throwing knives bago ito bumalik sa kanyang mga bulsa.

"Phew, sa wakas natapos rin," huminga ng maluwag si Luo Feng, "Mabuti na lang ay hindi naalala ng halimaw na ito na umungol at kung hindi ay magigising sina Zhang Ze Hu at Li Xiao na isang malaking problema para sa akin."

Kahit na napakadali para sa kanya na patayin sina Zhang Ze Hu at Li Xiao na para bang pagkatay lang ng manok.

Ay mahihirapan siya kung maingat ang mga ito at ang mahirap pa rito ay puwede nilang kontakin sa kahit anong oras ang ibang miyembro ng Thunderbolt Squad bago pa man ito mamatay…. At kung malalaman nila na kagagawan ng isang human fighter ang lahat ng ito ay mas mahihirapan si Luo Feng ng sampung beses sa susunod niyang magiging hakbang.

"Sixth floor!"

Napangiti si Luo Feng noong makarating na siya sa sixth floor, masuwerte siya at isang halimaw lang ang naengkwentro niya paakyat dito. Sigurado akong sinecure muna ng Thunderbolt Squad nang maigi ang tutuluyan nilang building kaya masasabi natin na kani-kanina lang rin pumasok ang mastiff tiger na iyon sa loob ng building.

Dahan-dahang naglakad si Luo Feng sa hallway ng 6th floor ng liquor store.

"Sa loob ng kuwartong may bintana na nakaharap sa south at ikawalong bintana mula sa east," Hindi sigurado si Luo Feng kung saang kuwarto nakalagay ang ikawalong bintana na ito.

"Isa siguro ito sa tatlo hanggang apat na kuwartong ito."

Pinigilan ni Luo Feng ang kanyang hininga habang naglalakad ang kanyang magaang katawan nang walang ingay. Naglakad siya papunta sa unang kuwarto at tumigil bago niya dahan-dahang idikit ang kanyang tainga sa pinto at pakinggan kung naroroon ba ang dalawang miyembro ng tiger fang squad. Walang duda na nakarinig si Luo Feng ng boses sa kuwartong iyon kaya agad niyang nalaman na nasa loob noon sina Zhang Ze Hu at Li Xiao. Matapos nito ay tahimik siyang naglakad papunta sa harap ng kuwartong iyon.

"Sigurado ako na ito na ang kuwartong iyon," agad na iniscan ni Luo Feng ang kuwartong iyon gamit ang kanyang spiritual force.

"Nag-uusap lang sila rito?" tawa ni Luo Feng.

���

Sa loob ng kuwarto.

Kasalukuyang nakaupo si Zhang Ze Hu sa sira-sirang sofa na iyon habang nililinis naman ni Li Xiao ang kanyang machine gun na hawak-hawak. Relax na relax silang nag-usap sa loob ng kuwarto.

"Sigurado akong duwag talaga ang Fire Hammer Squad na iyon. Dahil noong huli nila tayong nakita ay tumakbo sila agad pabalik sa resupplying base. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit hindi pa natin sila nahahanap hanggang ngayon," insulto ni Zhang Ze Hu. Nanlalamig namang tumawa si Li Xiao at sinabing, "Makakatakas sila ngayon pero hindi nila magagawa iyon habangbuhay. At dahil kalaban na natin sila ngayon ay nakasisiguro akong kamatayan ang sasapitin nilang lahat sa atin."

Suminghal na sinabi ni Zhang Ze Hu na, "Sa tingin ba nila ay kaya nila tayong kalabanin ng sila sila lang? Hm?"

Nang biglang magbago ang itsura ni Zhang Ze Hu maging ng kasama nitong si Li Xiao.

"May nararamdaman akong kakaiba ngayon," tumingin si Zhang Ze Hu kay Li Xiao. Sumimangot din si Li Xiao at sinabing, "Nakakaramdam din ako ng kakaiba ngayon."

Dahil ang mga fighters ay nabubuhay sa gitna ng buhay at kamatayan ay mayroon silang nararamdaman sa kanilang puso kapag nakakaramdam sila ng panganib. At naramdaman nila ito dahil kasalukuyang iniiscan ni Luo Feng ang kuwarto nila gamit ang kanyang spiritual force at kapag kumalat ito ay mahihirapan ang mga pangkaraniwang tao na maramdaman ito pero kaya itong maramdaman ng kaunti ng mga malalakas na fighters.

"Hindi ba kaya mayroong halimaw sa labas?" tahimik na tinanong ni Zhang Ze Hu.

"Siguro," tango ni Li Xiao, "Kahit na nalinis na natin ang buong building na ito noong dumating tayo ay posibleng mayroon pa ring halimaw na nakapasok dito kani-kanina lang."

"KA!"

Hinawakan ni Li Xiao ang kanyang machine gun habang hinawakan naman ni Zhang Ze Hu ang kanyang machete. Tumayo silang pareho at nagpunta sa pintuan ng kuwarto. Matapos ang ilang dosenang taon ng corrosion ay matagal nang nasira ang mga locks ng pintong ito kaya sa isang mahinang hatak lang ni Zhang Ze Hu ay agad na bumukas ang pintuang ito. Wala silang nakita ni anino man ng tao o halimaw sa labas ng kanilang kuwarto.

"Huwag kang masyadong magingay," nagpalitan ng tingin sina Zhang Ze Hu at Li Xiao. Matapos nito ay huminga ng malalim si Zhang Ze Hu at maingat na lumabas ng kuwarto.

At pagkatapos nito!

Whoosh! Whoosh!

Dalawang katakot-takot na itim na ilaw ang lumabas sa harapan nila Zhang Ze Hu at Li Xiao. Ang isa sa mga ilaw na ito ay agad na gumuhit sa kaliwang braso ni Zhang Ze Hu na agad namang nakapagpaputol nito. Matapos nitong maputol ang kaliwang braso ni Zhang Ze Hu nang hindi man lang bumabagal ay agad naman itong gumuhit sa leeg ni Li Xiao na nakapagpalipad sa ulo nito.

At ang pangalawang katakot-takot na itim na ilaw na ito ay gumuhit sa lalamunan ni Zhang Ze Hu!

PUCHI! PUCHI!

Makikita ang pagtalsik ng dugo mula sa dalawang miyembro ng Tiger Fang Squad.

"Eh--eh--" dilat na dilat ang mga mata ni Zhang Ze Hu pero hindi ito makagawa ng kahit na anong ingay.

Napakabilis ng dalawang itim na ilaw na ito. Mayroong isa hanggang dalawang metro lang na pagitan ni Zhang Ze Hu sa ilaw na ito at si Li Xiao naman ay may layong tatlo hanggang apat na metro mula rito. Sa napakaikling distansiya na ito….. ay paano silang makakailag sa isang bagay na mas mabilis pa sa isang bala na galing sa sniper rifle?

Maaaring makailag ang isang advanced level warlord sa mga ilaw na ito pero dahil sa pangangatawan nila ay wala silang kahit na anong tiyansa para makaiwas dito.

"Eh—" Gustong magsalita ni Zhang Ze Hu pero hindi ito makagawa ng kahit na anong ingay. Gusto niyang pindutin ang kanyang tactical communications watch pero naputol na ang kanyang kaliwang braso at ang kanyang tactical communications watch ay nahulog na sa sahig.

"Mamamatay na ba ako? Paano, paano akong mamamatay ng ganito?"

Hinawakan ni Zhang Ze Hu ang kanyang lalamunan gamit ang kanyang kanang kamay. Habang patuloy na tumatalsik ang dugo sa kanyang lalamunan ay nararamdaman niya na dahan-dahan siyang nawawalan ng buhay "Paano ito nangyari? PAANO ITO NANGYARI!!!"

Nang biglang---

Isang anino ang nagpakita sa pinto. Nakasuot ito ng battle uniform ng isang fighter, alloyed boots at mayroong isang shield at blade sa kanyang likuran. Nanlalamig na nakatingin ang dalawa nitong mga mata sa kanya.

"Eh!" Halos malaglag ang mga mata ni Zhang Ze Hu nang tingnan niya ito dahil hindi siya makapaniwala na ang fighter na nasa kanyang harapan ay si….

Luo Feng!

Si Luo Feng nga iyon!

Iyon ba ang rookie na Luo Feng na hindi man lang niya sineseryoso noong una???

"Mauuna ka na, malapit nang sumunod sa iyo ang iba pang miyembro ng Tiger Fang Squad," sabi ng boses na nagmumula kay Luo Feng. Bumuka ng todo ang bibig ni Zhang Ze Hu pero hindi ito makapagsalita dahil hiwa na ang lalamunan nito. Noong magsimula nang lumabo ang paningin ni Zhang Ze Hu ay nakita niya na bumalik ang dalawang katakot-takot na itim na ilaw kay Luo Feng. Umikot ito sa paligid niya. Malinaw na ang mga ito ay dalawang lumulutang na throwing knives.

Umikot at lumutang ang dalawang throwing knives bago isa-isang bumalik sa mga bulsa ni Luo Feng sa kanyang binti.

"Ah, ah!" dilat na dilat ang mga mata ni Zhang Ze Hu dahil mayroon itong gustong sabihin, pero nanigas ang kanyang katawan at agad na bumagsak ng walang kalaban-laban sa lupa.

Noong bago siya mamatay….

Ay nalaman na niya ang pinakatinatagong lihim ni Luo Feng— na ito ay isang spirit reader!!! Bago pa man siya mamatay ay nakita na ni Zhang Ze Hu ang bangungot na kahahantungan ng lahat ng miyembro ng kanyang Tiger Fang Squad.

Katahimikan!

Ang tanging ingay na maririnig sa kuwarto ay ang 'DRIP' sound na tunog ng dugo na tumutulo sa sahig ng kuwarto; bukod doon ay wala ng iba pang maririnig na ibang ingay. Nakahandusay doon ang dalawang bangkay habang tahimik ang mga itong tinitingnan ng nakatayong si Luo Feng.

"Zhang Ze Hu," iniyuko ni Luo Feng ang kanyang ulo habang tinitingnan ang bangkay sa kanyang harapan.

Noong una pa lang ay isa nang beteranong fighter si Zhang Ze Hu habang si Luo Feng naman ay isang rookie. Ito ang dahilan kung bakit hindi siya yumuko kailanman kay Luo Feng noong pinaguusapan nila ang kaso ng pamangkin nitong si Zhang Hao Bai. At mula noon ay nagsimula nang lumabas ang spiritual force ni Luo Feng.

Napakaliit na kaso lang ng argumentong iyon.

Kung gusto mo ng isang rason ay sisihin mo ang ginawa ng Tiger Fang Squad na kung saan ay tinangka nilang patayin ang lahat ng miyembro ng Fire Hammer Squad. Mabuti na lang ay nailigtas ni Luo Feng ang lahat sa huli pero kahit nagawa na niya ito ay naputol pa rin ang braso ng kasamahan niyang si Zhang Ke.

At dahil doon ay gigil na gigil na sumumpa ng paghihiganti ang buong Fire Hammer Squad.

Natatakot din ang Tiger Fang Squad na habang tumatagal ay lalong lumalakas ang kanilang kalaban kaya kinailangan nila itong tapusin sa lalong madaling panahon! Hindi magpapahinga ang bawat isa sa kanila hangga't hindi nauubos ang isa sa dalawang panig na ito!

"Sa pagkamatay ni Zhang Ze Hu at Li Xiao ay mayroon na lang apat na miyembro na natitira ang dating anim na Tiger Fang Squad," isip ni Luo Feng sa kanyang sarili habang nakatayo sa isang pintuan ng liquor store. "Kapag nakabalik na sila rito ay magiging mas maingat na ang bawat isa sa kanila at mag-iisip ng mga posibilidad kung bakit namatay ang dalawa nilang kasamahan! At pagkatapos ay…. kinakailangan kong ayusin ang eksenang ito para mapaniwala sila. Bahala na ang langit kung gagana man ito o hindi."