75 Hindi Na Makapaghintay

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

May mga oras na tumatakbo si Luo Feng at may mga oras ding bigla itong magtatago sa likod ng isang pader habang hinihintay na makalampas ang mga gutom na gutom na halimaw sa kanyang harapan. Sa oras lang na makalampas ang mga ito maaaring makaabante muli si Luo Feng!

Sa pamamagitan ng kanyang spiritual force ay agad na nalalaman ni Luo Feng kung mayroong mga panganib na nakaabang sa kanyang madadaanan.

"Dito sa bahay na ito!" parang isang bala ng cannon na lumipad si Luo Feng papasok sa bintana ng isang three story villa.

Dahil wala nang nakatira rito ay napuno na ang buong bahay ng alikabok. Pero mayroon pa ring iilang appliances na makikilala sa isang tingin lang. Ang dahilan lang ay ang karamihan sa mga natirang appliances sa kahit anong gusali ay nawasak na ng husto o kung hindi naman ay nadurog na dahil sa mga halimaw na naninirahan dito. Mabilis na binaliktad ni Luo Feng ang isang Simmons mattress sa ilalim na bahagi nito na mas malinis kaysa sa ibabaw na bahagi nito. At matapos ang kaunting pagpagpag ng mga alikabok ay puwede na niya itong tulugan.

Matapos niyang ibaba ang kanyang bag ay tumingin siya sa kanyang binoculars sa hilagang bintana ng villa.

Nagkulay-itim na ang bintanang ito dahil sa dami ng alikabok na nakadikit dito kaya binuksan ito ng kalahati ni Luo Feng bago tumingin gamit ang kanyang binoculars. Ang villang ito ay nakapuwesto sa inner sector ng Wan-Ke Dream City, hindi rin ito kalayuan sa JJ liquor store kaya malinaw niya itong nakikita sa kanyang hilaga.

Kaya niya ring makita ang mga nangyayari sa kalsada sa harap ng liquor store gamit ang kanyang mga mata dahil may layo lang ito na dalawang milya mula sa villang tinutuluyan niya. Pero mas pinili niya pa ring gumamit ng binoculars upang makita ito ng mas malinaw.

"JJ," tumayo si Luo Feng sa harap ng bintana habang tahimik na tinitingnan ang kanyang harapan.

Pagkalipas ng limang minuto.

"Hm?" nagpakita ng ngiti sa sobrang tuwa ang mukha ni Luo Feng, "Ito na nga ang building na iyon!" Nakita ni Luo Feng ang dalawang tao na nakatayo sa rooftop ng six story liquor store limang milya ang layo mula sa kanya gamit ang kanyang binoculars. May mga hawak din ang mga ito na binoculars at ang dalawang ito ay walang iba kundi sina Zhang Ze Hu at ang gunner ng Tiger Fang Squad na si Li Xiao.

"Kailangan ko na lang maghintay ng magandang pagkakataon," ibinaba ni Luo Feng ang kanyang binoculars at nagsimula na sa pagoobserba sa mga ito.

Sa mga oras na ito sa loob ng JJ liquor chain store.

Nanlalamig na sinabi ng leader ng Tiger Fang Squad na "Tiger, Xiao, tingnan niyo nang maigi ang paligid ninyo! Kailangan nating mahanap kung saan nagtatago ang Fire Hammer Squad! Dahil mayroong isang sniper rifle ang miyembro nilang si Chen Gu ay sigurado akong nakapuwesto sila sa isang mataas na lugar! Kaya simulan niyo na ang paghahanap sa matataas na lugar sa lahat ng direksyon!"

"Opo captain," tumayo sina Zhang Ze Hu at Xiao sa rooftop habang tumitingin sa mga matataas na building sa loob ng Wan-Ke Dream City gamit ang kanilang binoculars.

"Tama ang impormasyong sinabi mo sa akin tungkol sa Fire Hammer Squad hindi ba Pan Ya?" nakasimangot na tanong ng matandang beterano na may puting buhok.

Agad namang sumagot ang captain ng Tiger Fang Squad, "Wala pong magiging problema dahil accurate po talaga ang impormasyong ibinigay ko sa inyo sa anim na miyembro ng Fire Hammer Squad…. ang tanging miyembro lang nilang may impormasyon na madaling magbago ay ang baguhang si Luo Feng. Iniscout siya ng Dojo of Limits dahil sa angkin nitong talento. Ilang buwan pa lang ang nakalilipas pero naabot na nito ang body fitness level ng isang beginner warlord."

"Okay."

Tumango ang matandang beterano na nagngangalang Liu, "Hanapin mo ako agad kapag nakita na ninyo ang posisyon ng Fire Hammer Squad."

"Opo," nakangiting sagot ng Tiger Fang Squad captain.

Sa kasamaang palad ay hindi nakita ng Tiger Fang Squad ang ni isang anino ng kahit na isang miyembro ng Fire Hammer Squad.

Pagsikat ng araw, kinabukasan.

"Ayon sa plano young master, ang goal niyo po ngayong araw ay patayin ang low level commander na halimaw na nasa hindi kalayuan sa inyo. malakas ang halimaw na iyon pero mabagal sa kanyang pagtakbo. At sa mga oras na iyon ay hindi po naming dapat kayong tulungan ni Ka Long," ngiti ng matandang beterano. Tumawa naman ang batang fighter nang marinig ito at sinabing, "Okay, panoorin niyo ako ni Ka Long sa isang tabi. Ako na ang bahala rito."

Ngumiti rin ang maputing maskulado sa mga oras na ito.

"Pan Ya," lumingon ang matandang beterano sa captain ng Tiger Fang Squad at nag-utos na, "Pagpahingahin mo na muna ang dalawang miyembro mo na nagbantay kagabi, ang iba naman ay sumama sa amin."

"Opo," nakangiting sagot ng captain ng Tiger Fang Squad.

Binubuo ang Tiger Fang Squad ng dalawang intermediate level warlord at apat na beginner level warlord sa mga oras na ito!

"Steel Head, Dong. Magpahinga na kayo ngayon dahil magdamag kayong nagbantay kagabi," utos ni Pan Ya. Ang unang prayoridad nila ay ang kaligtasan ng young master kaya natural na iiwan ng Tiger Fang Squad ang dalawa nitong pinakamahinang miyembro kaya pinili niya siyempre ang dalawa sa apat na beginner level warlords sa kanilang squad.

Nagbantay kagabi sina Steel Head at Dong kaya oras na para kila Tiger at Xiao na magbantay mamayang gabi.

"Opo," nakangiting sagot ng kalbong maskulado at ni Dong na kasalukuyang naglilinis ng kanyang baril.

"Tara na," utos ng kalbong beteranong si Liu.

Magkakasamang umalis sa liquor store ang matandang beteranong si Liu, ang maputing maskulado at ang apat na miyembro ng Tiger Fang Squad. Naiwan naman sa kanilang tinutuluyan ang kalbong matipuno at si Dong na nagbantay kagabi.

"Grabe, napakasarap talagang magkaroon ng malakas na tatay," hindi maiwasang sabi ng kalbong matipuno, "Kailangan niya pang magsama ng dalawang advanced level warlords bilang bodyguards para lang magkaroon ng experience sa Forsaken Land. Maging ang buong squad natin ay kinuha para protektahan ang batang iyon. Hmmm… Naalala ko noong unang pasok ko sa Forsaken Lang noong isang taon, kinakailangan ko pang itaya ang lahat kasama ang buhay ko para lang magkaroon ng experience sa pakikipaglaban."

Tumawa naman si Dong at sinabing, "Paano natin maikukumpara ang mga sarili natin sa kanya? Hindi mo ba narinig ang sinabi ng matandang Senior Liu ba iyon o kung sino man siya. Sinabi niya na para bang isang alalay na 'ang goal mo ngayong araw young master ay makapatay ng isang low level commander na halimaw na malakas pero mabagal kumilos'. Peste, maging ang training ng batang iyon ay inischedule niya pa! Nakalagay din doon kung ano ang una at ano ang mga susunod niyang huhulihing halimaw!"

Sa isang mapanganib na lugar gaya ng Forsaken Land.

Ay kailan pa nagkaroon ang isang fighter ng pagkakataon na magdesisyon ng kahit ano para sa kanyang sarili!

Kapag nakaengkwentro ka ng isang malakas na halimaw ay puwede ka na lang ba sumigaw ng 'Hindi ko lalabanan ang halimaw na iyan'? Kung hindi mo ito lalabanan ay hahabulin ka nito hanggang sa gumawa ka ng isang hakbang laban dito.

"Pero nakakaiba ang young master na iyon dahil kapag nakaengkwentro siya ng isang malakas na halimaw ay puwede niyang ipasa ito sa Senior Liu na iyon. Siyempre ay maghihintay sila para makaengkwentro ng isang low level commander na halimaw na puwedeng pagpraktisan ng young master na iyon," tawa ng kalbong maskulado habang iniiling ang ulo nito.

Agad namang nagsquat si Luo Feng na maagang nagising para obserbahan ang mga miyembro ng Tiger Fang Squad. Agad niya namang nakita ang pitong miyembro ito na papaalis sa tinutuluyan nilang liquor store.

"Pito? Hindi ba siyam silang lahat?"

Agad na naisip ni Luo Feng na, "Mukhang naiwan ang dalawang miyembro nila sa loob ng liquor store na iyon!"

Naiintindihan ng maigi ni Luo Feng ang sarili niyang lakas.

Napakadali niyang matatapos ang isang 'intermediate level warlord' na para bang nakikipaglaro lang sa kanila. Pero walang makapagsasabi kung tatapat siya sa isang advanced level warlord. Halimbawa, kaya niyang agad na patayin ang kanyang mga kalaban kung aambushin niya ito. Pero isang malaking problema para sa kanya kung papalpak ang kanyang pagatake. Dahil madaling makailag ang isang advanced level warlord maging sa bala mula sa sniper rifle sa isang frontal fight.

Mas mabilis ang reaction speed ng isang advanced level warlord kaysa sa kanya.

"Sa siyam na miyembro ng Thunderbolt Squad, ang maputing maskulado na iyon at ang matandang beteranong iyon ang advanced level warlords sa kanila. At kung hindi dahil sa dalawang ito ay hindi magpapakaarogante ang Tiger Fang Squad na subukang nakawin ang twin headed black striped snake na napatay namin."

"Sabihin natin na lumabas ako ngayon at harapin silang siyam! Puwede akong magtagumpay sa pamamagitan ng element of surprise na sinamahan ng kaunting suwerte. Pero… isa lang sa kanila ang kinakailangan para ikalat ang balita na isa akong mamamatay-tao sa buong mundo gamit ang kanilang communications watch at magiging malaki itong problema sa akin kung mangyayari man iyon." Naiintindihan ni Luo Feng ang trato ng matandang beterano at ng maputing maskulado nang tawagin nila ang batang fighter na kasama nila bilang 'young master'….

Ang background siguro ng batang fighter na iyon siguro ay sadyang katakot-takot!

Dahil ang batang iyon ay mayroong dalawang advanced warlords bilang bodyguard ay siguro ang taong may kaugnayan sa batang iyon ay maaaring isang wargod! O hindi kaya ay may posisyon na mas mataas pa sa isang wargod!

"Mayroon lang dalawang tao na nasa loob ng liquor store ngayon, papatayin ko na ba sila?"

Nagdalawang-isip si Luo Feng at nagdesisyong huwag muna.

"Hindi ko pa puwedeng patayin ang dalawang ito dahil kapag ginawa ko iyon ay maalerto ang natitirang pito at kapag nangyari ito ay lalo akong mahihirapan na patayin ang captain ng Tiger Fang Squad maging ang Zhang Ze Hu na iyon."

"Hindi ako naniniwalang hindi dadarating ang pagkakataong pinakahihintay ko!"

Ilang araw na ang nakalilipas at hindi pa rin nahahanap ng Thunderbolt Squad ang Fire Hammer Squad. Maging si Luo Feng ay hindi pa rin nakakahanap ng tamang pagkakataon para umatake! Sa bawat pag-alis ng Thunderbolt Squad ay palaging may natitirang dalawang tao sa liquor store, sila ang mga taong nagbantay noong nakaraang gabi. Noong una ay si Steel Head at si Dong, ngayon naman ay si Tiger at si Xiao.

Nagpatuloy sila sa pagpapalitan sa mga sumunod na araw…..

At naghintay si Luo Feng ng siyam na araw!

"Bwisit!"

"Napakasystematic nila!" nanggigigil na itsura ni Luo Feng, "Ang buong Thunderbolt Squad na ito ay alalay lang ng young master na iyon!" Hindi lang sa liquor store pinapanood ni Luo Feng ang mga ito, pinapanood niya rin sa tuwing nanghuhuli ito ng mga halimaw nitong mga nakaraang araw. Humahanap siya ng pagkakataon kung saan hihiwalay ang Tiger Fang Squad sa dalawang advanced level warlords na kasama nito.

Pero ni isang beses ay hindi dumating ang pagkakataong hinahanap niya!

Palaging nakadikit ang Thunderbolt Squad sa binatang fighter na iyon para protektahan ito. Hindi rin sila nagbabantay malayo rito kaya hindi nagkaroon ng ni isang tiyansa si Luo Feng para tapusin ang mga ito.

Sa ikasampung araw!

"Kung magpapatuloy ako sa paghihintay ng ganito ay baka abutin na ako ng araw ng pagbalik nila sa headquarter city. Kapag nangyari iyon ay hindi na ako magkakaroon ng tiyansang tapusin sila! Hindi na ako makakapaghintay!" nagngitngit ang mga ngipin ni Luo Feng at isang nanlalamig na ilaw ang makikita sa kanyang mga mata, "Ngayon ang ikasampung araw kaya si Zhang Ze Hu at ang gunner na si Li Xiao ang maiiwan sa liquor store… Zhang Ze Hu, hmph, tatapusin ko kayong dalawa ngayong araw!"

Sa JJ liquor chain store.

"Wala kayong tulog sa pagbabantay kagabi Tiger at Xiao kaya maiwan na muna kayo rito ngayon para magpahinga," nakangiting sinabi ng captain ng Tiger Fang Squad.

"Opo captain."

Nakangiting sumagot sina Zhang Ze Hu at Li Xiao.

"Tara na."

Sa isang utos galing sa matandang beteranong si Liu ay sumunod at umalis silang lahat kasama ang Tiger Fang Squad. Pitong tao ang makikitang umalis sa liquor store sa mga oras na iyon. At noong nakita ni Luo Feng ang pag-alis ng mga ito ay tahimik siyang umalis sa kanyang puwesto at pumunta sa isa pang kalye papunta sa liquor store.

avataravatar
Next chapter