77 Ang Paggawa ng Isang Eksena

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Mabilis na bumaba si Luo Feng sa hagdanan pababa sa 1st floor hanggang makarating siya sa entrance ng liquor store.

"Hm?" Tumingin tingin si Luo Feng sa kanyang paligid.

"Walang gaanong halimaw sa paligid, nakakainis!" Sumimangot si Luo Feng habang nakikita niya ang kakaunting halimaw sa kanyang paligid sa loob lang ng isang tingin pero hindi ito sapat para sa kanyang plano. Ang kanyang plano ay palabasin na napatay ng mga halimaw sina Zhang Ze Hu at Li Xiao.

Matapos noon ay tumakbo si Luo Feng papasok sa isang eskinita papunta sa labas na bahagi mula sa liquor store. Matapos niyang makalabas sa eskinita ay nakita niya sa isang tingin lang ang isang malaking horde ng horned boars. Mayroong isandaang bilang ang mga ito. Kung makikita ito ng isang fighter ay malalaman nito na wala na siyang oras para makatakbo pa pero ngumiti ng malaki si Luo Feng nang makita niya ito.

"Sila ang kailangan ko," mabilis na lumapit si Luo Feng sa mga halimaw.

"HOWL~~"

Mayroong mangilan-ngilang horned boars na nakatingin sa human fighter na ito. Isang galit na galit na ungol ang maririnig mula sa horde. Ito ay mula sa leader ng mga horned boars na ito! Isang saglit pa ay kumalat ang mga ito at wala sa sariling tumakbo papunta kay Luo Feng. Agad namang dumagungdong ang buong kalye sa pagtakbo ng mga ito.

RUMBLE~~ Nagmamadaling tumakbo ang mga horned boars papunta kay Luo Feng!

"Jusme, papatay muna sana ako ng isa hanggang dalawa sa mga ito para lalo nila akong panggigilan. Hindi ko alam na ganito lang pala kadali para habulin nila ako," tumalikod si Luo Feng at nagsimula ng tumakbo. Mabilis siyang pumasok sa eskinitang pinanggalingan niya kanina.

RUMBLE~~

May kaluwagan ang eskinitang iyon dahil dalawa-dalawang horned boar ang kayang pumasok at tumakbo sa loob nito ng sabay. Mabilis na tumakbo si Luo Feng habang wala sa sarili siyang hinahabol ng isang horde ng horned boar sa kanyang likuran.

"PUCHI!" "PUCHI!"

Dalawang katakot-takot na itim na ilaw ang lumipad at lumutang sa paligid ni Luo Feng bago ito bumalik sa kanyang mga bulsa. Agad namang namatay ang dalawang horned boar na nasa unahan ng horde na humahabol sa kanya habang ang isa naman sa likuran ay nagtamo ng isang malaking sugat. Sa mga oras na ito ay galit na galit at naglalakasang nagsiungol ang mga horned boar na nagpapakitang nagagalit na ang mga ito.

"Mas maganda kung mas galit kayo!" parang isang kidlat na umakyat si Luo Feng sa backdoor ng liquor store.

RUMBLE~~

Isa-isang nag-akyatan pataas ang mga horned boar na humahabol sa kanya. Napakaganda ng kalidad ng sementong ginamit sa paggawa ng mga hagdanang ito kaya kahit ilang dekada na itong naabandona ay nasuportahan pa rin nito ang mga paakyat na horned boar. Sinadya ni Luo Feng na lumayo sa mga horned boar ng 10 metro habang nagmamadaling umakyat sa kanyang destinasyon—ang 6th floor!

Matapos niyang makarating sa 6th floor ay agad niyang ginamitan ng spiritual force ang machete ni Zhang Ze Hu at machine gun ni Li Xiao na nagpalutang sa mga ito. Maging ang balang kasama na nakalawit sa machine gun ay nakasama sa paglutang nito.

Lumutang ang machine gun at ang machete sa harapan ni Luo Feng.

"HOWL~~" parang baha na umakyat ang mga galit na galit na halimaw sa 6th floor. Ang bawat isa sa kanila ay wala sa sariling sumugod papunta kay Luo Feng.

"Sugurin niyo ako!"

Suminghal si Luo Feng at isang kagulat-gulat na ilaw ang makikita sa kanyang mata. Kinalabit ng kanyang spiritual force ang gatilyo ng machine gun at nagsimula na itong magpaputok ng napakalakas habang napakabilis na nagsilabasan ang mga bala. Hindi kapanipaniwala ang lakas ng mga sumusugod na horned boars dahil hindi pa rin ito matigilan kahit na pinapaulanan na ito ng bala ng machine gun na kinokontrol ni Luo Feng!

Puchi! Puchi!

Nagsimula na ring sumayaw ng wala sa sarili ang lumulutang na machete sa harapan ni Luo Feng. Sunod sunod nitong hiniwa ang mga lalamunan ng mga papasugod na horned boars. Ang mga katawan ng mga nagkandamatay na boars ay walang kontrol na bumangga sa pader sa likuran ni Luo Feng. "RUMBLE~~", matapos bumangga ng ilang halimaw sa pader ay nagsimula na itong masira. At dahil sa machine gun at machete ay dose-dosenang horned boar ang nagkakandamatay sa loob lang ng isang saglit. Napuno ang hallway na iyon ng mga bangkay ng papasugod na halimaw.

"HOWL~~" galing sa isang galit na galit na alulong.

Isang napakalaking horned boar na may itim na spots at kumikinang na balahibong kulay silver ang nagpakita sa harap ni Luo Feng.

Pero nalaglag na ang machine gun at machete sa gilid ng dalawang bangkay sa kuwarto at kanina pa palang nakatalon si Luo Feng sa northern window ng liquor store!

Whoosh!

Tumalon si Luo Feng sa bintana na para bang isang kidlat at ginamit ang kanyang spiritual force sa dalawa niyang arm guards na nakapagpabagal ng kanyang pagbagsak. Matapos ang ilang saglit ay lumapag si Luo Feng sa bubong ng isang two story building bago tumakbo papasok sa isang eskinita at tuluyang nawala.

…..

"HOWL~~"

Gigil na gigil ang mga horned boar na namatayan ng dose-dosena nilang kasama na binangga ang mga pader ng liquor store habang sinusubukang hanapin ang human fighter na hinahabol nila. Hindi na nila ito nahanap pero nakahanap naman sila ng dalawang sariwang bangkay ng mga human fighter. Agad nilang kinain ang laman ng mga bangkay na ito.

Isang delicacy para sa mga horned boars ang laman ng isang tao.

Maging ang iba pang horned boars ay pumunta para kainin ang mga namatay nilang kasamahan! Para sa mga halimaw na naninirahan sa walang awang kapaligiran, napakadalang para sa kanila ang makakain ng kahit na sinong tao kaya ang pangkaraniwang kinakain nila ay ang mga bangkay ng mga kapwa nilang halimaw…. lalo na sa mga mababangis na halimaw, normal para sa kanila ang kumain ng mga halimaw na katulad nilang species.

Naging mga durog-durog na buto na lang ang mga bangkay ng mga namatay na horned boars at ang mga bangkay ng dalawang namatay na fighter.

���

Bumalik si Luo Feng sa dati niyang puwesto at tahimik na nagmasid.

"Sigurado akong makakabalik ang pitong miyembro ng Thunderbolt Squad sa loob ng dalawang oras." Sa wakas ay nakita na ni Luo Feng ang pagbabalik ng pitong miyembro ng Thunderbolt Squad sa liquor store "Oo nga, maririnig mo nga ang mga ungol at alulong ng mga halimaw kahit saan sa loob ng #003 city at kakatapos lang ng laban sa loob ng liquor store kaya normal na mapapansin ito ng Thunderbolt Squad na nakapuwesto sa isang lugar ilang milya lang ang layo mula rito."

...

Tumatawang pumasok sa harap ng liquor store ang pitong miyembro ng Thunderbolt Squad ng may mataas na morale.

"Napakaganda ng blade ng young master sa puntong accurate nitong hiniwa ang lalamunan ng commander level monster na iyon, ang 'Rapid Wolf'," nakangiting puri ng captain ng Tiger Fang Squad pero ilang saglit pa ay bigla itong nanigas.

"Huh?"

Tumingin tingin ang captain ng Tiger Fang Squad maging ang ibang miyembro ng Thunderbolt Squad sa loob ng liquor store.

"Mayroong amoy ng dugo!" direktang naglakad ang matandang beterano papasok sa liquor store habang nakasunod sa kanya ang iba pang miyembro ng Thunderbolt Squad "Habang papalapit ay palakas ng palakas ang amoy ng dugong naamoy."

"Isang malaking labanan ang naganap dito dahil hindi sapat ang isa o dalawang halimaw para sa ganitong katapang na amoy ng dugo," sumimangot ang captain ng Tiger Fang Squad. Pinindot naman ng miyembro nila na bulag sa isang mata ang kanyang tactical communications watch at sumigaw ng, "Tiger, Xiao! Tiger, Xiao, sumagot nga kayong dalawa. Anong nangyari?"

Nangiba bigla ang mga itsura ng apat na miyembro ng Tiger Fang Squad.

"Hindi na sila nagreply captain," tingin ng miyembro nilang bulag sa isang mata sa captain ng Tiger Fang Squad.

"Siguro ay hindi nila napansin na nagvivibrate na pala ang mga tactical communications watch nila," hindi maiwasang isagot ng kalbong maskulado.

Napakasensitibo ng mga fighters kaya paanong hindi nila ito mapapansin?

Tahimik na sinabi ng captain ng Tiger Fang Squad na "Tara, tingnan natin sila sa taas."

"Tara nang makita natin," utos ng matandang beterano. Hindi nagtagal ay nakarating ang pitong miyembro ng Thunderbolt Squad, nangiba ang mga itsura ng mga ito nang makita nila ang mga marka sa hagdanang inaakyatan nila. Malinaw na tinapakan ang hagdanang ito ng napakaraming bilang ng halimaw dahil maging ang iilan sa mga bahagi nito ay nabiyak.

"Mag-ingat kayong lahat."

Dahan-dahan at maingat na umakyat silang pito pataas.

Kahit na nagdahan-dahan sila sa pagakyat ay mabilis pa rin nilang naakyat ang 6th floor ng building na ito.

"HU!" napahinga ng malalim ang pitong miyembro ng Thunderbolt Squad. Dahil nakita nila ang wasak-wasak na 6th floor ng liquor store. Butas-butas ang mga dingding ng kuwarto, punong-puno ang sahig ng dugo at makikita ang napakaraming durog-durog na buto mula sa mga bangkay. Ang karamihan sa mga butong ito ay nagmula sa bangkay ng mga halimaw.

Bumagsak ang dibdib ng pitong miyembro ng Thunderbolt Squad dahil alam nila…. Na hindi pinalad ngayong araw ang kasamahan nilang sina Zhang Ze Hu at Li Xiao.

"Tingnan niyo mayroon ding mga butas ng bala sa dingding."

"Mayroon ding napakaraming basyo ng bala sa sahig. Mukhang pinaputok ni Xiao ang kanyang machine gun para pigilan ang monster horde pero sa kasamaang palad ay napakarami ng mga ito."

Mabilis na nakakita ang bawat isa sa kanila ng iba't ibang marka.

Matapos ang ilang sandali ay tiningnan ng lahat ang punit-punit na battle uniform, ang macheteng may kaunting deform at ang wasak-wasak na machine gun kasama ng iilang buto na galing sa bangkay ng isang tao.

"Ang machete ni Tiger at ang baril ni Xiao."

"Ang dalawang battle uniform na ito….."

Napakatibay ng mga battle uniforms. Kahit na nguya-nguyain at tapak-tapakan ito ng mga horned boars ay makikilala mo pa rin ito. Nakilala nila na kila Zhang Ze Hu at Li Xiao ang mga battle uniforms na ito.

"Paano itong nangyari?" hindi mapigilang tanong ng kalbong maskulado sa sobrang gigil, "Nasa loob lang ng kanilang kuwarto sina Tiger at Xiao kaya paano sila naging ganito kamalas para puntahan ng gutom na gutom na monster horde?"

"Tara, bumaba na tayo!" utos ng kalbong beteranong si Liu.

"Baba?" Nagulat ang miyembro ng Tiger Fang Squad na bulag sa isang mata, ang kalbong maskulado at si Dong at matapos nito ay bigla silang nagalit ng kaunti sa beterano.

Sumimangot ang captain ng Tiger Fang Squad at nag-utos na, "Ok, iligpit na ninyo ang mga natitirang labi ni Tiger at Xiao at bumaba na tayo!" At dahil nag-utos na ang kanilang captain ay wala silang nagawa kundi sundin ito.

…..

Ilang sandali pa ang nakalilipas ay tumayo na ang pitong miyembro ng Thunderbolt Squad sa lobby ng liquor store sa 1st floor nito.

"Alam naman siguro ng lahat," tahimik na sinabi ng captain ng Tiger Fang Squad na si 'Pan Ya', "Kahit na gaano pa kaingat sina Tiger at Xiao ay mayroon pa rin silang 50/50 chance na mabuhay! Kahit na hindi man sila makatakas ay nakontak man lang nila sana tayo noong nakaramdam sila ng panganib!"

Nagbago ang mukha ng ibang miyembro at walang nagawa kundi tumango na lang.

"Tama," tumatangong sinabi ng matandang beterano na si Liu at sinabi niya na, "Kahinahinala para sa akin na hindi man lang nila tayo kknontact bago man lang sila namatay. Kaya nag-aalala ako na baka may sumadya na gumawa ng eksenang ito at nag-iwan ng mga listening device sa itaas kaya pinababa ko kayong lahat para pagusapan ang tungkol dito."

Lalong tumaas ang respeto ng ibang miyembro ng Tiger Fang Squad sa beteranong ito na nagngangalang Liu.

Dahil agad nitong nalaman ang problema at nakapagdesisyon, malinaw na makikita na talagang maraming experience ang mga matatandang beterano na kagaya ni Liu.

"Isa itong posibilidad, ang isa pang posibilidad ay….. ang commander level monster sa monster horde! Noong nakita nila ang bakas ng dalawang ito ay dahan-dahan nila itong inatake. Napakaraming halimaw ang umakyat sa taas…. Parang nagmamadali ang mga ito, at hindi man lang tayo nagawang kontakin ng dalawang iyon," dagdag ng matandang beterano.

Nagpalitan ng tingin ang apat na miyembro ng Tiger Fang Squad.

Makikita ang pag-aalala sa mukha ng batang fighter at noong makita ito ng matandang beterano ay bumulong ito sa kanya na, "Huwag kang mag-alala young master. Kung mayroon mang tao ang gumawa ng eksenang ito, hindi ikaw ang target niya. Hindi gumagamit ng ganitong mga taktika ang mga wargod fighters at hinding hindi susubukan ng kahit na sinong warlord fighter na banggain ka."

"Dahil sa pangyayaring ito na isa ring banta sa seguridad ng young master ay maaari na siguro tayong bumalik sa headquarter city Senior Liu," sabi ng captain ng Tiger Fang Squad na si 'Pan Ya'.

avataravatar
Next chapter