webnovel

Gang Fight

Editor: LiberReverieGroup

Sa loob ng kulungan.

Isa isang nagbalikan sa kani-kanilang mga selda ang mga bilanggo matapos nilang kumain ng almusal.

Sa ikatlong selda sa kaliwa sa south hallway ay makikitang tahimik na nakahiga ang apat na bilanggo sa kani kanilang mga kama. Babulong na sinabi ng mataba nilang kasamahan na "Nakausap at napapayag ko na si Boss Li kaninang almusal kuya. Tatlong professionals ang ipapadala natin mamaya at dalawa rito ay mga 'gorilla' ni Boss Li, kaya kung susumahin ay may limang tao tayo para mamaya. Sinisiguro kong matuturuan natin ng leksiyon ang Luo Feng na iyan mamaya"

"Taba, Narinig ko na nakayanang mapabagsak ni Luo Feng ang apat na elite members nang mag isa. Hindi biro ang batang iyan" tahimik na sagot ng matipunong lalaki na may tattoo ng isang itim na aso.

"Taba, Black dog, ipapadala ni Kuya Zhou si cobra. Kaya kahit mabigo tayo dahil sa tindi ng Luo Feng na iyan, nakasisiguro akong hinding hindi siya makakawala sa bagsik ni cobra!" tahimik na sinabi ng isang matandang lalaki na may isang bulag na mata.

"Si Cobra?"

Nagulat sina Taba at Black Dog sa narinig nilang iyon.

"Oo. At sa napakasuwerteng pagkakataon ay nakakulong din si cobra sa kulungang ito" sabi ng lalaki sa may isang mata habang tumatango.

"At hanggat nasa panig natin si cobra, hinding hindi tayo mabubulilyaso" Sabik na sabik na sinabi ni Taba "Pero ano kayang itsura ni cobra? Hindi ko pa siya nakikita kahit kailan"

"Sabay sabay tayong kikilos. Pupunta ako kay Boss Li pagkatapos ng tanghalian" tahimik na sinabi ng lalaking may isang mata "At walang palya na kikilos tayo ng hapunan! Huwag niyong kakalimutan yung mga patalim niyo" ang mga patalim na tinutukoy ng bilanggong ito ay ang mga maliliit na mga blade na nahulma sa pamamagitan lamang ng toothbrush…..

At dahil na rin may mangilan ngilan na mahihigpit na checkpoints ang nagaganap sa bawat selda nito, hindi pa rin ito maikukumpara sa isang large scale prison.

Gayunman sa isang large scale prison, ang mga bilanggo ay sadyang nagiging mga malilikhain na dumarating sa punto na kaya na nilang magpuslit ng mga maliliit na armas at mga bala kahit gaano pa kataas ang seguridad ng kulungang iyon. At kahit na gaano kataas ang seguridad ng kahit na anong lugar, mayroon at mayroon pa rin itong butas hangga't pinapatakbo ito ng mga tao! Siyempre maituturing lamang na mga amateur ang mga nakakulong sa kulungan kung saan nakakulong si Luo Feng kaysa sa ibang mga large scale na kulungan kaya ang mga sandata na kaya lang nilang gawin at ipuslit ay mga blade at mga basag na salamin.

������������

Kinagabihan.

"Kapatid na Luo"

"Kapatid na Luo"

Ang bawat isang nakakulong ay bumati kay Luo Feng habang papalabas ito ng kaniyang selda. Kalat na kalat na mula kagabi sa buong bilangguan ang kuwento ng pakikipaglaban niya sa apat na mga elite members na dahilan kung bakit siya nakulong. Halos naiisip na ng lahat ang tunay na kakayahan at lakas ng batang ito.

Isang saradong lobby ang tinatawag nilang cafeteria at sa loob nito makikita ang dose dosenang mga mahahang lamesa na kulay silver.

"Ang lahat ay maayos sa kulungan noong mga oras na iyon maliban sa lasa ng pagkain" Dahil nagawa ni Luo Feng na sanayin ang kaniyang genetic energy kagabi ay napakaganda ng mood niya sa buong araw na ito. Pumunta siya sa counter at tumanggap ng isang lunch box na gawa sa plastic mula sa mga guwardiya. Noong buksan niya ito ay nakita niya ang kakarampot na pagkain na parang isang dakot ng lupa ang nakalagay dito.

At noong silipin niya pa lalo kung ano ang klase ng pagkain ang nakalagay doon ay makikita niya na durog na durog ito na para bang isang putik na kulay gray at mayroon din itong amoy kamatis nang subukan niyang amuyin ito.

"Heto pala ang legendary na hilaw na pagkain" sabi ni Luo Feng habang umiiling ang kaniyang ulo.

Sikat na sikat ang pagkain na iyon sa mga nakakulong. Pero kahit na tinatawag lang nila ito na hilaw na pagkain, hindi maikakaila na ito ang pinakamababang uri ng pagkain sa lipunan. At limang sentimo lang ang kinakailangan ng bawat tao kung ang hilaw na pagkain ang ihahain sa bawat oras ng pagkain. Sapat na ito para malaman ng lahat na walang kwenta ang pagkaing iyon sa lahat ng anggulo.

Isang lobby, isang lamesa at isang lunch box na kulay silver.

Ang mga preso ay isa isang lumapit sa counter para kunin ang kani kanilang mga tanghalian.

Umupo si Luo Feng sa gilid ng lamesa at sinimulang kumain nang nakayuko. Kasabay nito, isang payat na teenager na nakasuot ng salamin ang nagsimulang umangal at magmura "Mas masarap pa ang pagkain ng aso at baboy kesa rito!" sigaw niya habang sinisimulan na rin niyang kumain sa tabi ni Luo Feng.

"Bilisan mo at latagan mo ako ng dalawang yosi"

"Anong sinasabi mo?"

Mahigit sa 100 na mga bilanggo ang maingay na nagkukwentuhan sa loob ng malaking lobby na kulay silver. Napaka gulo at kalat ng lugar na iyon. Dalawang guwardiya ang nakabantay sa labas ng rehas ng silid na may dala dalang mga assault rifle. Tamad na tamad silang nakatingin sa loob at nagsimulang magkuwentuhan at magtawanan para libangin ang kanilang mga sarili. Ang CCTV naman sa taas ng lobby ay walang tigil na nagrerecord sa mga pangyayari sa loob.

[BLAM] isang matipunong lalaki na may isang isang bulag na mata ang umupo tatlong metro ang layo sa kanan ni Luo Feng. Tiningnan niya ito at tumawa "Ikaw si Luo Feng?"

Tinitigan naman ni Luo Feng ang matipunong lalaki sa nagiisang mata nito "At sino ka naman?"

"Ako nga pala si Long" tumatawang sagot ng matipunong lalaki sa kaniya.

"One-eyed dragon" sabi ng isang mahinang boses. Isang maliit na matabang lalaki ang umupo sa harapan ng matipunong may iisang mata. Matapos nito ay may dalawa pang matitipunong lalaki ang umupo sa magkabilang gilid niya na para bang mga steel towers. Malamig na tiningnan ng dalawang matipunong lalaki sa mata ang one-eyed dragon. Pagkatapos ay malamig na tumawa ang lalaki at sinabing "Kahapon, noong lumabas kami sa bakuran para magrelax, isa sa mga tao mo ang bumugbog sa tao ko hindi ba? Sabihin mo sa akin ngayon kung paano natin aayusin to huh?"

"Umalis ka sa harapan ko" sabi ng lalaking may iisang mata "Mas maganda siguro kung lumayo layo ka sakin taba. Huwag mo akong susubukan, baka pagsisihan mo"

Tumingin ng masama ang matabang lalaki at tumawa "Mukhang ayaw mo atang makipagusap ngayon One-eyed dragon"

Nakadalawang kagat muna si Luo Feng sa gilid bago tumingin sa gilid niya. Wala siyang magawa kundi maging interesado dahil makikita siya sa unang pagkakataon na magsasagupa ang dalawang pinakamalalakas na grupo sa kulungan.

"Putak ka ng putak. Kung gusto mong pumutak, umalis ka rito" sabi ng one-eyed dragon at pinaikot nito ang nagiisa niyang mata palayo sa matabang lalaki.

"Bwiset, bugbugin niyo iyan!"

Nakakapangilabot ang mukha ng maliit na matabang lalaki habang isinisigaw niya ito.

Biglang tumayo ang mala posting matitipunong mga lalaki sa tabi niya, ang isa sa kanila ang bumuhat sa kulay silver na lamesa at ipinalo sa kaniya, habang ang isa naman ay nagpakawala ng isang napakabilis na sipa na para bang isang kidlat.

"Sino ka para saktan ang boss namin!"

"Halina mga kapatid!"

Biglang nang naging napakagulo sa loob ng lobby.

[BLAG!] Isa sa mga bilanggo ang kumuha ng upuan at malakas na inihampas ito sa cctv ng lobby sa gilid. Ang unang gagawin ng mga nakakulong sa tuwing sisiklab ang gulo sa loob ng kulungan ay wasakin ang cctv sa lugar na iyon. Para hindi malaman ng mga pulis kung sino ang nagsimula ng gulo na magreresulta sa pagpili ng mga pulis ng mga bilanggo na masisisi nila sa nangyaring gulo.

Sa loob ng silver na lobby.

"AH!" Itinaas ng one-eyed dragon ang kanan niyang braso para salagin ang paparating na sipa ng isang matipuno. Pero sa lakas nito ay napaatras siya ng ilang hakbang papalapit sa gilid ni Luo Feng.

Mabilis na hinabol ng dalawang malaposteng mga lalaki ang one eyed dragon.

Ang mga tauhan ng one-eyed dragon ay tumakbo rin patungo sa direksiyong ito. Makikitang maiipit sa gitna ng dalawang nagsasagupaang grupo si Luo Feng.

"Hindi ako makapaniwalang masasali pa ako sa gulong to" Tumayo lamang si Luo Feng. Wala siyang gana na makisali sa gulong ito. Ito na rin ang panahon kung saan si Taba na napabibilang sa mga tauhan ng one eyed dragon ay tumakbo papunta kay Luo Feng. Mabilis niyang inilabas ang isang blade na galing sa screw at itinutok ito sa tagiliran ni Luo Feng.

Bago pa iyon ay inilabas na ng one eyed dragon ang isang maliit na blade sa kaniyang kamay at naghandang saksakin si Luo Feng.

"Ano?" Biglang nakaramdam si Luo Feng ng panganib kasabay ng isang masakit na bagay na nakatusok sa kaniyang baiwang. Pero noong naging tense ang mga muscles nito ay tumalon ito na parang isang leopard sa lamesa sa kaniyang harapan. Pero sa mga panahong ito ay…

[HE] [HE]

Isinipa ng dalawang malaposteng mga lalaki ang kanilang mga paa papunta kay Luo Feng.

"Naghahanap ka ng ikamamatay mo!" Si Luo Feng na naiintindihan na ang tunay na mga nangyayari sa kaniyang paligid ay sumigaw nang napakalakas at isinuntok ang dalawa niyang mga kamao sa dalawang paparating na mga hita ng matitipunong mga lalaki. Malagim na tumawa ang dalawang malaposteng lalake na pinangalanang 'gorillas' sa kanilang mga loob. Alam nila na sadyang napakalakas ng puwersa ng mga binti kaysa sa mga braso. Kaya bakit sila matatakot kay Luo Feng?

[PENG] [PENG]

Isang mahinang tunog ng pagtama ng mga laman ang narinig na sinundan ng tunog ng mga nababaling buto. Napasigaw nang husto ang dalawang malaposteng lalaki sa sobrang sakit. Ang isa sa kanila ay napakalayong tumalsik pa sa isa pang lamesa. Makikita sa mga upuan at sa sahig ang mga kakilakilabot na mga dugo.

"AAAAaaaaaaaaaaaaaaaa!!!!" Hinawakan ng dalawang matitipunong lalaki ang kanilang mga nananakit na binti habang sila ay gumugulong sa sahig.

"Ano!" Gulat na gulat ang nasa gilid one eyed dragon kasama ni Taba at ni Black dog sa nakita nila.

Sa mga oras na iyo---

[WANG WANG] Nakakabinging tunong ng alarm. Mabilis na lumabas sa kanilang mga barracks ang lahat ng mga guwardiya at nagsamasama bago pumunta sa cafeteria.

Hinawakan ni Luo Feng ang kaniyang tagiliran at nakita niya ang dugo na nagmantsa sa kaniyang uniform. Tama nga ang mga legends na ang mga fighters na may kakayahang sanayin ang kanilang mga genetic energy ay mayroong fist strength na umaabot sa tatlo hanggang apat na libong kg. Ang isang pangkaraniwang bala ay walang kakayanan na tumagos sa kanilang mga muscles at ang patalim na isinaksak ni Taba sa kaniya ay tumagos lamang sa kaniyang balat.

"Gumagawa lang pala kayo ng palabas sa harapan ko"

Tiningnan ni Luo Feng si one eyed dragon at ang maliit at matabang lalaki, Namutla ang dalawa sa gulat nang makita nila ang bagsik ng mga mata nito.

"Lahat kayo! Bugbugin niyo siya! May tama na iyan!" galit na galit na sigaw ng one eyed dragon.

"Lahat kayo!" malakas na sigaw ng maliit na matabang lalaki. Habang sumisigaw ang kanilang mga boss ay binuhat nila ang mga upuan para ihampas kay Luo Feng. At bilang pagsunod sa kanilang mga boss ay dalidali silang tumakbo daladala ang kanikanilang mga upuan.

Maihahalintulad sa isang multo ang mga galaw ni Luo Feng sa sobrang bilis. Lumipad ang dalawa niyang mga binti na para bang mga bala ng kanyon na nakapagpatalsik sa bawat isang bilanggo sa ere. Nagbigay pa ng kaunting awa si Luo Feng sa mga pangkaraniwang mga bilanggo dahil alam niya na sumusunod lang ang mga ito sa utos. Pero hinding hindi siya magpapakita ng kahit anong awa sa dalawang pinuno ng mga ito kasama si Taba na sumaksak sa kaniya.

[PU!] Hinati ni Luo Feng sa dalawa ang upuan gamit ang kaniyang kamay at hinampas ang kaniyang braso sa one eyed dragon na nakapagpatalsik dito. Ang kanyang brasong iyon ay gumawa ng 90 degree counter clockwise turn.

Ang mga bilanggo ay nagsitalsikan sa ere at ang mga upuan at mga lamesa ay isa isang nagkabali bali.

Ito ang pagkakaiba!

Ito ang pagkakaiba ng isang fighter na nagsasanay gamit ang genetic energy technique at ang mga pangkaraniwang mga bilanggo.

Habang tinitingnan ni Luo Feng ang mga grupo ng mga bilanggo, biglang ikinaway ng isang payat na teenager na nakasalamin ang kaniyang kamay matapos nitong tahimik na manood sa laban.

"Tama na iyan!"

Isang madilim na ilaw ang gumuhit sa ere, pagkatapos nito ay nasa harapan na siya ni Luo Feng.