17 Isang Malalim na Gabi sa Loob ng Kulungan

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Napakadilim ng gabing iyon. Ang buwan at ang mga bituin ay hindi mo makikita sa kalangitan kaya nabalot ng dilim ang selda ni Luo Feng. Ang tanging liwanag lamang na makikita ay ang mga streetlight sa kalsada

[Brzzzz~~] ang tunog ng mga hilik na maririnig mula sa mga selda na nagpapakita na ang lahat ay mahimbing na natutulog.

Nang biglang---

Bumangon at umupo si Luo Feng sa kanyang kama na nasa kaliwang bahagi ng kanilang selda. Idiniretso niya ang kanyang katawan at nag Indian seat. Diretsong diretso ang kaniyang postura habang nakalagay ang kaniyang magkabilang kamay sa ibabaw ng kaniyang mga hita.

"Ayon sa article na binasa naming sa Limit Hall, may isang uri lang ng genetic energy training sa buong mundo, ito ay tinatawag na Wu Xin Xiang Tian training. At kapag naabot na ng isang tao ang pangangatawan ng isang fighter, agad itong magsisimula sa pagsasanay sa kaniyang genetic energy" Sabi ni Luo Feng habang humihinga ng malalim "Ang unang subok daw ang pinakamahirap sa pakiramdam sabi sa article na iyon!"

Kailangnan munang masense ng katawan mo ang cosmic energy bago niya ito maabsorb.

Ayon din sa article, ang energy na ito ay nakakalat sa buong mundo. Kahit na ang mga bituin sa buong universe ay mayroong ganitong uri ng energy. Pero karamihan sa mga tao ay hindi kayang maramdaman ang presensya ng enerhiyang ito.

"Hangga't kaya ko ito maramdaman ay magiging madali na lang para sa katawan ko na iabsorb ang enerhiyang ito"

"Ang mga taong may talento rito ay kayang makaramdam ng enerhiya sa unang araw pa lamang ng kanilang pagsasanay. Ang mga hindi gaanong katalentadong tao naman ay minsan inaabot ng higit sa isa at kalahating taon maramdaman lamang ang enerhiyang ito" Kinontrol ni Luo Feng ang kaniyang paghinga at pinanatili ang posisyon ng Wu Xin Xiang technique. Ang Wu Xin* ay nangangahulugan sa dalawang talampakan, dalawang palad at ang main artery na matatagpuan sa ulo ng isang tao'.

*Note mula sa TL: Ang ibig sabihin ng Wu Xin ay Five Hearts.

Hinga….

Dahan dahang umayos ang daloy ng paghinga ni Luo Feng. Nararamdaman niya ang pagkalma ng kaniyang puso habang ginagawa niya ito.

"Kailangan magrelax ng katawan ko. Ang Wu Xin Xiang Tian ay isang natural na proseso. Kailangan kong pakalmahin ang puso ko na para bang isang malasalaming lawa" Kahanga hanga ang kontrol ni Luo Feng sa kaniyang sarili kung kaya't dahan dahan niyang napakalma ito maging ang kaniyang puso.

Napakatahimik noong mga panahong iyon. Kahit ang kaniyang paghinga hindi halos mapakinggan sa sobrang tahimik nito.

1 minute, 2 minutes..... 30 minutes, 1 hour.....

"Huh?" Biglang binuksan ni Luo Feng ang kaniyang mga mata "Nasaan na ang enerhiyang sinasabi sa article na iyon? Bakit hindi ko maramdaman? Napakakalmado na ng puso at buong katawan ko. Siguro nga gaya ng sabi sa article, isang talentadong tao lamang ang kayang makaramdam ng enerhiya sa unang araw ng kaniyang pagsasanay pero ang isa ba talagang pangkaraniwang tao ay inaabot pa nang halos isa't kalahating taon para lang maramdaman ang enerhiyang ito?"

"Susubukan ko ulit" Isinara ni Luo Feng ang kaniyang mga mata at muling sinubukan ang Wi Xin Xiang Tian technique na sinasabi sa article na iyon.

Ang pagrerelax at ang katahimikan….

Ito ay ang dalawang ineemphasize ng article sa pagsasanay ng Wu Xin Xiang Tian technique.

"Hindi pa rin ito tama" Matapos ang kalahating oras, binuksan ni Luo Feng ang kaniyang mga mata.

Nagsimula niyang marealize na napakahirap maramdaman ng enerhiya sa unang bahagi ng genetic energy training na ito.

"Isa na lang. Bukas na lang ulit ako magsasanay kung hindi ko pa rin talaga maramdaman ang enerhiya na ito. Sana maramdaman ko na ito ngayon." Buong pusong pagasa ni Luo Feng sa kaniyang sarili. Muli niyang isinara ang mga mata niya at nagsimula uling pakalmahin ang kaniyang sarili para lamang maramdaman ang enerhiyang sinasabi sa article.

Mabagal na lumipas ang oras, 10 minutes…. 30 minutes…. 50 minutes…. 1 hour and 20 minutes…..

"Bakit hindi pa rin ito gumagana?"

At nang malapit na siya sa kaniyang meditative state, nagsumulang na ring bumagal ang takbo ng isip ni Luo Feng.

Dahan dahan…..

Mayroon pa rin na natitirang pagasa sa puso ni Luo Feng na mararamdaman niya ang enerhiyang ito sa unang araw ng kaniyang pagsasanay. Pero habang mabagal na tumatakbo ang oras ay hindi niya namamalayang nakatulog na pala siya! Ang isang normal na tao na walang iniisip na kung ano habang nakasarado ang kaniyang mga mata ay kaya lamang umabot ng isa at kalahating oras bago pa man ito makatulog nang tuluyan, Pero si Luo Feng ay inabot ng tatlong oras bago pa man ito makatulog.

Dahil dito, nakalimutan na ni Luo Feng na damdamin ang enerhiyang gagamitin ng kaniyang katawan sa pagpapalakas.

"Napakakomportable"

Habang siya ay unti unti nang nakakatulog ay nakaramdam siya nang mahinang enerhiya na dumaloy mula sa kaniyang mga talampakan, palad at sa major artery ng kaniyang ulo. Dahan dahan ang pagdaloy nito papasok sa kaniyang katawan.

"Ano ito?" Sabi ni Luo Feng na nasa gitna parin ng kaniyang pagtulog.

"Ito na ang enerhiyang iyon!!!" Mabilis na gumising si Luo Feng at binuksan ang kaniyang mga mata. Agad namang nawala ang enerhiyang dahan dahan na dumadaloy sa kaniyang katawan.

Hindi akalain ni Luo Feng na mararamdaman niya ang enerhiyang iyon bago pa man siya makatulog nang tuluyan.

"Naramdaman ko na! Naramdaman ko na sa wakas! Sigurado akong ito na ang enerhiyang hinahanap ko kanina pa" Napakasaya ni Luo Feng sa loob niya "sabi sa article, karamihan sa mga prospective fighter na pumapasa sa prospective fighter test ang agad na nagsisimula sa pagsasanay ng kanilang mga genetic energy. At kahit na hindi mo ito maramdaman, dahan dahan pa rin pala itong pumapasok sa iyong buong katawan."

Alam ni Luo Feng ang pakiramdam na iyon ay nangangahulugang nagsisimula nang umabsorb ng kaniyang katawan ng cosmic energy. Pero kung papansinin, ang bilis ng pagdaloy nang enerhiyang iyon papasok sa kaniyang katawan ay talagang napakabagal.

"Ito ba ang pakiramdam na sinasabi sa article?"

Isinara muli ni Luo Feng ang kaniyang mga mata at sinubukang papasukin muli ang enerhiya sa kaniyang katawan. Ifinocus niya ang kaniyang isip sa kaniyang mga talampakan, palad at sa artery sa kaniyang ulo. Sinubukan niya muling damdamin ang pagpasok ng enerhiya sa kaniyang buong katawan.

May mga oras na naramdaman niya na parang nasesense na ng katawan niya ang enerhiya, at may mga oras namang nararamdaman niya na hindi niya pa rin niya ito nasesense.

At dahan dahang naging malinaw ang kaniyang nararamdaman.

Ito na iyon!

Isang napakaliit na bagay na lumulutang na parang isang bula ang pumasok sa mga talampakan ni Luo Feng.

"Ito na ang enerhiyang iyon" sabi ni Luo Feng sa kaniyang sarili at nagimula nang magfocus sa kaniyang 'Wu Xin' at sa pagabsorb ng enerhiya ng kaniyang katawan. At kinalaunan ay pabilis nang pabilis ang pagpasok ng enerhiya sa kaniyang katawan hanggang bumilis ito nang isang daang beses kaysa sa unang pagdaloy nito sa kaniyang katawan.

Maihahalintulad sa pagpatak ng tubig mula sa crack ng isang tubo ang enerhiyang pumapasok sa katawan ni Luo Feng sa simula.

At hanggang sa lumaki ng lumaki ang butas nito. Mabilis na dumaloy ang enerhiya sa katawan ni Luo Feng na para bang isang maliit na ilog.

"Ahhhh" Nanginig ang kaniyang mga buto sa feeling na iyon. Mabilis namang kinuha nang mga uhaw na uhaw na mga cells niya ang walang hugis at walang kulay na mga enerhiya na pumasok sa limang bahagi ng kaniyang katawan.

Sa loob ng mga cell.

Matapos pumasok ng cosmic energy sa loob ng mga cell ay agad itong hinigop ng mitochondria na naglabas ng isang kakaibang enerhiya. Ang enerhiyang inilabas ng mitochondria ay agad na dumaloy sa loob ng cell na nagresulta sa mga hindi kapanipaniwalang pagbabago. Agad ding nagbago ang mga DNA blueprints habang nagsisimula namang magdivide ng mga cell sa dalawa.

Mabagal na lumipas ang oras….

Patuloy na nagbago ang katawan ni Luo Feng. Mula sa mga balat, papunta sa mga muscles hanggang sa mga buto. Maging ang mga layer ng bawat cell. Nagbago ang iba't ibang bahagi ng kaniyang katawan. Ang pagbabagong ito ay tinatawag na evolution na nageenhance sa mga genes!

"Ayon sa training guide, ang mga tao mula pagkasilang ay walang kakayahan na makaabsorb ng mga enerhiya. Dahil dito ay dumadating ang mga cell sa punto na tinatawag na state of starvation. Kaya mapapansin na sa unang beses ng pagsasanay, mas marami ang kayang iabsorb na enerhiya ng iyong katawan kaysa sa mga sumusunod pang mga pagsasanay. Dito rin magsisimulang lumakas ng husto ng iyong katawan!" Nararamdaman ni Luo Feng ang unti unting pagbabago sa kaniyang pangangatawan.

Walang katapusan ang enerhiyang bumabalot sa buong daigdig at sa buong universe. Kaya hindi kapansin pansin ang dami ng enerhiyang pumasok sa katawan ni Luo Feng ngayon ngayon lang.

Pero kung si Luo Feng ang tatanungin, ito na ata ang pinakamalayong inilakas ng katawan niya sa buong buhay niya.

Tumigas ang kaniyang mga buto, dumami at lumiit naman ang kaniyang mga cells at nagsimula namang palakasin ng kaniyang mga muscle fibers ang kanilang mga sarili, at patuloy na bumigat nang bumigat ang timbang ni Luo Feng.

Napakakakaiba talaga ng buhay!

Sa loob ng kaniyang utak.

Nagpatuloy ang pagdaloy ng mga energy sa parte kung saan walang malay si Luo Feng. Simula sa kaniyang pagkapanganak hanggang ngayon, ang tatlong shock ang tumama sa kaniyang utak na lagay sa kaniya sa coma. At ngayong gabi, napakalaking bilang ng mga enerhiya ang dumadaloy papunta rito.

Pero ang pagbabagong ito ay naiiba kaysa sa tatlong beses na nacoma siya. Mas malakas ito kung ikukumpara sa mga iyon at hindi ito napansin ni Luo Feng habang nasa gitna siya ng kaniyang pagsasanay.

������������

[DING~~DONG~~]

5 or 6am pagsikat ng araw ay nagsimulang tumunog ang mga bell sa loob ng kulungan. Ang bawat preso ay nagsimula nang magsigising. Nakangiti namang bumukas ng mga mata ni Luo Feng na nakaindian seat sa kaniyang kama "Ito na ang pinakamaraming energy na naabsorb ko sa loob ng isang subok laman! Nagsanay ako ng dalawang oras hanggang sa mapuno ang katawan ako"

Nararamdaman niya na higit na mas malakas na siya kaysa noong nakaraan.

"Mas malaki ang inilakas ng katawan ko kaysa noong nacoma ako habang nagtetake ng high school exams noon" sabi ni Luo Feng sa kaniyang sarili "Nasa 1500kg na siguro o mas mataas pa ang fist strength ko ngayon." Ang mga test lamang ang makapagsasabi kung gaano nga ba talaga kalaki ang inilakas ko.

"Almusal ba, almusal na" Napakakaunti lamang ng mga bilanggo ang lumabas sa kanikanilang mga selda para kumain.

Tumalon si Luo Feng paalis sa kaniyang higaan, nagtoothbrush at naghilamos bago lumabas para magalmusal.

Sa mga panahong ito---

Tatlong nakauniporme ng bilanggo ang naglakad sa hallway papunta sa selda ni Luo Feng. Isa sa kanila ang sumigaw ng "Kalbong Huang! Narinig ko na may malakas na bata raw ang kasama mo ngayon sa selda, binugbog daw nito yung apat na mga elite members nang mag isa"

"Napakalakas ng batang iyon kapatid na Liu" Sabi ng kalbong matipuno sa loob ng selda ni Luo Feng habang tumatango sa tatlong preso.

"Talaga"

Nagtinginan ang tatlong preso. Matapos nito ay bumulong ang isa sa dalawa "Hindi tayo nagkamali ng pinuntahan. Ang cell number, edad at lakas ay parehong pareho sa sinasabi ng kapatid na Zhou.

avataravatar
Next chapter