19 Ang Awakening

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ang payat na teenager na iyon ay ang 'Cobra' na kinikilala sa buong Zhi-An region. Nakikilala ito sa kaniyang technique na tinatawag na one handed throwing knife technique. Noong nagsimula nang dumugin ng mga bilanggo si Luo Feng, humanap ng magandang pagkakataon ang cobra para sa kaniyang pag atake. At sinimulan na niya ang pagatake noong makita niya na hindi na kinakaya ng iba pang mga bilanggo si Luo Feng!

Katakot-takot niyang binato ang patalim sa kaniyang kamay. Naharangan ito ng isang bilanggo kung kaya ay hindi agad ito napansin ni Luo Feng.

Note mula sa TL: Ang literal na ibig sabihin ng cobra sa Chinese ay "Glasses snake".

[PSSSSSHHHH!] Lumusot ang maliit na kutsilyo sa pagitan ng mga binti ng bilanggong ibinato ni Luo Feng. Dalawang metro na lamang ang layo nito noong makita ito ni Luo Feng na papalapit sa kaniya!

"Hindi ito maganda!"

"Hindi ko kayang iwasan to!" Kahit na sobrang bilis ng reaction speed ni Luo Feng ay hindi niya pa rin ito magawang ilagan dahil sobrang lapit na nito sa kaniya.

Nakita niya na ang kutsilyo ay hindi papunta sa anumang mga vital organs niya, papunta ito sa kaniyang kanang braso.

"HINDI PUWEDE!" sabi ni Luo Feng habang nakatingin sa maliit na kutsilyo. Napakaimportante ng braso niya para sa kaniya. Gumagamit si Luo Feng ng mga blades at siya rin ay right handed. Kaya kung tatama man ito sa kaniyang buto at mabali ito, alam niya na hindi niya magagamit ang kaniyang mga techniques laban sa mga halimaw sa loob ng ilang buwan.

Sa madaling salita, hindi siya matetake ang kaniyang Fighter Combat Exam sa August 1 kung matatamaan ang kaniyang braso at mababali ang kaniyang buto. At kung mangyayari man ito sa kasamaang palad ay kinakailangan niya munang magpagaling at maghintay hanggang February para sa kaniyang Combat Fighter Exam.

"HINDI PUWEDE! Umalis kayo sa dinadaanan ko!!!"

Sa bilis ng kutsilyo at sa layo nitong dalawang metro kay Luo Feng, ang natatanging bagay na lamang na tumakbo sa isipan ni Luo Feng ay makaiwas dito hanggat maaari. Sa mga sandaling ito ay biglang naging tense ang kaniyang espirito at ang kaniyang mga muscle ay napush hanggang sa limits ng mga ito. Isang bagay lang ang nasa isipan ni Luo Feng habang tinititigan nito ang maliit na kutsilyo na mabilis na lumalapit sa kaniya---

Kailangan kong iwasan ang kutsilyong ito! Hindi ito puwedeng tumama sa aking braso kahit na anong mangyari!

[PU!]

Nang sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nagbago ang direksiyon ng kutsilyong malapit nang tumama kay Luo Feng. Dumaplis lamang ito sa kaniyang balat imbes na tumama ito sa kaniyang kanang braso. Matapos nito ay mabilis na kumalat ang dugo sa bahagi ng uniporme ni Luo Feng kung saan tumama ang kutsilyo.

"Lumuhod kayong lahat! Lumuhod kayo!"

"Bilisan niyo na! Luhod!"

Sa mga sandaling ito ay napuno ng mga guwardiyang armado ng assault rifle ang loob ng lobby. Ang mga bilanggo na hindi makontrol ng sinuman kani kanina lang ay nagsiluhod na parang maaamong tupa. Kahit na ang napakapayat na cobra ay lumuhod din. Gulat na gulat siyang tumingin sa mukha ni Luo Feng. "Paanong nangyari ito? Paano ako dumaplis?"

Lumuhod na rin si Luo Feng noong makita niya ang paparating na mga pulis.

"Paanong nagbago yung direksiyon ng kutsilyo kani kanina lang?" Takang taka si Luo Feng sa nakita niya. Pagkatapos nito ay bigla siyang nakaramdam ng napakatinding pananakit ng ulo. Nararamdaman niya na para bang hinahampas ang ulo niya ng matatalim na spike na tumatagos hanggang sa kaniyang utak. Nagresulta ito sa pamumulikat ng kaniyang buong katawan at pagbagsak niya sa sahig.

"Anong nangyari?"

"Mga kasama! Tingnan ninyo itong nakikita ko!"

Natigilan ang mga pulis na nasa lobby nang makita nila ang pulang pula at naliligo sa kaniyang pawis na si Luo Feng. Bukod pa riyan ang pagpawis niya ng dugo na nakapagpapula ng buong uniporme niya. Naglabasan ang kaniyang mga ugat na para bang isang asul na ahas na nakapulupot kay Luo Feng na nagpakilabot sa kaniyang itsura.

"Hindi ito maganda, wala na siyang malay!"

"Dalhin niyo na siya sa medical room bilis!"

Kahit na wala na itong malay, pulang pula pa rin ang buong katawan nito.

Sa loob ng isipan ni Luo Feng.

Isang napakalakas at napakamisteryosong kapangyarihan ang mabilis na dumaloy sa isipan ni Luo Feng. Pagkatapos ay pumasok ito sa iba't ibang bahagi ng kaniyang katawan. Dahil sa hindi maipaliwanag na kapangyarihang ito ay mabilis na nagiba ang kaniyang pangangatawan, mula sa buto, organ, dugo, muscles at balat. Maging ang kaniyang mga cell ay nagiba rin nang husto. Ang pagbabagong ito sa kaniyang katawan ay mas mabilis ng daan daan hanggang libo libong beses kaysa noong nagsasanay siya ng kaniyang genetic energy. Nararamdaman niya na parang mapupunit ang kaniyang katawan sa sobrang bilis.

Pero ang loob ng kaniyang katawan ay nanatiling maayos kahit na maraming dugo ang nawala sa katawan niya habang namumulikat ang kaniyang mga muscles.

"Bilisan niyo! Ingatan niyo ang pagbuhat diyan!" Sinimulan na ng mga pulis na buhatin si Luo Feng papunta sa medical room.

Mabilis na ring nalinis kalat na nilikha ng gangwar sa loob ng cafeteria.

������������

Alas otso ng gabi.

Sa loob ng nakakatakot na three story jail ay may isang pelikulang ipinapalabas sa isang 200 inch na screen sa loob ng lobby sa unang palapag.

"Itigil niyo ang palabas"

Sabi ng isang matandang lalaking nakasuot ng pajamas habang siya ay nakaupo sa sofa. Agad namang ipinause ang pelikulang pinapalabas. Sa panahong ito maririnig ang malakas na katok sa pinto galing sa labas.

"Pumasok ka" Pagbukas ng pinto, may isang lalaki na nakamilitary uniform ang pumasok at bumati "Sir, nagimbestiga na po kami tungkol sa naganap na malaking gang fight sa loob ng kulungan nitong nakaraan. Napagalaman naming na inorganisa ito ni Zhou Hua Yan para sa batang nagngangalang si Luo Feng. Pero ang kinalabasan ay marami sa kanila ang nasugatan nang tangkain nilang saktan si Luo Feng ang ilan pa sa kanila ay nagtamo ng kritikal na mga pilay at sugat."

"Yun bang Zhou Hua Yang na batang iyon? Ginagamit niya lang ang impluwensiya ng pamilya Zhou, talagang sakit sa ulo iyang batang iyan" sabi ng lalaking nakasuot ng pajama.

"Kahit na inorganisa ito ni Zhou Hua yan, nakikita naming na si Zhang Hao Bai talaga ang tunay na nasa likod ng pangyayaring ito" magalang na sinabi ng military officer sa lalaking naka pajama "Nakita po naming ang files ni Luo Feng at ang rason kung bakit siya ngayon nakakulong dito ay may kinalaman kay Zhang Hao Bai. Kaya malaki po ang posibilidad na humingi ito ng tulong kay Zhou Hua Yang para makaganti kay Luo Feng"

Mayroong anim na major cities ang China sa kasalukuyan.

At dahil nagsama sama ang sangkatauhan dahil sa virus hindi gaya noong panahon bago ng Nirvana, lalong tumaas ang Kontrol ng China sa mga mamamayan nito.

"Pero sir, base sa imbestigasyon naming sa pinangyarihan ng gang fight, masasabi po naming na mayroon nang pangangatawan ng isang Fighter si Luo Feng dahil sa mga marka na nakita naming sa mga upuan at mga lamesa sa cafeteria" buong tiwala at pagkukumbinsing sinabi ng military officer. Ang lahat ng mga upuan at mga lamesa sa cafeteria ay gawa sa metal.

Nagawa ni Luo Feng na mayupi ang mga lamesa gamit ang kaniyang mga kamao. Pati na rin ang paghati sa mga upuan na gawa sa pamamagitan ng isang chop lamang.

Gaano ito kakilakilabot!

"Sa level na pumapantay sa isang fighter?" sabi ng matandang lalaki at biga itong tumayo at nakasimangot na sinabi sa military officer na "Sigurado ka ba diyan?"

"Siguradong sigurado po ako rito sir!" sagot ng military officer "Tumawag po ako sa thunder dojo para kumpirmahin ito. Sinabi nila na kumuha at nakapasa sa prospective fighter exam si Luo Feng bago pa man ito makulong! Hindi pa nauupdate ang kaniyang profile pero nakasisiguro ako na magbabago ang status sa kaniyang profile sa loob lang ng ilang araw"

"Isang prospective fighter? Bakit siya nakulong kung gayon kung isa siyang prospective fighter?" nakasimangot na tanong ng matandang lalaki "Magkakaroon tayo ng malaking problema pag uminit pa lalo ang pangyayaring ito"

Sineseryoso ng husto ng kahit na sinong fighter ang kanilang mga karapatan.

Hindi matutuwa ang lahat ng fighter kapag nalaman nila na isang fighter ang natalo dahil sa sistema ng pulisya. Magreresulta ito ng malaking gulo dahil walang jurisdiction at karapatan ang pulisya na magpakulong ng isang fighter.

"Nasaan na ang Luo Feng na ito?" tanong ng matandang lalaki.

"Nagkaroon po siya ng hindi maipaliwanag na sakit sa ulo mula noong siya ay bata pa. Nangyari ito noong kumukuha siya ng kaniyang high school exams at nangyaring umatake nanaman ngayon ang sakit niyang iyon. Pero nasa maayos na kalagayan na po siya ngayon. Nasa coma state pa rin po siya sa medical room" sagot ng military officer.

Nagisip sandali ang matandang lalaki at nagutos: "Dalian mo at ilipat niyo agad si Luo Feng sa military personnel recuperation room para makapagpahinga! At kapag nagising na siya ay dalhin mo siya sa akin para makahingi ako sa kaniya ng tawad. At bukas, tatawag ako sa dojo of limits kung saan siya nakatira at magpapaliwanag sa mga pangyayaring ito. Kailangan nating kontrolin ang sitwasyong ito hanggat maaari! Pagkatapos nito ay maaari na natin siyang pauwiin.

"Yes sir!" at umalis ang military officer para sundin ang utos sa kaniya ng matandang lalaki.

������������

Malalim na ang gabi.

Gumalaw ng kaunti ang mga mata ni Luo Feng bago ito bumukas habang nakaupo siya sa isang madilim na kuwarto.

"Anong lugar ito?" Agad na tumingin si Luo Feng sa paligid at inalam ang mga nasa paligid niya. Makikita ang napakalinaw na tanawin ng bakuran at ang malakas ng volume ng TV ng kapitbahay. Naririnig na rin niya ang usapan ng mga taong naglalakad sa labas.

"Hindi sila maingay, gumanda lang lalo ang pandinig ko."

Tumayo si Luo Feng mula sa kaniyang kinahihigaan. At habang naglalakadlakad siya sa kuwarto ay napansin niya rin nang husto ang kaniyang kanyang pangamoy pati ang linaw ng kaniyang mga mata.

Napunta ang paningin ni Luo Feng sa isang stool* sa tabi niya. At sa ilang sandali lang ay nakaramdam siya ng isang enerhiya na nagbigay sa kaniya ng kontrol sa stool na tinitingnan niya. Hindi niya masense kung anong klase ng enerhiya iyon pero malinaw niya itong nararamdaman: Alam niya na nangagaling ito sa kaniyang isipan.

Note mula sa TL: Ang stool ay isang uri ng upuan na walang armrest o sandalan. Ito ay pangkaraniwang ginagamit sa mga laboratory.

"Anong meron sa kapangyarihang ito? Paano ko nakuha ito?" Nararamdaman ni Luo Feng na bumilis ang tibok ng kaniyang puso habang nararamdaman niya ang isang hindi pangkaraniwang kapangyarihan na para bang isang kamay na walang hugis.

[HU!]

Sa mga oras na ito ay nakita niyang nagsimula nang lumutang ng stool na tinitingnan niya.

At sa loob lamang ng isang utos ng kaniyang isip ay nagsimula na ring lumutang ng kama sa tabi niya. Matapos nito ay tumingin siya sa telebisyon sa harap niya. Gaya ng stool at ng kama ay nagsimula na rin itong lumutang noong tingnan niya. Matapos nito ay sumunod na rin niyang tiningnan at pinalutang ang tatlong upuan, isang tea making machine at isang cabinet sa kaniyang gilid.

Sa isang sandali lang---

Ang lahat ng bagay sa loob ng kuwartong iyon ay lumulutang na. Na para bang nasa space ang mga ito.

"Kaya kong palutangin ang lahat ng ito ng hindi manlang napapagod?" Dahan dahang naglakad si Luo Feng papunta sa balkonahe. Noong makarating siya ay tiningnan niya ang bakuran doon at sa isang sandali lang ay.

[KA!]

Nagsimulang umikot at mabaklas ang isang bahagi ng bakurang tinitingnan niya. Ang isang bahagi ng column ay nagsimulang umikot ng mabilis sa ere hanggang sa ito ay naging isang matulis na karayom. Nagawa niya ito habang lumulutang ang bagay na kaniyang tinitingnan gamit ang kaniyang bagong kapangyarihan.

"Go!" Isip ni Luo Feng

Mabilis na gumalaw ang column papunta sa isang artipisyal na bundok sa isang maliit na region. At sa bilis nito ay tumagos ito sa magkabilang dulo ng isang malaking bato sa pekeng bundok. Matapos nito ay umikot ang column at dumaan muli sa butas na pinagtagusan nito pabalik kay Luo Feng.

[WHOOSH! WHOOSH! WHOOSH!]

Ang napakatalim na karayom na gawa sa bakal mula sa bakuran ay parang hindi mabilang na mga multo habang paulit ulit itong mabilis na tumatagos sa pekeng bundok. Matapos nito ay nagkabutas butas ang pekeng bundok na para bang tinadtad ng armor piercing bullets. Maihahalintulad na ang bundok na iyon sa isang pangsala sa pagkain sa puntong ito.

[BOOM!] Nang biglang may marinig na pagsabog sa kinaroroonan ng artipisyal na bundok.

Ang artipisyal na bundok na may tatlong metro ang taas ay sumabog at nagkadurogdurog. Maging ang karayom na kinokontrol ni Luo Feng ay sumabog at napulbos.

"Sinong nandiyan?"

[WU WU ~~ WU WU~~~] Agad na nagingay ang mga alarm sa buong recuperation area. At ang lahat ng ilaw nito ay bumukas habang mabilis na naglabasan ang mga guwardiyang armado ng mga assault rifle.

Mabilis na tumakbo si Luo Feng pabalik sa kaniyang kuwarto. Punong puno pa rin siya ng pagkagulat at pagkamangha sa kaniyang natuklasan "ang bato na iyon na may kapal na dalawang metro ay nabutas ng ginawa kong karayon sa loob lang ng isang sandali! Ang lakas ng karayom ko ay parang PiMei sniper rifle na bumubutas sa armor. Hindi gaanong ganoon katibay ang karayom na ginawa ko kaya unti unti itong napulbos habang binubutas siya ang artipisyal na bundok na iyon kanina."

"Nagawa ko iyong butasin ng higit 100 time sa isang sandali lang. Hindi ba maihahalintulad iyon sa pagbaril mo sa 100 armor piercing bullets?" huminga ng malalim si Luo Feng "Ano, ano ang nangyayaring ito?"

Ang katakot takot at hindi maipaliwanag na kapangyarihan na iyon ay nagpakita na dito sa isang pangkaraniwang military recuperation area!

avataravatar
Next chapter