webnovel

My FakeBoyfriend

The characters and events portrayed in this story are fictitious. Any similarity to real persons, living or dead, is coincidental and not intended by the Author.

Yashnien_Baculina · Adolescente
Classificações insuficientes
30 Chs

9 Chapter Nine

"Tahan na mikmik." Sabe ni Aliah kay Mikmik

Umiiyak kasi si Mikmik dahil niloko lang daw siya nung lalaki. Ginawa daw siyang girlfriend pinag pustahan lang daw pala siya.

"Di mo siya deserved mik. Marami pa dyan wag ka mag alala. May lalaking magmamahal din sayo ng totoo." Sagot ko.

Etong batang to naunahan pa ko mag boyfriend ehh. May boyfriend ako pero fake lang naman hehe.

"Wow naman prenny lakas maka advice ahh parang nagka love life ka na ahh hahahaha" sabat ni Aliah

napatingin naman si mikmik sakin

"May boyfriend naman siya ate di ba? si walo hahahaha"

"Hala mik? magic tumatawa ka na, kanina lang umiiyak ka ah" sagot ko

Pinagtutulungan ako nang dalawang to eh.

"Ano prenny? ready ka na ba mamaya para sa school at isa ka nang girlfriend ng isang campus hearthrob" tanong ni Aliah

ready na nga ba ko?

"Pwede naman sigurong di pumasok di ba?" tanong ko hehez

"Ano ka ba prenny? baka bumagsak ka niyan pag absent ka." sagot ni Aliah

"Isa lang naman prenny makatakas man lang sa kagaguhan ni otso" sagot ko.

"Hay naku prenny, bahala ka. Maliligo na ko may quiz pa kami mamaya" sagot ni Aliah

Nag nod na lang ako at tumingin kay mik mik na nakatulala

"Hoy! ikaw mik? papasok ka?" tanong ko

Napatingin naman siya sakin.

"Hindi na muna ate, tinatamad ako. Baka makita ko pa yung lalaking yun" sagot niya at tumayo saka tumaas.

"So ganun? Ako lang mag isa dito?" sabe ko na lang sa sarili ko.

FLASHBACK

"Hurry up! Slowpoke!"

"Oo na bababa na nga eh!" sigaw ko kay Eight at bumaba nasa kotse niya.

Galing kasi kami sa lolo niya at pinakilala niya nga ko di ba? baka nakalimutan niyo ehh.

Agad naman akong nag doorbell sa bahay nila prenny.

Binuksan naman nila agad ang pinto.

"Hays prenny nakakapagod" bungad ko sa kanya at dirediretsong pumasok at umupo sa sofa.

Hinubad ko pa ang heels na suot ko dahil sobrang sakit na ng paa ko.

Napatingin naman ako kay prenny na nakatulala sakin.

"Oh bakit tulala ka dyan prenny?" tanong ko sa kanya

"Prenny anong nangyare sayo?" tanong niya sakin

"Bakit? may nangyare ba sakin?" kunot noo kung tanong sa kanya.

"MIKMIK!!!" sigaw niya

Agad naman bumaba si Mikmik

"Bakit ate?" tanong niya at napatingin sakin.

"Hala?!" dagdag ni mikmik at tinakpan ang bibig.

Lumapit silang dalawa sakin at sinundot ang muka ko.

Ngayon ko lang napagtantong pinaayos nga pala ko ni Otso.

"Prenny ang ganda mo." sagot ni Aliah

"Ate ang laki ng pinag bago mo ang galing" Sagot ni Mik mik habang kumikislap pa ang mga mata

Natawa naman ako sa kanila kaya kwinento ko ang mga nangyare.

END OF FLASHBACK

tatayo na dapat akong nang may marinig akong door bell kaya pumunta na lang ako sa pinto at binuksan ito.

"Anong balak mo babae!?"

"Ay puta palaka!" sigaw ko sa gulat

"What?!" sigaw niya sakin

lumapit siya sakin, napaurong naman ako pumasok siya sa loob at umupo

"Wala ka bang balak pumasok!?"

"Bat ba sigaw ka ng sigaw?" tanong ko dito kay eight

"Mag asikaso ka na! I hate waiting!"

"Di ako papasok ngayon!" sagot ko

"What? Nakalimutan mo ba? ipapakilala kita ngayon sa buong campus!" sagot niya habang nakakunot ang noo

"Oo alam ko pero kasi—-

"Nag dadahilan lang yan si prenny, wag ka maniwala dyan" biglang sulpot ni Aliah.

Sinamaan ko naman siya nang tingin at natawa lang siya.

Napatingin naman ako kay eight at ayun sobrang sama na ng tingin niya sakin.

"Eto na nga ehh, gagalaw na!" sagot ko sabay talikod sa kanila

Nakita ko pang natatawa si Aliah, kainis talaga si prenny nanlalaglag.

Agad naman akong natapos sa pag asikaso.

Bumaba naman agad ako at ayun si mikmik kausap si eight ayos ahh.

"Tara na!"

nakatitig lang silang dalawa sakin

"O bat nakatitig lang kayo dyan? Hoy Eight tara na!"

nakatitig pa rin sila

"Ate yung uniform mo kasi—

"Oh anong problema?" tanong ko at nagtataka kung anong meron sa uniform ko.

"Ang haba kasi ng palda mo ate, muka kang madre hehe." Sagot ni Mik mik at hinila ako pataas uli.

Kumuha siya ng gunting at talaga namang ginupit niya ang palda ko at tinahi, inayos niya pa ang necktie ko.

Agad naman kaming bumaba.

"Ayan Kuya Eight ok na" sabe ni mikmik at tinulak ako kay eight

Lumabas naman kami ni Eight ng bahay at pinasakay niya ko sa kotse niya.

"Act normal ok?!"

nag nod na lang ako

Kinakabahan talaga ko sa mga mangyayare, habang papalapit kami sa school mas lalong kumakabog ang dibdib ko.

"Maging sweet ka sakin, gusto ko makita ni lolo na sobrang mahal natin ang isa't isa."

napatingin ako sa kanya, nakatingin lang siya sa daan.

Di ko namalayang nasa School na pala kami.

Pinark niya lang ang kotse niya at lumabas na kami.

Pinupukpok talaga ang puso ko habang papalapit kami sa gate.

"Boss!"

Napatingin kami sa sumigaw, ang BIG8.

"Boss sino yang chicks na kasama mo? wow magaling ka pumili Boss ah" sabe ni singkit na moreno.

"Kala ko ba boss si Miss Rebecca ang gusto mo? HAHAHA!" sabe ni Derrick

Nagtawananan naman sila.

Tumingin naman ako kay otso at sobrang sama na nang tingin niya sa mga kaibigan niya.

Lumapit naman sakin si Bronze at tinitigan ako.

"Eh si Rebecca to eh" sagot niya sabay alis sa harapan ko.

Nagulat naman sila at nag si takbuhan sa harap ko.

"WOW naman ang ganda mo!!"

"Di kita nakilala"

Nahiwalay naman ako sa pagkakahawak ni Otso sakin dahil pinaghihila nila ko.

"TANGENA NIYO!! UMALIS KAYO KAY BEKA!!"

Nagulat kami sa sigaw ni Otso.

Beka? san niya nakuha yun?

"Hala gago umalis na kayo kay rebecca nag tagalog na si Boss!" sagot ni Uno

Nag sialisan naman sila sa harap ko at hinawakan ni otso ang kamay ko.

"Wow grabe tuloy na tuloy pala talaga yan Boss, wag ka mag alala boss di namin ipagsasabe yan" sagot ni Bronze at kumindat pa.

Eto ang makakasama ko sa loob ng isang buwan. Mapapalibutan talaga ko ng mga gwapo araw araw hahahaha.

"Good" sagot lang ni Otso

Hinila niya na ko papunta sa gate sumunod naman ang BIG8.

Binuksan naman ng mga guard ang malaking gate.

Wow talaga malaking gate ang binubuksan para sa mga to.

Narinig kong nagtitilian na ang mga babae sa likod ng malaking gate na tinatayuan namin, mas lalong kumabog ang dibdib ko sa sobrang kaba.

ALIAH P.O.V

(Author : Wow may P.O.V na siya hahahaha)

"Buti naman author, naghihintay ako eh"

(Author : Sige na sulitin mo na hahahaha)

Andito ako ngayon sa bench hinihintay ko ang pag pasok ng BIG8 yiiiee makikita ko kasi si prenny, titignan ko rin kung pano manlumo ang mga babae dito hahahaha.

Nakita kong binubuksan na ng mga guard ang gate at ayun napuno na naman ng mga babae ang buong gilid ng gate.

Syempre nakigulo na rin ako para makita ko ang prenny ko yiiehh at syempre hindi lang yun makikita ko pa ang bebelabs ko hahahaha.

"OMYGHADDD!!!!! OTSO ILOVEYOUUUU!!!"

"BRONZE ANG GWAPOOOO MO!!!"

Talaga namang gwapo si Bronze bebelabs nu hahahaha.

Sigaw at tilian ang mga naririnig ko. Iba't ibang pangalan ang binabanggit nila.

Tuluyan ng nabuksan ang gate.

Nasa unahan si Otso at magkaholding hands sila ni prenny. Super sweet perfect couple. Kung hindi ko lang alam na fake lang ang ginagawa nila maniniwala talaga kong mahal nila ang isa't isa.

"Omg di ba siya si Rebecca?"

"Siya yung babaeng nanigaw kay Otso sa cafeteria.

"Nag bago pa yung itsura niya, di ko maitatanggi ang ganda niya ahh."

"Hays wala na kala ko ako magiging girlfriend ni Otso"

"Ano ka ba sis? Hindi pa sila kasal may pag asa pa tayo."

"Tama tama"

Nawili ako sa pakikinig sa mga babae dito nakalagpas na pala sila prenny.

Wahhh di ko tuloy nakita si Bronze bebelabs kakainis naman!

BEKANG P.O.V

Nakapunta na kami ng room ko. Etong si Otso namimilit talagang ihatid ako.

Ramdam ko pa rin ang mga tingin ng mga istudyante samin.

Hiyang hiya na ko sa ginagawa ni Otso.

"Babe sunduin uli kita dito mamaya ah." sabe niya sakin

"Ha?"

Anong Babe babe pinag sasabe neto?

Lumapit siya sa tenga ko

"Subukan mong tumakas, humanda ka talaga sakin" bulong niya sakin.

"Oo" sagot ko agad

"Iloveyou Babe, alam ko naman sched mo ehh nakuha ko na kay lolo kaya alam ko kung san kita pupuntahan" Sagot niya ng malakas para marinig ng ibang istudyante

"Ah si..si.ge Ba..Babe" sagot ko

Hinalikan niya ang noo ko at niyakap ako at umalis.

Parang pinupukpok ang puso ko. Kabang kaba na nga talaga ko.

Agad naman akong pumasok sa room.

"Hi Rebecca" bati sakin ng isang kong classmate

nginitian ko lang siya.

"Rebecca dito ka umupo sa tabi ko" sabe ng classmate kong si Kim na sobrang maldita sakin dati.

Umupo na lang ako sa tabi niya baka kung ano pa ang masabe niya eh

"Uhm Rebecca gusto mo bang sabay tayo mag break time mamaya?" tanong niya sakin

napatingin naman ako sa kanya

"Kasi di ba? friends naman na tayo?" dagdag niya

"Ah oo" sagot ko na lang

"Saka kwento ka naman pano naging kayo ni Eight?" tanong niya uli

"Ah ehh mahabang kwento" sagot ko

"Nakakasama mo ba yung BIG14?" tanong niya uli

"Ahm siguro mamaya" sagot ko

"Ahm sasama ako ahh friends naman tayo. Pwede mo naman ako ipakilala di ba?"

"Ahh sge oo" sagot ko

nagsilapitan naman ang ibang kong classmate sa akin.

"Rebecca kwento ka naman"

"Rebecca ang sweet ni Eight sayo, nakakainggit ka"

"Rebecca di ba mag kaaway pa kayo dati?"

"Siguro nainlove na lang sa kanya si Eight kasi siya lang yung nanigaw kay Eight.

"Class quiet! Mag klase na tayo!"

Wohhh! Thankyouu Ms. Di ko na alam kung sino sasagutin ko sa kanila.

"Rebecca mamaya kwentuhan mo kami ahhh"

————-

ngiiii >.<

Yashnien_Baculinacreators' thoughts