webnovel

My FakeBoyfriend

The characters and events portrayed in this story are fictitious. Any similarity to real persons, living or dead, is coincidental and not intended by the Author.

Yashnien_Baculina · Teen
Not enough ratings
30 Chs

8 Chapter Eight

Agad naman akong pumunta sa pinto at sumilip, nakita ko ang isang red lamborghini gallardo na nakaparada sa labas. Nakasandal siya sa sasakyan na yun. Nasa pocket ang isang kamay.

At yun nga si Eight. Isang kakaibang Eight. Hindi siya mukang gangster ngayon na laging naka leather jacket at nakamotor bike. Muka siyang super model ngayon. Muka siyang nagrabadabango. Ang Fresh ang linis.

Nakasuot siya ng simpleng white polo na nakabukas ang dalawang butones. Bumabakat yun sa katawan niya lalo na sa braso niya. Tinernuhan niya ng isang black jeans. Akalain mo yun may ganto pala tong lokong to.

"Hoy babae! Bilisan mo kaya? I hate waiting!"

Nawala ang ngiti ko. Ang galing talaga ng gagong to manira ng moment.

Agad naman akong lumapit sa kanya.

Binuksan niya ang harap ng kotse niya.

Tumingin muna ako kila Aliah.

"Alis muna ko pren" sabe ko sa kanya tumango naman agad siya.

Pumasok agad ako sa kotse ni Eight.

"San tayo pupunta ngayon?" Tanong ko sa kanya

"Sa mall"

----------------

"Pagandahin niyo siya o kahit ano basta maging maayos lang siya." Sabe ni Eight sa mga babae at bakla dito

"Hoy sinasabe mo bang hindi ako maayos!!" Sigaw ko sa kanya

Pero di niya ko pinansin gago talaga.

Hinila na ko ng mga babae.

Galit na galit ata tong mga to sakin. Yung buhok ko daw kasi grabe. Kung ano ano pa pinag gagagawa sakin. Pati kuko ko nilinis din.

------

Natapos din ang kademonyohang ginawa sakin.

Tinapat nila ko sa salamin.

"Wow ang ganda niyo mam. Bagay na bagay sa inyo ang wavy hair."

Nagulat naman ako sa naging itsura ko.

Ako ba to? Bakit ganun? Nag iba.

"Tapos na po ba siya?"

Lumingon ako sa nag salita. Isang magandang babae.

"Opo Mam Hope tapos na po."

Lumapit sakin ang tinawag nilang hope at hinila niya na ko palabas.

Nagtataka naman ako kung bakit niya ko hinila.

"Ms, sorry mali ka ata nang hinila" sabe ko sa kanya

"Ayy sorry rebecca. Ako nga pala si Hope Buenaventura, cousin ko si Otso. Sorry nabigla ata kita. Ang sabe niya kasi sakin pilian daw kita ng mga damit na babagay sayo and sa contact lens mo na rin."

Sagot niya sakin. "Ikaw pala ang girlfriend niya. You're so cute." Dagdag niya at hinila na ko.

First time may nag sabe sakin na cute ako. Ang sarap pala sa pakiramdam. Lagi na lang kasi panget o kaya halimaw ang tawag sakin.

Napunta kami sa isang boutique at pinilian niya kong nang damit. Todo tanggi naman ako kasi maya pagbayarin ako ng mga yan. Wala kong pang bayad.

"Bagay sayo to rebecca. Siguro pag sinuot mo to mas lalong maiinlove sayo si cous." Sabe niya habang ngiting ngiti.

Kung alam mo lang na fake tong relasyon namin hindi ganyan ang sasabihin mo.

Hinayaan ko na lang siyang pumili dahil ayaw niya papigil.

"Alam mo bagay na bagay kayo ni cous at sa tingin ko mabait ka kaya nagustuhan ka niya." Sabe niya habang naghahanap pa ng mga damit

"Ahh oo yun nga ata." Sagot ko, ewan ko bat yun ang nasagot ko

Humarap naman siya bigla sakin. "Ehh ikaw rebecca ano ang nagustuhan mo kay cous?"

Napatigil ako sa tanong niya.

Ano ang isasagot ko dito? Ehh hindi ko pa naman lubos na kilala si Eight.

Sasabihin ko bang sobrang sama ng ugali niya?

"Hey, are you with me?"

Bumalik ako sa realidad ng mag salita uli siya.

"Ahh oo bukod sa gwapo siya, mabait din siya, malambing, gentleman, at sobrang.....sweet" sagot ko. Di ko na alam kung san nang galing ang mga sinabe ko. Para kong nasusuka na ewan.

Natawa naman siya sa mga sagot ko.

"Bakit?" Tanong ko.

"Wala lang napansin ko lang na iba pala ang trato sayo ni cous. Sobrang bait niya pala sa girlfriend niya." Sagot niya at tumingin sakin. "Dapat kayo na magkatuluyan ahh?" Dagdag niya

"Ha? Ahhh oo." Sagot ko na lang.

Natapos rin kami sa pag pili niya at oo sobrang dami ng binili niya. Masusuot ko ba lahat to? Ganto ba talaga ang mayayaman kahit ano na lang ang binibili?

Nag punta kami sa bilihan ng contact lens daw.

"Ehh kasi ok pa naman tong salamin ko ehh." Sabe ko.

Kinuha niya naman ang salamin ko.

"Anong ok dito? Tignan mo nga? May goma ka pa!" Sabe ni Hope at hinila ako.

Pinilian niya ko ng hindi na lalayo sa kulay ng mga mata ko. Tinuruan din nila ako mag lagay. Mas maganda talaga pag salamin, hindi hassle.

"Ayan Rebecca bagay sayo. Simple lang. Malinaw na ba paningin mo?"

Kumurap kurap ako. Ganto pala pag nakalens di mo lang din ramdam na may suot ka neto.

"Oo malinaw na. May grado palang ganto." Sagot ko

Natawa naman siya sa sinabe ko.

"Done?"

Napalingon kami sa nag salita.

"Hi cous, oo we're done." Sagot ni Hope at hinila ako paharap kay Eight.

Tinitigan niya ko mula ulo hanggang paa.

"Pwede na." Sagot niya

Abat! Pwede na?

"Thanks for helping me." Sabe niya kay hope.

"Ikaw pa ba? Maaasahan mo ko dyan cous." Sagot ni Hope sa kanya "So pano una na ko ahh ing---

Napatigil siya sa pagsasalita at parang may nakitang multo.

"Una na ko cous, rebecca ahh. May kailangan lang akong gawin." Sagot niya at agad na umalis.

May sinugod siya couple. Couple ata yun kasi mag kaholding hands ehh at galit na galit si Hope. Boyfriend niya ata yun niloko siya? Ewan ko wala kong alam hahahaha.

May biglang humila sakin at kinuha ang mga dala ko.

"Uyy nakakabigla ka naman" sabe ko pero di niya ko pinansin.

Naglakad kami at napansin kong papunta kami ng parking lot.

Pinapasok niya naman agad ako sa kotse at nag drive na siya.

Di ko alam dito kay Eight parang bigla siyang nag bago. Nung unang pagkakakilala ko kasi sa kanya napakakulit niya at pinagtitripan pa ko pero ngayon nag bago ang seryoso niya na lagi.

Napunta kami sa isang malaking gusali. Sa pag pasok pa lang namin ay ramdam ko ang mga tingin nila sakin.

Anong meron?

Pumasok kami sa elevator.

"San tayo pupunta Eight?" Tanong ko pero di siya sumagot.

Nakakainis tong lalaking to ang sarap layasan kaso ayoko maya may kumasa na naman ng baril eh hehe mahirap na.

Ilang segundo pa at bumukas na ang elevator at agad kaming lumabas. Pumasok kami sa isang pinto.

Ngayon ko lang napagtantong condo pala to.

"May place, touch anything and you're dead babalik ako." Sabe niya

Hilig talaga manakot nakakainis!

Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Malinis, mabango, at amoy lalaki talaga ang nakatira. Kulay white ang pader at kulay blue ang mga kurtina. Maayos ang sala niya.

May kulay blue na leather couch at may malaking flat screen TV sa living room. White and Blue talaga ang makikita mo ngayon. Wala masyadong design, simple lang. Ang linis sobra. Hindi niya favorite ang blue.

"Here, pumili ka na ng susuotin mo dyan." Bumalik siya na dala ang mga paper bag na binili ni Hope sa akin.

"Bakit? San ba tayo pupunta?" Tanong ko

"Did I give you any permission to ask?" Sabi niya

Di na lang ako sumagot kasi ayan na naman yung mga linyahan niya. Did ay geb yo ene per bla bla.

Hinila niya na ko papasok sa isang kwarto kasama ang mga damit at sinarado niya yun.

"Hurry up slowpoke!"

"Oo na!" Sigaw ko.

Pumili ako ng isang dress. Kulay light blue. Sinuot ko na agad yun. Nilagay ko naman ang nakatupi kong damit sa kama niya.

"Are you done yet?" Tanong niya

"Wait" sagot ko.

Tinignan ko pa ang sarili ko sa salamin. Ako ba talaga to?

Agad naman akong lumabas ng kwarto

Napatitig siya sakin ng ilang segundo. Napansin niya atang nakatingin ako sa kanya kaya umiwas agad siya ng tingin.

Lumapit ako sa kanya at nag tanong.

"San ba tayo pupunta?"

Hindi na naman siya sumagot at hinila na ko palabas ng condo niya.

Pumasok na kami sa elevator. May lalaking nauna saming sumakay. Ilang segundo habang umaandar ang elevator nang mapansin kong kanina pa nakatingin sakin tong matandang lalaki. Ngumingiti pa siya sakin wahhhh!!! Dumikit ako kay eight at medyo sa likod niya ko napunta. Manyak na manyak ang dating niya. Muka siyang sugar daddy. Nakatingin pa rin siya sakin kaya humawak na ko sa braso ni Eight.

"Ano ba? Bat ka nakahawak?!" Sabi ni Eight

Inalis ko agad ang hawak ko sa kanya. Tinignan ko uli yung matanda nakatingin pa rin siya sakin nakangiti at nag lip bite pa. WAAAAAHH!!

"STOP STARING AT MY GIRLFRIEND!!!!!"

Nagulat ako sa pag sigaw ni Eight.

"Hey kid, huwag mo kong sigawan. I'm older than you! Show some respect!" Sigaw din ng matanda

"WHAT?! YOU DCKLESS BSTARD?! NABABASTOS MO ANG GIRLFRIEND KO!! F*CK!! YOU WANT TO SEE WHAT HELL LOOKS LIKE?! HUH?!"

Tumahimik naman ang matanda natakot ata. Bumukas na din ang elevator hinila agad ako ni Eight.

"ACT YOUR F*CKING AGE!!! F*CKING HORNY BSTARD!!!!" Dagdag ni Eight sa matanda

Napatingin ako Eight nakakatakot naman pala magalit to pero salamat pa rin hehe.

Sumakay uli kami ng kotse niya. Nakarating kami sa isang malaking bahay, hindi masyon na ata ito. Bumaba na agad kami ng kotse.

Ewan ko kay Eight kung ano ang ginawa niya pero kusang bumukas ang malaking gate. Nadaanan namin ang garden na sobrang ganda. Halatang alagang alaga. Naramdaman kong hinawakan ni Eight ang kamay ko, oo mag kaholding hands na kami.

"Ipapakilala na kita sa lolo ko. Galingan mo ahh." Sabe niya sakin.

Kaya pala pinasuot niya ko ng mga ganto.

Napunta kami sa Dining Area. Kusa rin bumukas ang pinto. May isang mahabang mahabang lamesa at sa dulo nun may nakaupong isang matandang lalaki na nakatingin sa amin. Namumukaan ko siya parang nakita ko na siya dati. Bumaba pa ang tingin niya sa aming kamay. Kinakabahan ako sa mga mangyayari pano pag nahuli kami?

Hinila ako ni Eight. Umupo naman kami sa tabi ng lolo niya.

"Your girlfriend?" Tanong ng lolo niya.

"Yes lo---

"Good evening po sir. I'm Eight's girlfriend." Bati ko.

Napangiti naman siya sa akin.

"Parang nakita na kita hija."

Parehas pala kami. Parang nakita ko na rin kasi siya.

"Talaga po? Saan na po sir?"

"Lolo Tiago na lang ang itawag mo sa akin hija." Sagot niyam

"Ay sige po lolo." Sagot ko.

"Saan ka nag aaral hija?" Tanong niya uli

"Camilluz High po."

Napatango naman siya.

"Same school kayo."

"Yes po."

"Your parents? Buhay pa ba sila? Do they also run their own company?" Tanong uli niya.

Napatingin ako kay Eight, nakatingin din siya sakin pero bumalik din ang tingin niya sa kinakain niya.

"Patay na po ang mga magulang ko." Sagot ko

Nagulat naman ang lolo niya.

"I'm sorry"

"Ok lang po lolo." Sagot ko. " wala po kaming kompanya. Scholar po ako sa St. Camilluz pinag aaral ko po ang sarili ko. Sa ngayon po nakatira po ako sa bahay ng bestfriend ko." Sagot ko.

Napatango naman si Lolo Tiago at napatingin.

"Very honest."

Napangiti lang din ako.

"I like her hijo." Sabe niya habang nakatingin kay eight.

"Ye so huwag mo na ko ipakasal sa iba. I love this girl." Sagot ni Eight at tumingin sakin.

Parang pinukpok ang dibdib ko. Kinakabahan ata ako hays.

"Oo na apo. Ginawa ko lang yun kasi akala ko bakla ka hehe."

Nasamid naman ako sa sinabe ng lolo niya hahahaha.

"Tsk." Si Eight

"Hija alam ko na kung san kita nakita."

"Saan po?" Tanong ko.

"Sa Dean's Office." Sagot niya ng may ngiti sa labi

Saka ko natandaan siya. Siya nga yung nakausap ko nung nag enroll ako sa school.

"So tataas na ako at mag papahinga, lagi ko naman kayo makikita sa school niyo. Sana kayo nasa huli. Apo siya ang gusto ko ahh." Sabe ni Lolo Tiago

"Oo na lo siya naman na talaga ang gusto ko." Sagot ni Eight

Tumango naman ang lolo niya. "By the way hija. Ang ganda mo ngayon nagbago ka bigla."

Natandaan pa talaga niya yung dati kong muka. Grabe lolo ba talaga to?

Umalis naman na agad ang lolo niya at naiwan kaming dalawa.

"Lets go ihahatid na kita." Sabe niya at tumayo na sinundan ko naman siya.

Habang nasa kotse kami di pa rin maalis sa isipan ko na mag papanggap talaga kami ng isang buwan.

Pano ang love life ko?

"Ipapakila na rin kita sa buong school sa monday." Sabe niya

Napatingin naman ako sa kanya.

"Eight pwedeng huwag na lang sa school?" Tanong ko.

"Why?" Tanong niya rin habang tutok sa pagmamaneho.

"Baka kasi magkagulo mabubully na naman ako." Sagot ko.

"Don't worry ako ang bahala" sagot niya. "Saka hindi pwede dahil Dean ang Lolo ko ng school maghihinala siya."

Napatango na lang ako.

Siguro ihahanda ko na lang ang sarili ko nu?

Salamat sa pagbasa :) ♥️

Yashnien_Baculinacreators' thoughts