webnovel

My FakeBoyfriend

The characters and events portrayed in this story are fictitious. Any similarity to real persons, living or dead, is coincidental and not intended by the Author.

Yashnien_Baculina · Teen
Not enough ratings
30 Chs

10 Chapter Ten

"Wohhhh! Prenny napagod ako!" sagot ko

"Bat ka ba kasi hinahabol nang mga yun?" tanong ni Aliah

"Gusto kasi nila mag kwento ko tungkol samin ni Eight" sagot ko habang hinihingal pa

Nandito kasi kami sa CR habang hingal na hingal. Biglang may lumabas sa Cubicle.

Si Nancy

"Wow naman Bekang, pano mo ginayuma si Eight?" tanong niya sakin

Tahimik lang akong nakatingin sa kanya.

"Mabait kasi si Bekang at Maganda pa ikaw? Anong pinagmamalaki mo?" sagot ni Aliah sa kanya

Hinawakan ko naman si Aliah sa braso para tumigil na.

"Maganda? Nagpapatawa ka ba? Nag paayos lang ng buhok yan pero siya pa rin si Bekang na sobrang panget."

"Ano bang akala mo Nancy? Sobrang ganda mo? Dati ka bang tanga? Sobrang sama ng ugali mo!"

Hinila ko naman palabas si Aliah dahil sigaw pa rin siya ng sigaw.

"Hoy san kayo pupunta!? Hindi pa tayo tapos!"

May biglang humila ng buhok ko. Si Nancy kasama niya na yung mga alipores niya at pinag sasabunot ako.

"TAMA NA!" sigaw ko

naririnig ko ding sigaw ng sigaw si Aliah.

"Kala mo kung sino kang maganda!!" Sigaw ni Nancy

"FVCK!! STOP!"

naramdaman kong nag alisan ang kamay nila sa buhok ko at nakita ko ang BIG8 na hawak sila.

Naramdaman ko namang may nagtayo sakin, si Otso.

"Are you ok?" tanong niya at niyakap ako.

Pinupukpok na naman ang puso ko. Kabang kabang na naman siguro ako.

"Anong karapatan niyong saktan ang girlfriend ko!?" Sigaw ni Otso sa kanila

Napatingin naman ako kila Nancy at takot na takot ang mga muka nila.

"Ulitin niyo pa to kay Beka! Talagang papatol ako sa babae!!" Sigaw niya uli.

Binitawan naman sila ng BIG8 at dali dali silang tumakbo.

Humiwalay naman ako sa yakap ni Otso. Nakakarami na siya eh.

Tinignan niya na naman ako ng masama.

"Ano na naman!?" sigaw ko sa kanya.

"Umayos ka nga. Dito ka pa nakikipag away." sagot niya sakin

"Di naman kami yung nauna eh." Sagot ko

"Tsk"

Hinila niya naman ako at syempre hinila ko rin si Prenny.

Tumigil sa pag lalakad si Otso kaya napatigil din kami lahat.

Humarap siya sakin

"Bat kasama mo pa yang kaibigan mo?"  tanong niya

"Ehh gusto ko, bakit ba?!" sagot ko

"Boss ako na lang bahala sa kaibigan niya" sagot ni Derrick at hinila si Prenny

Nagulat naman si Prenny.

"Hoy Derrick pag yang best friend ko na—-

naputol ang sinasabe ko dahil hinila na naman ako ni Otso.

nasa likod lang naman ang BIG8 kaya nakikita ko pa si Prenny

Syempre nakatingin na naman samin ang mga istudyante.

Di ko namalayang magkaholding hands na pala kami ni Otso.

"Di ko akalaing magiging sila talaga."

"Oo nga sis, sana ako na lang nakakainggit"

"Kahit isa lang sa BIG8 ok na ko"

Mga naririnig namin sa paligid. Gusto talaga nilang maging boyfriend tong hukluban nato?

Mga babae talaga ngayon, basta gwapo kahit ang sama ng ugali go pa rin jusko!

Napunta kami sa rooftop kung san yung pinagtatambayan nila.

Nagsiupuan naman sila, at si Prenny nasa gitna ni Derrick at Bronze.

Si Derrick todo usap kay Prenny. Si Bronze naman parang natahimik na lang bigla.

Biglang may dumating na dalawang lalaki  na may dala dalang mga pagkain.

"Eto na po order niyo sir" sabe ng lalaki at nilagay lahat ng pagkain sa lamesa

Ayos ahh may taga dala pa sila ng pagkain.

Biglang may dumating uli na lalaki. Si Uno at may kasamang babae at nag tatawanan sila.

Nakatingin kami lahat sa kanila.

"Wow nandito pala kayo lahat sayang." Sabe ni Uno.

"Ano na namang gagawin mo uno dito?" Tanong ni Chinitong Moreno

Kumindat lang si Uno.

"Tarantado ka talaga, dun ka sa condo mo. Ginagawa mo na namang bahay kan——

Tinakpan naman ni Bronze ang bibig niya kaya nagtawanan kami.

Napanguso na lang si Uno at tumalikod.

"Mamaya na lang ahh, sunduin kita mamaya sa room niyo may pupuntahan tayo." sabe niya sa babae at hinalikan.

Tumango lang yung babae at umalis na.

Bumalik naman si Uno samin.

"Girlfriend mo na ba yun?" tanong naman ni Xavier ata to.

"Oo naman, bukas alam mo na iba uli" sagot ni Uno sabay hawi sa buhok niya.

Napatingin naman siya kay prenny.

"Oh may bago pala dito"

Humarang naman kagad si Derrick

"Oppss bawal to best friend ni Ms. Rebecca to" sagot ni Derrick

napatingin naman ako kay Otso, Umiiling na lang siya at kumuha ng pagkain.

Natapos naman kami sa pagkain at nag sialisan na kami.

"Wag mo na ko ihatid. Kaya ko na pumunta sa room ko" sagot ko kay Otso.

"Hindi nga pwede makita ka pa ni Lolo walang kasama" sagot niya

"Kaya ko naman mag paliwanag. Wag na kasi nakakainis naman to aba" sagot ko

"Hindi nga pwe—

bago pa siya makasagot ay tumakbo na ko kaya wala na siyang nagawa.

Hays salamat naman nakahinga na rin ako ng maayos.

"Bekang!"

Napalingon naman ako sa tumawag sakin.

"Zake" feel ko namumula na naman ako dahil nakita ko na naman tong crush ko.

"Kamusta?" tanong niya

"Ok lang naman ikaw?" tanong ko rin

"Ok lang, pwede ka ba ngayon sa cafeteria? kain tayo."

Hala kakakain ko lang bala na nga basta makasama ko to.

"Ahh sge tara nagugutom na rin ako eh" sagot ko sa kanya

Napunta naman kami agad sa Cafeteria at kumain habang nagkukwentuhan.

"Gusto mo minsan punta ka sa condo ko. Paglulutuan kita. Sama mo na si Aliah."

"Magaling ka pala talaga magluto nu?" sagot ko

"Hindi naman, marunong lang" sagot niya

"Pahumble ka pa eh hahaha" sagot ko

Napangiti na lang siya, wahhh ang gwapo niya talaga.

"Bagay sayo yang buhok mo ngayon" sabe niya

Namula naman ako bigla. Nagagandahan siguro siya sakin.

"Kayo na nga pala ni Eight nu?" Tanong niya sakin

Napatingin ako sa kanya.

"Baka magalit yun kasi lumalapit ako sayo" dagdag niya

"Hindi ahh, ok lang yun" sagot ko agad.

Letseng Otso to pati sarili kong love life mapuputol pa ata.

Nagkwentuhan pa kami ng onti at saka na kami nag hiwalay.

Napadaan naman ako sa Announcement Board.

"Audition Of Camilluz Dance Troupe on Monday 1:00pm"

—-

Aliah P.O.V

"Hatid na kita?" sabe ni Derrick

Kanina pa ko kinukulit neto eh. Di lang ako makapag salita kasi katabi ko lang si Bronze kanina.

First time ko nakatabi si Bronze pinipigilan ko talaga ang kilig ko yieeeeehhhg!

"Wag mo na ko ihatid ok na ko" sagot ko at tumalikod

"Tara na wag ka na maarte" sagot ni Derrick at hinila ako

Lumingon pa siya sa likod kaya napalingon din ako.

Nakita ko ang ibang BIG8 na nag tatawanan habang nakatingin kay Bronze.

Anong meron?

"Bat sila nagtatawanan?" tanong ko kay Derrick

"Basta wag ka na mag tanong" sagot niya habang tumatawa pa ng onti.

Hinatid niya na lang ako sa room ko.

Pag pasok ko sa room.

"Iba talaga pag kaibigan mo si Rebecca nu? nakakabingwit ka din sa BIG8" sabe nang isa kong kaklase at nag tawanan pa sila.

Hindi ko na lang sila pinansin at umupo na ko.

"Hi Aliah" bati sakin ni Yna isa sa mga kaklase kong feeling maganda.

Tinignan ko lang siya

"Pwede ba kong tumabi sayo?" tanong niya

nag nod na lang ako at di na siya pinansin

"Alam mo Aliah dati pa lang pag nakikita kita gusto talaga kitang maging kaibigan kaso nga lang ang hirap lumapit sayo eh" dagdag niya

nilingon ko lang siya at tumingin na uli sa unahan

Nakakatawa naman dati pa gusto niya na kong maging kaibigan eh grabe niya nga kong bullyhin hahaha.

"Nakakasama mo ba yung BIG8?" tanong niya

Kaya naman pala gusto rin sumama hahahahaha.

"Hindi eh" sagot ko.

"Eh bakit hinatid ka ni Derrick kanina?"

"Ahh wala yun nakasalubong ko lang sa corridor" sagot ko

"Ahh"

Lumingon na uli ako sa unahan.

"Ahmm Aliah dun na pala ko sa upuan ko" sagot niya at tumayo

Kala ko ba gusto niya ko katabi? hahahaha

BEKANG P.O.V

Pinag iisipan ko pa kung sasali ako sa Dance Troupe dahil nakalagay din dun na bawas na din sa tuition nakakatuwa lang.

"Good bye class" Sabe ni Ms. Javier

"Good bye Ms." Sagot namin

"Rebecca?" napalingon naman ako sa tumawag sakin at si Kim yun.

Lumapit naman siya sakin habang naka pout.

"Kala ko ba mag sasabay tayo ng break time at ipapakilala mo ko sa BIG 14" sabe niya

"Ahh eh kasi hinabol kasi ako ng mga classmate natin kaya nawala sa isip ko." sagot ko

"Tara sama ko sayo, uuwi ka na ba?" sagot niya at kumapit sa braso ko.

"Ah eh oo" sagot ko

"Tara sis sasabay tayo kay Rebecca" tawag niya sa isa naming classmate na si Kate.

Lumapit naman agad siya

"Talaga? Ang bait mo naman Rebecca. Tara" sagot niya at hinila na nila ko kaya wala na kong nagawa.

Nakasalubong naman namin si Aliah kaya hinila niya ko.

"Bat mo hinihila si Rebecca?" tanong ni Kate

"Bestfriend ko siya eh" sagot ni Aliah sabay kapit sakin

"Tsk ang panget mo" rinig naming bulong nila, di na lang namin pinansin

"Susunod na lang kami sa inyo Rebecca ahh" sabe ni Kim

"Sige" sagot ko

Nasa gate na kami ng biglang nagsalita si Kate.

"Hindi niyo ba kasabay yung BIG 8?" tanong niya

"Hindi naman namin sila nakita eh kaya baka umuwi na lang kami" sagot ko

"Ahhh" sagot ni Kate

"Ahmm Kate may gagawin nga pala tayo sa bahay" sagot ni Kim

"Ay oo nga pala nu?" sagot naman ni Kate

"Bye una na kami ahh ingat kayo" sabe nila at naglakad na

"Hey! San ka ba nagpupupunta?"

Napalingon kami ni Aliah sa nag salita

Si Eight kasama ang BIG 8.

"Sorry kasi kala—-

"Hi!" biglang lumitaw si Kate at Kim na parang nag madali pa.

Napakunot noo si Eight sa kanila?

"Sino tong mga to?" turo niya kila Kim habang nakatingin sakin

"Ah si—

"Ako si Kim, siya naman si Kate, friend and classmate kami ni Rebecca" sagot ni Kim

Tinignan lang sila ni Eight

"I don't fucking care" sagot ni Eight at lumagpas sa kanila

Kinuha ni Eight ang kamay ko at hinila ako.

Napalingon naman ako kay Aliah, hinila pala siya ni Derrick.

At yung dalawa sumunod pa rin samin, nakita ko pang inakbayan sila ni Uno.

Napunta kami sa parking, agad na binuksan ni Eight ang pinto ng kotse niya para papasukin ako. Lumingon muna ko kay Aliah at nag babye bago pumasok.

"San tayo pupunta?" tanong ko habang nag dadrive siya

"Did i give you any permi—

"Oo na, oo na!" sigaw ko

Yan na naman siya sa mga linya niya.

—————

O_o

Yashnien_Baculinacreators' thoughts