webnovel

My FakeBoyfriend

The characters and events portrayed in this story are fictitious. Any similarity to real persons, living or dead, is coincidental and not intended by the Author.

Yashnien_Baculina · Adolescente
Classificações insuficientes
30 Chs

24 Chapter Twenty-four

"Umalis ka na nga kasi muna Ethena. Napaka kulit mo."

"No, i want to see ate!"

Nagising ako sa ingay na naririnig ko.

"Omg, ate you're awake."

"Nasan ako?" tanong ko at patayo na dapat ako

Ang sakit ng katawan ko. Napahawak ako sa ulo ko.

"Ethena, please leave us first." Si otso habang nakacross arms sa pinto.

"Okay" sagot ni Ethena habang naka pout at umalis.

"Okay ka na ba?" tanong ni Otso sakin at umupo sa kama na kinahihigaan ko.

May pasa siya sa pisngi at may cuts ang labi niya. Hinawakan ko ang muka niya.

"Anong nangyare?" tanong ko.

"Nahimatay ka habang nakikipag laban ako, sobrang sakit ng katawan mo kaya hindi mo kinaya kaya nahimatay ka."

Nag nod ako. Buti na lang at naligtas ako ni Otso hindi mo kami pinabayaan Lord.

"Ang muka mo." sabe ko sa kanya habang nakawak sa muka niya.

"Galos lang yan kumpara sayo ang panget mo." sagot niya

Bumalik na ang dating Otso na mapang asar.

"Hoy ang kapal ng muka mo!" sigaw ko sa kanya

Nilapit niya ang muka niya sakin kaya napaatras ako. Nilapit niya ng nilapit hanggang sa wala na kong maatrasan at nakahiga na ko.

"Hindi ka pa nga nagpapasalamat sakin."

Nakatitig siya sakin, naiilang ako!!

*TUG* *TUG*

*TUG* *TUG*

WAHH!! Ang puso ko!!

Umiwas ako ng tingin sa kanya. Sobrang lapit niya, onti na lang ay mahahalikan niya na ko.

"Te-thank...you" sagot ko.

"Ano? pakiulit."

"Sabe ko salamat!" sagot ko uli.

Tumayo siya at nag lakad.

"Dapat lang na magpasalamat ka dahil ako ang hero mo." sagot niya at lumabas na ng pinto.

Tsk! Napakayabang pa din talaga.

Humiga lang ako sa kama dahil medyo masakit pa din talaga ang buong katawan ko.

Bumukas ang pinto at niluwa neto ang isang maid na may tulak tulak na pagkain kasunod niya ang isang lalaki na nakaformal suit.

"Ms. Rebecca pinapasabe ni Eight na kumain na kayo." sabe neto sakin bat parang ang pormal naman niya masyado.

"Ah ok salamat." sagot ko.

Biglang bumukas uli ang pinto at pumasok naman si Ethena.

"Hi Ate." bati niya sakin at lumapit.

"Hi Ethena." sagot ko sa kanya

"How are you ate? May masakit pa ba sayo?"

Nagulat naman ako sa tanong niya dahil nag tagalog siya.

"Ok naman na ako, medyo masakit lang yung katawan ko."

Nag nod siya, napatingin siya sa pagkain ko.

"Wow, lets eat together. I have food in my bedroom, I'll take it here." sagot niya at tumakbo.

Agad naman siyang bumalik na may dalang tray ng pagkain. Ang cute talaga ni Ethena.

"Ok, let's eat?"

Nag nod naman ako at kumain na.

***

"My Kuya is very strong. Imagine, he knocked down 30 people! Omyghad!"

Di din ako makapaniwala na nakaya ni Otso ang lahat ng dumukot sakin. Yun lang ang galos na natamo niya. Sobrang galing niya.

"That's my Kuya! He will protect you because he loves you! Yiiiieh!" kwento niya pa at kilig na kilig.

Natawa na lang ako sa batang to.

"You're blushing ate!"

Jusko namang batang to ang lakas din ng amats.

"Gaano ka ba talaga kadaldal? Ethena?"

Nagulat kami sa pag sulpot ni Otso. Bagong ligo siya dahil basa ang buhok niya. Di ko maitatangging gwapo naman talaga siya.

"Kaya kong mag kwento kahit walang nagtatanong." sagot ni Ethena

Natawa ko sa sagot niya, madaldal nga talaga siya. Lagi sigurong nasa noisy to.

"And why are you here?" dagdag neto.

"Ako dapat ang magtanong niyan sayo, why are you here?" tanong ni Otso at nag cross arms.

"Because my Ate is here." sagot ni Ethena

Agad na lumapit sa kanya ang kuya niya at binuhat siya.

Napangiti naman ako sa kanilang dalawa.

"Omyghad Kuya!! We're still talking!" Sigaw ni Ethena habang kumakatok sa pinto.

Nilock na ni Otso ang pinto habang tumatawa. Sana may kapatid din ako. Nakakainggit.

"Ang bad mo Kuya! I hate you!" sigaw pa nito.

"I love you too little sis." sigaw ni Otso habang tumatawa pa din.

Tumingin siya sakin at sumandal sa pader.

Agad nawala ang mga ngiti ko sa labi.

"Why are you smiling?" tanong niya.

"Wala ka na dun." sagot ko at umiwas ng tingin

"Ethena likes you." napatingin ako sa kanya

"Bat----

"for me" sagot niya at nakatitig sakin.

*TUG* *TUG*

*TUG* *TUG*

"Asa!" sagot ko at tinarayan siya.

"Asa ka din, panget mo nu." sagot niya

"Talaga lang ah." sagot ko

"Talagang talaga." sagot niya at nag make face pa sakin.

Nag lakad siya papunta sa Cabinet, may kinuha siyang damit at hinagis sakin.

"Maligo ka ang baho mo."

"Hoy! Ang kapal ng muka mo kahit di ako maligo ng 1 month, hindi ako mangangamoy." sagot ko sa kanya.

"Talaga? eh pag nakikita pa lang kita nababahuan na ko eh." sagot niya at ngumingisi na parang tanga.

Inisnaban ko lang siya at pumasok sa cr. Hindi talaga ko mananalo sa asaran sa gagong yun.

Napatingin ako sa salamin, may pasa ako sa left cheek ko, may pasa din ang gilid ng labi ko at may cuts yun. Ang pangit ko nga talaga. Para kong nilast skill ni Badang sa ML.

****

"Hindi ka nga pwede umuwi." sagot ni Otso sakin

"pero kasi kailangan ko ng umuwi, may pasok din ako." pag pupumilit ko.

Sinabihan ko kasi siya na uuwi na ko pero ayaw niya pumayag, lalabas na dapat ako kanina kaso hinarang ako ng mga guards niya.

"Sinabihan ko na si Lolo na hindi ka makakapasok ng ilang araw at pumayag naman siya, siya na daw ang bahala." sagot niya at habang hawak ang controller niya, nag lalaro siya ng NBA.

Nandito ko sa kwarto niya, kakasunod ko sa kanya kanina dito kami napunta. Ang laki ng kwarto ni Otso, May mini sala siya, Walk in closet, may Cr at King size bed.

Napabuntong hininga ako.

"Kasali pa naman ako sa Quiz Bee Competition." sagot ko.

Agad siyang napalingon sakin.

"Kasali ka?" tanong niya

Sira ata utak neto, paulit ulit.

Nag nod na lang ako dahil tinamad na ko mag salita.

"May 1 week ka pa para review bago ang competition." sagot niya at bumalik na uli sa pag lalaro niya.

"Yun nga eh paano ako mag rereview kung yung bag at gamit ko nandoon kila Aliah." sagot ko sa kanya.

"Edi ipapakuha ko." sagot niya.

Tumayo ako at tinignan siya.

"Eh kung ihatid mo na lang kasi ako papunta dun para dun nako mag rereview, hindi muna ako papasok. Tanga ka din eh." sagot ko

"Eh ayoko bakit ba!?" sagot niya.

"Eh bakit kasi ayaw mo kong pauwiin?" tanong ko.

"kasi....

"Ano?" tanong ko uli.

Napatigil siya sa paglalaro.

"Kasi... basta!"

Nakakainis! Padabog akong umalis at sinarado ang pinto.

Anong gagawin ko dito? Namimiss ko na si Aliah at Mikmik. Hindi ako sanay na wala sila wahhhh!

Kanina pa ako paikot ikot dito, Nasan yung kwarto ko? Napakalaki naman kasi nang bahay na to, pano sila nagkakakitaan dito?

"Hello? May tao ba dyan?!" sigaw ko

Wahhhh! Naliligaw na nga talaga ko!

***

"Aray ano ba masakit Otso!" sigaw ko.

"Dinadahan dahan ko na nga diba?" sagot niya

"Ang sakit kaya! sinabe kong wag mo masayadong idiin eh, masakit!" sigaw ko uli, nakakainis.

*KNOCK* *KNOCK*

Napatingin kami sa pinto.

"Hijo wag niyo na muna gawin yan, may tamang panahon para sa ganyan."

Nagkatinginan kami ni Otso.

Agad na bumukas ang pinto at niluwa neto si Lolo Tiago.

"Anong sinasabe mo Lolo?" pagtatakang tanong ni Otso.

"Ano bang ginagawa niyo?" tanong din ng Lolo niya.

"Nililinis niya po yung sugat ko." sagot ko.

Napakamot sa ulo si Lolo Tiago.

"Ahhh, akala ko gumagawa na kayo na magiging apo ko sa tuhod eh, mali pala ako hahahahaha"

Agad na namula ang muka ko, ano bang pamilya to? lagi akong nahihiya para sa kanila.

Nagkatinginan kami ni Otso at nag iwasan ka agad ng tingin. Nakakahiya talaga!

Biglang kumatok yung nakaformal suit na lalaki.

"Mr. Lee anong kailangan mo?" tanong ni Lolo Tiyago.

Mr. Lee pala ang pangalan niya.

"Excuse me Mr. Buenaventura, Eight may bisita ka." sagot neto

"Tara." sagot niya hila sakin

"Bakit kasama ko?" tanong ko habang naglalakad kami.

"Nandyan na sila." sagot niya

"Sino? pabitin ka pa eh."

Hindi siya nag salita hanggang sa makapunta kami sa hagdan pababa, nasilayan ko kagad si Aliah at Mikmik.

"Aliah! Mikmik!" sigaw ko at agad na tumakbo papunta sa kanila.

Niyakap ko naman agad silang dalawa.

"Ok ka lang ba prenny?" tanong agad ni Aliah.

"Oo ok na ako." sagot ko agad.

"Namiss ka namin ate." si Mikmik na nakaschool uniform pa, galing pa atang school to.

"Eto na pala yung school bag mo prenny. Mag rereview ka daw kasi sabe ni Eight."

Napatingin ako sa school bag ko na nakapatong sa lamesa.

"Otso, sabay na ko sa kanila pauwi." sabe ko sa kanya naka upo siya single sofa.

"Hindi nga pwede." sagot niya uli.

"Bakit ba kasi?!"

"Kasi... " nag iisip pa siya ng idadahilan niya, abo ata utak neto eh

Nakatingin kami sa kanya ni Aliah at Mikmik.

"Kasi ichecheck ka pa ng doctor namin, babalik pa yun dito." sagot niya

"Magaling naman na ako, wala nang dapat icheck sakin!" sagot ko at tumalon talon pa.

"Yung likod mo, may humampas ata dyan kailangan pa yan macheck." sagot niya

"Sus Kuya, you don't want her to leave lang talaga." biglang sulpot ni Ethena

"Ethena bakit nandito ka na naman?" tanong ng kuya niya

Inisnaban lang siya ni Ethena at lumapit kila Aliah.

"Hello mga Ate." bati niya kila Aliah at kumapit pa dito.

"Ethena pwede ko ba pisilin ang pisngi mo?" paalam ni Aliah sa kanya

Nagulat naman si Ethena, ang cute naman kasi kahit ako gusto ko makipisil.

"Sure ate, pero medyo pisil lang ah." sagot niya

Napapangiti ako habang pisil na pisil ni Aliah ang pisngi niya, gusto ko din wahhhh!

Biglang may humila sakin kaya napatayo ako. Hinila ako ni Otso pataas.

"Otso ano ba?! Di pa ko nakakapag paalam kila Aliah!" sigaw ko.

Tuloy lang siya ng tuloy sa pag akyat.

"Babye Prenny! Get well soon!" sigaw nila sakin

"Babye!" sigaw ko din

Nakarating kami sa kwarto ni Otso.

"Magpahinga ka na." sambit niya

"Ha? Ah okay." sagot ko at lalabas na ng hilain niya.

"Ang sabe ko mag pahinga ka na." sagot niya

"Magpapahinga na nga ako, pupunta na ko sa kwarto ko." sagot ko sa kanya

Umiiral na naman ang kademonyohan ng unggoy na to!

"Dito ka matutulog." sagot niya

"Ha? Ayoko! Anong gagawin mo sakin?" sagot ko.

"Kung ano ano iniisip mo babae!" sagot niya at binuhat ako

"Hoy ibaba mo ko! Ano ba!?"

"Wag kang malikot baka malaglag ka. Ang gaan mo kumakain ka ba?"

Natahimik naman agad ako. Wahhh kinikilig ba ko? Hindi hindi! Hindi pwede!

Dahan dahan niya akong nilapag sa kama at kinumutan.

Bakit nung nasa condo niya kami, hinahagis niya ko, bat parang ang dahan dahan niya naman?

"Magpahinga ka na. May gusto ka bang kainin?"

Umiling agad ako, Wahhh! Bat parang na pipe na ko dito?!

Silence.

Silence.

Silence.

Ang awkward wala ng nag sasalita!

"Ehem ahm Otso, tapos na yung Fake Relationship natin di ba?"

Wahhh! Bakit yan yung tinanong mo Bekang!? Tanga ka talaga!

Nilapit niya ang muka niya sa akin.

"Sinong nag sabing tapos na?"

Wahhh ang lapit niya na naman, naamoy ko ang hininga niya amoy mint, ang pabango niya lalaking lalaki.

"tapos na yung 1 month ah!" sagot ko

Tapos naman na talaga dapat break na kami pero bat nalulungkot ako pag nangyare yun? Wahhh di kaya ayaw ko siya mawala? Erase Erase Erase!  Wala wala wala! Hind pwede!

"3 months yun!" sagot niya at tumayo.

"Hoy anong sinasabe mo!?" sigaw ko

3months?! Iniisip ko na naman si Zake, pano siya? Hindi din naman ako gusto nun kaya hays

"Bakit? Yun ang bayad dahil niligtas kita." sagot niya

"Hoy wala naman akong utang sayo nu!" sigaw ko uli

Parang etong mga nakaraang araw lagi na kong sumisigaw. Nahahawa na ko sa Demonyong to.

"Utang mo sakin ang buhay mo. Utang din yun, utang."

Nag pout ako, wahhhh! nahahawa na din ako sa kapatid niya.

"Wag ka ngang mag pout. Saka may interest yun nu."

Napabangon ako sa kinahihigaan ko.

"Ano?!"

Interest, interest pang nalalaman ang unggoy na to.

"Bakit? Pag may utang, may interest, di ba?"

Wala na nga kong pera eh.

"Magkano ba?" tanong ko sana hindi naman malaki

Ngumiti siya ng malapad hala bat ang gwapo? Wahhh! Ano bang sinasabe ko!!!

"Yung interest, kiss na lang."

Agad nanlaki ang mga mata ko, at namula ang muka ko!

"Asa ka!" sagot ko at nag talukbong ng kumot.

"Bakit? Nag kiss naman na tayo sa Ferris wheel ah sa Enchanted Kingdom." sagot niya

Habang hinahawakan ang kumot na bumabalot sakin. Ano bang pinag sasasabi ng lalaking to?!

~~~~~~~~~~~~~~~

Vote tayo guys! Nakapag update ako ngayon ang galing! *HUGS* ༼ つ ◕‿◕ ༽つ Kahit onti lang nag babasa, maraming salamat. (-̩̩̩-̩̩̩-̩̩̩-̩̩̩-̩̩̩___-̩̩̩-̩̩̩-̩̩̩-̩̩̩-̩̩̩)

Yashnien_Baculinacreators' thoughts