webnovel

My FakeBoyfriend

The characters and events portrayed in this story are fictitious. Any similarity to real persons, living or dead, is coincidental and not intended by the Author.

Yashnien_Baculina · Teen
Not enough ratings
30 Chs

25 Chapter Twenty-five

Rebecca P.O.V

"Bawal ka ngang pumasok!" sigaw ni Otso sa pinto

"I want to see Ate!!" sigaw ni Ethena sa labas.

Napailing na lang ako sa dalawa.

"Nagrereview si Rebecca, bawal mo siyang guluhin!"

"Pero ikaw pwede! Ako hindi!"

"Kwarto ko to kaya i will do everything i want."

Tumayo ako at lumapit sa pinto na kinatatayuan ni Otso.

"Anong gagawin mo?" tanong ni Otso.

"Papasukin mo na lang, mas lalong di ako makapag review sa ingay niyo." sagot ko.

Binuksan ko ang pinto at bumungad si Ethena na paiyak na.

"Ate!" sigaw niya at yumakap sakin.

"Let's go to my room Ate, doon ka na lang mag review." dagdag ni Ethena at hinila ako.

Biglang may humawak sa kabilang kamay ko.

"No, dito siya mag rereview! Wag kang makulit Ethena!"

Parang may namumuong kuryente na nag sasalubong sa mga mata nila.

"No!" sigaw ni Ethena at pilit na hinila ako.

Biglang pinulupot ni Otso ang dalawang kamay niya sa waist ko, Wahhhh nakayakap siya sakin!!

Hinila niya ako kaya nabitawan ako ni Ethena.

"Akin lang siya!" sigaw ni Otso

Wahhh ang lapit niya, nakapatong ang muka niya sa balikat ko, naaamoy ko na naman ang hininga niyang amoy mint. Para kong pagpapawisan ng malamig. Ano ba ang ginagawa sa akin ng mag kapatid na to?

Lumapit si Ethena at hinawakan muli ang kamay ko.

"Kuya, Let hero go!!" sigaw ni Ethena

"Tumigil nga kayong dalawa!"

Napatingin kami sa pinang galingan ng boses.

"Lolo ang kulit kasi ni Ethena!" sigaw ni Otso at tinuro si Ethena.

Pansin kong nakayakap pa din siya kaya tinulak ko agad siya! Wahhhh! Nakakahiya kay Lolo Tiyago! Nakita niyang ganun kami ni Otso!!

"Si Kuya kasi ayaw niya ipakita sa akin si Ate!" sagot ni Ethena

Tumingin sa akin si Lolo Tiyago.

"Rebecca sumama ka sa akin. Lilipat ka ng kwarto para makapag review ka ng maayos at walang mang gugulo sayo."

Tumango agad ako at kinuha ang bag ko.

"Pero Lo--

"No buts!" sagot ng Lolo nila

"Ikaw kasi eh!" sigaw ni Otso

"Ikaw yun Kuya!" sigaw ni Ethena at padabog na nag lakad paalis.

Salamat naman at makakapag review na ko nang maayos. Mag 3 days na din ako dito, nakakapag review naman ako. Lalo na pag hapon kasi wala yung dalawa at nasa school sila. Gantong gabe lang sila laging nang gugulo sa akin, lagi nila akong pinag aagawan.

"Dito na ang kwarto mo Apo, mag review ka at galingan mo."

Binuksan ni Lolo ang kwarto, kasing laki din to ng kwarto ni Otso. Maganda at malinis.

"Salamat po Lo." sagot ko.

"Pag may kailangan ka tawagin mo lang si Mr. Lee at aasikasuhin ka niya." sagot niya at umalis na.

Agad akong pumasok sa kwarto at nag review na.

****

*TOK* *TOK*

Napalingon ako sa pinto ng kwarto. Bumukas ito at niluwa si Otso na may hawak na baso ng gatas.

"Bakit nandito ka?" tanong ko

Nilapag niya ang gatas sa lamesa.

"Inumin mo." sagot niya at umupo sa sofa.

"Salamat, umalis ka na mag rereview ako." sagot ko.

"Ayoko dito lang ako."

"Pag nakita ka ni Lolo dito, pagagalitan ka na naman nun." sagot ko sa kanya

Dala niya pala ang laptop niya, humiga pa siya sa sofa.

"Di ako pagagalitan nun kung hindi niya malalaman."

Pilosopo talaga. Bumalik na ko sa pag rereview ko.

****

Aliah P.O.V

"Namimiss ko na talaga si Ate Bekang." sambit ni Mikmik habang nakalumpasay sa carpet ko.

"Kala mo ikaw lang? Ako din kaya." sagot ko

Nakakapanibago na wala siya dito eh. Namimiss ko na talaga si Prenny!

Tumayo si Mikmik at parang nakaisip ng idea.

"Eh kung puntahan na lang natin siya bukas?"

Napabangon ako sa kama ko.

"Oo nga nu! Ang galing mo talaga Mikmik!" sagot ko at pumalakpak

"Brainy ko talaga!"

"Dalhan natin siya ng Milktea, favorite niya yun!" suggest ko

Excited na ko pumunta kay Prenny!

*DING* *DONG*

Nagkatinginan kami ni Mikmik.

"Sino yun?" sabe ko kay Mikmik

"Hindi ko alam."

"Hating gabi na bakit may nag door bell pa! Lumabas ka mikmik tignan mo!" sabe ko at nag kumot.

"Ayoko ate ikaw na! Baka mumu yan!"

"Mikmik, ako ang matanda kaya kailangan ikaw ang tumingin."

"Dalawa na lang tayo ate. Sa terrace na lang natin tignan."

"Tama tama."

Tumayo kami habang magkayakap na mag lakad.

Wahhhh! Sino kaya yun?

Nakapunta na kami sa terrace habang magkayakap pa din.

"Sino yan?" tanong ni Mikmik habang nakaturo sa lalaking nakasandal sa kotse.

"Anong ginagawa niya dito ng gantong oras?"

"Kilala mo ate?"

Nag nod ako.

"Babain mo na lang ate, babalik na ko sa kwarto ko." sagot ni Mikmik at umalis.

Agad naman akong bumaba at lumabas ng gate.

"Bronze anong ginagawa mo dito?" tanong ko at lumapit sa kanya

Napansin ko ang beer na hawak niya.

"Lasing ka ba?" tanong ko at mas lalong lumapit sa kanya, hindi ko kasi maaninag ang muka niya.

Nagulat ako ng bigla niya hilain ang braso ko at yakapin ako.

"Pwede bang ganto muna tayo saglit?"

Tumango agad ako, napakakomportbale naman ng ganto. Ang bilis ng tibok ng puso ko.

"Mas gusto ko ang dating ayos mo, hindi nila nakikita ang tunay na ganda mo."

Napatingin ako sa kanya, mapula ang muka niya dahil siguro sa alak.

"Ako lang sana ang nakakakita nun, wala sana kong kaagaw" sambit niya at natawa ng mahina.

Tinulak ko siya.

"Bakit?" nagtatakang tanong niya.

"ANG BAGAL MO KASI!" Sigaw ko sa kanya

"EH KUNG SINABE MO NA KASING GUSTO MO KO AT LILIGAWAN MO KO EDI SANA PUMAYAG NA KO!!"

Napatakip ako sa bibig ko. Wahhh! Ano tong sinasabe ko?!

Lumapit siya sakin.

"Ahhh ano? Babalik na ko sa loob. Umalis ka na." sagot ko

Aalis na ako nang bigla niya na naman akong hilain.

"Edi tayo na."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabe niya.

"Aliah i love you."

****

Rebecca P.O.V

Napahikab na ako sa kakareview ko, tumingin ako sa orasan na nasa table. Hating gabe na pala. Makatulog na nga.

Nandito pa din pala ang lalaking to. Napatigtig ako kay Otso na natutulog sa sofa. Mukang anghel talaga ang muka niya pag natutulog.

Humiga ako sa kama at nag kumot. Di ko na lang gigisingin ang unggoy na yan, mukang masarap ang tulog niya.

****

Derrick P.O.V

"Ano ba kasing ginagawa mo dito pre?" tanong ko kay Bronze.

Tumakbo kasi siya dito sa condo ko, Magkalapit lang kasi ang condo namin. Para siyang nakakita ng multo.

"Nasabe ko sa kanya!" sagot niya at tulala pa.

"Ang ano? Sino?"

Nababaliw na naman ang kaibigan ko. Kagigising ko lang at nambulabog siya ng ganto.

"Nasabi ko kay Aliah na mahal ko siya tol!"

Tumayo siya at lumapit sakin.

"O ngayon?" pagtataka ko.

Buti naman at umamin na ang lokong to. Kailangan ko pa siyang pagselosin para lang aminin niya na sa long time crush niya na gusto niya to.

"Tol anong gagawin ko? Nahihiya ko."

Napahalakhak ako sa sinabe niya!

"HAHAHAHA TANGINA!"

"Bakit ka tumatawa? Seryoso ko gago!" sigaw niya sakin at umupo.

"Si Bronze nahihiya? Tangina bago yan ah, ikukwento ko nga to sa BIG14 HAHAHA!"

"Subukan mo gago!"

Para siyang may sakit, tulala at malalim ang iniisip. Napailing na lang ako sa ginagawa niya.

"Ang tanong tol! Gusto ka naman ba niya?" tanong ko

Napatingin siya sakin.

"Hindi ko alam." sagot niya at sinabunutan ang sarili niya.

"Basta sinigawan niya ko tapos sabe niya.."

Tumayo siya at tinitigan ako.

"Anong gagawin mo?" tanong ko parang gago kasi nakatitig sakin

"EH KUNG SINABE MO NA KASING GUSTO MO KO AT LILIGAWAN MO KO EDI SANA PUMAYAG NA KO!!" sigaw niya sakin

"Yun ang sabe niya."

Umupo uli siya sa sofa.

Napailing ako, slow talaga to.

"Edi gusto ka niya, pumapayag nga siya na ligawan mo eh." sagot ko at pumasok sa kusina.

Binuksan ko ang ref at kumuha ng tubig.

"Talaga?"

"Puta! Nakakagulat ka naman!"

Sinundan niya ko, parang mababaliw na ata to. Kaya mas masayang maging single eh.

"Talaga? Gusto niya?"

"Oo nga kaya puntahan mo na at umpisahan mo ng ligawan bago pa may umagaw dun, ikaw din." sagot ko

Iinom na dapat ako ng tubig ng yakapin niya ko.

"Salamat tol! Dabest ka talaga!" sagot niya at lumabas.

Napatingin ako sa damit ko, nabasa pa ko ng tubig tangina talaga.

*****

REBECCA P.O.V

Ano yun? Bakit ang bigat? Niyakap ko ang unan sa gilid ko. Ang bango naman ng unan na to pero bakit ang tigas? Hinawakan ko pa to at kinapa kapa, matigas nga!

Dinilat ko ang mata ko. Wahhhhh!! Bakit katabi ko to?!! Nakadagan ang braso niya sa tyan ko kaya pala mabigat!

"Umalis ka dito! Ano ba!!!?" sigaw ko.

"Ano ba? wag ka maingay." sagot niya at hinila ako gamit ang braso niya sa tyan ko.

Wahhhh!! Niyakap niya ko! Sobrang higpit!

"Otso nasa sofa ka kagabi bakit nandito ka?" tanong ko ng medyo mahina dahil feeling ko isang galaw ko eh mahahalikan ko siya.

"Hindi ako komportable kaya dito na ko humiga." sagot niya habang nakapikit pa din.

Ang haba pala ng pilik mata niya, ngayon ko lang napansin. Ang tangos ng ilong at ang pula ng labi. Sobrang kinis ng muka niya. Ang perfect nang pagkakahulma.

*TSUP*

WAHHHH!! Hinalikan niya ko!

Agad siyang tumayo at nag lakad!

"Bwisit ka!" sigaw ko sa kanya

"Nakatitig ka kasi eh, na temp tuloy ako." sagot niya at tuluyang lumabas ng kwarto.

Bakit? Bakit ang lakas ng pintig ng puso ko? Para kong mabibingi. Nakakainis! Kinikilig ba ko? Hindi! Hindi pwede!!!

Bowwwttt( ◜‿◝ )♡

Yashnien_Baculinacreators' thoughts