webnovel

My FakeBoyfriend

The characters and events portrayed in this story are fictitious. Any similarity to real persons, living or dead, is coincidental and not intended by the Author.

Yashnien_Baculina · Teen
Not enough ratings
30 Chs

23 Chapter Twenty-three

Rebecca P.O.V

Isang linggo na ang nakakalipas, simula ng mag shopping kami ng kapatid ni Otso.

Wala pa ding pinagbago, hindi pa din ako pinapansin ni Otso. Hindi sa na mimiss ko siya pero kasi nasanay ako sa presence niya kaya lagi kong hinahanap.

"Mikmik ano ba yan! Nakailang ulit ka na dyan sa pinapanood mo." sigaw ni Aliah

Napatingin ako kay Mikmik na nanonood sa laptop niya.

"Subukan mo kasi panoodin ate, ewan ko na lang kung di ka mangisay sa kilig kay Dylan Wang bebe!"

"Anong movie ba yan?" tanong ko sa kanya

"Meteor Garden 2018, kinikilig pa din ako kahit ulit ulitin ko." sagot niya habang kilig na kilig pa.

"Hindi ko pa napapanood yan, yung 2001 palang yung napanood ko." sagot ko sa kanya habang pinaglalaruan ang tsinelas sa paanan ko.

"Edi panoorin mo na din te, worth it promise!"

"Naku kesa manood ako, irereview ko na lang para sa Quiz Bee Competition ko." sagot ko at lumapit kay Aliah.

Kinakabahan talaga ko sa competition pero kakayanin ko. May practice na din ang dance troupe ng School. Hindi naman ako makapag practice kasi may competition nga ako, mas kailangan kong mag review. May Acquaintance Party kasing gaganapin next month kaya nag papractice sila dahil sila ang opening. Nakakainggit gusto ko din sumayaw pero mas mahalaga talaga yung competition.

"Tara kumain na tayo." yaya ni Aliah.

*****

"Di ka naman pangit eh." sambit ni Zake

Nandito kami sa field nakaupo at nag kukwentuhan. Napatingin ako sa kanya.

"Parang tinali mo lang yung buhok mo at nagsalamin ka, kahit naman dati maganda ka." dagdag niya

Napakamot ako sa batok ko at pinipigilan ang kilig ko KYAHHHH! Iba talaga ang epekto sakin ng lalaking to! Nakakainis!

Ngumiti ako sa kanya, ang gwapo mo talaga Zake, ang sarap mong angkinin hihi.

"You're blushing."

Hinawakan niya ang pisngi ko.

"Ha? baka sa blush on lang na nilagay ni Mikmik." pag dadahilan ko

Ngumiti lang siya at nag nod.

"PRENNY!!!" napatingin kami sa palapit na si Aliah.

Hingal na hingal pa siya ng makalapit na siya samin.

"Water?" bigay ni Zake sa bottle of water na nakasealed pa.

Kinuha naman agad ni Aliah yun at ininom.

"Salamat hays" sabe niya kay Zake at tumingin sakin

"Bakit ba tumatakbo ka?" tanong ko sa kanya

"Kasi prenny kanina pa kita hinahanap jusko nandito ka lang pala, nag ikot pa ko sa buong building dito." Bakit ba kasi hindi ka matawagan? Out of coverage ka!"

Tinignan ko ang cellphone ko.

"Dead Batt." sagot ko sa kanya

"Tapon mo na nga yan. Gusto kitang bilhan ng touch screen, yan pa din gusto mo." sagot niya sakin

"By the way, tumawag sakin si Bronze. Alam na nila kung sino yung nag post ng issue mo."

Nagkatinginan kami ni Zake.

"Sino daw?" tanong ko.

"Yun nga eh, pabitin pa yun. Pag sabe niya sakin nun binaba niya agad hays atleast alam na natin kung sino." sagot niya at uminom uli ng tubig

Wala naman na akong pake kung sino pa yun pero curious pa din ako. Nabaon naman na sa lupa yung issue at di na masyadong pinaguusapan.

"Hayaan na natin yun tapos naman na." sagot ko.

"Ano ka ba prenny! Mas maganda pa ding malinis ang pangalan mo kahit na tapos na."

Nag nod ako, sabagay.

****

Bronze P.O.V

"Dalhin niyo siya dito." utos ni Otso

"Pero ipangako niyo muna na hindi niyo siya sasaktan." sagot ni Xavier

"Hindi namin siya sasaktan Xavier, wala kaming karapatan dun. Kailangan lang namin siyang kausapin." sagot ko.

Tumango siya at umalis kasama sina Ken at Lim.

"Kaya pala tulala minsan yan si Xavier, hindi niya masabe satin ang totoo dahil pinoprotektahan niya din si Nancy." Sagot ni Derrick

Tama, mabuti na lang at nakapag isip ng tama si Xavier at sinabe na ang totoo.

Napailing na lang ako.

*BOGGGS*

Napatingin kami kay Otso.

"Boss baka masira na naman yang lamesa natin!" sigaw ni Uno.

Natrauma na ata to sa pag gastos niya sa mga gamit HAHAHA.

"I f*cking hurt her! I didn't believe in her. Alam ko namang di niya magagawa yun pero bakit di ako naniwala sa kanya!"

"Nadala ka lang nang galit." sagot ni Derrick

"Kilala natin si Rebecca, mapapatawad ka nun." sagot

Bumukas ang pinto ng rooftop, kasama na nila si Nancy, nagulat pa siya kung bakit nandito kami.

"Xavier, what's going on?"

Hindi tumingin si Xavier sa kanya.

"Aalis na ko." dagdag niya pero hinarang agad siya ni Ken at Lim

Bumukas uli ang pinto at niluwa neto si Aliah at Rebecca.

"Bakit nandito si Nancy?" tanong ni Rebecca

"Ano Nancy? hindi ka pa din aamin?" tanong ko

"What are you talking about? Wala kong alam sa mga sinasabe mo." sagot niya sakin

Tumingin siya kay Xavier.

"Xavier ano ba to?"

"Nagkakaila ka pa din, sinabe na samin lahat ni Xavier." Si Derrick

"Totoo ba to Nancy?" tanong ni Rebecca sa kanya

Nanlilisik ang mga mata niya na parang hindi pa din makapaniwala.

"Plinano niya ang lahat, kasabwat niya din ang dalawa mong classmate mo." sagot ko.

"Ok, I've already caught. Yes, i did!" sagot neto at nakatitig kay Rebecca.

Lumapit sa kanya si Rebecca.

*SLAPPPPP*

Napapikit ako sa sampal niya.

"Bakit mo ginawa to? Pinsan kita! Kadugo kita!" sigaw ni Rebecca

"Ikaw! Simula ng pumasok ka sa school nato! Ikaw na lang lagi ang pinag uusapan! Pabida ka!" sagot neto

"Anong pinag sasasabi mo? Wala akong ginawang masama sayo Nancy!"

"Akala mo lang wala! Simula ng napunta ka dito ikaw na agad ang napansin ng Big14 at talagang ginawa mo pang boyfriend si Eight."

Tahimik lang kaming nakikinig sa kanila.

"Akala ko kapag naging close kami ni Xavier ay mapapansin ako ni Eight pero hindi kasi dumating ka! Sinira mo lahat!!" sigaw niya.

"Wala akong sinira Nancy! Alam mo kung anong sumisira sayo? Yang ugali mo! Yang masamang ugali mo!" sagot sa kanya ni Rebecca

Nag dilim ang muka ni Nancy at susugurin dapat si Rebecca, mabuti na lang at nahawakan agad siya ni Lim.

Bumukas ang pinto at niluwa nito ang dalawang kaklase ni Rebecca. Agad silang tumakbo kay Rebecca.

"Rebecca i'm sorry, hindi namin sinasadya inutusan lang kami ni Nancy."

Hindi nag salita si Rebecca at naglakad na lang paalis.

"Prenny!" sigaw pa ni Aliah.

"Sorry talaga" sabi ng dalawang babae at yumuyuko pa samin.

"Ang laking gulo ng ginawa niyo, nabully pa si Rebecca, wala naman pala siyang kasalanan." sagot ni Derrick.

"Umalis na nga kayo!"

Tumitig pa si Nancy kay Xavier pero yumuko lang si Xavier.

Ganyang babae ba talaga ang gusto ni Xavier? Selfish.

Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Aliah.

"WAHHH! SI PRENNY!!"

"Bakit!?" tanong ni Otso at napatayo pa.

"May kumuha sa kanya na Van! Wahhhh! Si Prenny!!!" sagot ni Aliah at napapatalon pa

Nagkatinginan kaming lahat. Bakit ngayon pa!

"Anong itsura ng mga dumukot?" tanong ko

"Hindi ko namukaan pero mga nakaitim sila lahat. "

"Hindi pa din talaga sila tumitigil."

30Demons, walang kadalaan ilang beses na namin sila napatumba pero bumabalik pa din at nang gugulo.

"Mukang may babaliin na naman ako buto ah! Matagal tagal na din!" sagot ni Uno

"Oo nga eh, nakakaexcite to." sagot ni Dos habang sumusuntok sa hangin.

*****

Rebecca P.O.V

"Prenny anong gagawin mo ngayon?" tanong ni Aliah

"Wala, hahayaan na lang siguro. Di ko naman pwedeng saktan si Nancy, pinsan ko pa din siya." sagot ko.

"San ka pupunta? may klase ka pa."

Naglalakad na kasi ako palabas ng school.

"Tara mag coffee tayo, libre mo ko." sagot ko

"Sige sige." sagot niya at kumapit sa braso ko.

Hindi pa kami nakakalayo sa school.

"Ms."

Napatingin kami sa nag salita.

"Ikaw ba si Rebecca Agustine?"

Nakaitim siya at madaming butas ang muka, puro piercings.

"Oo bakit?" tanong ko

Biglang may dalawang humawak sa braso ko at agad na tinulak ako sa Van.

"Prenny!!" rinig kong sigaw pa ni Aliah.

Anong gagawin nila sakin?!!!

WAHHH!!!

"ANO BA MGA GAGO KAYO!!!" Sigaw ko.

"WAG NIYO IBEBENTA ANG LAMANG LOOB KO!!!!" Sigaw ko

"Manahimik ka nga." sagot ng katabi ko

Bigla nila akong tinakpan sa bibig ng panyo at nanilim ang paningin ko.

*****

Argghhh! Napadilat ako sa ingay, tawanan ng mga lalaki.

"Gising ka na pala."

Agad akong napalingon sa lalaking nag salita. Tatayo na dapat ako ng maramdaman kong nakatali ako. Naadult na nga pala ko.

Tinanggal niya ang tape sa bibig ko.

"Maganda naman pala ang girlfriend ng walo na yun."

"Hindi ko siya boyfriend!!" sigaw ko.

"Girlfriend ka niya, pinagkakaila mo pa."

Bigla niyang hinawakan ang buhok ko at inangat ang muka ko.

*CLICK* *FLASH*

Pinicturan nila ako

"Boss hindi naman mukang kawawa eh." sagot ng isang lalaki.

Tinignan ko silang lahat nasa 30 siguro sila sobrang dami. Yung iba nag iinom at nagbabaraha pa.

*SLAPPPP*

Sobrang sakit ng sampal niya sa akin, piling ko dumugo pa ang gilid ng bibig ko.

"Ayan boss picturan mo na." hinawakan uli nila ang buhok ko at inangat ang ulo ko.

"Isend mo na sa grupo nila."

"Sige boss."

Naglabas uli ng cellphone ang nasa harap ko at nag dial.

"Oww, hi walo."

"F*CK WHERE IS SHE?!"

"Chill."

"I WILL F*CKING KILL YOU IF SOMETHING HAPPENED TO HER!"

*SLAPPPP*

Isang malakas na sampal na naman ang lumagutok sa pisngi ko.

"ARGGGHHH! GAGO KA PAG BABAYARAN MO TO!!" Sigaw ko.

Biglang may sumuntok pa sa kaliwang pisngi ko.

At napasigaw ako sa sobrang sakit.

"F*CK BEKA!!!"

Tinapat nila sakin ang cellphone.

"Sumagot ka!" sigaw nila sakin at sinabunutan uli ako, parang matatanggal ang buhok ko.

"Otso" sagot ko.

"Beka wait for me, don't worry i will save you." 

"Wag ka nang pumunta dito! Bobo ka talaga!" sigaw ko.

Pano niya mapapatumba ang 30 na to? Tanga tanga talaga siya.

"Grabe naman napakasweet naman pala ng Leader ng BIG14." pang aasar pa neto

"Pumunta ka sa dati, gusto ko ikaw lang mag isa. Pag nalaman kong kasama mo ang buong gang mo, babye girlfriend." at nagtawanan sila lahat.

Binulsa niya na ang cellohone niya.

"Mag isa? Ganyan na ba kayo kaduwag? 30 kayo, 14 lang sila hindi niyo pa mapatumba, nakakaawa kayo." sagot ko

"Anong sabe mo?!" sigaw ng Boss nila sakin

"Ang sabe ko mga duwag kayo." sagot ko

Nagulat ako ng may humampas sa likod ko. Matigas na bagay kaya lumabas ang dugo sa bibig at ilong ko.

Hinahabol ko ang hininga ko, feeling ko anytime mamamatay ako.

"Matapang ka ahh!"

Biglang may susuntok uli sakin.

"Sige subukan mo! Sisiguraduhin kong habang buhay mong pagsisisihan yan!!"

Napalingon kaming lahat, si Otso.

"Ano? Wag na tayo mag paligoy ligoy pa!"

"Tanga ka talaga! Bat ka pumunta dito?! Pasaway ka talaga!" sigaw ko sa kanya.

Nagsitayuan ang mga lalaki dito. Trenta sila lahat pano niya to kakalabanin?

"Siguraduhin mo lang na wala kang kasama." sagot ng Boss nila.

Tumingin sakin si Otso.

"Huwag mo kong tignan ng ganyan, pumikit ka." sabe niya sa akin.

"pero--

"Pikit."

Boooowtt♡(> ਊ <)♡

Yashnien_Baculinacreators' thoughts