webnovel

My FakeBoyfriend

The characters and events portrayed in this story are fictitious. Any similarity to real persons, living or dead, is coincidental and not intended by the Author.

Yashnien_Baculina · Adolescente
Classificações insuficientes
30 Chs

22 Chapter Twenty-two

Rebecca P.O.V

Nagising ako sa liwanag na tumatama sa muka ko.

"Gising ka na pala, Bekang."

Napatingin ako sa nagsalita.

"Zake" gulat na sambit ko.

Panong..

"Nasaan ako?" tanong ko sa kanya

"Nandito ka sa bahay, hindi mo ba matandaan ang nangyari sayo?"

Oo nga pala, pinagtulungan ako sa field at nakita niya ko.

"Ilang oras na ko dito?" tanong ko sa kanya

"Actually kahapon ka pa dito, umuwi na si Aliah kahapon at ngayon ka lang nagising."

Ang haba pala ng tulog ko, napahawak ako sa ulo.

Arghhh! Ang sakit pati ng katawan ko.

"Wala kang tulog at kain, stress na stress kaya siguro nakatulog ka ng matagal."

Di ko akalaing siya pa ang magliligtas sakin.

Di ba dapat nilalayuan niya ako dahil isa DAW akong kaladkarin na babae?

Tumayo siya at pumunta sa gilid ng kamang hinihigaan ko.

May voice machine dun, pinindot niya to.

"Mr. Austin pakidala naman ng breakfast dito ni Bekang."

Pagkatapos nun ay umupo siya sa kama at medyo malapit na siya.

"Kumain ka na muna, kagabe ka pa walang kain." sabe niya sakin at nakangiti.

Matagal kong hindi nakita ang ngiting to.

Hinawakan ko ang kamay niya.

"Thank you, Zake." pasasalamat ko ng may buong sinseridad.

Hinawakan niya ang pisngi ko na parang may pinupunasan yang luha.

"Wala yun" sagot niya.

*TOK* *TOK* *TOK*

Napatingin kami sa pinto at bumukas to.

"Sir Zake ito na po yung Breakfast." sabe ng isang maid.

Ang cute naman ng uniform nila parang cosplayer, gusto ko din nun.

"Salamat." sagot ni Zake.

Lumabas naman agad yung maid.

"Kumain ka na, ayoko ng ganyan ka. Gusto ko yung bekang nakilala kong masigla."

Nag nod naman ako at kumain na.

Nakatatlong subo ako nang mailang ako sa kanya, nakatitig kasi siya habang kumakain ako.

"Hmm kumain ka na ba?" tanong ko sa kanya.

"Oo kanina sa baba." sagot niya

Hinayaan ko na lang siyang tumitig habang kumakain ako, aarte pa ba ko?

Pagkatapos ko kumain ay naligo na ko at nag bihis.

"Magpahinga ka na muna, wag ka na muna umalis."

"Ok naman na ako, dun na lang ako kila Aliah magpapahinga." sagot ko sa kanya

"Sige ihahatid na kita."

Nag nod na lang ako.

Namangha ako sa bahay nila Zake, hindi ko kasi nahalata na ganto pala kalaki to dahil nasa loob lang ako ng kwarto. Ang laki ng garden nila, isang bahay na namin yun eh.

Pumasok ako sa kotse ni Zake at nagmaneho na siya.

Di ko akalaing siya ang magliligtas sakin kahapon, akala ko talaga si Otso, aaminin ko nadisappoint ako, pero bakit ba yung lalaking yun ang iniisip ko argghhh hays! Wala kong pakelam sa demonyo na yun!

Tinignan ko si Zake, siya at siya pa din yung lalaking gusto ko, akala ko talaga dun na mag tatapos ang pagkakakilala namin, magtatapos sa hindi na niya ako pinansin.

"Nandito na tayo."

Napalingon ako sa bahay nila Aliah.

"Salamat, maraming salamat." sabe ko sa kanya

Lalabas na sana ko ng maramdaman kong ang kamay niya, sa kamay ko.

Kaya napatingin uli ako sa kanya.

"Kung sila hindi naniniwala sayo, ako naniniwala ako sayo, alam ko kung anong klaseng babae ka, Bekang."

Parang hinahaplos ang puso ko sa mga sinabe niya. Agad na tumulo ang luha sa mata ko.

Hinawakan niya ang pisngi ko at pinunasan ito gamit ang thumb niya, hinila niya ako at hinalikan ang noo ko.

"Magpahinga ka."

Ngumiti ako sa kanya at lumabas na sa kotse niya.

~~~

Derrick P.O.V

"Hanggang kelan ba natin susundan yan si Boss?" tanong ni Ken

Nandito kami ngayon sa bar, sinundan kasi namin si Otso, grabe uminom hays.

"Ienjoy niyo na lang kasi nandito na naman na tayo." sabat ni Uno habang may nakaupong babae sa kanya.

"Eh ikaw lang naman ang nag eenjoy dito dahil may kasama ka."

"Hi boys!" Biglang may sumulpot na mga babae kaya ang mga tanga lumuwa na naman ang mga mata.

Ang lalaki ba naman ng mga pakwan eh hahaha.

"Tara dito kayo."

"Dito ka babes."

Napailing na lang ako sa kanila.

Napansin kong tulala si Xavier.

"Xav ok ka lang?"

"Ha? Oo." sagot niya

"Kamusta pala yung pinapatrace ko sayo?" tanong ni Bronze

"Ah.. eh di ko pa nahahanap yung IP Address, sasabihan kita pag meron na." sagot niya

"Bat parang ngayon ka lang ata nahirapan sa trace trace na yan, usually wala pang isang oras, nakuha mo na agad." sagot ko

"Hindi ko din alam pre eh pero magagawan ko ng paraan."

Nag nod lang ako sa sinabe niya.

Naghahalikan na si Uno at yung babaeng nakaupo sa kanya.

Kelan kaya mag babago ang gagong to?

Ininom ko ang beer na nasa tapat ko.

*****

Rebecca P.O.V

"Prenny gusto mo ba lumipat ako sa section mo?" suggest ni Aliah

Nandito na kami sa school.

"Ok lang wag na prenny." sagot ko, sobrang worried siya dahil sa nangyare sakin.

"Sigurado ka ah, by the way gusto ko yung look mo ngayon, parang ikaw uli yung bekang na nakilala ko."

Ngumiti ako, nag salamin na kasi ako uli at tinali ang buhok ko.

Mas komportable ako, mas maganda pa din para sakin ang hindi tinitignan ng tao, hindi sinusundan ng tingin, walang makikielam sakin, walang nakabantay sa bawat kilos ko, isang nobody.

Naghiwalay kami ng daan ni Aliah kaya agad akong nakapunta sa room.

Napatingin silang lahat sakin.

***

"Alam mo ba Rebecca kahapon, pinatawag lahat ng nambully sayo. Pinapunta sila sa detention. Ang sama nila, kahit na ba na ano ang ginawa mo wala na silang pake dun, hindi naman sila na agrabyado, mas galit pa sila kay Eight." kwento ni Bea

Tahimik lang ako sa mga sinasabe niya. Mabuti na lang at mabait si Dean kahit na ang issue sakin ay nasaktan ko ang apo niya, tinulungan niya pa din ako.

"Saka nga pala, pinapasabe ni Ms. Dela Vega pag pumasok ka na daw pumunta ka daw sa faculty."

Nag nod lang ako sa sinabe niya.

****

"Isa ka sa napiling contestant para National Quiz Bee Competition."

Nandito ako ngayon sa faculty

"Pero maam--

"Pinagbotohan ng lahat ng Teachers kung sino ang mga isasali at isa ka sa napili namin. Isa ka sa istudyanteng mataas ang grades at may potential dito, palasagot ka sa lahat ng recitation ko pati na din sa ibang subject teachers niyo."

Sa totoo lang first time kong sasali sa ganto at kinakabahan ako.

"Pwede ko po bang pag isipan mam?" tanong ko

"Ok ok, hindi naman kami mamimilit. Pag isipan mo at sana pumayag ka."

Ngumiti ako at umalis.

Hindi ko alam kung papayag ako o hindi, pano kung mapahiya ako? hindi ako makasagot di ba? Dadalhin ko ang pangalan ng school namin kaya pag nagkamali ako at natalo, dami ko na namang bashers.

Pababa na ko ng makita ko ang tingin niya sakin.

Umiwas siya at tumalikod.

Anong akala niya hahabulin ko siya? Kung hindi siya naniniwala at wala siyang tiwala sakin, Hindi siya nababagay sa mundo ko!

***

"Bagay ba sakin ate?"

Si mikmik habang suot ang isang white dress

"Oo mik bagay!" sagot ni Aliah

Pumasok na uli sa fitting room si Mikmik.

"Ano prenny? Nakadesisyon ka na ba sasali ka ng competition?" sabe niya habang pumipili ng damit.

"Hindi pa nga eh" sagot ko

"If i were you, sasali ako gagawin ko ang best ko, magtiwala ka sa utak mo prenny, ang talino mo kaya."

"Sige na nga prenny" sagot ko

"Good!"

"Ate tignan niyo nga!" sigaw ni Mikmik kaya lumapit kami.

"Ayoko niyan Mikmik masyadong daring!" sagot ko

Nakalabas kasi ang cleavage niya.

Nag pout siya

"Sayang ang sexy ko pa naman." sagot niya at pumasok uli ng fitting room.

"Hi Ate!"

Napalingon ako sa kumalabit sakin.

Napakunot ang noo ko.

"Don't you remember me? I'm Kuya Eight's young sister."

Kapatid pala ni Otso to, yung binigyan namin ng napkin sa highschool.

"Hello anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya

"Shopping, buying some clothes." sagot niya

Ang cute talaga neto.

"Why do you look like nerd right now? When i saw you with Kuya, you look gorgeous."

Dudugo ata ang ilong ko sa batang to.

"Nothing, i just wanted to look like this." sagot ko sa kanya

Nag nod siya

"Hi! I'm Aliah" singit ni Aliah.

"Hello, I'm Ethena"

Cute talaga sarap pisilin ng pisngi.

"Ikaw lang ba mag isa? Sino kasama mo?" tanong ko sa kanya.

"I'm with--

Napalingon ako sa tinignan niya at nanlaki ang mata ko, tumalikod agad ako at nag kunwaring naghahanap ng damit.

"Kuya, I'm here!"

Patay tinawag pa talaga.

"Bigla bigla kang nawawala!"

"I saw your girlfriend so i go here!"

Napapikit ako ng mariin.

"Ate!" tawag niya habang kinakalabit ako.

Lumingon ako sa kanilang dalawa. Seryosong nakatingin sakin si Otso.

"Ethena, let's go!" sagot ni Eight at naglakad.

"No, i'll be with ate!" sagot ni Ethena at kumapit sa kamay ko.

"WHAT?!" sigaw ni Otso

"Mag shoshopping pa kami." sagot ni Ethena sa kanya

Nakatingin sakin ang madilim na mga mata ni Otso para akong papatayin sa mga tingin niya, kung nakakamatay lang siguro talaga yun eh matagal na akong pinaglamayan dito.

"Ethena next time na lang, nagmamadali ata ang kuya mo." sabe ko sa kanya

Nag pout naman siya, ang cute cute.

"Kuya you said sasamahan mo ko! Why do you complain now?!" sigaw niya habang nakapout.

Jusko napakacute ni Ethena.

Lumapit siya sa kuya niya at niyakap to, sweet.

"Ang cute ng kapatid ni Eight, kung ano ang kinasindak ni Eight yun ang kinacute ng kapatid niya." bulong ni Aliah sa tabi ko.

"Pleaseeee!" pagmamakaawa ni Ethena sa kuya niya at nag puppy eyes pa.

"Ang cute niya prenny, kung ako yan pinayagan ko na yan, nakakadala ang puppy eyes niya." bulong uli ni Aliah.

"Ate Aliah!" sigaw ni Mikmik

Di na namin napansin si Mikmik Hahahaha!

Lumapit sa kanya si Aliah.

"Fine!" sagot ni Otso habang nakatingin sa malayo.

Sa totoo lang kahit hindi niya ipakita sobrang sweet at maalaga siya sa kapatid niya.

"Thank you Kuya! You're the best!" sigaw ni Ethena at tumakbo sakin

"Ate, he agreed!" sigaw niya at kumapit uli sakin. "I used to him my puppy eyes technique." dagdag niya habang nag puppy eyes din sakin.

Ang cute hahaha, sino bang makakatanggi sa puppy eyes ng batang to? sobrang cute.

Kung san san kami hinila ni Ethena, nakikita ko si Otso na nakasunod lang samin, siya ang naghahawak ng mga shopping bag. Sunod sunuran lang pala siya sa kapatid niya hahahaha.

****

"Do you know, Ate? Almost all of my classmate may crush kay kuya."

Nandito kami sa isang restaurant at kumakain.

"Ethena!" saway ni Otso habang nakaupo at nakacross arms

"Why kuya? I'm just telling the truth."

Napapangiti na lang sila Aliah at Mikmik, siguradong ayaw nila mag salita dahil natatakot sila sa tingin at awra ngayon ni Otso.

"tapos?" sagot ko at sinubo ang pasta na nasa tinidor ko.

"And always kong sinasabe na may girlfriend na ang kuya ko at mahal na mahal niya yun."

*orghhbh*

Bigla akong nasamid sa mga sinabe niya.

"Omyghad! Ate are you okay?"

Binigyan nila ako ng tubig at nahimasmasan naman ako.

Jusko, walang preno ang bibig ng batang to, hindi maganda ang mga sinasabe niya. Kailangan na ata basbasan ito.

Napatingin ako kay Otso at nakatingin din siya sa akin. Umiwas naman agad ako ng tingin.

"Basta,  i like you for my Kuya."

Parang may mga butterflies na naman sa stomach ko. Hindi ko alam kung bakit.

"Why do you like her for your Kuya?" biglang singit ni Prenny.

Siniko ko naman siya, dumagdag pa talaga ang babaeng to. Tumingin lang sakin si Aliah ng 'Bakit?'

"She is pretty and kind, And i know she'll take care of my Kuya."

Napatingin na naman ako kay Otso, nakatitig siya sakin.

"Wohhhh ang init grabe!"

"Hoy mikmik may aircon, anong mainit pinagsasasabe mo?" sagot ni Aliah sa kanya

"Basta mainit wohh!"

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Vote(◠‿◕)

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

Yashnien_Baculinacreators' thoughts