webnovel

My FakeBoyfriend

The characters and events portrayed in this story are fictitious. Any similarity to real persons, living or dead, is coincidental and not intended by the Author.

Yashnien_Baculina · Teen
Not enough ratings
30 Chs

21 Chapter Twenty-one

Derrick P.O.V

"Nasan siya?" tanong ko kay Mr. Lee

Nandito kami ngayon sa mansion nila Otso. Dalawang araw na kasi siyang hindi pumapasok kaya nag aalala na kami.

"Sundan niyo ako."

Nagkatinginan kami ni Bronze.

Sinundan namin si Mr. Lee at napunta kami sa isang kwarto.

Gym Room nila to ah, anong ginagawa dito ni Otso?

Nakita na namin siya. Nakasuot siya ng Gloves at malakas na sumusuntok sa punching bag. Sunod sunod at walang humpay.

"Dalawang araw na siyang ganyan, inaabot siya ng ilang oras na ganyan lang ang ginagawa." paliwanag ni Mr. Lee

Napapangiwi ako sa bawat suntok ni Otso. Hindi ba siya napapagod?

"Ilang oras na siyang ganyan?" tanong ni Bronze

Tumingin sa wrist watch si Mr. Lee at tumingin samin.

"Maglilimang oras na din." sagot niya

"Ano maglilimang oras?!"

Mukang sobrang naapektuhan siya ni Rebecca.

"Otso!" tawag ni Bronze sa kanya

Napalingon naman siya samin kaya tumigil siya.

~~~~

Rebecca P.O.V

"Nag break na kayo ni Eight?" tanong sakin ni Bea

Hindi ko alam kung bakit nang yayare to! Hindi ko din alam kung bakit ganun kagalit si Otso, eh fake boyfriend ko lang naman siya.

Hindi ko din alam kung bakit nalulungkot ako, dalawang araw ko nang hindi siya nakikita. Hindi ako sanay na wala ang presensya niya.

"Hay naku Bea bat nagtatanong ka pa?" Sagot ni Kim na bigla na lang sumulpot.

"Malamang break na sila, niloko ba naman niya si Eight nu." sagot din ni Kate.

"Kayo ba ang tinatanong ko?"

Napatingin ako kay Bea.

"Oh sige tanungin natin si Rebecca." sagot ni Kate

"Rebecca what happened to you and Eight? After he knows that you are cheating on him?" tanong ni Kim sakin

Nakatingin sila sakin, hinihintay nila ang sagot ko pero wala kong balak sagutin ang mga yan.

"Sabe ko naman sayo girl hindi sila mag tatagal."

Nagtawanan pa sila sa harap ko. Tama ang sinasabe ni Aliah, mga plastik talaga ang mga to.

Natapos ang klase na lutang ako. Lagi na lang akong lutang nakakainis.

Tama lang din na nag kaganito kami ni Otso. Mag bebreak din naman kami. 1 month lang naman ang pagiging fake girlfriend ko sa kanya.

Sa garden na naman ako tatambay, ayoko na kasi madinig ang mga sinasabe nila sakin.

Puro bulungan pero dinig na dinig mo naman ang mga sinasabe.

Pag labas ko ng building.

*PSHHHHHHHHHH!!

Napatingin ako sa taas kung saan ng galing ang tubig na nabuhos sakin.

Tawanan ng mga babae ang mga narinig ko.

"BUTI NGA SAYO!!" Sigaw pa ng mga to.

Basang basa ang uniform ko. Medyo mabaho pa ang tubig parang tubig sa map.

'Buti nga sa kanya'

"Akala niya ata ganun ganun na lang ang gagawin niyang panloloko kay eight."

"Bakit pa kasi yan yung napiling girlfriend ni Eight."

"Wala naman siyang sense of fashion nu."

"Kawawa naman ang prince natin."

Di ko na lang pinakinggan abg mga sinasabe nila, nag lakad na lang ako. Uuwi na lang siguro ako.

"Hi Bekang"

Napalingon ako sa tumawag sakin.

Si Nancy.

"Ang kapal talaga ng muka mo nu?"

Nagtawanan ang mga alipores niya.

"Si eight pa talaga ang niloko mo nu? desperada ka kasi"

Ako pa talaga ang desperada o siya?

"Ano sumagot ka?" sagot niya uli at tinulak pa ko. "OMG! WET NASTY!!" Sigaw niya.

Agad naman lumabas ang alcohol sa isa sa mga alipores niya at nilagyan siya neto sa kamay.

"Bakit wet ka bekang? Mukang hindi lang ako ang may galit sayo." at tumawa pa siya.

"Di ba matapang ka? Bakit hindi ka sumasagot bekang?"

Tumalikod na ko at naglakad.

"Hoy hindi pa ko tapos sayo!" sigaw niya

"Tumigil ka na Nancy!"

Napalingon ako sa sumigaw.

"Wag ka ngang mangielam dito Xavier!" sigaw ni Nancy sa kanya.

"Mag usap tayo!" Sigaw ni Xavier at hinila na si Nancy.

Di ko na lang sila inintindi, pupunta na lang ako ng garden.

Ayokong dumaan dito, papunta nga pala ng cafeteria ito. Ang daming nakatingin sakin kaya lumiko ako.

*BOGS*

Argghhh! Napatingin ako sa kamay kong may gasgas.

May pumatid sakin.

"Ay nadapa!"

Nagtawanan lang silang lahat.

Biglang may humawak sa dalawang braso ko.

"Eto na lang ang dalhin natin kay boss."

Napatingin ako sa dalawang lalaking may hawak sakin, WAHHHH!! PANGET!!!

"Ano ba bitawan niyo ko!!" sigaw ko sa kanila habang hinihila ang dalawang braso ko.

"Wag kang malikot puta!" Sigaw ng isa at sinuntok ang sikmura ko.

Arggh! Ang sakit parang tumigil saglit ang paghinga ko!

Dinala nila ako sa field, madami silang lalaki.

"Eto na boss, di ba siya yung dahilan kung bakit ka nabugbog ng BIG14 dati?"

Napatingin ako sa boss nila.

Siya yung manyak dati nung inutusan ako sa Faculty.

"Baka naman mapahamak tayo dyan!"

Nakaupo na ko sa field, ang lakas ng suntok sakin kaya hindi na ko makakatayo.

"Hindi yan boss, galit na sa kanya ang buong campus pati ang big14 kaya kahit may gawin ka dyan, wala silang pakielam"

Tumawa silang lahat.

"Magaling magaling!" sagot neto habang pumapalakpak pa.

"Mga walang hiya kayo!!" sigaw ko sa kanila.

Bigla niyang hinatak ang buhok ko.

"Matapang ka ah?!"

*SLAPPPPPPP*

Lumagutok ang isang sampal sa pisngi ko. Sobrang lakas parang nawala ang balat sa mga pisngi ko.

Ngumiti ako at lumingon sa kanila.

"Yun lang ba ang kaya niyo?" sagot ko at tumawa ng mahina. "Malakas na yun?"

"Aba gago ka ahh!!"

Bigla namang may sumipa sa likod ko kaya napahiga na ko.

"Kunin niyo yung baseball bat! Matapang to eh! Gusto ko yung mga ganto!!"

Naninilim na ang paningin ko.

"HOY!" Biglang may sumigaw.

Alam ko ang boses na yun!

~~~~

XAVIER P.O.V

"Ano ba Xavier! Binatawan mo ko!!" Sigaw ni Nancy sakin.

Nandito na kami sa likod ng building kaya binitawan ko na siya.

"Ano bang problema mo?" tanong neto sakin.

"Ikaw ang may pakana nang lahat."

Nanlaki ang mga mata niya.

"Anong sinasabe mo?" pagkakaila niya.

"Nancy bakit mo ginawa yun?" tanong ko sa kanya

Namimilog ang mga mata niya. Parang hindi makapaniwala.

"Nababaliw ka na ba? Anong pinagsasasabe mo?"

"Nancy wag na nga tayong maglokohan dito! Ikaw ang nag post sa secret files! Ikaw ang kumuha ng mga video at pictures ni Rebecca!" sigaw ko sa kanya

"Wala kong alam sa mga sinasabe mo!" sigaw niya at aakmang aalis kaya agad ko siyang hinila.

Inutusan ako ni Bronze na itrace kung san nanggaling ang mga post. Agad ko nakita ang Address dun, at kila Nancy yun kaya hindi ako pwedeng mag kamali.

"ANO BA!?" Sigaw niya

"Umamin ka!"

"OO AKO NA!!" sigaw niya

Siya nga.

"Masaya ka na?" dagdag niya

Nakatitig ako sa kanya, di ako makapaniwalang nagawa niya to lalo na sa pinsan niya.

"Ano isusumbong mo ko?"

"Nancy mali tong ginawa mo!" sigaw ko sa kanya.

Maling mali to.

"Sige isumbong mo ko! Ipakita mo sakin na talagang dapat hindi kita gustuhin!"

"Mahal kita Nancy! pero mali to, maling mali!!"

"Ngayon ko makikita kung mahal mo talaga ako." sagot niya at agad na umalis.

Anong gagawin ko?

Mahal ko siya

At ayaw ko siyang mapahamak.

~~~

Aliah P.O.V

Ang babaeng yun, nasan kaya si prenny? Kanina pa ko hanap ng hanap sa kanya. Mamaya napano na yun.

"Aliah!"

Napalingon ako sa tumawag sakin. Si Derrick, kasama niya si Bronze at Eight.

Dalawang araw kong hindi nakita si Eight. Iba na ang awra niya, hindi na katulad ng dati na maaliwalas ang kanyang pagmumuka. Para tong nabalutan ng madilim, masamang basta yun na yun hahaha.

"Sa rooftop na muna ko." sambit ni Eight at nag lakad.

Sa di kalayuan nakita ko si Zake na may kalgang babae.

Napakunot ang noo ko. Anong nangyare?!!!

"PRENNY!!!?" Sigaw ko

Lumapit si Zake sakin at agad kaming lumabas ng school.

~

Derrick P.O.V

Buti na lang at nakumbisi na naming pumasok si Otso. Bumalik na siya sa dating siya. Yung Otso na basagulero, lasenggero, at naninigarilyo.

Papasok na kami ng campusa ng makita ko si Aliah.

"ALIAH!" tawag ko dito

"Sa rooftop na muna ko." sabat ni Otso at nag lakad na.

Cutting na naman ang gago.

"PRENNY!!"

Napalingon ako kay Aliah dahil sa sigaw niya. Mukang magkikita pa ata ang dalawa.

Pero iba ang nakita namin, buhat buhat ni Zake si Rebecca. Namumutla at sugatan to.

Napunta ang mga mata ko kay Otso. Nagulat to at parang naistatwa sa kinatatayuan niya. Nag bago din ang tingin neto.

Siniko ko si Bronze kaya napatingin din siya kay Otso.

"Patay, nalintikan na!" sambit ni bronze

Onti onting namuo ang kamao ni otso parang gusto niyang manapak at bugbugin ang lalaking may hawak kay Rebecca.

Huminga ng malalim si otso at nag lakad uli.

Napabuntong hininga din kami ni Bronze. Kala namin hays

~

Aliah P.O.V

Nandito ako ngayon sa kotse ni Zake papunta kami ngayon sa hospital.

Hawak hawak ko ngayon si prenny, nakahiga siya sa lap ko.

"Prenny prenny! gumising ka!" sabe ko habang tinaptap ang pisngi niya.

"O-ook la-lang aa-ko" sagot niya at ngumiti

Sobrang putla ni prenny, at puro galos siya.

Biglang bumukas ang pinto ng kotse.

"Tara dalii." si zake at kinuha si prenny.

"Bat nandito tayo? akala ko hospital?" tanong ko

Nandito kami sa bahay nila zake, ang laki din pala ng bahay nila, mansion.

"Mas komportable dito kesa sa hospital." sagot niya

Agad naman kaming nakapasok sa loob.

"Young Master!" bungad sa kanya.

"Tawagan niyo ang family doctor natin. Pati ang ibang maid pakisabe ihanda na ang lahat." sagot ni Zake habang palakad kami sa taas.

~~~~

Derrick P.O.V

Nandito kami ngayon sa rooftop ng Big14, nakatingin kami ngayon sa nagkalat na gamit.

Ang lamesa nakataob at wala ng paa, ang tv namin basag na, sobrang gulo.

"Boss wala na tayong gamit!" si Lim na parang paiyak na HAHA

"Mukang mapapabili tayo ng bago ah" sabat ni Bronze at napakamot sa ulo.

"F*CK Sino ang may gawa neto sa kanya?"

"Sila Jake boss yung senior." sagot ni Ken

Kinuha ni otso ang baseball bat na nasa gilid.

"I WILL F*CKING KILL HIM!!"

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Vote naman dyan(≧▽≦)

Vote~

Yashnien_Baculinacreators' thoughts