webnovel

My FakeBoyfriend

The characters and events portrayed in this story are fictitious. Any similarity to real persons, living or dead, is coincidental and not intended by the Author.

Yashnien_Baculina · Adolescente
Classificações insuficientes
30 Chs

16 Chapter Sixteen

Sunday Morning

"Prenny bili tayo ng bibingka saka puto bungbong." yaya ko kay aliah mag papalibre ako hahahaha

"Masarap ba yun prenny?" tanong niya sakin

"Oo sobra" sagot ko sa kanya

Kalalabas lang kasi namin nang simbahan kaya eto kainan na mga bebe!

"Ate Bekang gusto ko nang fishballs." singit neto ni Mikmik

"Huh? san mo natikman yan ha mikmik?" tanong ko

"Ahmmmm may kaibigan kasi ako ate pinatikim ako ng fishballs sobrang sarap."

Pagtapos naming bumili ng bibingka ay pumunta naman kami sa fishballan. Pati si Prenny naadik sa lasa sobrang sarap daw. Grabe talaga tong mayayaman na to fishball, kikyam di pa nila nakakain.

Sabe daw kasi ng parents ni prenny madumi daw ang street foods kaya di siya nakakain ng mga to.

Pag kauwi namin ayun napalaro na naman kami nang UNO. syempre mandurugas na naman si prenny hahaha.

*DING DONGGGGG!!!*

Nagulat naman kami sa doorbell, agad namang tumayo si mikmik at binuksan ang pinto.

"Hi kuya otso"

napalingon naman agad ako dahil may demonyong unggoy na naman.

"Problema mo?" bungad ko sa kanya

"Wala bakit?" sagot niya at hinila ako palabas

"Hoyyy! san mo na naman ako dadalhin!" sigaw ko sa kanya

"Basta!"

Sapilitan niya kong pinasok sa kotse at pinaandar niya na.

"San ba tayo pupunta?" tanong ko sa kanya

"Samahan mo ko mag papagupit ako" sagot niya

"Kailangan talaga kasama ko? Magpapagupit ka lang kasama pa ko? Monggoloid ka talagang Demonyong Unggoy ka!" sabe ko at nag cross arm.

Buong byahe daldal ako nang daldal pero siya walang pake.

Nakarating kami nang mall at agad na pumunta sa isang salon.

Pag pasok pa lang namin nang salon, syempre lumusog na ang mga mata nang mga babae at bakla at agad na lumapit samin.

"Hi sir"

"Good afternoon sir"

Ang lalandi nang mga to, kala mo naman magugustuhan sila ni otso.

Umupo na lang ako sa tabi, bahala siya dyan!

"Ay sir eto pong kasama niyo, katulong niyo po?" tanong nang babae kay otso.

At talaga namang nakakakulo naman talaga nang kalamnan tong babaeng to.

"No, she's my girlfriend." sagot ni otso

pinupukpok na naman tuloy tong dibdib ko.

kinikilig ba ko?

HINDI NU?! DUH!

---------

"Hey!"

"Ano ba?!"

"Gising na Beka!"

"Natulog eh!'

"HOY!!"

nagulat ako sa sigaw kaya napatayo ako!

nakatulog pala ko, tinignan ko si otso.

Ang gwapo naman nang demonyong to. Mas lalong nakita ang kagwapuhan niya dahil umikli ang buhok niya.

Fresh look ang demonyong unggoy.

"Hey! Alam kong gwapo ko, wag mong titigan." sabe niya

Inisnaban ko lang siya at lumabas na kong nang salon.

Habang nag lalakad kami, halos lahat nang masasalubong namin ay nakatingin sa demonyong to.

"Anong gusto mong kainin?" tanong niya sakin

"Wala gusto ko na umuwi" sagot ko sa kanya

"Ayoko nga." sagot niya

Napadaan kami sa Arcade.

Natandaan ko na naman tuloy si Zake. Namimiss ko na siya. Hanggang ngayon iniiwasan niya pa din ako.

Sa totoo lang nalulungkot ako pag di ko nakakasama yung lalaking yun.

Kundi lang sana panira tong demonyong unggoy na to edi sana may love life na ko.

Ang kaso nagbibiro lang pala siya nun sa Mc Do. Wala din akong aasahan.

"Are you with me?"

"Ha?" sagot ko kay otso.

"Ang sabe ko punta tayo sa condo ko"

"Anong gagawin natin dun? baliw ka ba?"

"Anong akala mo gagahasain kita? Sa panget mong yan?" sagot niya sakin

"Aba't ang kapal naman nang muka!" sigaw ko sa kanya

Hinila niya na lang ako papunta sa parking lot at pinasakay sa kotse niya.

Ewan ko ba sunod sunuran ako sa gagong to.

Baka kasi may baril na naman to, ayoko pang mamamatay nang maaga nu.

Pag pasok namin nang Building hila hila niya pa din ako hanggang sa elevator.

Tahimik kaming nasa loob nang elevator hanggang sa humarap sakin si otso.

"Anong gagawin mo?" tanong ko sa kanya

lumayo akong nang onti sa kanya

Nakangiti siya sakin mahabang palapit nang palapit.

Hanggang sa na corner niya na ko, wala na kong maatrasan.

"Hoy ano ba otso! Tigil tigilan mo nga ko" sabe ko pa.

"Naalala mo ba yung sa Ferris wheel sa Enchanted Kingdom?" tanong niya sakin

Wahhhh yung nag kiss kami!!! Wag niya sabihing gagawin niya yun? Wahhhh!

Napalunok na lang ako habang nakatitig siya sa mga mata ko.

Nag dikit na ang mga ilong namin, nararamdaman ko na din ang pag hinga niya.

Pumikit na lang ako, para mawala ang kaba ko.

*TINGGG*

"May panis na laway ka pa" narinig kong sabe niya

Kaya napadilat ako, wala na siya at nakabukas na ang elevator.

Agad din akong lumabas.

Ano daw sabe niya?

May panis na laway ako?

Agad kong hinawakan ang bibig ko. Wahhh may matigas nga sa gilid nang bibig ko. Kanina pa to di ba? Pag alis namin sa salon? kainis pahiya ako dun ahhh.

Agad ko siyang hinabolat nakapunta na ko sa condo niya.

Nasa kitchen na siya, nakaapron na pink.

"Sabe na nga ba ehh, ikaw yung nakita kong nakaapron na lalaki dito sa kusina" sabe ko sa kanya

pero hindi siya sumagot, ganda talaga kausap netong demonyong to.

"Mahilig ka sa pink nu?" tanong ko sa kanya habang nagiikot sa kitchen niya

Ang linis kasi nang place niya, parang babae ang nakatira.

"Bakla ka siguro hahahaha" dagdag ko

Naramdaman kong may yumakap sakin mula sa likod.

"Sinong bakla?" tanong niya

Nangilabot agad ako.

"Wala joke lang! Di ka naman mabiro!"

"Gusto mo patunayan ko sayong lalaki ako?"

"Wag na otso! Ok na! Bitawan mo ko!" Sigaw ko sa kanya

"Wala wala!" sagot niya at binuhat ako

"KYYYYAHHHHHH!!" tili ako nang tili

hinagis niya ko sa sofa at kiniliti.

"HAHAHAHA ANO BA OTSO! HAHA TAMA HAHAHA NA HAHAHA!"

todo kiliti pa din sakin si otso.

naramdaman naming nakapatong na pala siya sakin.

kaya agad kaming nag ayos nang upo.

"Sorry" nasabe ko na lang

Awkward tuloy!

"Magluluto lang ako" sagot niya at pumunta agad nang kusina.

Binuksan ko na lang ang T.V niya at nanood.

*DING DONGGG!*

agad akong tumayo at binuksan ang pinto.

"Boss!"

"Ay Ms. Rebecca nasan si Eight?" tanong neto ni Derrick na mukang nagulat pa sakin.

"Wait tawagin ko" sabe ko sa kanya

Agad akong pumunta sa kusina

"Sino yung nag doorbell?" tanong ni otso

"Si Derrick hanap ka niya." sagot ko

Parang nagulat din siya at tinanggal ang apron niya kaya nakatopless na lang siya.

Sinundan ko naman agad siya.

"Dyan ka lang muna" sabe sakin ni Otso at sinarado ang pinto.

Huh? ano kayang meron?

Umupo na lang uli ako sa sofa at nanood.

Agad namang bumalik si Otso at pumuntang kusina.

Paglabas niya ay kumain na kami.

"Anong pinag usapan niyo ni Derrick?" tanong ko sa kanya

"Wala ka na dun" sagot niya

"Nagtatanong lang eh" sagot ko at inisnaban siya.

---------

MONDAY

"Class ang project niyo bukas kailangan na ipasa!"

"Yes Mam" sagot namin habang nag aayos nang mga gamit namin.

"Ahmm, Hi Rebecca? Pupunta ka ba sa rooftop sa BIG14?" biglang sulpot neto ni Kim

"Eh? Hindi ko alam eh, baka puntahan ko pa si Aliyah" sagot ko

"Ay ganun ba?"

"Gusto mo sumama?" tanong ko sa kanya

"Ay no thanks, sabihan mo na lang ako pag may pupuntahan kayo kasama ang Big14 ah?"

tumango na lang ako sa kanya.

Agad akong lumabas sa room namin.

"BABE!!"

hays sino pa nga ba?

Edi ang Demonyong Unggoy!

Nag tinginan na naman ang mga istudyante samin kaya sweet sweetan naman ang unggoy.

Agad niya kong niyakap at hinalikan sa noo.

"Namiss kita babe" sabe niya

"Namiss din kita" sagot ko at niyakap din siya

"Mamaya may meeting kami nang mga kagroup ko sa 104 room, samahan mo ko babe ahh?!" sabe niya

"Ha? Eh ma--

Bigla niya kong hinigit at bumulong

"Basta sumama ka 8:00, pag hindi ka sumama patay ka sakin"

Pano ko magagawa yung project ko?! Bwisit talaga na Demonyo to, nakakapang gigil!!

"Tara Babe, sabay tayo mag lunch!" sigaw niya at hinolding hands ako.

Agad kaming nakapunta nang Canteen.

"Kailangan ba talaga kasama pa din kita hanggang dito?" sabe ko sa kanya

"Gusto mo bang mahuli tayo ni Lolo?" sagot niya

Nanahimik na lang ako, Bwisit na buhay to.

"PRENNY!!"

Agad akong napalingon kay Aliyah

"Opssss!" Sigaw ni Otso

At humarang sa harap yo ko habang yakap ako.

"Akin lang to!" Sigaw niya

"Di ko naman aagawin girlfriend mo, masyado ka!" sabe ni prenny

"Masyado ka namang Over Protective boss"  may nagsalita sa likod namin.

Ang Big8 pala, ang gagwapo talaga.

"Tara sa Rooftop na lang tayo, Mag padeliver kayo nang pagkain na gugutom ako" sagot ni Otso at inakbayan ako, kaya sumunod na labg din ako.

Pag punta namin nang rooftop.

Nakita namin si UNO sa sofa na may kasamang babae, nakapatong pa siya.

Agad tinakpan ni Otso ang mata ko.

"ANO BA YAN UNO! SINABENG MAY CONDO KA NAMAN EH, DI KA PA NAG HAHASIK NANG LAGIM" rinig kong sigaw ni Bronze kaya lahat kami nag tawanan.

Tinanggal naman ni Otso ang kamay niya sa mata ko.

Nakabihis na ang dalawa.

"Sge na darling, punta ka na lang sa condo ko mamaya" sabe ni Uno at hinalikan ang babae at umalis.

"San mo na naman napulot yun?"

"Ah dyan sa Junior High, Ang ganda nu? Hinog na hinog na eh kailangan nang pitasin" sagot ni Uno.

Napailing na lang ako sa sagot niya.

"Child Fucker ka talagang kupal ka!"

Nagtawanan naman kaming lahat.

Pagtapos naming mag kwentuhan at kumain ay bumalik na kami sa mga klase namin.

-----

Naglalakad ako papuntang room ko nang makita ko si Zake na makakasalubong ko.

"Zake!!" sigaw ko kaya napatingin siya sakin

Pero imbis na lumapit siya ay nag iba siya nang daan.

Hanggang ngayon iniiwasan niya pa din ako. Ano ba talaga ang problema niya?

Natapos ang klase ko na lutang ako, iniisip ko kasi talaga si Zake kung ano ba talagang ginawa ko at di niya na ko pinapansin.

*Brrrttttt Brrrrrttt*

Agad kong kinuha ang cellphone ko dahil nag vibrate.

*DEMONYO CALLING...

Sinagot ko naman ang tawag nang unggoy.

"Where the fck are you?"

"Sandali lang kasi kakalabas ko lang nang room" sagot ko sa kanya

"Hurry up! Slow poke!"

"At ta----

*Toot* *Toot* *Toot*

Bastos talaga yung demonyong unggoy na yun.

Agad akong pumuntang 104 Room at nakita ko naman sila sa loob kaya pumasok na lang ako at umupo.

Nag aaral naman pala tong unggoy na to eh bat kaya siya pinapagalitan sa faculty na bagsak siya?

Pagkatapos nang meeting nila ay nag sialisan na sila, natira na lang kaming dalawa ni Otso.

"Ano bang ginagawa niyo?" tanong ko sa kanya

"Wala ka na dun"

Ganda kausap!

Habang nag tatype siya sa laptop niya eh may narinig kaming kalabog sa pinto.

Kaya agad akong pumunta sa pinto.

Bubuksan ko na sana pero hindi ko na mabuksan.

Napatingin ako kay otso

"Ayaw mabuksan!!!" sigaw ko sa kanya

"Ha?' agad siyang tumayo at lumapit sakin

Di niya din mabuksan.

Hinahampas hampas ko yung pinto.

"HOY MAY TAO PA DITO!" Sigaw ko

Tinignan ko uli si otso at nakaupo na siya.

"Hoy! Anong ginagawa mo?! Na lock tayo!!" sigaw ko

"Tatawagan ko lang yung guard"

Nag nod lang ako para makalabas na kami dito.

"Fck wala kong load." dagdag niya at tinignan ako

"Ano? Ang yaman yaman mo! Wala kang load?" sagot ko sa kaniya

Bwisit naman kasi na demonyo to, may mga Lamborghini, walang load!

Buti na lang at may load ako.

"Akin na yung number nang guard, ako na tatawag." sagot ko.

"Ha?"

"Ang sabi ko akin na yung number nang guard!"

Binigay naman niya agad at tinawagan ko.

"Hello" bungad ko

"Hello, sino to?"

"Kuya nan----

Di ko natapos ang sasabihin ko.

"Why?" tanong ni otso

"Lowbat ako!" sagot ko

Agad kong hinahampas hampas agad yung pinto, baka sakaling may makarinig sakin.

"HELLO!! MAY TAO PA BA DYAN!! NAKULONG KAMI DITO!!"

"Wag ka nang sumigaw, walang makakarinig sayo" sagot netong demonyo

"Eh pano tayo makakalabas dito?" tanong ko sa kanya

"Bukas na tayo makakalabas." sagot niya.

Umupo na lang ako sa tabi.

Mukang bukas na nga talaga kami makakauwi.

---------

"Nagugutom na ko" sabe ko sa kanya

Bigla siyang may nilabas na sandwich.

"Oh! kainin mo" sabe niya

Agad ko naman kinuha dahil nga gutom na talaga ko.

"Oh tubig"

"Ano ka boy scout? Bat may mga dala kang pagkain?" tanong ko sa kanya

"Kakainin ko dapat yan kanina." tipid niyang sagot

-----------

(. ❛ ᴗ ❛.)

Yashnien_Baculinacreators' thoughts