webnovel

My FakeBoyfriend

The characters and events portrayed in this story are fictitious. Any similarity to real persons, living or dead, is coincidental and not intended by the Author.

Yashnien_Baculina · Teen
Not enough ratings
30 Chs

15 Chapter Fifteen

"Prenny mukang masama ang panahon ngayon ahh." sabe ni Aliah habang nakadungaw sa bintana

"Oo nga eh, may pasok kaya tayo?" tanong ko

"Wala namang na announce kahapon eh." sagot ni Aliah "Si Manong umuwi pa namang probinsya nila dahil namatay na yung nanay niya." dagdag ni Aliya

"Hala ate sino mag dadrive satin?" biglang sulpot neto ni Mikmik, kung san san talaga sumusulpot ang bata na to.

"Syempre ako, marunong naman ako eh." sagot ni Aliah

Agad naman kaming nag asikaso para sa mga dapat gawin namin, nakapagluto na rin ako.

Inuna naming ihatid si Mikmik sa School niya. Maganda rin pala ang School niya malaki.

"Prenny coffee muna tayo." sabe ni Aliah

"Naku prenny wala kong pera, lam mo naman di ba?" sabe ko sa kanya

"Hay naku prenny, ilang buwan ka ng nakatira sa bahay nahihiya ka pa rin sakin. Libre ko syempre!" sagot ni Aliah.

"Ok, di naman ako tumatanggi sa libre eh hahahaha" sagot ko

Di na kasi ako nag tatrabaho sa fast food eh. Ako na lang lagi ang naglilinis at gumagawa sa bahay nila Aliah para may silbi naman ako hahahaha.

"Ayan ganyan dapat makapal ang muka hahahaha." sagot niya

Nagtawanan pa kami at nag kwentuhan.

Nang makarating kami sa coffee shop syempre nag kape kami. Ano gusto mo mag lugaw kami? hahahaha jukjuk.

"Prenny grabe talaga yung kilig ko!" sabe ni Aliah

"Kanino?" tanong ko

"Kay Bronze." sagot niya habang nakahawak pa ang mga kamay.

"Ano nangyare? Mag kwento ka nga paputol putol eh dapat ako unang makaalam niyan." sabe ko sa kanya habang nakakunot ang noo.

"Ganto kasi yun Prenny. Kahapon di ba? Inaayusan niyo ko nila Mikmik."

Tumango naman ako.

Sobrang ganda na ni Prenny ngayon di ko na siya makilala. Malamang sa malamang pag pasok namin ng School mamaya ay magulat sa kanya ang mga student.

"Eto si Mikmik iniwan ako may pupuntahan daw siya, edi solo baliw ako sa mall Prenny tapos etong si Derrick sumulpot bigla at sigaw ng sigaw ng Aliah ang ganda mo." kwento ni Aliah at nilagay ang buhok sa tenga.

Natawa naman ako.

"Dalagang Pilipina yeahhhh🎶. Dalagang Pilipina yeahhh🎶🎶" kanta pa ni Prenny siraulo talaga tong babaeng to.

"San mo na naman nakuha yan? HAHAHAHA!" tanong ko sa kanya

"Tangek Prenny, uso yan sa tiktok ngayon!" sagot niya at hinawi na naman ang buhok niya papunta sa tenga niya. "Dalagang Pilipina yeaahhhhhhh" kanta niya uli

"Oo na mag kwento ka na ano na nangyare?" tanong ko sa kanya nabibitin ako sa kwento eh

"Ayun Prenny, kasama niya yung BIG 14 syempre yung Bronze ko din tapos etong si Derrick hinawakan yung kamay ko tapos nag tatawanan na naman yung mga BIG14 tapos biglang may humawak ng kamay ko sa kabila, ayun na Prenny si Bronze hawak hawak kamay ko tapos hinila ako kay Derrick. Edi nag hilaan sila p*ta ang sakit ng braso ko pero yung BIG14 nag tatawanan pa rin. Edi binitawan ako ni Derrick. JusKO! Prenny subsob ako sa Abs ni Bronze prenny ang tigas mainit!" sunod sunod na kwento ni Aliah

Ayus mag kwento to si Prenny ehh may pa acting effect pa na hinihila siya kaya natatawa ko dito.

"Syempre Prenny di ako nag pahalata kasi Dalagang Pilipina ko." dagdag niya pa

Natawa na naman ako sa Dalagang Pilipina niya HAHAHA!

"Ang bango ni Bronze Prenny, first time kong mahawakan at maamoy siya ng ganung kalapit prenny syempre di ba simpleng singhot lang prenny para di mahalata. Tapos ayun Prenny mas lalong nag tawanan yung BIG14 tapos sabe nila 'Patay ka kay Bronze HAHAHA! Sumosobra ka na daw Derrick!' Ayun prenny di ko na alam kung ano pinag sasasabe nila basta ako nakasubsob pa rin HAHAHA. tapos ayun na nga prenny hinila niya na ko palayo sa mga BIG14 edi dalawa na lang kami Prenny. tinanong niya pa ko 'kung may masakit ba daw sakin? kung nasaktan ba daw ako sa pag hila niya. Sagot ko prenny di naman ok lang.' tapos prenny ayun nag date kami, ay date ba tawag dun? nag sine kasi kami tapos nilibre niya pa ko sa restau tapos prenny nag——nag——nag—-'

"ANO? ANO?!" tanong ko pabitin pa tong kupal na to eh

"Nag kiss kami Prennyyyyy!!!"

Napatigil ako sa sinabe niya. May natandaan ako bigla. JusKO! Dapat di na tinatandaan yung ganung bagay eh! Nakakainis! Bat ba kasi pumikit ako? Eh kung tinulak ko na lang siya kagad edi ok pa sana di ba? Nakakainis ayaw kong makita ang lalaking yun nakakahiya ang Awkward!

"Prenny? Ok ka lang ba? Galit ka ba? Sorry Prennyy."

Bumalik ako wisyo ko at napatingin kay Aliah

"Hindi Prenny wala wala. Ok lang Prenny." sagot ko sa kanya

Napakunot naman ang noo ni Aliah

"May iniisip ka Prenny ehh. May humalik sayo nu? Nung sinabe kong kiniss ako ni Bronze para kang napatulala ehh."

Nagulat naman ako sa tanong ni Prenny

"Ha? Hindi prenny naisip ko lang kung ano kayang feeling mahalikan ni Zake HAHAHAHA!" sagot ko

"Prenny wait wait ka lang, ramdam ko naman gusto ka niya eh." sagot ni Aliah.

"Naku prenny mas malabo pa sa kanal, biniro niya nga lang ako sa Mc Do nun eh."

"Hangga't nabubuhay tayo prenny may pag asa." sabe niya sabay tingin sa taas na parang langit ang tinitignan "Saka Prenny member ka rin ng Dalagang Pilipina kaya magugustuhan ka ni Zake." dagdag niya

Baliw nga talaga tong babaeng to, puro dalagang pilipina.

Humigop ako sa kape ko at tumayo na.

"Tara na nga Prenny, baka masiraan ka na ng tuluyan eh." sabe ko sa kanya

"Ang sama mo sakin Prenny!" pahabol niya

Nag lakad na kami palabas

"Ganyan ba epekto ng halik ni Bronze? Nagiging dalagang pilipina. HAHAHAHA!" sagot ko sa kanya

"Si Catriona Gray nga eh, Dalagang Pilipina din. HAHAHA!" sagot niya habang natatawa

Agad naman kami nakapuntang School at talaga namang malilim ang panahon ngayon.

Dapat nag sususpinde sila ng klase pag ganto eh mamaya baka bumagyo kawawa naman kami.

Katulad nga nang inaasahan ko ay gulat na gulat nga ang mga student sa bagong look ni Aliah.

Syempre etong bestfriend ko kinareer naman ang pag papaganda dahil siya daw ay Dalagang Pilipina HAHAHAHA!

Agad naman kaming napunta sa kanya kanya naming klase.

"Ms?" tawag ko sa teacher namin

"Yes, Ms. Agustine?"

"May i go out?" tanong ko

Tumango naman siya kaya agad din akong lumabas, kanina pa kasi akon ihing ihi eh.

Nakapunta naman agad ako sa CR, syempre lam mo na ginawa ko hahahah.

Pagbukas ko ng pinto ng cubicle...

"Ow, Hi bekang"

Bumungad sakin ang muka ni Nancy

"How are you Bekang?" tanong niya sakin

Di ko naman siya pinansin at naglakad na lang. Mukang may kakaiba na naman kasing mangyayare ngayon eh.

"Hoy kinakausap pa kita!"

Naramdaman ko agad yung kamay niya sa braso ko at hinila.

"Ano ba!? Nancy!" sigaw ko sa kanya

"Wow naman bekang, marunong ko na palang lumaban ngayon?" sabe niya sa akin at tinulak ako sa pader at biglang sinampal

Agad naman akong napahawak sa pisngi ko.

"Ano bang problema mo!?" tanong ko sa kanya at tinulak siya dahilan para mabangga siya sa pinto ng cubicle

"Ang—-"

"What's happening here?"

Napalingon ako sa pinto, nakatayo si Eight at nakatingin sa amin.

"HUHUHUHU!!! Otso tinulak ni—-niya ko dito. Walang naman a——akong ginagawa sa kanya huhuhuhu!!"

Napalingon naman ako kay Nancy, Best Actress!!!

"Bakit mo ginawa yun Babes?" tanong ni Otso sakin

"SINUNGALING!" sigaw ko kay Nancy at nag walk out na ko

Kakabadtrip, mas paniniwalaan niya pa yung babaeng yun, eh mas hamak naman na mas kilala niya ko tsk!

Di na ko bumalik sa room sa sobrang kabadtripan ko kaya na pag desisyunan ko na lang na pumunta sa cafeteria.

Nakikita ko ang isang makinang na lalaki mula sa gitnang table, napakagwapo naman neto ni Zake.

Namimiss ko na rin siya kasi hanggang ngayon di niya pa rin ako pinapansin.

Nilapitan ko na lang siya sa table niya

"Hi Zake" bati ko sa kanya sabay upo sa harap niya

Halatang nagulat pa siya sakin.

"Kamusta ka na Zake?" tanong ko sa kanya

"Ahmm.. Rebecca aalis na muna ko ah may kailangan kasi akong gawin eh." sagot niya at dali dali na umalis sa harap ko

Hays.. hanggang ngayon iniiwasan niya pa rin ako.

Tumungo na lang ako dito sa lamesa.

Mabilis na lumipas ang oras kaya agad akong pumunta sa classroom namin wala ng teacher kaya kinuha ko na ang bag ko.

Naramdaman kong nag vi-vibrate ang cellphone ko kaya agad ko tong tinignan

Prenny Calling...

"Oh? Prenny napatawag ka?" bungad ko sa kanya

[ Prenny kaya mo bang mag taxi? Sorry prenny nadala ko kasi yung kotse, may importante lang akong gagawin.]

"Ganun ba? Sge prenny ingat ka. Mag taxi na lang ako." sagot ko sa kanya

[ Sige prenny salamat, ingat ka ahh ]

Pinatay ko na yung call niya.

Lumabas na kong nang School.

Salamat naman di ko nakita yung Demonyong Unggoy na yun.

*BUSHHHH!*

Wahhhh umulan na nga talaga!

Tumakbo ko sa malapit na waiting shed. Ang malas naman talaga ohhh.

Magpapatila na lang talaga siguro ko.

——

Ilang minuto na ko nandito pero di pa rin tumitila ang ulan nakakainis!

"Hi Miss"

napalingon ako sa nag salita

Wahhh ang panget namumula pa yung mata niya at nakatitig sakin.

Di ko na lang siya pinansin at lumapit sa pinaka gilid ng upuan para makalayo sa kanya.

"Hoy Miss! Kinakausap pa kita!?" sigaw niya sakin

Di ko pa rin siya pinapansin, pumikit na lang ako.

Wahhh!! Pleaseee naman kuya umalis ka na!!!

Naramdaman kong may humawak sa braso ko kaya nataranta ako at sinipa siya.

"F*CK!!!"

huh?

Napatingin ako sa sinipa ko.

"Otso?"

Namimilipit siya, nasipa ko pala yung egg niya.

Hinanap ng mata ko yung panget, ayun nakahiga na at may pasa sa labi.

"Ikaw na nga tinulungan, ako pa tong sinipa mo!" sigaw ni Otso sakin

Tinulungan ko siyang makatayo.

"Eh hindi ko alam eh, akala ko yung manyak na yan yung humawak sakin." turo ko sa panget na manyak.

Nang makarecover na si Otso sa sipa ko ay bigla niya na kong hinila.

"Woyyy san tayo pupunta?" tanong ko sa kanya

"Sa condo ko" sagot niya

"Ayoko uuwi ako kukuha lang ako ng taxi." sabe ko sa kanya

Makulit talaga ang lalaking to, talagang hinila niya ko hanggang sa kotse niya.

Basang sisiw tuloy kami!

Agad naman kaming nakarating sa condo niya.

"Suotin mo to baka mag kasakit ka." sabe niya at binigay sakin ang isang tshirt.

"Sayo to?" tanong ko habang tinitignan ang malaking white tshirt

Tumango lang siya.

Agad akong pumasok sa CR ng kwarto niya at nag palit.

Mabuti na lang at lagi akong may extrang dalang panty.

Lumabas na ko ng CR. Sobrang laki talaga ng tshirt ko hanggang tuhod hahahaha.

Napatingin ako sa kusina at may nakita kong lalaking nakatalikod, may suot na kulay pink na apron.

Huh? pink?

Agad akong lumapit sa kusina at sumilip.

Nilapag ni Eight ang niluto niya sa lamesa.

"Kain na tayo." sabe niya

Pumasok naman ako sa kusina.

"May lalaking naka apron na pink kanina dito" sabe ko sa kanya

"Ha? wala ahh." sagot niya at umiwas ng tingin sakin.

Nakatopless siya ngayon, ang ganda talaga ng hugis ng katawan ng unggoy na demonyo na to.

Nilapag niya na rin ang kanin at iba pa kaya kumain na kami.

Masarap talaga mag luto ang demonyong unggoy na to.

——

"Wahhh! Di pa rin tumitila yung ulan!" sabe ko habang nakatingin sa labas ng bintana.

Nag vibrate sa lamesa ang cellphone ko kaya agad ko tong kinuha at sinagot.

"Pren——"

[ MYGHADDD!! PRENNYY NASAN KA?! BAT DI KA NAKAKAUWI?! NAADULTNAP KA BA?!! OMG!! ]

"Prenny hindi baliw ka. Nandito ko sa condo ni Otso ang lakas kasi nang ulan eh nagpapatila lang ako." sagot ko

[ Akala ko kung ano na nangyare sayo prenny pero anyway nandyan ka sa condo ni Otso? Omg alam mo ba prenny walang kahit na sino ang nakakapasok sa condo ni Otso! Ikaw lang. ]

"Eh ka——"

[ Prenny nakatopless ba siya? Omg busog na naman yung mata mo! HAHAHAHA! ]

Napatingin ako kay Otso na nakalikod sakin at tanging boxer lang ang suot.

Bigla siyang humarap sakin.

Sht!! Bakat na bakat yung V line niya!

[ Ano prenny? Sobrang sexy ba? ]

"Oo sobra" sagot ko habang nakatitig pa rin kay Otso.

[ OMG PRENNY!! ]

"Wahh! baliw ka prenny!! Babye na!" sagot ko at binaba yung tawag niya.

Kainis! Ano nangyayare sakin?!

  

Napasabunot ako sa sarili ko.

Humiga si Otso sa kama at ako eto naistatwa na sa kinatatayuan ko.

"Oh ano pang hinihintay mo dyan? humiga ka na dito."

"Hihintayin ko tumila yung ulan, hindi ako matutulog dito." sagot ko sa kanya

"Hindi na titila yan kaya dito ka matutulog." sagot niya

"Hindi, titila din yan." sagot ko at tumingin na sa labas ng bintana

"Hindi na nga."

Lumingon uli ako sa kanya

"Saka mag damit ka nga, ang lamig lamig na nga dito sa kwarto mo tapos ganyan ka pa." sagot ko sa kanya at tumingin uli sa labas

"I don't fucking care." sagot niya

Bigla akong nakaramdam ng braso sa likod ng tuhod ko at....

"KYAHHHH!! Ibaba mo ko!!" sigaw ko sa kanya binuhat niya kasi ako at hinagis sa kama.

Biglang namatay ang ilaw at naramdaman ko na lang na niyakap niya ko.

Bali nasubsob na ko sa dibdib niya.

"Matulog na tayo, ayoko ng malikot."

"pero—-"

"Babe"

Naramdaman ko na lang na nakatulog na ko at naririnig ang tibok ng puso niya.

Sobrang komportable nang gantong posisyon.

♡(> ਊ <)♡

Yashnien_Baculinacreators' thoughts