webnovel

My FakeBoyfriend

The characters and events portrayed in this story are fictitious. Any similarity to real persons, living or dead, is coincidental and not intended by the Author.

Yashnien_Baculina · Teen
Not enough ratings
30 Chs

17 Chapter Seventeen

"Hoy gising iha iho"

"Gumising na kayo"

Agad akong nagising dahil dito sa janitor.

"Otso!" gising ko sa demonyo

"Fck! What time is it?" tanong ni otso na parang naalimpungatan pa.

"7:10" sagot ko

Palabas na kami nang marinig ko pa ang janitor.

"Mga kabataan talaga"

Di ko na lang pinansin baka di lang talaga siya mahal nang mama niya.

Paglabas namin nang school ni Otso.

"Uwi na ko, hinahanap na ko ni Aliyah, mauna ka na." sabe ko kay otso.

"No, ihahatid kita." sagot niya at hinila ako papasok sa kotse niya.

Agad naman kaming nakarating sa bahay ni prenny.

"Bye, salamat." sabe ko at bumaba na nang kotse.

Pag pasok ko pa lang nang bahay ay sinalubong agad ako nang dalawa.

"Prenny ok ka lang ba?"

"Ano nangyare sayo ate?"

"Naadultnap ka ba prenny?"

"Dalhin ka ba namin sa hospital ate?"

"WHOOOPPSS! MANAHIMIK!" sigaw ko at tumahimik naman sila.

Umupo kami sa sofa at kwinento ko yung nangyare samin ni otso.

"Omyghadd!! Nakulong kayo sa iisang room!"

"Anong nangyare ate? Nagkiss ba kayo? or what?"

"Itchusera ka! Wala, natulog lang kami." sagot ko at tumayo.

"Nagugutom na ko" dagdag ko.

-----

"Hanggang ngayon hindi pa din ako pinapansin ni Zake" kwento ko habang nakangalumbaba sa mesa

Nakatingin sakin ang dalawa

"Baka naman busy lang talaga siya ate" sagot ni Aliah at tinungga ang natitirang gatas sa baso niya.

"Ano bang ginagawa mo mikmik?" tanong ko sa kanya kasi sobrang busy niya kanina pa sa cellphone niya

"Ah nag titiktok ako" sagot niya at kinuha ang cellphone. "bagong app to para siyang musically"

Napabuntong hininga na lang ako, namimiss ko na talaga ang mga ngiti ni Zake. Sana hindi niya na ko iwasan sobrang nalulungkot na ko.

"Makaligo na nga! May pasok pa tayo mag asikaso na tayo" sigaw ni Aliah at agad na umakyat sa taas.

------

"Himala at di ka pinuntahan na boyfriend mo prenny"

"Ay fake boyfriend pala" dagdag niya

Nandito kami sa loob ng sasakyan, papunta na kami ng school, mabuti na lang at nandito na ang driver ni prenny kaya hindi na siya mag dadrive.

"Sana nga wag niya na kong puntahan at di ko na lang siya makita" sagot ko

"Ang harsh mo prenny ah hahaha"

Agad naman kaming nakapunta ng school at naghiwalay para sa kanya kanya naming class

"Hi Rebecca, you're so beautiful today" bungad sakin ni Kim at tumabi sakin.

"Oo nga parang ang blooming mo" dagdag ng bestfriend niyang si Kate

Nginitian ko lang sila.

"Ay Kim tapos mo na yung project mo?" tanong ni Kate

Anong project?

"Ah oo ipapasa ko na mamaya, ikaw Rebecca tapos mo na yung sayo? Ngayon ang deadline nun eh"

Patay ako neto! Dahil sa demonyong unggoy na yun, na lock kami sa room at di ko pa nagawa ang project ko nakakainis talaga!!

"Rebecca? Ok ka lang?" tanong ni Kate

"Ah oo" sagot ko "Excuse me" dagdag ko at lumabas ng room namin.

Anong gagawin ko? yun lang ang kaisa isang project namin tapos wala pa ko, pag wala ako nun posibleng mahatak nun ang grades ko ng sobrang baba!!

Anong gagawin ko!? After ng break time namin ang subject na yun!

Napatingin ako sa gilid ko nakita ko si Zake napababa ng hagdan kasama ang iba niyang kaklase nagkukwentuhan sila at nakangiti siya.

Ang ngiti na yun nakakamiss!

Bigla siyang napatingin sa kinaroroonan ko at umiwas naman agad.

Napabuntong hininga na naman ako. Hindi niya pa din talaga ko papansin.

Hindi ko dapat muna siya iniisip dapat yung peoject ko ang unahin ko kaso pano ko magagawa yun?!

"Ms. Agustine"

Agad akong napalingon

"Pumasok ka na sa loob mag start na tayo"

"Ay sorry sir" sagot ko at pumasok na sa loob

---

Buong klase ay wala kong maintindihan sa turo, lutang na luta ako kakaisip kung pano ko gagawin ang project ko.

Napasabunot na lang ako sa sarili ko, kailangan kong galingan sa pag aaral ko dahil pag bumagsak ako dito, mawawala ang scholarship ko.

"Ok ka lang ba Rebecca?" tanong ni Bea sakin, seatmate ko.

"Ha?"

"Kanina ka pa kasi bumubuntong hininga eh, parang napakalaki ng problema mo napapasabunot ka pa sa sarili mo"

Ganun ba kahalata na stress na stress na ko dito?

"Ahh wala masama lang ang pakiramdam ko." sagot ko

Agad naman natapos ang klase at break time na.

Bakit napakabilis ng oras?! Anong gagawin ko? Habang palapit ng palapit ang oras mas lalo akong kinakabahan!

Napaupo ako dito sa hagdan.

Kung gawin ko na kaya ngayon? Tama mahahabol ko pa nama siguro 1hour break naman.

Tumayo ako at nabangga sa pader.

Hindi pala pader.

"San ka pupunta Babe?"

"Ano na namang ginagawa mo dito?" tanong ko sa Demonyong unggoy na to.

"Sumama ka sakin" sagot niya at agad na hinila ako.

"Ano ba?! Bitawan mo ko may gagawin pa ko" sigaw ko sa kanya pero parang wala siyang naririnig.

Napunta kami sa rooftop.

Nandun lahat ng BIG14, lahat talaga nandito sila, hindi sila walo ngayon.

Paano nakapasok ang mga to? Bawal ang outsider dito.

Sabagay para nga pala silang hari dito bat pa ba ko nag tataka.

WAHHHH! Yung project ko nga pala.

Hinatak ko ng malakas ang kamay ko kay otso.

Napalingon siya agad sakin.

"May gagawin pa ko!" Bulyaw ko sa kanya at agad na nag lakad

Bwisit siya! Sinasakop niya ang oras ko!

Bigla niyang hinila ang uniform ko pabalik sa kanya

"At saan mo balak pumunta babae? manlalalaki?" tanong niya

"Grabe naman boss possessive ka pala HAHAHAHA" singit ni Derrick

"Ano naman sayo?" sagot ko at sinipa ang binti niya

"SH*T!!" Sigaw niya at humawak sa binti.

Agad naman akong tumakbo.

"Mukang malakas talaga sumipa si Ms. Rebecca ah" rinig ko pang sabe nila at nag tawanan habang tumatakbo ako.

"SHUT THE FVCK UP!!!"

------

Naglalakad na ko papuntang Library, sa library na lang ako gagawa para tahimik at walang istorbo.

Biglang may humarang sakin.

"Hi Rebecca!" Si Kim at Kate

"Hello" sagot ko at patuloy sa pag lalakad.

Please lang, wag na kayo makisabay jusko!

"Saan ka pupunta?"

Hinila nila akong dalawa.

"Ah sorry nagmamadali kasi ako" sagot ko at naglakad uli.

Pero sadya talaga atang makulit ang dalawang babaeng to. Hinila pa din nila ako kumapit sila sa braso ko.

"Tara punta tayo ng canteen, ititreat ka namin" sagot nila.

WAHHHHH!!!!

"Ok lang, wag na busog pa naman ako" sabe ko at pinipilit na tanggalin ang kamay nila sa braso ko pero talagang mahigpit ang kapit nila.

"Wag ka nang mahiya Rebecca, close friends tayo kaya dapat maging komportable ka na sa amin" sagot ni Kim.

Wala na talaga kong magagawa, ang malas naman talaga ng buhay oh!

------

Tinitignan ko lang silang dalawa habang kumain, ewan ko ba bat sinasama ako ng dalawang to eh alam ko namang hindi nila ako gusto at nagkukunyare lang sila.

Napabuntong hininga na naman ako at tumungo sa lamesa.

Anong gagawin ko? malapit ng matapos ang break time! wala na talaga akong pag asa!!

"Bakit hindi ka kumakain Rebecca?"

Tatanggapin ko na lang talaga siguro na babagsak na ko ಥ‿ಥ

"Oo nga Rebecca sayang naman tong treat namin sayo"

"PRENNY!!!!"

Hays, napakamalas naman talaga ng araw na to!

"Prenny! Kanina pa kita hinahanap!"

Napatingin ako kay prenny at tumango uli.

"Hoy kayo! Anong ginawa niyo sa prenny ko?" sigaw ni Aliah.

"Excuse me, wala kaming ginagawa kay Rebecca!" sagot ni Kim

"Mga plastik!"

Bigla akong hinila ni Prenny kaya napatayo ako.

"Anong sabe mo?!" sigaw din ni Kate

Nakatingin na ang ibang istudyante dito samin.

"Ang sabe ko mga plastik kayo!" sagot na naman ni Aliah.

Agad ko naman siyang hinila palabas ng cafeteria.

Ang bunganga talaga ng babaeng to hindi mapigilan.

"Prenny bat mo ba kasama ang mga yun?" tanong niya

"Hinila nila ako eh" walang ganang sagot ko.

Bigla niya hinipo ang noo ko.

"Hindi ka naman mainit, bakit ang tamlay mo?"

Napabuntong hininga na naman ako, tanggapin ko na lang talaga ang mangyayare hays.

-------

Mabilis na lumipas ang oras at nandito na ko sa room, mag cut na lang kaya ako? Wala pa naman ang teacher namin.

Sabihin ko na lang na masama ang pakiramdam ko, uuwi na lang ako?

Tama tama! Atleast pwede pa ko mag pasa pag pumasok ako dahil valid ang reason ko!

Bat ngayon ko lang naisip yun? Ang lupet ko talaga!!

Agad kong kinuha ang bag ko at tumayo.

"Rebecca san ka pupunta? Mag kaklase na tayo" Tawag sakin ni Bea.

"Masama ang pakiramdam ko, uuwi na ko pasabe na lang kay teacher ha?" sabe ko sa kanya

"Ah ok" sagot niya

YES!!

Palabas na ko ng may tumawag sakin.

"Ms. Agustine"

Nanigas ang buong katawan ko, malas talaga! Napatingin ako kay Maam.

"Ah hello Maam" sagot ko

"San ang punta mo? pumasok ka na sa loob mag start na tayo!"

Napapikit ako ng mariin, wala na talaga akong takas hays

"Akala ko uuwi ka na?" tanong ni Bea

"Ah ok na ko" sagot ko.

"Ok ngayon ang deadline ng project natin di ba?" Pag sasalita ni Ms. Dela Vega

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko, pinag papawisan din ako ng malamig. Anong sasabihin ko?

"Isa isa ko kayong tatawagin, pumunta dito sa harap at ipasa ang project!"

Jusko! Bat ba ko naging AGUSTINE!! Napaka lapit ko sa attendance!!

"Aguilar!"

Agad na tumayo ang classmate ko at pinasa ang project niya.

JUSKO PO!

"Agustine!"

Nakatitig lang ako sa sahig, anong sasabihin ko!

"Agustine!"

Kinalabit ako ni Bea

"Uy Rebecca ikaw na"

"Ha?"

Nakatingin sila lahat sakin

"Agustine ang project mo ipasa mo na dito" Sabe ni Ms. Dela Vega at nakatitig sakin.

Tumayo naman ako.

"Kasi Ma'am....ano po"

Nakatingin sila lahat sakin

Nakakahiya!!

"Ano yun? May problema ba Ms. Agustine?" Sagot uli ni Maam

"Kasi Maam wa---

*TOK* TOK*

Biglang may kumatok at bumukas ang pinto ng classroom namin.

"Excuse me"

OTSO?! ANONG GINAGAWA NA NAMAN NIYA DITO?!

"Mr. Buenaventura ano ang kailangan mo?"

Lumapit sa kanya si Otso

"Ms. naiwan ng girlfriend ko ang project niya samin" sagot niya at kumindat sakin

HA?????

Lahat sila napatingin sakin pati si Ms. Dela Vega.

"Ok" kinuha ni Ms. Dela Vegaa ang dala ni Otso at nilagay sa lamesa.

"Alis na ko Ms." paalam ni otso at tumingin sakin, nag flying kiss siya at sinarado ang pinto.

"Ok continue na tayo, Aquino!" Salita ni Ms.

Umupo na uli ako.

Pano niya nalamang may project ako?

"Rebecca ang sweet naman talaga ni Eight sayo nakakainggit ka."

-----

Vote(つ≧▽≦)つ

Yashnien_Baculinacreators' thoughts