Maaga silang nagtungo sa conference room kung saan ay imi-meet nila ang adopted son ng namayapang Vice Chair ng kumpanya.
Maya-maya pa ay dumating na ito kasma ang abogado.
Isa itong modelo sa London kaya naman sa tindig palang ay makikita na ang kakaibang dating ng lalake lalo pa sa pananamit nito. Maaliwalas ang mukha nito at maganda ang ngiti na may malalim na biloy ang magkabilang pisngi na mas nakadagdag sa kagwapuhan nito.
Nang magtama ang mata nila ay kita niya na tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa at sandali siyang pinag-aralan habang hindi pa rin nawawala ang mga ngiti nito sa labi na bahagyang napawi nang akbayan siya ni Troy ng mahalata na nasa kanya ang atensyon ng lalake.
Naupo ito sa gitna ng long table katabi ang lawyer nito.
"This is Hanz Matthew Tolentino, the heir of the late Vice Chair's business assets which include his shares in the company." Pagsisimula ng abogado nito.
"Welcome Mr. Tolentino in the company. We are expecting to be more successful through your help like how your late father did to us." Nakangiting pag-welcome ni Troy dito at nakipagkamayan sa lalake.
"Thank you, Mr. Villas.. You may just call me Matt." Nakangiti din nitong ani saka bumaling sa kanila.
"Thank you for this warm welcome! Honestly, I don't have a background in business but I am sure I will not be having a difficult time because I think I have excellent people here." Maaliwalas ang mukhang ani nito na sumulyap sa kanya at binigyan siya ng matamis na ngiti na tinugon din niya ng ngiti.
"Makakaasa ka, Matt. Your late father has helped us a lot so I think it's our turn to help his son." Ani naman ni Troy na hindi pansin ang pamumula ng pisngi ni Al dahil sa mga sulyap dito ng napakagwapong lalake.
"Thank you, Mr. Villas!" Masaya nitong wika.
"Just call me Troy." Ani naman ni Troy.
Matapos ang pirmahan ng mga dokumentong naglilipat ng mga shares ng yumaong Vice Chair kay Matt at maipakilala ang lalake sa mga empleydo ay sama-sama ang sila ng mga matataas na opisyales ng kumpanya sa lunch sa isang eksklusibong restaurant.
"Are you married, Matt?" Tanong ni Troy dito bago sumubo ng pagkain.
"I'm single. Enjoying life, you know. How about you?" Balik na tanong nito sa lalaki na sumulyap sa katabi nitong si Al. Magka-holding hands kasi silang pumasok sa restaurant kanina at halos wala ng distansya ang mukha nila pag may sinasabi sa kanya si Troy.
"I'm engaged to this very beautiful lady." May pagmamalaking bumaling sa kanya saka siya kinindatan kaya hindi nito nakita ang pagkawala ng ngiti sa labi ni Matt. Nang humarap ulit si Troy dito ay muli itong ngumiti at tumunghay kay Al.
"You're so lucky to have Miss Bellafranco." Wika nito na natingin sa kanya.
"Yes, right?" Masiglang ani ni Troy saka siya kinitalan ng maliit na halik sa pisngi. Nagbawi ng tingin si Matt sa kanya at nagpatuloy sa pagkain.
"Kelan ba ang kasal nyo, Troy? Baka makawala pa si Al." Biro ng isa sa mga opisyal na kasama nila kasabay ang kantyawan ng iba.
"Kung ako lang, I want to marry her right now." Mabilis na sagot ni Troy.
"That's our CEO!" Papuri ng isa saka sabay-sabay silang nagcheers.
"How about you, Miss Bellafranco?" Tanong ni Matt sa kanya na tila naiinip sa paghihintay ng kasagutan.
"Ofcourse, I want to get married soon but Troy & I are still considering a lot of things. Ang importante, we're engaged & we're now doing the business together. We're not competitors anymore." Pilit ang ngiting paliwanag niya.
"So you became competitors?" Usisa nito.
"Before, Villas & Bellafranco were in great competition." Pagkukumpirma ng isa pa sa mga direktor na kasama.
"So your love story is very interesting then." Kumento ni Matt saka lumagok ng wine sa kopita nito.
"Maybe." Sagot naman ni Al na ikinatawa ng lahat maliban kay Matt na tuluyang nilagok lahat ng laman ng kanyang kopita.