webnovel

Hate Me or Love Me (Tagalog)

Alam ni Al na wala siyang magagawa kundi pakasalan si Troy- ang lalakeng kalaban noon ng kanyang kumpanya at ang itinuturing niyang mortal na kaaway mapanegosyo man o sa personal. Ngayong pagmamay-ari na nito ang kanyang pinakamamahal na kumpanya, kaya ba niyang ibigay maging ang kanyang sarili dito upang makuha lang ang lahat nang nawala sa kanya? *********************************************** (Basahin ang kapanapanabik na istorya nina Al at Troy sa "Hate Me or Love Me" Don't forget to rate it, give your positive review & some power stones. Thank you!) HATE ME OR LOVE ME Copyright by B. M. Cervantes All Rights Reserved, 2020

Blessedy_Official1 · Urban
Not enough ratings
28 Chs

X Files

Napakunot ang noo ni Al nang may nag-send sa kanya sa email na may subject na X FILES. Hindi niya kilala ang sender ngunit na-curious siya sa mga nakattach na files.

Tila huminto ang kanyang oras ng bumulaga ang mga litrato ni Troy kasama ang isang babae sa sikat na hotel sa Singapore. May mga kuha na sweet ang mga ito. May kuha din na magkahalikan ang dalawa.

Buti na lamang at kasalukuyang nasa meeting si Troy dahil kung hindi ay nasugod na niya ito.

"See me at 6pm alone. Boitiz Hills Cafe."

Nakalagay na mensahe sa baba ng mga litrato. Ngunit mas naningkit ang mata niya ng pag-aralan ang magandang babaeng kasama nito sa larawan. Tama. Ito ang babaeng nasa malaking portrait sa kwarto ni Troy na hanggang ngayon ay di pa rin inaalis ng lalake.

Napabuga siya sa hangin at pinahid ang nangilid na luha sa mga mata. Huminga muna siya ng malalim saka tumayo upang pumunta sa rooftop kung saan naroroon ang isang magandang garden at pool.

Dahil malalim ang iniisip ay hindi niya napansin si Matt na nalampasan niya sa hallway. Agad naman itong sumunod sa kanya.

"Alaire." Pukaw nito sa atensyon niya habang malayo ang tanaw.

"Hi Matt! Sorry pala kahapon." Bati niya dito na pilit ngumiti.

"No worries. Troy personally apologized to me a while ago." Nakangiti naman nitong ani habang pinagmamasdan ang malungkot niyang mukha.

"That's great to hear." Wika naman niya na muling itinuon ang atensyon sa malawak na syudad na kitang-kita mula sa roof top ng gusali na kinaroroonan.

"But you seems not ok, Alaire." Saad nito.

"I'm ok, Matt." Tila walang boses na lumabas sa kanyang lalamunan at pinigil niyang tumulo ang luha. Bumalik na naman kasi sa isip niyang ang mga litrato ni Troy na may kahalikang ibang babae.

"No, you're not. You're crying." Natatawang ani nito na sumulyap sa kanya nang magsimula ng humulagpos ang mga luha sa mga mata. Agad naman niyang pinunasan iyon.

"Here." Wika ni Matt sabay abot ng panyo sa kanya. Ngunit imbis na ilagay sa kamay niya ay ito na ang direktang nagpunas ng mga luha niya.

"If it's Troy who is making you cry then you don't deserve him, Alaire." Seryoso nitong wika habang pinupunasan ang kanyang luha.

"It's not like what you think." Saad na lang niya na iniwas ang tingin dito.

"That's what I am thinking because that's how I can see it. I know last time we talked about your relationship with Troy but I heard a different story from your employees here- that you two are just marrying each other for the sake of the Bellafranco." Wika nito.

"And you believe in that, Matt?" Napaawang ang bibig na ani niya. Maaring totoo ang sinasabi nito pero noon iyon.

"So it's not true?" Usisa nito.

Umiling na lang siya bilang sagot.

"I'm sorry if nagiging masyadong personal ang mga tanong ko, Alaire, but we're friends now right? And both of you are working together now so if there are some personal issues between you two, the company will also be affected." Paliwanag nito.

Tama naman ito. Pero kaya ba niyang ipaghiwalay iyon? Maliban na lang siguro kung hindi siya mananatili sa Villas.

"Thanks, Matt! May mga bagay na naging malinaw sa akin dahil sa mga sinabi mo." Pilit ang ngiting ani niya saka huminga ng malalim.

"I have to go now." Wika niya saka nagmadaling nagtungo sa opisina saka inutusan ang sekretarya na i-box lahat ng mga papeles niya at ilagay sa kanyang kotse saka niya napagpasyahang bumalik sa sariling kumpanya.