Lahat ay napaawang ang bibig ng pumasok sila ni Troy sa loob ng kumpanya ng magka-holding hands at panay ang haplos sa mukha niya si Troy.
Hindi pa kasi nakita ng mga ito na sabay silang pumasok sa opisina. Kung magsasabay man sila sa elevator ay wala silang imikan.
Pero ngayon ay eto at sobra naman nilang sweet.
"So kayo na talaga for real?" Tanong ni Thrina ng tawagan niya ito at ikwento ang mga nangyari.
"Yes." Sagot naman niya saka humigop ng mainit na kape. Kasalukuyan siyang nasa coffee area ng kumpanya ng sandaling siyang magbreak.
"So you let him win now?" Muling tanong nito.
Napatawa naman siya sa narinig.
"He seems true naman with his feelings, Thrina." Sagot niya.
"Seems true." Pag-uulit nito.
"Hindi naman sa may doubt ako but I want to trust him. For all those years na I hated him, I realize na since he's my soon-to-be husband, I have to forget all my grudges na para maging masaya din ako." Paliwanag niya dito.
"That's great then, Al. I'm wishing the best for you." Ani nito.
"Andito ka lang pala, babe." Nakangiting bati sa kanya ni Troy ng lumapit sa kanya. Agad nitong hinapit ang bewang niya palapit dito.
"Nasa office tayo, Troy." Natatawa niyang ani saka itinukod ang mga palad sa dibdib nito para mailayo ang sarili sa lalaki ngunit mas hinapit pa nito ang bewang kaya halos dikit na ang katawan niya dito.
"Nasanay na sila sa bangayan natin, babe. Sanayin naman natin sila sa ganito." Mapang-akit nitong wika saka sinakop ang labi niya. Dahil glass lang ang dingding ng coffee area ay kitang-kita sila ng mga empleyado doon na halos mapatili na sa kilig.
"Eherm." Pagpupukaw sa atensyon nila ng sekretarya ni Troy. Agad naman silang naghiwalay sa isa't-isa ngunit nanatiling nakaakbay sa kanya si Troy.
"We have a bad news, Sir." Seryosong wika nito.
"What's that?" Kunot-noong tanong niya.
"Na-heart attack si Vice Chair Tolentino kanina lang madaling araw. He's pronounced dead on arrival sa hospital. His body is at Haven Funerary." Malungkot na balita nito.
"Let's go." Malungkot ding wika ni Troy saka sila sabay na nagtungo sa funeraria upang makiramay sa pamilya nito.
"So where will all his assets go knowing he's single?" Mahinang tanong niya kay Troy habang nakaupo sila sa loob kasama pa ang ibang opisyales ng Villas company.
"According to his lawyer, Director Tolentino left a last will. May mga assets siyang pinabigay sa mga kaanak niya but his shares in the company will go to his adopted son. We will meet him next week dahil nasa London pa siya." Paliwanag ni Troy.
Napatango naman siya. Matapos makiramay ay nagbalik sila sa opisina. Dahil marami silang trabaho ay kapwa hindi na nila namalayan ni Troy ang oras. Gabi na ng lumabas sila at parang sila na lang ang naiwang tao.
"Dinner?" Tanong ng lalake habang nagmamaneho.
"Yeah, nagugutom na ako." Wika naman niya.
Natagpuan nila ang sarili sa isang fastfood.
"Dito talaga?" Natatawang tanong niya ng igala ang paningin sa paligid.
"We're both hungry kaya kailangan ma-serve agad. Don't be picky, babe." Pang-aasar nito sa kanya saka siya hinila upang makapila at makapag-order. Kapwa nila hawak ang tray ng inorder na pagkain pagupo nila.
"So you like pasta, huh?" Wika nito habang pinagmamasdan siya habang tila sarap na sarap sa kinakaing spaghetti.
"Yeah, why not?" Natatawa namang niyang ani.
"Well, you know naman na I love cooking and spaghetti is one of my specialties." Namumungay ang matang ani nito.
"I'll cook everything you want if you stay with me in my home." Wika nito na mas pinatiim pa ang tingin sa kanya.
"You want me to live with you in one house?" Napapantiskuhan niyang tanong dito.
"Why not? We're getting married soon. And besides, di ko kaya na nawawala ka sa paningin ko, Al." Malambing nitong wika na mas ikinalawak pa ng ngiti niya.
"At may pagkabolero ka din pala." Naiiling niyang ani.
"But I'm serious, Al. Stay at my house." Ngayon ay seryoso nitong wika na ang mga mata ay nakikiusap.
Napabuntong-hininga si Al. Alam niyang nagsimula na niyang buksan ang puso para dito pero hindi pa ito sapat upang umabot sa ganoong lebel ng relasyon.
"Give me time to think about it, Troy. But for now, ubusin na natin lahat 'to. Ang dami mong inorder!" Pag-iiba niya ng usapan. Napabuntong-hininga na lamang si Troy at pilit na ngumiti.