Tinawagan nya muna si Jorge habang naglalakad sila papuntang suit ng binata.
Asan ka na? Ang tagal mo naman gutom na ko, kunwari maktol nya sa kausap sa telepono, kahit sya mismo ang nag utos na walang paaakyatin hanggat di siguradong maayos ang lahat.sinadya nyang marinig ng binata ang pakikipag usap nya upang hindi ito maghinala.
Wag mo na awayin si Jorge may inutos pa kasi ako sa kanya sa accounting, kaya matatagalan yun, alam mo naman ang mga taga accounting hirap na hirap mag bigay ng info.kahit pa ke Jorge. Bawi nalang ako sayo mamaya ipag luluto kita ng gusto mo sa dinner.
Okay, halika na sa cave mo, akala ko ba masama pakiramdam mo?tara na para maka pahinga ka pa. Wika nya sa binata sabay angkla ng kamay sa braso nito.
Pagkapasok sa loob ng kwarto ng binata agad itong nag hubad ng suit at pabagsak na umupo sa sofa, hindi man ito mag salita kita naman sa kilos at mata nito ang pagka bahala, pero hindi ito kakikitaan ng takot, mas lamang ang galit na mapapansin sa mga kilos nito.
May problema ba?
Huh?.. Wala naman, bakit mo natanong?
Aligaga ka kasi, saka hindi normal na bigla ka nalang nagyaya magpahinga.
Well.. Masama talaga yung pakiramdam ko,thats all.
No, your lying. Diretshang sabi ni Amiel sa binata.
Anong sinasabi mo dyan? lika dito sa tabi ko, I comfort mo nalang ako kesa kung ano ano sinasabi mo dyan.
Lumapit naman sya sa binata, at agad na yumakap ito sa bewang nya at sumubsob sa balikat nya na tila inaamoy sya.
Ano ba kasing problema, sabihin mo na naiinis na ko. Kunwaring nagtatampo sya, pero gusto lang nya talagang may makuhang impormasyon mula mismo sa binata.
Bumitaw ito sa kanya at isinandal ang ulo sa likod ng sofa,tila hinahanap ang sagot sa tanong nya at makikita nya ito sa blangkong kisame.
Ano na, are you going to tell me whats bothering you or what? May pagka demandin na ang tono nya.
Napangiti naman si Hyacint, ayaw na ayaw nya ng inuutusan, ayaw nya ng demanding pero ewan ba nya, kapag si Amiel na ang ganito ang tono sa kanya tila natutuwa pa sya. Sa loob ng kulang isang buwan nyang kasama ang dalaga, nasanay na sya sa pagiging madaldal at matanong nito, malambing din, nasanay na sya sa pagiging clingy at touchy nito, mahilig kumapit sa braso nya, sumandal kaya pati sya ata nahawa nya, well syempre di nya aaminin na gusto nya yun kasi libre nyang nahahawakan ang katawan ng dalaga, pero syempre hanggang sa mga puede lang, baka barilin say ng ninong Albert nya kapag somobra. Hindi nya namalayang nakangiti na pala sya sa mga iniisip nya, tinig ng dalaga ang nakapag pabalik sa kanya sa kasalukuyan.
Ano na, sasabibin mo ba saken o kakagatin kita? Hindi nya napansin na hawak na pla nito ang kamay nya at nakaamba nang kumagat.
Nakaisip naman sya ng kapilyuhan, kaya iba ang isinagot nya.
No.ayoko...gusto lang talaga nyang, maramdaman ang paglapat ng labi ng dalaga sa balat nya.
At kinagat na nga sya...
Ouchhh.. Seriously.. Ano ka aso?.. Habang tinitignan ang kinagat ng dalaga...hindi sya talaga nasaktan pero iba ang epekto ng labi nito sa balat nya.
Naiinis na ko sayo. Nakasimangot na ang dalaga, mahaba na ang nguso nito at salubong na ang kilay, nakakunot na rin ang noo.
Natawa naman sya sa itsura nito kaya kinabig nya ito para sumandal sa dibdib nya.
Okay, ganito kasi yun, let just say there are some people that is not happy for me, and they want me out of the company or much more than that, kasi napapakialaman ko yung mga ilegal nilang ginagawa, though I already have an idea who they are I still need a solid proof for that, thats the same reason I talk to ninong Arman the same day that they inform me about you being my trainee.
So you mean, you know who are they? then why don't you do something about it. Hihintayin mo pang may mangyari sayo?.
Of course not. Kaya nga kinausap ko si ninong diba?.And based on ninong Arman's word, magaling ang body guard ko, though hindi ko sya kilala, sabi nya nya andito lang sya sa paligid, almost invisible. Kaya lang tayo andito, kasi di ako sure kung pati ikaw kaya nyang protektahan. Masuyong paliwanag nito.
Tumaba naman ang puso nya sa kaalamang may tiwala ang binata sa kakayahan nya, kahit pa nga hindi naman nito alam na sya ang tinutukoy nito.
Sa baba ng building, maraming nagtataka kung bakit alerto ang securities, isang lalake ang bitbit ng mga ito sa security room for queationing.
Nakarecieved ng text si Amiel galing sa ninong Arman nya, na nakuha na ang lalakeng tinutukoy nya at hawak na ng security, on the way na rin daw ito para ito mismo ang mag interogate sa lalake. Nang mabasa ang text saka lang sya nakahinga ng maluwag. Tinignan nya ang binatang kampanteng nakaunan sa mga hita nya, at hawak ang cellphone nito.
Maya maya pa, nagyaya na itong lumabas ng kwarto.
Halika na, nagugutom na ko, hindi na nito isinuot ang suit nito, binitbit nalang ito ng binata at hinawakan na ang kamay nya para lumabas ng kwarto,
Paglabas nila, kakaiba ang tingin ni Jorge at ni Ms.Mendoza ang sekretarya ni Hyacint.
Saka lang nya napansin ang mag kahawak nilang kamay ng binata, nakahubad ito ng suit at gusot ang damit nya. Biglang namula ang mukha nya sa gustong ipakahulugan ng tingin ng mga ito.
Nabawi lang nya ang atensyon ng mag salita ang binata, pero hindi parin binibitawan ang kamay nya.
Ms.Mendoza please cancel all my meeting for today, Jorge Ill send you a list please deliver those things on my condo, just leave it in the lobby Ill just pick it up. Uuwi na muna kami ni Amiel.
Pagkatapos magbilin ng binata, inayos na nito ang mga gamit sa mesa at binitbit na ang bag nya,
Hindi naman nakalusot sa kanya ang tingin ng dalawang kasama sa opisina, pinanglakihan nya ito ng mga mata, lumapit sya saglit kay Ms. Mendoza at may ibinulong.
Tigilan nyo yang iniisip nyo ni Jorge, bukas kayo saken pag pasok ko, banta nya sa mga ito, pero imbea na matakot, lalo pa itong natawa.
Guilty ka? Tanong pa ng babae sa kanya, sabay malisyosong ngumiti na nakapag pasimagot sa kanya..