webnovel

CHAPTER XV:TEACH ME

Dahil sa nangyari sa opisina maagang nagyaya umuwi si Hyacint, may mga ibinilin ito sa mga naiwan sa opisina at may pa deliver pa, Inaasahan na ni Amiel na kakantyawan sya ng dalawa pag pasok bukas, Sa halos dalawang linggo nyang pag sama kay Hyacint nakagaanan na nya ng loob ang dalawa, ito lang naman kasi ang madalas nyang kausap maliban ke Hyacint.

Bakit nagyaya ka na umuwi? Basag ni Amiel sa katahimikan ng loob ng sasakyan.

Wala lang, nawalan ako ng gana mag trabaho, ayoko kasi talaga nang naiistorbo ako, lalo na kung ganitong bagay, di na ko makapag focus.

So ano nalang gagawin naten?

Magpapahinga. Kakain. Ganun lang.

Pag dating sa condo, nagpalit sya agad ng damit, pahinga silang dalawa ngayon, pagka bihis, lumabas sya ng living area at nagbukas ng TV. Habang si Hyacint tila kanina pa may hinahanap sa ref.

Anong hinahanap mo?

Wala, tinitignan ko lang kung ano pang laman ng ref na dapat ko ng lutuin bago pa masira.

You do the marketing as well?

Yeah, sometimes, when I want to buy something specific, but most of the time I ask Jorge to do that or mama bring something for me. Hindi cooked ha, raw lahat gusto ko kasi ako nagluluto.

Turuan mo na ko mag luto. Ani Amiel sa binata. Tumingin muna ito sa kanya saka ngumiti.

Sige, ano bang gusto mong matutunan?

Syempre yung isa sa favorite ko, saka mukhang madali yun kaya adobo. Adobo gusto ko.

Wait magpapalit muna ako ng damit ha, mahirap mag luto ng naka long sleeves eh. Nakangiting wika nito.

Okay, hintayin kita. Excited sya.

Tumagal din ng halos sampung minuto ang binata bago lumabas ng kwarto. Hindi mapigilan ni Amiel na titigan ang binata, naka sando lang ito at cotton shorts na kalahati ng hita. Labas ang mabalahibong braso at binti nito, hindi nya napansin na nakatingin na pala sa kanya ang binata,

Masarap yan iulam, pilyo ang ngiti nito.

Nginusuan nya lang ito, sabay yaya na sa kusina.

Anong sinasabi mo dyang masarap? Wala pa tayong ulam, Halika na turuan mo na ko magluto,.. Naku naku naku.. Hyacint umayos ka at baka hindi pa luto ang pagkain makain na kita... Ohmyghad ang utak ko,,, dumudumi dahil sa lalakeng to.

Hindi naman mawala ang ngiti ng binata habang papunta silang kusina. Lets begin Hyacint, make Amiel yours. Bulong ng binata sa sarili.

Madaling turuan ang dalaga, at nag enjoy sya talaga kahit na tila kanina pagod na pagod na sya, pag kagaling ng opisina, Amiel is a breath of fresh air, nakaka relax sya kasama.

Tikman na naten. Pangungulit ng dalaga.

Kumuha sya ng kutsara at sumandok ng maliit na piraso ng karne saka isinubo dito.

Lumagpas ng konti ang kutsara kaya nadumihan ang gilid ng labi nito na agad naman nyang pinahid ng daliri nya, Huli na mg maisip nyang isa yung malaking pagkakamali, dahil sa simpleng pag dampi ng labi nito sa daliri nya, mabilis syang naapektuhan tila sya nakuryente at nanigas...

Sh't, medyo napalakas ang pagkakamura nya, sapat para makarating sa tenga ng dalaga.

Bakit, may problema ba? Masarap naman ah, inosenteng tanong ng dalaga.

Alam ko, masarap yan, pero mas masarap ako dyan. Bulong ng binata sa sarili.

Halika na, maghain na tayo, gutom na ko eh, pag iiba ni Hyacint ng usapan, para mabaling ang atensyon nya sa iba, dahil nag sisimula na naman syang ipagkanulo ng pagkalalaki nya.

Kagaya ng dati si Amiel na naman ang maririnig sa hapag, habang kumakain sila na sinasalitan ng paminsan minsang tawa ni Hyacint.

Pagkatapos kumain, abala sa Amiel sa pagliligpit ng pinagkainan nila, habang si Hyacint ay kumuha ng wine dahil maparami daw ang kain nya. Masyadong concious ang binata sa katawan, ayaw daw nya tumaba,.

Doon lang ako sa sala, papababa lang ako ng kinain naten, ang daldal mo kasi napadami tuloy yung kain ko,

Luh, sinisi pa ko, matakaw ka naman talaga. Balik pangaasar nya sa binata.

Dumaan ang binata sa likod, pero bago nakalampas ay sinundot nito ang tagiliran nya na nagpa piksi sa kanya,

Nanlaki ang mata ni Amiel, hindi ako madaling makiliti, at palagi kong kontrolado lahat ng senses ko, Hindi to maganda, nagiging kampante ako. At agad syang pomormal.

Pumunta ka na nga dun, nanggugulo ka lang dito. Asik nya sa binata

Hala pikon... Di bagay sayo.. Sabay alis ng binata na tumatawa parin.

Naabutan nya ang binata na nakaupo sa terrace, habang hawak ang bote ng wine, tila hindi na ito nag abala na kumuha ng baso na ikinakunot ng noo nya. tila ba hindi pag papatunaw ng kinain ang balak nito, napansin nya na sa sandaling oras halos kalahati nalang ang laman ng bote.

Lumingon ito ng maramdaman na palapit sya.

Care to share? Tanong nya sa binata.

Share what?

Your thoughts... Maraming nababaliw sa ganyan... Dugtong pa nya.

Are you ready to listen?...

Oo naman chismosa kaya ako. Pero wait, may kukunin lang ako. Sabay alis nya at pumunta ng kusina.

Pagbalik nya may dala na syang apat na beer in can at isang balot ng chips.

Napakunot naman ang noo ng binata.

Seryoso ka? Kakakain lang naten may bitbit ka na naman?

Pabayaan mo lang yan, kaylangan ko yan para di ako makapagsalita, alam mo naman di ba madaldal ako. Go. Kwento na. Sumalampak pa sya ng upo sa sahig ng terrace.