webnovel

CHAPTER XIII:CAVE

Magaling nga mag massage ang dalaga, no doubt about it, narelax sya sa mga haplos ng kamay nito, kaya naman di nya namalayang naidlip pala sya, nang malimpungatan, nakita nya ang dalagang tulog na rin at nakapatong ang braso sa dibdib nya, pinagmasdan nya ang dalaga, pero hindi sya tumayo sa pagkaka unan sa hita nito, nakasabog na ang ilang buhok nito sa mukha, pero hindi maikakailang napakaganda pa rin nito.

Bahagyang gumalaw ang dalaga, pero iniyakap lang nito ang braso sa leeg nya,

Unti unting dumilat ang mata nito,

Hala sorry nakatulog na rin pala ko, pero hindi nito inalis ang braso na nakapatong sa dibdib nya. Hindi na kita ginising sarap na kasi ng tulog mo ih,

Okay lang ako nga dapat mag sorry, nangalay na ata ang hita mo sa pag unan ko.

Past 10' na rin pala, dun ka na sa kwarto matulog para komportable ka, dito na ko sa couch, isa lang kasi bedroom dito eh, ginawa ko kasing office ko yung isa, yung isa naman dyan studio ko.

Hindi na okay na ko dito,nakakahiya naman sayo aagawan pa kita ng kama,

No, I insist, dun ka na sa kwarto, bawi ko sa pagkakaunan ko sa hita mo

Okay,

Hinatid sya ng binata sa loob ng kwarto.

Andyan na lahat ng gamit mo, dun sa left side yung bathroom at cr, bahala ka na, safe ka naman dyan. Bago tuluyang lumabas ng kwarto ang binata

Saan ka galing? Ang aga mo namang umalis. Tanong ng binata sa kanya ng makita syang papasok ng unit, hindi nya alam kung guniguni nya lang o sadyang nakita nya ang galit at pag aalala sa mata nito.

Pumunta kasi ako sa facilities and maintenance, tinanong ko kung gaano katagal bago maayos yung unit ko, kaylangan daw kasi nila alisin ang buong kisame para ma siguradong walang maiiwan na daga at ipis, tapos almost one week din yung pag pepest control, kaylangan pa nila alisin lahat ng gamit sa unit ko, kaya medyo matagal daw 1 to 2 months daw, yun na yung pinakamabilis.

Tagal pala, so anong plano mo?

Baka bumalik nalang muna ako sa Makati. Kaya nga kinuha ko na muna yung mga gamit ko dun. Papasundo ko nalang ke ninong Arman yung iba, bumalik na kasi ng Baguio si daddy eh.

Why don't you just stay here para di ka na mahirapang bumiyahe, wala namang kaso saken yun.

Nakakahiya naman....pero yung talaga ang plano ko kaya nga winasak ko pa yung kisame pati sa cr eh, bulong ni Amiel sa sarili.

Kagabi nga nakita kita hirap na hirap ka dyan sa couch,

No, thats fine, you stay here na, final.

Bahala ka, hindi ko yan tatanggihan, ayoko rin kasi ng bumabyahe ng malayo.

Sige na ayusin mo na yang gamit mo sa kwarto, malelate na tayo, ill just prepare our breakfast.

Saka lang nya napansin na naka apron na pala ang binata sa ibabaw ng slacks at blue polo nito.

Mas yummy ka kesa sa breakfast, isip, sabay talikod sa binata..

Sabay na silang pumapasok at, hindi na rin sya nag dadala ng sasakyan, minsan sya ang nag dadrive pag napipilit nya ang binata, pero most of the time, ito talaga ang gumagawa ng lahat, minsan nagmumukha na itong alalay nya dahil ito ang nag bibitbit ng gamit nya, iaabot lang nito kay Jorge pag nasa tapat na sila ng building. For almost one week ganun ang routine nila, bilang pambawi sya naman ang nag preprepare ng lunch ng binata, syempre katulong si Jorge mas kabisado kasi nito ang preference ni Hyacint pag dating sa pagkain.

Sino yun, bagong employee?

Sino? lingon ni Jorge sa inginuso nya.

Ayun oh, yung lalakeng naka white polo,

Siguro, pero sa pag kakatanda ko, naka stop hiring ngayon, baka bisita lang,.

Eh bakit mag isa lang tapos andito pa sa pantry?

Wait nga, bakit mo ba tinatanong yan, kilala mo ba lahat ng employee ng building?

Honestly?Yes.magaling ako mag memorize ng mukha ng tao, special talent ko yun,.

Nang lumabas ang lalake sa pantry agad syang nag paalam ke Jorge na may tatawagan at kaylangan nya lumabas dahil maingay sa loob.

Ninong? Yes, white polo, black slacks, location 9 o'clock, around 174cm, yes, make sure to alert everyone here, i checheck ko lang si Hyacint.

Hya?nasan ka, tinawagan niya ang binata pag katapos nyang kausapin ang ninong nya,

Sabi ni ninong wag ka daw muna lalabas sa office mo, tinatawagan ka daw nya, hindi ka daw nya makontak, kausap nya ang binata habang halos takbuhin na nya ang elevator.

May surprise ata sya sayo. Biro pa nya para hindi ito mag hinala.

Samantala sa kabilang linya.

Sh*t, someone must be here.

Where are you? Akyat ka na rin muna dito pabayaan mo na si Jorge kumuha ng food naten, I need to make sure na nasa tabi kita to keep you safe. Bulong nya sa sarili,

Wala naman tatlong minuto nasa opisina na ulit sya ng binata. Iniayos muna ang sarili, kinapa ang baril sa kanyang binti, na nawala sa posisyon ng halos tumakbo sya paakyat ng fire exit.

Im back, na miss mo agad ako? hahahaha.. Biro nya sa binata,na nginitian lang nito,

Dun muna tayo sa cave ko, medyo sumama ang pakiramdam ko eh. Yaya nito sa kanya, cave ang tawag nito sa suit nya sa opisina.

Pumayag sya agad dahil mas safe ang binata duon. Pero sinigurado muna nya na nabilinan nya ang mga tao ng ninong nya na walang papaakyatin sa top floor kahit si Jorge hangga't di nya siguradong clear ang lahat.