webnovel

Death Kill Academy

Death Kill Academy School of Death Is a school full of game. Larong pwede at Hinding pwede pangbata Larong puno ng mystery Larong puno ng dugo. Dadaganak ang dugo sa panibagong yugto ng buhay sa pagpasok ng mga students sa Death Kill Academy. Let's the game begin.

MissHYchii · História
Classificações insuficientes
33 Chs

Kabanata 4

Kabanata 4: The Game

#Death University

**

(Third Person Pov)

Natapos ang sampong segundo agad naman naghanap ang mga lalaking nakamaskara. Dapat sa loob ng isang oras ay makahanap sila.

Halos lahat ng estudyante ay hindi makahinga.

Pumasok ang isang lalaking nakamaskara sa clinic. May napansin siyang kakaiba sa cabinet.

Lalapit na sana siya sa may cabinet nang may nahulog na bagay galing sa mesa.

At pagsilip nang lalaking nakamaskara.

ay nakita nga niya ang pakay niya. Napangisi kasi kahit hindi panakahalating minuto ay nakakita na siya.

****

(Hayden Zyrienne Pov)

Haist.

Muntik na kami doon dito kasi kami nagtago sa cabinet sa clinic. Ito kasing si Michael panay reklamo na masikip. Malamang masikip kasi maliit lang ang cabinet at anim kaming nagtatago. 

Mabuti nga nagkasya kaming anim dito. Tss pag kami ang nahuli humanda siya.

Sino kaya ang nakita? Ano kaya ang gagawin sa nakita? Tss sigurado akong hindi maganda ang gagawin nila.

"Pwedeng na kayong  magsilabasan sa pinagtataguan niyo at pumunta sa room kung saan kayo dinala"

yun lang ang sinabi ng babaeng mukhang manika. Tss ano naman kaya ang gagawin namin doon? Nakakabanas kaya.

Tumakbo kami palapit sa room nakasarado ito. Akala ko sa loob kami ng room pupunta. Ang labo naman. Nakita namin ang kaklase naming si Kurt na nakahiga sa may teacher tables.

Hindi maganda ang kutob ko dito. Alam ko kung ano ang susunod na mangyari.

"Buksan niyo ito" Utos ni Jeseryll sa mga kaklase kong lalaki.

Sinunod naman nila ang sinabi ni Jeseryll. Sabagay kung kaya nilang buksan ang pinto eh paniguradong nakalock yan.

Pero kahit anong gawin nila hindi ito mabuksan. Tama nga ang hula ko.

Tumawa ang babaeng manika sa speaker dito. Tss tawang witch. Anong akala niya nasa movie siya? At siya ang kalaban? In her dreams.

"Haha!! Huwag niyong pilitin buksan yan. Kasi kahit anong gawin niyo hindi yan mabubuksan.

Panourin niyo nalang ang mangyayari sa kanya.

Sigurado ako magugustuhan niyo" Mahabang litanya niya.

Ito na ba ang ibig sabihin ng babaeng multo? Tss mukhang ba kaming masisiyahan pag-nakita namin to? Mag-isip kaya siya sabagay siraulo naman ito o physchopath.

Letse alam ko ang ibig sabihin nito. Sabagay una-una palang ay alam ko na.

Nabigla kami ng sumigaw si Kurt nang tulong. Walang makakatulong sakanya dito.

May lubid kasi sa leeg niya at unti-unting ito tumataas.

Hanggang sa malagutan siya ng hininga. Game Over na.

"Pasensya na Kurt" Mahinang sabi ni Kathleen. Tumingin lang ako kay Kathleen na malungkot nakatingin sa katawan ni Kurt.

Bakit naman siya ganyan? Saka hindi niya kasalanan kung bakit namatay si Kurt.

Bakit ko binalewala ang babala sa akin ng babae? O saydang wala akong paki alam?

Nabuksan ang pinto at pumasok doon ang mga kaibigan ni Kurt.

Ang iba naman tulala umiyak at hindi makapaniwala sa nangyari. Inilibang nila siya. Hindi na ako sumama sakanila.

Napansin ko rin na may malaking slice sa noo niya na numero uno or number 1.

Sa tingin ko ang ibig sabihin ng number one ay siyang unang namatay.

May susunod pa ba? Kung ganun sino?

****

(Shawn Pov)

Namatay na si Kurt ang matalik kong kaibigan. Na parang kapatid ko na.

bakit ba ito nangyayari sa amin? Sa pagka-alala ko wala kaming ginawang masama. Puro lang kasi kalokohan ang nasa isipan namin. Pero wala talaga kaming nagawang mali sa iba.

"Wala na si Kurt" Sabi ni Lucas. Nakayuko siya habang nakakuyom ang kanyang kamao.

Hindi ko mapapatawad ang gumawa nito kay Kurt. Kung makita ko lang siya ay papatayin ko talaga.

"Nakakalungkot naman" sabi ni Lucian. Habang nakatingin sa malayo.

I need to get Revenge. Pero paano?

"Sana makalabas tayo dito" sabi ni Tristan.

Puro nalang kami sana.

Kasi walang kasiguraduhan kung makakalabas ba kami dito. Pero gagawa kami ng paraan na makalabas kami.

****

(Alden Zack Pov)

"May namatay na sa atin" Sabi ni John. Tss nakita ko no. May mata ako.

Napatingin ako kay John.

"Alam ko" Kunot noo tumingin sa akin  si John.

Tama nga ang babala nung babae sa akin kanina. Sana may nagawa lang man ako pero wala eh.

****

(Flashback)

Habang palapit ako kila Greg dahil pumunta kami kanina sa Cr.

Nakita ko may babae na nasa ilalim ng puno. Pamilyar siya sa akin. Parang nakita ko na siya pero diko lang matandaan.

Lumapit ako sa kanya at kakalabitin ko sana nang magsalita siya.

"Malapit na magsimula ang sumpa kaya mag ingat kayo"

sabi niya at naglaho bigla.

Anong sinasabi niyang sumpa ?

Weird. Okay nakameet ako ng multo? Pero mabait naman siya ah.

(End Of Flashback)

****

Bumalik bigla sa isipan ko ang takbong iyon kanina.

"Sa tingin ko may sumpa itong paaralan nato"

Naagaw ko naman ang atensyon nila. Center of Attraction talaga ang mga gwapo.

"Paano mo nasabi Alden?" tanong ni Greg. Mukhang hindi naniniwala.

"Sa tingin ko lang"

Hindi ko pa kayang sabihin sakanila ang nakita ko at narinig. Saka hindi pa ako sigurado kung totoo ang sinabi ng babae kanina.

"Bumalik na nga tayo sa room" yaya sa amin ni Kenneth. Excited ang mga loverboy haha.

Sus excited lang siya makita si Loren. Crush niya kasi. Kahit na ako ay hindi ko alam kung bakit niya nagustuhan?

****

(Hayden Zyrienne Pov)

Nakatambay lang kami sa room. Wala namang kaming magawa diyo.

"Guys maglaro nga tayo" Aya ni Chanelle. Na mukhang batang excited na maglaro.

Laro? Tss wala ako sa mood.

"Sige anong laro?" Tanong ni Kathleen. Char interesado si Kathleen?

"Truth or dare. Tada!" pakita niya sa amin ng bote ng mineral.

WHAT THE FUCK?! Aayaw sana ako kaso magmukha namang akong KJ lalo na maraming sasali.

"Sali kami" Sabi ni Justine yata

kasabay niya ang kaibigan niya.

Wala na akong nagawa kundi sumali. Sana hindi ako matamaan.

Inikot ni Chanelle ang bote napalibot kasi ito sa amin at tumama kay Kathleen.

"Truth or dare?" Tanong ni Chanelle.

Naghihintay kami sa sagot ni Kathleen. Mukhang nag-iisip siya ng mabuti.

"Dare"

diretsong sabi ni Kathleen. Char matapang?

Ano naman kaya ipagagawa sakanya? Sigurado ako na may kinalaman sa love.

"Kurutin mo sa pisnge si Arth" agad naman kinurot ni Kathleen sa pisnge si Arth. Tama nga ang hula ko. Kinilig pa si Arth sabagay may crush si Arth kay Kathleen. Kapag ba pinisil ka ng crush mo sa pisnge kikiligin ka talaga? Hindi ba pwedeng mainis?

Ang sagwa nilang tingnan. Sabagay wala akong crush o di kaya ay lovelife kaya di ko alam ang feeling.

"Ang cute niyo ayiie bagay kayo" sabi ni Jeseryll at sinsundot ang tagiliran ni Kathleen lumalayo naman si Kathleen kay Jeseryll.

Inirapan niya si Jeseryll.

"Shut up. Kashieca"

sumimangot naman si Jeseryll second name niya ang Kashieca kaya ayaw niyang magpatawag. Nag-pangalan pa siya kung ayaw niyang magpatawag ng ganun.

Inikot ni Kathleen ang buti at tumama kay John. Sus Jeseryll naman ang sagot nito panigurado.

"Truth or dare?" Tanong ni Kathleen.

"Truth"

Matapang Huh? Lovelife naman ang tanong dito panigurado?

"Who is the girl you like the most?"

tanong ni Kathleen. Tama nga ang hula ko.

"Jeseryll Flores"

sabi niya napa ohh naman ang mga lalaki. Tss kulang pangalan ni Jeseryll. Diba dapat alam mo ang boung pangalan ng iyong crush.

"It's Jeseryll Kashieca Flores" Ang taray ko naman. Nanahimik sila ng magsalita ako? Anyare?

Inikot ni John ang bote at tumama sa akin wrong timming. Sana hindi lovelife ang tanong dahil wala silang makukuha sa akin.

"Truth or dare?"

"Truth"

Humanda ka talaga pag-lovelife yan.

"Sino ang pinakahate mo dito sa mga lalaki?" Tanong niya.

Napa-isip naman ako. Lahat ng mga lalaki ay hate ko. Pero may nangunguna.

"Si feeling gwapo na Manyak na badboy Alden Luxes"

Hindi ko malilimutan ang ginawa niya sa akin. Yung pag-ngisi niya sa akin. Natawa naman ang iba. Siya naman ay nakangisi lang.

"My name is Alden Zack Luxes and  I like you Hayden Zyrienne Reduxes" Sabi ni Alden sabay ngisi. Akala siguro niya ay magugustuhan ko siya. Asa!

"I don't care Manyak"

Tsk Hindi ako maiinlove sayo PERIOD.

Nagpatuloy kami sa paglalaro. Habang nakangisi siyang nakatingin sa akin. Tss what a Badboy Manyak.

****

P/S: Thanks a lot.

-@missHYchii